room for rent

Nabanggit ko na dati na malapit na magtapos ang kontrata ko sa impyerno kong apartment, at dahil nagdesisyon na si Tita Sasha Fierce na kagustuhan nyang mag-stay na sya sa Baguio for good, mag-isa na lang akong dito sa Manila. Yep, no more Sasha Fierce jokes for now.

Mahirap kumita ng pera bilang isang mananayaw kaya para makatipid, imbes na apartment, room for rent lang hinanap ko, dahil magisa lang naman ako, wala akong balak magluto at maglaba.

Nagtry akong magsearch online. Humantong ako sa ganitong sitwasyon: clicking me. Wrong move.

So imbes na online, ginawang hobby ko na these past few days ang maglakad-lakad sa Barangay Olympia para magsight-seeing. Umagang-umaga, mamamataan akong pakalat-kalat at naghuhunting ng mga signs na "Room For Rent." Uuwi lang ako kapag masakit na ang paa ko, or kung masyadong maraming kahayupan na ang nasaksihan ko.

And believe me, sa dami ng sinipat kong Room for Rent, maraming kahayupan akong nasaksihan.

Ang gusto ko lang naman ay: disenteng room, concrete, may sariling toilet, walang kashare, tahimik, maaliwalas, mahangin, spacious, walang mga epal na kapitbahay, malinis, at hindi bahain (baka magka-sequel ang Ondoy this September).

Hindi ko na sinali sa criteria ang "mabait at law abiding ang landlord" dahil sanay naman ako sa kriminal na landlord clicking me.

Akala ko napakadali lang maghanap ng room sa isang city na punong-puno ng mga taong naghahanap ng room for rent. Basa na ako ng pawis kakalakad, pati kaluluwa ko pinagpapawisan, wala pa akong nakikitang nagustuhan ko.

"Room for Rent" sign sa harap ng karinderya. Nagtanong ako kay Manong at nakiusap na makita ang room. Sa mismong karinderya ang entrance. Uh-oh.

Pagpasok sa loob, TUGSH! Shared ang kusina at banyo. Maraming tao sa loob, karamihan topless kahit 7AM pa lang, pawisan na. Ang mga pagmumukha... hindi naman sa laitero ako pero ang mga housemates mukhang cellmates. Ang titigas ng pagmumukha, hindi papahuli nang buhay. Parang any moment ay pwede kang pagnakawan, may ganun silang tendency.

At ng kwarto TUGSH! Parang kariton na tinubuan ng dingding. Ganun kaliit. Ang kapal ng mukha nilang ipa-rent.

"Baka naman po mainit dito?" Sarcastic kong tanong kahit alam ko na ang sagot.

"Ay hindi, presko dito sa room na itohhh?" sabi ni Manong habang nalulusaw ang mukha nya sa pawis.

"Room for Rent" sign sa may malaking orange na gate. Yung tipong orange na sobrang tingkad, makikita mo ito sa Google Earth.

"Pwede po bang makita?"

"Sige ha pero gigisingin ko muna yung boarders... wala kasi akong sariling susi."

Ang putanginang landlady walang susi sa sarili nyang paupahan. Pagpasok namin sa loob ng building, naligaw pa kami.

"Matagal na kasi akong hindi nakapasok dito," sabi ni Ate. At mukhang totoo nga, kasi hindi nya na namumukhaan ang mga boarders nya.

"Sino ka?" tanong nya dun sa isang boarder.

At nakita ko rin ang room. Ang laki. Kasya ang pitong katao. Kung nakatayo silang matutulog.

"Studio Type Available" sabi sa labas ng isang store. Maganda yung bahay sa labas, kaya malamang maganda rin ang studio.

Kaylaking pagkakamali.

Kung nagkatawang tao lang ang konsepto ng kapal ng mukha, si Ate na yun. Ang tinatawag nyang "Studio Type", sa halagang P6,500, ay isang napaka-spacious... na bodega. May sariling toilet... na wasak ang isang pader. Na tuwing uupo ka para mag-drop-it-like-it's-hot, ay kailangan mong magtakip ng mukha, dahil makikita ka ng mga tao sa labas.

"Aayusin pa naman yang pader..."

Ate kahit wag nyo nang ayusin. Sunugin ko pa itong studio type mo eh.

"Room For Rent" sa isang napakagandang building. This is it! Ang bait ni Kuyang landlord, napakabata ko raw para magtrabaho. Bwahihi.

Pagtingin ko ng kwarto TUGSH! May apat na double deck, isa na lang ang bakante, lahat okupado. At langhap na langhap sa hangin ang unmistakable scent ng paa.

"Kuya meron pa po bang iba?"

"Meron pang isang room, isa lang ang tao dun, dalawa lang kayo sa room... pero..."

"Pero?"

"Tignan mo na lang..."

Pagbukas ng room, TUGSH! Ang roommate: bading na cross-dresser... Hindi naman sa diniscriminate ko sya as bading, maliit lang talaga yung room, tipong magkapatong kaming matutulog.

"Room For Rent", sabi sa isang tindahan. Katok ako sa gate, ang bait ng landlady, matanda at magiliw kausap.

"Magkano po ang room?"

"Five thousand, all in, malaki at sarili mo ang banyo. Malalaki ang bintana kaya hindi mainit."

"Pwede po makita?"

"Eto oh, kaso hindi pa sya tapos."

TUGSH! Hindi pa talaga tapos, as in hinahalo pa lang ang semento. Puta ka Ate paasa ka!

"Sa katapusan matatapos na yan, saan mo gusto ilagay ang pinto?"

"Room for Rent" sa isang 4-storey building, all white. Tama lang ang laki ng room para sa akin. Malaki ang bintana, tahimik dahil walang dumadaang mga sasakyan, at malalayo ang kapitbahay. Semi-furnished. Affordable. Ang landlady: bitchessa.

Ang toilet... TUGSH! may bidet.

Looks like I'm home.

46 comments. Post your comment here.:

Anonymous said...

Wow! Very good!! Good luck on future adventures!!! Stay cool hehehe malaki ang bintana eh. :D

gillboard said...

ano yung bidet?

natawa ako sa kwartong di pa nabubuo. lolz!!!

roanne said...

naks ang yaman may bidet ang bagong lilipatan :) goodluck!

I am Xprosaic said...

Naks! yaman! lol... bagong bahay eh bagong buhay kaya?! lol... picture picture naman pag nakalipat ka na... hehehehhehehe

The Gasoline Dude said...

Huwaw! Bidet! Nasanay na din ang wetpaks ko sa bidet hindi pwedeng wala. LOL

Pero ababngan mo din 'yung room na pinapagawa pa lang. Nyahaha ipalagay mo 'yung pinto sa kisame.

khantotantra said...

nyahaha. pasaway si ateng di pa tapos ang room atsaka ang presko pero tagaktak pawis nila manong.

Mukhang may new pad ka na. conrats.

Rah said...

sa pagkaintindi ko, hindi pa nakahanap si glentot ng bagong lilipatan, it's just that he's back to where he started - sa sarili niyang apartment (?) :)

bidet --- yon yung araw na pinanganak tayo. happy BI-DET to you!

Antayin mo naman yung DETDET, yung araw kung kailan deads ka na :)

Maldito said...

buti kapa..nakakita na..mamatay nalang siguro ang katawang lupa ko hindi parin ako makahanap ng disenteng room..

aahahhahaha..sinama mo sana si ate sa semento....ang lakas ng loob magpakita ng room eh hindi pa pala gawa.ahahahaa...

Momel said...

Bidet - uses the mechanics of a drinking fountain, the kind that uses a pedal to force the water to your mouth, to clean the shit off of one's ass.

Anyway Glentot, what's happening now @ J-Zaf's blog is that instead of the Grand Meet Up, she has decided to choose five participants in any of her recent LitWit challenges and then have coffee with them. Sounds fun! I'll take part in her current challenge. Why don't you enter something, mayhaps we'll get picked!

KUMAGCOW said...

Well well well it looks like you are getting somewhere... saang area mo ba gusto lumipat maybe I can help heheh... hindi po ako classified ads LOL

Sana yan na nga ang hinahanap mo..
Awesome ang bidet kesa BADETTE ang mahanap mo tulad nung sa isang room heheh =) no pun intended, pasintabi po sa mga ikatlong uri...

This entry is hilarious... I'm gonna let my officemates read it too.. nagrerent kasi sila haha

Ako si Yow said...

Bakit pinakawalan mo pa sa feeling ng bading? Haha. Dine sa Cabanatuan madaming good job na room for rent. Dito ka magrent para effortless ang pagpasok mo di ba? Mga alas dos ng madaling araw lumalarga ka na.

kikilabotz said...

hahaha. dapat bumili k na ng sarili mong baahay o kaya condo unit. nakanang putcha ano nga pala yung bidet? ahahaha

bulakbolero.sg said...

ayus.

Jag said...

Sana makahanap din ako ng disenteng bahay by the time na lilipat na ako...Bidet? Pangalan ng kapitbahay namin dati wahahaha...in fairview, ang sosyal ha!

MiDniGHt DriVer said...

Ayus Pare. lumayas k na sa tirahan mong marami ang pangitain!

Very nice :-)

Anna said...

Ay ang saya saya naman. Mukhang bonggang bongga ang bagong pintuan mo! Saan ba yan? Sama ako dyan!! =0

Poldo said...

Auf! ikaw pa mismo magdedesign kung saan ilalagay ung pinto amf! PAasa ka ate! LOL..

sayang yung bading oh malay mo mapalibre ka pa sa bayad ng upa mo... nakapatong ka ngalang lagi sa kanya hahaha..

Ganda pinto palang yan ha... tapos ang landlady bitchessa ayos! hahaha

binyagan na yan bossing glentot... redhorse ang gawing tubig pangbendisyon!

Oliver said...

ano ung bidet?
pictures sa bagong apartment!

--
ok ginoogle ko ung bidet. seryosong may bidet ung CR? hehe

Yj said...

ano nanamang nasty comment ang pinagsasasabi mo sa blog ko?

magpa blessing ka potah ka.... para mawala mga sumpa at maligno jan sa lilipatan mo.... pag may karat ako dalhin ko jan ha.... tnx

Jepoy said...

Putanginang YJ natawa ako sa comment nya. AHahahhaa


Anyways ang ganda ganda ng structure ng post mo. Period!


JOKE!

Hindi pa nakakaranas ang pwet ko ng bidet ang susyal naman ng unit mo at ayaw paawat sa Orange im sure makikita yan sa google earth. Puta ka tawa nananaman me ng tawa na lalaglag tuloy yung tae ko sa floor.

yown lang...

Pao said...

Lol.

Pao said...

Wow, nice. May bidet pa ha. Good luck sa'yo jan!

Chingoy said...

so....

ur home huh? pangmayaman yan no?

Ayie said...

Sowshal! Orange ang wall, parang mexican style. Mukhang maganda ang Aura ng kwartong ito.

*sexy times activate*

Ayan na...simula ng maraming masasayang kwento.

**dadalaw ako dito pag uwi ko ha.

Greta said...

kinabahan ako para sa buhay mo dun sa may beki na roomie!
dito ka na lang sa apartment namin..safe ka sakin!promise!

p0kw4ng said...

sowsi may bidet! una kong kita sa bidet eh ginawa kong hugasan ng paa! mas matindi yung alaga kong 3 years old...umiinum ng tubig dyan!

ganda ng aura ng room mo..pag uwi ko makikitulog ako dyan ha...magdadala ako ng voys,hihihihi

an_indecent_mind said...

"sino ka?" lol

2ngawzki said...

adik ba mga tao sa manila?hahaha!dmo try karum ung bakels..bka sakali mhawa ka.hahaha!

The Philippine Guild said...

nice may bidet hehe. how much naman? yung loft dito sa pasig 7.5k.

ʎonqʎʇıɔ said...

Ahhh... that's more like it! Welcome home! :)

Selling point talaga yung bidet? lol

Mervin said...

wow! ang ganda... san yan?

you know my name said...

ramdam ko ang bawat TUGSH! hehe :D

door palang ganda na :)

DRAKE said...

syet bidet pala yung tawag sa gripong tinatapat sa pwet! At ginoogle ko pa yun!

Naks nagseselan ka!Anak mayaman??

Sabagay kayang kaya mo na yang upa sa bahay dahil balita ko, naincreasan ka na naman!
IKAW NA!

Ingat

Tiano said...

Congrats parekoy at nakita mo na ang iyong tahanan. Sana lang ay indi ka pasukin ng iyong land lady na alukin ka ng sariwa nyang katawan.. lol.

Tiano said...

Congrats parekoy at nakita mo na ang iyong tahanan. Sana lang ay indi ka pasukin ng iyong land lady na alukin ka ng sariwa nyang katawan.. lol.

Vajarl said...

Hindi ka naman pala masyadong picky. Tahimik, maaliwalas, mahangin.. hindi ka ata dapat sa Manila naghahanap. :p

TUGSH! Hahaha. Ang kolet ng sound epeks. Haha.

Wait ano ang bidet?

paci said...

huwaw wagiiii!!!! =)
diyan ka na!!!!

Tong-tong said...

ammm... mag motmot na lang kaya you? mayaman naman yata ikaw sir glen?

Leah said...

Ahaha.. yun pala yung bidet. Now I know.. In fairview, ganda ng door ha. Daming datung yata tong si Glentot..

ahmer said...

wow totyal dito sa ofc walang ganyan haha

my-so-called-Quest said...

glad you found a home!
so kelan ang housewarming party! :D

pusang kalye said...

kaw ha. homophobic ka pala. lol
hirap talaga hanap ng room. nalala ko college days at Pasig days narin kasi na-experience ko yan. yun napansin ko, ang kakapal ng mukha magpresyo e di naman kagandahan talaga yung iabang lugar. matawag lang na kwarto. buti nalang magaling kang manlait, parang iginanti mo narin kami sa kanila. bwahaha

hArTLeSsChiq said...

wow pabidet bidet ka pa ngayon..ikaw na ikaw na... buti nakahanap ka na pero parang nakakatakot sa ganda yung pinto parang monster lang yung nasa loob...hahahah

Will said...

Huwaw, gusto ko na rin makakuha ng sarili kong bachelor's pad! Exciting talaga, lalo na kapag may bidet!

Robbie said...

Nuuuks bidet! Congrats sa bagong lugar mukhang maayos!

Honestly sayo lang ako nakakarinig ng mga ganyan klaseng room for rent. Wahahaha. Minsan di ko tuloy alam kung nanloloko ka lang or OA. Wahahaha. Pero nakakatawa ka naman magkwento kaya walang problema. hehehe.

June | Life and Spices said...

Last taym na nag hanap ako ng room for rent nadehydrate ako ng sobra..nakakapagod! pero gusto ko na humiwalay sa manyak kong roomate :"(

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding