ang panties ni claudine

Linggo ng hapon nang nag-text si Claudine, magkita raw sana kami kung hindi ako busy. Dahil mga ilang linggo na rin kaming magka-textmate, na-excite akong makipagkita sa kanya. Dali-dali akong nagbihis at pumunta sa Melvin Jones, dun daw nya gusto magkita eh, kasi malapit lang yun sa bahay nila.

Nauna akong dumating sa Melvin Jones, pero hindi nagtagal ay dumating na rin si Claudine. Maganda sya, maliit lang, maputi at makinis, medyo balahibong-pusa. Mapungay ang mata at maganda ngumiti, pero higit sa lahat, mabait sya. Masarap syang kausap, dahil laid back ang dating, walang kaarte-arte sa katawan.

Naglakad-lakad kami sandali habang nagpapalitan ng kwento. Nahuhulog na ata ang loob ko kay Claudine? Hindi naman siguro. Textmate lang sya, kaibigan lang...

Medyo may taglay rin palang dark side itong si Claudine. Nung niyaya ko syang mag-snacks, ang kinuha ko Chocolait, ang kinuha nya San Mig Light. Nahiya naman ako kaya kumuha na lang ako ng Red Horse, kahit madali akong maihi kapag beer ang iniinom ko. Binalot namin sa tissue ang tin can at nagpatuloy kami sa paglalakad habang umiinom.

Mas lumalalim ang kwentuhan namin, mga pangarap sa buhay, etc etc. Ilang hakbang pa lang nakaramdam na ako ng weewee. Walang malapit na CR, at ayoko namang umihi sa kalsada.

Medyo dumidilim na nang nagpasyang umuwi na si Claudine, pero biglang nagbago ang isip nya.

"Gusto mong sumama muna sa bahay?"

Ang totoo, gusto ko syang ihatid para masiguradong safe ang uwi nya. Naging OK naman kami at gusto ko pa syang makasama at makainuman uli, kung may next time pa.

At makiki-ihi na rin ako. Malapit lang naman ang bahay nila, mas malapit sa dormitoryo na inuuwian ko.

Naglakad lang kami pauwi sa kanila. Tuloy pa rin kami sa pagkwekwentuhan hanggang sa makarating sa gate nila.

"Pasok ka muna," sabi ni Claudine, "ipapakilala kita sa pamilya ko."

Pumasok naman ako at nakilala ko ang mga kamag-anak nya. Nakakahiya, first time kong maipakilala sa pamilya ng kung sino man, at "textmate" pa ang pakilala sa akin. Pakiramdam ko eh gigisahin nila ako ng mga tanong, pero nagkamali ako, napakabait rin nila at welcome na welcome ako sa kanila. Naghahanda na sila ng hapunan at niyayaya akong doon na kumain.

Habang naghahanda sila, hindi ko na talaga mapigil ang weewee, kaya nagpaalam ako na gagamit ng banyo.

"Sige, pasok ka sa pintong yan, kaya lang madilim ha, nashort-circuit kasi yung ilaw," sabi ng pinsan ni Claudine.

And this is the exciting part, you're gonna shit...

Pagpasok ko sa banyo, madilim, pundido nga ang ilaw, wala akong makita, kaya kakapa-kapa ako hanggang sa matisod ko ang toilet bowl. Unti-unti, naaaninag ko na ang puting hugis ng inidoro, kaya umihi na ako....

Wooosh, wooosh.... success.

Kinapa ko ang flush sabay pindot. Hindi nagflush, de-buhos pala ang toilet bowl. Unti-unti nang naka-adjust ang mata ko sa dilim, naaninag ko ang gripo, at sa ilalim nito, isang timbang puno ng tubig...

Binuhat ko ang timba, tinapat sa inidoro, at binuhos ang laman nitong tubig...

Saka ko lang napansin...





May laman pala ang timba...





Mga nakababad na underwear!

Huli na ang lahat, nabuhos na ang mga underwear sa inidoro, pero hindi naflush, nakalutang lang sila. Hindi ko pwedeng iwan yun nang ganun na lang, nakakahiya kina Claudine!

Kaya dahan-dahan akong lumuhod...

At dinampot isa-isa...

Bawat panty...

Bawat brief...

Bawat bra...

At bawat panyo...

...na kanina lang eh nakababad sa Downy...

...at ngayon ay mapanghi na.





Parang gusto kong himatayin sa kahihiyan paglabas ko ng banyo. Pakiramdam ko, putlang-putla ako, kaya nagpaaalam na kong uuwi na. Wala silang kaalam-alam sa karumal-dumal na krimen.

"Sure ka uuwi ka na? Ayaw mag-dinner dito?"

"Ah hindi na lang kasi baka hinahanap na rin ako sa amin." Kasinungalingan, sinong maghahanap sa akin sa dorm?

"O sige, ingat ka ha? Text-text pag-uwi mo! Dinner ka dito next time!"

Sure, at next time ipaglalaba ko kayo.





-- excerpt from My Life is a Shit and Other Inspirational Stories

50 comments. Post your comment here.:

Stone-Cold Angel said...

Career-in mo na yan, Glentot! para double ka na din. =)

Jag said...

amfufu. buong mag-anak ang nbiktima mo hahaha...para kang c mr. bean hahaha.

wv: yerseisi. u regret it all.lol.

Mac Callister said...

hahaha nakakatawa!naiimagine ko na reaction nila pag nakita at naamoy na mapanghi na un mga undies!!!

Maldito said...

hahahahha...gago.ahahahhahhaa....akala ko nga pipilitin mo paring i flush e..ahahahha

marxlin said...

This made me laugh, seriously! LOL!

-=K=- said...

Naknampoochhhh! Anubayan! Hahahaha! Kadiri ka! Kawawang mga underwear, wala silang kalaban laban :)

WV: Raporki - sounds dirty! Lovetttt!

Pao said...

Seriously, that's so hilariously yet disgusting. ugh, I can't imagine myself doing that. 'Wag naman sana!

khantotantra said...

grabe. wala na ang silbi ng downy.... :D

galing mo sa pag-gawa ng fiction stories.... :D

Dhang said...

hahaha! akala ko si claudine na asawa ni raymart ang kwento. hehe. model kasi siya ng pantene.

panalo 'to! haha!

Kosa said...

anak ng....lols

napatumbling ako sa mga pangyayari..lols
dinampot mula sa inidiro? lol

Tong-tong said...

ang exciting naman talaga ng CR Part! pwede ng suspense sa pelikula.

sana binabad mo na lang ulit sa downy baka there is nakabukas pang sachet somwhere. lols

Chingoy said...

hahahaha... loko ka talaga!

Andy said...

EEEEEEEEEEEEEWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW!!!!!

kaye said...

lafftrip ito! bwahahahaha! ang ganda ganda ng kwento. ramdam na ramdam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon at kung gaano kakahiya ang mga pangyayari. maryosep. nice one!

kikilabotz said...

nex time pkilala mo rin sa amin si claudine..hahaha

ano n kaya amoy nun?

bulakbolero.sg said...

nakng. angpanghe!!!

MiDniGHt DriVer said...

wahahahahahahaha.. langya, tawa ko ng tawa dito... panalo ang titulo parekoy! napapaihi tuloy ako! hehehe

Unni-gl4ze^_^ said...

bwahaha
tawa ako ng tawa~viva~~
kamusta naman ang bawat panty at brief na nangamoy panghi ahihi~~wa epek ang downy lols~~~

Greta said...

nagworry ako sa panty nila claudine..
cool ka maging bisita glentot! :)

Poldo said...

Putang ina muntik kong mabuga yung iniinom kong kape dito!

ok sa umpisa e kala ko light comedy un pala hahagalpak sa kakatawa amf!!

Nagkatext pa kayo ni claudine after nun?? curious mind lang.. hihihi

ahmer said...

you never failed to blow one's mind' apir!

Oliver said...

ahaha. panalo!
akala ko dirty story, dirtier pala =p
nagtxt pa ba uli si claudine sayo?

ELAY said...

pukinganginang yan hahahah. natawa ako shet.

Jepoy said...

Ikaw na ang fiction writer. Ikaw na ang may masteral ng malikhaing pag sulat sa Standford University. Structure ka!!

natawa ako sabi ko, hihihi

barrycyrus said...

whoa, kadiri naman haha nice one

2ngawzki said...

nangiwi ako sa dulo a...kadiri dnampot mo pa sa bowl.inwn mo nlng sna.hahaha!da best ka talga...hahaha

Tiano said...

glentot, sa description mo palang.. igorota ang ni eyeball mo.. kala ko ikwekwento mo kung pano ka nya nidivirginize.. indi pala.. at talagang sa melvin jones pa ang eyeball nyo? susyal.. haha

Mervin said...

wahahaha!!! nice post!

naku, lagi naman kita ini-invite sa mga climbs namin, pero deadma ka lang... hehehe!!!

p0kw4ng said...

nagbasa basa yung bahag ko sa pagtawa! hayop na kwento yan!

kawawang mga panty...galing na nga sa mapanghi..bumalik pa ulit sa mapanghi...ahahaha

Yj said...

eeeew as in EEEEEEEEEEEEEEW!!!!

KUMAGCOW said...

Hahhaahah XD sana finlush mo na lang lahat para walang ebidensya haha

Ako walang structure magsulat, turuan nyo ako ni jepoy LOL

I am Xprosaic said...

Bwahihihihihi akala ko iihian mo na si claudine mali pala...lol... naku textmate pa rin kaya kayo hanggang ngayon pagkatapos nilang malaman na may nangyari sa iyo at sa mga underwear nila?! lol

pusang kalye said...

amp---from downy to weewee. talagang mapapamura ang buong pamilya nyan---uo buong pamilya-kasi pala dilang panty ni Claudine ang andun, andun din yung brief ng tatay at kuya nya at panyo ng nanay nya. wtf.lol

Ayie said...

Akala ko pipili ng isa, pipiga pigain muna ng todo--saka isisilid sa bulsa. eheheh

Vajarl said...

Natawa ako ng bonggang bongga sa Chokolait at San Mig Light. Hahaha. Sana pinalagay na nya sa plastik at nag straw para mas sushal.

Hindi ka ba natakot umihi sa banyo ng hindi mo kilala tapos madilim pa? Malay mo ba kung may biglang manghablot paglabas mo palang ng ihi-weapon mo. Haha.

Vitori Vita said...

Sobrang funny... Sino sumulat nung My Life is a Shit and Other Inspirational Stories... Ang kulit talaga... I love it! =)

Muntik tuloy akong mautot sa katatawa.... Naiimagine ko sarili... Eh ang arte ko pa naman... Actually, akala ko naaninag ni Author na may Poop dun sa bowl... hahaha! ang funny talaga... Winner... =)

The Philippine Guild said...

natawa talaga ako. tutoong tawa ha yung tawang lumalabas pag kiniliti

Ako si Yow said...

Shet. Dugyotness. Haha.
Mangangati si claudine kapag natuyong ganun yun.
Panu pa kung palin white na undies? At yellow ihi mo. Instant Jobos!

karen anne said...

naisip ko kung napupu ka at iyon ginawa mo, mas eeewwwwness talaga :)

Abou said...

... tapos isusuot nila ulit ang mga yun? hehe

Momel said...

Ahaha, stories like this make me shit in my pants. It's helpless and gross and altogether entertaining; will make for a fantastic icebreaker the next time you two guys should meet.

Cheers Glentot!

gnehpalle02 said...

ai ang kulit! ehehe, bawas pogi points... sana tabo na lang po kinuha mo, pero go ka na po kay Claudine di mo naman sadya un ginoong glen.. :D

Vitori Vita said...

Hay nako... mas gusto ko yung layout mo... napaka-simple naman ng layout ko... pero salamat narin sa pag like... =)

Boris said...

hahaha galing! akala ko kung ano gagawin ninyo <.< haha!

maglaba ka na :p

ahmer said...

binasa ko ulet. natatawa pa din ako. haha : D

eloiski said...

ang sakit lang po ng tiyan ko kakatawa dito.
lintik na yan! hahahhaa!

lahat ng underwear ng angkan, dinamay mo.

hahahaha!

ʎonqʎʇıɔ said...

omg kinwento to sakin ni yj kanina. kaya oo, skinip ko na. with matching facial expressions and hand gestures pa yun. dapat i-hire mo na siya. galing niyang promotor ng blog. not that u need it or anything.

can i just say, this story totally made my day. lol

guilmon tamers said...

LAUGHTRIP!!!!!!!!!!!! nice one!!! natawa ako don...

Anonymous said...

talagang napa utot ako sa kwento mo about claudine etsetera, glentot! walanghiya ka talaga pak pak pak

Senyor Iskwater said...

hmmmnnn... naghugas ka ba ng kamay after? tsk... bad ka... tapos ano na nangyari kay claudine?

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding