landlord from hell

College pa lang ako nung nagsimula na akong mag-rent ng apartment, dorm, room, etc. kaya marami na akong naencounter na landlords and ladies from hell. Halimbawa si Aling Virgie, na galit na galit tuwing may makikita syang pagbabago sa unit. Gusto nya ipagbawal lahat, ultimo pagdidikit ng posters sa dingding. Ituring daw naming condo unit yung apartment nya. Disillusioned sya.

Example rin si Aling Angelina. Mukha syang iguana dahil nakaluwa ang mata nya. Gusto nya may curfew, 9PM empunto. Kung hindi mo maabutang bukas ang gate, matulog ka sa waiting shed. Magkamatayan na muna bago ka nya bigyan ng sarili mong susi sa gate, kaya araw man o gabi, kung kailangan mong umalis o umuwi, sya ang magbubukas ng gate, at nanlilisik ang mga mata nya dahil naaabala sya. Ultimo cable, may curfew.

Pero pagsamahin man ang powers ni Aling Virgie at Aling Angelina, wala silang panama sa landlord ko ngayon, na descendant ni Hitler.

I can say that my landlord is the most evil, abusive, money-hungry asshole in the universe, but he's so much more...

To give you an idea, he gets death threats sa telepono on a daily basis. True story.

Mahilig sya sa kontrata. Lahat ng kasunduan nyo, dapat nakasulat at may pirma, which is OK with me. Isang taon ang contract ko sa apartment nya, at nung matatapos na ang 1 year at nagpaalam akong umalis, sabi nya hindi raw pwede. Dapat daw, 2 months before, nagpaalam na ako. So nag-renew daw ang kontrata ko for another year. Kung aalis naman ako, hindi nya ibibigay ang 2 months deposit ko. Parang putangina lang.

So nagrequest ako na lumipat sa mas maliit na room para mas mura, pumayag naman sya. Pero siningil muna nya ako ng "damage fee" na kalahati ng isang buwang rent. Damage? Anong na-damage ko sa unit nya, kung tutuusin ang dami ko pang inayos. Pero pumayag na lang ako.

Nung nakalipat na ako sa mas murang room, bigla syang kumatok sa pinto at nagsabing nagkamali raw pala sya ng presyong naibigay nya sa akin, mas mataas pala ng konti ang presyo ang nalipatan kong room. Putangina lang, pero pumayag na naman ako.

Matatapos na uli ang contract ko, so months ahead nagpaalam na ako na aalis na, pumayag naman sya. Dahil 3 months ang naibayad ko sa kanya, 3 months dapat ang macoconsume ko. Hindi raw, 2 and a half months lang daw, dahil yung half-month eh bayad ko raw sa "damages". Sige lang.

Oo masama ang ugali nya sa akin, pero OK lang, dahil masama naman ang ugali nya sa lahat. Yung katabi naming unit, umuwi ng probinsya dahil um-attend ng lamay, kaya nahuli ng isang araw sa pagbabayad ng rent. Ayun, pinutulan ng kuryente. Pagbalik nya galing sa probinsya, panis na lahat ng laman ng ref nya.

Yung isang tenant sa 6th floor, balak umalis pero hindi nakapagpaalam ahead of time, kaya nakipagtalo sa landlord. Ayun, pinutulan rin ng ilaw, kahit 3 months ang deposit nya.

May isang Japanese na kumuha ng room dati, may kamahalan ang room kaya ang singil na downpayment sa kanya ay umabot ng 50K. Dahil hindi nya dala lahat ng pera nya, nag-down sya ng 25K, at nagpromissory note na ibibigay ang remaining amount kinabukasan. Nilipat nya lahat ng gamit nya that day, pero kinabukasan hindi sya nakabalik para magbayad. The next day na sya nakabalik, only to find na wala na lahat ng gamit nya, at null na ang binayad nya, dahil hindi sya nakabalik agad. Magdemanda na lang daw sya kung gusto nya.

Yung isang tenant sa 2nd floor, Koreano. Hindi nakapagbayad on time, kaya nung lumabas sya, palihim na binuksan ang unit nya at kinuha lahat ng gamit nya, sabay padlock sa pinto. Lahat ng gamit nya, nilipat sa bodega. Naalala nyo kung gaano kalakas ang ulan sa Manila kagabi? Ayun, basa lahat ng gamit ng Koreano.

Yup masama ang ugali ng landlord sa mga tenants, so imagine mo na lang kung paano nya ituring ang mga kasambahay nya. Wala syang employee na nagtagal.

Meron syang cook, maid, yaya ng baby nya, secretary, mga guards, janitors, drivers at karpintero. Kapag nag-apply kang secretary at biglang nagresign ang yaya, instantly yaya ka na rin. Kapag guard ka at nagresign ang karelyebo mo, 24 hours kang gising, araw-araw.

Ang sweldo nila, hindi pa umaabot ng 5K sa isang buwan, at kinakaltasan pa sila ng "Christmas Bonus" na ibabalik lang sa kanila sa December. Dahil lahat sila ay stay-in, may mga binigay na kwarto sa kanila, sa rooftop. Halo ang babae at lalaki.

May food allowance rin sila, at mapapatumbling kayo. Hindi ako nagbibiro, P50 sa isang araw, maghahati ang apat na tao.

Kaninang umaga napansin kong naka-shorts na pambahay lang yung isang guard. Ang kwento nya, lahat ng gamit nya ay nabasa sa lakas ng bagyo kagabi, dahil butas-butas ang kwarto nila. Lahat sila, basa at wala pang tulog, pero kailangan magduty on time.

Kapag late daw kasi, walang bayad for that day.

Gusto nyo ng number ng landlord ko? Tara, araw-arawin natin ang death threats.

38 comments. Post your comment here.:

The Gasoline Dude said...

TONGENAH! Ipa-Tulfo na 'yan!

paci said...

OH THE HUMANITY!!! OH WAIT, INHUMANITY!!!!

overlord yata siya ng nth plane ng hell ah. whew!

khantotantra said...

grabe sa bagsik ang landlord. Daig pa ang bagyo kagabi sa tindi ng power-trip. Super gutom sa pera. tsk tsk tsk.

wala bang nag-report sa kinauukulan d2? dapat dyan naiimbestigador o kaya sinasampahan na ng kaso.

gillboard said...

bakit death threats lang? dapat ipasalvage na yan!!!

PABLONG PABLING said...

tama.. . pa imbistigahan na yan . . . nakaka inis yang mga ganyang klase ng nilalang ganid . . ano nga kase ng ganid. haha.

ipa xxx mo o imbistigador... nakakainis talaga yang ganyan...(may experience din ako sa ganyan kaya sobrang naiinis ako. pero mas malala naman yan... 1 day lang di naka bayad sobra naman siya

Nimmy said...

pasabugin na mukha nyan!

Jepoy said...

nakakagalet pala ang landlord mo, putangina nya. Lagyan natin ng dora rat killer ang burger nya, konti lang para ma-paralyze muna sya, putangina nya.

Pinuntahan mo ba yung sinabi ko sayong apartment?!

Maldito said...

ay....hindi pa ba inaanod ng baha yan? potah.mukhang pera....sarap i semento ang mukha..
ang mukha lang.ahhahaa

orallyours said...

taena, kakarmahin din yan pero bakit antagal? paksyet

Leo said...

he's so rude. actually, beyond rude. dapat hindi muna siya mamatay, need niya MASAKTAN ng bonggang bongga para matuto.

Pao said...

Walang-puso naman yung mga ginagawa niya. Hindi makatao. Rude or mean is an understatement sa mga nabasa ko, parang dimonyong umaahon sa lupa eh. Ekslusibong explosibong expose. Haha, dapat me magreklamo na.

Lord CM said...

address na lang parekoy, papuntahan ko sa uncle kong NPA lolzz

Oliver said...

ambadtrip naman nung landlord na yun.
angsarap isumbong sa DOLE.
PaImbestigador natin, kuntsabahin mo ung isa sa mga guard or ung Koreano na nabasa lahat ng gamit.
tapos pag iinterviewhin ka na, ikaw ung magsshades na nakabalot ung ulo ng good morning towel tapos madilim, tapos malalim ung boses.

hArTLeSsChiq said...

kaya ganyan kalakas ang loob niyan na maging masama sa mga tenants niya kasi may nagttyagang rumenta sa place niya at sa ugali niyang masama... tsk walang puso..

Robbie said...

Taaaaaaanginaaaaaaaaa huh. Tsura niya. Tama yung ibang mga nag-comment. Hindi enough na death threats lang ang nakukuha ng kumag na yan. Grabe feel na feel ko nang bonggang bongga ang ka-punyetahan niya. Jusme. Hahahaha.

karen anne said...

grabe. demonyo yan. may katapat din yan for sure.

GLIP said...

alam mo nakakatakot tumira dyan. pano kapag may ulol na sunugin yang building bilang ganti?!

bulakbolero.sg said...

sabi na, ikaw yung nag pauso ng death threats dyan sa landlord mo. hehe.

NoBenta said...

paksyet yang landlord niyo. sarap pahirapan ng dahan-dahan bago ibaon ng buhay! hay, may mga ganyan talagang tao.

sarap ngang bigyan ng death threat. pwede bang gawan ng FB fan page? \m/

DRAKE said...

sabuyan na yan ng asido para magtanda!

teka akala ko ba kay sasha fierce ka nakatira glentot? bakit parang may apartment ka?

INgat

Mervin said...

demonyo ang landlord mo!

Rah said...

idemanda mo nga, testing lang.

Yas Jayson said...

putangina nya. bigay mo saken number nya at isusulat ko sa lahat ng bus na masasakyan ko sa EDSA para mapraning sya sa dami ng katext nya. haha.

Jag said...

Ang hayuf! Uminit ang ulo ko sa landlord mo...grrr!!!!

Donato said...

nakakapang init nman ng kilikili yang landlord mo. ang dapat dyan ipa-kaladkad sa bulldozer. matagal pa buhay nyan malamang. nananalangin kc c lucifer na humaba pa buhay nya. kakumpitensya kc. khit isa walang may lakas ng loob magreklamo dyan?

word verification: dionimom

parang "dimmonio" lng. hehehe!

silentassasin said...

Medyo ka ugali nya landlady namin dati nung nag rerent pa ko..pero mas matindi sya. Lunurin sa dura yan!

an_indecent_mind said...

PUTANGINA! ILAN BA ANG BUHAY NYAN???!

caloy said...

eh putangina pala niyang landlord niyo eh! tara sugurin natin ng sugurin hanggang sa isugod niya sarili niya sa ospital! tarantado ang putangina. (tangina yung comment ko, puta) hahaha!

goyo said...

tang inang landlord yan.imba! Sarap kantutin ng tubo sa pwet para madala. Salbahe e..

Anonymous said...

glentot paimbestigador mo na yan o i-Tulfo mo para malintikan na! grabe ang amats niyang mga landlord mo masahol pa sa martial law!

Yas Jayson said...

isumbong sya kay sasha fierce!

The Pope said...

Over the year, you'd been very supportive to KABLOGS community I really recognize your blog contribution in our blogging community.

As PEBA 2010 opens its doors to all Filipino bloggers around the world, I am inviting to PEBA 2010, not only as a Supporter but as a NOMINEE for this event.

Please visit and join PEBA 2010 (http://pinoyblogawards.blogspot.com/), We're counting on you.

Life is Beautiful, Keep on blogging, keep on inspiring.

A blessed weekend to you and your family.

ericaorange said...

Grabe! OVER SYA AH!!! Landlord from hell nga!! nakow, dapat isumbong na yan sa kung sino mang authority na pwede pagsumbungan, beyond abuso ah!

Allen said...

amin na number ng hayup na yan! ipatumba ko na sa kakilalang npa ng lolo ko!!!

James said...

WTF?! Nakakainit ng ulo.

wendell said...

ngaun lang ako ulit nadaan, medyo busy. hehe. taena! ansarap gilitan ng leeg 'tong landlord na 'to ah!... buti natitiis mong tumira sa kanya? o baka naman kasi buddy-buddy na kayo? haha

edward said...

May landlord din akong ganyan dati sa Cebu. Nong nalaman ko isa lang pala syang kargador dati sa pier. Naka pangasawa lng teacher. Pero ang sabi nya pulis daw sya dati, minsan naman teacher pero naka punta ng America dahil pinilit nyang maka pagasawa ng kano mga anak nyang babae.

candyman said...

hahaha..nakarma ka wickedboy...hahahaha!!..

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding