malas pt. 2

Akalain mong may Part II pa pala yung malas ko kahapon? Grabe yata ang poot sa akin ni Pudrax dahil muntikan ko nang malimutan ang birthday nya.

Bago pumasok sa office, minalas ako nang very very nice. Paglabas ko ng office, akala ko nagwakas na ang sumpa.

Sumakay ako ng jeep pauwi, yung dumadaan sa kanto namin (sa Olympia, Makati ako umuuwi FYI). Matapos ang maling jeep na sinakyan ko kahapon, sinigurado kong tama na itong sinakyan ko, ang tanga ko naman kung mali uli di ba, ano yun, deja vu? Habang nakasakay sa jeep, nag-soundtrip muna ako sa aking phone. Hindi ko na sasabihin kung anong kahiya-hiyang MP3 ang pinakikinggan ko nun.

Sa kalagitnaan ng byahe, naramdaman ko ang pagod sa magdamag kong pagtatrabaho. Ikaw ba naman magising nang hapon, magbyahe papuntang Crossing, magbrainstorm para sa isang project habang kumakain ng pasta at pizza (kapagod!), bumalik ng Ayala para makipag-tagisan ng English sa mga forrengers magdamag while bloghopping. Kaya masaya akong umuwi as usual para makapagpahinga... atbp.

Sa wakas, isang kanto na lang at pababa na ako ng jeep. Malapit na ako sa amin at makakapagpahinga na uli ako. Ramdam ko na kasi yung sakit ng lower back ko, magkaka-osteoporosis na yata ako, shyet kuba na may man-boobs pa... Napasandal ako sa upuan ko para ma-relax... at napapikit...

To cut the long story short, nang magising ako, nasa Guadalupe na ako. The End.

19 comments. Post your comment here.:

Chingoy said...

hahaha... namputcha!

sakay ulit pabalik! hahaha

Dhianz said...

nyahaha.. i had d feeling nung medyo nasa gitna na akoh nang entry mo na un ang mangyayari sau... haha... kaaliw kah... ingatz... Godbless!

ʎonqʎʇıɔ said...

oh no! ang layo nun!

taga poblacion ako kaya alam ko yung malas mo. ayus lang yan *there there*

Jules said...

Wuahaha. Ayus yun ah! Balik ka ulit, byahe n nmn hahaha. =D

Jules
Soloden.Com
The Brown Mestizo

kikilabotz said...

ayos nga eh. ahehe. nakatipid k sa pamasahe.haha

roanne said...

yan ang NAP!

NAP-padpad sa kawalan :)

Lord CM said...

Sabi sa hula may part 3 at 4 daw yan! lolzz

Solo said...

Ouch! Deja vu nga haha.

Solo
Travel and Living
Job Hunter

Andy said...

moral of the story: wag nang pumasok at matulog na lang sa kama buong araw para di lumagpas sa bababaan. hehehe.

Jepoy said...

Out of topic ang comment ko. Kelangan mong dalhin ang DSLR mo gagawa tayo ng picture greeting para kay Gasdude at gagawa din ako ng photo entry ko kay Chiksilog. Ako ang director ikaw ang potograper. Ako ang model. GO!

Bawal daw ipotoshop ung pang contest kay XG kaya galingan mo. GUsto kong manalo ng TSHIRT. Bow!

Maldito said...

siguro..ung lesson here ism wag na wag ka nang sumakay ng jeep for the rest of your life.
ahahhaa...lakarin mo nalang.

Yj said...

tanginang music yan? ano ba pinapakinggan mo sa MP3 at napahimbing ka ng bei beri nays?

aaaaaaaah we are the world?

abe mulong caracas said...

malas nga eh!

Tiano said...

hahaha.. moral lesson, mag lakad nalang pauwi ang mga pagod.. Di baleng pagod, wag lang lumampas sa patutunguhan.. AnoDAW?

Ape said...

dude, I feel you man, Makati and all the fucking rules (loading/unloading shit) can really ruin your day. Ilang beses na rin ako nabiktima nuon nung bago pa lang ako d2 sa Makati. Pero ngayon at inuugat na ko dito - di na ko masyadong nagugulumihanan.

glentot said...

Chingoy sakto yan nga ang ginawa ko...

ʎonqʎʇıɔ Poblacion? Sa may parang triangle sa harap ng museo ng Makati?

Dhianz hehehe predictable ba... nabuhay ka uli hehehe

Jules oo nga eh naasar ako...

Kikilabotz tipid kung sa Guadalupe ako papunta hahaha

Roanne akalain mo may term na pala para dun hehehe

LORD CM waaaah wag naman! aheytit!

Andy hindi nga ako lumagpas hindi na rin ako nakakain kasi wala nang trabaho hahaha

Jepoy eh tanga ka uuwi ka naman sa probinsya ninyo

Maldito gudluck naman kung nakatulugan ko pa ang paglalakad diba hehehehe

YJ mali!

abe mulong alam mo yan! hehehe

Tiano parang kasabihan yan ah...

Ape taga-Makati ka rin pala??? Bka magkapitbahay pa tayo ah! hahahaha

Ape said...

cook ako sa isa sa mga jollijeep dito ko sa Paseo. ikaw?

wendell said...

ayos trip mo ah! baka naman kasi unconsciously may pupuntahan ka talaga dapat sa guadalupe... sogo baga? hahaha. joke lang. ayos lang yan, at least nakapagjoyride ka pa. joyride?! nyahaha

glentot said...

Ape Call center sa may bandang RCBC plaza... Makapag-Jollijeep nga mamaya hehehe



Wendell may joyride bang tulog hahaha baka nakanganga pa ako nun tsk tsk tsk

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding