segue pt. 2

Mukhang mabentang topic ang tiyahin kong si Sasha Fierce ah, mapakinabangan nga.

Kahapon, nanonood kami ng TV habang kumakain ako ng almusal (hapunan ng night shift). Lumabas ang infomercial ni Jalosjos, ang KAKUSA, kung saan kinikwento nya ang paghihirap na dinaranas ng mga preso.

"Oo totoo yan, nakita ko lahat yan," sabat ng Sasha Fierce.

"Paano mo nalamang totoo?"

"Kasi dati nakulong yung tatay ni Michelle, si Tony."

"Sinong Michelle?"

"Yung anak ni Precy, yung kaibigan naming nagpepedicure."

Hindi ko sila kilala, pero patuloy pa rin ang kwento nya.

"Namatay na nga yang si Precy eh."

"Bakit?"

"Si Tony kasi may bolitas."

WTF?????

I swear, I swear to my grave, pinigil ko ang sarili ko sa pagtawa, dahil punong-puno ng kanin ang bibig ko. Mahirap linisin pag sumabog.

"Naglagay sya ng bolitas sa totoy nya. Ayun, siguro kapag dumadalaw si Precy sa kanya, nagsesex din sila. Kasi dun nagtatakip lang sila ng payong, pwede na silang magsex."

Mga dugyot!

"Naimpeksyon yung matris nya sa bolitas."

Fuck!!! Hindi ko na tinanong kung paano nyang nalaman na yung bolitas ang sanhi ng pagkamatay, o kung pano nya nalamang may bolitas si Tony.

"Nakulong si Tony kasi nag-adik adik. Kapag dumadalaw kami noon, nakikita ko yung rasyon nya ng pagkain ipapakin nya sa pamilya nya. Tapos kapag wala silang matuluyan dun din sila nakikituloy. Nung namatay nga si Precy kawawa si Michelle eh. Wala na syang Nanay nakakulong pa ang Tatay nya. Lagi ko binibigyan ng pera yun noon, naaawa ako! Pero malaya na ang Tatay nya ngayon. Hmpf, hindi ko iboboto yang si Jalosjos, nangrape yan ng 12 years old."

O di ba ang galing ng train of thought nya habang nagkwekwento. Wala syang pakialam kung masundan mo o hindi.

The End. Happy weekend Kids! Use lubricant!



DISCLAIMER: Hindi ko po nilalait ang tiyahin ko, in fact, proud ako sa mga shenanigans nya kaya ko ikinikwento, pampa-lighten ng araw nyo. Pero kung balak mo lang syang laitin sa comments section, wag mo nang ituloy dahil susunugin kita. Kthxbai!

28 comments. Post your comment here.:

kikilabotz said...

base ata ako. eh ikaw boboto mo b si jalosjos?

Lord CM said...

Pre, pwede bang sya na lang author ng blog mo? mukhang mas magaling sya sayo eh! lolzz

Ollie said...

sa June 2 pa ako gagamit ulit ng lubricant

Jepoy said...

I so love shasha fierce one time pag nag luto sya ng munggo na maraming sahog invite mo me...

Chingoy said...

langya ka! nalito ako sa kaka-konek kay jalosjos hahaha

gillboard said...

nakuha ko naman yung train of thought niya...

pero masaya kausap yang mga kagaya ng auntie mo... makulit..

I am Xprosaic said...

In fact matalino kaya ang auntie mong si sasha fierce kasi marami siyang ideas sa brain niya... yun nga lang sa sobrang dami eh nahirapan lang siyang pagtagpi tagpiin ang mga ito... pero may konek naman... kung gaano kahaba ang linya eh basta! o ha!

♥superjaid♥ said...

saya namang kausap ng tita mo..hehehe gusto ko ng mga titang ganyan..kesa sa mga tita kong super mega sa pagkaseryoso..hehehe

Donato said...

may sense of humor nman pla si sasha fierce..bat di mo kaya gawan ng FB fan page? hehe

sent ko na bday pic greeting, mdyo late na, senxa nman..

No Benta said...

muntikan na akong maligaw sa lawak ng utak ni tita.

use pomade, it works.

olyabut said...

Naguluhan ako sa train of thought ni Tita Sasha Fierce.
Naniniwala sya sa ipinaglalaban ng party list ni Jalosjos, pero hindi nya iboboto ung party list. hahaha.

Anonymous said...

Taribong: Mabuhay si Shasha Fierce!! Parang ang saya niyang kasama. Sana patuloy siyang maging mapag-aruga at mapagkalinga sa iyo. Sa kanya at kay momsie Doris mo, Happy mother's day!!!

word verification: grato

Yj said...

bakit hindi ka nagmana sa kabutihan ni tita sasha sa kapwa?

tsk tsk...

mjomesa said...

wow..may synapse conspiracy na nangyayari sa brain nya..


wagi si sasha...

Andy said...

moral of the story:

gumamit ng proteksyon pag gagamit ng bolitas at damihan na din ang lubricant. hahahaha

Random Student said...

nakanang sinubukan kong laitin pero nung nagta-type na ko may malahalimaw na kamay na lumabas sa laptop screen ko $#@!

an_indecent_mind said...

nagets ko naman ah? hehe! ako na!!!

lubricant? mas ok gamitin ang WD-40 spray spray lang... try mo parekoy! hehehe!

kayedee said...

yan ang masarap ka wentuhan, ung maraming alam na tsismis eheheh..

Krisha said...

sorry..

ano ang bolitas? ganda sana ng basa ko pero di ko alam kung ano yun :P

DRAKE said...

Buti pa si Sasha Fierce may pakialam sa kanyang bayan at sa kanyang kumunidad. Di tulad mo alang kapaki-pakinabang este paki-pakialam sa nangyayari sa bansa at sa paligid!Hehhehe

Ingat

Ayie said...

Basta ako, love ko si Tita Sasha. Sya kaya ang VP ko sa Khikhi Fans Club. masarap sigurong kahuntahan si Tita S kapag walang magawa tulad nito, petiks mode.

chikletz said...

panalo si tita Sasha Fierce! hahaha! sino iboboto mo??

PABLONG PABLING said...

mas masarap pag skin to skin walang ibang nakalagay. . .

(malapit daw ang comment ko)

victor said...

Waw. May social relevance si Tita Sasha Fierce mo. Dapat nga siyang may fan page. LOL.

ʎonqʎʇıɔ said...

ehhh... di ko gets. haha sumakit ulo ko sa tita mo. haha in fairness, she seems like a very entertaining person.

roanne said...

happy mom's day sa iyong nanay! :)

glentot said...

kikilabotz ahaha WTF no!

Lord CM sure

Ollie haha anong meron sa June 2?

Jepoy hahaha go

Chingoy wag masyado mageffort haha

gillboard sobra!

I am Xprosaic wala nang pakialam sa structure ng kwento un

Donato hehehe nareceive ko maraming salamat!!!

No Benta hahahaha ang lagkiiit

olyabut oo ganun na nga

Taribong haha naalala mo talaga ang name ng aking mudrax ah

YJ kabutihan??? bwahahaha

mjomesa hifaluting ka naman...

Andy hahaha bakit alam mo yan???

Random Student hahaha malakas ang sumpa

an_indecent_mind aba aba spray hmm meron ba nyan sa watsons.

kayedee oo sana chismosa sabi mo na lang hahaha

Krisha haha di mo alam bolitas? Google!

DRAKE Lolz ikaw nga jan hindi bumoto

Ayie naku kahit may ginagawa ka chichikahin ka nya

chikletz si nick Perlas hihihihi

PABLONG PABLING hahaha nakakabuntis naman ang tip na yan

victor haha kahiya naman yunnn...

citybuoy sobra, para kang nanonood ng tv....

roanne salamat! sayo rin.

ethel28 said...

andami ko'ng tawa dito. kakatuwa tlga ang mga tita noh, non-stop ang kwento kahit walang konek-konek, dedma lang basta kahit ano'ng layo ng segue ay dun pa rin sa original topic babagsak. anggaleng!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding