doggies

A couple of months ago, nagpost si Ape Rockstar sa kanyang blog na nagpapamigay sya ng mga bagong panganak na puppies. Gustong-gusto kong magkaroon ng pet kaya humingi ako, at ni-reserve na para sa akin ang kulay white.

It just so happened na ang aming landlord sa apartment ay evil incarnate, at nalaman kong ipinagbabawal pala ang pag-aalaga ng mga hayop sa aming building. (Pero sya, may mga aso, fuck you sya)

Kaya kahit labag sa aking damdamin hindi ko na lang hiningi yung aso. Sabay, nasa fifth floor nga naman kasi kami ng apartment building na yun, at wala syang matatakbuhan. Kami nga ng tita ko halos magkauntugan na sa liit ng space.

Naalala ko tuloy yung mga naging aso namin noong bata pa ako. Nung una akong namulat sa buhay ay naalala kong parte na ng pamilya namin ang asong si Stag, isang Askal, na hiningi ng Tatay ko sa Ate nya. Malambing si Stag, pag pauwi ako galing sa school, kumakahol na sya at sinasalubong na ako. Mas grabe ang lambing nya sa Tatay ko, malayo pa ang Tatay ko nasesense na nya at naeexcite na sya. Batang bata pa ako noon, ngayon nga hindi ko na maalala kung anong kulay ng balahibo ni Stag.

Meron pa kaming isang aso, si Gorgonia. Magandang aso yun, at madali syang paliguan. Pero hindi kami masyadong close. Hanggang sa dumating ang time na nag-init siya at nakipagjerjer dun sa unanong aso ng kapitbahay namin, at nahawa sya ng galis. Ayun, namatay syang lagas ang balahibo. Naawa ako sa kanya. Sya na ang huli naming aso.

Ang tita ko, hardcore mag-alaga ng aso. Nung high school ako, dumalaw ako sa kanya sa Bulacan, mag-isa lang kasi sya sa bahay at isang aso lang ang kasama nya, si Missy. Sa umaga nagigising ako sa boses ng tita ko habang kausap nya yung aso...

"Missy ano ba? Di ba sabi ko ubusin mo yan? Hindi mo na naman inubos oh! Sasayangin mo na naman yan! Missy! Saan ka pupunta! Missy! Stayyy!"

Nagkaroon pa sya uli ng mga aso, sina Lizzie at nung namatay yun, si Rezzie. Tao talaga ang turing nya sa kanila.

Minsan sa school, nagkaroon kami ng program at kailangan kong magbenta ng raffle tickets. Kaya lahat ng kamag-anak ko, binentahan ko ng ticket, syempre pati yung tita ko. Bumili sya ng sampu.

Yung limang ticket, sa kanya nakapangalan.

Yung lima, nakapangalan kay "Rezzie Dog".

Ampotah.

27 comments. Post your comment here.:

eloiski said...

nagkaroon din kami noon ng alagang aso. ang laki laki niya. kapag magbabike ako sumasama siya sa akin tapos pag nakikita siya ng mga tao takot sila kasi nga ang laki niya pero maait naman siya. minsan.

kaso one time ata narinig niya yung lolo at tito ko na nag-uusap na gagawin na daw siyang pulutan... ayun kinabukasan di na namin nakita.
naglayas o kaya naman baka nagpkamatay na. ewan namin.

nakakalungkot lang.

taribong said...

Pano kaya kung nanalo sa raffle si Rezzie Dog? Hehehe

NoBenta said...

marami akong naging alagang aso. lagi akong binibigyan ng tito ko ng tuta noong bata pa ako. kaso nagtataka ko dahil kapag medyo malaki na sila ay biglang nawawala. at sa araw na naglalaho sila ay nag-iinuman ang tropa ng tito ko.

ang names ng mga nauna kong aso ay sila pepsi, bitoy, poochie, tachie, lucky, bates, at laharski.

ang pinakapaborito ko ay sina "ewan ko" at "wala". mabait sila kaso pinamigay ng erpats ko dahil bad breath.

Jag said...

Naalala ko tuloy ang aso ng kaibigan ko just recently namumroblema ung friend ko kasi breeding season maraming umaalialigid na askal sa bahay niya kaya hindi niya tuloy maigala ang knyang precious doggie ayaw niya kasing malahian ng askal bhehehe...

butit d nanalo yung ticket n nkpangalan sa aso? LOL.

gillboard said...

nanay ko mahilig din kumausap sa mga aso... pero di niya pinapangalanang mga raffle ticket niya sa mga alaga namin... hehehe

Maldito said...

grabe naman yung pati sa raffle ticket eh pangalan pa rin ng aso.pano kung nanalo yun?ha ha ha..

mom ko mahilig din sa aso. ni minsan hindi kami nawlan ng aso sa bahay.sobrang mahal niya ang mga aso at pusa. hindi rin ako naniniwala na magka away ang aso at pusa kasi sa bahay sabay pa nga kung matulog.

mahilig din ako sa aso. pagnagkaytaon nga na makakauwi na ako sa iloilo for good bibili na naman ako ng panibagong aso.hehhe..

dhianz said...

nakarelate lang akoh... dog lover akoh... and yeah we talk to our dogs nd we treat them like human... kaya pag nawala ang sakit den... kapamilya na ren kc... ditoh nga sosyal kc ang mga aso may dental pah at may every 6 months comprehensive exam... shoot... kaya minsan broke akoh eh... haha... yeah we got 3 doggies right now... alam ko nde mo tinatanong... nd kahit nde ka nagtatanong sasabihin ko ren anong kind... one pure pomeranian... nd 2 mix beagle pomeranian... bow.. un lang... haha... *churi* bihirah ako magparamdam... one blog per 2 weeks lang ata nadadalaw ko... lolz... ingatz parekoy nd so belated happy bday right... Godbless!

The Gasoline Dude said...

Kung wala naman sa rules na bawal sumali ang aso sa pa-raffle eh... LOL

Chingoy said...

MIssy, Lezzie and Rezzie...

Parang boy band na girls... hahahah

Stone-Cold Angel said...

Iniyakan ko ang pagkamatay ng mga aso namin. Si sexy namatay dahil nasagasaan. Si Pogi naman namatay dahil sa sakit.

Di na ako nakapagalaga ng aso mula noon kahit gusto ko. Nice post! =)

chikletz said...

gusto ko din ng aso eh.. gusto ko ng pug.. ung tamad na masungit. haha! kyut! wala lang.. umepal lang ako dito.

karen anne said...

hehe, i remember nung bata ako namatay yun aso ko iniyakan ko talaga ng sobra, every time maaalala ko siya. parang tao talaga. hehe, wala lang, naishare lang po. i love doggies.

Renz said...

natuwa naman ako sa raffle na yun :]
kami hindi makapagraise ng aso lagi namamatay ng premature. Ewan ko ba pusa laang ang pet namin parang tao din ang turing pero hindi naman namin sinusulat sa raffle ticket :]

The Reviewer said...

LOL ako sa spiel ng tita mo. kasi tutoo yan dito sa amin hehe. nakakapraning ganyan din ako pag nasa kwarto ko si Lancaster. RIP kay Gorgonia. alam mo bang kahapon Sbarro ang lunch ng aso ko. tapos today eh Superbowl. yeah i need to get a life.

kikilabotz said...

ako din minsan ay may pagka dog lover.. nakakrelate ako ng konti dahil kinakausap din namin ng parang tao ang mga alaga naming aso.

tulad ng..oi ang tanga tanga mong aso ka..

silentassasin said...

"Missy Stayyy" hahahA..ang kuleet ng tita mo.

bHeniPotpOt said...

nakakarelate ako ahahaha ung aso ko naman na sina bella at edward wala pang limang buwan nachugi xD
c bella ginawang ulam...c edward...lumayas di kinaya ang nangyare ke bella xD .. haha napadaan lang xD

olyabut said...

hmm, naiingit ako, dalawa na kayo ni Reviewer na gumawa ng post inspired ng mga alagang aso. gagawa nga din ako, ehhe

APE said...

kung sakali pala na natuloy ang pagampon nio sa mga tuta namin magiging spoiled brats ang mga ito!

pakyu ka! asan ang hustisya?! @ landlord ni Glentot

PABLONG PABLING said...

masakit lang sa loob pag namatayan ka ng aso...ung aso kong pandak e dahil sa sobrang taba niya yun ang kinamatay niya -heart attack. puro cholesterol na ata kase

Yj said...

i hate dogs, they die...

but i love fucking dogstyle....

an_indecent_mind said...

buti na lang di nanalo yung aso! may magrereklamo kaya? or marelease kaya yung prize?? hek hek!

may makulit akong aso dati, pure black askal.. umuwi ako one morning galing sa pagbili ng pandesal, di ko alam naiwan ko bukas ang gate humabol pala sa akin. yun paguwi ko patay na, nasagasaan pala..

aso namin ngayon, matalinong askal.. marunong makaintindi.. nauutusan.. nakakapagbukas ng gate... at may isang lalaking barkada ako na trip na trip nyang kayugin ang binti! nyahahahaha!

KESO said...

hahahahha adik. pano kya kung nanalo yon hahaha.

may bago nga pala akong aso ngayon, wala pa syang name, parang nakyutan ako sa Gorgonia. nyaha

roanne said...

may aso kami dati... Maitim... Pangalan nya... BOOGER harhar

gusto ko na rin ng aso dito... Toy poodle :( Papangalanan kong glentot... Este kulot pala hehe joke

Ayie said...

Hindi ako mahilig sa pet. Buti na lang may asawa na ako...

Mac Callister said...

hahaha kapag nanalo un ticket si rezzie ang tatanggap!

Sendo said...

tinuturing ko rin namang tao ung mga alaga kong aso pero di naman ako mahal....wala atang asong nagkakagusto sakin ....

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding