kaffe razzo

Alam naman nating lahat na maraming pera si Kuya Chingoy. In fact pag may nakita akong mas mapera pa sa kanya ay sasampalin ko. Pramis. Katunayan nga nung Sabado eh naisip nyang magpatayo ng coffe shop. Ganun-ganun lang nagbukas agad ang Kaffe Razzo, ang coffee shop na magpapataob sa Starbucks.

Sabi nga ni YJ, and I quote:

Bongga.


Seryoso! Syempre sino pa ba ang iimbitahin ni Kuya Chingoy para saksihan ang softcore opening ng Kaffe Razzo kundi ang mga malalandi at masasamang ugaling bloggers, at ako.

Dali-dali akong pumunta sa M Lhuillier at tinubos ang camera para ma-cover ang event, coz I'm a professional photographist you know (alam nyo yan).

Meet Kuya Chingoy. Pag nakita nyo sya sa labas, pa-autograph kayo...



Ito ang model ng Kaffee Razzo na si Kikilabotz. Si Jepoy Pikpik wag nyo nang pansinin napadaan lang sya:



Eto ang menu! Pansin nyo walang presyo? Kasi libre lahat. At sa anong dahilan? Read the first sentence of this post.



Syempre para hindi mabagot ang mga customers sa paghihintay ng order, may mga magazines dun si Kuya Chingoy:



Ang masasabi kong ipinagmamalaki ng Kaffee Razzo, bukod sa kape, ay ang pagkain! Pramis masarap as in yummeh.

Eto po ang sample pictures ng mga food:

Let's try the Sisig!



O di ba masarap, kakahain pa lang sa harap ko nilamon ko na. Eto pa ang ibang food offerings:

Makikita sa larawang ito na late na akong dumating:


Naranasan mo na magpunta sa Starbucks tapos bigla kang nagutom kaso ayaw mo umorder kasi hindi kasali sa budget mo ang pastries, ang gusto mo lang eh picturean ang sarili mong nagkakape?

Well well well sa Kaffee Razzo hindi ka magugutom dahil mura lang ang kape at mura ang food! As in budget meal. Marami ang serving at mabait pa ang staff. Hindi gaya sa Starbucks na pinagkakamalan akong applicant.



Eto naman naaalala kong kunan ng picture kung kelan paubos na. Ang sarap kasi sabi eh.


Syempre hindi mawawala ang kape! ("Strong bones"? Tangina nyo Jepoy! Sabi nya libre eh di samantalahin.)


Yan po ang Chocolate Frapputs Frapuche Frappush masarap po yan. Alam nyo bang P80 lang yan, pero kalevel nya yung milkshake sa Burgoo.

Eto namang next, hindi ko natikman pero masarap yan at wala kang maoorder nyan sa ibang coffee shop. Ang tawag diyan ay Hot Choco:


Bakas sa mga labi ni Kuya Chingoy ang isang matamis at simpleng ngiti:



Natural masaya sya kasi successful ang soft opening ng Kaffe Razzo! At ipopromote ko talaga ito sa lahat ng mga kakilala ko. Kaya from now on, ang iboblog ko lang lagi ay tungkol Kaffe Razzo.

At kung hindi ako nagkakamali, mababasa nyo pa ang Kaffe Razzo sa sampu pang blogs. I gotta feeling...

Sila ang mga walang habas na lumapa sa mga nakahandang food, susme ang aga dumating ng mga yan!


Naku kung ako sa inyo pumunta na kayo sa Kaffe Razzo. Nga pala, eto ang location ng coffee shop, sa tabi ng SM Centerpoint beside UERM. Kung mapapadaan kayo halimbawa galing kayong MOA o kaka-out nyo lang sa work, o kaka-check-out nyo lang somewhere... dumaan na kayo sa Kaffee Razzo at mag-chill... tapos magcheck-in na kayo uli. At least nakapagkape na kayo, at wala na syang alibi na kesyo inaantok sya at pakigising na lang sya pag tapos na.

Pangarap ko rin magkaroon ng coffee shop. Tatawagin ko naman itong...

Kaffe Ranggot.



Sobrang maraming maraming salamat Kuya Chingoy sa pag-imbita sa iyong coffee shop! Kahit itong simpleng post lang ang maisukli ko sa iyo hehehehe! Mwahchupa! More power to Kaffee Razzo and mabuhay!!!

45 comments. Post your comment here.:

bHeniPotpOt said...

wagi ung picture nung may ari na masaya haha...mas dami kong tawa dun sa kaffe ranggot hahahahaha :)) dibale nakakatuwa naman ang kaffe razzo mukang kabog starbucks xD

gillboard said...

di ko natikman yung Mongolian Rice... parang nagutom ako sa litrato.

Chingoy said...

huwaw naman.... ang sarap ng Chocolate Frapputs... Frapuche... Frappush... hahahah, basta marasap yan..

thanks to you glen, for dropping by. :)

The Reviewer said...

tot, san ba to? at napaka-ipokrito ng sample cup ni jepoy ah. di believable na yun lang tinungga nya.

pusang kalye said...

ang kulet---parang ayoko na tuloy i-blog--nahiya ako......ito--well structured, di masyadong pinag-isipan, di masyadong detailed....at magkanu rin ibabayad ko para alisin mo yung last pic?so anu to, gantihan> haha...kafferanggot ha.sakin siguro okay na food cart so ibang kape naman...kafifisil....corny.hehe

Jepoy said...

UNa sa lahat Ang ganda ng stucture and very dictionated hihihi

Ikalawa naman...

PUTANGENA MUCHHHHHHHHHH! Sinabi ko namang rule number 1 wag mag lalagay ng picture ko na busog ako! Kitang kita ang aking beer belly....

Babayaran kita para alisin mo ako sa picture. Babayaran kita ng more more friendship! Shit you much!

Kuya Chinggoy hihigitan ko ang post na ito I promise I will finish strong... Bwahihihihi

pusang kalye said...

na-inspire ata masyado si glen sa remarks natin last time...ayan, best entry na naman.hehe

roanne said...

Nice! Galing ng pics :) pang magazine!

Napicturan mo rin ba ang edongs? At ang ginawa mong menu board? Hahahaha

darklady said...

gusto ko rin magpunta dyan para magpa picture (etchos) mukha ngang ang sarap ng mga pagkain natakam me sa pic. ^_^ i lavet!!!

darklady said...

gusto ko rin magpunta dyan para magpa picture (etchos) mukha ngang ang sarap ng mga pagkain natakam me sa pic. ^_^ i lavet!!!

I am Xprosaic said...

kaya pala dami kayong nagblog tungkol dito... at naguunahan pa! hehehehhehehehehe... congrats kay chingoy sa isang napakasuccessful na opening! hehehehhehehehehe...

NoBenta said...

nabuhay na nga ang magpapataob sa starbucks!

@ kuya chingoy: congrats! may banner ka ba na puwede kong ilagay sa sidebar ko? libre yun basta bigyan mo ako ng discount card! \m/

taribong said...

madalaw nga yan hehehhee

word verification: spranedi

Allen said...

Sa 12 photos na nilagay mo dito, wala man lang humagip sakin. tsk tsk :))

Oliver said...

i like the structure, haha.
may picture nga ako, naharangan naman ako ni Anton, haha.

ʎonqʎʇıɔ said...

ang funny mo talaga. haha at napakahusay mong photographist. buti natubos mo yung camera mo. haha

Ayie said...

Inalala nyo ba kami habang isinusubo nyo ang masarap na sisig? ahahahh!

Ampopogi naman ng mga bloggers.

Ngayon ko lang narealize, kahawig pala ni *please insert artista's name here* si Kuya Chingoy! hahaha

Ang yaman yaman talaga ng dating$$$!

Yj said...

ang sarap talaga ng mga bloggers...

pero mas masarap ang pagkain... napasubo ako eh!!!!

considering hindi ako kumakain dahil maintain ko ang aking balingkinitang katawan... pero sa sarap ng food, again, NAPASUBO ako nyahahahahaha

The Gasoline Dude said...

Magtatayo din ako ng kapehan! "Kaffe Fezzbuk"! LOL

Congrats Chingoy! Sana naman eh makatikim din ako ng pagkain na galing sa kapihan mo. Isang Cheesecake Latte nga d'yan.

kayedee said...

nice galing kumuha ng pix! ehehhe

rico de buco said...

ganda nman jan aus na aus

DRAKE said...

Kahit medyo down ako dahil sa hindi inaasahang pangyayari magcocomment ako dito.

Okay na sana yung post na ito,kaso bumanat pa ng kakornihan sa huli eh,sayang (at sumali pa si Gasdude)

Ang sarap naman ng pagkain nakakagutom. Halatang enjoy na enjoy mo Glentot,at sinulit mo ang pinakain sa iyo ni Manong Ed, ikaw na!

Basta pupuntahan ko yan pag-uwi ko...hala nalungkot na naman ako! Hays

Ingat

Donato said...

@Don Edzel: congrats Manong este Don! ang yomon!

ok ang post ni bansot, parang commercial lng.pero kung sya ang advertiser malamang kulang pa yung serbisyo nya sa tinaob nyang pagkain at KAPE.. nyahaha! pag ako yumaman magtatayo ako ng coffee shop sa tapat ng shop mo. combination ng coffe at 'boob-shaped pizza' ang magiging specialty ko.. ang brand name: Caffe Pizzil.. hahaha

pag lumago yan mag open ka din d2 sa UAE para nman matikman ko yang kape mo. Pwede ring ipa-franchise mo. O kaya kakuntsabahin mo si Henry Sy. O kaya dyan sa shop natin pag-shooting-in ang Glee. Oks ba?

@Glentot: nice post

APE said...

genius ang pangalan ng coffee shop na 'to.

lol!! @ you pointing out that there are a lot of motels in Sta.Mesa. Classic!

caloy said...

sana nakasama ko nung sa center point. badtrip. hahaha!

jaypee | enjayneer.com said...

putang ina ang kulet lang hahahaha. salamat kuya chinggoy sa food!! :D

Maldito said...

wow...congrats chinggoy sa bizness mo. Siguradong papatok ang buisness ni chinngoy dahil kasama ba naman sa openning ang Buddha for prosperity....hindi ko sasabihin kung sino.ahhahaa..

sige..lalagay ko yan sa sched ko na mag drop by diyan soon!

Jules said...

hehehe! natawa naman ako :D very inspiring naman. Thanks for sharing hehe!

salamat kuya chinggoy :D

sub said...

lapit lang pala sa office to..at talagang balak pataubin ang starbucks sa kanto ahh..ill definitely drop by one of these days...

'flucipe'

kuri said...

may peyboritism ata si pareng chingoy. plain rice lang ang hinanda nya samin ni biep aajao nung bumisita kami. bakit senyo mongolian rice at may hot choco pa? :p

RJ Naguit said...

sayaaang tlga di ako nakapunta ditoo :/

goyo said...

SULIT! hataw sa ads ang mga blogger..dami nyo ata nakain e. ehehehe.

.pOot! said...

Haha! Pang-ilang blog na kaya ang nabasahan ko ng ganito? Hmmm.

Parang masarap nga yong Chocolate whatever. Kaya lang kulang yata pera ko, pwede pang tumawad pag-blogger? Lols!

kikilabotz said...

wahahaha. lahat ata ng blogger nabasa na ang post sa kaffe razzo..cgurado dudumugin n ang shop ni kuya chinggoy..

PABLONG PABLING said...

im sick ok kaffe razzo lahat ng bloggers yan ang post...

hindi ako invited kaya no comment..

kaffe ranggot= )

Renz said...

ang yaman nga :] haha anyways ang ganda ng kaffe ranggot :] LOL dame ko tawa. Saya naman ng blogger meet ups

ahmer said...

Pandan de Nata is my favorite : )

AC said...

ah yan pala yung sinasabi ni sub. cute ng name. :)

kat said...

waw, first time kong makakita ng madaming pics ng tao sa blog mo. heheh natuwa ako sa captions mo. magaling! at mukhang masarap ang food!

kaffe razzo. sana d ko makalimutan kapag napadpad ako sa manila. :)

Anonymous said...

walastek nakadale kayo ni marvin, pareho pa kayo ng tinambayan
kaso ang layo na tambayan sana mag open din sila ng branch dito sa china para makatambay din ako mwehehe
paguwi ko mapasyalan yan.

~lee

Jag said...

Huwaaawww! bigtym pla yang si sir chinggoy! sana ako rin meron din coffeshop hehehe...

sikat n sikat yang kaffe razzo n yan sa blogosphere ah in fairness hehe...

mgawi nga minsan jan...

tim said...

hehehehe, kakatuwa naman... di ko na mahanap san dun yung pinanak masarap. I guess yung na suot yata ng pink.. hahahahahaha

Sendo said...

ok..im uber convinced na...im going there this july..taralets!! haha...gagaling ng mga models!!! haha

wendell said...

nagutom ako sa mga pagkain!! san ba banda to? as in malapit lang ba sa moa to? bluewave? penge mapa! haha... will definitely visit kaffee razzo. :)

gasti said...

ayos mukhang masarap nga yung mga foods. saka malapit lang. makadaan nga rin para makilala ko na rin si chinggoy.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding