election practice

Pag-uwi ko sa bahay kahapon ay masaya akong sinalubong ni Sasha Fierce (tiyahin ko) hawak-hawak ang isang mahabang papel.

"Sample Ballot, anak, para makapag-practice, galing sa anak ni Jojo Binay."

"Oh di ayos para makapili ka na ng iboboto. Makakapagpractice ka pang mag-shade."

"Bakit pa magpapractice ang dali dali dali lang naman mag-shade? Di ba, sisimulan mo lang sa gilid papikot nang paikot sa gitna para hindi lumampas."

Parang sa coloring book.

Hindi na ko sumagot, kumain na lang ako ng luto nyang munggo. Ngayon lang ako nakakain ng munggo na mas marami pa ang sahog keysa sa munggo. Ang lalaki pa ng hiwa ng baboy, mala-pork chop. Sa unang tingin, mukhang nilagang baboy ito, at special guest lang ang munggo, parang afterthought.

Sa gitna ng pagkain namalayan kong nananahimik sya. May idea na ako kung ano ang ginagawa. At hindi nga ako nagkamali.

Nagpapractice sya mag-shade.

"Anak, bakit wala si Risa Hontiveros???"

Eto na.

"Patingin?"

Inabot nya sa akin yung balota. Kitang-kita kaya si Risa Hontiveros kasi ang haba-haba ng pangalan nya, halos hindi magkasya sa square.

"Ayan o Risa Hontiveros."

Binalik ko na sa kanya yung balota. Maya-maya pa...

"Anak, ilang partylist ang pwedeng iboto?"

"Ewan, nakasulat naman diyan kung ilan ang pwede."

"Walang nakalagay."

Eto na naman.

"Patingin."

Tinignan ko, katabing-katabi ng salitang "Party List" eh "Please select only one."

"Isa lang ang pwedeng piliin."

Tamang tama naman, lumabas sa commercial sa TV yung infomercial ng Bagong Henerasyon.

"Ay yan ang iboboto ko, hanapin ko nga."

Naubos ko na ang munggo, hindi pa rin nya nahahanap ang Bagong Henerasyon.

"Bakit wala???"

"Tignan mo lang, sabi sa commercial, hanapin daw ang BH."

"Walang BH, meron lang BN."

Eto na naman.

"Patingin."

Kitang-kita ko naman ang BH.

"Ma, H yan, hindi N."

"Ah H ba. Tsk tsk. May times talaga malabo ang mata ko."

Tingin ko mag-eenjoy talaga si Sasha Fierce sa Lunes.

27 comments. Post your comment here.:

Vajarl said...

Matapos ang lahat, mukhang magandang ideya nga ang pag praktis hindi ng pag shade, kundi ng paghanap sa kandidato. Hahaha. Saket sa ulo!

Uy fan ako ng munggo! kaso hindi ko maimagine ang malalaking babuy na nagsuswimming sa munggo, parang hansagwa. Haha.

Chingoy said...

pagsabihan ang Tita Sasha... puntahan na ang EO Executib oftikal! naku, ayokong sumunod sa pila nya sa lunes hehehe

Kosa said...

ikaw na kaya ang bumoto para sa lahat ng medyo malabo ang mata... Hindi masyadong mabasa ang letra.. hindi alam kung ilang kandidato ang dapat iboto at lahat ng nagkakaproblema sa pagboto?

ahehehe..
:peace:

sana eh iboto ni tita Shasha mo si marcos. Pangontra sa kung sakaling manalo si Noynoy. ahehe

Lord CM said...

Good luck sa mag-a-assist kay Sasha lolzz

Maldito said...

sabhin mo si shasha mag dala ng magnifying glass. ha ha ha.
oh di kaya telescope. parang uber na case na yan ng poor eyesight e.

gillboard said...

sasha fierce talaga hahaha!!!

bait mo namang pamangkin.

Random Student said...

hmmm i-times-1,000 mo si sasha next week. marami silang ganyan. eh ganyan talaga. tapos mainet pa. tsk-tsk. good luck. claps on the mongo review. special guest, hehe.

Yj said...

ang mahalaga kinakariri sa Sasha ang pagboboto...

hindi gaya mo Glentot, puro ka reklamo sa gobyerno, puro naman panlalait sa kapwa ang ginagawa mo!!!

nyahahahahahah echoz.... muahz

ELAY said...

effort naman ni Sasha Fierce at kamusta naman ung munggo hahaha i sooo love your posts lagi akong natatawa swear. aylabet

Yani ٩(̾●̮̮̃̾•̃̾)۶◙ said...

hahaha! mukang instead na 15 minutes lang boboto si sasha eh magiging 50 minutes ha!

lalo na kung sabay sabay ang mga sasha na boboto! hahaha! tagal nun!!

kikilabotz said...

kawawa makakatabi ni sasha malamang kukulitin nya yun.haha

Jepoy said...

Ang sweet ng conversation, alabet!

Tama si YJ buti pa si Sha-Sha Fierce isang responsableng mamayamang filifins unlike you stupid sanamabits! Isa kang pabigat sa lipunanang Pilipinas buti pa me mabuting citizen. Go Eddie Vlillanueva (plugging lang sa sikat na sikat mong blogsite)

Krisha said...

at least naka pag praktis na siya with you. sa darating na lunes, di na siya maghahanap ng BN kaysa sa BH.

hehhehe lol sa munggo, masarap ba? kahit mukhang nilagang baboy :D

Oliver said...

Hehe.
At least diba? Talagang ineensure nya na tama ung gagawin nya sa pagboto nya sa Lunes.

Stone-Cold Angel said...

Turuan mo din hanapin yun bilog na hugis itlog... baka akalain ni Sasha tuldok yun.

hahaha! Joke lang po! =)

domjullian said...

baka akala ng tita mo may star na makukuha pag perfect ang pagshade

lars (not my real name) said...

goodluck kay sasha fierce sa lunes.

Ollie said...

dito ko lang nalaman sa blog mo na isa lang pala ang partylist na iboboto! i thought mga apat or lima.

ang ladlad na lang iitiman ko *grin

Si shasha, labo na mata, baka sabihin nya di pa sya nakakaboto - ay, hindi nya nakita na may indelible ink na pala ang kanyang daliri

rundeekalel said...

go tita Sasha! you're now my favorite superhero!!!! how i wish ma-witness ko ang participation mo sa 1st ever automated election sa Monday.

I am Xprosaic said...

Wow ayos... mukhang mahaba haba ang araw niyo ngayong lunes...bonding with the automated election ballot... hehehehhehehe

roanne said...

baka kaya kakaunti ung munggo kasi malabo nga ang mata... yun yun eh! bilhan mo kasi ng salamin hangyamanyaman sus

Ape said...

Sasha Fierce!! panalo ka talaga!

sa totoo lang, parang pera pera lang ang habol ng mga party list.

and mejo nakakairita na lahat ng party list - A ang simula ng pangalan para nasa unahan ng balota. what the.

No Benta said...

pamatay si tita.

parekoy, regaluhan mo siya ng mga activity books like "where's wally?" at "magic eye".

kat said...

nakakatuwa ang nanay mo :)

Ayie said...

Dapat si Tita S ang unang botante, or else magsasara na ang botohan hindi pa rin sya natatapos. Goodluck sa mag-aasist.

victor said...

Oh no. Iboboto niya sa Risa Hontiveros.

June | Life and Spices said...

This post show how mats you love Sasha..kung ako kasi yan maiinis na ako..lolol...good boy glenn!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding