inglorious, a valentine's day shit

Minsan lang ako magsulat ng tula sa Tagalog. Minsan lang ako magpaka-emo. At minsan lang ako magbubukas ng aking puso...♥ (At mukhang hindi na mauulit dahil alam kong puro panlalait ang aabutin ko sa inyo mga hayop). Ngunit ganun pa man, basahin nyo sana ang kabaduyang tula ko, special post para sa Valentines' Day, lalo na sa mga nagmahal at iniwan (literally).

Ngayon ko na ipopost wala kasi ako Internet access sa February 14. Busy kasi ako nun eh, maraming iyotations.



Inglorious



Hindi papantay
Ang lakas ng pagbuhos
Ng mga binilang nating butuin
Sa kalawakan, o
Ng pinakamapusok
Na kulog sa himpapawid,
Kahit pa ang pagkagunaw ng daigdig,
Na dati nating ginalawan,
Sa lamig ng tinig mo,
Sa huli nating pagkikita,
Sa huling dampi ng kamay mo, sa
"Uhm, una na ako," at sa
Huling tingin sa malayo, sa
Huling yuko, sa una mong hakbang,
Sa nakakahiyang katahimikan,
Ang hamog sa pagitan nating
Nababasag, nalulunod
Sa bawat unos
Ng buntong-hininga mo
Sa bawat mong yapak
Sa iyong landas
Papalayo.

: (



(Para sa mga tulad kong sawi. And my special message to Gianina, hindi porke ayaw mo na eh tapos na, pero kung ayaw mo na, eh di ayaw ko na rin! Sa'yo na pekpek mo, madamot!)

˙noʎ ɹoɟ pıp ı sƃuıɥʇ ǝɥʇ ןןɐ ɥʇıʍ noʎ ʞɔoɥs ןן,ı ʎɐpǝɯos

12 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

POTAENA MO!!!!!!! ANG CHEESE KARS CHEESE KARS MO! Kinikilabutan ako ng beri beri nice...

IINOM NA NATIN YAN PAG TAPOS NG VALENTINES OK!

Ingats!

Chingoy said...

shit! pinapahanga mo ako ah! ramdam na ramdam ko....

DRAKE said...

Sabi ko sa iyo wag kang masyadong magsasama kay Jepoy sa panood ng mga cheesy movies yan tuloy, chumcheese stick ka dyan!

At ngayon ko lang napag-alaman ng may puso't damdamin ka palang TAE ka!

Ayie said...

Hindi na ako naniniwalang lonely boy ka...alam kong mainit ang balentayms mo, pakyut!

Hah!

Hindi lang ikaw ang kinukumutan sa malamig na magdamag
Pasasaan ba't madidiligan din ng hamog ang puso kong uhaw
At kung darating ang umaga na hindi ko na sya makakasama
Sisiguraduhin kong nakatanim na sa kaibuturan ng aking puso at hindi ko na malilimot pa,
ang ligayang dulot ng ala alang minsan nya akong minahal.

Hahahaha! Super Cheezy ang moment mo tol!

Happy Balentayms!

KESO said...

waw. kuya. ang nice nito. galing.

hapi balentayms nga pala. ingat!

Jam said...

Bakit pinagdamutan kb? hahaha!

kikilabotz said...

yayks ang lalim.hahaha. pang sawi rin

˙noʎ ɹoɟ pıp ı sƃuıɥʇ ǝɥʇ ןןɐ ɥʇıʍ noʎ ʞɔoɥs ןן,ı ʎɐpǝɯos

tae pahirap pa yan. binasa ko. haha

hindi porke ayaw mo na eh tapos na, pero kung ayaw mo na, eh di ayaw ko na rin! Sa'yo na pekpek mo, madamot!)

Mangyan Adventurer said...

Sawi ka rin pala... Haha!

(Tawanan ba naman?!)


Happy Valentines pa rin... Kung Hei Fat Choi!

Yj said...

NAKAKADIRI! yaaaaaaaak....

dat's all... belated hapi balentayms bansot.... may kilala ba ako sa mga nagbigay ng iyotations sayo?

Dhianz said...

naks naman.... ang talent... malufet kayong mga guyz kung mainlab... and lufet nang mga lumalabas sa mga damdamin nyo... haha.. 'la lang... and 2nd d' motion w/ kikilabotz.. binaliktad koh tlgah ulo koh para mabasa yung mensahe... hagnswit!... and btw lab d' poem... 'la na akong masabi... nilait man nang iba yan pero akoh ahlavet!... ingatz lagi parekoy... Godbless! -di

glentot said...

Jepoy plastic ka talaga noon mo pa nabasa ito eh che!

Chingoy ramdam na ramdam mo ba ang kakornihan hahaha

Drake Oo hindi mo lang alam! Palibhasa lagi tayong naglalaitan!

Ayie ano yan! Dumating kang prepared an prepared with matching poem rin! May award ka na talaga...

KESO mapagbiro ka talaga...

Jam yup. Pinagkaitan pa.

Kikilabotz hehe bumaligtad nga ako para itype yun eh!

Mangyan Adventurer sige kayo na ang magaganda ang lovelife! hehehehe

YJ hindi mo sila kakilala at baka pag pinakilala kita eh sirain mo ang iyotation ng mga couples dun

Dhianz Salamat!!! Lagi ko inaabangan comment mo kasi for sure hindi mo ko lalaitin hahahahaha mwahxxxx

pnx said...

kahit super late nako magbasa ng blog mo at magcomment... "butuin" anu toh? ayoko sanang magimagine eh pero ahahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding