what the fuck?

Yes, this is a Lars-related post pero hindi tungkol sa kanya (dahil tapos na yung topic na yun) kundi dun sa nag-iiwan ng messages sa chatbox nya.

Hindi ko alam kung maamuse ako o pati ako ay mahaharrass. May ganun? Capable pala ako nun hahaha.

Kasi naman may nagtsismis sa akin na hanggang ngayon eh usapin pa rin pala ako dun, at nakita ko nga itong messages na ito sa chatbox dun sa blog na iyon:

Jan: Hey cheap-ass faggot! This is by far THE stupidest blog I’ve ever visited. This is your blog , I know. but dude your opinion about things sucks (like a cheap whore.). I don’t like Glen, he seems like douchebag when he writes. But his post about you clearly shows he’s like 10 levels above you, you retard. Do you really think all your tough talk will scare people till they **** their
Amfufu! Kung sino man ang nagsulat nyan hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil binaboy nya ang kinaasaran ko, o maaasar din ako sa kanya dahil binaboy rin nya ako.

Kug chatbox ko lang yun, makikita ko kung kaninong IP address yun. Kaso hindi.

Ampf! Makapagdownload na nga lang ng bestiality porn! I'll be back in two days, bye Kids!


YJ ikaw ba yun??? Bwahaha makapagbintang lang.

scenario game

Kapag wala kaming magawa ng mga imaginary friends ko ay naglalaro kami ng "Scenario Game" kung saan matetest mo ang limit ng isang tao. Maganda ang larong ito para malaman kung hanggang saan aabot ang moralidad ng mga kaibigan mo.

Simple lang, mag-isip ka lang ng mga scenarios na gaya ng sumusunod:

  • Inalok ka ng celebrity crush mo ng one night stand, papayag ka ba kahit may GF/BF ka?
  • Alin ang iliilgtas mo kung lulubog na ang bangka, Lola mong bwisit, o isang maletang may lamang 1 million pesos?
  • Mamili ka ng gagawin mo: 2 Girls 1 Cup*, o 1 Man 1 Jar?**

Sa ganyang mga tanong, hindi ka lang mag-eenjoy, makikilala mo pa ng husto ang mga friends mo.

Halimbawa, itong isa kong friend na itago natin sa pangalang Paquita Rose. Yep, yung nagtae (allegedly) sa bus.

Nasa Megamall na naman kami last Sunday, at dahil ubos na ang funds namin sa pizza ay hindi na namin nagawang manood ng sine. Kaya naupo na lang kami sa benches at nanlait ng mga dumadaang frogs. Kaso ang konti lang ng mga baduy noon (isa lang ang nakita ko, yung buntis na naka-jumper ng color blue na floral, mukha syang hippie na Teletubby) kaya hindi ako naka-quota.

Kaya nung nauubusan na kami ng lalaitin, pumunta na lang kami sa Cyberzone para magcanvas ng laptop. Pangarap kasi ni Paquita Rose ang magkaroon ng laptop. Yung mga katanggap-tanggap na brands, nasa 30K. Hindi pasok sa banga ng budget ni Paquita.

Napatanong tuloy sya bigla... "Hmm paano kaya ako magkakaroon ng mabilsang 30K?"

Sagot ko naman, "Eh di tawagin mo yung suitor mong DOM."

Opo mga Kids, may manliligaw itong si Paquita Rose na ang edad ay nasa 60 plus. Yung tipong may Suki Card sa Mercury Drug, at ang resibo ay dalawa lang ang laman: Viagra at Pau D' Arco.

Eto, i-visualize nyo na lang ang pag-uusap namin.

Paquita Rose: Ano namang sasabihin ko dun sa DOM?
Glentot: Sabihin mo pumapayag ka na tirahin ka nya kapalit 30K.
Paquita Rose: Ang baba naman? 30K lang?
Glentot: Kagandahan ka? Mga pokpok nga jan sa tabi, ang gaganda wala pang 5K. Pwede na yang 30K, kasi virgin ka.
Paquita Rose: Basta ayoko nun. Kasalanan yun, Thou shall not commit adultery.
Glentot: Pwede ka naman magsisi pagkatapos. At least nagkalaptop ka isang higaan lang.
(Isip-isip sya sandali)
Paquita Rose: Ayoko!

Tinigil ko muna at nag-isip ng panibagong line of thought.

Glentot: Bakit ba ayaw mo ano bang itsura nya?
(Naghanap sya sa paligid, tamang tama may dumaan na matandang lalaking may tulak na wheelchair).
Paquita Rose: Yan oh.
Glentot: Pwede pa yan.
Paquita Rose: Tanga ka.

Mukhang ayaw nyang bumigay, kaya naglakad-lakad muna kami, nagtingin ng mga Now Showing.

Glentot: Sige hindi ka na lang titirahin, didilaan ka lang sa keps, 15K per hagod.
Paquita Rose: Ayoko!
Glentot: Dalawang hagod lang, may laptop ka na!
Paquita Rose: Wag ganun!

Hanep matibay talaga ang puri at dangal nya. Paikot-ikot lang kami sa 4th Floor, tumitingin ng mga paintings sa art galleries.

Glentot: Sige hindi na didilaan, kukurutin na lang.
Paquita Rose: Akala ko tapos na yang mga tanong na yan!
Glentot: 1K per kurot.
(Isip-isip sya sandali)
Paquita Rose: 30 times pa akong kukurutin para makaipon, mamamaga na yun!
Glentot: Eh hindi naman minsanan yun, pakurot ka twice a day lang para hindi masakit.
Paquita Rose: Ayoko!

Nauhaw kami pareho, bumili kami ng 4 Seasons. Habang masayang sumisipsip, pinagpatuloy ko ang pagtesting sa moral values ni Paquita Rose.

Glentot: Sige hindi na kukurutin, tititigan na lang.
Paquita Rose: Magkano?
Glentot: 10K isang oras. O diba 3 hours lang may laptop ka na. Dali na.
Paquita Rose: Sya lang ang titingin?
Glentot: Hindi, lahat ng friends nya titingin din. Nakasquat ka lang. Tapos pwede nila ilapit yung mukha nila.
(Isip-isip sya sandali)
Paquita Rose: Ayoko!

Kailangan gawing mas matindi ang odds.

Glentot: O sige ganito, paano kung nasa bingit ng panganib ang Nanay mo, nasa ospital, at kailangan mo ng pera, ang paraan lang eh tirahin ka ni DOM?
Paquita Rose: Hindi pa ba tapos yan? Ayoko nga!
Glentot: Sorry na lang pala ang Nanay mo hahaha.

So dahil mukhang intact talaga ang moralidad ni Paquita Rose, hindi ko na sya pinilit. Nung magsawa na kami sa pagmumukha ng isa't-isa, nagkayayaan na lumabas ng mall. On our way out, sa escalator may nakasabay kaming Amerikano na naka-shades at todo sa porma, parang model lang ng Calvin Klein.

"Eh sa ganyang ang itsura, titirahin ka for 30K, papayag ka?"

Napatumbling ako sa sagot nya...





"Kahit libre pa."

"TANGINA MONG POKPOK KA!" na lang ang naisagot ko sa kanya, nagtinginan pa yung mga katabi namin sa escalator.

Ayan po ang nagagawa ng Scenario Game. Ganda. Try nyo. Maganda syang gawin sa mga company team building.



* 2 Girls 1 Cup - Yung kumalat na video ng dalawang babaeng nagsesex habang kumakain ng tae, at isusuka ni Girl 1 yung tae sa bibig ni Girl 2, na isusuka yung suka pabalik sa bibig ni Girl 1.Yung tae, nakalagay sa cup. May kopya ako Kids, you want?

** 1 man 1 Jar - Eto yung video ng isang lalaking nagpasok ng garapon sa butas ng kanyang wetpaks. Oo, nagkasya yung garapon. At nung mapasok nang buo, nabasag yung garapon sa loob ng pwet nya, at tumutulo ang dugo habang isa-isa nyang nilalabas sa pwet nya ang mga bubog.

t. alonzo street

Wala lang! Almost 3 years na akong graduate, pero madalas ko pa ring maalala yung mga pinagdaaanan ko nung una akong pumasok sa kolehiyo sa Baguio City. Siguro dahil malapit na naman ang start ng classes, at naiinggit ako sa mga mag-aaral pa lang.

Pito kaming magkakaklase noon, 3 boys 4 girls, na nagkasundong magsama-sama sa isang apartment. At nakahanap kami ng isang apartment sa T. Alonzo Street.

Ang sabi nila, ang T. Alonzo Street daw ang Tondo ng Baguio City. Ewan ko kung totoo, pero nung narinig ng Tatay ko na sa T. Alonzo Street kami titira ay pinagalitan nya ako. I was like STFU.

Hindi kami mapigil sa pagtira dun sa apartment na yun. Sa preyong P7000, tig P1000 lang ang upa namin, all in, kaya tipid na yun. Akala kasi namin noon, yun lang ang dapat i-consider sa paghahanap ng matitirhan, ang presyo.

Kay laking pagkakamali. Wala kaming ideya sa parusang naghihintay sa amin.

Excited kaming lahat nung araw na lumipat na kami sa apartment isang linggo bago magsimula ang klase. Excited mag-agawan sa kama, magsalansan ng gamit sa closet, at syempre ang magbonding. Para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan, maggigisingan sa umaga, sabay-sabay kaming kakain at maghihintayan sa pagligo, at magliliwaliw lang buong maghapon. Magkwekwentuhan ng multo-multo pag gabi.

Nung nagsimula na ang klase, nagsimula na ang kalbaryo.

Halos lahat kami ay mag klase ng 7:30 ng umaga. Kung dati naggigisingan pa kami, ngayon una-unahan na kami sa paggising, para mauna sa banyo. Traydoran na. Mahirap nang malate dahil lang sa mabagal maligo ang isa sa inyo.

Yung dalawa sa amin, 7:30 ang klase pero 7:00 gigising, kaya ang solusyon: sabay silang maligo.

Kung dati leisurely kami mag-almusal, kanin at ulam pa, ngayon, kalabisan na ang pagluluto ng pancit canton.

Kung dati, sabay sabay kami lumabas ng bahay, ngayon, iwanan na.

Isang linggo pa lang ang nakakalipas at nagkakakitaan na kami ng hindi magagandang ugali ng isa't-isa. Minsan nagalit ako at pinagbubulyawan yung isang kasama namin, ginamit nya kasi yung body soap ko, ginawa nyang hand soap at iniwan pa sa lababo.

Meron naman isa nag-iiwan ng used napkin sa sahig ng banyo. Nagmagandang loob naman syang i-fold.

Meron ding mahilig magsabit ng panty nyang may bulbol sa pintuan. As in yung pagkakasabit ay ka-level ng mukha mo.

May isa kaming kasama na ayaw na ayaw na may nadadatnan syang nakaupo sa kama nya. Nagsusumbong sya sa Mama nya kapag may nahuhuli syang ganun. At lahat kami papagalitan ng Mama nya kapag dumadalaw sya.

May isa kaming kasamang madamot sa snacks. Tinatago nya lahat sa isang malaking maleta, at palihim na kinakain. Kaya palihim rin naming ninanakaw, tinigil lang namin nung nagalit sya. Ayun, one day nakita namin syang tinatapon yung snacks nya. Kinain ng daga.

May isa kaming kasama na hindi makapag-review kung walang malakas na music. Ako naman, hindi makapagreview nang may music.

May isa kaming kasama na makakalimutin. Sya ang nakakalimot magsara ng faucet kapag nag-iipon sya ng tubig, nakakalimot maglock ng pintuan, at nakakalimot na yung niluto nyang pancit canton eh inamag na hindi nya pa rin nakain.

May kasama rin kami na ang hilig hilig ipagawa sa akin ang assignments nya. Nung una nag-enjoy pa ako pero habang tumatagal eh abuso na.

At may kasama kaming nangingialam ng personal na gamit na hindi nagpapaalam, at kailangan mo pang bawiin dahil hindi sya trained na magsoli.

In short, habang tumatagal eh lalo kaming nagkakakilala at parang hindi namin masyadong nagugustuhan ang mga nakikilala namin.

Yun ang itinuro sa akin ng apartment sa T. Alonzo Street, na masarap mapaligiran ng mga kaibigan, pero mahirap ring makasama sila sa araw-araw. Sa katunayan, dalawa sa mga kasama namin sa apartment namin na yun ay nag-away nang matindi, at hindi pa rin nag-uusap hanggang ngayon. Nag dahil sa Friendster (next kwento na yan).

Ang ending ay humiwalay ako sa kanila. Lumipat ako sa Dormitorio Santo Bartolomeo, kung saan mas maraming trahedya ang naghihintay sa akin...

it's my day

Late post from May 19 2010.

Hey Kids! One big THANK YOU to everyone who made this day extra special.

Salamat sa mga bumati sa akin sa text at Facebook...

Salamat sa mga greeting cards...

Jeric Balane


Salbehe


Kat


Drake (tangina ka talaga)


Rundekaleel




At maraming maraming salamat po sa mga nagbigay ng picture greetings, nilagay ko po sa video. Eto po sana magustuhan ninyo...



Alternate Player:





Salamat Kids.

i'm not here

But I'll be back. Mwahchupa.

happy b-day ekikz

Nagtataka ba kayo kung bakit lagi kong binababoy si Khikhi? Eto ang malaking kasagutan: DAHIL LAGI DIN NYA AKONG BINABABOY. Evil has a name , it's Khikhilyn! Tignan nyo na lang kung paano nya ako laitin sa mga testimonial nya sa akin sa Friendster:


miss na kita papy kahit di ka tao
pagtiyagaan na lang kita kaysa
wala di ba?



parang
awa nyo na magkamali naman kayong
mainlove ky glenn kasi wawa na
sya..disperado na siya!so pls lang
po..people out there...



first,i wanna greet him,UKINAM BAT
BUHAY KA PA?!


manyakis pero hnd halata kc feeling
friendship lang ganun tapos may motibo
pala..


totoy mola yan ang nickname ni
papa.


xa ang stalker ng byan at alam na
ng lahat yan.


look who's stalking?xa un,ang
stalker ng baguio city..ingat na lng ung
mga pratty girls kaht pratty animals kc
wala kaung kawala sa knya...

(Mahina yata talaga sya sa spelling ng "pretty")
ang hirap
lng tlga maningil kay glenn tot,lagi pang
nagpa2libre bwisit!!!


he's the sh*ttest man
in the world..


before anything else,glenn is the most
magsu2ba and mananamantalang guy in
the world.


this guy is the shittest ever!!!


what a friend!naninilip,nagpapainom ng
my upos ng sigarilyo,pinapaihi ako sa cr
ng pangboys.

i also know he wants me to be
happy especially in my love life.in
fact,binebenta nya ko sa mga friends nya..


he made those shi+tty nicknames like
emmattonedah,khikhi,kikay,bole and
other disgusting names..


he's my number 1 accomplice
especially when i have enemies


kriminal si glenn
he's an 18 year old virgin
mahilig manood ng porn tapos madidisapoint pag di sya nasiyahan
natutulog na naka underwaer lang yuck!ano naman ang makikita mo sa kanya?
mahilig manlait ng mga pangit..
di nagbabayad nh fare sa jeep..kunwaring nakalimutan nya..
yan si glenn!magpasalamat ka sa kin ang ganda ng testi ko sau puro positive hayop ka!


putang ina mo,hndi kabayo ang crush ko!talented un hayop ka!


hindi ko fav. si gloc9 tanga!


putang ina mo tlga hayop ka sinusumpa kita,di ka na makakapag asawa tandaan mo yan hayop!


humanda ka labasan na ng baho putang ina m!


inuubos ang pera sa panlilibre nya sa isang gurl at kacheapan,sa mcdo pa
gustong makipagsex sa lht ng kadate nya.
alam nmn ng lht na mahilig xa sa bold movies


blue green ang tae nya dhl sa milk


wg ka magsabi ng secret sa knya dhl send to many xa


d na ko malibog simula nung magkahiwalay tau ng landas


siya lng ang friend na ipapahamak ka nang hind mo naha2lata


putang ina may dapat kang burahin sa blog mo gago ka binabasa un ni buni.burahin mo un kundi d ko babayaran ung load. papakamatay ako gusto m?


ur such an ukinam.

may tsinelas xa,ang tatak ay havanasia

(kasinungalingan! wala akong tsinelas na havanasia!)


lahat ng secrets ko,gusto nya ibunyag ko sa knya,tpos makikita ko n lng asa blog na nya ang mga secrets ko


akala nya cute xa,hnd rin


alabyu.gnyan kita kmahal.chupa mwah

Happy Happy Happy 24th Birthday KHIKHI!!!
May 14 2o10
More more orgasm, more more fun!!!

Be a Khikhista!

The Official Khikhi Fan Club. Big Khikhi = More More Fun!
Join now!

election 2010

So 7AM pa lang ng May 10 2010 ay paalis na kami ni Tita Sasha Fierce para bumoto. Ako po ay 23 years old, first time kong boboto. Si Sasha Fierce naman ay 59 years old.

First time nya rin.

Pagdating namin sa school, tinignan ko kaagad kung saang cluster kami.

Punta kami sa waiting room.

Hintay kami tawagin, tapos pinapila kami. Ang tagal umusad.

May sumingit na matanda. Uugud-ugod na. At pinapayagan ng watcher na sumingit yung matanda. Isang malaking pagkakamali.

Round 1 Sasha Fierce vs Watcher

"Ano itong pilang ito, lokohan? Ang aga-aga naming umalis ng bahay, pinapila nyo kami, tapos itong nahuling ito (sabay turo sa matanda) eh papayagan ninyong sumingit?"

"Ma'am senior citizen po sya."

Oops, wrong answer.

"EH BAKIT HINDI BA AKO SENIOR CITIZEN??? Unfair kayo, kung sinong huling dumating yun pa ang uunahin ninyo?"

Tapos humarap sya dun sa pobreng lola, na nasa 70 na yata.

"Hindi pwede yang ginagawa mo! Ano pa't pumila-pila kami tapos ikaw ang mauuna?"

"Ilang taon ka na ba..." bulong ng matanda.

"SIXTY!!!" buong giting na sagot ni Sasha, dinig sa buong hallway, sabay litanya dun sa watcher.

"Ma'am, tama na po, pasisingitin ko na lang po pagtapos ninyo."

"Anong tama na? Gusto nyo manahimik lang kami, para magawa ninyo ang gusto ninyo? Ganyan naman eh, hangga't walang nagsasalita patuloy lang kayo sa pagpapasingit."

Ako naman, na kasunod ni Sasha sa pila, nagkunwaring hindi ko sya kilala.

Pagpasok namin sa loob ng voting room, umupo na si Sasha para maghintay mabigyan ng balota.

Katabi nya sa upuan ay isang baklitang teenager.

Wala nang bakanteng upuan, kaya tumayo na lang ako.

Ayaw pumayag ni Sasha na nakatayo lang ako.

"Watcher ka?" tanong ni Sasha dun sa baklita.

"Opo."

"Anong mga duty mo?"

"Bantayan po yung pila."

Round 2 Sasha Fierce vs Baklita

"Eh bakit nakaupo ka dito, nandun ang pila sa labas!"

Tayo agad yung bakla at pumwesto sa pinto. Pag-alis ng bakla, nabakante ang upuan, harap sa akin bigla si Sasha,

"Ayan anak, may upuan ka na."

Style!!!

Maya-maya, nakapila na kami sa balota.

Bumulong sya bigla sa akin.

"Nakikita mo yang nakadilaw na short? Kakilala ko yan, si Myrna, kapitbahay natin yan, Kapampangan yan. Nagkukunwaring nahihilo para mauna sya." Sabay nguso sa isang matandang babae na nakakunot ang noo habang nagse-shade.

"Ma, baka nahihilo talaga."

"Ay hindi! Kilala ko yan balasubas yan. Tignan mo mamaya, magaling na yan."

"Hayaan mo na."

Ayaw paawat ni Sasha. Tumayo na yung Myrna at sinubo sa PCOS machine yung balota, sabay umupo at hinagod ang sentido, pumikit at hindi na gumalaw.

Round 3 Sasha Fierce vs Myrna

"Hoy Myrna! Masakit ang ulo mo?" tanong ni Sasha.

Dumilat saglit yung babae, "Oo, hindi ko nga kaya."

"Huwag ka ngang OA diyan, nagdadrama ka para paboran ka. Umuwi ka na."

Kinurot ko si Sasha sa siko. "Ma tama na, nakapila na nga tayo eh."

Pag-abot ng balota kay Sasha, nilabas nya agad ang kodigo nya sabay upo at nag-shade. Nagshade na rin ako, dahan-dahan, unti-unti, hanggang sa umitim ang bilog na hugis itlog ni Vetallano Acosta. Bwahihi! Amp. Totoo bang tumakbo sya para lang hindi mauna ang pangalan ni Noynoy sa balota?

Matapos namin mag-shade, pinasok na namin ang balota, nagpa-indelible ink at lumabas na.

Ang pila namin kanina na isang line lang, ngayon tatlong linya na napa-ikot-ikot sa hall, pababa sa hagdan, at nasa second floor pa ang dulo. Box office hit ang PCOS machines.

Nahirapan kami bumaba, dahil masikip, mabagal ang usad.

Pagdating sa bend ng hagdan, nakita namin kung bakit mabagal ang pila.

Isang matandang lalaki ang uugud-ugod na inaakay pababa, kaya na-trap kami lahat sa likod nya.

"Ay susmaryosep, kaya pala hindi tayo makaalis, mabagal yung nasa unahan!"

Kinurot ko talaga si Sasha Fierce. "Mama, baka marinig ka!"

Paglabas namin ng school akala nyo tapos na?

"Anak, mauna ka nang pumasok sa gate. Susunod ako."

Nauna na ako. Hinintay ko sya.

Pagdating nya, sabi ko, "San ka galing?"

"Tinignan ko si Myrna kung talagang nahihilo. Ayun, nagluluto! Tatawa-tawa pa. Tarantado yun."

Hindi na ako nagtataka kung saan ako nagmana ng pagiging warfreak at mapanlait. Sa Tita ko, my second mother.

Happy Mother's Day, I guess.

segue pt. 2

Mukhang mabentang topic ang tiyahin kong si Sasha Fierce ah, mapakinabangan nga.

Kahapon, nanonood kami ng TV habang kumakain ako ng almusal (hapunan ng night shift). Lumabas ang infomercial ni Jalosjos, ang KAKUSA, kung saan kinikwento nya ang paghihirap na dinaranas ng mga preso.

"Oo totoo yan, nakita ko lahat yan," sabat ng Sasha Fierce.

"Paano mo nalamang totoo?"

"Kasi dati nakulong yung tatay ni Michelle, si Tony."

"Sinong Michelle?"

"Yung anak ni Precy, yung kaibigan naming nagpepedicure."

Hindi ko sila kilala, pero patuloy pa rin ang kwento nya.

"Namatay na nga yang si Precy eh."

"Bakit?"

"Si Tony kasi may bolitas."

WTF?????

I swear, I swear to my grave, pinigil ko ang sarili ko sa pagtawa, dahil punong-puno ng kanin ang bibig ko. Mahirap linisin pag sumabog.

"Naglagay sya ng bolitas sa totoy nya. Ayun, siguro kapag dumadalaw si Precy sa kanya, nagsesex din sila. Kasi dun nagtatakip lang sila ng payong, pwede na silang magsex."

Mga dugyot!

"Naimpeksyon yung matris nya sa bolitas."

Fuck!!! Hindi ko na tinanong kung paano nyang nalaman na yung bolitas ang sanhi ng pagkamatay, o kung pano nya nalamang may bolitas si Tony.

"Nakulong si Tony kasi nag-adik adik. Kapag dumadalaw kami noon, nakikita ko yung rasyon nya ng pagkain ipapakin nya sa pamilya nya. Tapos kapag wala silang matuluyan dun din sila nakikituloy. Nung namatay nga si Precy kawawa si Michelle eh. Wala na syang Nanay nakakulong pa ang Tatay nya. Lagi ko binibigyan ng pera yun noon, naaawa ako! Pero malaya na ang Tatay nya ngayon. Hmpf, hindi ko iboboto yang si Jalosjos, nangrape yan ng 12 years old."

O di ba ang galing ng train of thought nya habang nagkwekwento. Wala syang pakialam kung masundan mo o hindi.

The End. Happy weekend Kids! Use lubricant!



DISCLAIMER: Hindi ko po nilalait ang tiyahin ko, in fact, proud ako sa mga shenanigans nya kaya ko ikinikwento, pampa-lighten ng araw nyo. Pero kung balak mo lang syang laitin sa comments section, wag mo nang ituloy dahil susunugin kita. Kthxbai!

election practice

Pag-uwi ko sa bahay kahapon ay masaya akong sinalubong ni Sasha Fierce (tiyahin ko) hawak-hawak ang isang mahabang papel.

"Sample Ballot, anak, para makapag-practice, galing sa anak ni Jojo Binay."

"Oh di ayos para makapili ka na ng iboboto. Makakapagpractice ka pang mag-shade."

"Bakit pa magpapractice ang dali dali dali lang naman mag-shade? Di ba, sisimulan mo lang sa gilid papikot nang paikot sa gitna para hindi lumampas."

Parang sa coloring book.

Hindi na ko sumagot, kumain na lang ako ng luto nyang munggo. Ngayon lang ako nakakain ng munggo na mas marami pa ang sahog keysa sa munggo. Ang lalaki pa ng hiwa ng baboy, mala-pork chop. Sa unang tingin, mukhang nilagang baboy ito, at special guest lang ang munggo, parang afterthought.

Sa gitna ng pagkain namalayan kong nananahimik sya. May idea na ako kung ano ang ginagawa. At hindi nga ako nagkamali.

Nagpapractice sya mag-shade.

"Anak, bakit wala si Risa Hontiveros???"

Eto na.

"Patingin?"

Inabot nya sa akin yung balota. Kitang-kita kaya si Risa Hontiveros kasi ang haba-haba ng pangalan nya, halos hindi magkasya sa square.

"Ayan o Risa Hontiveros."

Binalik ko na sa kanya yung balota. Maya-maya pa...

"Anak, ilang partylist ang pwedeng iboto?"

"Ewan, nakasulat naman diyan kung ilan ang pwede."

"Walang nakalagay."

Eto na naman.

"Patingin."

Tinignan ko, katabing-katabi ng salitang "Party List" eh "Please select only one."

"Isa lang ang pwedeng piliin."

Tamang tama naman, lumabas sa commercial sa TV yung infomercial ng Bagong Henerasyon.

"Ay yan ang iboboto ko, hanapin ko nga."

Naubos ko na ang munggo, hindi pa rin nya nahahanap ang Bagong Henerasyon.

"Bakit wala???"

"Tignan mo lang, sabi sa commercial, hanapin daw ang BH."

"Walang BH, meron lang BN."

Eto na naman.

"Patingin."

Kitang-kita ko naman ang BH.

"Ma, H yan, hindi N."

"Ah H ba. Tsk tsk. May times talaga malabo ang mata ko."

Tingin ko mag-eenjoy talaga si Sasha Fierce sa Lunes.

nagtae sya sa bus

Eto na po yung gusto kong ikwento na nangyari sa kaibigan kong si Rose Marie noong Linggo, matapos naming makita sina Dingdong at Marian, nung matapos kaming manood ng Iron Man 2 sa Megamall. The End.

movie review: iron man 2

Hey Kids. Ngayon lang ako uli nakanood ng movie kaya ngayon lang uli may shitty movie review.

Papanoorin dapat namin ito sa IMAX ngunit nang malaman kong hindi pala sa 3D ay nagbago ang isip ko. Kaya nga mag-i-IMAX para masuot yung shades tapos wala rin pala tsk tsk tsk? Megamall na ito.

Para sa akin OK lang sya. Yan na po ang movie review ko.

Hindi ako nag-enjoy pero sabi nyo maganda eh di go!

Hindi ko naenjoy ang panonood nito sa sine kasi mas ma-enjoy ko yung nangyari matapos namin manood...

Hindi ko muna ikukwento dahil nagmamadali ako ngayon, bukas na lang.

Bigyan ko na lang kayo ng teaser:

Ang mga taong involved ay sina Dingdong Dantes, si Marian Rivera at Si Rose Marie (the Cinderella girl).

See ya tomorrow!

pass the message

So kaninang tanghali bago ako matulog ay nanood ako ng Eat Bulaga, dahil wala akong cable masaya.

So meron yung game na Sa Pula Sa Puti. Ang dalawang teams na maglalaban, single moms versus single dads.

Nagulat ako kasi isa sa mga single dads dun ay kakilala ko, itago natin sa pangalan na Null, taga-Barangay namin yun eh, kaibigan ni Rolly na Panot.

Pasayaw-sayaw pa si Null habang naglalaro, at nang manalo ang team nila sa Round 1 na Question and Answer eh proceed sila sa Round 2, na Pass the Message.

Ang unang player: si Null. Pinabasa sa kanya ni Joey ang tanong, (hindi nababasa ng audience at ka-team nya) Something like this:

"Ang bilang ng mga single parents ay 22% sa Canada. Mas mataas ang bilang nito sa bansang may mga lugar na Melbourne, Canberra at Sydney. Anong bansa ito?"

Mabilis si Null sa pagbabasa sa tanong. Sa kanya nakasalalay ang P125,000 na cash prize.

Tumakbo na sya sa unang kateammate at binulong ang sagot, na pinasa sa kasunod, na pinasa sa kasunod, na sinulat ang sagot sa electronic blackboard.

Binasang muli ang tanong...

Nadismaya ang lahat.

Ang sagot na ipinasa ni Null ay...



Canada.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding