movie review: clash of the titans

OK Kids! Ikwekwento ko na lang sa inyo ang buong movie, para wag nyo nang panoorin.

Remake ito ng classic na movie na Clash of the Titans, naalala ko ni-rent ko pa yun noon sa VHS nung high school pa ako at nakatulugan ko sya as in sound asleep, hindi kasi 3D yung VHS namin.

I know right? VHS, so provincial.

So story ito ni Perseus, na napulot lang palutang-lutang sa dagat. May mangingisdang nakapulot sa kanya. One day, napatay ng God of the Underworld na si Hades yung ama-amahan ni Perseus. Just for fun.

Syempre na-badtrip si Perseus. Magrerevenge siya, gusto nya sampalin si Hades, okay.

Timing naman, yung mga tao sa City of Argos, dahil makasalanan, eh paparusahan ni Zeus, God of the Heavens, hindi kasi sila nagpe-pray! So sa pag-uutos ng Zeus at suggestment ni Hades, sasalakayin ng Kraken, monster na anak ni Hades, ang Argos, naka-schedule in ten days. Para matuto silang magdasal muli.

So hinirang ng Argos si Perseus para patayin yung Kraken, isabay na raw nya sa paghihiganti nya kay Hades, multi-tasking ito. Kasi kung hindi nya mapapatay ang Kraken, kakainin ng monster yung Princess ng Argos na si Andromeda. Ngayon, pag sinabi kong "kakainin ng monster", literal na kakainin, hindi gaya ng kay Ate Powkie na iba ang meaning... mwah!

Tapos, just for fun, nalaman pa ni Perseus na si Zeus ang tunay nyang ama. Telenovela moment, right? Nabwisit kaya si Perseus nang very very nice. Demi-god pala sya, as in half-humanh half-god. Okay.

So ang goal nya na is: tirahin ang monster, sampalin ang Hades at umbagin ang buntiserong Zeus.

Sa paglalakbay ni Perseus eh tinutulungan sya ni Io, isang Demi-God rin. Etong si Io, malandiiii. May taglay na kerengkeng. Pasulpot-sulpot biglaan, may costume change pa at hair and make up, ang goal lang naman nya is akitin ang Perseus. At least may goal sya sa movie, empowered woman.

Para mapatay ang monster, kailangan ni Perseus ang ulo ni Medusa. Lahat kasi ng lalaking tumingin sa mukha ni Medusa, magiging tawas. So pinuntahan nila si Medusa, sa Underworld kasi sya nag-stay.

Syempre matapos ang mahaba-habang fight sequence kay Medusa, nakuha naman ni Perseus ang ulo, ngunit time's up! Ten days na ang nakalipas.

Eh malayo ang Argos sa Underworld, tatlong sakay, talo sa pamasahe. Dumating ngayon ang Pegasus, yung kabayong may pakpak, very bakla. So sakay si Perseus dun, papuntang Argos. Naabutan nya yung Kraken, kakainin na si Andromeda!!!

So itinapat nya yung mukha ni Medusa sa mata ng Kraken. As expected, nanigas ang Kraken at naging bato, namatay. Tapos binalik nya sa ilalim ng lupa si Hades. Tapos nag-thank you sa kanya si Zeus at may job offer pa sa Mount Olympus, with matching relocation allowance, na hindi nya tinanggap.

Lahat ng goals, check, check, check.

OK, the end.

Wala masyadong challenge panoorin ang movie at medyo may kulang, wala kasing mga mabibigat na lines, tinalo pa sila ng One More Chance. Ito yung tipo ng movie na paglabas mo ng sinehan eh limot mo na.

Isa lang ang memorable line, coming from Zeus:

"Release ang chismosang Kraken!!!"

Yun po ang movie review, sorry for wasting your time.

31 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

Tangina mo glentot! Tawa ako ng tawa sa kwento mo. bentang benta sakin! Putakelya ka! Go!

lars (not my real name) said...

release ang chikamosang Kraken! at patugtugin ang Hit me beybe wan mor taym ni Britney Spears!

vadafi din pala si Zeus. amf!

papanoorin ko to sa sinehan. mukhang mag-eenjoy ako at matatawa dahil sumang-ayon ako sa review mo.

Stone-Cold Angel said...

Ayos ang review... baklang bakla... hahaha! Joke lang po! =)

pusang kalye said...

buti nalang di ako nagpasindak sa mga posters na naglalakihan sa lahat ng corners--nagsisi sana ako --sayang ang $3.

Yun ang hirap minsan kung isa ka sa mga nauuna sa panunuod...kaya ako most of the time play safe...basa muna ng mga reviews. hehe

kayedee said...

at dhl s wento mo, babe I love u nlng ang panunuorin q! (anong koneksyon?) wlang wlng trip q LNG! Nhahah..

Sendzki said...

hahaa..hanep nakakatuwa!!!! ^^ haha....

gillboard said...

la ko plano panuorin na to... nakwento mo na eh...

manik_reigun said...

win ang hitad! i betchabygollywow, mas maaction pa kung ang pegasus na paguusapan ay yung sa kanto ng q.ave, at mas malalandi pang mga hitad kesa ka Io ang mageentertain to death ng todo. buti na lang knowiz ko na diziz not worth watching. buy na lang me ng quiapo dvd. tnx gurl!

papa johnlloyd ftw!

olyabut said...

haha! talagang "release ang chismosang kraken"?
pero panalo si liam neeson. Sya lang ang may boses na kayang magdeliver ng ganun.
pag pinanood ko ung clash dapat marinig ko ung chismosa ha.

Kaitee said...

NAMPU. Nakabili pa naman ng ticket sila Mama for 3D! Perseus? Diba anak ni Poseidon yun? Nalaman ko lang yan sa Percy Jackson.

Chingoy said...

pang 2D lang daw ito...

Random Student said...

ako lang ata ang nagkagusto sa pelikula hehehe bakit kaya. yan din ang sinabi ng mga high school classmates ko sa nawawalang classmate namin dahil pasaway, "release the kraken!"

Kosa said...

hindiko na ito panonoorin...
bukod sa nakwento mo na eh, napanood ko yung naunang version nito.
basta tungkol sa mga goddess, walang kakkkwenta kwennta!

DRAKE said...

Hindi ko binasa ang review mo dahil papanoorin ko talaga ito kahit ano pa ang sabihin mo!

Gusto ko lang magcomment kaya wag kang eepal dyan!

Ingat

KESO said...

naging matagumpay ka sa iyong hangarin, dahil kinwento mo na nga, ayoko na syang panoorin! dpat pala di ko na lng binasa hahaha!

Ayie said...

Spoiler! (parang si Bendita lang--Hitler!)

phrench said...

hahaha... kakapanood ko lng kanina.. mas gusto ko nga ung old version ng movie na un.... I lab ur review... hahaha..

Jag said...

napanood ko na din ito at hindi ako maxadong namangha hehehe...

and i didn't wasted my time reading this reiew hehehe...peace parekoy! hehehe

rico de buco said...

spoiler..manonood nalang ako ng agua bendita hehehe at least andun si andy eigenmann hehehe kras ko eh heheh

glentot said...

Jepoy I don't believe your plastic comment. !!!!

lars (not my real name) haha cge panoorin mo kunwari comedy

Stone-Cold Angel coz that movie is (slightly) gay.

pusang kalye hahah madaya!!!

kayedee hahaha cge tignan natin kung saan ka mas magsisisi hehe

Sendzki pramis?

gillboard then my work here is done haha

manik_reigun bwahahahaha panalo ang comment mo astig! I mean, kalurkey.

olyabut magkamukha dun si liam neeson at ralph fiennes kaya napagbabaligtad ko haha

Kaitee sa Percy Jackson iba yung story ng slight...

Chingoy panoorin mo in 3D at nang mapatunayan

Random Student actually gusto ko rin ito pero mas natuwa akong lait-laitin sya keysa purihin hahaha

Kosa inggit ka lang wala ka kasing powers hahaha

DRAKE fine haha kelan ka ba naniwala sa akin

KESO panoorin mo in 3D para maexperience hahaha

Ayie di ako nakakanood ng bendita haha

phrench weh??? haha salamat

Jag sige ikaw na!!! haha

rico de buco hindi ko sya kilala hahaha

curly tops said...

putang ina.... namuti na mata ko sa kapopokus sa tuwing mapapatumbling ang perseus o kaya eh nagpapagulong gulong... di ko man lang nasilipan ng balls ang buwaka ng ina... FAIL!

anyways nag enjoy naman ako sa game natin after ng movie... ipopost ko pala yung mga pinagsasasabi mo habang naglalatag ka ng pira-pirasong tissue.... just wait....!!!

pakyu!muahz

paci said...

hasus!!! kumusta naman mga banat na yan!!!! wahahahahaha!!!!

eloiski said...

wahaha. buti na lang hindi ko pinanood. andun na ako eh pipila na sa bilihan ng ticket tapos parang ayaw ko may pumipigil sa akin. heto palang review mo yun. hakhak!
maraming sa lamat sa bonggang-bonggang review na 'to. ayos. niligtas mo ang 150 petot ko!

walongbote said...

Di ko xa pinanood panu kasi itong mga kasama ko, sabi wag na daw.. kasi panget. tama ka, mukang mas maganda pa ang one more chance kesa d2.. hahaha.. :)

Maldito said...

nawala ang comment ko na nilagay ko dito 2 days ago...
ampotah..ang hirap i type ulit.....alam mo yun!
sad.. "(

Mac Callister said...

shet!tumawa ako ng tumawa sa movie review mo!now lang ako nakabasa ng movie review na parang bakla sa parlor ang nagkukuwento habang nililinis ang kuko ko! LOLLLLLLLLLLLLLLLL

at thank you atleast alam ko na story haha

Kaitee said...

After watching the movie...


Tama pala si Kuya Glentot. Sanga nga nagFacebook na lang ako eh. Mas may thrill pa. :)

wendell said...

sabi nila mas ok daw and movie kapag di mo pa napapanood ang Percy Jackson's.

parang adult version lang daw 'to ng Percy eh... mapanood nga.

subterfuge said...

nyahahaha! aliw ako actually! panalo sa pagkabakla ang kwento mo lolo! salamat ahh, atleast alam kong mas mabuti pang magpunta sa comedy bar kesa manood ng clash of the titans, hihi :p mas gusto ko pa version mo kesa panoorin ko ito ng totoo

The Gasoline Dude said...

Hindi ko pa napanuod 'yan. Kasi naman andaming nagsabing ampanget daw. :(

June | Life and Spices said...

hahahaha chismosa talaga yung kraken? hahahaha.. maganda naman to..pero boring yung sunod na movie nya

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding