ang fan page ni mars

Kapag nagkikita-kita kami ng mga kaibigan ko ang una kong nasasabi pagkakita ko sa kanila ay "Tangina mo!" Halimbawa, "Tangina mo akala ko ba after-lunch anong oras na?" o di kaya ay "Tangina mo bakit ang aga mong dumating?" Sanay na sila. Kung ako ang kaibigan mo, masasanay ka sa maraming kasamaan.

Mas masahol kapag ang nakita ko eh kaibigan ko na hindi ko nakikita nang matagal: "Tangina mo buhay ka pa pala!" Sanayan lang yan.

Ewan ko, parang yun ang una kong naiisip sabihin, automatic na yun at hindi mapigil. Kadalasan nasasalubong ko sila sa mall, sa maraming tao... minsan naman kasama pa nila ang mga magulang nila. Huli na bago ko pa maisip na pinagmumura ko sila sa harap ng mga mahal nila sa buhay.

Wala naman akong masamang ibig sabihin. Masaya nga akong nakita ko sila, masaya ako na buhay pa sila. Yung "Tangina mo!" eh expression of joy lang yun.

Naa-amaze lang siguro ako na buhay pa sila. Hindi ba nakakabilib yun? Araw-araw, maraming chance para mamatay sila - nagkamali ng tawid, nahagip sa MRT, nahostage sa bus, etc. Pero sa gitna ng mga everday hazards, buhay pa silang lahat, at buhay pa rin ako, at kapag nag-krus muli ang mga landas naming makasalanan, natutuwa lang ako. Sabay "Tangina mo" para may special effects.

Ngayon madalang na akong may makasalubong na kaibigan, puro online na kasi ang lahat, nag-level up. Pero kapag may nag-add sa akin sa chat, pareho pa rin ang standard greeting ko, "Tangina mo buhay ka pa!" O pwede ring "Okin-inam nagbyag ka pay" kung marunong sya mag-Ilocano.

Alam ko namang I can get away with it, dahil kilala na nila ako at alam na nilang ganun ako magsalita.

Sa Facebook, umaapaw ang greetings ko, andami ko kasing nahahanap na kakilala. Parang reunion lang, halos walang ikinaiba sa personal na pagkikita. Murahan, kumustahan, murahan, magcocompare ng sweldo, murahan. Tapos wala na uling pansinan.

Pero kakaiba ang nangyari sa akin kamakailan lang. Kaka-browse ko sa profile ng dati kong instructor (syempre hindi ko sya binati ng "Tangina mo buhay ka pa!"), nakita ko ang profile ng dati kong kaklase, si Mars. Medyo naging close kami nung last year na namin sa college, delayed kasi kami pareho (kakalabas lang nya sa hospital matapos maconfine dahil sa asthma, ako naman eh delayed lang talaga, no excuses).

Kasundo ko itong si Mars, madalas kasi kami magkamurahan. Kaya natuwa akong makita sya sa Facebook. Ang putangina, hindi pala profile, kundi fan page! Animal, maraming fans si gago, 384. Ni-like ko para makapagpost ako sa wall.

"Tangina buhay ka pa!" Click POST. Sabay logout.




Naalala ko lang uli yung fan page nya makalipas ang ilang araw. Naisip kong magtingin-tingin naman ng pictures. Dahil wala akong magawa, lalaitin ko na lang ang pics nya.

Yung primary pic nya eh pugeng-puge sya, parang kuha pa sa studio. Violet ang background, nakapangalumbaba pa parang Ninoy lang. Nagcomment ako: "Tangina nagpa-studio pa para lang may pang-Facebook!!!"

Sumunod na picture eh naglalaro sya ng chess. Comment na naman ako. "Puta ka wag ka nang magpanggap na matalino! Kilala kita!" Hahaha kebs lang.

Ang pangatlong picture. Light blue ang background, nakangiti sya sa camera. Medyo faded ang effect. Comment uli, "Tang-ina parang pang-ibabaw lang sa kabaong!"

Hanggang sa mapatingin ako sa caption...

"Mars, 1986 - 2010"

Umalingawngaw sa utak ko ang "Tangina buhay ka pa"... nag-eecho...



Just another shot at fiction, for my project My Life is a Shit and Other Inspirational Stories. I know it sounds like something that could really happen to me but it's just fiction.

Click Also Read for more of My Life is a Shit and Other Inspirational Stories.

37 comments. Post your comment here.:

TDB said...

nice! ganda ng mga greeting sayo ah!
at may blog project ka, nice! balitaan mo ako diyan ah. minsan naiisip ko na pwede ka na magsulat ng libro ala bob ong pero siyempre glen na glen din. =)

silentassasin said...

TANG INA fiction lang pala..ikaw na glen ikaw na .hehehe

Anonymous said...

ibig sabihin imbento lang yon..ampupu. kinilabutan p nmn ako
-kikilabotz

fumbledapple said...

Naman. Akala ko totoo na e. Pamproject lang pala. Ayus ka talaga Kuya... Pinasaya mo na naman ang mundo dahil sa "tanginang" fiction na 'to! :))

The Gasoline Dude said...

ARGH! Galing mo talaga magsulat. Nakaka-arouse. LOL

Andy said...

Nina nat toyen! apay sibibiag ka pay ngarud?

Laglag, intayo agbarteken! pagpaalaen tayo ni nana yj ta agkasangay tun bigat. tapno man agkikita tayo, ukininanan! lol!

Allen said...

yudiputa! akala ko naman totoo. iniimagine ko sanang sasampalin ka nung kapamilya nung Mars. haha.

Lakas-tawa ko sa comment ni Gasoline Dude. Nakakaarouse daw. wahahahaha!

p0kw4ng said...

mumurahin na din sana kita buti nabasa ko fiction lang...hihihi

ang ganda..may aral din kahit papaano..ahihihihihi

Ako si Yow said...

Yan kasi sinasabi ko eh. Taena u po. Haha. Bakit kapag gawa mo eh pakiramdam ko totoo? Haha.

gillboard said...

di kasi tumitingin sa wall... dun nakasulat yung mga message ng mga tao sa patay... hehehe

orally said...

tangina na-carried away ako.

Lord CM said...

tangina buti hindi sya bumangon at binatukan ka? lolzzz pero kunwari lang :D

khantotantra said...

aw, fiction pala. Nadala ako ng sobra sa emosyon nung bandang huli....

tsk. tsk. lupit lang magsulat, nakakaloko ng readers, realistic.

I am Xprosaic said...

Huhulaan ko ang title ng project mo ay Tangina! parang mmk lang huhulaan ang title... lol

Chingoy said...

aba, career na to! :P

isa na namang mahusay na pagganap in a writer's role.

:)

Jag said...

Infairview nag iba ang emotion ko nung mabasa ko ang huling part...adik!

So paano pag ikaw ay galit ano ang expression mo? Napapaisip tuloy ako kung ano hahahaha...

Poldo said...

Ang galing talaga... Kala ko for real yung kwento! shit...

GOd bless sa project mo sir.. kung isasalibro yan paorder ng isa! hehehe..

Pong said...

salamat sa pag-accept sa fb sir,

yung last three lines ay makahulugan.

be blessed sir!

KUMAGCOW said...

Getting a book published? now that's one thing I'm gonna buy =)

Robbie said...

Tanginuuuuhhhh lung.

You should definitely continue this project. I believe you deserve a book. Magaling ka magsulat ng fiction eh... galing mo magsinungaling! Hahaha.

Pero seryoso. Sana makagawa ka ng libro at mas sumikat pa!

Emmaleigh said...

ukinam! =)) (my dad's Ilocano so I do understand a bit lol! but I forgot how to converse in ilocano).

for guys I think the "tangina mo buhay ka pa" greeting is pretty normal/common to girls it's

"hoy pekpek! kamusta na?"

you know my name said...

napatangina naman ako dun lol, buti fiction lang

Momel said...

Now, not to be a gay suck up, but this is beautiful. It was obscene, and it was grounded, and it happened. Tangina syet, who would've thought? Nag-echo talaga, o keme lang yun?

Ahaha, I'm a jerk.

Motherfucker, I didn't get the Just Another Shot at Fiction part. Hijo de puta, I was so eager to comment, I didn't read through the complete post. Shit, you can submit this somewhere and get the props you need. It got to me.

claudiopoi said...

asteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeg blog mo. hehe tang ina i love eeet! hehe :)

caloy said...

napa-tambling ako nung nakita ko yung caption. pero mas napa-tambling ako nung nalaman kong hindi pala totoo. hahahaa! pakyow!

Greta said...

akala ko trulalu na..utuin pa naman me!

tangina sa gilas!

The Philippine Guild said...

hay, classic tot.

Pao said...

Yay. Ayos 'to. hehe.

Klet Makulet said...

kala ko totoo... kinilabutan ako buti fiction nyahay!

Oliver said...

TangIna! akala ko totoo, ahha.
pero parang nakakaguilty ata pag totoong nangyari, eheh

my-so-called-Quest said...

langya akala ko totoo! sasabihin ko pa naman sana, "karma's a bitch... but you're a bigger bitch so whatever" hehehe



adik!

kate said...

owshet! Superfan na ako ng pagsusulat mo. Inspirational nga. Haha

Pero parang hindi ito fiction a.

Traveliztera said...

Okay, Glen, promise, akala ko totoo ! Pero maganda ung concept!

kaye said...

really really nice one, glen!

"you had me at t*ngina mo."

hahaha! but it's a relief to know this is just fiction...

rundeekalel said...

syet! wish ko lang talagang FICTION ito! kung ako yan, wish ko bumuka ang lupa at lamunin ako ng buong-buo! ☺

Dino said...

shit ka glenn, galing mo naman magsulat.

Dino said...
This comment has been removed by the author.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding