bangungot #2

Bangungot with a capital B. I'm not talking about my life as a whole, kundi binangungot talaga ako kanina.

Kapag stressed kasi ako sa buhay ko at sa trabaho, ang dami kong iniisip bago matulog, kaya stressed din ang utak ko habang natutulog ako. Sa sobrang stressed nya, kung ano-ano ang napapanaginipan ko at mapapagising na lang ako to the tune of "PUTANGINA!"

Bangungot #1: Naisip ko raw mag-picture taking using my Canon nang bigla na lang ayaw nyang mag-Autofocus. Yun pala, may napindot akong mali at yun, sira na sya. Minsan ko na nga lang gamitin, masisira ko pa. Sinubukan ko itong ayusin sa pamamagitan ng pagkalas-kalas ng lens, at lalo itong nasira.

Ang naisip ko raw na solusyon ay bumili ng bagong cam sa pamamagitan ng pagkaskas ng credit card at magpakalayo-layo habangbuhay... Buti na lang nagising ako bago pa ako maging kriminal. I was like "Putangina buti na lang panaginip lang" sabay bangon at nagpicture-picture.

Bangungot #2: Nagmomonologue daw ako habang naglalalakad, isinalaysay ang mga paghihirap ko sa paglakad-lakad ng requirements sa office nang bigla kong maisipang sumakay sa tricycle. Sa kalagitnaan ng byahe, sabi ng mamang driver:

"35 pesos ang singil ko sayo ha?"

"Ah hindi po 25 pesos lang, bakit kagabi nung sumakay ako 25 pesos lang naman."

Opo, hanggang sa panaginip ko, ipakikipaglaban ko ng patayan ang sampung piso. Bigla ko na lang namalayan na nasa madilim na parte na kami ng gubat, at biglang huminto ang tricycle.

Ang una kong naisip ay... "Uh-oh."

Bigla kong nakita ang mamang drayber, may hawak na panyo at tinakip nya ito sa mukha ko at bigla akong hinimatay...

...at the same time nagising rin ako. Hirap na akong makatulog, as in hindi ko na nabawi ang tulog ko. Pumasok ako sa office, nagtrabaho magdamag, at ang sakit sakit ng ulo ko ngayon putangina mabuhay!

30 comments. Post your comment here.:

The Gasoline Dude said...

Ni-reyp ka ba ni Mamang Drayber pagkatapos kang takpan ng panyo sa mukha? Jowk.

Magdasal ka kasi bago matulog. Pero kahit ako binabangungot din, buti na lang nagigising ako. :)

Pao said...

Haha. Strangely horrific talaga. Bangungot talaga yun. Try to drink some milk and pray before you sleep. =D

I am Xprosaic said...

Ahahahahahhahahah di ko alam kung matatakot ba ako sa bangungot mo o matatawa...lol... anyway basta yun... wala lang... nanggugulo lang... sige tulog ka na lang... para di na sumakit ulo mo sa antok... hehehehehehhe

Rah said...

Hahaha, yon din ang naisip ko, tinira ka ni mamang driver dahil sa sobrang kuripot mo :) buti nalang nagising ka. could have been worse.

2ngawzki said...

nagpicture p pggzng...asan?ptngin!Hahaha...thnk of happy thoits kasi bgo mtulog(sige na kahit sekswal pa)para d k bnbngungot...

Maldito said...

pacheck ka...baka nagdadalang tao ka na dahil ni reyp ka ni manng drayber..ahahhaa..

ako parati ding binabangugot..pero hindi ko lang maaalala kasi naman mas matindi ang tulog ko keysa sa bangungot na yan.ahahaha..patibayan nalang ng sikmura.lols

have a good sleep later glenntot.

Jag said...

Inom ka ng tubig parekoy before going to sleep nakakatulong yun para d ka bangungutin...

grabe si manong d i man ka man lang tinanong kung money o rape ang gusto mo? lol.

o xa matulog ka na...

Momel said...

Get yourself distracted, Glentot. All this stress is unhealthy. What you can do, instead, is to endanger your health with a vice or something. Drink it up! Smoke it up! But for the love of God, keep away from brainrotting meth and anything in it's thesaurus.

AND baka pumunta rin ako dun sa meet up ni Jessica Zafra, sabihin ko sa iyo. Sige, no problem, papirmahan natin yang Twisted 8 1/2 na yan. Malaman yan before the week ends!

Cheers! Kampay na lang kita kung matutuloy ako!

khantotantra said...

try to relaks b4 sleeping...

baka continuation ng bangungot 2 ang bangungot 1. Pagkatapos ka mahimatay, pipicturan ka ni manong driver. photoshoot sa gubat.

Chingoy said...

dahil sa sampu, tsk tsk tsk...

balikan mo panaginip mo, mag rewind. then bigyan mo pa ng tip si driver.

kuripot kasi! hahahah

word verification:

audit LOLS

Tiano said...

Edited ang kwento mo glentot.. Indi mo kinwento ang pag alipusta at pang momolestya syo ni mamang driver sa gubat.. susyal ang rape scene, sa gubat..lol

roanne said...

Nye diba sa madilim naman talaga na parte ng gubat nakatira ang mga dwende? Lol :) joke lang! Magdasal bago matulog :)

Oliver said...

ang violent naman nung huli haha, at detalyado, with matching panyo pa, haha.
baka kelangan mo na ng bagong camera... donate mo na yang camera mo... sa akin, hehe.

kaye said...

naku, instead na malungkot ako napatawa pa ko dun sa bangungot tas gising sabay picture picture. hahaha!

ipablotter mo na si mamang driver!

MiDniGHt DriVer said...

Pare.. parang parehas tayo ng panaginip, hindi kaya ako yung driver sa panaginip mo? lolz

kikilabotz said...

putang ina mabuhay nga. ahahahaha.

Momel said...

Confeerm na confeerm Glentot, sabado ung very light nomo ka-join force si madame j-zaf, 4pm sa, heto ka, sa La Cuisine Francaise.

Shala noh? Malamang nyan no-smoking area pa kami nyan. Nginig to.

Press release mo lang kung papa-pirmahan natin un 8 1/2 mo, pero malamang neto eh go ako dun.

Osha!

Pong said...

samahan mo ng prayers sir bago magsleep.

be blessed po!

Greta said...

magppray ka kasi bago matulog!ay shet parang bata?hahaha..sleep well!!

kheed said...

shit, pwede ka palang marape dahil sa sampung piso.. OMG!

ʎonqʎʇıɔ said...

Bat ganun? Your driver nightmare sounds... soooo interesting. lol

KUMAGCOW said...

It probably means something... you should get this interpreted... or maybe you can do regression. Try to look for something in your past life that contributed to this event and maybe it will all make sense.

Sana din hindi dahil mdami kang kinain bago ka matulog heheh at malay mo ikaw na ang susunod na

RICO YAN!
=O halaaaa!!!

Ako si Yow said...

Ayan na nga ba sinasabi ko.
Naghihimagsik ang mga traysikol drayber. Magbabayad na nga ako kung tumatawad sila. Haha. Baka mapatay pa. Ikaw din Idol. Tsk.

silentassasin said...

Set lang muna,,wag masyado mag-isip isip.

The Philippine Guild said...

hmmm def'nitely sensyales 'yan ng anxiety mo of paying your monthly rent to-be or making the big move

p0kw4ng said...

weeeh asan ang rape scene??

katakot kayang magkabangungot...yan ang pinaka hate ko*srte arte ko lang*

APE said...

tsong subukan mo uminom ng fresh milk (hindi galing sa gelpren), ung nasa tetra pack mga 15 minutes bago matulog...sigurado kalagitnaan ng gabi matatae ka. lol. seryoso nakakahimbing daw ng tulog yun.

hArTLeSsChiq said...

Ay parang edited naman yung bangungot mo,nabitin ako...LOL

warm milk bago matulog try mo.. :D

RICO said...

nakaw...ninakawan ka b ng puri ni manong drayber..waah bangungot un !!! nagbayad k nlng sana saknya ng 10 hehehe

June | Life and Spices said...

wow ha..nakuha pang mag picture after bangungutin..hahaha,.

Sa pelikula at teleserye napapa angat sa kama ang bida pag binabangungut..ganun ka din ba?

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding