shift mood

Kung nabasa ninyo ang previous post ko, sinabi kong nais ko nang magpakabait. Napakahirap pala. Umiwas nga ako sa kalasanan eh mahirap na, magpakabait pa kaya?

At paano naman ako iiwas sa kasalanan kung napapaligiran ako ng mga nagpapainit sa ulo ko? Madalas pa uminit ang ulo ko lately, kahit sa mga maliliit na bagay. At dahil kailangan kong magpakabait, tuwing nararamdaman kong nagsisimula na akong magalit, kailangan kong pumikit, mag-visualize ng happy thoughts at magpalit ng mood nang very very quick.

Lately, eto ang mga Top 5 nambwisit sa akin:

1. My long time friend, nag-chat sa akin sa Facebook. Naasar ako kasi tuwing makikita nya akong online, lagi syang nag-chachat, eh paulit-ulit lang naman ang usapan naming walang kwenta:

Sasabihin nya, "Tol musta?"
Sasagot ako ng "OK naman, ikaw?"
Sasagot sya ng "OK naman ako, ikaw tol musta?"

O di ba bwisit. SHIFT MOOD.

2. Mga ayaw mag-abot ng bayad sa jeep. Dito natetest ang patience ko sa mga putanginang ito. In my own humble opinion, kung ayaw mong makisama sa mga kapwa mo pasahero sa jeep sa pamamagitan ng simpleng pakisuyo ng bayad nila sa driver, eh PUTA KA, mag-taxi ka, magtricycle ka, maglakad ka, hindi ka TAO. Or umupo ka sa dulo ng jeep, wag sa unahan, dahil ang sarap mong sampalin. Tapos kapag pinilit ipaki-abot sayo yung bayad, ang sama-sama ng tingin mo? May poot? Nasaan ang Good Samaritan sa iyo?

Eh ikaw rin naman, nagpapaabot rin ng bayad? Tanga ka? SHIFT MOOD. Sampalin kita eh. SHIFT MOOD AGAIN.

3. Sonny De Geisha (not real name pero sounds like) na nag-iinvite mag-Become a Fan sa Facebook. Minsan nakita ko ang invite nya ay Become a Fan of Adam Lambert. Inignore ko, hindi ko gusto si Adam Lambert.

Next nakita ko, Become a Fan of Ang "I Love You" Sinasabi, Hindi Tinetext Lang. Ignore. Ayokong maging fan ng isang motto. Kung sasali man ako, dun ako magbe-Become a Fan sa "Don't be Mad, Shift Mood Agad" or something like that.

Huli kong nakitang invitation nya ay eto: Become a Fan of Sola Iced Tea. Putangina sobra na! Ni hindi ko sya kilala, bakit nya ako iimbitahang maging fan! At siguro, maghahanap na lang ako ng lubid at hook sa kisame para magbigti bago ako maging fan ng iced tea. Oops sorry sa mga fans ng Sola Iced Tea. OK, SHIFT MOOD. At ikaw Sonny de Geisha buburahin na kita sa Friends List ko dahil hindi na nga kita friend, ginagalit mo pa ako!!!

4. Word Verification. Eto medyo natakot na ako sa sarili ko kasi naman, pati sa mga walang kamalay-malay nabibwisit ako. Kapag nagco-comment, yung ibang bloggers ay may word verification para makaiwas sa mga spam. OK lang naman sa akin yung concept na yun, ang ayaw ko lang, napakahirap naman ng mga words, at distorted pa yung image ng word na kailangang itype! Challenge? Bwisit! Magcocomment lang naman ako, hindi ako manghahack ng bangko!!!

Yung huli kong comment eh "Gamimime" ang pinapa-type. Pero yung picture mukhang "Garriirriirre". ANIMAL, pahirap sa buhay. Nakakatamad tuloy mag-comment. SHIFT MOOD, NGAYON DIN!

5. Mga sasakyang humihinto sa pedestrian lane. Kanina on my way to work, muntik na akong masagasaan ng bus. Naka-red na ang stop sign at tumatawid na ako sa lane eh yung putanginang bus, dumiretso pa sa lane at doon pa huminto. So kailangan ko pang ikutin yung bus para makatawid. Putanginang driver, malaking diperensya ba sa kanya ang huminto bago umabot sa tawiran ng tao? Eh stop rin naman? Gaga sya! Gusto ko syang saktan sa pamamagitan ng baseball bat. Okay, SHIFT MOOD! SHIFT MOOD! SHIFT MOOOOOOOOOD!

Sa tingin ko magiging mahirap ang mga susunod na araw sa aking efforts magpakabait, at maraming ulit pa akong pipikit, hihinga nang malalim at magshi-SHIFT MOOD. At malamang, may sequel ang post na ito.

24 comments. Post your comment here.:

salbehe said...

Ang hirap nga magkoment sa Blogger kaya hindi ako madalas magkoment dito (palusot). Mag-Wordpress ka kaya?

Chingoy said...

LOL!!

panalo sa word verification ang "Garriirriirre". hahahah

tama ka, nakakabwisit ang hinayupak na passwords na ito. mabuhay ka glen!

fyi... "unnase" ang word ver'n ko para dito

Yj said...

yaman din lang na pinaalala mo, hate na hate ko ang mga putang inang jeepney driver na yan na hihinto sa harap mo kahit hindi mo naman pinapara..... shet....

nagrigaten ti ag-menopause....

bumaket ka ngaminen ket.... kurang lang ti iyot dayta....

ayabamon ah ni Jepoy.... bwah

victor gregor said...

ang galing naman, hindi ka pa nawawalan ng pag-asa magpakabait. sabagay, nakakapagod maging masama. lol.

word verification: quingon

PABLONG PABLING said...

ang baboy mabaho - kahit pilitin niyang bumango - babaho at babaho pa rin siya.

wag na pilitin mag pakabait
gamitin ang natural na
kapangyarihan
sumalakay
at mamuhay
ng kung ano
at kung ano ang
meron ka
at kung ano ka

nakatira na naman ata ako
shift mood

taribong said...

Hahaha

Anus laeng adingko....

ʎonqʎʇıɔ said...

bwakanangshiyet yang word verification! pakiramdam ko tama tinatype ko, mali parin. di ata maganda magcomment pag-lasing. lol

subterfuge said...

hahahaha!bigla ko na...

SHIFT MOOD

tumatawang mag-isa habang binabasa ang blog mo! (may naalalang post ko tungkol sa mga taong nakapagpabwisit sa umaga ko!)

(first day ko ng dalaw dito, baka mapadalas ha?)

gillboard said...

yan ang hirap pag di mo kilala inaadd mo sa facebook... hehehe...

kaya ako pili lang inaadd ko dun...

karen anne said...

hahaha, natawa lang ako,haha

Khekz Unno said...

may poot at galit ang post mo hahahaha..
word verification: vabir

Kosa said...

Re: no 5

pumunta ka sa palengke parekoy. bilhin mo lahat ng makita mong mantikilyang may star.
kulang ka sa tangkad baka hindi ka nakita ni maong driver. hehe buti nalang nakapreno... bago ka masagasaan. hehehe

**peace**

eh ikaw din pala leche ka! may word verification din ang blog mo! tanggalin na nga yan! hehehe

♥superjaid♥ said...

hahaha nakakainis nga yung mga ganyan..hehehe lalo na yung mga puv driver..

roanne said...

sabi ko naman sayo, wag masyado mabait muntik na tuloy masagasaan hehe

eloiski said...

1. yan ang badtrip sa lahat. minsan nagppm para bilhin mo sa ffs. sarap sapakin.

2. yan ang hardcore. ang sarap ihulog sa bintana. kaasar.

3. basta ayaw ko na iniinvite ako.

4. kahit anong word verification eh ayaw ko. pahirap sa buhay. nakakatamad tulog magcomment. buti pa ang wp. mag wordpress ka na. at ayan nag-iinvite ako. hahaha

5. yan ang tunay na badtrip.

mahirap talaga magpakabait eh. pinipilit ko rin kaso nakakapeste talaga ang mga nangyayari sa buhay.

pero ika nga nila look at the bright side of every mishaps.

1. pasalamat ka buti nga may gusto pang makichat sa yo. kahit paulit ulit. gusto ka lang naman kamustahin eh.

2. baka naman kasi ayaw niyang marumihan ang kamay mo. o kaya baka may putok siya, ayaw naman mamwerwisyo.

3. pasalamat ka kasi may nag-iinvite pa. merong iba diyan, naghihintay na mainvite sila kaso wala talagaeh. isa lang ibig sabihin niya, nag-eexist ka talaga.

4. dinedevelop lang naman niya ang imagination mo.

5. isipin mo na lang yung pag-ikot mo eh at paglalakd ng medyo malayo, marami-rami na ring calories ang nawala sayo. hakhak!

teka ang haba ng post este komento ko.

word verification: outograg - tongenuh! parang otograf lang ah!

Ape said...

actually, traffic violation ang huminto mismo sa pedestrian lane. kung nagkataon na may MMDA dun, pwede mo isumbong.

pero alam naman nating walang mangyayari dahil mga putangina ang mga traffic enforcers natin.

SHIFT MOOD, ngayon DIN!!

random student said...

ramdam mo rin ung item #5? ang hirap talaga. at yung eksena sa bus, sana di ka na lumiko, sana humarap ka sa gilid yung bumalandra sa yo na side at pinagpupukpok mo na parang may LQ kayo ng bus.

I am Xprosaic said...

Ahahahahahhaha daming shift mood ah... sige ayos yan... para masubukan talaga ang pagiging mabait mo... nyahahahahahahha... lalo pa't malapit na ang pasko (higit kumulang 9 months na lang) para naman may geps ka kay santa klaws.... jijijijijiji

olyabut said...

haha. Baby steps sa pagiging mabait. Maabot mo din yun.
Pandagdag asar lang:
Ang word verification ko ay reful. ^__^

DRAKE said...

Sabi na nga ba, may expiration din ang lahat!

Alam mo Glentot, pag itim na dwende ka, itim na dwende ka talaga! Walang brown, at dirty white na dwende. Itim kung itim, at puti kung puti! LOLS!

ingat!

Ayie said...

Nyahahah! Props to Drake! hehehe!

Oy, nireregla ka? Ikaw rin masyado kang affected ng mundo!
Shift mood! =P

glentot said...

salbehe huli na po para magwordpress ako, salamat po sa pag-effort mo...

Chingoy hindi ka dumating...

Yj Ilocano mode ka...

PABLONG PABLING hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin

taribong salamat...

subterfuge salamat po at nasiyahan ka...

gillboard ako rin next time mamimili na

karen anne salamat po

Khekz Unno maraming marami... salamat...

Kosa salamat sa panlalait.

ʎonqʎʇıɔ bakit ka naman naglalasing...

♥superjaid♥ thanks for sharing the same sentiment

roanne oo useless magpakabait

eloiski naappreciate ko ang comment mo at ang recommendations mo... maraming salamat...

Ape useless na rin magalit...

random student baka ako naman ang mabugbog nyan...

I am Xprosaic nawawalan na ako ng enerhiya magpakabait...

olyabut baby steps that will lead to disappointment... but I appreciate your kind words, salamat...

DRAKE salamat sa panlalait. baka next time ibang klaseng pasaring na rin ang mabasa ko sa blog mo?

Ayie wala na... useless.

SA LAHAT MARAMING SALAMAT AT PASENSYA NA KAYO WALA TALAGA AKO SA MOOD NGAYON... SORRY...

zoan said...

natawa ako dun sa word verification ahaha

Mary Anne said...

glentot ikain mo na lang yan. :)

SHIFT MOOD! =)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding