malapit na!!!

Hey Kids! Malapit na ang birthday ko, at simple lang naman ang kahilingan ko, WORLD PEACE at PICTURE GREETINGS.

Alam kong hindi nyo ako kayang bigyan ng WORLD PEACE, kaya picture greetings na lang, madali lang naman di ba?

Steps:

1) Kuha ka ng camera. Kunan mo sarili mo habang naliligo.
2) Kung may hawak kang papel na nagsasabing "Happy Birthday Glentot" sa picture, OK na OK yan, kung wala naman, i-edit na lang ang picture at dagdagan ng text.
2) I-send ito sa tabarejos16@

Ang dali dali lang diba. Yun lang ang hiling ko para maging mas memorable ang birthday ko na marami na akong kilalang bloggers na nagbibigay kahulugan sa aking buhay (whatever).

Buti pa ang mga sumusunod madaling kausap:

My Own Random Education
DomJullian
Kat
Dark Lady
Lars (not his real name)
Rundekaleel my officemate
Jipoy Pikpik
Ahmer
Drake, Tangina mo!
Kosa
Keso

Ayan, sila pa lang po ang natatanggp kong mga picture greetings...

Pansin ko lang, parang bagay ang Kosa at Keso ah... Uyyy...

Nga pala, kung friend ninyo sa Facebook si YJ, malamang nakita na ninyo ang kalaswaang binabalak nyang gawing picture greeting. Pantayan ninyo yun!!!

Kaya sige na po pahingi na ng picture greeting!!! Dali na po, deadline na sa April 31, 2010. See posters and print ads for details.

Mwahchupa!

khikhi has aids????

Hey Kids, pagmasdan ninyo ang kabobohang nakita ko sa Facebook, posted ng isang fake profile na nagbabalak sirain ang sira-sira nang buhay ni Maria Khikhilyn.

"Mark Valdez" says:

SOME PEOPLE WISH TO KEEP THEIR DISEASE PRIVATE BUT NOT ME,I THINK THIS IS THE BEST TIME FOR ME TO BE UPFRONT,I KNOW ALMOST OF MY RELATIVES AND FRIENDS ARE ALREADY AWARE REGARDING MY SITUATION,MARAMI PONG SALAMAT SA INYO PONG LAHAT NA SUMUSUPORTA PO LALO N PO SA SANTOS AT VALDEZ FAMILY ,GAYA NGA PO NG SABI NYO NO BIG DEAL.HIV SHOULD NOT EMBARRASS YOU.HOLD YOUR HEAD HIGH THATS MY FAMILY ALWAYS TOLD ME.I DIDNT ASK FOR THIS,SO NOTHING TO BE ASHAMED OF..ANG SA AKIN LANG PO IM JUST SO EMBARRASSED TO THIS PERSON WHOSE PICTURE APPEARS HERE,THIS GIRL WHO HAD GIVEN ME THIS KIND OF DISEASE A MONTH AGO SOMEWHERE HERE IN BOLINAO,DKO NA PO BABANGGITIN YUNG EXACT PLACE..ALL I KNOW IS THAT SHES THE LAST GIRL I HAD CONTACT WITH ALTHOUGH WE ALL DRUNK THAT NIGHT PERO ALAM KO PO LAHAT NG PANGYAYARI NUNG TIME
Kalakip ng post na iyan ang isang makahindig-aring larawan ni Khikhi Sabel.

At matapos ang post na iyan, kung ano anong status messages pa ang pinost nya claiming he has AIDS, at nakuha daw nya kay Khikhi.

What a complete and utter BULLSHIT.

Walang HIV/AIDS si Khikhi.

Eto ang mga naging sakit nya:

☑ Chicken pox
☑ Measles
☑ Amoebiasis (recurring)
☑ Rabies (sa kagat ng aso sa pwet nya)
☑ Kleptomania

Pero wala syang AIDS! Duh?

Bakit, porke ba pangarap ni Khikhi ma-gangrape, malandi na sya? Pokpok na sya? May AIDS na sya?

So ang objective ng mga paratang na ito ay sirain ang career ni Khikhi. Well Mark Valdez, tanga ka ba, WALANG CAREER SI KHIKHI!

Kasalukuyan syang unemployed.

Humanap ka ng ibang sisirain, yung ayos pa! Huwag si Khikhi dahil wala nang masyadong damage!

Paano ko nalamang black propaganda lang ito?

Dahil sa sinabing ito ni Mark Valdez:

THIS GIRL ... HAD GIVEN ME THIS KIND OF DISEASE A MONTH AGO

Idiota! Hoy Mark Valdez! Gagawa ka na lang ng kwento hindi ka man lang nagresearch! You don't get diagnosed with HIV/AIDS after one month of contact. It takes many months, sometimes years, for it to manifest sa mga tests, at kung totoong may Tigidong Moments kayo ni Khikhi nung nakaraang buwan lang at nagka-AIDS ka ngayon, eh di sa iba mo yun nakuha, malamang nakuha mo yun sa pakikipagsex sa mga UNGGOY na mukhang APOCALYPTO sa ating beloved hometown Bolinao.

Shunga!

OK lang sa akin sirain mo ang buhay ni Khikhi, kasi yun din naman ang purpose ko pero ang hindi ko ma-tolerate eh ang KABOBOHAN mo!

Eto pa ang sinabi ni Mark Valdez:

who will be blame?is anyone who had sex with me after this girl?TELL ME?...MAY KILALA KAYO? do you think that sex is a very confidential and holy? is this girl told me that shes sick before we made sex that night?do you think i will allow this to happen if she warns me that she has hiv!and will destroy my entire life! guys you cannot tell me that coz you are not in my situation!THATS A BULLSHIT!
Panalo.

Damn it I'm surrounded by idiots!!!

Nakakahiya kang Mark Valdez ka, taga-Bolinao ka pa naman! Hindi mo ba alam na tayong mga taga-Bolinao ay kilala sa pagiging demure, malinis ang puri, at never nakikipagsex just for fun kapag lasing na sa likod ng waiting shed sa breakwater???

At ang mas nakakahiya, hindi mo ba alam na magagaling tayong mga taga-Bolinao sa GRAMMAR! Baduy kang hayop ka. You're so PROVINCIAL.

Lowlife ka, dukha ka, pangit ka, pangit pati magulang mo at mga kapatid. Humihingi lang kayo ng tirang ulam sa kapitbahay. Malamang wala kang pera pang-HIV test. Pag nag-iinternet cafe ka para magpost sa Facebook, 30 minutes ka lang kasi hindi mo afford ang 1 hour. Kaya hindi ka nakapagresearch about AIDS.

Siguro isa ka sa mga nilait-lait ni Khikhi nung high school. Isa ka siguro sa mga inapi nya noong college. Isa ka siguro sa mga pinaasa nya sa fling-fling pero hind nya iniyot. Too bad!

So I'll end this post by saying ako lang ang may karapatang sumira sa buhay ni Khihki dahil bobo ka, hindi ka qualified!

At ito pa, sana nga totoong magka-AIDS ka at sana nga, kay KHIKHI mo makuha!

(Joke lang Khi!)

Kaya tumigil ka na sa pag-iimbento ng kapokpokan ni Khikhi, ang kathang-isip mong pag-me"make sex" ninyo, at lalong-lalo na ang mala-alamat mong AIDS story dahil, to quote your own words, "THATS A BULLSHIT!"

Nga pala may message para sa iyo, galing kay Khikhi mismo:

Hey Mark Valdez! Suck my dick. --Khikhi
At dahil jan!

The Official Khikhi Fan Club, invited ka Mark Valdez.
Join now! Hindi kami nag-didiscriminate sa mga may AIDS.

alien activity?

Kids, sa tagal ng pagkakakilala natin, siguro naman alam ninyo kung kelan ako nang-gugoodtime (all the time) at kung kelan ako nagseseryoso (paminsan-minsan).

Walang halong biruan ngayon, seryoso me. Serious mode. Paniwalaan nyo naman ako.

Nangyari ito noong huli akong pumunta sa Baguio para sa Flower Fest, March 5, 2010. Bitbit ko noon ang aking camera, at kasama ko ang aking long time friends na sila Gemma at Pinky para mag-inuman sa Session Road.

Habang umiinom kami sa isang cocktail booth, nag-show yung isang bartender dun kaya naisipan kong i-video yung skills nya.

I swear, habang kinukunan ko sya ng video, wala akong napansing kakaiba, kahit mga kasama ko, walang napansing anything strange, at nabaon na ang video na yun sa limot nung nilipat ko na sa aking PC.

After almost a month, nakalkal ko uli ang video na iyon, so pinanood ko.

Noong una, wala akong napansing kakaiba, pero nagconcentrate ako, at doon ko napansing parang may mali doon sa video...

Sa boses namin, at sa background noise, may humahalong kakaibang sound.

Sounds na hindi naman namin naririnig noong nirerecord ko yung video. Pinakinggan kong maigi ang audio ng video, at masasabi kong parang may kakaibang boses na nagsasalita sa background.

Hindi ito boses ng tao.

Kung totoong may alien, ganito siguro ang boses nila... Hindi ko ma-describe.

In-upload ko ang video para kayo ang humusga kung totoo ang naririnig ko o imahinasyon lang.

WARNING: Huwag papakinggan sa gabi, or kung mag-isa ka lang, dahil nakakatakot sya, kahit 1:13 seconds lang ang haba.





Parang boses talaga ng alien.

Pinakinggan kong maigi kung ano ang sinasabi nya, at konting words lang ang na-pick up ng pandinig ko, hindi ko marinig yung buong mensahe. Ang narinig kong words ay "rosas", "bubuyog", at "kuweba".

Imahinasyon ba ito? Kalokohan? O ito ba ay isang mensahe mula sa mga kakaibang nilalang...

Natatakot na talaga ako. Ito na siguro ang sinasabi nilang simula ng alien invasion...

birthday greetings

Malapit na po ang birthday ko, next month na. Pwede bang humingi ng picture greetings? Minsan lang naman ako mag-birthday sa isang taon. Kapag may kakilala kong blogger na humihingi ng pic greetings sa birthday nila, nagsesend rin naman ako ah... (nanumbat)

Dito po ipapadala: tabarejos16@

Sa lahat ng magpapadala, tatanawin ko pong utang na loob. Bwahihi.

Please? And salamat nang marami.

Pero kung busy talaga kayo/not interested OK lang po hindi ako namimilit.

KThxMwahchupa.

holy week pt 2

Last year may post ako na pang-Holy Week... Tungkol ito sa pagkain ng bawal na pagkain... Sa pag-iwas kong makakain ng pork, aksidente akong nakakain ng pork.

May sequel pala ito this year.

Nitong nakaraang Biyernesanto, bago ako umalis ng bahay ay nagtatalo kami ng aking Tita na si Sasha Fierce, kasi naman, ang inihain nyang almusal ko ay Adobong Baboy. Kinumusta ko ang paglimot ni Sasha Fierce sa tradisyon...

"Ma? Baboy ito ah."

"Eh ayaw mo naman kasi kumain ng isda."

"Tatlong araw sunod-sunod na tayong isda, pati San Marino corned tuna."

"Ayaw mo rin naman kumain ng gulay."

"Basta wag muna tayong kumain ng karne."

"Eh ano lulutuin ko?"

"Kahit ano basta wag karne, wag gulay o isda, at gusto ko may sabaw."

So pumasok na ako sa trabaho at matapos ang work, pagbalik ko sa bahay, wala sa bahay si Sasha Fierce, at nag-iwan lang sya ng pagkain sa mesa.

Napa-cartwheel front-handspring back-handspring ako sa aking nakita:



Opo, mga Kids, itlog yan. Nagpapanggap na karne at lumalangoy sa tomato sauce.

miz zafra

One time habang nag-iinuman kami nila Jepoy, YJ, Andy at Nil, may nagtanong sa akin, nagkatanungan kami kung sinong fellow bloggers ang gusto naming makilala nang personal.

Ang sagot ko, without missing a beat: "Jessica Zafra."

(OK so hindi lang sya blogger, accomplished and well-known writer sya, pero may blog sya so that should count.)

Bakit si Jessica Zafra? Para magmukha akong matalino kunyari, para intellectual ang sagot ko, kasi matatalino ang mga kausap ko? Nope, gusto ko talaga ang panulat nya.

Una ko syang na-discover sa Powerbooks a long time ago, habang nagpi-private reading. Wala akong pambili eh, bakit ba... Hilig kong buklatin yung book nyang 500 People You Meet in Hell, naghahanap ako ng mga kakilala ko hahaha. Impairness, marami, hihi.

Gusto ko rin yung Womenagerie, at yung Twisted Series. Bumili nga ako ng Twisted 8 1/2 eh at ipinang-regalo ko nung Pasko. Then I bought one for myself, as a gift.

Nung makita ko online ang blog ni Miz Jessica Zafra, natuwa ako kasi araw-araw syang nag-uupdate, at may natututunan akong bago. Gusto kong magpapansin sa comments section ngunit baka ma-snob ako eh. So nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng blog nya.

Hanggang sa isang araw...

May pa-contest si Miz Jessica Zafra. Simple lang, just tell her a secret that you haven't shared with anyone yet. Ang prize, ang librong Postsecret ni Frank Warren, collection ng mga confessions ng maraming anonymous contributors.

So nagkwento ako ng isang malagim na secret...


















At nanalo ako.



Hindi ko na sasabihin kung ano yung secret kasi SECRET nga eh.

Basta... it involves death and a spoon.

Haizt, just to win this book and get the note, it's almost like meeting her in person and getting her autograph.



Miz Jessica Zafra, kung naghimala at napadpad ka sa aking pipitsuging blog, gusto kong magpasalamat for the contest, the book and your note. Yung book kong Twisted 8 1/2, pwede pong ipa-autograph? Hehehe jk baka-sakali lang...

(photo ni Miz Jessica Zafra hinugot dito)

movie review: clash of the titans

OK Kids! Ikwekwento ko na lang sa inyo ang buong movie, para wag nyo nang panoorin.

Remake ito ng classic na movie na Clash of the Titans, naalala ko ni-rent ko pa yun noon sa VHS nung high school pa ako at nakatulugan ko sya as in sound asleep, hindi kasi 3D yung VHS namin.

I know right? VHS, so provincial.

So story ito ni Perseus, na napulot lang palutang-lutang sa dagat. May mangingisdang nakapulot sa kanya. One day, napatay ng God of the Underworld na si Hades yung ama-amahan ni Perseus. Just for fun.

Syempre na-badtrip si Perseus. Magrerevenge siya, gusto nya sampalin si Hades, okay.

Timing naman, yung mga tao sa City of Argos, dahil makasalanan, eh paparusahan ni Zeus, God of the Heavens, hindi kasi sila nagpe-pray! So sa pag-uutos ng Zeus at suggestment ni Hades, sasalakayin ng Kraken, monster na anak ni Hades, ang Argos, naka-schedule in ten days. Para matuto silang magdasal muli.

So hinirang ng Argos si Perseus para patayin yung Kraken, isabay na raw nya sa paghihiganti nya kay Hades, multi-tasking ito. Kasi kung hindi nya mapapatay ang Kraken, kakainin ng monster yung Princess ng Argos na si Andromeda. Ngayon, pag sinabi kong "kakainin ng monster", literal na kakainin, hindi gaya ng kay Ate Powkie na iba ang meaning... mwah!

Tapos, just for fun, nalaman pa ni Perseus na si Zeus ang tunay nyang ama. Telenovela moment, right? Nabwisit kaya si Perseus nang very very nice. Demi-god pala sya, as in half-humanh half-god. Okay.

So ang goal nya na is: tirahin ang monster, sampalin ang Hades at umbagin ang buntiserong Zeus.

Sa paglalakbay ni Perseus eh tinutulungan sya ni Io, isang Demi-God rin. Etong si Io, malandiiii. May taglay na kerengkeng. Pasulpot-sulpot biglaan, may costume change pa at hair and make up, ang goal lang naman nya is akitin ang Perseus. At least may goal sya sa movie, empowered woman.

Para mapatay ang monster, kailangan ni Perseus ang ulo ni Medusa. Lahat kasi ng lalaking tumingin sa mukha ni Medusa, magiging tawas. So pinuntahan nila si Medusa, sa Underworld kasi sya nag-stay.

Syempre matapos ang mahaba-habang fight sequence kay Medusa, nakuha naman ni Perseus ang ulo, ngunit time's up! Ten days na ang nakalipas.

Eh malayo ang Argos sa Underworld, tatlong sakay, talo sa pamasahe. Dumating ngayon ang Pegasus, yung kabayong may pakpak, very bakla. So sakay si Perseus dun, papuntang Argos. Naabutan nya yung Kraken, kakainin na si Andromeda!!!

So itinapat nya yung mukha ni Medusa sa mata ng Kraken. As expected, nanigas ang Kraken at naging bato, namatay. Tapos binalik nya sa ilalim ng lupa si Hades. Tapos nag-thank you sa kanya si Zeus at may job offer pa sa Mount Olympus, with matching relocation allowance, na hindi nya tinanggap.

Lahat ng goals, check, check, check.

OK, the end.

Wala masyadong challenge panoorin ang movie at medyo may kulang, wala kasing mga mabibigat na lines, tinalo pa sila ng One More Chance. Ito yung tipo ng movie na paglabas mo ng sinehan eh limot mo na.

Isa lang ang memorable line, coming from Zeus:

"Release ang chismosang Kraken!!!"

Yun po ang movie review, sorry for wasting your time.

a cinderella story

Lahat naman siguro tayo, kahit yung lumaki sa uber-liblib na barrio, eh pamilyar sa kwento ni Cinderella, ang babaeng inalila ng kanyang stepmother and stepsisters, na nakilala ang isang prinsipe nung palihim syang umattend ng ball...

Sa pagtakas nya, naiwan nya ang kanyang sapatos... na napulot ng prinsipe at ginamit nya upang mahanap sya and they lived happily ever after...

Maniwala man kayo o hindi, ang pangyayaring iyan ay nangyari sa aking kaibigang si Rose Marie.

Pramis, mamatay na ako kung nagsisinungaling ako, lahat ng nangyari kay Cinderella, nangyari rin sa kanya. Saktong-sakto.

Well, OK, hindi masyadong sakto, pero nandun ang similarities... Narito ang mala-fairy tale nyang buhay...

The Fairy Tale of Rose Marie


Once upon a time in land far, far away (V. Luna bandang Fairview), there lived a kind and sweet daughter named Rose Marie. Her mother is a wicked witch (kasi kinukuha lahat ng sweldo nya, pati 13th month pay).

Everyday, Rose Marie travels to a far off land (Mandaluyong) to work as a slave-girl (Accounting Department sya) in a beautiful kingdom (Dunkin' Donuts Head Office). All day everyday she works, and at night she goes home to bring back the goods to her mother...

"Oh Mother, my dear Mother, here I come," Rose Marie announces as she comes home.

"My poor child, I have waited all day for bread..." ("Pahingi pambayad ng tubig at kuryente"), her mother cries...

To please her mother, Rose Marie worked hard, every day, without rest.

One day, before Rose Marie left for work, she decided to put on her best shoes (step-in na kulay blue).

"This day is going to be different," Rose Marie thought, as she waited for the carriage (MRT) that will bring her to the kingdom...

Rose Marie had no idea of the tragedy that lay before her...

As the carriage approached, Rose Marie found herself in the center of a crowd, a bustling and noisy crowd, all waiting for the carriage to come... The carriage can fit only a few people, and everyone was rushing toward it...

The carriage stopped in front of Rose Marie, and as the wave of people gathered, aiming to fit into the carriage doors, Rose Marie was carried away in a tide of bodies.

Alas! As she was swept into the carriage, one of her shoes slipped off her dainty feet and lay there on the ground... The carriage doors closed, its wheels turned southbound, and Rose Marie's shoe was left there on the pavement, alone...

A long, long way Rose Marie travelled, keeping here stockinged, yet bare, foot behind her other leg so the people inside the carriage will not notice... When the carriage reached the outskirts of the Kingdom (Shaw Boulevard Station), the carriage doors opened and again, Rose Marie was swept into a tide of people rushing out...

Her left foot wearing a shoe, the other foot bare...

She felt the crowd looking at her with cruel eyes, and with the last of her strength, Rose Marie ran and ran, half-shoe, half-barefoot, until she found a small cart (tricycle) on which she road to the kingdom.

On that night, Rose Marie, as she left the kingdom, visited the shoemaker at the marketplace (EDSA Central) and bought for herself a new pair of shoes.

And she lived happily ever after. The End.




What a heartwarming story. As in, kuhang-kuha ang Cinderella fairy tale. Kulang na lang ng kalabasa...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding