the number thirteen

Na-experience mo na ba yung parang pakiramdam mo eh may mga senyales o pangitain sa paligid mo? Me neither... Pero may ikwekwento ako na medyo... weird. I swear this is a true story.

Nung Friday nagpunta ako sa isang government office. Medyo marami nang tao pagdating ko kaya umupo na ako sa lounge. Habang naghihintay sa pila para sa picture taking, nababagot ako kaya kinausap ko yung matandang kuya na katabi ko ng upuan. Hindi naman sya matanda, mga tipong batchmates sila ni Kuya Chingoy (sya talaga ang ginawang basehan??? peace Kuya!)

Pinag-uusapan namin yung pila at yung mga improvements na dapat gawin para hindi maipon ang tao sa pila, ect etc nang bigla syang huminto sa pagsasalita. Binilang nya ang mga tao na nasa unahan namin, sabay napa-iling habang ngumingiti.

"Bilangin mo ang mga tao sa unahan natin," sabi nya.

Nagbilang ako, pang-twelve nga ako at pang-thirteen sya.

"Pangalawang beses ko na na-encounter ang numero trese ngayong araw na ito," sabi ni Kuya. "Kanina, sa jeep, bayad ko bente, sukli sa akin, trese."

"Swerte po ang trese," sabi ko na lang, kasi wala akong mai-comment, kumbaga sa blog eh kung walang relevance sayo yung sinulat ng blogger ang masasabi mo na lang eh "Nice post keep it up."

"Sinusundan yata ako ng Devil," sabi ni Kuya. Natuwa ako sa ginamit nyang term. Hindi Demonyo o Masamang Espiritu ni Drake, kundi Devil. Conio?! Napa-paranoid na si Kuya kaya hindi ko na lang sya kakausapin, baka mahawaan pa ako ng "kamalasan" nya. Ang dami pa namang pwedeng kamalasang mangyari sa akin nung araw na yun, halimbawa ang pangit ng picture ko sa picture-taking or something. Limang taon ko ring titiisin ang picture na yun.

Habang pausad nang pausad ang pila, tumahimik na si Kuyang Paranoid. Ako naman eh naghahalungkat sa bag ko ng earphones dahil gusto kong magsoundtrip. Kokontrahin ko ang malas sa pamamagitan ng pagdinig ng mga kanta tungkol sa swerte.

This is a story about a girl named Lucky.
Tsug-tsug-tsug.
Early morning, she wakes up.
Knock knock knock on the door.
Tugsh, tugsh, tug--

For some reason bigla akong napatingin sa hawak na papeles ni Kuya, kung saan nakasulat ang pangalan nya in bold letters. Nalimutan ko na ang first name nya, pero tandang-tanda ko ang apelyido:

De Villa.

Sinusundan nga ba ng kung anong enerhiya si Kuya? Kaya ba sya paranoid? Pero hindi ko na tinanong sa kanya, baka bigla syang magpanic at mag-cause ng commotion.

"Neeeeext!" sigaw nung Counter #38. Paglapit ko, umupo na ako para sa data capture at picture taking.

Sumigaw na rin ng next yung kasunod na counter, at habang nakatitig sa camera ay napatingin ako kay Kuyang Paranoid, na parang napilitan lang na tumayo at maglakad papunta sa counter, pailing-iling pa sya while smiling to himself.

Napunta kasi sya sa Counter #39.

49 comments. Post your comment here.:

Xprosaic said...

Hehehehehehe naku hindi ka pumunta sa DFA... Hindi ka rin kumuha/nagparenew ng passport mo... Hindi talaga... hehehehehehe... Basta ako maswerte sa akin ang 13... hehehehehehe

Will said...

Nice post keep it up.

joke! haha, pero paro sakin walang swerte o malas sa buhay. tayo lang mismo ang gumagawa ng ating mga kapalaran. pero kawawa naman si kuya, siguro pagu-uwi niya trese na naman ang isusukli sa kanya ang daming barya nun.

my-so-called-Quest said...

hahahaha! ang swerte naman nya. pwede ng zenaida seva! pang syzygy! :P


tama si xprosaic? sa dfa to? :)

Pao said...

Bad energy naman si Kuya. hehehe. Wala naman talagang malas o swerte,nasa outlook pa rin yan. hehe

Dhianz said...

nde koh alam kokoment koh.. yeah nice post keep it up... haha.. lolz.. ingatz wafung glentot... Godbless! -di

Chingoy said...

hayup ka! isinama mo pa akong batang bata pa?! hmm??

nice post keep it up! nyemas!

Lord CM said...

sa apelyido pa lang, kung malas talaga sya malamang di na kayo nagkita :D

nasa tao lang yan!

claudiopoi said...

"Nice post keep it up."

nakakatakot tuloy marinig to mula sayo. haha. :D

The Gasoline Dude said...

Nag-apply ka ba ng passport? Mukhang gusto mo na ding mag-abroad gaya ni Jepoy ah. Yikkkeee!!!

Nice post. Keep it up. LOL

MarcoPaolo said...

napapa-paranoid si kuya...baka gutom lang yon glentot. :D

Kaitee said...

At least hindi na siya pang-thirteen. Sabay na kayo eh. Yung susunod sa kaniya ang magiging malas. Wahahah!

Nandamay ka pa ng blogger Kuya ha. Pati si Chingoy at Masamang Espiritu ni Drake ha! :)

Poldo said...

Talagang isiningit ang nice post Keep it up!..

Panalo ang mga song na pinapakinggan kontra malas talaga like nung una MILK SHAKE di ka minalas dun kasi di natuloy ang pagnanakaw sayo..

Walang malas walang swerte! meron may balat sa pwet!LOL

eloiski said...

nice post Keep it up! hakhak!

wala namang masama sa 13 ah. grabeng pang-aapi naman yan sa numero... wag ganun! 666 baka pwede pa...

Will said...

@eloiski: naku, ikaw ang pang-13th na nagcomment. mag-iingat ka, ha.

Anonymous said...

mangagagaya sana ako ng comment. nacurious ako bkit lahat ata may
nice post keep it up kaya binasa ko. bwahahahahahaha.

tatke hnd ko naintindihan ang ending. hahaha.

ang taong naniniwala sa swerte laging susuwertihin. ang taong naniniwala sa malas laging minamalas. hehe

Jepoy said...

nice post keep it up...

Blog on...

I love the structure...

And thank you for your honesty...

Rah said...

39 as in THIRTEEN-NINE. Hahaha Nice post, keep it up :) kidding.

Yj said...

ano relevance ng #39?

eh yung numbers 3,6, and 9 plus the bonus number 7... ayaw mo i-blog?

sige ka, pag ako nag blog nun, i'll include the appropriate links!!! yaiy

Momel said...

Unang una, passport ba to? Nakow, ayoko ng passport stories, naalala ko ung na-fixer ako minsan at nadale ako ng 1,800.

Ikaw na ang magkaroon ng attention sa details, Glentot. Gusto ko ang pagiging eerie ng post na to, magandang salubong sa nalalapit na LAVET HALLOWEEN SEASON!

Hindi kaya Damien ang pangalan ni Mr De Villa? Anlakas nya maka-Omen eh.

Amd 39 is Three Thirteens. Quota na siya dun pa lang.

KUMAGCOW said...

Nice post keep it up!


jowk!

Hehehe... imba si kuya hahaha

39 dibadibay 3 = 13 tamaaaaa~!

KikomaxXx said...

HA? di ko ata gets yung kamalasan niya o yung post.. wahehehe san dun yung malas...

khantotantra said...

keep it up. nice post po.

link exchange?

gehehehehehe.

Ang kulit lang ng last name ni koya, bagay na bagay sa binaggit niya

mr.nightcrawler said...

nice post! keep it up!

hehe. kidding. paranoid naman masyado! parang si jim carrey lang sa "the number 23" yata yun.

Jag said...

Hi! Nice blog! Can we exchange links? lol...

Woah! so ibig sabihin ba nun tripleng kamalasan ang hahagupit sa kniya? lol...

Klet Makulet said...

Kumusta naman ang kinalabasan ng picture?

2ngawzki said...

Walang clue na sa DFA ka pmunta

Ganon pala pag nasabihan ng "nice post.keep it up!"..now i know.haha!

Nagsoundtrip ka na kasi ayaw mo na kachikahan si kuya.supladito ka?haha!

andami ko nasabi...hahaha!

p0kw4ng said...

ahahahaha kakadala nga yun ng takot kahit di ka naniniwala sa mga ganon..parang tanga lang!

personally...hindi ako naniniwala sa mga pamahiin..ewan ko! nananakot lang kasi yang mga yan!

ikotoki said...

passport image iz disaster ano? at least in mine. haha

ro anne said...

nice post keep it up!

swerte rin sa akin ang 13 :)

salamat sa comment mo sa last post ko, dun ko lang nakita ang nagpapakatotoong glentot sa comment mo na essay + dictionary hehe. mas gusto ko makareceive ng comment na ganun kesa sa nice post keep it up! tadaaan!

Mokong™ said...

Ako hindi malas sa number 13, pero minalas ako one tine sa friday the 13th, last August...nagresign ako sa kabwisitan ko sa trabaho...hehehe

Maldito said...

dun ako natawa sa pag gawa mo ng sample kay kuya chinggoy.ahahahhaha....potah....maawa ka naman dude.lols.

nice post!

makiuso lang.

Emmaleigh said...

dati din ako praningning sa mga numero na yan pero parang wala lang =)) keribels na lang ngaun.

malas kung malas swerte kung swerte cycle lang yun lahat naman e, my dumadaan sa malas stage tpos nun swerte stage na.

rundeekalel said...

at syempre di ko papalagpasin to...favorite topic ko kaya ang "The Adventures of Glenn and his Passport". ☺ Teka sure ka ba na in 10 days lang ung passport? ☺ joke!

orally said...

sana buhay pa si kuyang paranoid ngayon

iprovoked said...

hindi ako naniniwala sa mga ganyan. What happens to us is just an equal reaction of our actions. Conyo rin? lol. Basta wag ka na lang dumikit sa mga taong may negative vibes tulad ni kuya. Buti sa number 39 sya napunta, atleast 12 yun pag-inadd mo. Kung nagkataon at number 49 sya napunta baka nagpakamatay na yun sa pagka-paranoid nya. haha. :]

asiong32 said...

di rin ako naniniwala sa mga lucky numbers na yan. kung mamalasin ka talaga sa araw na yun eh talagang mamalasin ka at wala ka ng magagawa at di mo na kayang pigilan pa...kagaya ko, kahapon lang eh sunod sunod na kamalasan inabot ko, una, yung van na sinakyan ko papuntang baguio tabingi yung upuan, nagkastiffneck tuloy ako, pangalawa, pagdating ko sa baguio eh wala yung taong hinahanap ko at kailangan pa akong bumalik ng 10 pm. pangatlo, kumain ako sa foodcourt ng sm baguio at nagorder ako ng palabok at ice tea, pagkaupo ko eh nasagi ko yung icetea at tumapon sa palapok ko, nagkasabaw tuloy yung palabok ko at nagtinginan lahat ng tao sa paligid ko, pang apat, pagkatapos kong kinain yung palabok kong may sabaw eh naglakad ako ng session road, sa lahat ba ng taong masasalubong ko eh yung kinaiinisan ko pa...panglima, pagkatapos kong makita yung taong hinahanap bandang alas diyes ng gabi eh wala na ako masakyan pauwi ng pangasinan so hanggang sa umagang eto eh nasa baguio pako...hayyyyyyy..ayan, ni minsan diko nakita o di nagparamdam sakin ang numero trese...hehe

aajao said...

mas malas yata kung napunta sya sa counter number 169. :P

natuwa ako sa paggamit ng "nang" na salita. bihira lang sa mga sumusulat ang nagagamit iyon nang tama ;)

Will said...

Ang susunod na comment sa akin ay ang #39!!! Naku, mag-iingat siya...

KikomaxXx said...

hahaha.. matry ko nga... kung totoo ba tong kamalasang to.. wahehehe... di nga di ko parin gets kung bakit malas ang 39 baka siguro idivide sa 3 yung 39 = 13 ganun ba yun... pano naman yung number 26 malas din ba yun? hahahaha

Andy said...

passport nga! may balak na ding umalis!

i like the structure. keep it up, bitch!

♥superjaid♥ said...

nung nabasa ko yung surname nya..bakit parang kinilabutan ako?waaah..anyway..may mga araw talaga na sadyang parang puro malas pero di naman ako naniniwala sa mga pangitain hehehe

Kosa said...

so, ikaw ang swerte ngayon?

hehehe.

sabi nga ng mga chinoy sa chinatown...
TABIHAN ANG MGA MINAMALAS PARA MASALO SWERTE NA PAPUNTA DAPAT SA KANILA... MARAMING BAD ENERGY KAYA HINDI NILA MASALO ANG SWERTEYYYY..

ANUNG MERON SA #39?
hehe

Oliver said...

baka naman akala nya lang un. baka swerte talaga sya sa 13.
saka diba 4 ung malas daw na number?

Michael said...

Nice post keep it up :D:D:D:D LOL

mots said...

nice nice. i love it. ay landi hhahaa

Miles said...

baka naman hindi malas ang dala sakanya ung 13. :)
anyway,natuwa naman ako dun sa soundtrip mo. ehe :)

Greta said...

oooh!!fan ni britney spears!gangsta!

kox said...

bukas ko na babasahin. parang nakakatakot eh! amp!

Prince Fau said...

Wow ha pauso yang nice post kip it up n yan ha! nung una d ko rin nagets ung 39 hahaha! ndi b jezreel ung pngalan ni kuya? huh? hehehe-

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding