where's the happy?

I have two college friends, John and Megan, na magkarelasyon mula nung college pa kami hanggang ngayon, kahit long distance na ang relationship nila. Kaninang umaga, nagtext sa akin si John, may i-eemail daw sya sa akin, ikukuwento nya kung anong nangyari sa Valentine's Day nila ni Megan.

Si John, halos pareho kami ng ugali kaya nagkakasundo kami. May pagka-OC, perfectionist, at logical thinker kahit saang sitwasyon mo ilagay. Kailangan laging may rules. Kailangan may schedule, may routine. Madali uminit ang ulo, at NEVER magpapatalo.

Si Megan, kasundo ko rin yan dahil kuha ko ang timpla nya. Rule-breaker, rebel, carefree. NEVER rin magpapatalo. Ayaw ng nasasakal. Minsan sinabi ko sa kanya, tingin ko isa syang ideal girlfriend (kasi nakakasabay ko syang kumain at pansin kong kokonti lang sya kumain ahahahaha).

Eto ang e-mail ni John sa akin (for full dramatic effect, paki-play ang soundtrack ng (500) Days of Summer habang binabasa ninyo ito):

Feb 14, 2010 - Kaninang tanghali, ayun, away na naman sa text ni Megan. Paano ba naman kasi, nalaman ko day-off nya rin pala ngayon at saka kahapon kasi dati usually Saturday lang day-off nya. Bad trip, napag-usapan na namin dati na basta may Sat-Sun day-off, sasabihin nya sa akin para magkita kami, sabi nya ayaw raw nya akong maabala, nonsense... Napag-usapan na nga eh. Tsk, hina sumunod sa instruction (o nananadya na talaga). Bad trip talaga, tapos sasagutin pa ako na marami pa naman daw Valentine's, next year daw o kaya next next year...

Sa loob ko, tarantadong to, hindi mo sasabihin tapos ikaw pa may ganang magsalita ng ganyan?

Huh, sabi ko, kung ayaw mo na ako makita, eh di wag, sabihin mo lang, hindi yung pinapaasa mo ako... Tapos hindi na nagtext hanggang ngayon, 12:45am 15 Feb.

Kalabas-labas nyan ako pa may kasalanan. Sa loob ko, sino ka ba? Masyado naman na yatang malaki ang ulo mo. Kung ayaw mo di wag mo, putris ka. Lahat na ng pakikisama ginawa ko tapos ganyan din lang.

May tinatago siguro... baka freak show. Hay naku, natauhan na ako ngayon-ngayon lang. Wala kang kwenta, puro pagpapaasa lang alam mo. Wag kang umasta na aping-api ka, nakakabadtrip.

So next time na magtext ka, sasabihin ko sa yo "No." Hehe, An eye for an eye. Ikaw lang ba babae? Tsk ganda kya ni Amy.

Eto mga text ni Megan sa akin:

Wala, d2 me haus walang OT, nxt week ulit jeje, kakakain ko lang agahan-tanghalian. Walang nagbibigay sakin (rose) kaw nga lang ang una eh.

Oh, nakalimutan na agreement

Naku baka maabala ka, uhmmm pero ako dn gusto sna kta paakyatin (dito sa Baguio), tinatanong ka nga ni mama, jeje.

Medyo nasusukol na, nambobola pa tapos humahanap palusot. Baka maabala ako o ayaw mo talaga? Gagaguhin pa ako eh.

Jeje.U dBale nxt tym

Ganyan lang kadali, matapos ang maraming effort ng pakikiamo at pakikiusap na magkita na kami.

Nakz. Madami pa namang valentines day... Next yr... Tska the year after nxt yr. Jowk.U Jeje, nu gawa mo?

Dito nagpanting tenga ko. Next year... The year after next year. Hay naku kung gusto mo, kayo na lang magkita sarili mo.

At anong nakz? Di ka naniniwala sa text ko na aakyat sana ako papuntang Baguio? Matagal ko na plano yun, kahit tanong mo sa Nanay ko, di ko nga lang maituloy kasi baka Saturday na nga lang tayo magkikita jan, may ibang schedule ka pa.

Note: Di mo kasi sinabi na off mo pala ngayong Sunday.

Uhmmm tampo.U.

Alright, masaya na naman, napaikot na naman ako eh. Ganyan naman lagi, paaasahin, i-cacancel, paasa ulit, cancel ulit. Nagcancel ka nung September 09, nagcancel ka nitong Feb 2010, for crying out loud! Ang haba ng pagitan pareho pang na-cancel tapos malalaman ko lumabas ka, gumala, kasama ng iba.

Ayoko lang naman obligahin ka kung gusto mo magkta tau, nasa sau un,

Ok iisa-isahin ko... Una, gusto ko magkita tayo, OK nasa akin yun... Pero pag hindi ba ako nakipagcoordinate sa iyo, magsusucceed? Yun ngang coordinated napupurnada, yun pa kayang hindi?

Pangalawa, 6 hours papunta diyan sa Baguio, P600 plus pamasahe balikan plus yung pagaasikaso ng tutuluyan pa, tapos yung gagastusin pa sa pagkain, pwede ba basta basta tumalon diyan?

Pangatlo, OK, ayaw mong obligahin ako pero sinabi ko na sayo dati na pag may off ka na magkasunod Sat-Sun sabihin mo para makagawa ng necessary actions DAHIL GUSTO NA TALAGA KITANG MAKITA, AT ANG SABI MO GANUN KA DIN? So ako pa ba ang may problema? I don't fucking think so. And I refuse to accept na ako ang nagkaproblema.

Isa pa, bakit kapag nagpaplano tayo tapos sasabihin mong di pwede biglang malalaman ko na lang may gimmick ka pala? Well, sabi ko nga sayo matalino ako.

Ganito ang mas maganda: "John hindi tayo pwede magkita kasi kasama ko mga super love kong kawork for the nth time. Blame yourself na lang later."

O, mas ok. Hindi yung kesyo ayaw mong ma-obliga ako, kesyo baka ganito baka ganun yun pala may lakad for the nth time kasama yung mga you-know-who na hindi pwedeng ipagpaliban for the nth time kahit minsan lang for the nth time.

Alam ko naman na aakyat ka pa, papagod ka pa, oh kung namis interpret mo, sori

Eto yung last na text nya. Sinagot ko sya ng, "dont wori matalino ako, naiintindihan ko". Di na nagreply. Siguro nasa isip ngayon nun, "sus, magtetext naman ulit yun... di makakatiis yun, ako lang babae, etc, etc, and so on, and so forth...

Tapos syempre, ija-justify nya na hindi sya nagkamali para hindi guilty tapos makikipagtigasan na hindi magtext... tsk buti nalang natauhan na ako.



I guess there's not much "happy" in "Happy Valentine's Day", even for people in relationships.

Sa tingin ninyo, ano ang dakilang Lesson Learned dito?

25 comments. Post your comment here.:

Lord CM said...

Hindi sa lahat ng panahon lalake ang manunuyo at hindi sa lahat ng panahon lalake ang may problema sa isang relasyon, ang pinakamasama pa hindi sa lahat ng panahon lalake ang gumagawa ng kalokohan :D

Chingoy said...

lesson learned: wag na magtext! tumawag na lang! nyeta! mag-unlicall!hehehe

chie said...

Canon IXUS 860 IS
..thanks sa pagbisita sa blog ko!

chie said...

buti na rin at nakapag-reflect sya sa situation na yun.
ang sabi nila, sa isang relationship, mas malalim daw magmahal ang girl.
pero nangyayari din na yung guy ang madalas na nagpapasensya, nagpapaubaya...eh LOVE kasi.
nakakabaliw kung sobrang nami-miss mo ang isang tao at gusto mo syang makita pero wala kang magawa, hindi pwede, or may iba syang priority at ayaw ka lang talaga nyang makasama.

opinyon ko lang to. di naman talaga ako magaling sa mga bagay-bagay na tungkol sa pag-ibig. hahaha

kikilabotz said...

di ko alam ang lesson eh. may mga tao talgang artir pag dating sa pagibg. haha. pero sabi m nga rule breaker talga si megan kaya ganun

karen anne said...

hirap naman talaga ng long distance..

- A n g e l - said...

"Kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan."

I think the strain of the long distance relationship is taking its toll on the two of them.

citybuoy said...

para sakin.. ang lesson dito ay wag makipag-away sa text. shaayun! i've made that mistake one too many times.

Kosa said...

ang masasabi ko eh bahagi talaga yan ng isang relasyon.
pagmamahalan.
pagbobolahan.
paglolokohan.
darating ang oras na maghihiwalay din sila o di kaya magle-level-up. hehe
yun lng.

anu ba ang lesson?
wala naman.. hehe.
bee happy?lolz

Yj said...

walang lesson learned... dahil wala naman akong naintindihan...

hmmmmmmmmp ang boring sana sex life nalang nila kinuwento mo

Jepoy said...

Wala akong makitang Lesson...

Mga Epal said...

Hayop mangsixty-nine ah! sya na may atraso nakuha pang baliktarin.

ang dakilang lesson dito ay...
Sa kama lang katanggap tanggap na i-sixsty-nine ka. At sa unang beses na nagduda ka, pwedeng palampasin.. Kapag nagduda ka ulit hindi at may basis ka iwan mo na.

PS
Napadaan lang bago mag-pack up. We appreciate you joining the "you know what" (ayaw naman namin magadvertise dito) salamat ulit Glentot. Siopao na may pulang tuldok ka.

Ape said...

lesson of the morals:

long distance relationship almost always fails.

and

walang isang salita ang babaeng 'jeje' ang spelling sa 'hehe'.

glentot said...

Lord CM parang may pinaguhuhgutan kang matinding experience ah

Chingoy baka lalo silang mag-away pag unli call

Chie nga ba? Mukhang may experience ka na sa ganyan ah hehehe

Kikilabotz naalala ko tuloy yung video mo sa Youtube na lumuluha ka sa pagibig hehehe

Karen Anne oo mahal ang NDD at IDD rates...

Angel right! (ano daw? English eh!) hehehe

Citybuoy oo nga kasi mahirap iemphasize ang galit sa text kasi overused na ang !!!!!

Kosa sigurado marami ka nang alam sa ganyang relasyon!

YJ OK magpopost ako ng video nila next hahahaha

Jepoy OK lang hindi naman ako umasang may makita ka ahahahahah

Ape hahaha mas madali daw kasi pindutin ang J kasi one press alng ang H eh dalawa

glentot said...

MGA EPAL!!! Yuppiee nag-comment sa akin ang mga idol hehehe yup sa kama lang masarap ang 69

BTW sana makatanggap ako ng "secret" heheheheheh I want I want I want I'm a faithful follower of your site!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pinopormote ko pa sa officemates kong non-bloggers...

SALAMAT SA PAGDALAW!!!!!!!!!!!!!!!!

Ayie said...

Parang late na akong mag comment--ambilis mong mag post-post ngayon. Ibang level na to.

Tungkol sa story--parang may something. Minsan kse (madalas actually), magulong mag isip ang babae--pero tulad nga ng sabi sa "He's just not that into you", walang dahilan kung gusto talaga--kse kahit pa siguro mamulubi si lalaki papupuntahin mo talaga sa inyo, gagawa pa ng paraan si babae na sya ang magbayad ng pamasahe or better sya na valentine's gift na naka gift wrapped bubulaga at darating sa manila to greet "happy valentines babes" kay lalaki--yan ang effort.

Ansakit nyan. K'se konting araw pa, ilang buwan pa--palagay ko--ayoko..heheh, negative, ansakit.

Familiar...very familiar.

wendell said...

ayos to ah... parang lalake lang yung babae dito ah?!

sarap talagang maging single! whohooo! =P

glentot said...

Ayie ano yan parang may dinadamdam ka ah, ikwento mo ah

Wendell haha actually mga kilala mo yan! CICS friends ko yan...

pnx said...

parang kilala ko ang john at ang megan... lesson learned "the more you grow, the less you know"

wendy said...

hindi ba magalit ung friend mo na pinost mo to? hahahaha hindi ba invasion of their privacy na yan... lol nanita pa..

anyway, you're friend John, buti natauhan na sya.. kung ayaw ng gf nya na makipag cooperate para magkita sila dpat naisip na nya nuon na baka.. she's not interested.. I hope he moves on soon :)

john lemon said...

thanks sa pagpublish nito.

lesson learnt: detect and destroy bullshit at the earliest symptom.

glentot said...

Pnx The fewer the seeds the more you sow ba yan? Hahahahaha

Wendy actually he asked me to post it hahahaha

John Lemon EMO TIME!

Anonymous said...

nice try.... love this glentot tnx so much... eye opener... ♥♥♥\\m//♥♥♥

megan fucks said...

tnx for the post... tnx for opening my fuckin' eye ♥♥♥\\m//♥♥♥

Jemaima Robles said...

Falling in love is as easy as 1,2,3. Staying in love is something you work out thru communication, maturity, and sacrifice from both parties.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding