holy week pt 2

Last year may post ako na pang-Holy Week... Tungkol ito sa pagkain ng bawal na pagkain... Sa pag-iwas kong makakain ng pork, aksidente akong nakakain ng pork.

May sequel pala ito this year.

Nitong nakaraang Biyernesanto, bago ako umalis ng bahay ay nagtatalo kami ng aking Tita na si Sasha Fierce, kasi naman, ang inihain nyang almusal ko ay Adobong Baboy. Kinumusta ko ang paglimot ni Sasha Fierce sa tradisyon...

"Ma? Baboy ito ah."

"Eh ayaw mo naman kasi kumain ng isda."

"Tatlong araw sunod-sunod na tayong isda, pati San Marino corned tuna."

"Ayaw mo rin naman kumain ng gulay."

"Basta wag muna tayong kumain ng karne."

"Eh ano lulutuin ko?"

"Kahit ano basta wag karne, wag gulay o isda, at gusto ko may sabaw."

So pumasok na ako sa trabaho at matapos ang work, pagbalik ko sa bahay, wala sa bahay si Sasha Fierce, at nag-iwan lang sya ng pagkain sa mesa.

Napa-cartwheel front-handspring back-handspring ako sa aking nakita:



Opo, mga Kids, itlog yan. Nagpapanggap na karne at lumalangoy sa tomato sauce.

24 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

you deserve that eggs with pathetic lycopene. Dahil haggard ang instruction mo kay shashafierce. Kung ako inutusan mo ng ganong ang ipapakain ko sayo lupa na may tubig dahil mag babalik karin sa punso na tunay na tahanan mo.

Kthanksbye!

Ape said...

muka namang masarap. lalu na kung 3 araw na hindi kumakin yung kakain.

Chingoy said...

wag na mag-inarte... kain lang pogi!

chie said...

haha. muka namang masarap kahit papano. di sya karne, gulay o isda. at meron syang sabaw...malapot nga lang. :D

domjullian said...

sana tinikman mo muna, malay mo naman masarap. pero hehehe, parang nde nga masarap kasi lumalangoy sa sauce.peace!

taribong said...

haha parang nakita ko ang ganyan sa canteen kanina, tawag ng Intsik na may-ari: "sunrise surprise" dahil malalaking meatballs na pag hinati sa gitna ay makikita ang nilagang itlog na nasa loob. Hmmmm, hindi kaya nawawala ang meatballs diyan?!?

word verification: exatigu

Kosa said...

anung lasa parekoy?
hehehe.
akala ko kanina, adobong itlog..lols
Pakbet na itlog pala..ahihi

olyabut said...

ang hirap naman kasi ng requirements mo, hehe
"Kahit ano basta wag karne, gulay o isda, tapos may sabaw"
haha
nilagang kahoy, anyone? =p

Random Student said...

ay. nagpapanggap itong post. actually san marino press release. wag ma-deceive!

Ayie said...

Ang smart talaga ni Tita Sasha, o e di napala mo. =P

Parang medyo ewww ang dating hehehe. Masarap ba?

roanne said...

Napaka choosy beggar kasi yan napala mo! Hehe

donato said...

yuck!.....
kadiri!....
ewe!....
hahaha!

ok na yan, at least meron. mabait pa nga si sasha fierce eh.kung nanay ko lang yan isang very very nice na batok-makapiglas-ngipin ang aabutin mo. ahaha

KESO said...

hahahaha. parang nahirapan si sasha fierce sa pgiisip sa kung anong iluluto niya sayo, kaya khit ano na lang ang maisipan haha. anong lasa nyan ?

kikilabotz said...

masarap b yan pareng glen?

Rah said...

bakit nga ba kasi bawal kumain ng karne pag holyweek?

mjomesa said...

wahahaha...ano yan kalderetang etlog..? balot ata..hahaha..go kaya mo yan..pampalakas ng tuhod...

ʎonqʎʇıɔ said...

um..your eggs look funny. *naughty smile*

achiemoon said...

mukha namang masarap pag mainit.

glentot said...

Jepoy pathetic lycopene? Wag ipilit mag-umEnglish! Palibhasa almusal mo darak. kThxByers!!!

Ape siguro kahit anong ipakain sayo eh mukhang masarap kung 3 days ka nang hindi kumain haha

Chingoy at dahil tinawag akong pogi hindi ko yan palalampasin

chie looks can be deceiving hahaha

domjullian actually wala akong choice kundi kainin sya hahaha

taribong salamat sa pagdalaw at pagshare sa sunrise surprise.

Kosa lasang itlog at tomato sauce talaga sya haha

olyabut nasunod naman lahat ng requirements haha

Random Student haha advertiserment ng San Marino, move over DingDong hahaha

Ayie hindi haha. Mukhang itlog na niregla.

roanne kasi naman diba cook si Tita...

donato haha siguro hindi ka makapagdemand sa nanay mo no hehe

KESO lasa syang itlog na may tomato sauce, na may KESO hahahah jk

kikilabotz ay hangsarap mapapaorder nga ako nito sa labas

Rah it's a tradition na nagsimula sa Italy, to symbolize man's sacrifice...

mjomesa haha hindi sya balut kasi considered meat yun wahaha

ʎonqʎʇıɔ ayan na naman!!! mga double entendres hahaha

achiemoon haha masaklap nyan malamig na sya nang madatnan ko hehe

SALAMAT SA PAGBASA AT PANLALAIT SA LUTO NI SASHA FIERCE, hindi pala ako nag-iisa haha

Maldito said...

i love hard boiled eggs...
kaya kung kainin yan araw araw..
ok sige..i lied.
2 araw lang pla...wag naman yung araw araw..nakakasawa.ahahha

Anonymous said...

hehehe

subterfuge said...

nakakatuwa naman si tita mo, talagang may character name pa sya ha! i like the name sasha fierce :D

by the way, masarap ba itlog mo?

The Gasoline Dude said...

Wahahaha natawa ako! Ngayon lang ako nakakita ng itlog na may tomato sauce. :)

June | Life and Spices said...

Nakakatuwa ang mga post ni Jepoy sa blog posts mo..parang me galit lage na pinaghuhugutan? hahahah

Anu resipe nyan..matry nga

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding