diet tips

Natuwa ako dun sa website na In 20 Years kung saan iu-upload mo yung picture mo tapos ico-convert nya into a gurang version of yourself. Come on let's join us! Try nyo ito! Unless thunders ka na talaga, wag ka nang mag-abala.

So sinubukan ko ito, hoping na hot pa rin ako kapag 43 years old na ko. (Shut up detractors, shut your up!)

Well well well look do we have here. Kamukha ko si Keannu Reeves!



OK fine, hindi si Keannu Reeves. Parang John Travolta. At mukhang naging overweight lalo ako. I can't believed it! HINDI AKO PAPAYAG! Baka yung picture lang ang mali. OK, try again.



OK from John Travolta naging John Regala. At parang tumaba ako lalo. Hindi maaari! Sinira pa ang ngipin ko. Tanginang website to. Forget it about it!

Hmm baka talagang maling picture lang uli ang nagamit ko. Try again...



Putang-ina Dick Israel, mukha akong goons. Pinamumukha lang nya na mataba na ako ngayon pa lang. Shit. Magdidiet na talaga ako. I hate this website! I can’t take it anymore of this!

Kung talagang mataba ako, it’s not my problem anymore! It’s your problem anymore!

Icli-click ko na sana ang Exit button nang may mapansin akong kakaibang option:



Chi-neck ko ang Yes sabay upload ng bagong picture... Boom.



Achieve.

Ganun lang pala magpapayat... Decisions decisions...

khikhi is a mistress

OK Kids let's start your weekend with a big pasabog. OK hindi ganun kalaking pasabog kasi sanay na kayo. Yep it's about Khikhi. Again.

Naalala nyo pa ba si Mark Valdez, yung nagkakalat sa Facebook na may AIDS si Khikhi? Akala ko tapos na ang episode na yun dahil na-realize niya na nagsasayang lang siya ng effort sa pagsira sa taong hindi naman maayos in the first place.

Kaya nabuhayan ako ng dugo nang i-check ko ang The Official Khikhi Fan Club page at makita na may sumagot sa pinost kong status:



Ampotangina. Nakakabwisit! Napaka-off topic ng comment nya sa status post ko!

May bagong detractor at I gotta feeling na si Mark Valdez rin ito.

Matapos ang konting research napag-alaman ko na si "Mark Valdez" ay isang babae, yung dati naming kapitbahay na pumatol daw sa lalaking may asawa. Dahil likas na chismosa si Khikhi, pakiramdam nya eh responsibilidad nyang i-broadcast ang lovelife ng iba, nagalit yung kapitbahay namin at dali-daling gumawa ng fake Facebook profile para manira.

Hindi tumalab yung AIDS issue nya, pero meron pala syang Plan B, at eto na yata yon.

Tinanong ko si Khihki kung totoong kabit sya, dahil kung totoo eh congrats sa kanya at dapat manlibre sya. Hindi raw totoo at ang tunay daw na dahilan kung bakit sya tinitira ng kung sino-sino ay:

"Karma ko na yan. Ang ganda ko kasi."

Bwisit na sagot.

Isa lang ang advice ko kay "Janice Celeste": huwag mo nang sirain si Khikhi, redundant na.

At as usual isa lang ang masasabi ni Khikhi:

Hey Janice Celeste! Suck my dick. --Khikhi

At dahil diyan let's help our community grow! Be a Khikhimon today!

The Official Khikhi Fan Club
Join now! Mwahchupa!

Want to meet and greet Khikhi? Darating sya sa Thursday and we will be at MOA late afternoon. See you around!

tearjerker movies

Pwede magtanong? Anong movie ang nakapagpaiyak sa iyo?

Pagdating ko sa office, namumugto ang mata ng isa kong officemate. Nanood kasi sya ng Hachiko: A Dog's Story. Naalala ko nung pinanood ko yung movie na yun sa office. Naluha me nang very very mild.

Bihira naman akong maiyak sa movies, hindi masyadong mababaw ang luha ko. Hindi gaya ni Rose, yung friend kong naiyak sa Inception. Hindi rin ako tulad ng isang friend diyan sa tabi-tabi, itago natin sa name na J-Pek, na naluha sa The Blind Side. Ang Nanay ko naman, naiyak sa Anak. Ang Lola ko, naiyak sa Passion of the Christ. Si Sasha Fierce, naiyak sa libing ni Tita Cory.

Isang movie na naluha ako eh I Am Sam. Hindi dahil nakarelate ako sa mga retarded. Masyado lang effective ang pagkakagamit ng Beatles songs. May isa pang movie na nagpaluha sa akin pero hindi ko na sasabihin kasi nakakahiya. X-Men 3 - The Last Stand.

So ang plano ko sa mga darating na araw ay mag-marathon ng mga tearjerker movies at subukan kung maluluha ako.

Pwede magtanong? Anong movie ang nakapagpaiyak sa iyo? Serious! Thanks. Mwahchupa.

movie review: inception

Like like like like like. I saw the trailer late last year, it didn't give out too much of the plot, just enough to intrigue and excite. I saw the movie earlier, it was THE shit. It was amazing. I wanted to see it in IMAX but since it wasn't in 3D anyway, we settled for digital.

It's about a group of thieves who specialize in stealing information from a person's mind while they are in a dream state. They were then tasked to do the reverse: plant an idea in an unknowing person's mind, a process called "inception".

Set in M.C. Escher-esque mazes, the group tricks the victim through several "dream-within-a-dream" layers at great risk: if they die, they lose track of reality and exist in infinite limbo.

My favorite scene: the Joseph Gordon-Levitt hotel hallway fight in multiple gravitational shifts.

I was literally on the edge of my seat trying to keep up with what's happening. I only broke my attention to check if my friend Rose, who watched it with me, was still awake... and...

Umiiyak ang putang-ina! Ewan ko kung anong nakita nya sa movie at naiyak sya.

Basta panoorin nyo na lang. Available at all dibidi-dibidi stores near you.



Lesson Learned (may lesson learned talaga):

This film taught me to feel good about myself. It shows that everyone gets fat. Even Leonardo DiCaprio.

landlord from hell

College pa lang ako nung nagsimula na akong mag-rent ng apartment, dorm, room, etc. kaya marami na akong naencounter na landlords and ladies from hell. Halimbawa si Aling Virgie, na galit na galit tuwing may makikita syang pagbabago sa unit. Gusto nya ipagbawal lahat, ultimo pagdidikit ng posters sa dingding. Ituring daw naming condo unit yung apartment nya. Disillusioned sya.

Example rin si Aling Angelina. Mukha syang iguana dahil nakaluwa ang mata nya. Gusto nya may curfew, 9PM empunto. Kung hindi mo maabutang bukas ang gate, matulog ka sa waiting shed. Magkamatayan na muna bago ka nya bigyan ng sarili mong susi sa gate, kaya araw man o gabi, kung kailangan mong umalis o umuwi, sya ang magbubukas ng gate, at nanlilisik ang mga mata nya dahil naaabala sya. Ultimo cable, may curfew.

Pero pagsamahin man ang powers ni Aling Virgie at Aling Angelina, wala silang panama sa landlord ko ngayon, na descendant ni Hitler.

I can say that my landlord is the most evil, abusive, money-hungry asshole in the universe, but he's so much more...

To give you an idea, he gets death threats sa telepono on a daily basis. True story.

Mahilig sya sa kontrata. Lahat ng kasunduan nyo, dapat nakasulat at may pirma, which is OK with me. Isang taon ang contract ko sa apartment nya, at nung matatapos na ang 1 year at nagpaalam akong umalis, sabi nya hindi raw pwede. Dapat daw, 2 months before, nagpaalam na ako. So nag-renew daw ang kontrata ko for another year. Kung aalis naman ako, hindi nya ibibigay ang 2 months deposit ko. Parang putangina lang.

So nagrequest ako na lumipat sa mas maliit na room para mas mura, pumayag naman sya. Pero siningil muna nya ako ng "damage fee" na kalahati ng isang buwang rent. Damage? Anong na-damage ko sa unit nya, kung tutuusin ang dami ko pang inayos. Pero pumayag na lang ako.

Nung nakalipat na ako sa mas murang room, bigla syang kumatok sa pinto at nagsabing nagkamali raw pala sya ng presyong naibigay nya sa akin, mas mataas pala ng konti ang presyo ang nalipatan kong room. Putangina lang, pero pumayag na naman ako.

Matatapos na uli ang contract ko, so months ahead nagpaalam na ako na aalis na, pumayag naman sya. Dahil 3 months ang naibayad ko sa kanya, 3 months dapat ang macoconsume ko. Hindi raw, 2 and a half months lang daw, dahil yung half-month eh bayad ko raw sa "damages". Sige lang.

Oo masama ang ugali nya sa akin, pero OK lang, dahil masama naman ang ugali nya sa lahat. Yung katabi naming unit, umuwi ng probinsya dahil um-attend ng lamay, kaya nahuli ng isang araw sa pagbabayad ng rent. Ayun, pinutulan ng kuryente. Pagbalik nya galing sa probinsya, panis na lahat ng laman ng ref nya.

Yung isang tenant sa 6th floor, balak umalis pero hindi nakapagpaalam ahead of time, kaya nakipagtalo sa landlord. Ayun, pinutulan rin ng ilaw, kahit 3 months ang deposit nya.

May isang Japanese na kumuha ng room dati, may kamahalan ang room kaya ang singil na downpayment sa kanya ay umabot ng 50K. Dahil hindi nya dala lahat ng pera nya, nag-down sya ng 25K, at nagpromissory note na ibibigay ang remaining amount kinabukasan. Nilipat nya lahat ng gamit nya that day, pero kinabukasan hindi sya nakabalik para magbayad. The next day na sya nakabalik, only to find na wala na lahat ng gamit nya, at null na ang binayad nya, dahil hindi sya nakabalik agad. Magdemanda na lang daw sya kung gusto nya.

Yung isang tenant sa 2nd floor, Koreano. Hindi nakapagbayad on time, kaya nung lumabas sya, palihim na binuksan ang unit nya at kinuha lahat ng gamit nya, sabay padlock sa pinto. Lahat ng gamit nya, nilipat sa bodega. Naalala nyo kung gaano kalakas ang ulan sa Manila kagabi? Ayun, basa lahat ng gamit ng Koreano.

Yup masama ang ugali ng landlord sa mga tenants, so imagine mo na lang kung paano nya ituring ang mga kasambahay nya. Wala syang employee na nagtagal.

Meron syang cook, maid, yaya ng baby nya, secretary, mga guards, janitors, drivers at karpintero. Kapag nag-apply kang secretary at biglang nagresign ang yaya, instantly yaya ka na rin. Kapag guard ka at nagresign ang karelyebo mo, 24 hours kang gising, araw-araw.

Ang sweldo nila, hindi pa umaabot ng 5K sa isang buwan, at kinakaltasan pa sila ng "Christmas Bonus" na ibabalik lang sa kanila sa December. Dahil lahat sila ay stay-in, may mga binigay na kwarto sa kanila, sa rooftop. Halo ang babae at lalaki.

May food allowance rin sila, at mapapatumbling kayo. Hindi ako nagbibiro, P50 sa isang araw, maghahati ang apat na tao.

Kaninang umaga napansin kong naka-shorts na pambahay lang yung isang guard. Ang kwento nya, lahat ng gamit nya ay nabasa sa lakas ng bagyo kagabi, dahil butas-butas ang kwarto nila. Lahat sila, basa at wala pang tulog, pero kailangan magduty on time.

Kapag late daw kasi, walang bayad for that day.

Gusto nyo ng number ng landlord ko? Tara, araw-arawin natin ang death threats.

the never bus

Kung madalas kang magcommute sa EDSA at umiiwas ka sa mga mababaho sa MRT eh for sure madalas kang mag-bus. Kung matipid ka sa pamasahe T ordinary bus ang sasakyan mo, siguro nasakyan mo na ang Never Bus (hindi tunay na pangalan).

Never Bus. Hindi ito bus. Rollercoaster ito.

Ito yung medyo luma na bus na ordinary, kulay red and green. Ito ang bus na magtutulak sayo na magbalik-loob sa Diyos.

Lagi kong naririnig sa friend kong nagtae sa bus ang tungkol sa Never Bus. Sabi nya mabilis daw ito kaya paborito nya, lalo kapag nagmamadali sya kapag natatae. Minsan nga eh nung pauwi na kami at ihinatid ko sya sa sakayan ng bus, ayaw nyang sumakay kung hindi Never Bus. Ganun ka-special yung bus para sa kanya.

So last Saturday we were in MOA hanging out and nanglalait ng mga amoy-lupa sa Bay Area nang biglang napansin kong 2AM na pala kaya nagdecide na kaming umuwi. Pagdating namin sa passenger's waiting area para sa mga bus malapit sa may globo, iisa na lang ang bus na nandun.

Ang Never Bus...

So wala kaming choice kundi sumakay na lang, dahil gabi na at baka last chance na yung bus na yun.

Lumabas na ng MOA grounds yung bus at lumiko na papuntang Uniwide, at dun na nagsimula ang "The Never Bus Second Life Experience". Nararamdaman ko yung hangin sa mukha ako at napapangiwi na ako.

Pagdating sa Uniwide, without slowing down, lumiko sya papuntang Baclaran. Tumagilid ang mundo ko.

Napanood nyo na yung movie ni Sandra Bullock at Keannu Reeves? Hindi The Lake House! Yung tungkol sa bus? Ganun ang nangyari nung lumiko, nag-tilt yung bus, at parang nahimatay ang puso ko sa nerbyos.

On the other hand, ang konduktora (yes, babae) ay patuloy lang sa paniningil kahit naka-tabingi ang bus. At ang bus driver, parang bored na bored.

Pagdating sa Baclaran, akala ko mag-slow down na dahil maraming ibang sasakyan.

Wrong. Karerahan ito. Bawat bus na nadaanan namin ay nagmukhang light years away at kumain ng alikabok.

The whole time I was thinking, Shit babangga kami, shit babangga kami, shit shit shit. Naglalabasan ang ugat ko sa noo.

Pagbalik ng bus sa EDSA, marami na talagang sasakyan kaya nagslow down. Pero paglampas ng Taft at pag-akyat ng flyover sa Magallanes, nagsimula akong magdasal, at bumulong ng isang mahabang

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck...

Para kaming nasa space ship. Kumapit na ako nang mahigpit.

Pagbaba ng flyover, biglang pumasok sa Ayala Ilalim. Kung kanina nagdadasal ako, ngayon nakikipag-negotiate na ako, at nagpapaalam na sa mga magulang ko.

I was like,


Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit...

Ito na talaga ang pinakamabilis na bus na nasakyan ko. Taeng-tae yata yung driver or something, dahil nilusot nya ang buong Ayala Tunnel in just one minute. Sobrang bilis, nakikita ko na ang pintuan ng langit (yes, langit walang aangal).

Sobrang bilis, yung tipong mag-swerve lang sya ng konti eh hahampas talaga ang mukha ko sa wall ng tunnel. Konting preno lang eh makakalas lahat ng upuan at llilipad kami lahat. Konting pagkakamali lang and I will make my first ever TV appearance - sa news. Napakapit na lang ako sa upuan at nagdasal, at tinignan ang ibang pasahero...

May isa, tulog. May isa naka-MP3. May dalawa nagkwekwentuhan. At may isa, dumudukot ng pamasahe pambayad sa konduktora.

Putangina sanay na sanay lang sila. Pumikit na lang ako at pinakiramdaman ang buong mundo na nagmistulang blur sa paligid ko.

Pagdilat ng mga mata kong makasalanan eh nasa Guadalupe na kami...

...at sa excitement kong makababa, kahit hindi pa tuluyang humihinto ang bus, tumalon na ako, sabay Amen.



This is a paid advertisement for The Never Bus.

"The Never Bus - You'll get there fast, or you'll never get there."

panira

Hey Kids! One of my illegal hobbies is manira ng buhay ng iba, pero minsan I also enjoy the simple joys like manira ng picture ng iba. Minsan ine-edit ko sa Photoshop, nilalagyan ko sila ng third eye or binubura ko yung damit nila. Minsan nilalagyan ko sila ng sex organs ng ibang tao. Minsan naman kung nakakahanap ako ng chance, sinisira ko ang picture ng iba on the spot.

Halimbawa ito, matino silang nagpa-picture:



I can't help it hehehe. Medyo mild pa yan, compared sa larawang ito:



Veeeery subtle. I like.

Next photo. Alam ko namang hindi ko photo opportunity yan pero natukso lang akong sirain ang moment nila... Hindi ko naman sinasadya... Gaya nito:



Hanapin nyo ko!



In conclusion lahat naman yan ay in good fun lang... At kakilala ko naman sila. Ang masama eh ang gawin ito sa hindi kakilala, that's bad! ... or is it?

I hope may natutunan kayo today mga Kids! Hanggang sa muli and I Labia all!

Tandaan! Pag may nagpapapicture, sirain ang moment nila. Priceless.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding