one day in my life

Shiiiiiiiiit. Hey Kids. Today bibigyan ko kayo ng sample ng isang good day at the office. Alam ko wala kayong pakialam, at wala rin akong pakialam kung wala kayong pakialam. Hihi. World Peace.

Today, maaga akong nagising, mga 2PM. Hindi na ako makatulog uli dahil ang ingay ingay ng tiyahin kong si Sasha Fierce habang nanonood sya ng afternoon drama. Kaya pumunta na lang ako sa office ng 6PM, kahit ang shift ko ay 9PM. Pagdating ko sa office, dahil hindi pa naman work time, bukas ako agad ng Blogger, Facebook at walang kamatayang Youtube at nanood ng mga standup comedy ni Sarah Silverman.

Mga bandang 8PM, tinatablan na ako ng antok, at dahil marupok ang aking katawang-lupa, dumiretso ako sa aming sleeping quarters, at tulyang nahimlay.

9:45 tumunog na ang aking alarm clock sa saliw ng awiting "I'll Stop The World And Melt With You" Late na ako, kaya bumalik na ako sa aming area. On my way, nasalubong ko ang aking Manager/TL/Boss na nagsabing, "Goodmorning!!!" Nahalata nya yata sa aking bloodshot eyes at gusot-gusot na polo shirt na galing ako isang mahimbing na pagkakahimlay. Nahiya tuloy me.

Pagdating ko sa aming area, nagkakagulo ang mga teammates ko. At tama ang hinala ko, may pagkain. Nagblowout pala ang aming Boss for a job well done yesterday. Yuppie, food! Dig in na ako agad sa pancit malabon, cake at ice cream.

Nagsimula na akong magtrabaho. Tawag dito, e-mail doon. English dito, type type doon. Kailangan kong bigyan ng justice ang pagkakapromote sa akin kahapon (true story). Sa sobrang gratitude ko, binilhan ko si Boss ng chocolate mousse cake, samantalang ang aking tiyahin na si Sasha Fierce na matagal nang nagpapabili ng donuts ay NEVER kong binilhan.

Eto na. Sa kalagitnaan ng aking pagtatrabaho, may nag-email na client.

Glenn:

Are you available TODAY at 3:00pm central (4:00pm eastern) to discuss further? I need clarification. Can you call me on my conference bridge # 469-***-****, passcode 242-2773#.

Thanks,
Jason Parrot
Putang-ina, conference daw. Ahateit. Na-iimagine ko na, nasa isang conference room sila, at nagsasalita ako through speakerphone at nakikinig sila. Fuuuuck. Ninerbyos me!

Naglabas ako agad ng rosaryo at naglitanya sa sulok. Kailangan kong mag-practice ng maraming English words, like "Yes, how can I help you?" at "Oh, sorry I can't help you with that."

Pagpatak ng 3:00PM Central Time, dinial ko na ang number, at hinintay silang sumagot.

Eto na.

Lahat ng kinain ko, yung pancit, cake at ice cream, na-digest na, at gusto nang lumabas.

NAJEJERBAK ME!

At hindi ako makaatras kasi nagsipag-Hello na ang mga clients.

"Hey Glenn, this is Jason from the Business Division, and I'm here with Jerry and Darren, our technical guys. They have a lot to ask you."

Patay na. Technical. Hindi ako makapag-isip.

"We just have some things we need to clarify with you... blah blah blah..." "... how long have we had this service? How do you come in between us and AT&T blah blah blah..." "We need to know who your 3rd party provider is with your circuits blah blah blah..."

Pinapawisan ako ng malamig. Sunod sunod silang nagtatanong. Nauubos na ang English ko. Hindi na ito katulad noong college na kapag hindi ako nakasagot sa tanong ng Inctructor ang sasabihin ko lang eh "Soweeee..." Ngayon, mga kliyente na ang kausap ko, at binabayaran ako para kausapin sila, hindi bola-bolahin.

At nagbabayad sila ng malaki, arpund $7000 a month, para sa serbisyo, at ngayong kailangan nila ng sasagot sa kanilang tanong, sa akin pa sila natapat. Magcancel kaya sila kapag nalaman nilang isang 22-year old idiot ang kausap nila?

Inisip ko lahat ng alam kong English. I'm not an idiot, I'm not an idiot, si Arvin ang idiot. Go!

"Well," sabi ko. Lahat ng sentences, dapat ang umpisa ay "well" para kunyari matalino, tandaan ninyo yan. Tapos pag tapos na ang sentence, lagyan ng "as well" kasi masarap sa pandinig. Yung pagpronounce ng "as well" ay AZZWEYELL" para maganda, kunyari ang dami mong learn.

Explain explain explain ako sa clients habang kumukulo ang akong tiyan. Kumapit na nga ako sa hawakan ng aking armchair.

I swear, naririnig ko ang sarili kong echo. Puta, nakaspeakerphone nga yata talaga ako sa kanila, at nasa iisang room lang sila, malamang, habang naglilitanya ako, nagsesenyasan na sila: This is bowlshyet.

Matapos ang mahaba-habang speech na parang wala namang kwenta, ang sabi ko ay...

"Well, uhm, actually, I cannot answer most of your technical questions because I'm not part of the technical team, but, uhm, I can get someone to speak with you next week. I'll set up a conference call, and, well, our technical guy will join us.... as well."

Ang ending, may conference call uli next week, at iba na ang kakausap sa kanila. Lusot.

Ngayon ko napatunayan na mahirap sumugod sa isang conference call kung hindi mo talaga alam yung pag-uusapan ninyo, pero dahil yun ang expectation sayo, kailangan mong sumugod sa laban. Kailangan lang mag-pretend ng konting talino, at galingan ang presentation, gawing seamless ang lahat, at huwag pahalatang natatae. Next time, kapag alam mo na ang buong proseso, hindi ka na mangangapa, kahit magdiarrhea ka pa on the spot.

Hectic ang trabaho ko, palaging may kausap, palaging may reports, palaging may quota, parating nag-uumEnglish. Pero this is the best job that I have ever had (second na lang yung Porno job before), and I am determined to keep it and prove to my Boss that she made the right decision in hiring me. I will prove myself worthy of the promotion, at iaalay ko ang aking dugo, pawis at iba pang katas para lang magtagumpay ang aming team.

That's all, I thank you. Ako po si Glentot, ang That's My Boy ng Barangay Olympia.

And this was my office life today.



Love your job, more than you love your money. -- Glentot

23 comments. Post your comment here.:

Chingoy said...

base muna

Chingoy said...

barangay Olympia ka? Makati? stayed there for sumtym!

Jag said...

Hahaha kakatuwa naman! Congrats parekoy! Buti`t d k napamura sa conference call na yun? hahaha...

Lord CM said...

Parang kilala ko ung idiot na nabanggit ah! tama ba ako? lolzz

Madali lang sumabak sa conference kung alam mo ang pag uusapan, actually kahit hindi mo alam okey lang yun basta may talino ka sa kung ano ba ang topic :D

gillboard said...

congrats sa promotion...

libre!!! libre!!!

- A n g e l - said...

Cong-grach-yulations! : )

DRAKE said...

Tae ka Glentot! Natawa ako sa last line mo!hahaha

Hoy libre ka naman dyan oh! Napromote ka pala dyan!

Galing mo naman! (plastic ko!) At tyak hindi magsisisi ang boss mo na kinuha ka nila (puta, ubod ng PLASTICCCCC ko !)

Ingat

Jepoy said...

Pinapalitan ko ang favorite entry mo tungkol sa barbero.

THIS IS OFFICIALLY MY FAVE ENTRY. Putang ina mo naidura ko ang McChiken sa kakatawa dahil sa mga litanya mo kang Gago ka!

COngrats sa promotion, i-celebrate na natin yan. Txt mo lang me.

GOd Bless!

manik_reigun said...

gratz sa promotion!hehehe.

namiss ko tuloy bigla ang pagiging ex-callboy ko nun ah, lalo na ang pagka nosebleed ko all the time sa pagsagot sa mga di naman ganong intelehenteng mga tanong, pero nakngshit sa hirap intindihin dahil sa nyetang slang na yan.

kaya, good job!

Yj said...

well, tama si jepoy... i-shot na yan... para masaya, ipagdala mo ako ng boylet as well. :)

keri ba paggamit ko ng well at as well?

andrei jon said...

kadiri naman. lahat ng katas. pati love juice mo bubuhos mo sa trabaho mo? kadiri ka glen. lol. pis.

Ape said...

kung alam lang ng mga clients mo kung gaano ka buwang sa mundo ng blogging...

congrats sa promotion!

dadami chicks mo nian! nyahaha!

PABLONG PABLING said...

congrats naman.
minsan ang jerbaks pampasuwerte rin yan

Kosa said...

uhhhmmmm..
ammmmmf..
well...
as well..
lols taena wala kong natutunan sa post mong ito kundi ang tumawa..

at napaTambling talaga ako ng bonggang bongga sa sinabi mo...
si Ar... ang idiot!! lols
apiiir ako dyan... sabay SINU YUN?

congrats sa pagkapromote!
goodluck sa masmaraming sakit ng ulo at kasu-kasuhan.

citybuoy said...

well.. uh.. yeah. i thought this post was funny. azwell. haha

Ayie said...

Hey! Pacanton ka naman! Naks--maraming maraming eat-all-you-can na ito!

Congrats bro! Ang small but terrible ng Baranggay Olympia!

Mwaaahhh!

glentot said...

Chingoy lagi kang base haha really saan banda? Malapit ako sa 7-11...

Jag acutally, maraming beses kong nagamit ang MUTE button para jan ahaha

Lord Cm hmm kilala mo ba? It's just a name I used ajajaja siguro sanay ka na sa mga conferences

Gillboard tara!

Angel emphasis on GRACH! hehehe salamat!

Drake matagal ko nang alam na plastic ka at echuserong palaka hehehehe sige libre kita IMAX hehehehe

Jepoy kung ikakapayat mo ang pagpapatawa ko dahil dinudura mo ang pagkain mo, malaki pala ang naitutulong ko sa diet mo ahahahaha may God Bless ka pang nalalaman demonyo ka hahaha thanks!

Manik_Reigun salamat!!! Kaya pala nakarelate ka, been-there-done-that ka pala

YJ, WELL, tama ang paggamit mo nito. Tara na inuman na AS WELL! Nyahahahhaa

Andrei Jon matagal ko nang ibinuhos ang love juices ko hahahaha

Ape sana nga wag nila maisip iGoogle ang pangalan ko at baka naext na conference eh ayaw na nilang maniwala sa akin

Pablong Pabling pansin ko nga mga posts ngayon puro jerbaks hehehe

Kosa Yung idiot it's just a name I used you know just an example AS WELL hahahaha salamat!!!


SALAMAT PO SA INYONG NAGBASA AT NALIGAYAHAN.

gege said...

waw..
galing!
nakalusot!
hehe.
kung ako in, malamang mahihimatay ako dun... nagkakagulo gulo pa naman ako pagkabado...

promoted!!!
LIBRE!!!

cake!!!

donut na lang...

haha!

CONGRATULATIONS!

:P

dencios said...

glentot,

sakit sa ulo. hahaha
ang kulit mo! LOL
libre mo ko onetime. sagot mo food at sagot mo na din kwento ako tatawa, haha

joke!

kung ano ano pa man e magpakasaya ka at remain humble ok

Random Student said...

congrats. galeng ng sagot. swabe. not self-demeaning or over-confident. standing ovation. enjoy mo lang sweldo mo to the highest level but save 10% every time.

Chingoy said...

yup. 7-11 ang entry ko... bandang dulo, near the brgy hall

rundeekalel said...

"at iaalay ko ang aking dugo, pawis at iba pang katas para lang magtagumpay ang aming team."

ok na ung dugo at pawis...
nyahahahahahahahah :)

nevertheless, you deserve it, bheybhee! :)

June | Life and Spices said...

Well..what can I say? hmmm hahaha..I'll take note of that tips.
Yung company mo now..eto bayun?

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding