t. alonzo street

Wala lang! Almost 3 years na akong graduate, pero madalas ko pa ring maalala yung mga pinagdaaanan ko nung una akong pumasok sa kolehiyo sa Baguio City. Siguro dahil malapit na naman ang start ng classes, at naiinggit ako sa mga mag-aaral pa lang.

Pito kaming magkakaklase noon, 3 boys 4 girls, na nagkasundong magsama-sama sa isang apartment. At nakahanap kami ng isang apartment sa T. Alonzo Street.

Ang sabi nila, ang T. Alonzo Street daw ang Tondo ng Baguio City. Ewan ko kung totoo, pero nung narinig ng Tatay ko na sa T. Alonzo Street kami titira ay pinagalitan nya ako. I was like STFU.

Hindi kami mapigil sa pagtira dun sa apartment na yun. Sa preyong P7000, tig P1000 lang ang upa namin, all in, kaya tipid na yun. Akala kasi namin noon, yun lang ang dapat i-consider sa paghahanap ng matitirhan, ang presyo.

Kay laking pagkakamali. Wala kaming ideya sa parusang naghihintay sa amin.

Excited kaming lahat nung araw na lumipat na kami sa apartment isang linggo bago magsimula ang klase. Excited mag-agawan sa kama, magsalansan ng gamit sa closet, at syempre ang magbonding. Para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan, maggigisingan sa umaga, sabay-sabay kaming kakain at maghihintayan sa pagligo, at magliliwaliw lang buong maghapon. Magkwekwentuhan ng multo-multo pag gabi.

Nung nagsimula na ang klase, nagsimula na ang kalbaryo.

Halos lahat kami ay mag klase ng 7:30 ng umaga. Kung dati naggigisingan pa kami, ngayon una-unahan na kami sa paggising, para mauna sa banyo. Traydoran na. Mahirap nang malate dahil lang sa mabagal maligo ang isa sa inyo.

Yung dalawa sa amin, 7:30 ang klase pero 7:00 gigising, kaya ang solusyon: sabay silang maligo.

Kung dati leisurely kami mag-almusal, kanin at ulam pa, ngayon, kalabisan na ang pagluluto ng pancit canton.

Kung dati, sabay sabay kami lumabas ng bahay, ngayon, iwanan na.

Isang linggo pa lang ang nakakalipas at nagkakakitaan na kami ng hindi magagandang ugali ng isa't-isa. Minsan nagalit ako at pinagbubulyawan yung isang kasama namin, ginamit nya kasi yung body soap ko, ginawa nyang hand soap at iniwan pa sa lababo.

Meron naman isa nag-iiwan ng used napkin sa sahig ng banyo. Nagmagandang loob naman syang i-fold.

Meron ding mahilig magsabit ng panty nyang may bulbol sa pintuan. As in yung pagkakasabit ay ka-level ng mukha mo.

May isa kaming kasama na ayaw na ayaw na may nadadatnan syang nakaupo sa kama nya. Nagsusumbong sya sa Mama nya kapag may nahuhuli syang ganun. At lahat kami papagalitan ng Mama nya kapag dumadalaw sya.

May isa kaming kasamang madamot sa snacks. Tinatago nya lahat sa isang malaking maleta, at palihim na kinakain. Kaya palihim rin naming ninanakaw, tinigil lang namin nung nagalit sya. Ayun, one day nakita namin syang tinatapon yung snacks nya. Kinain ng daga.

May isa kaming kasama na hindi makapag-review kung walang malakas na music. Ako naman, hindi makapagreview nang may music.

May isa kaming kasama na makakalimutin. Sya ang nakakalimot magsara ng faucet kapag nag-iipon sya ng tubig, nakakalimot maglock ng pintuan, at nakakalimot na yung niluto nyang pancit canton eh inamag na hindi nya pa rin nakain.

May kasama rin kami na ang hilig hilig ipagawa sa akin ang assignments nya. Nung una nag-enjoy pa ako pero habang tumatagal eh abuso na.

At may kasama kaming nangingialam ng personal na gamit na hindi nagpapaalam, at kailangan mo pang bawiin dahil hindi sya trained na magsoli.

In short, habang tumatagal eh lalo kaming nagkakakilala at parang hindi namin masyadong nagugustuhan ang mga nakikilala namin.

Yun ang itinuro sa akin ng apartment sa T. Alonzo Street, na masarap mapaligiran ng mga kaibigan, pero mahirap ring makasama sila sa araw-araw. Sa katunayan, dalawa sa mga kasama namin sa apartment namin na yun ay nag-away nang matindi, at hindi pa rin nag-uusap hanggang ngayon. Nag dahil sa Friendster (next kwento na yan).

Ang ending ay humiwalay ako sa kanila. Lumipat ako sa Dormitorio Santo Bartolomeo, kung saan mas maraming trahedya ang naghihintay sa akin...

31 comments. Post your comment here.:

The Reviewer said...

"trayduran na" hehe parang let the games begin, ganda ng transition. "di trained na magsoli" naku yan ang kakainis.

darklady said...

mukang may part 2 pa to ah.hehe. yan nga lang ang hirap pag magkakasama na kayo, sa una ok ok pa pero hindi rin kasi tatagal lalabas na ugali ng bawat isa na maaaring hindi natin magustuhan. kaya mainam na yung minsa e hiwalay kayo ng friends mo para mamiss ka naman nya.para pag nagkita kita kayo with matching beso beso pa.hahaha

No Benta said...

yan ang isa sa mga experiences sa college life na hindi ko na-experience. sarap pa naman sigurong maging independent pagdating sa apartment.

pero kahit na hindi ako naglive-out ay pilit akong nakikitulog at nakikitambay sa mga tropa ko kaya para na rin akong nagsarili.

ngayong nagtrabaho nalang ako nakaranas na may kasamang iba sa kuwarto. at tulad mo, marami na rin akong experience na nakakatawa at nakakaasar sa piling ng mga kasamahan.

kikilabotz said...

hnd ko kasi naexperience ang mgdorm eh..hehe. pero parang gusto ko maexperience ang panty na nakasmapay na may bulbul..wahahaha. joke lng

an_indecent_mind said...

di ko naranasan na magdorm during college days ko.. at pakiramdam ko nun e i am a lesser man kasi independent na sila that time.. pero sa tuwing nakakarinig ako ng mga kwento tulad nito nasasabi ko na lang na "buti na lang, kung hindi baka nakakulong pa rin ako hanggang ngayon" heheheh!

DRAKE said...

Dyan talaga lalabas ang tunay na ugali ng isat-isa pag nakasama mo na sila.

Dyan mo rin malalaman kung sino ang may putok, kung sino ang tulo laway, kung sino ang hindi nagpapalit ng underwear, kung sino ang baboy, kung sino ang hindi nagbubuhos pagkatapos tumae, at hgit sa lahat KUNG SINO ANG TUNAY MONG KAIBIGAN .(naks meganun)

Kaya buti na lang ang linis linis ng budhi at pagkatao ko!LOLS

Ingat

Chingoy said...

parang prelude ito to a darker episode hehehehe..


ako nung college, may nakaaway akong hausmate kasi ginamit ang TRETORN ko nang di nagpapaalam, habang nakangiti syang gamit gamit ang TRETORN ko, nakasimangot naman akong gianmit ang shoeses ng isa kong hausmate hahaha... bawian lang!

KESO said...

parang kahindik hindik ang susunod na kabanata. lol naexcite ako bigla sa part two haha.

haay, di ko naranasan magdorm dahil wla silang tiwala saken bwahaha!

mjomesa said...

pinoy big brother ba yan...wahahaha

macz said...

hala..sobra namang burara nung mga girls..tsk!! hirap talaga pag nagkakakilanlan na kayo.. :DD

I am Xprosaic said...

Basta ako... dami ko na rin natirahan at mga nakasama sa iisang bubong na di ko kadugo... may mga di ka man nakikitang magandang ugali minsan pero kaya siguro malalapit kaming magkakaibigan dahil lahat kami marunong umintindi at bawal na bawal ang brat... hehehehhehehehehe... in ader words... swerte ko lang sa mga kaibigan ko... hehehehhehehe

Yj said...

envy me bitch! 4th year college na ako sa pasukan yeheeeeeeeeeeeey...

anyhow carabao, live-in na mga coffee babies hahahahahaha ang saya

olyabut said...

i never experienced living away at our house. ung mag-dorm or magapartment magisa para magaral.
i wonder what it's like. hindi sa im not thankful. Sa mga nakikilala ko na nagdodorm at apartment swerte daw un kasi menos gastos, may pagkain na nakahapag na, may naglilinis ng bahay, kasama mo pamilya mo, stuff. pero i sometimes wonder what it would be like for me.

Jepoy said...

Ang masasabi ko ay ang ganda ganda ng structure mo.

Putakels na unahan mo ko mag blog tungkol dito, burahin ko na nga ang draft ko baka sabihin nila gaya gaya me. hmp!

devil_under_light said...

Haha. 7 way battle royale ha..=)

karen anne said...

maghahanap din sana kami ng apartment sa t. alonzo pero ayaw ng kapatid ko..tondo nga daw yun ng baguio..hehe, nakakaaliw naman ang college life mo...

Ollie said...

kung ang T. Alonzo st. ay mala Tondo

ano na lang ang Dormitorio Santo Bartolomeo ??? mmmm Ampatuan, Magindanao? LOL

Jag said...

Sa sobrang busy nyo sa bahay na iyon hindi nyo na namalayang may multo pala doon hahaha...

I think I knew the place marami talagang multo doon...heheheh

Ganun tlga pag nagsama ang iba't ibang tao (na may iba't ibang ugali at iba't ibang nakasanayan) sa iisang bahay nagkakaroon ng clash...kaya pahabaan n lng ng pasensya katulad ni madam Ayie na sa blog na lang niya inilalabas ang reklamo sa knyang mga kasama hehehe...

Rah said...

"ilang linggo pa lang ang nakakalipas ay NAGKAKAKITAAN NA KAMI...."

promise bumagal ang pag basa ko dun sa word na "nag-ka-ka-kita-an."

naexcite ako, parang nagbabasa lang ako ng Xerex.. hahaha (shet nagkakakitaan na sila) - sabi ko...

tas, nung limitaw na yung word na "hindi magagandang ugali.." biglang bumaba yung excitement level to normal... bwahaha

gillboard said...

buti wala akong housemate na ganun dati... sa dati kong trabaho, kami lang yung naghiwalay ng maayos... yung iba kasi pag naghihiwalay na, naglalabasan ng baho ng mga kasambahay sa opisina...

Andy said...

ay naku, ang hilig mo talagang makipag-away o guwama ng gulo. lols! hehe joke lang! baka ako naman awayin mo :D

Mga Epal said...

Amin yang pinaka unang "Alavet" sapagkat Welavet, dahil nakarelate kame. Matagal na kaming apat magkakasama sa isang tirahan, nagaantayan na umalis ang iba. Matira matibay!

Salamat ulit sa patambay.

dedol= yan ang captcha sa verification. Wala lang.

glentot said...

The Reviewer You can just imagine right?

Darklady yup meron talaga itong part 2

No Benta kung maibabalik mo ba ang panahon, ano pipiliin mo

kikilabotz sa dorm mo lang mararanasan yun hahaha

an_indecent_mind haha malamang naging maswerte rin yung mga dapat sanang roommate mo, at buhay pa sila ngayon

Drake naiimagine kong mahirap kang maging roommate dahil tingin ko ikaw lahat yung dinescribe mo hahaha

Chingoy hahaha dapat nilagyan mo ng ipis sa loob ang shoes, it works.

KESO siguro roommate-killer ka rin

Mjomesa oo wala lang cameras hehehe

Macz yup thanks for agreeing

I am Xprosaic tama!

YJ really where?

olyabut I think mahihirapan ka to live away from home sa pagkakadescribe mo

Jepoy una-unahan lang yan!

devil_under_light salamat po sa pagdalaw!

karen anne saan kayo nag-apartment?

Ollie malalaman mo next time!

Jag anong place yang sinasabi mong maraming mumu?

Rah hahaha sige next time mga kautuugan moments ang ikwekwento ko..

Gillboard ay ampangit naman nung ginawa nila parang below the belt yun

Andy Gagu ka haha! Ako kaya ang nilalapitan ng bad vibes nila

Mga Epal ahhhh now we know magkakahousemate pala ang MgaEpal.com piece of trivia yan ah

pusang kalye said...

dimo talaga makikilala ng lubusan ang isang tao hanggat di mo nakakasama sa isang bahay---kaya ko---pro--LIVE in and pro-premarital sex ako.lol

eloiski said...

wahahaha.
akin kasi boarding house lang.
at lahat ng mga kaboardmates ko eh hindi ko kilala.
wawa me.
lahat pa sila sa UP.
ayun. i'm sad.
hindi ako makarelate.

natuwa akosa posteng to.
muntik na rin ako manirahan dyan sa t. alonzo. hakhak.
kaso balita ko eh marami na kasing nakawan ang nagaganap dyan. kaya ayun.

NoBenta said...

glen, kung maibabalik ko ang panaho nay pipiliin ko ang panahon na guto kong makita ang ngayon. lols

seriously, babalik-balikan ko ang college days. daming gimik. daming happenings. punung-puno ng masasayang experiences!

ikaw ba?

ʎonqʎʇıɔ said...

i guess it's true what they say. nagkakalabasan ng ugali pag nasa iisang bubong. hehe

pnx said...

haaay T.Alonzo, dati kami nakatira dun nung bata ako, mejo matino pa sya nun, nung super invaded na xa ng mga studyante naging resident evil na, pero inperness dun k lng natikman ang masarap na ube shake... pasyal tyo one time when u get here hihi

crunchee said...

buwahah!nakakamiss t.alonzo! 2 years dina ko dyan!!XD teka bakit wala ung ghost story glen?? ung about sa bata?! buwahahha!

aleihs shiela said...

anong apartment yan?? haha!

June | Life and Spices said...

I feel you...gusto ko na din mag isa sa room..ayoko nag cocompromise sa roomate ko... pakyu xa

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding