movie review: the fourth kind

Milla Jovovich ba? Sige go. Sabi nya sa trailer, based on a true story lahat ng kaganapan sa pelikulang ito, at ang mga footage nila ay actual footage. Hmm, intriguing...

Effort maka-explain ang poster:

The First Kind, UFO Sighting. Mga nagliliparang malalanding alien sa langit, pampam lang.

The Second Kind, Evidence. May naiwang pantyliner ang mga alien, ebidensya yun na nag-field trip sila sa Earth.

The Third Kind, Contact. Kapag nakikipagpalitan na ng number sa iyo ang alien.

The Fourth Kind, Abduction. Hindi na ito eyeball, ki-kidnapin ka na ng chismosang aliens para dalhin sa planeta nila sa Pangasinan.

Tungkol ang pelikula sa mga pangyayari sa Nome, Alaska, na may pinakaraming bilang ng missing persons. Based ito sa experiences ng psychologist na si Dr. Abigail Tyler, na nagdocument ng mga pasyente nyang nakakakita ng isang puting owl tuwing gabi sa kwarto nila, at ang ending eh namamatay ang mga pasyente.

Ang opinyon nila, ang owl ay representation ng aliens, at nagmamanifest sila sa hypnosis. Hanggang sa isang araw, si Dr. Abigail mismo ang naka-experience ng alien encounter, kasi kinuha ng alien ang anak nyang bulag.

Hindi ko nagustuhan masyado yung pelikula, lalo yung style na ginamit. Napakaraming split screens, kung saan mapapanood mong sabay ang cinematic scene at actual footage. Nakakasira ng concentration. Nakikita mo rin na sabay ang totoong Dr. Abigail Tyler at si Milla Jovovich na gaganap sa character nya, tuloy, nagmukhang Calvento Files ang lahat.

Medyo misleading din ng konti yung trailer at poster, kasi akala ko may makikita talaga kaming alien na nangingidnap. Wala! Puro taong may sanib at nagbabago-bago ang boses, parang same ng makikita mo sa comedy bar.

So ang pinaka-strength na lang ng movie na ito ay ang mga scary actual footages, dahil actual sila at totoong nangyari sa mga totoong tao.

Teka...

Consulting Wikipedia...

"There is a paragraph at the end of the movie that says it is fake."

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck. I WANT MY MONEY BAAAAAAAAAAACK!

Pero teka...

Sabi kasi ni Milla Jovovich, totoo raw... Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko...

10 comments. Post your comment here.:

Random Student said...

yan nga ang effect na gusto ng mga producers. the movie is not based on actual footages, hence the attempt na ipagsampalan sa yo ang mga ebidensya. the effort ika nga. cinematic style na lang. pero the whole movie is based on fragments of various research works and incidences. Kumbaga may mga references here and there on sources that are not declared. if you research kasi on sumerian language as what the movie presents, tutoo namang ancient language ito at may historical references to head dresses ng mga ancient people (like the egyptians) na kahina-hinalang adopted from an alien race. the only reason i watched the movie is because of mila. NOTE: yung 3rd and 4th kind ba eh based sa personal experiences mo? nyahaha

PABLONG PABLING said...

ang sipag mo gumawa ng movie review. maganda yan.

Lord CM said...

Ang mahalaga pre, alam mong pelikula ang pinanuod mo! lolzz

Chingoy said...

nagsolo ka sa panonood nito? :)

gillboard said...

ewan ko sino pumipili ng mga pelikula para sa'yo... pero alam ko panget nga yang pelikula na yan... hehehe

Maldito said...

sakin ka nalang maniwala glentot na ang movie na yan ay gawa ng mga fucktards.ahahaha...
at talagang sa pangasinan ang lugar na pinaglalagyan ng mga kinidnap.ahaha

DRAKE said...

At dahil nalilito ka, hindi ko papaniwalaan ang review mo na ito! (although wala naman ako talagang pinaniwalaan sa lahat ng reviews mo,LOLS)

TAE MO GREEN!

KESO said...

mukang pnget nga, hehe. at, naalala ko lng bgla si agua bendita sa poster. haha

roanne said...

parang paranormal activity, akala ko totoo, natakot pa naman ako ng sobra kasi mag-isa lang ako nanuod, fake pala hehe

kailangan may maiwan na pantyliner? hehe

ʎonqʎʇıɔ said...

saw it din. hanggang ending kasi natuwa ako dun sa mga pinaplay na recordings. wala namang mention na ninanette inventor lang nila lahat.

medyo nabadtrip ako dun. pero kung tanggaling mo yung fact na yun, it was still very entertaining. :D

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding