malas

Hey Kids! Mwah! Wala lang, magaan ang pakiramdam ko tonight eh kahit nagkanda-leche leche ako kanina. Ayoko kasing mabahiran ng ANGER ang aking INNOCENT IMAGE.

Ako yung tipo ng taong hindi naniniwala sa malas o swerte, pero kaninang hapon paggising ko, parang naiba ang pananaw ko bigla...

Ito ang mga pangyayari...

Nagyaya kasi magkita-kita ang Jepoy at Chingoy sa Shangri-La Mall ng 7PM dahil may pag-uusapan daw kaming mahalagang proyekto. Kaya 5PM pa lang, bumangon na ako sa aking kinahihimlayan at naligo, nagbihis, sumakay ng jeep.

Dun nagsimula ang malas.

Sa dami ng dumadaang Landmark na jeep, dito pa ako nataon sa jeep na sa kalagitnaan ng biyahe paliko sa Makati Ave ay biglang tumirik. Eh nasa tabi ako ng driver nakaupo habang nagso-soundtrip.

Bumulong yung driver sa akin, "Pwede ba itulak mo muna?"

Fuck?

Keysa makipag-away, bumaba na lang ako at nagtulak. Syempre hindi ko kaya di ba, jeep kaya yun.

After ng matinding effort nag-start din ang jeep kaya sakay ako uli sa tabi ng driver at byahe na kami muli sa Makati Ave, nang biglang out of nowhere ay may sumulpot na van sa isang kanto at muntik na kaming magkabanggaan.

As in nag-beso-beso na yung harap ng van at ng jeep.

Nasa harap pa naman ako nakaupo.

Matapos ang pagmumurahan ng jeep driver at van driver ay umusad na kami uli, nang biglang mag-ring ang aking phone, at ang caller ay si Ayie (Family Matters), na nasa Pilipinas na!!! Matapos ang kumustahan...

"San ka papunta?" Phone-in question ni Ayie.

"Sa Shangri-... teka..."

Teka, kung papunta ako ng Shangri La, bakit ang sinakyan kong jeep ay papunta ng Glorietta? Fuck, napagbaligtad ko na naman! Napaghahalata tuloy ni Ate Ayie kung gaano kababa ang IQ ko.

Nagtulak ako ng jeep na muntikan nang mabangga tapos malalaman ko maling jeep ang nasakyan ko. Nyeta.

Bumaba ako ng Ayala Ave, dumaan sa dalawang underpass, at naghintay ng bus sa mismong No Loading/Unloading, kasi alam kong dun hihinto ang bus (haha).

Sabihin na lang nating hindi ako sinuwerte sa bus. Wala nang upuan.

Pero OK lang lahat ng kamalasan dahil nakapagmeet pa rin kami nila Chingoy, (Ching-Chinining), Andy (A Tuff Life) at Jepoy (Plema ni Jepoy). At napag-usapan ang bagong lihim na project... ABANGAN. Hindi ko muna idadaldal kasi baka malasin.

Pagdating ko sa office, napatingin ako sa kalendaryo ko. March 10, 2010. Putangina, birthday pala ni Pudrax! Nakalimutan ko! Kaya siguro ako minamalas nang very very very nice.

26 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

Sana hindi umabot ang kamalasan mo sa project natin. I'm so excited!!!!! Nanginginig ako hanggang betlogs... Puta ka binaboy mo ang blog name ko!

Pakisabi kay Pudrax mo happy Birthday!!!!

Jag said...

nakakaintriga nmn yang project na yan...magpa-publish ba kau ng book? kewl!

Xa ipaki-greet mo n lng ako sa tatay mo kaya ka minamalas eh hehe...

roanne said...

Wapoise ang magtulak... Lalo na sa maling jeep!

happy birthday to your dad... Magkabirthday sila ng tatay ko :)

gillboard said...

belated happy berdey sa tatay mo!!!

good luck sa inyong project... at okay lang yung malas... minsan lang naman siguro yan.. hehehe

Maldito said...

hahahha....pinabayad ka pa ba ng driver after mong magtulak?
ako nun papakain ko sa kanya ang binayad ko.kapal ng mukha. sayang ang get up.lols

Lord CM said...

Hehehe :D Happy Birthday sa iyong Pudrax

At kay PLEMA ni Jepoy, musta na rin lolzz

glentot said...

Jepoy sshh ka lang ang landi landi mo kinakalat mo agad at hindi ko binaboy ang blog name mo typo error yun OK?

Jag kung makahula ka naman heheheh oi tagal mo nawala ah!

Gillboard sana nga wag na maulit diba kasi baka maging daily basis punyeta

Roanne oo nga naka-polo pa man din ako nun hmpf salamat sa pagdalaw!

Maldito actually bayad na ako bago pa ako magtulak nahiya naman ako bawiin haha WOW you're here I heard a lot about you from Jepoy Pekpek

kikilabotz said...

haha. oo nga noh? nagbabayad ka ba sa jeep? ahehe

whaaa. may project kayo? cg ako mggrade sa proj nyo. ahaha

Jepoy said...

Kalangan mag palit ng blogger profile pix? Yung matinding "Laso" usage sa photoshop ang pinili para kuminiz ang face.

Typo you betlogs! Buset!

glentot said...

Kikilabotz ano ba naman tingin mo sa akin nang 123 ba sa jeep hahaha hindi no sa BUS ko ginagawa yun

Jepoy shunga! Lasso! At hindi pampakinis yun, pang-select tool yun. Palibhasa paint lang alam mo. Puki ka. Pag-uwi ko mamaya iphopphotoshop ko pictures mo HUMANDA KA!!!

Maldito said...

Im always here glentot...omniscient at omnipresent parati..nagbabalat diyos kunwari.ahahaha....pero tahimik lang,,you know.shy type ang beyotch.ahaha.

at ano naman ang sabi ni jepoy?ahhehe..ang yaman niya no?lols

Dhianz said...

in fairness naaaliw talagah akoh sa mga entries moh...bat entries nyo nakakaaliw at napapasmile nyoh akoh nang bongga eh saken madalas emoh...haha...pero masayahin naman akoh sa personal...haha...nag-explain akoh...lolz...ano bah kokomentz koh? nawalah akoh...haha...pag gamit koh kc ang cell koh mag-online eh nde makahabol ang yutakz koh sa daliri koh or kahit sa stylus... sosi stylus..haha...gudlak ano man yang project nyoh...parang sarap den maki-hang out sa inyoh...sige awa ni God sa future pag nakapag-vacation...sige hinihingal na ang dalawang daliri koh...haha...Godbless!

Chingoy said...

hahaha, typo error my ass! akala ko nagkamali lang ako ng basa!

basta ako kumpleto na buhay ko, na-mit ko na mga idols ko! yahoooo!!!! (salamat sa malamig na tubig, jepoy! nyemas!)

PABLONG PABLING said...

naks sana nakasama ako sa mgameeting meeting na yan anong prject sali ako lols

DRAKE said...

Glentot, wag mong sisihin ang sarili mo! hindi ikaw yung malas, yung kikitain mo sila yung mga may balat sa puwet!nadamay ka lang!

At tama ang basa mo jepoy,ikaw yun!hahahha

silentassasin said...

at least nakatulong ka..(sa pagtutulak)
ayos ah..aabangan ko un project na yan..bka naman blairwitch yn.heheh
happy birthday s iyong pudrax!

Andy said...

Plema ni Jepoy!

Nice meeting you nga kagabi glentot! nakakaexcite naman ang project nyo na yan! :)

Andy said...

Plema ni Jepoy!

Nice meeting you nga kagabi glentot! nakakaexcite naman ang project nyo na yan! :)

Andy said...

Plema ni Jepoy!

Nice meeting you nga kagabi glentot! nakakaexcite naman ang project nyo na yan! :)

Ayie said...

Sabi na eh, ako ang iyong mahaderang Fairy God Mother! Ang ganda ko, kundi pa kita tinawagan palagay ko kung saan ka na napadpad!

andrei jon said...

that's what we call "you had a bad day" phenomena. kaso katangahan ang sumakay ng jeep papuntang gloritta kung ang pupuntahan mo ay shangri la.

glentot said...

Maldito tama ka ang yaman nya. Sabi nya ang galing mo raw mag-blog God ka raw.

Dhianz partida cellphone pa lang gamit mo nyan pano kung PC pa hehehe! Salamat at natuwa ka!

Chingoy kung maka-idol ka naman lumalaki na tuloy ulo ko mamaya suplado na ako nyahahahha

Pablong Pabling seryoso ka??? Sige sasabihin ko kina Pekpek

Drake salamat at kinampihan mo ako ngayon at hindi mo ko nilait sa sarili kong blog.

SilentAssassin haha ginawa mo naman kaming mga adik na mangkukulam.. Salamat!

Andy sumali ka na kaya sa project!!!

Keso sana kasabay ng pag-aabang ay ipagdasal mo ana rin na matuloy hehehe salamat!!!

Ayie tunay! Kung hindi ka talaga tumawag nun malamang nakatanga ako sa Glorietta

Andrei Jon para mo na rin akong tinawag na tanga sana diniretso mo na hahaha

ʎonqʎʇıɔ said...

sushal! sumespecial project? hehe

ayus lang yan. bilog naman ang mundo. malay mo sila naman malasin next time. *knock on wood*

Random Student said...

anong project yan ha? mukhang may capital ah hehe

Yj said...

eh kasi nga sa KAMALASAN ka pinaglihi gagah!!!

at lalo kang mamalasin kung hindi ko malalaman kung ano yang project na yan hahahahaha muahz

glentot said...

Citybuoy ganun siguro talag amga bida nahihirapan sa umpisa...

Random Student haha basta pagkakakitaan go ako...

YJ ikwekwento ko sayo pag nagpainom ka dahil successful ang defense ninyo!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding