anawangin cove

So nagkayayaan kaming mga sawi na mag-camping sa Anawangin, Zambales ngayong VD. Twelve kami, 6 chakitong guys and 6 chakitang girls. Excited ang lolo ninyo, pagkalogout sa ofis ay umuwi agad para maligo at pumunta sa aming meeting place. Sa pagmamadali, hindi na ako nakapag-vocal solo habang nagshoshower.

Dahil celebrity ako, ako na lang pala ang hinihintay. Bumyahe kami agad pagsakay ko sa van.

Tinext ko si Bong na taga-Zambales, "Hoy, malapit ba kayo sa Anawangin?" Baka sakaling madaanan ko sya at maisama, alam ko pa namang sawi rin sya dahil kay Gemma.

Sagot nya sa akin, "Ano yun?" Useless ka talaga Bong.

Pagdating namin sa Zambales, pumunta na kami sa sakayan ng bangka. Maaliwalas ang panahon, mapayapa ang alon. Picture-picture at sight-seeing sa mga nadaanan naming rock formations sa mga cliffs sa mga isla... And after 30 minutes sa laot, nasilayan na namin ang aming destination.

Anawangin Cove... White sand. Malayo sa kabihasnan, accessible via boat lang. Walang kuryente, walang matutulugan kundi tent, walang videoke, wala lahat. Walang auto-load. Walang signal. Bring your own tubig at pagkain. Back to basics.

Pagdating dun, set up ng tent at luto ng hapunan. Dun sa ilalim ng pine trees (yes, tumutubo ang pine trees sa buhangin). Nagluto sila ng adobong nagswiswimming sa sabaw, medium rare na inihaw na pork chop, at unknown dish kung saan parang nag-elope ang Century Tuna at okra (masarap ito try ninyo). Ang kanin, hilaw at sunog.

Naligo kami sa beach nung sunset na, para hindi matusta ang aking skin. Please note na kahit saang beach ako mapunta lagi ko itong icocompare sa Abrac Beach ng Bolinao at so far, walang binatbat ang Anawangin.

Kung maghaharap ang Abrac Beach at Anawangin Cove:

Abrac: Suck my dick, biyatch!

Matapos maligo ay naduduling na ako sa antok kaya diretso na ako sa tent para ihiga ang aking katawang tao. Kailangan kong mag-ipon ng kapangyarihan.

Paggising ko, nag-iinuman na sila ng The Bar Apple. Mapapansin mong date rape ang tema ng aming VD Camping dahil mas marami pa kaming dalang The Bar keysa sa tubig.

Naka-walong The Bar na sila nung sumali ako sa inuman, kaya yung iba eh medyo ngenge na, lalo na si Frank, na sa gitna ng pagkwekwentuhan ay biglang nahuhulog sa upuan o natutumba patalikod at bubulagta sa lupa, naka-dipa pa ang kamay na parang naghihintay ipako sa krus.

Tatlong beses namin syang tinulungan makabangon. Nung pang-apat na pagkatumba nya, hindi na kami nag-abala. Bumangon sya mag-isa.

Dahil wala ako sa mood magpakalasing, ang inaabot sa aking shot ay palihim kong tinatapon. Dahil candlelight, hindi nila napapansin.

Nung maubos na ang inumin, pumunta muna kami sa beach para magkwentuhan ng mga multo-multo... habang nakahiga sa buhangin at tinitignan ang mga stars na nagkikislapan sa langit. Nagsilabasan sila lahat ngayong gabi, parang alam nilang Valentines' Day ngayon, at alam nilang maraming mga hopeful souls ang mauubusan ng topic sa gitna ng pag-uusap at magsasabing,

"Tignan mo oh, ang daming stars..."

Bumalik na kami sa tent para matulog/makinig sa ungol ng ibang tents. Ito siguro ang pinakapaborito kong part, ang pagtulog sa ilalim ng mga pine trees, dinig na dinig ko ang alon sa dagat, naririnig ko ang lahat, pati outer space, na parang tunog kapag malakas ang ulan sa labas, o kaya ng hangin sa loob ng seashell.

Paggising sa umaga, nag-mountain climbing pa sila pero hindi na ako sumama kasi wala akong sapat na kapangyarihan na umakyat.

Natulog, nagpicture-picture, at hinintay ang pagdating ng bangka pabalik sa mainland.

Pagdating ng bangka, sumakay na kami...

At ang putanginang romantic experience ay naging near-death experience. To be continued.



Sa mga nagrerequest na mag-post ako ng pictures, Opo magpopost ako, inaantay ko lang sila mag-upload wala kasi akong dalang camera at lowbatt naman ang phone ko nun. Tnx mwahchupah.

19 comments. Post your comment here.:

chie said...

picture naman jan .hehe
ginoogle ko ang anawangin...at in ferness maganda sya.
nami-miss ko tuloy ang aking palawan hometown..

DRAKE said...

naks installment pala ang kwento!

Sige na nga babasahin ko yung next.

Kosa said...

Nakapunta na rin ako dyan parekoy.. mga years ago...
wala pang camera nun. hehe

Teka, penge naman ng Picture picture.

Ok na sana eh..

ANu nangyari?
hehe:D

Dhianz said...

hmmm.... sige abangan na lang ang next part... later parekoy... Godbless! -di

Mangyan Adventurer said...

Syempre dapat may picture diyan... Hehe :)

Sayang hindi ka sumama sa Mountain climbing... Exciting kasi 'yun... Hehe!


Makakapunta rin ako diyan this March!

KESO said...

kuya, picture naman dyan. parang ang saya saya at ang gnda gnda nung lugar.

The Gasoline Dude said...

Memorable sa 'kin ang Anawangin. Una kong punta diyan eh mga 2-3 years ago. At mga bloggers ang mga kasama ko na kakakilala ko pa lang nun. LOL

Tapos sobra akong nalasing diyan. At dahil brokenhearted ako, wala akong ginawa nung gabi kundi ang umiyak ng umiyak. Ampf.

Sana makabalik ulit ako sa Anawangin.

gillboard said...

pictures sana ikukumento ko... kaya lang sinagot mo na bago ko pa natapos basahin yung post... hehehe

Victor Gregor said...

LOLs at "Tignan mo oh, ang daming stars..."

Namiss kong mapadpad dito. :D

Ape said...

langya! nakakabitin.

Boy Tapon ka pala ah...alam ko na istilo mo pag tayo nagkasama sa inuman. lol.

part 2 please.

Yj said...

pakyu... eh kung dito ka nalang sa bahay ko pumunta nung balentayms, may inuman din... at plenty of boylets... hahahahaha mabubuhangin nga lang... pero at least para ka na ring nag bach nun... bwahahahaha

charot.... near death experience nanaman.... may sumpa ka talaga friend....

Jepoy said...

Nakakabitin naman ang putanganeng kwento mo!

Chingoy said...

abrac vs. anawangin.... kelangang makita ko ang mga ito..

Em said...

Abrac beach eh? Mukhang mas malapit sya kaysa sa Anawangin... :D

gillboard said...

saan yung abrac beach?

at kelangan talaga mambitin sa kwento... hinahanap ko yung near death experience... sa susunod pa pala... hehehe

glentot said...

Chie hanep sa plugging ng hometown! Heheh uyy isama mo naman kami dun... Gusto ko pumunta dun...

Drake eko eh hindi naman namimilit na magbasa ka kasi alam kong tamad ka malamang page 4 ka pa lang sa Kapitan Sino.

Kosa wag mag-alala magpopost ako ng pic pag nagupload sila. May kubeta na ba nung nagpunta ka dun???

Dhianz hehe salamat sa iyong suporta!!!

The Gasoline Dude huwaw Sex eyeball ba ng mga mga bloggers un hehehehe at EMO ka pala malasing hulaan ko kung saan ka umiyak, sa dalampasigan ahahaha peace

Gillboard may mga nagdemand na ng pics eh kaya inunahan ko na hehehe

Victor Gregor saan, sa Anawangin o sa blog ko hehehe salamat sa pagdalaw...

Ape hmm like minds think alike siguro gawain mo rin yun

YJ oo may sumpa talaga sa buhay ko kaya kung sa bahay nyo ako pumunta malamang madamay ka sa sumpa at ngayon ko lang nalaman na gagawin mo talaga ang lahat sa ngalan ng kalalakihan, pati kumain ng buhangin hehehe

Jepoy plastic ka hayup ka for sure wala ka lang macomment

Chingoy believe me taob ang Anawangin

Em you've been there? And the better question is, BUHAY KA NA PALA??? hehehehe I missed reading your comments!

Abrac Beach is in Bolinao, wanna go? hehehehe

Em said...

Abrac beach sounds fun! :D pero sa long leave ko nalang... hindi sa April... :)

salbehe said...

Oha, nakapagbackread ako hanggang dito using RSS Feed, at talagang pino-promote ko ang RSS Feed!

Naaliw ako sa kwento ng friends, pinsan, tita at kapitbahay nyo. Feeling ko din ang kulit ni Mudra Doris. Parang hindi din ako naniniwala sa movie review mo kahit hindi ko pa napapanood ang ilan sa mga movies na ni-review mo. :) Ako yata yung sumisigaw na matrona sa Alice, sorry na. Pers taym ko manood ng 3D.

Lagi din ako pumupunta sa Baguio, pero namiss ko ang Panagbenga ngayong taon. Wala eh, bwisit na trabaho.

At yung Anawangin! Isa yan sa fave place ko, twice na ako nakarating sa Anawangin at balak uli namin dayuhin this year. Pasalamat kayo hindi tuluyang lumubog yung bangka kasi may kwento yung isang friend na lumubog yung bangka nila, wala, pinagtawanan lang namin. :P

Feeling ko din may kwento ka tungkol sa aso nyo, pero hanggang dito na lang kaya kong ibackread, bwisit na trabaho.

xyza bacani said...

its my 3rd day reading your blog ..super backread talaga ako..kaadikan much..hehe keep it up

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding