the never bus

Kung madalas kang magcommute sa EDSA at umiiwas ka sa mga mababaho sa MRT eh for sure madalas kang mag-bus. Kung matipid ka sa pamasahe T ordinary bus ang sasakyan mo, siguro nasakyan mo na ang Never Bus (hindi tunay na pangalan).

Never Bus. Hindi ito bus. Rollercoaster ito.

Ito yung medyo luma na bus na ordinary, kulay red and green. Ito ang bus na magtutulak sayo na magbalik-loob sa Diyos.

Lagi kong naririnig sa friend kong nagtae sa bus ang tungkol sa Never Bus. Sabi nya mabilis daw ito kaya paborito nya, lalo kapag nagmamadali sya kapag natatae. Minsan nga eh nung pauwi na kami at ihinatid ko sya sa sakayan ng bus, ayaw nyang sumakay kung hindi Never Bus. Ganun ka-special yung bus para sa kanya.

So last Saturday we were in MOA hanging out and nanglalait ng mga amoy-lupa sa Bay Area nang biglang napansin kong 2AM na pala kaya nagdecide na kaming umuwi. Pagdating namin sa passenger's waiting area para sa mga bus malapit sa may globo, iisa na lang ang bus na nandun.

Ang Never Bus...

So wala kaming choice kundi sumakay na lang, dahil gabi na at baka last chance na yung bus na yun.

Lumabas na ng MOA grounds yung bus at lumiko na papuntang Uniwide, at dun na nagsimula ang "The Never Bus Second Life Experience". Nararamdaman ko yung hangin sa mukha ako at napapangiwi na ako.

Pagdating sa Uniwide, without slowing down, lumiko sya papuntang Baclaran. Tumagilid ang mundo ko.

Napanood nyo na yung movie ni Sandra Bullock at Keannu Reeves? Hindi The Lake House! Yung tungkol sa bus? Ganun ang nangyari nung lumiko, nag-tilt yung bus, at parang nahimatay ang puso ko sa nerbyos.

On the other hand, ang konduktora (yes, babae) ay patuloy lang sa paniningil kahit naka-tabingi ang bus. At ang bus driver, parang bored na bored.

Pagdating sa Baclaran, akala ko mag-slow down na dahil maraming ibang sasakyan.

Wrong. Karerahan ito. Bawat bus na nadaanan namin ay nagmukhang light years away at kumain ng alikabok.

The whole time I was thinking, Shit babangga kami, shit babangga kami, shit shit shit. Naglalabasan ang ugat ko sa noo.

Pagbalik ng bus sa EDSA, marami na talagang sasakyan kaya nagslow down. Pero paglampas ng Taft at pag-akyat ng flyover sa Magallanes, nagsimula akong magdasal, at bumulong ng isang mahabang

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck...

Para kaming nasa space ship. Kumapit na ako nang mahigpit.

Pagbaba ng flyover, biglang pumasok sa Ayala Ilalim. Kung kanina nagdadasal ako, ngayon nakikipag-negotiate na ako, at nagpapaalam na sa mga magulang ko.

I was like,


Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit...

Ito na talaga ang pinakamabilis na bus na nasakyan ko. Taeng-tae yata yung driver or something, dahil nilusot nya ang buong Ayala Tunnel in just one minute. Sobrang bilis, nakikita ko na ang pintuan ng langit (yes, langit walang aangal).

Sobrang bilis, yung tipong mag-swerve lang sya ng konti eh hahampas talaga ang mukha ko sa wall ng tunnel. Konting preno lang eh makakalas lahat ng upuan at llilipad kami lahat. Konting pagkakamali lang and I will make my first ever TV appearance - sa news. Napakapit na lang ako sa upuan at nagdasal, at tinignan ang ibang pasahero...

May isa, tulog. May isa naka-MP3. May dalawa nagkwekwentuhan. At may isa, dumudukot ng pamasahe pambayad sa konduktora.

Putangina sanay na sanay lang sila. Pumikit na lang ako at pinakiramdaman ang buong mundo na nagmistulang blur sa paligid ko.

Pagdilat ng mga mata kong makasalanan eh nasa Guadalupe na kami...

...at sa excitement kong makababa, kahit hindi pa tuluyang humihinto ang bus, tumalon na ako, sabay Amen.



This is a paid advertisement for The Never Bus.

"The Never Bus - You'll get there fast, or you'll never get there."

45 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

nakakatakot na bus experience naman yan. iiwasan ko nga yang never bus.(kung malalaman ko name ng bus)

Ollie said...

delikado yon ah, dapat dyan sa driver mag take ng driving lesson ulit - bukod sa pasahero ay delikado rin sa mga pedestrians at fellow motorists - kahit gano ka kaingat sa kalsada pero kung may Never Bus, naku hahahaha

I am Xprosaic said...

Wow! mukhang exciting... naku may collection pa naman ako ng mga road accidents na nasaksihan ko... yung may nga basag na bungo at lumolobong mata... baka madadagdagan pag nandyan ako... hehehehehhehe

Kosa said...

Ahihihi.
Iwasan ang pagkakape.

At sa susunod, isipin mong ang masasamang Damo ay mahirap mamatay. O di Kaya Kung mabait ka man, isipin mong Hindi lang ikaw ang mamamatay Kung sakali. Ahihihi.

r.o.a.n.n.e said...

parang final destination lang... at least naexperience mo sumakay sa never bus... Alam mo na ngayon kung san dadalhin ang mga friends mo na naghahanap ng thrill :)

darklady said...

roller coaster sa bilis?? mukha ngang ok na makasakay dun lalo na kung gusto na maaga mawala sa mundo.lol

at maswerte ka kasi buhay na buhay ka at naikwento mo pa ang never bus na astig sa bilis! ^_^

Yj said...

i didn't realize na masaya palang basahin ang mga post mo kapag may kasama.... nyahahahahahaahaha

what about early morning read namin to ni victor at yes, matatae na ako sa katatawa....

hayup ka!

Fjordan Allego said...

nakakatawa haha! Pero hindi pa naman ako nakakasakay sa Never Bus at dahil sa nabasa ko, mukhang hindi ko na papangarapin pang sumakay sa bus na yan.

Poldo said...

Sayang pintuan na ng langit yun oh.. kaso baka di mo pa talaga time hihihi..

exciting kaso nakakatanggal betlog pag nakasakay sa ganyang klaseng bus..

Naranasan ko yung ganyan tapos may naghagis ng barya sa bus na sinasakyan ko.. potek parang huling hantungan lang...

an_indecent_mind said...

next time sabihin mo kay ate ayie, joyride ba kamo?? kung nung unang EB natin isinakay mo ako, now its my turn.. sabay kaladkad sa kanya sa Never Bus! tingnan mo kung mathrill si ate ayie o ilang santo ang matawag o murahin ang drayber! at syempre kelangan pektyuran mo sya para may remembrance... hek hek! peace ayie!

btw, peyborit ko din sakyan yan bus na yan from new york to monumento sa umaga, lalo pag malelate na ako! astig!

ʎonqʎʇıɔ said...

faaarck! mukhang enjoy. haha hanapin ko nga yan at magdadala ako ng popcorn.

trip ko yung bago mong layout. hihi

NoBenta said...

peyborit kong sumakay sa bus na yan noong nagtatrabaho pa ako sa cavite. madaling araw ako umaalis at sila talaga ang inaabangan ko dahil kaya nilang takbuhin ang santolan to pasay rotonda in just fifteen minutes!

sanay na ako kaya minsan ako pa ang sumisigaw na "manong, biilisan mo pa!". madalas silang makipagkarerahan sa mga motorsiklo pero mas madalas sa mga kalaban din nilang bus.

taena, unang sakay ko sa kanila eh natakot din ako at napakapit habang yung labi ko eh dumidikit na sa ilong ko sa lakas ng hanging tumatama sa mukha ko!

kaya sila nagmamadali ay ayaw nilang maabutan ni kamatayan! \m/

Jake said...

Haha! Sa totoo lang, miss ko na mag-commute! (I'm not so konyo ha! Choz!)

Panalo talaga mga posts mo, I'm one of your silent fans (hindi na ngayon).

Cheers!

Oliver said...

Gusto ko ung slogan ni Never Bus, hehe. Teka, ano bang bus to? Sya lang ba talaga ang red and green?
Anyway, Speed ung pangalan nung movie ni Keanu Reeves at Sandra Bullock, hehe.

Andy said...

Haha hindi pintuan ng langit yung nakita mo kundi pintuan Ng impyerno na nagpapanggap na langit. Hehehe.

Oist nakakatae naman ang post mo at nagising ako sa mahimbing na tulog. Hahahaha!

WAIT said...

Panalo post mo Glentot! Tawa ako ng tawa Hahaha Mahilig kong sakyan ang mga bus na parang Rollercoaster pag nagmamadali akong umuwi -- kaya sobrang nakakarelate ako dito sa experience mo. at nakaka idlip ako sa ganung takbo!

- ahmer : )

kikilabotz said...

hehehe.. lagi ako nakaksakay sa gnyang klaseng buse.pero ayos lng..libre nmn ako eh. bwahahahahaha

DRAKE said...

ang kapal kapal ng mukha mo, hindi ka na nga nagbayad nakuha mo pang magreklamo!LOLS

Ingat

Paolo said...

Gees. Based on the way you tell the story, nakakatakot talaga. haha, Nakakatawa kase totoong-totoo.

ako.si.yow said...

Di ko sure pero parang yan din ang nasakyan ko dati na bus. I was like Oh my Gas by Usher ang eksena kapag sumakay ka. Nataon pa naman nun na nakatayo ako, di na ko makadukot ng pamasahe sa bulsa. Pinakuha ko na lang sa konduktor. Haha.

Paepal lang.
Nice blog..

♥superjaid♥ said...

ayoko ng sumakay ulit sa Never Bus..tae yan din ang bus na pinagtyatyagaan ko dati nung di pa ako marunong umuwi sa amin..hahaha buti na lang ngayon nadiskubre ko na ang fx..hahaha

GLIP said...

ay oo nasakyan ko na rin ito. neverbus nga forever young ka talaga pag minalas-malas ka. theme song mo yung sa Hook na "I don't want to grow up" ... kakayanin kaya ni sasha fierce yan?

victor said...

Madalas sumakay sa mga bus na ito ang mga pyschics. Dito sila nagsasanay ng kanilang occult skills i.e. Out-of-body experience. Dahil sa bilis ng mga bus na 'to, humihiwalay talaga ang kaluluwa sa katawan ng pasahero.

wv: shigaw.

Mervin said...

wahahaha!!! adventure ito!!! kakatakot... lols!!!

Ayie said...

iLike.

Robbie said...

Wahahaha! Okay dito nakakatawa mga post mo! Nakasakay na din ako sa mga Never Bus na yan tuwing inuumaga ako ng uwi at talagang nagdadasal ako habang rumaratsada asiya sa EDSA.

Salamat nga pala sa pag-link! Ili-link din kita. :D

pusang kalye said...

same here...lagi akong napapa-curse dati. lagi konbg sinasabi di nako sasakay sa mga bus na yan. byaheng langit talaga. lumalabsa lahat ng sama ng loob ko pag nasasakay ako dyan. better talaga mag- erkon nalang. mas maingat sila. akala ko ako lang ang ganyan---yung iba sanay na sanay---yung mga kakilala ko parang kumakanta pa habang ako naiihi na sa salawan. hahaha

silentassasin said...

feel na feel ko ang kaba mo..parang hinahangin ung buhok ko habang binabasa ito hahaha..pero parang nakasakay na rin ako sa bus na yan dati..Mga drivers dito gusto lahat maging si Schumacher.

James said...

Hahahah... I think I know what you're talking about. My friend and I refer to this as the bus kung saan bigla ka nalang mawawala sa eksena!

APE said...

madalas ako sumakay ng mga ordinary bus dahil pag nasa MRT ayala ako, walang aircon na derecho Sucat. Kaya masasabi kong sanay na rin ako sumakay sa mga killer bus na 'to.

at oo, totoong tumatagilid minsan sa bilis ang mga bus na 'to - pero wag ka magalala, naka COBRA ang mga drivers. alam nila ang ginagawa nila.

Or so we know. hahah.

divisoria said...

glentot

uhm... "Marikina Bus Lines"? O yung may puso sa gilid aka "Love Bus"?

Never Bus nga e... dantanga...

fumafalow ako sa blog mo okey, nakikifans na rin. sikat ka kase.

labs, luca

salbehe said...

Never Bus = Novaliches Bayan Bus. Right? =)
Taga-Novaliches ako pero hindi mo ako mapapasakay sa Nova Bus, nagdi-jeep, FX o kung malupet ang tadhana ay taxi, pero never ever sa Nova Bus dahil sa katulad na experience na sinulat mo. Nung time na yun ay natuto din akong magdasal. Amen.

Renz said...

may mas harsh pa pala sa bus dito sa amin. medyo ganyan din siya kabilis pero hindi naman sumaside view :]

Sendo said...

ok..usapang karanasan....minsan rin eh naramdaman ko rin ang mga naramdaman mo na para bang kung anong engkanto yung sumapi sa bus driver namin nun.....at buhay pa ko talaga!! haha never bus! at wala akong maalalang movie nina sandra bullock at keannu reeves...at parang interesante ata...nyaha.wag ng mag never bus

glentot said...

Maraming salamat po sa mga natuwa at nagcomment!

Mwahchupa!

Maldito said...

hala..swak na swak ang post na to kasi dito sa Cebu sangkatutak na ang namatay dahil sa mga killer bus na yan. ang masama pa nun eh yung mga drivers eh buhay.letche. ano yun? hinatid lang ang mga pasahero ke kamatayan?ahhahaa..

buti nalang hindi ka natae sa bus.lols

Mac Callister said...

hahahah kakaibang bus buti di nahuhuli ng mmda yan!

Yas Jayson said...

i would always remember this post whenever i ride a bus in edsa. win!

Em said...

Sayang. jk! haha! :P

goyo said...

woah.killer bus! Masarap siguro dalhin sa peryahan yan.

s said...

Nice!! Ang kulit ng bus na nasakayan mo buti yung sinasakyan kong bus papasok at pauwi hindi naman mala-ganito.

Kaitee said...

Hahaha! Nasakyan ko na itong bus na ito. Nakarating ako ng Mandaluyong (from MOA) ng walang hussle!

Marjorie said...

naalala ko tong never bus entry mo nung sumakay kami ng friend ko ng aircon bus from malabon to makati. sa sobrang bagal ng byahe namin, bigla kong naisip na sana pala nag-never bus na lang kami haha...

Xhann said...

The Killer Bus: Nova yan diba? Maganda nga yang sakyan pag nagmamadali ka XD

Xhann said...

Magkocomment sana ako about the killer bus but then I noticed I already did 2 years ago. Hehe sarap talaga magbasa sa blog mo sir glentot

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding