the near death experience

Ang nakaraan: Nagpunta kami sa Anawangin Cove by boat at nag-camping nag-inuman nag-sexy times at kung ano-ano pa and the next day sumakay kami ng bangka pabalik ng Zambales...

Kalbaryo starts here.

Inistart na ang bangka, at nagsuot na ako ng life jacket. Pinili ko yung bright orange. Yung iba kami, medyo brown na at parang kinapitan na ng talaba yung huling gumamit nun.

Mint green ang tubig habang dahan-dahan kaming umuusad...

"Kumapit kayo, salubong tayo sa alon," warning ni Kuya Boat Driver. Syempre kebs lang kami kasi abala pa sa pagpicture-picture at pagtitig sa sights one last time bago bumalik ng Manila...

Blue green na ang tubig, at naka-turbo mode na ang makina, full speed na kami sa gitna ng karagatan.

Blue na ang tubig, senyales na nasa pinakamalalim na parte na kami ng dagat... Nakatitig muli kami sa mga rock formations sa gitna ng dagat nang biglang...

SPLASH!

Napakapit ako bigla... ang lakas ng alon, at tumama sa unahan ng bangka. Nayanig kaming lahat. Natalsikan ng tubig yung mga nakaupo sa may unahan ng boat.

Nagtawanan pa kami, kasi bago sumakay eh nagbanlaw pa sila para hindi manlagkit, yun pala mababasa lang uli sila ng tubig dagat--

SPLASH! SPLASH!

Sunod sunod na ang alon, at napapatingala na ang bangka. Tabingi na yung dalawang katig, yung unahan eh sumasawsaw na sa tubig tuwing may alon. Nagsisigawan na ang mga gurlz, habang ang mga kalalakihan naman ay TUMITILI. Tahimik lang akong nakakapit sa bag ko, at naghanap ng makakapitan sa bangka. Kumapit ako sa unang naabot ng kamay ko.

SPLASH! SPLASH! SPLASH!

Sit-down sit-down you're rocking the boat ang tumatakbo sa isipan ko. Pinipilit kong magdasal at magconcentrate, nadidistract nga lang ako tuwing may nababasa ng tubig dagat sa mukha. Pero hindi ito ang panahon para tumawa. Panahon ito para magpanic.

"Huwag kayong magpanic! Huwag magpapanic! Huwag magpaniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic!" Sigaw ng tour guide.

Kaya hindi na kami nagpapanic, tahimik na lang kaming nagdasal. Kumapit na lang ako nang matindi... hanggang sa mapansin ko kung saan ako nakakapit: ang taling nagkokonekta sa bangka at sa bubong-- isang pirasong nylon. Putang-ina, as if maililigtas ako ng nylon. Kumapit na lang ako sa kinauupuan ako, at nagdasal uli.

Lord, ang paaalam ko kay tiyahing Sasha Fierce, sa Antipolo lang ako pupunta. Kapag napanood nya ako sa news, at nalamang sa Zambales ako namatay, magagalit yun nang very very nice...

Lord, sweldo po ngayon, at hindi man lang ako nakapag-withdraw. Sana naman po makabalik pa ako sa Manila para ma-enjoy ko man lang ang sweldo ko...

Lord, gusto ko pa pong makapag-blog ng aking experience...

SPLASHNESS! Ayaw pa-awat ng mga alon.

Naghihilamos na sa tubig-dagat yung mga nakaupo sa unahan ng bangka. Basang-basa na sila, at tuwing lilingon sila sa amin eh hindi ko maintindihan ang mga mukha nila, kung umiiyak ba sila o basa lang talaga.

Buti na lang mataba yung naka-upo sa harapan ko, lahat ng talsik eh nahaharangan nya kaya hindi ako nababasa.

Nagsimula nang maglaro ang aking imahinasyon...

Paano kaya kung lumubog ang bangka? Lulutang kaya talaga ako sa life jacket na ito? Paano kung matastas ito at mahubad? Kung lumutang man, pano kung mahiwalay ako sa lahat? Paano kung ako lang ang lumutang, at ako lang ang ma-rescue? Anong sasabihin ko sa interview? Mag-eEnglish ako sa interview para sosyal. Sana ma-discover ako para mag-artista.

SPLASHFUL!

Kahit saang direksyon ako tumingin, tubig. Ang pinakamalapit na isla ay puro bato at walang nakatirang tao. Matindi na talaga ang kapit ko dahil kinakabahan na ako, at puspusan na ako sa pagdadasal, kahit panay ang putol ng dasal ko dahil laging pumapasok sa isip ko,

THIS IS THE SCARIEST FUCKING BOAT RIDE EVER.

Hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan. Isang malaking alon ang sumalpok sa bangka at umangat ang unahan. Kumapit ako sa bangka kaya nabitawan ko ang bag ko, at nahulog sa tubig, pero hindi rin ako nakakapit maigi dahil yung mataba sa unahan ko ay nahulog papunta sa akin kaya sabay kaming nalaglag patalikod sa tubig. Pagbagsak sa tubig, nakainom ako ng konti at nalimutan kong huminga muna bago lumubog, hinila ako ng malakas na current pababa at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nasa kabilang buhay na po ako ngayon. Thanks Mwahchupah.

Joke. Matapos ang maraming-maraming malalaking alon at nakaka-diarrheang pag-uga uga ng bangka ay nakarating rin kami sa mainland sa Zambales, nag-van pabalik ng Maynila at we lived happily ever after.

Lesson learned, hindi na talaga ako sasakay ng bangka kahit saang lakwatsa pa yan.



Next time na ang pics!

12 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

PUta ka! Tawa ako ng tawa sa last part, na iimagine ko ang dwende na nag kakadarapa para maka grasp ng air LOL

Aylavet!

Jag said...

abangan nmin ang mga pics nu jijiji...

perstaym mo cgurong sumakay ng bangka kaya kung ano ano ang mga naiimagine mo hahaha...

ingat parekoy!

Rei Mikazuki said...

Mag-eEnglish ako sa interview para sosyal.

Landi mo! Mang-inggit daw ba sa uber early summer trip moh! Hump. Hump. Buti nga safe kau. Hahaha.

Pasalubong nameeeeeeeeeeeen!

Yj said...

ano ba yan... puro SPLASH ang sound effect ng tubig... wala na bang ibang sound? BORING!

at puta ka, hindi mo ba naisaisip, naisapuso at naisagawa ang turo ko sayo....

if you the boat started to sink, you just don't pray... you jump!

sabagay hindi naman pala siya lumubog, umuga-uga lang so keri na ang pagdarasal...


you owe me kwento sa mga sexy times na yan ha.... soon!

The Gasoline Dude said...

Mas naintriga ako sa sexy time kesa sa boat ride. LOL

PABLONG PABLING said...

sabi molang yan na di ka na sasakay. ahahaha

Lord CM said...

Hehehe :D Dito nasanay na kami, kada outing naman kailangang mag banka at sumalubong sa malalakeng alon...taka lang ako nung una eh pag uwian na walang nagbabanlaw, yun pala mababasa din sila pagbyahe :D

Ulitin mo pa parekoy, mas masarap ung pangalawa at mga susunod pa lolzz

Chingoy said...

hmp! scary ba yan eh feeling ko sinangga lahat nung nasa harapan mo ang tubig na para sa yo?! heheheh

ingats lagi!

- A n g e l - said...

Balak ko pa naman sanang pumunta dun kaso malakas pala ang alon. Major second thoughts.

Ape said...

tanong: wala ba talagang ibang way around the waves? bakit kelangan pasalubong kayo sa alon? hindi ba kayo pwedeng umalis sa oras na hindi bully ang wave?

ambobo ng guide niyo.]

kung sakaling may nangyari sa inyo. siguradong walang magpapanic. dahil hindi nagpapanic ang bangkay. pina-gang rape niyo sana yung guide.

glentot said...

Jepoy, gusto ko man sabihin na kapag ikaw ang lumubog sa tubig ay para ka lang nasa natural habitat ng mga butanding, hindi ko iyon sasabihin kasi nakakainsulto yun.

Jag hmm hindi na first time yun pero maalon talaga nung time na yun...

Rei Mikazuki haha walang mabilhan ng pasalubong dun, walang tindahan eh hehehehe malandi ba

YJ ano pa bang alam mong sound effect, SPLURK??? haha oo kwentuhan na naman ng sexy times ito

Tha Gasoline Dude sayang, demure kasi ang blog ko kaya di ko mapost ang sexy times... hahaha

Pablong Pabling hindi na talaga ayoko na magbuwis ng buhay makapag-beach lang...

Lord CM parang mahirap mag-imagine ng alon sa disyerto hehehe

Chingoy haha oo basang basa nga sila eh ako mukhang fresh pa rin

Angel nung pauwi lang umalon ewan ko kung bakit, ayaw yata kami pauwiin...

Ape wala yata eh, bundok kasi yung kabilang side baka ma-kidnap kami! Tapos kailangan na namin umalis kasi may time limit kami sa island... Kaya kahit magkatornado pa paalisin talaga kami ahahaha

June | Life and Spices said...

Hahahahan nn kung me nangyari sayo panu na kaming readers mo.. HAte boat ride as well... walamng thrill kasi NAKAKATAKOT na anep!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding