movie review: percy jackson and the lightning thief

Kahit na mukhang hindi papaawat kay Harry Potter ang poster ng Percy Jackson and the Lightning Thief, sad to say hindi sila magka-level.

Si Percy Jackstone ay isang demi-god, anak ng God of the Sea na si Poseidon sa isang non-showbiz girl. Nabubuhay si Percy sa piling ng mga tao dahil hindi nya kilala ang pudrax nya, at hindi nya alam na may superpowers sya. Hindi kasi sinabi ng mudrax nyang maraming kyeme.

Ang main plot is, isang araw biglang nag-bitch fit ang Zeus dahil nawawala yung very vakla nyang lightning bolt, eh signature magic wand pa naman nya yun. Asar na asar sya parang may regla lang. Super pinagbintangan nya agad ang walang kamalay-malay at muwang na Percy, ewan ko kung bakit. So ang task ng Percy ay hanapin ang tsismosang lightning bolt at ibalik kay Zeus, or else, magsasabunutan ang Zeus at Poseidon.

Eh just for fun, kinidnap ni Hades yung mudrax ng Percy, kaya pumunta sya sa kailaliman ng impyerno para mabawi si Inay. Together with his protector at classmate, kung saan saan pa sila nakarating (para humaba ang istorya) bago umabot sa Hell, at nung nandun na sya biglang nahanap nya yung nawawalang lightning bolt, putangina, bitbit nya pala kanina pa hindi nya namalayan. So binalik nya na kay Zeus at masaya na si Zeus, the end.

Kahit na mukhang pang-tweens ang packaging ng Percy Jackstone, pambata talaga ito, like, age 3 ½ and below. Kung panonoorin mo ito sa point of view at understanding ng isang batang yagit, mageenjoy ka na, baka maihi ka pa sa excitement. Pero kung adult kang nagpunta sa sinehan na nag-eexpect ng nakakahilong plot at nakaka-nosebleed na script, magbaon ka ng cross stitch baka mabagot ka lang eh.

Ang kagandahan ng movie ay maraming mga Greek Myth characters. Nandun si Persephone, Athena, etc. Kaso, bakit nandun si Medusa, eh matagal nang patay yun ah? At nandun lahat ng mga formula characters, like the accidental hero, kwelang negritong bestfriend, pretty girl na magaling mag-espada, older at mabait na mentor, at good guy na traidor pala.

Hindi pa masyado plantsado ang story hindi gaya sa Harry Potter o kaya A Series of Unfortunate Events. Pero OK lang. Ewan. May nagbabasa ba ng movie reviews ko? Wala namang naniniwala sa akin eh, walang halaga ang mga salitang sinasabi ko, wala akong kredibilidad, WALA!!!!!!! SIGE KAYO NA ANG MAGAGALING!!!! KAYO NA!!!!!!!!!!!!

Biglang nag-emo? The End.

25 comments. Post your comment here.:

Chingoy said...

naku, malulula ako sa mga pangalan ng mga dyos-dyosan dito kasi di ko sila kilala! di itinuro ni Mrs. Cortes yan nung hayskul.. nyeta...
si Persphone ba ng gumawa ngb I-phone? putcha...

enwey, talagang magaling ako, e ano ngayon? :)

Kosa said...

ibig mong sabihin,
basura ang Pelikulang ito?
Parang DragonBall na punong-puno ng ka-shit'an last year na napakalaki ng ine-expect ng mga tao pero wala palang kakwenta-kwenta!?

ganun ba?

Ailee Verzosa said...

hello just dropping by.... have a great week.... my dad is coming back home.... care to view my recent post?
http://passionatestar92.blogspot.com/2010/02/my-first-pgs-graduates.html

- A n g e l - said...

I'm a huge fan of the books but I still haven't seen the film. Mashado akong inaatake ng tamaritis, kahit magpunta sa mall tinatamad ako WTF.

RICO DE BUCO said...

d ko pa napapanood to..cguro sa pirata nalang hehehe..mura pa..sna nagsabunutan nlng ung Zeus at poseidon para hindi boring hehehe

gillboard said...

iba iba ang opinyon dito sa pelikulang ito ng lahat ng nakakausap at nababasa ko... di ko tuloy alam kung manunuod ba ako o hindi.. hay

PABLONG PABLING said...

napanood ko na . hindi maganda. hehehe

kulet ng sinabi mo sa dulo haha

DRAKE said...

Okay dahil naniniwala ako sa kagaguhan mo! I cacancel ko na ang pagdodownload nyan!

Eh sana bumilis ang pagdodonload ko ng PLANET 51, hahaha pamabata din!

Ingat

citybuoy said...

kailangan may poot yung ending? haha

ako natuwa sa percy. mababaw lang naman ako eh. di na ako nagbitbit ng cross-stitch. iniwan ko nalang sa bahay yung mga expectations ko.

napansin mo bang mas cute si percy pag nasa ilalim siya ng tubig? ang emo niya pag nasa lupa eh. lol

The Gasoline Dude said...

Oonga hindi sila magka-level ng Harry Potter. Hindi ko din ma-gets kung bakit simula pa lang ng story eh pinagbintangan agad ni Zeus si Percy. Pfffttt.

Pero kasi hango din kasi ito sa libro kaya baka ganun talaga ang story.

Yj said...

your enjoyment would actually depend on the level of your attachment to your Mythology....

basta ako, sulit na ang binayad kong 190 if only to see the beautiful Rosario Dawson delivering this

"....or what? what else could you do to me? I AM ALREADY IN HELL!!!"

puta ka! kaya ka lang naman nadisappoint dahil walang sex scene between the brothers Poseidon and Zeus... at dahil hindi nagkataluyan sina Luke at Percy...

aminin mo!

Ape said...

sa totoo lang, sumasara ang butas ng pwet ko sa mga ganitong klaseng palabas.

lol @ the 'kwelang negritong bestfriend'

pnx said...

pinanuod namin toh, di ko na kelangan dagdagan ang paninira mo sa movie na toh dahil baka tuluyan ko na syang mawasak. kung gusto nyong mabadtrip, panuorin nyo toh

wendy said...

Showing na yan dito.. lintik.. tas yung "dear john" hindi parin... pero di ako masyado mahilig sa mga movie na ganyan, miski yang mga pinagsasabi mong greek characters di ko kilala, hahaha I've heard of the names but... wala kse ako hilig sa history.. lol

pusang kalye said...

uo---pinanuod namin to nung Feb. 14---di na nga ako nag-expect ng sobra pero below my expectations parin---so yun, I think it's a big disappointment. maganda pamandin sana coz it's from a book series.....sigh

glentot said...

Chingoy, tama, si Persephone nga yun hehehe

KOSA, hmm mas mataas naman ang level nito ng konti sa Dragonbullshit na yun

Ailee Versoza YOU SUCK!!!!!!!!!!!

Angel hmm sayang efforts mo for this one...

Rico inaantay ko nga mangyari yun eh, kaso nahimasmasan yata agad sila

Gillboard, laging tandaan, wala akong kredibilidad hahaha

Pablong Pabling thanks for agreeing at least nagmukhang totoo ang review ko hahaha

Drake eww Kidstuff! Nagsawa ka na ba sa CHILD PORN

Citybuoy hmmm I was too preoccupied with planning what to write about the movie to notice...

Gas Dude sabi nga ng kasama ko may mga changes raw...

YJ, Percy Jackson and the Lightning Thief ito, hindi Percy Jackson Fucks the Lightning Thief

Ape mabuti nang sumara keysa lumuwag ahahahahaha

Pnx hahaha kilala mo naman ako, wala na akong napanood na maganda

Wendy hindi ko pa pinanood yung Dear John at dahil sa comment mo hindi ko na panonoorin hahaha

Pusang Kalye ramdam ko ang disappointmment mo....

Jag said...

manonood pa rin ako hehehe...

Jag said...

manonood pa rin ako hehehe...

Jepoy said...

Hindi ako na disappoint kasi ganun lang din naman ang story nya sa book. So steady lang!

Kosa said...

Pinag-iispan ko tuloy panoorin to.

maganda kase yung trailer

Random Student said...

agree na agree akong pag toddler (OA) ito haha! basta pang kindergarten.

ODDBLOOD said...

seems like Harry Potter's already met his match..pero team-HP pa din ako..balak ko din panoorin yung movie pero sana mabasa ko muna yung book..parang maganda din :] newey, malapit na naman ang payout..hehe

wendell said...

langya. tawang tawa ako sa pagkakasulat neto. vaklang vakla!!! apir! hahaha...

ayos! buti na lang pala 'di ito pinanood namin ng kapatid ko last weekend, nagdalawang isip kasi kami kung avatar ba ulit o percy jackson na lang, eh mas namutawi sa amin ang 3D, kaya avatar ulit! hehe. Padownload na lang pala ako ng .avi neto. nyahaa!

glentot said...

Wendell, saktong description: vaklang vakla nga hahaha

Jemaima Robles said...

maganda sana sya kung sinunod nila ung plot ng book. kaso sobrang iniba nila. nawala ung magagandang parts.kaya naman kahit ung sea oof monsters na part 2 nyan ay wala rin, parang ginamit lang nila ung characters at title ng series.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding