movie review: alice in wonderland

Helena Bonham Carter + 3D = I'm watching. Umaga ng Linggo, hindi na ako makatulog sa excitedness. Punta ako agad ng MOA hoping na may free seats pa sa IMAX, only to find na hindi pala IMAX kundi 3D lang sa regular cinema.

OK lang may free hotdog naman yung ticket.

Pagpasok sa sinehan, umiiwas pa kami sa mga nakaupong bata dahil according to experience, maingay manood ang mga bagets.

Putangina, laking pagkakamali. Sa buong movie, isa lang ang maingay sa buong sinehan, at boses matrona. Sya lang ang nagrereact sa mga eksena, with matching "Owwwwww!" Ang sarap supalpalin, nasa mismong likod ko pa naman.

Gayunpaman, nag-enjoy pa rin ako sa panonood. What a visual treat. Ramdam ko ang pag-eenjoy sa panonood kay Cheshire Cat, Tweedledum at Tweedledee, at syempre sa Red Queen. Para akong nagbalik sa pagkabata. Ang galing ni Helena Bonham Carter sa role nyang Iracebeth, the Red Queen.

Sana lang, hinabaan ng konti yung storya, hindi yung masyadong madaling sundan, naglagay man lang sana ng twists. Kasi pagdating pa lang sa part na inuutusan si Alice na patayin yung chismosang dragon, parang alam ko na ang mangyayari hanggang ending.

Yun lang. Gusto ko pa panoorin uli, if only just to see Helena Bonham Carter's tantrums.

"It is better to be feared than to be loved." -- The Red Queen

14 comments. Post your comment here.:

Random Student said...

same here. alam ko nang may laban sila ng dragon then mapapatay nya. siguro sana may fight moves na mandedeceive ng ating preconceived notions

Kosa said...

hahaha.
pinaplano kong panoorin yan kahapon sa internet.hehehe

g7 said...

kahit naman basahin mo ung story walang twist un., :D

Jepoy said...

Puta ka yan lang ang masasabi ko!

DRAKE said...

Welcome back tae!Buti hindi ka natuyot dun!hahhaa

Ingat

kikilabotz said...

mukhang magnda nga yan! san ka nakakuha ng libreng ticket? penge

Joanna said...

so maganda siya?

Parang sabi ng facebook status ni wendell hindi... O.O

gillboard said...

mahirap pag walang pera.. di kaya 3d... hehehe

glentot said...

Random Student "mandedeceive ng ating preconceived notions" dami mong hifaluting! hehehe thanks for the visit.

Kosa sana pwede 3D sa internet hehehehe

G7 Sensya naman hindi ko binasa kasi kidstuff at luma haha pero hindi naman daw yan sequel eh...

Jepoy bakit na naman? Putah ka rin. Hahaha

Drake ako pa matutuyot? Mga GURANG lang ang natutuyot ehem ehem

Kikilabotz binili ko yun kung me libre why not hahaha

Joanna kilala mo naman si Wendell wala na yatang napanood na maganda hahaha Joke WENDELL!!!

Gillboard weh... ikaw pa...

Ape said...

yeah, Helena Bonham-Carter's best performance yet (since Fight Club).

she's the shit!

pig belly over here!

ʎonqʎʇıɔ said...

i really enjoyed it too. haha iba talaga si kuya tim.

off with her head!!!

Maldito said...

Team Annehataway poreber!
sayang no, walang sex scenes.lol
ahahahaa...add kita ha.

glentot said...

Ape I loved her in Fight Club as Marla Singer!!! Undeniably THE shit.

ʎonqʎʇıɔ hahaha pagkakadinig ko pa dun eh "OPEN her head!"

Maldito Anne Hathaway + sex scenes = Havoc

glentot said...

Hoy Wendell! Dito ka pa nag-rant may blog ka naman hahaha!

Sabi ko nga, visuals-wise super ganda pero hindi rin ako satisfied sa kwentong predictable

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding