fuck baguio

Hey Kids. Last week excited akong umakyat sa Baguio para durugin ang mga madadamot sa pekpek umapi sa akin diba? Pagkalabas ko ng office ng 6AM ay pumunta ako agad sa KFC para kumain ng konti lang, tapos bumili pa ako ng Imodium dahil ayokong magtae sa bus.

Tapos pumunta na akong Victory Airlines para sa 8AM flight. Pinili ko pa ang Seat #2 kasi gusto ko laging unang makarating.

Putangina, yung katabi kong matandang lolo, ubo nang ubo. Yung nasa kabilang upuan naman, babaeng matronang Inglesera sa telepono, bwisit sa pandinig.

Tapos ang palabas sa bus, Yaya VS Angelina fuuuck. Naasar ako sa sarili ko kasi natawa ako kakapanood, shit.

Natulog na lang ako. Paggising ko, zig-zag na! Punas-punas ng laway, suot jacket kasi malamig na. Muntik pa kaming mabangga ng stupidang JAC Liner bus na nasa maling lane. Syempre kinabahan ako, NASA HARAP KAYA AKO.

Pagdating ko ng Baguio terminal, sakay ako agad ng jeep papunta sa lugar ni Mudrax. Iniwan ko lang ang aking baggage at pumunta na akong Session in Road para makapagkita sa walang kwentang echuserang amphibian na sa Khikhi Marie.

Tulad ng dati wala pa rin syang kwenta, what else. Nagkape kami sa Oh My Gulay (pictures soon) habang nagrereminisce ng mga illegal activities namin noong college.

Tapos naglakad-lakad na kami sa Session in Bloom (pictures soon). Damn, kung ano pa ang na-miss ko, sya pang nag-disappoint sa akin. Bakit ganun? Hindi naman nagkulang sa bloom ang Session Road. Nandun pa rin ang ice creams at shawarmas at longanizas at souvenirs... nandun pa rin ang mga tao... pero yung hinahanap ko, wala.

Wala sya... hindi ko naman magawang magtext, dahil maraming beses na akong nagtext ng "gudbye."

Sumunod na araw, nagkita naman kami ng Pinky na isa nang Instructor ngayon sa UP Baguio. Nag-camwhore moments kami sa UP Baguio (pictures soon). Tapos nakipagkita kami sa mga college friends, isa na dun si Megan (yung babae sa aking Valentines' Day breakup post). Ayun, nagkamustahan at napag-alamang OK pa naman ang mga sex organs ng lahat. Break pa rin sila ni John.

Next day dapat last day ko na. Nagpunta ako uli sa UP Baguio para makilala ang mga estudyante ni Pinky, at sabi ko nga, kung malalaman kaya ng mga studyante nya ang mga kagaguhan namin noon, igalang pa kaya sya? Hihihihi. Baka lalo syang igalang.

Pagkatapos nun, nag-inuman kami sa isang bar sa SM, sabi pa ni Megan, babalikan pa sana nya si John, kaso nung mabasa nya yung blog ko about their breakup, sabi nya NEVER na sya makikipagbalikan. Oh di ba may nasira pa akong relasyon, hihi. The power of blogging!

Tapos pumunta naman kami sa booth ng aking friend sa Session Road, ang Mastah Cocktails kung saan pinainom kami ng iba-bang cocktails including ang imbento nilang "Insomyot" na tingin ko ay hango sa salitang "insomnia ng kulang sa iyot". Sarap!

Tapos noon, uwian na sana kaso nasalubong ko sa Session Road si Mudrax at nanonood pala sya ng concert ng Hale, with the lead vocalist Champ na lookalike ko (swerte nya).

Tapos umuwi na kami. Next day, last day ko na talaga, pumunta kami ni Mudrax sa Mines View para mag-camwhore moments. First time kong sumakay sa kabayo, WTF, ang lakas mang-uto ni Mudrax (pictures soon).

Tapos pumunta kami ni Mudrax sa Good Shepherd para bumili ng pasalubong. MABIGAT BITBITIN! Naghati rin kami sa isang half-gallon butterscotch ice cream.

Tapos punta kami uli ni Mudrax sa town kasi yung nakuha kong gift certificates ay niregalo ko sa kanya para ibili nya ng something special. Ang sweet ko no? Noong una gusto nya ng jacket, tapos gusto nya ng pants, tapos gusto nya ng bag, and ending, wala siyang nabili. (Kanina ko lang nalaman, pinang-grocery nya ang regalo kong GC, hmpf).

Tapos nagpalipas kami ng oras kakanood ng mini-concerts at nang gumabi na, pumunta na kami sa terminal...

:(

Alam mo yun, nagkukwentuhan kami sa waiting area, tapos nandyan na yung bus so akyat na ako sa Seat #1 na pinareserve ko, magkwekwentuhan pa sana kami kaso aalis na yung bus, so byebye na, yakap at uwi na sya sa bahay, tapos text-text na lang uli.

Andar na ang stupid bus.

Nakatingin lang ako sa bintana habang mabilis na nagfaflash ang Baguio City sa aking paningin, noong una ay mga street lamps at schools, parks at stupid people, tapos long roads, trees, zig-zag, nagcrash na bus, cliffs, curves... hanggang sa makatulog ako, magising at marealize malayo na ako sa Baguio...

...malayong-malayo.

10 comments. Post your comment here.:

I am Xprosaic said...

Ahahahahhahaha naku pareho talaga kayo ni jepoy... umuulan sa mura... ahahahahahhaahaha... ayos ah... naiintriga na ako ke khikhi mo... jijijijijiji.. sayang lang bitin sa oras... sana tinagalan mo pa para hanep sa camwhore moments... nyahahhahahahaha

Random Student said...

uhm Hale pala ok. nasa baguio pala sila. bagamat kaya kong magtravel mag isa kakalungkot naman. at least 1 man lang mak karay karay ka sa trip. hope to see pics soon nga.

Chingoy said...

Bungga si Mudrax! Hale ang trip!

hihintayin ko pityur nyo.. :)

g7 said...

kulang na lng maging totoo ung "nagcrash na bus" >:) hehe


xet kakaingit!!!!!!!!!!

Joanna said...

The last five paragraphs (the ":(" counted as one paragraph) made me feel sad.. :(

I miss Baguio!!!!!!!!

Jepoy said...

Hindi ka manlang nag invite. I hatechu!

glentot said...

I am Xprosaic naintriga ka ba key Khikhi kung ganun sumali ka na sa Fans Club!!!

Random Student why not travel alone ako gusto ko yun kasi makakapagisip ako

Chingoy bungga talaga hahaha

G7 Hindi ka ba nanonood ng news, may nagcrash talagang bus!

Joanna hmm let me read that again... hehehe

Jepoy kunwari ka pa eh nasa Boracay kang hayup ka.

Ape said...

lol @ the movie sa bus (at natawa ka naman kahit papano)

maligayang pagbalik pre!

Ayie said...

Awww...ang sad naman...=(, pero teka, para sa akin ba ang MABIGAT na PASALUBONG! nyahehehhe--feeling lang!

guilmon tamers said...

wow... sana makapunta rin ako ng baguio someday lols...

ganda ng kwento mo dito..

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding