alien activity?

Kids, sa tagal ng pagkakakilala natin, siguro naman alam ninyo kung kelan ako nang-gugoodtime (all the time) at kung kelan ako nagseseryoso (paminsan-minsan).

Walang halong biruan ngayon, seryoso me. Serious mode. Paniwalaan nyo naman ako.

Nangyari ito noong huli akong pumunta sa Baguio para sa Flower Fest, March 5, 2010. Bitbit ko noon ang aking camera, at kasama ko ang aking long time friends na sila Gemma at Pinky para mag-inuman sa Session Road.

Habang umiinom kami sa isang cocktail booth, nag-show yung isang bartender dun kaya naisipan kong i-video yung skills nya.

I swear, habang kinukunan ko sya ng video, wala akong napansing kakaiba, kahit mga kasama ko, walang napansing anything strange, at nabaon na ang video na yun sa limot nung nilipat ko na sa aking PC.

After almost a month, nakalkal ko uli ang video na iyon, so pinanood ko.

Noong una, wala akong napansing kakaiba, pero nagconcentrate ako, at doon ko napansing parang may mali doon sa video...

Sa boses namin, at sa background noise, may humahalong kakaibang sound.

Sounds na hindi naman namin naririnig noong nirerecord ko yung video. Pinakinggan kong maigi ang audio ng video, at masasabi kong parang may kakaibang boses na nagsasalita sa background.

Hindi ito boses ng tao.

Kung totoong may alien, ganito siguro ang boses nila... Hindi ko ma-describe.

In-upload ko ang video para kayo ang humusga kung totoo ang naririnig ko o imahinasyon lang.

WARNING: Huwag papakinggan sa gabi, or kung mag-isa ka lang, dahil nakakatakot sya, kahit 1:13 seconds lang ang haba.


video


Parang boses talaga ng alien.

Pinakinggan kong maigi kung ano ang sinasabi nya, at konting words lang ang na-pick up ng pandinig ko, hindi ko marinig yung buong mensahe. Ang narinig kong words ay "rosas", "bubuyog", at "kuweba".

Imahinasyon ba ito? Kalokohan? O ito ba ay isang mensahe mula sa mga kakaibang nilalang...

Natatakot na talaga ako. Ito na siguro ang sinasabi nilang simula ng alien invasion...

21 comments. Post your comment here.:

Anonymous said...

hahahaha tigidong tigidong tigidong.alam ko na ito....hehe lagi ako nakatambay dito sa blog mo e.

roanne said...

kalokohan mo!! adik!

Maldito said...

kinukuha ka na ng ama ni kokey...
si Boy Abunda.
hala mo.

Vajarl said...

Nalolost ako! Hindi ko mahanap ang dapat kong marinig! Haha. Nakafocus ako sa pag babato ni kuya ng bote.

Ibang level ang humor mo. Hahahaha.

Chingoy said...

ang narinig ko:

"may araw ka rin glen..."

olyabut said...

Hahaha, natawa ako dun sa comment ni Maldito.
Hinahanap ka na ng kapatid mong si Kokey, haha.

eloiski said...

haynaker! alam ko na 'to eh. akala ko talagang may alien talaga. tigidong tigidong sabiniya eh. joke mo lang 'to. amp!
gusto ko tuloy bistahin ang naturang lugar!

darklady said...

Matatakutin na talaga ako! Tinawag ko pa kapatid ko sa labas para samahan akong pakinggan to! hahahaha..

Parang may parating na alien At may balik kuhanin!! hehehe..

Random Student said...

kaka imbyernaks sikmura ata ni jepoy. tomguts lng.

Rah said...

coincidence din siguro na meron measure (metro)sa nung sinabayan ko siya ng beat galing sa metronome ko. Balak ko ireremix ko to, tas gagawin kong dance music hehehe ok lang?

Rah said...

coincidence din siguro na meron measure (metro)sa nung sinabayan ko siya ng beat galing sa metronome ko. Balak ko ireremix ko to, tas gagawin kong dance music hehehe ok lang?

Yj said...

pakyu ka... remix yan ng bad romance ni lady gaga.... aminin mo!

lars (not my real name) said...

what the F? tigidong din narinig ko.

Sendo said...

hahahaha..tripping ka ah haha

Donato said...

di ko nadinig yung rosas at kweba. eto lang nidinig ko:

tigidong tigidong tigidong....
"more....more batols!"

hahaha!!!

Mga Epal said...

Kamusta naman? Napadaan kami at nakahanap ng libreng oras.

Ang nakurot ng mga tenga namin 'e pinagdugtong-dugtong nalang namin. Eto ang lumabas:

"politikong tigang bubuyog kang ibong tumitibok, tigidongtigidongtigidong masyado kang nag-iisa... tigidongtigidongtigidong"

Subukan namin pakinggan ulit pag hindi kami nakainom baka iba ang lumabas.

Salamat sa patambay dito.

glentot said...

Anonymous magpakilala ka!

roanne hihi masanay ka na

Maldito hahaha bakit naman ako pa!

Vajarl hay naku may na-miss kang life-changing event

Chingoy iba ata na-play mo eh!

olyabut har har har! Bwahihi

eloiski oo bisitahin mo malay mo marinig mo rin yung alien bwahihi

darklady sana naman hindi menor de edad ang kapatid mo hahaha

Random Student haha hoy HINDI trademark ni Jepoy ang magutom...

Rah sige lang malay mo ma MTRCB ka pa hehehe

Yj nagkukunwari kang hindi mo alam eh theme song mo yan!

lars (not my real name) huh? must be a phenomenon or something hihihi

Sendo haha pasensya na nabiktima ka

Donato hindi mo ba narinig yung "Sabay Split!"

Mga Epal wow it's an honor maka-receive ng comment from you!

SALAMAT SA LAHAT NG NAGOYO

ʎonqʎʇıɔ said...

may nang-indyan kanina. :-S

glentot said...

ʎonqʎʇıɔ hoy hindi ah!!!! you know i'd love to be with you guys, it's just that my schedule is so tight, gigs here and there you know? Bwahihi next sabado?

ʎonqʎʇıɔ said...

hmmph!

wv: patibu (haha)

The Gasoline Dude said...

Taena! Ano 'yun? Ampf.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding