movie review: the book of eli

Ito ang isang movie na pinagsisisihan kong nakatulugan ko. Sayang lang yung binayad ko, eh hindi pa pwede ulit-ulitin sa Greenbelt. Antok na antok na kasi ako bago pa manood ng sine.

Istorya ito ni Eli, isang manlalakbay sa isang post-Apocalyptic na panahon. Konti na lang ang tao at sira na ang mundo, parang wasteland, tapos may overall feeling ng hopelessnes... parang iniwan na tayo ng Diyos.

May dalang libro si Eli na araw-araw nyang binabasa. Nang malaman ng isang community leader na si Carnegie na hawak ni Eli ang librong matagal na nyang hinahanap, pinilit nya itong makuha. Hanggang sa zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

Putahshet pagkagising ko, tapos na ang labanan at nareveal na lahat ang surprises. Gusto ko pang magkwento kaso maraming shocker sa dulo at ayokong ma-spoil kung may balak kayong manood...

Ewan ko kung maa-appreciate ito ng karamihan pero ako na-appreciate ko ito, at kung ganito ang itsura ng mundo matapos gunawin, gusto ko nang sumama sa pagkagunaw.

movie review: the fourth kind

Milla Jovovich ba? Sige go. Sabi nya sa trailer, based on a true story lahat ng kaganapan sa pelikulang ito, at ang mga footage nila ay actual footage. Hmm, intriguing...

Effort maka-explain ang poster:

The First Kind, UFO Sighting. Mga nagliliparang malalanding alien sa langit, pampam lang.

The Second Kind, Evidence. May naiwang pantyliner ang mga alien, ebidensya yun na nag-field trip sila sa Earth.

The Third Kind, Contact. Kapag nakikipagpalitan na ng number sa iyo ang alien.

The Fourth Kind, Abduction. Hindi na ito eyeball, ki-kidnapin ka na ng chismosang aliens para dalhin sa planeta nila sa Pangasinan.

Tungkol ang pelikula sa mga pangyayari sa Nome, Alaska, na may pinakaraming bilang ng missing persons. Based ito sa experiences ng psychologist na si Dr. Abigail Tyler, na nagdocument ng mga pasyente nyang nakakakita ng isang puting owl tuwing gabi sa kwarto nila, at ang ending eh namamatay ang mga pasyente.

Ang opinyon nila, ang owl ay representation ng aliens, at nagmamanifest sila sa hypnosis. Hanggang sa isang araw, si Dr. Abigail mismo ang naka-experience ng alien encounter, kasi kinuha ng alien ang anak nyang bulag.

Hindi ko nagustuhan masyado yung pelikula, lalo yung style na ginamit. Napakaraming split screens, kung saan mapapanood mong sabay ang cinematic scene at actual footage. Nakakasira ng concentration. Nakikita mo rin na sabay ang totoong Dr. Abigail Tyler at si Milla Jovovich na gaganap sa character nya, tuloy, nagmukhang Calvento Files ang lahat.

Medyo misleading din ng konti yung trailer at poster, kasi akala ko may makikita talaga kaming alien na nangingidnap. Wala! Puro taong may sanib at nagbabago-bago ang boses, parang same ng makikita mo sa comedy bar.

So ang pinaka-strength na lang ng movie na ito ay ang mga scary actual footages, dahil actual sila at totoong nangyari sa mga totoong tao.

Teka...

Consulting Wikipedia...

"There is a paragraph at the end of the movie that says it is fake."

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck. I WANT MY MONEY BAAAAAAAAAAACK!

Pero teka...

Sabi kasi ni Milla Jovovich, totoo raw... Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko...

movie review: alice in wonderland

Helena Bonham Carter + 3D = I'm watching. Umaga ng Linggo, hindi na ako makatulog sa excitedness. Punta ako agad ng MOA hoping na may free seats pa sa IMAX, only to find na hindi pala IMAX kundi 3D lang sa regular cinema.

OK lang may free hotdog naman yung ticket.

Pagpasok sa sinehan, umiiwas pa kami sa mga nakaupong bata dahil according to experience, maingay manood ang mga bagets.

Putangina, laking pagkakamali. Sa buong movie, isa lang ang maingay sa buong sinehan, at boses matrona. Sya lang ang nagrereact sa mga eksena, with matching "Owwwwww!" Ang sarap supalpalin, nasa mismong likod ko pa naman.

Gayunpaman, nag-enjoy pa rin ako sa panonood. What a visual treat. Ramdam ko ang pag-eenjoy sa panonood kay Cheshire Cat, Tweedledum at Tweedledee, at syempre sa Red Queen. Para akong nagbalik sa pagkabata. Ang galing ni Helena Bonham Carter sa role nyang Iracebeth, the Red Queen.

Sana lang, hinabaan ng konti yung storya, hindi yung masyadong madaling sundan, naglagay man lang sana ng twists. Kasi pagdating pa lang sa part na inuutusan si Alice na patayin yung chismosang dragon, parang alam ko na ang mangyayari hanggang ending.

Yun lang. Gusto ko pa panoorin uli, if only just to see Helena Bonham Carter's tantrums.

"It is better to be feared than to be loved." -- The Red Queen

fuck baguio

Hey Kids. Last week excited akong umakyat sa Baguio para durugin ang mga madadamot sa pekpek umapi sa akin diba? Pagkalabas ko ng office ng 6AM ay pumunta ako agad sa KFC para kumain ng konti lang, tapos bumili pa ako ng Imodium dahil ayokong magtae sa bus.

Tapos pumunta na akong Victory Airlines para sa 8AM flight. Pinili ko pa ang Seat #2 kasi gusto ko laging unang makarating.

Putangina, yung katabi kong matandang lolo, ubo nang ubo. Yung nasa kabilang upuan naman, babaeng matronang Inglesera sa telepono, bwisit sa pandinig.

Tapos ang palabas sa bus, Yaya VS Angelina fuuuck. Naasar ako sa sarili ko kasi natawa ako kakapanood, shit.

Natulog na lang ako. Paggising ko, zig-zag na! Punas-punas ng laway, suot jacket kasi malamig na. Muntik pa kaming mabangga ng stupidang JAC Liner bus na nasa maling lane. Syempre kinabahan ako, NASA HARAP KAYA AKO.

Pagdating ko ng Baguio terminal, sakay ako agad ng jeep papunta sa lugar ni Mudrax. Iniwan ko lang ang aking baggage at pumunta na akong Session in Road para makapagkita sa walang kwentang echuserang amphibian na sa Khikhi Marie.

Tulad ng dati wala pa rin syang kwenta, what else. Nagkape kami sa Oh My Gulay (pictures soon) habang nagrereminisce ng mga illegal activities namin noong college.

Tapos naglakad-lakad na kami sa Session in Bloom (pictures soon). Damn, kung ano pa ang na-miss ko, sya pang nag-disappoint sa akin. Bakit ganun? Hindi naman nagkulang sa bloom ang Session Road. Nandun pa rin ang ice creams at shawarmas at longanizas at souvenirs... nandun pa rin ang mga tao... pero yung hinahanap ko, wala.

Wala sya... hindi ko naman magawang magtext, dahil maraming beses na akong nagtext ng "gudbye."

Sumunod na araw, nagkita naman kami ng Pinky na isa nang Instructor ngayon sa UP Baguio. Nag-camwhore moments kami sa UP Baguio (pictures soon). Tapos nakipagkita kami sa mga college friends, isa na dun si Megan (yung babae sa aking Valentines' Day breakup post). Ayun, nagkamustahan at napag-alamang OK pa naman ang mga sex organs ng lahat. Break pa rin sila ni John.

Next day dapat last day ko na. Nagpunta ako uli sa UP Baguio para makilala ang mga estudyante ni Pinky, at sabi ko nga, kung malalaman kaya ng mga studyante nya ang mga kagaguhan namin noon, igalang pa kaya sya? Hihihihi. Baka lalo syang igalang.

Pagkatapos nun, nag-inuman kami sa isang bar sa SM, sabi pa ni Megan, babalikan pa sana nya si John, kaso nung mabasa nya yung blog ko about their breakup, sabi nya NEVER na sya makikipagbalikan. Oh di ba may nasira pa akong relasyon, hihi. The power of blogging!

Tapos pumunta naman kami sa booth ng aking friend sa Session Road, ang Mastah Cocktails kung saan pinainom kami ng iba-bang cocktails including ang imbento nilang "Insomyot" na tingin ko ay hango sa salitang "insomnia ng kulang sa iyot". Sarap!

Tapos noon, uwian na sana kaso nasalubong ko sa Session Road si Mudrax at nanonood pala sya ng concert ng Hale, with the lead vocalist Champ na lookalike ko (swerte nya).

Tapos umuwi na kami. Next day, last day ko na talaga, pumunta kami ni Mudrax sa Mines View para mag-camwhore moments. First time kong sumakay sa kabayo, WTF, ang lakas mang-uto ni Mudrax (pictures soon).

Tapos pumunta kami ni Mudrax sa Good Shepherd para bumili ng pasalubong. MABIGAT BITBITIN! Naghati rin kami sa isang half-gallon butterscotch ice cream.

Tapos punta kami uli ni Mudrax sa town kasi yung nakuha kong gift certificates ay niregalo ko sa kanya para ibili nya ng something special. Ang sweet ko no? Noong una gusto nya ng jacket, tapos gusto nya ng pants, tapos gusto nya ng bag, and ending, wala siyang nabili. (Kanina ko lang nalaman, pinang-grocery nya ang regalo kong GC, hmpf).

Tapos nagpalipas kami ng oras kakanood ng mini-concerts at nang gumabi na, pumunta na kami sa terminal...

:(

Alam mo yun, nagkukwentuhan kami sa waiting area, tapos nandyan na yung bus so akyat na ako sa Seat #1 na pinareserve ko, magkwekwentuhan pa sana kami kaso aalis na yung bus, so byebye na, yakap at uwi na sya sa bahay, tapos text-text na lang uli.

Andar na ang stupid bus.

Nakatingin lang ako sa bintana habang mabilis na nagfaflash ang Baguio City sa aking paningin, noong una ay mga street lamps at schools, parks at stupid people, tapos long roads, trees, zig-zag, nagcrash na bus, cliffs, curves... hanggang sa makatulog ako, magising at marealize malayo na ako sa Baguio...

...malayong-malayo.

baguio here i come

Hey Kids! Bago ako pumunta sa airport I mean terminal ng Victory I just wanna greet you all a very warm SEE YOU SOON BITCHES! At sa mga umapi sa akin sa Baguio humanda kayo sa pagbabalik ko at dudurugin ko kayo!

Kthnxbye Mwahchupa!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding