election 2010

So 7AM pa lang ng May 10 2010 ay paalis na kami ni Tita Sasha Fierce para bumoto. Ako po ay 23 years old, first time kong boboto. Si Sasha Fierce naman ay 59 years old.

First time nya rin.

Pagdating namin sa school, tinignan ko kaagad kung saang cluster kami.

Punta kami sa waiting room.

Hintay kami tawagin, tapos pinapila kami. Ang tagal umusad.

May sumingit na matanda. Uugud-ugod na. At pinapayagan ng watcher na sumingit yung matanda. Isang malaking pagkakamali.

Round 1 Sasha Fierce vs Watcher

"Ano itong pilang ito, lokohan? Ang aga-aga naming umalis ng bahay, pinapila nyo kami, tapos itong nahuling ito (sabay turo sa matanda) eh papayagan ninyong sumingit?"

"Ma'am senior citizen po sya."

Oops, wrong answer.

"EH BAKIT HINDI BA AKO SENIOR CITIZEN??? Unfair kayo, kung sinong huling dumating yun pa ang uunahin ninyo?"

Tapos humarap sya dun sa pobreng lola, na nasa 70 na yata.

"Hindi pwede yang ginagawa mo! Ano pa't pumila-pila kami tapos ikaw ang mauuna?"

"Ilang taon ka na ba..." bulong ng matanda.

"SIXTY!!!" buong giting na sagot ni Sasha, dinig sa buong hallway, sabay litanya dun sa watcher.

"Ma'am, tama na po, pasisingitin ko na lang po pagtapos ninyo."

"Anong tama na? Gusto nyo manahimik lang kami, para magawa ninyo ang gusto ninyo? Ganyan naman eh, hangga't walang nagsasalita patuloy lang kayo sa pagpapasingit."

Ako naman, na kasunod ni Sasha sa pila, nagkunwaring hindi ko sya kilala.

Pagpasok namin sa loob ng voting room, umupo na si Sasha para maghintay mabigyan ng balota.

Katabi nya sa upuan ay isang baklitang teenager.

Wala nang bakanteng upuan, kaya tumayo na lang ako.

Ayaw pumayag ni Sasha na nakatayo lang ako.

"Watcher ka?" tanong ni Sasha dun sa baklita.

"Opo."

"Anong mga duty mo?"

"Bantayan po yung pila."

Round 2 Sasha Fierce vs Baklita

"Eh bakit nakaupo ka dito, nandun ang pila sa labas!"

Tayo agad yung bakla at pumwesto sa pinto. Pag-alis ng bakla, nabakante ang upuan, harap sa akin bigla si Sasha,

"Ayan anak, may upuan ka na."

Style!!!

Maya-maya, nakapila na kami sa balota.

Bumulong sya bigla sa akin.

"Nakikita mo yang nakadilaw na short? Kakilala ko yan, si Myrna, kapitbahay natin yan, Kapampangan yan. Nagkukunwaring nahihilo para mauna sya." Sabay nguso sa isang matandang babae na nakakunot ang noo habang nagse-shade.

"Ma, baka nahihilo talaga."

"Ay hindi! Kilala ko yan balasubas yan. Tignan mo mamaya, magaling na yan."

"Hayaan mo na."

Ayaw paawat ni Sasha. Tumayo na yung Myrna at sinubo sa PCOS machine yung balota, sabay umupo at hinagod ang sentido, pumikit at hindi na gumalaw.

Round 3 Sasha Fierce vs Myrna

"Hoy Myrna! Masakit ang ulo mo?" tanong ni Sasha.

Dumilat saglit yung babae, "Oo, hindi ko nga kaya."

"Huwag ka ngang OA diyan, nagdadrama ka para paboran ka. Umuwi ka na."

Kinurot ko si Sasha sa siko. "Ma tama na, nakapila na nga tayo eh."

Pag-abot ng balota kay Sasha, nilabas nya agad ang kodigo nya sabay upo at nag-shade. Nagshade na rin ako, dahan-dahan, unti-unti, hanggang sa umitim ang bilog na hugis itlog ni Vetallano Acosta. Bwahihi! Amp. Totoo bang tumakbo sya para lang hindi mauna ang pangalan ni Noynoy sa balota?

Matapos namin mag-shade, pinasok na namin ang balota, nagpa-indelible ink at lumabas na.

Ang pila namin kanina na isang line lang, ngayon tatlong linya na napa-ikot-ikot sa hall, pababa sa hagdan, at nasa second floor pa ang dulo. Box office hit ang PCOS machines.

Nahirapan kami bumaba, dahil masikip, mabagal ang usad.

Pagdating sa bend ng hagdan, nakita namin kung bakit mabagal ang pila.

Isang matandang lalaki ang uugud-ugod na inaakay pababa, kaya na-trap kami lahat sa likod nya.

"Ay susmaryosep, kaya pala hindi tayo makaalis, mabagal yung nasa unahan!"

Kinurot ko talaga si Sasha Fierce. "Mama, baka marinig ka!"

Paglabas namin ng school akala nyo tapos na?

"Anak, mauna ka nang pumasok sa gate. Susunod ako."

Nauna na ako. Hinintay ko sya.

Pagdating nya, sabi ko, "San ka galing?"

"Tinignan ko si Myrna kung talagang nahihilo. Ayun, nagluluto! Tatawa-tawa pa. Tarantado yun."

Hindi na ako nagtataka kung saan ako nagmana ng pagiging warfreak at mapanlait. Sa Tita ko, my second mother.

Happy Mother's Day, I guess.

23 comments. Post your comment here.:

Stone-Cold Angel said...

Nice!!! Medyo maprinsipyo si Sasha ano...

Malapit na ako umelib sa kanya... hahaha! Joke lang!

=)

Jepoy said...

Ang sweet! Di ko alam kung baket na sweet sweet promise! kahit anong pambabalahura mo ang sweet parin dahil sa concern oh dahil ma cheese balls lang ako?! Nakakakitaan ko lang ng keso ang bawat scenario ng buhay?! Alabet!

gillboard said...

remind me wag ka awayin... hehehe

Yani ٩(̾●̮̮̃̾•̃̾)۶◙ said...

hahaha!!! palaban talaga at di papatinag si Sasha! You go gurl!!!!

Lord CM said...

Kung mejo pala na-late kayo ng dating at nadatnan nyo ang haba ng pila, malamang nasa prisinto na kayo ni sasha! lolzz warfreak eh! :D

I am Xprosaic said...

Ahahahhahahahaha... tumambling naman ako sa kwento mo... ngayon alam ko na kung sino lang ang makapagpatameme sa iyo... ang tita mo... hehehehehhe

Kosa said...

aylav'et...
panalo.
kaya naman hinding hindi kita aawayin parekoy..ahihi

roanne said...

gawa ka na rin ng fans club ni sasha fierce.

TSK TSK

"Ako naman, na kasunod ni Sasha sa pila, nagkunwaring hindi ko sya kilala." - glentot

"Ayan anak, may upuan ka na." - sasha fierce

TSK TSK

Rah said...

napaka maabilidad talga ni sasa fierce parang si mcgyver lang :)

Chingoy said...

si Big Mama Sasha... sya ang bagay tumakbong presidente... ILALAMPASO niya ang kalaban nyahahahaha

Yj said...

ALAM NA!!!

♥superjaid♥ said...

nice..parang si mama lang kahapo nung may nagtakang sumngit..pero iba pa rina ng tita mo kuya..to the highest level!^_^ but then tama naman lahat ng katwiran nya..medyo warfreak nga lang..hehehe

taribong said...

may Shasha Fierce fans club na ba? haha
Happy mother's day ulit sa kanya!

word verification: arive

domjullian said...

katakot pala tita mo. ginagawang hobby ang pag aamok

PABLONG PABLING said...

iba talaga ang shasha na iyan. :) mabuti na lang may tita kang ganyan

sabay mothers day pala ang post na ito. ")

kikilabotz said...

naks manang mana nga. uhmm totoo nmn kasi nakakinit ng ulo yung botohan. tapos ung mga watcher pa ang gagaling. pero salamat sa knila pinasingit nila ako. haha

mjomesa said...

shasha fierce, you live by your name!

mabuhay ka..umbagin mo sila.

hahahha..

sashay it shasha..

DRAKE said...

Ang kyut talaga ni Sasha , parang nasa Mortal Combat lang ah.

If I know yun din ang tumatakbo sa utak mo!LOLS

Lapet na bertdey ah! Patanda ka na ng patanda!Hahha

Ingat

Ayie said...

Kaya naman maganda ang pagpapalaki sayo eh. Naging henyo ka ng ganyan--kasi madiskarte si Tita S.

Kunyari ka pa, gustong gusto mo naman ang style nya.

**Congrats ha, nanalo ba ang 'totoong' binoto mo?

darklady said...

tapang ni tita sasha ah.may point naman sya kaya lang hindi ko kakayanin yung ganong tapang.hehehehe.astig ka tita sasha!! ^_^

olyabut said...

haha. Panalo talaga tita Sasha Fierce mo!

Donato said...

Tawa ko ng tawa habang nagbabasa, may sense of humor talaga si Tita Sasha. Bwahihihi!

Di kita ma-imagine na yukong yuko habang tumatalak si Tita. Ano kaya itsura ng unanong yukong yuko? Jowk..hehe

Tama si pareng chinggoy, pag tumakbo si Tita ilalampaso nya ang mga kalaban… (literally) Hahaha! Palaban talaga si Tita Sasha, Go girl!!! Hehe!

Ako president ng fans club ha!

APE said...

Oo bro, talagang pakawala lang yan si Vetellano Acosta para lituhin ang mga mejo illiterate at hindi mabilang kay Noynoy ang boto.

Ni hindi nga nangampanya yang putanginang yan eh. Sarili niyang vice presidential candidate (Jay Sonza) ang nagfile ng disqualificatin case niya.

Pero tae tlaga ang laman ng utak ng ibang pinoy. Akalain mong nakakhua pa rin ng boto si Acosta at mas mataas pa dun sa tatlong noisy na si JAmby, Perlas at JC.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding