hiatus

Hey Kids! Naalala nyo pa ba yung kwento ko about William, yung guwardya sa apartment na tinitirhan ko? Me neither!

Flashback! Ang kwento ni William, may kakambal daw sya na kapre. I know putangina right it's so fucking crazy. Tapos sabi pa nya, yung kapre daw na kakambal nya eh binibigyan sya ng mga prophecy, parang paunang warning tuwing may darating na sakuna.

At bago magresign si William sa aming apartment building, kinwento nya na ang latest pangitain daw ng kapre sa kanya ay sasabog daw ang apartment building na tinitirhan namin, sabay walk out na sya at hindi na namin nakita pang muli.

William is crazy... or so we thought.

Eto ang buong storya.

Flash Forward! More than a year matapos ang pangitain ni William na sasabog ang building namin. Kumakain ako ng guinataang langka sa favorite kong carinderia sa tapat ng apartment namin nang biglang tinanong ako ni Ateng Tindera kung gaano katagal ang contract ko sa apartment.

" Gaano katagal ang contract mo sa apartment?"

"Sa October pa po matatapos, bakit po?"

"Naku kung ako sa iyo, umalis ka na diyan, huwag mo nang tapusin ang kontrata mo."

"?"

"Kasi, lahat kaming mga magkakapitbahay dito, pumirma na ipasara yang building na yan."

"???"

"Oo dapat nang isara yan, kasi nagreklamo na yung building na nasa likod ng building ninyo."

"??????" At this point nagmo-monologue na si Ate.

"Yung building nyo kasi, tumutumba na, at yung part sa likod, sumasayad na sa kabilang building."

"!!!!!!!"

Wala namang dahilan si Ate para takutin ako, in fact suki nya nga ako eh, minsan naghihiwa pa lang sya ng pechay nya nandun na ako naghihintay ng ihahain nyang putahe. So sa tingin ko eh nagsasabi lang talaga sya ng totoo...

Pagtapos kumain at pag-uwi ko sa bahay, bigla kong naaalala yung warning ni William. Mukhang guguho nga ang building... Accurate pala yung kambal nyang kapre.

Nung isang araw, habang nakahiga ako, may naramdaman akong slight na tremor, very very slight pero natakot pa rin ako dahil mag-isa lang ako sa fifth floor. Tapos pagkatulog ko, napanaginipan ko ang aking buong pamilya at lahat ng mga kaibigan ko, as in complete attendance, nakakatakot.

So bakit "Hiatus" ang title ng post na ito? Dahil uso sa bloggers ngayon? Nope.

Kasi kapag one day ay hindi na ako nag-update ng blog, alam nyo na kung ano ang nangyari - at hindi hiatus.

39 comments. Post your comment here.:

khantotantra said...

katakot naman ang hula ng kapre.

kaya pala hiatus ang title....

lagi mong nakikita maghiwa ng pechay ung tindera? eheheh

orally said...

potah, wag muna.

Jepoy said...

wag ka munang mamatay hindi mo pa pinpost ung sex video nyo ni Khikilyn sayang naman yung effort mo... 'Tangina mo ka lumipat ka na nga ng bahay! bukas na bukas din!

-=K=- said...

Scaryyyyyyyy!!!! Ako naman my unit is in the ground floor. Good thing, wala namang nagsasabe na malapit na gumuho itong condo kundi mapipitpit ako! Haha! Take Care! Kapag feeling mo eh delikado na talaga, aba eh lumipat ka na!!!!

Maldito said...

sige,,,ako na bahala sa kape at biskwit...ahahhaha..joke.

lumipat ka na glenntot..bago kapa maging lamang lupa..yung literal.ahahaa

2ngawzki said...

anak ng!nagpapaalam ka na...umalis kn kz z building nyo kz for ur safety!

caloy said...

lumipat ka na kasi. :) gusto pa talaga tatakutin ka. hahahaha!

Andy said...

Sus! Kala ko kung anong hiatus na yan! Pero heto lang, ang masamang damo, mahirap mamatay.

Enough said. Ahihihi!

hArTLeSsChiq said...

matagal ka pa...ikaw pa!! LOL

aba'y exit na ikaw dyan, madami na pala nagwawarning sa'yo :) Ingats at gud luck sa paghahanap ng bagong lungga :D

Greta said...

nung una tumaas bp mo idol, tapos mga ganitong pangitain?tsk tsk.wag idol, bata ka pa eh...lipat na lang ng crib kesa pumanaw....

drew said...

Dun ka na lang sa suki mong karinderya, kasama si Ate at ang pechay niya...

Ako si Yow said...

Aww. May delubyo palang hatid ang gwardya nyo.
Move out na yan. Parang yun apt lang namin dati.
Umalis kami pano may nahukay na bomba sa katabing bahay namin. Haha.

Natawa ko sa comment ni Mr. Jepoy. May care. Nyahahaha.

MiDniGHt DriVer said...

Awwwtttsss... alis na jan parekoy! now na... langyang gwardya na yan oh.. may number ka ba nya? makontact lang.. hehe

Ollie said...

maniwala ka sa propesiya. di nag bibiro ang mga kapre. - sana sa lilipatan mo ay nandon din si william, marami pang message ang kakambal nyang kapre syo - mga visions, premonitions, predictions, omen, at signos =)

karen anne said...

aaaawwwwww.... wag naman! lipat ka na bilisss...

Oliver said...

naku, lipat na.
saka diba yan ung landlord nyo na ubod ng sama ang loob? haha

Momel said...

Wag muna, baka may follow up na hula pa yung kapre at gawin ka niyang bagong frenship. Mangyayari niyan eh ikaw na ang bago niyang bibig, baka bigyan ka pa ng powers na ba-backstage dun sa kambal na gawa sa tubig.

Nako hindot. Pero lurky ung mga nangyayari ha, kung sakali totoo yan at walang singit na keme.

Love na love ko ung Torture Scenes post mo!

chikletz said...

anu ba yan.. wag naman ganun.. di pa kami ready.

Unni-gl4ze^_^ said...

waahhhhh~~~
lumipat na ikaw ng new apartment..kung ayaw mong malibing ng buhay jan sa apartment mo..
skeri naman~~lipat n bago mag october~

Myrtea said...

kung ako ang nakatira sa damned na building na yan baka mas ikamatay ko pa kung magpapakita sakin yung twin kapre ni william. hhmmm. pero come to think of it, at least sa kapre may chance ka pang makatakbo, pero sa bomba parang wala. nevertheless, you have to pack up and leave, now na!

Graphic Designer said...

gagu ka hehe. uy walang ganyan. pero i texted jepoy last month to text you yung condotel na nakita ko sa pasig. P6.5k/mo lang may garage pa sa baba. natawa ako sa linyang, "at this point..."

Mga Epal said...

Napatambay lang. Nakalibre ng oras.

Salamat sa kwento mo. Alam na namin ngayon na kung titira kami sa apartment, siguraduhin muna namin na matibay ang pundasyon, at hindi dun nagtatrabaho si William.

Pao said...

Woah, sounds really scary. lumipat ka na hanggat hindi pa huli ang lahat.

The Gasoline Dude said...

Mag-live in na kasi kayo ni Jepoy! JOWK!

silentassasin said...

Kung totoo man ang hula..umalis ka na dyan.Cge ka pangit ang pagkamatay mo..sa gumuhong building..? dull.

♥superjaid♥ said...

hala naman alis ka na dyan kuya hanap ka na ng ibang apartment yung safe..

Yj said...

tungaw!

uulitin ko, hindi ka kaya ng pagguho at pagsabog lang ng building. MASAMA KANG DAMO!!!!

darklady said...

mag empake ka na, now na!! papa guyag ka bang sa pag guho ng building ka matetepoks?

Poldo said...

Ang dami namang concern!
maiba lang..

cge lang bossing glentot stay put ka lang dyan malapit na yung october oh..LOL

Lipat ka na sa mansion ni bossing jepoy! wahihihi

James said...

I'm sure walang pakialam ang hayop mo na landlord.

Niq said...

kakilabot naman yan...^_^

Ayie said...

Oist, humanap na kayo ng lilipatan, tutal past time nyo naman ang paglipat diba? heheh

Basta, ingats ha. Magkikita pa tayo uli eh.

Jag said...

Hoy bad ka! Umalis na nga jan! Don't waste time...

Tong-tong said...

OMG wala namang ganyanan glen. iskeri. parang nostradamus. dili ka madededs

Tong-tong said...

naniniwala din kasi ako na may kapre at tyanak sa likod ni rosalka

ʎonqʎʇıɔ said...

adik ka! haha kakalogin mo lang sa FB so malamang buhay ka pa.

lumipat ka na kasi. diba maganda naman yung binlog mo noon? yung sa washington? haha

pusang kalye said...

pwes---anu pang ginagawa mo dyan? wag mo nang antaying gumuho ap ang apartment no. buti nakakatulog ka pa sa gabi. walk away Glen , walk away!!!!!

Jake said...

Korak! Walk away na! At baka ma-permanent hiatus ka. Joke! LOL

TDB said...

lol! pag nangyari yun di lang hiatus yan! pag hiatus nakakabalik pa eh! hahahaha =))

lipat na! pero pakiramdam ko ung kapre lang un eh - nanguguglo o baka nagdadabog lang :))

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding