drum and lyre corps

Bago ang lahat, shoutout muna to Istibi na balita ko ay nagrereklamo dahil wala pang new post. Etong sa'yo! Tugsh!


Trip down memory lane na naman ito mga Kids, at malamang walang mabuting maidudulot, maaalala ko lang ang mga hinagpis na inabot ko sa aming school. Wala lang. Masarap alalahanin ang nakaraan eh. Parang makating sugat na masarap kamutin hanggang dumugo uli. Emo???

Sa aming hometown of Bolinao, apat lang ang high schools (sa pagkakaalam ko). Nandoon ang ANHS, BNHS, at syempre nandun ang school namin, ang CBHS. Hulaan ninyo kung ano yung CB hehehehehe. Kung CallBoy ang sagot ninyo WRONG! ERROR!

Private school yung school namin at kahit papano, quality education naman, kasi mas konti kaming estudyante, may calibre naman yung mga teachers, at mas well-equipped naman kahit binabagyo. At sikat ang school namin sa dalawang reason: #1 mahilig kaming sumali sa kung ano-anong provincial contests and lagi kaming talo, consistent yan (joke) at #2 meron kaming kick-ass Drum and Lyre Corps.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Drum and Lyre Corps ay isang corps na may drum and lyre. Meaning, kapag may piyesta, kami ang tutugtog sa parada sophisticated kami. Kami ang tumutugtog kapag may prusisyon pinaka-engrandeng musical event sa aming town. Minsan inaarkila kami ng ibang baryo Kinaiinggitan kami ng mga ibang municipalities.

Ngunit sa likod ng lahat ng glamour at showbiz ay nagtatago ang isang malagim na katotohanan sa DLC... at ikukuwento ko ang lahat-lahat.

Noong freshman year ko sa CBHS, sabi ng aming guro,

"Naku class, kung ako sa inyo, sumali kayo sa DLC."

Kaya yun, agad akong nagparegister sa DLC, kahit wala pa akong drums. Sabi kasi ng aming guro, kapag kasali ka sa DLC, hindi mo na kailangan mag-PE. (Alam naman ng lahat ang aking masasamang karanasan sa PE). Dadami rin ang extra-curricular activities mo tuwing may event ang DLC, at makakatulong ito sa iyong pakikipagtunggali sa honor roll at malaking tulong sa iyong career pagdating ng panahon.

Sinubukan ko naman mag-PE muna, at hindi ko masyado nagustuhan. Kasi naman, alas-kuwatro ng hapon yung schedule ng PE, kung kelan pawisan at amoy araw na ang lahat. Magsisiksikan kami sa isang classroom (boys ng apat na sections). Eh wala rin akong natututunan sa PE dahil sa kaklase kong si Randolph. Habang naglelecture yung teacher namin tungkol sa calisthenics, naglelecture din si Randolph about pornogrpahy, masturbation and premarital sex. Syempre hati ang atensyon ko diba.

Tapos parang may social status kasi sa school namin. Kung DLC ka, elite ka. Kung PE ka, magbubunot ka ng damo matapos ang klase. Ang mga DLC, mababango. Ang mga PE, mababaho so LUPA (joke). Kung DLC ka, marami kang out of town events. Kung PE ka, marami kang exams.

Kaya sumali na ako agad sa DLC. Eh si mudrax Doris, may kakilalang newly graduate sa CBHS na hindi na gagamitin ang drums nya, kaya hiniram niya para yun ang gamitin ko. Binilhan rin ako ng uniform na color royal blue at pants na ubod ng white. May sash, belt at wristband na rainbow colored. May sombrero pa kaming may yellow feathers sa harap. I know right? Sexy.


Alam naman ng lahat na mahillig ako sa diagram dahil ayoko magpost ng kadiring pix.

At doon nagsimula ang kalbaryo ko sa buhay.

Tuwing Huwebes ng hapon meron kaming practice. Yup!

Nga pala, ang DLC ay binubuo ng Majorette (my bestfriend na Dyan na tatanga-tanga sa parada), Flaglets (mga dancer na may hawak na flag, kabilang dito si Khikhi), mga Lyre (sila lang ang talagang musicians), mga Snare Drums (yours truly), Bass Drums, Quadruple Drums, at ang pinakawalang-kwentang Cymbals.

Syempre kaakibat ng nakakadiring costume, meron din kaming nakakasulasok na playlist:

Mabuhay Theme
Pambansang Awit
Atin Cu Pung Singsing
Modelong Charing (I know, groovy right?)
Chicken Dance

Mga unang araw pa lang ng pagpractice, nagsisisi na ako. Nakakangalay ang tumayo nang matagal, minsan nagmamartsa pa. Nakakapagod magdrums nang paulit-ulit lalo kapag yung putanginang Chicken Dance kasi ang bilis bilis nun. Nakakainggit kasi yung mga PE, tapos na magbunot ng damo at nagsisiuwian na, pero kami nandun pa at tumutugtog. Irate pa yung teacher namin.

"Hoy! Pag sinabi kong march, maaaaaaaaaarch!"

"Hoy mga Flaglets hindi kayo sabay-sabaaaaaaaaaaaaaay!"

"Yung mga Lyre wag kayong magkuwentuhaaaaaaaaaaaaaaan!!!"

Kung alam niyo lang, hindi ako nageexaggerate, ganyan talaga si Sir Gary.

I mean, Sir Gaaaaaaaaaaaaaaaaaaary.

Nakaka-inspire diba? Lalo kapag nanonood yung principal namin. Talagang nagmamartsa kami lahat, sabay-sabay sa takot na ma-single out at maging laman ng usapan sa mga susunod na linggo. Sa takot kong maging out of tune, nagprepretend lang akong magdrums, pero hindi ko pinapatama yung sticks.

Nagsimula ko nang kamuhian ang Thursdays. Pere hindi pwedeng magdahilan lang at hindi umattend ng practice, kasi may attendance, at kapag may absent ka, babawasan ang grade mo. Kahit masama ang loob ko, patuloy pa rin ako sa pagprepretend na pagtugtog.

Pag-uwi ko sa bahay, humihingi ako ng Salonpas kay Doris.

Ang pinakamasaklap, may practice kami minsan kapag Sabado, lalo na kung may parada ng Linggo. Bwisit diba?

At ang nakakaasar pa, sa ilalim ng init ng araw kami nagpapractice, lalo kapag kailangang practisin ang formation. Paikot-ikot kami sa putanginang playgound. Ang itim-itim ko na nun, mukha akong uling na nagkatawang tao at nag-drums.

Minsan gumagawa na lang kami ng paraan para maging masaya ang practice. Kapag may dumadaang libing, tinutugtog namin ang "Mabuhay".

At dahil napaparami na ang practice namin ay kung saan saan na kami sinasabak. Noong una, mga parada lang sa town namin. Mabentang mabenta kami kapag may United Nations, Foundation Day, o kaya prusisyon ng simbahan. Nakakabwisit. More na more ang extra-curricular activities namin pero pagod na pagod naman ang katawang lupa. Ito ba ang sakripisyo sa ikauunlad ng career? Isang naghuhumidig na OO!

Hindi pa nagtapos diyan. Kapag may activities sa kabilang town, in-eexport pa kami.

Sinasakay kami sa isang trak. Trucks, para sosyal. Dalawang trak, para kasya kami lahat. Siksikan, nakatayo sa init ng araw, at tuwing prepreno ang trak ay napapatambling kami. Hindi yung pacute na tambling, as in literal na tambling. May mga nabaling flagpoles, mga nabutas na drums, mga susong nahipo at mga pepeng nagasgas. Buti sana kung malinis yung trak, HINDI. Ang last na sinakay ng trak ay mga bakang kakatayin, kaya may tendency na puro tae ung sahig.

Di nagtagal sa pagsakay namin sa trak, natutunan na naming mag-ingat... at mag-enjoy sa kapaan ng organs. Kasi pagbaba namin sa baryong dinayo namin, magsisimula na ang kalbaryo.

Dahil parada tutugtugan namin, naglalakad kami sa town nila. Kung 'town' bang matatawag ang mga bahay-bahay na napapaligiran ng puno, mga bukirin, mga underdeveloped barrios meaning RURAL as in POOR FAR FLUNG AREAS na parang noon lang nakakita ng celebrities like ME. Mainit, malagkit, maputik, dukha, tiniis ko lahat sa ngalan ng extra curricular activities. Dagdagan pa ng napakainit na putanginang costume, para kaming mascot na piniprito habang tumutugtog ng bwisit na Ating Cu Pung Bullshit.

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid at panlalait sa mga nadadaanan naming barbarriotic.

"Hoy Glenn! Huwag kang nagkukuwaring nagdudrums diyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!"

Irate na naman si Sir Gary. Hindi talaga sya friendly kapag may parada. Naglalabasan ang litid nya sa leeg at noo. Palibhasa kapag kami ang pumalpak, sya ang mananagot.

Impyerness, lagi naman kaming may miryenda. One time napakasaya namin nung nagpunta kami sa isla ng Anda at pinag-Jollibee kami. Minsan naman, pinakain kami ng siopao na pusa! Yun lang ang memorable, dahil ang usual na feeds namin ay Funchum at putanginang Skyflakes.

Dumating ang time na pakiramdam ko may osteoporosis na ako sa pagdudrums kaya nagconvert ako into Cymbals. Mas magaan, mas madaling tugtugin, pang-no brainer. Kaso lagi akong bingi. Kaya bumili ako ng cymbals na mahina, tunog lata naman, at laging nasisigawang "Supooooooooooooooooooot!" At ang nakakabwisit pa, laging may solo ang cymbals kaya hindi na ako pwedeng magpretend lang, kasi dalawa lang kaming cymbals... yung isa hulaan ninyo kung sino...


...si Leon ahahahahaha (remember???)

One time nagkaroon ng isang big deal na Drum and Lyre Competition sa Alaminos. Nagkandarapa kami sa kaka-practice at nag-hire pa ng magtuturo sa amin ng aming routine.

At in-update ang aming playlist, dinagdagan ng:

Livin' La Vida Loca
Voltes V

Instant hit ang Livin' La Vida Loca sa amin. Paborito na namin sya. Keysa naman sa Chicken Dance diba???

Nung papalapit na ang competition, puspusan na kami sa pagpapractice as in araw-araw, samantalang ang mga PE eh pasarap lang sa pagbubunot ng putanginang damo na hindi naman nababawasan kasi araw-araw tumutubo. Sinusumpa ko talaga tuwing ibinibilad kami sa ilalim ng araw para magpractice. Parang gusto kong himatayin na lang at magising sa ibang dimensyon.

Pagdating ng araw ng competition, bumyahe na kami patungo sa Alaminos (hindi na trak para hindi nakakahiya).

"A round of applause for the CBHS Drum and Lyre Corps!"

To cut the long story short talo po kami. The End! Bye Kids Mwahchupaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

13 comments. Post your comment here.:

citybuoy said...

ay wawa. ayos lang yan. at least may natutunan ka. mas madali magbunot ng damo. kaya magdamo nalang tayo lahat. haha

Ayie said...

Kaya pala meztiso ka. heheheh! Nung nasa grade school ako gusto ko ring sumali sa school band--mehjoret baga!

Pero sabi ng tatay ko bawal daw dun ang pango at ayaw nyang ipangalandakan ko ang aking mga legs na mana sa binti nyang palo palo, nakakahiya daw sa lahi namin.

Tsk. Moment ko ng mga pokpok na award pa!

Lord CM said...

Hehehe :D Base sa nakaraang entry mo tungkol sa PE at saka dito, magpi-PE na lang ako! lolzz

DRAKE said...

Daldal! Ang daming kwento at may effort pang gumawa ng diagram! Naks! Kariran na ito!heheh

POTAH KA GLENTOT UTOT!in short INGAT

Jepoy said...

Puta ka kahit na ikwento mo na ito 'nung nilibre mo ko ng sturbucks eh iba parin mag naka sulat na. Puta! Natawa ako talaga sabi ko hihihihihi

God Bless!

Chingoy said...

anak ng putcha... ganun lang?!!! bakit tinapos mo agad??? bakiiiiit!!!!! haaaaaaa?????

kikilabotz said...

ayun talo. hahaha. pero parang masaya naman mga experiences m dun. haha. im sure pag mauulit ang panahon sasali k p rin dun

SLY said...

grabe ang tawa ko sa kwento mo, lalo na yung sa truck portion. idol na kita! hahahaha

di ko na-experience yang DLC na yan, boy scouting kinuha ko para sosyal at dahil katabi lang namin ang girl scout office, nyehehe.

ingat!

s said...

wow ngayon ko lang nabasa ito Mr. Glentot.

Lagi ko kasing tinatanong si Jepoy Pek2 kung asan na ang entry mo. haha!

Yan pala ang DLC! ibibilad ka sa initan..parang ROTC

gillboard said...

astig... aliw kaya ako sa mga ganong klaseng banda!!!

cool..

kahit medyo mahaba yung kwento.. hehehe

p0kw4ng said...

ang pagpipilian naman sa amin non eh ROTC o dyan sa banda banda na yan...sa ROTC na lang ako kasi di papasa logs ko sa banda,ahahaha!

glentot said...

Citybuoy ibang damo na yata tinutukoy mo hehehehe ilikethat

Ayie nilalait na naman sarili tsk tsk tsk

Lord CM hmmm hanggang ngayon ako hindi pa rin makapagdecide kung ano dapat kinuha ko...

Drake para namang di mo ko kilala F for Effort

Jepoy plastic ka kilala kitang hayop ka

Chingoy ano??? yung ganun kahaba nabitin ka pa hehehehe

Kikilabots di pa rin ako makagetover sa music video mo gusto ko rin gumawa nun

SLY maniwala ka natry ko rin yun at may separate story sya hehehe

Istibi alam ko ikaw yan hehehehe salamat

Gillboard hirap pagtyagaan no hehehe

p0kw4ng for sure na-gangbang ka sa ROTC hehehe joke mwah

Ayie said...

At sinong lalaitin ko? Ikaw? Masyado ng obvious para ipangalandakan pa...hahah! Hindi, sabi ni Angie 'may dating' ka eh. Iba daw ang arrive--ewan ko lang.

Hahahah!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding