jepoy, fuck you!

Birthday nung putang-inang Jepoy nung kelan lang (di ko na maalala ang saktong date) at nagpakain sya nung Sabado sa Burgoo. Actually, kabilin-bilinan nya na wag kong sasabihing nanlibre sya, so yun.

Gusto ko sana i-save ang tribute post na ito for Jepoy para sa araw ng kamatayan nya, pero ang putang-ina, ang tagal mamatay, at naiinip na ako.

Si Jepoy, 9 times out of 10, wala syang kwentang kausap. As in wala kang masasagap na mabuting balita o kapaki-pakinabang na impormasyon. Puro lang yan reklamo sa buhay nya, o kaya panlalait sa mga bloggers. Opo, madalas namin pag-usapan ang mga bloggers, at madalas syang manlait, ako naman quiet lang, you know me! Sweet and caring.

Pero may mga natutunan naman ako sa kanya. Si Jepoy kasi napaka-comical kausap. Clown sya. Kulang na lang ng wig na neon violet. Hindi ka mabobore kahit sa chat, kahit ang madalas lang nyang reply ay "LOL" at "Hihi".

Ang natutunan ko kay Jepoy ay ang mga favorite nyang expressions. Isa-isahin natin:

Maarte 2010
Sa kanya ko lang naririnig ito. Promise, sa buong universe, sa kanya ko lang narinig. Ginagamit nya ang term kapag may kinikwento syang taong nag-iinarte. Halimbawa, ganito ang usage: "Ampotah yang si ___ , maarte 2010. Nagmamaganda mukha namang tuhod."

Hindi ko na alam kung bakit kailangang may "2010".

Duhr?
Sya rin lang ang naririnig kong nagsasabi ng "Duh" na may "R" sa dulo. Hindi ko alam kung anong ikina-improve ng buhay nya sa pagdagdag ng "R". Siguro "R" is for "Roll Eyes" na madalas kapartner ng expression. For example, "Ma-feeling naman yung blog ni ___ , akala mo naman relevant, duhr. Feelingerang frog." *sabay roll eyes*

Jowa???
Eto ang term para sa mga demanding at confrontational na mga froglets, meaning, hindi ka naman jowa, bakit demand ka nang demand ng stuff? "Naasar sa akin si ___ , nag-skip-read daw ako sa blog nya. Jowa??? Chismosang bangus."

Strong Bones
Yan ang term nya sa mga makakapal ang pagmumukha, yung mga mahilig makipag-feeling close. "Yang si ___ na echuserang zebra, strong bones! Comment nang comment sa blog ko, ang chaka nya naman! Demmet!"

Aheyreeet!
Kapag sukdulan na ang poot sa puso ni Jepoy, na usually ang ugat ay matinding pagkainggit. "Nakita mo yung header ng blog ni ___ , ang landiiii, aheyreeet!"

Ikaw na!
Kapag na-irritate ang skin nya sa iyo, babanatan ka nya ng maraming ganyan. Like, "Ikaw na ang gwapo, ikaw na ang sikat, ikaw na ang mayaman! Syit ka! Sana mamatay ka na soon."

Putacles
Hindi ko alam ang etymology ng putacles, at hindi na ako mag-aattempt pag-aralan. Putang may tentacles? Lagi nya yan ginagamit when gripped by a powerful emotion such as hatred. Ganito nya yan gamitin, "Ambisyosang shrimp! Fine ako na ang mataba! Ako na ang may foot and mouth disease! Ako na! Putacles! Kill me naaaaaaaaaa!"

Ang Ganda ng Structure
Kapag nabasa nyo ang mga salitang yan sa blog nyo, asahan nyo na na hindi nya binasa ang post, nagcomment lang sya para balikan nyo ang blog nya at magcomment rin. "I like your post, ang ganda ng structure! Blog on!"

And that's my tribute.

Yan. I'm sure we all know Jepoy is a sweet person. At malaking kasinungalingan yan, salamat na lang at nag-effort akong isiwalat ang katotohanan na "busilak" ang puso nya, kasing-busilak ng chismosang squid na may black na dagta.


57 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

TANGINAAAAAAAAAAA MO KANG DWENDEEEEE KAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Mabuti ang puso ko puta mo! At ikaw ang nanlalait ng mga tao hindi me. Sana bumansot pa lalo ang sinungalet!

Salamat sa pict grit kahit wala kang regalo putangina mo ka! CHey! Oo may "Y" ang che para unique.

FUCK YOWWWWWWWWW!

Word Verif: OVESETEY

Nimmy said...

happy birthday jepoy!!

nakakatakot na friend si glentot. LOL.

khantotantra said...

super close kayo ni jepoy. Akalain mong lahat ng expressions ay nailista mo pa. :D

hindi kaya brothers kayo sa past life nio? :D

2ngawzki said...

hahahaha!!!Langya kung makapanlaglag...Glentot tlaga greatest barador.delikado!!!sira na reputasyon ni jepoy.hahaha!!!impernez katakot kayo manlait...

Xprosaic said...

Bwahahahahhahaha ganyan kamemorable si jepoy kasi nailista mo pa mga expressions niya... nyahahahahaha... happy birthday uli jepoy! hehehehhehe

Maldito said...

Ilaba na ang mga pangalan ng mga nilait ni jepoy para masaya....yan ang tamanag parteeey parteeey!!

belated jepoy pokpok...sana magtagal ka pa sa blog at nang makagawa ka na ng sarili mong webster.

ro anne said...

Katakot naman kayo mameet... Hehe

Jepoy said...

Glentot pag nabawasan ang followers ko. babatuhin kita takureng gawa sa banga. Puta ka! hihihihi

@Miss Roanne wag kang matakot see you soon...hihihihi

Dhang said...

ang sweet niyo naman sa isa't-isa. hahaha! naalala ko nung una kong mabasa blog ni jepoy, tribute naman para sa'yo glenn ang post, bday mo din. hehehe.

Leah said...

Hala.. Natakot ako bigla. Parang ayoko nang magpakita kay Jepoy come December. Hekhek..

Happy birthday ulit, Jepoy. Gandang araw, Glentot. =)

mots said...

napakabuting kaibigan. sabi ni jepo wag daw akong maniwala....
kaso parang mas convincing ka. hahha biro lang

Ako si Yow said...

Wow. Ang sweet. Haha. Di ko sure kung nadali ng paninira si Jepoy. Eto na yung pinakamagandang tribute na nabasa ko. Haha. Punong puno ng pagmamahal. Meron pang isa.. Istuuuped!

May galit ito. Haha,

WV: Conat.

Oliver said...

parang MMDA ung background, hehe.
letseng strong bones yan, natawa ako nung una kong narinig yan e, =p

The Gasoline Dude said...

Saksi ako sa mapanglait na ugali ni Jepoy. Uma-attitude much? LOL!

Peace Jepoy! Hindi mo kasi ako inimbitahan sa berdey celebration mo. Ampf.

my-so-called-Quest said...

ayos ang mga hirit ah! hehe. belated happy birthday kay jepoy. makadaan nga sa blog nya. i think madami akong namimiss e. hehehe

Anna said...

panalo ka glentot! haha. nakow, baka matakot na ang mga bloggers makipag-eb! ang sweet na tribute. ;p

macz said...

ayoko na pla mg'comment sa blog ni kuya jepoy..baka masabihan akong feeling close, echuserang frog, chismosang bangus at kung anu-anu pa.. :D

Yj said...

OMG... is this your way of saying to the whole wide world na KAYO na ni Jepoy? i mean look at the picture!

you guys look so cute and happy together... sana maging masayang masaya kayo

bwahahahahahahahah

seriously, gusto mo sagutin ko kung bakit ganyan ang mga expressions ni Jepoy? para maglabo-labo na kami dito?

hahahahahahaha

happy birthday Jepoy tabachingching!

Mokong™ said...

Nabate este nabati ko na si Jepoy sa blog nya...pero babatihin este babatiin ko pa rin...HAPPY NA BIRTHDAY PA JEPOY!

Ang sarap nyong 2 magmura ha, makikimura nga din ako..tang ina nyooo saya nito!

MarcoPaolo said...

Nagtuturuan na kayo... ikaw daw ang nanlalait oh sabi ni Jepoy. :D

ang husay ni jepoy gumamit ng ganyang mga term. astig!

nagmumurahan oh... yan ang sweet na magkaibigan... may murahan portion! LOL

Dhianz said...

para lang kayo mag syota ni Jepoy... baka kayo magkatuluyan ha... lol.. ingatz.. Godbless! -di

asiong32 said...

glentot, diko pa kilala si jepoy eh pero ngayon kilala ko na... hapi bertday jepoy! peace! u

- A n g e l - said...

I could not stop laughing! Hahahaha! Ang sweet ng relationship nyo ni Jepoy. And I loved the way wildlife was mentioned in this post!

:D

ikotoki said...

sweet nyo!

Poldo said...

hangsweet!!! ang tribute napaka wagas! walang halong pangyuyurak ng pagkatao ni jepoy!! wahaha

idagdag mo narin dyan yung fookiloo.. :D

Emmaleigh said...

kung my jejemon, bekimon, mamon at kung ano-anong mon, ang mga bloggers merong JEPOYMON sa mga imbensyon ng mga salita na yan.

at ako na ang sumakit ang tyan kakatawa!

Myrtea said...

ang mga lintik na tinamaan ng kaputa-putahang lintik. shet, sarap magmura, di ko to ginagawa in real life. pero come to think of it, art din kaya magmura.

shet, happy birthday jepoy kung sino ka mang hudas ka. malapit na kayong maging magkamukha ni glentot. pollution talagang magbasa ng blog nyo, pero keber, highlight of the day!

Kaitee said...

Ang sweet mo naman Kuya! Love na love mo talaga si Kuya Jepoy. :)

Michael said...

Sa totoo lang, matagal na akong follower ni Jepoy, pero hindi ko siya sinasama sa bloglist ko kasi nahihirapan ako sa mga terms niya. :D

Noong una kong nabasa iyong aheyreet, nakagat ko pa dila ko. LOL. Ang sarap niyo palang maging kaibigan, may murahan at basagan portion. Kayo na ba?? :D:D:D:D:D

Iyong word verif ko nga pala: gahhgo!! Nakikimura sa inyo ang blogger!!! :D:D:D

KikomaxXx said...

hahahaha... pwede na ka na atang gumawa ng Jepoyology.. wahehehe

dun sa "GANDA NG STRUCURE" parang equivalent sa "GNADA NG POST KEEP IT UP".. wahehehe

ikaw pala yung duwende sa post nya.. hahaha

stevevhan said...

aayan, natakot na tuloy akong magcomment kasi baka sabihing feling close ako!ahahahaha. Ang sarap talag magbasa ng mga murahang Filipino blogs, napaka Pinoy at mas hindi boooring kagaya sa mga english(english yung blog ko) na blogs!:)

Happy Bertdey ke jepoy kung sino man siya at ang dami kung natutunan sa inyong dalawa!:)

eloiski said...

putekkk! kung totoo man yan nakakatakot si kuya jepoy at pati na rin ikaw. LAITAN ng bonggang-bongga!
dahil kay kuya jepoy, natuto me much magsalita ng ganito... so much!

takte! ganyan talaga si kuya jepoy? ay ayoko na magvisit sa blog niya! bwahahahaha! joke!

ANG CUTE NG PICTURE!!!

KUMAGCOW said...

Malamang isa ako dun sa mga frog at feelingero... ayos lang aminado naman ako eh... wala kasi akong relevance at structure... so be it... rest in peace... from your beloved family and friends wahah

word verif echoslng

kikilabotz said...

haaha, tae natawa ako dito ah? wahahahahah.. yan ang tinatawag na magbetfren. ahahaha

Klet Makulet said...

how sweet naman! Parang natakot naman ako na malait nyong dalawang mag-friendship. Nyah!

iprovoked said...

I like your post, ang ganda ng structure! Blog on! haha. di ko naman sya kilala pero I think he's cool din. Promise nagenjoy ako basahin to, dami kong nadagdag sa vocabulary ko. haha.. Pee bertdey sir!

gillboard said...

teka... parang ang daming beses niya nacomment ang ilang linya yan sa mga blogpost ko ah...


hmmmm...

rundeekalel said...

Happy Birdday Jepoy! patawarin mo na si glenn, isipin mo na lang sya ang chosen charity mo...for life! ☺

orally said...

happy birthday Jepoy!

panalo ang strong bones. madaming nadagdag sa vocab ko.

shettt buti na lang follower lang ako ni jepoy at di pa nakapag-comment dun

Greta said...

sweet talaga ni idol kay jepoy..like duhr...jowa sweet!hahah

nakakatuwa kaya yung mga lait ni jepoy pag narinig sa personal!artii a lot!

MiDniGHt DriVer said...

hahaha.. ang sweet nyo parekoy! may chemistry :)

Artiemous said...

ang galing... bidang bida ang mga hayop sa blog na ito. :D happy birthday na lang ke jepoy! :D

bulakbolero.sg said...

Parang mag syuta lang. hehe...

p0kw4ng said...

I like your post..ganda ng structure! Blog on!!!

Putacles...Ikaw na...Jowa??? Ayheyreeeet...strong bones!!! Duhr? So maarte 2010.............

ahahahahahaha!

fumbledapple said...

Hindi ko alam kung bakit at nais ko sanang malaman mo Kuya na inosente ako't walang ginagawang masama, ngunit di ko mapigilang tumawa ng mabasa ko ang mga katagang "sweet and caring." =)) Totoo ba? Totoo ba?

Ikaw na ang sweet and caring! Belated pala sa parekoy mo Kuya Glen. :D

♥superjaid♥ said...

hahaha magkamukahang magkamukha ah..ayiee!iba talaga ang laging magkasama..kambal ata kayo sa past life nyo eh noh kuya?grabe kasi..nailista mo lahat ng expressions ni kuya jepoy tapos yung usage pa eh kuya jepoy na kuya jepoy..^^

Kosa said...

hahaha. all about Jepoy nga naman! natawa naman ako ng bonggang bongga!

Panalo ang spoof! may hawig! hehe

Momel said...

Lavet. Ikaw na magkaroon ng ganyang recall. Its either that, or talagang character tong Jepoy na to. Anyway, baklang bakla sha, rakenrol on girl!

Cheers Glentot! Sa yo muna yang libro ko, sabihin ko na lang sa yo kung kelan ko kunin.

caloy said...

nasaktan ang puso ko. palagi ko kasing nababasa yung "i like the structure of this post." ano ba yan. feelingerong pilandok naman ako. hahaha! happy birthday jepoy!

The Philippine Guild said...

sa depensa ng pure heart na si jepoy, ang R sa duh nya is coz may australian accent sya

an_indecent_mind said...

parang may something something kayo.. hmmm...

HAPPY BDAY JEPOYSKI!

silentassasin said...

Maarte 2010..hahaha the best
tawa ako ng tawa

Anonymous said...

i lirke end lerb it hehe
_duday

Traveliztera said...

hangkyooooooooooooot


so teka may sarili na siang dictionary tlg hahahahhaha

PIPAY said...

hahaha. nakakatuwa. kahit di ko kayo kilala parang nakakarelate ako. hahaha.. galing mo glentot!

Anonymous said...

maarte 2010, parng kilay 2000 lang huh!

[daemonite] said...

natakot ako bigla kay jepoy... true!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding