kapatid

Wala akong Kuya, Ate o mga kapatid. Nag-iisang anak lang ako. Kaya hindi ko ramdam ang concept ng "kapatid". Siguro dahil dun kaya lumaki akong selfish, dahil mag-isa lang akong lumaki.

Kapag may nakikita akong magkapatid, na tipong kapag isang barbeque na lang ang paghahatian, ibibigay na lang ni Kuya kay Bunso kahit gutom na rin sya, naiisip ko, gagawin ko rin ba yun kung may kapatid ako?

Kung magulang ang magbibigay ng barbeque sa anak, alam ko ang concept ng pagmamahal na yun dahil nararamdaman ko iyon. Pero sa kapatid, naiisip ko, parang kaibigan rin lang siguro sila, nothing more.

I was eighteen when my perception of "kapatid" changed. Ang Nanay ko mismo ang nagpa-intindi sa akin kung paano magkaroon ng kapatid. Bunso kasi sya, at maraming syang mga Ate at Kuya.

Yung pinaka-panganay nyang Ate, halos 20 years ang agwat ng edad nila. Pero kahit ganun, close pa rin sila. Mabait yung Tita ko na yun eh. Aktibo sa simbahan pero hindi hipokrita, kasi hanggang pag-uwi nya dala-dala nya ang magandang asal.

Sa kanya ako natuto mag-rosaryo, kumpleto may litanya pa sa dulo.

Nung nagka-edad na yung Tita ko, nagkasakit sya at na-confine sa hospital. Dahil halos lahat ng mga anak nya ay may mga trabaho, walang makapag-alaga sa kanya nang full time. Kaya nag-resign sa trabaho ang Nanay ko para bantayan sya. Halos sa hospital na sya nakatira.

Sembreak noon kaya nagkaroon ako ng chance dumalaw. Nung nakita ako ng Tita ko pagdating ko, sabi nya agad, "Eto na ba si Glenn-Glenn? Ang gwapo..." at ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis. Later that afternoon, nalaman kong halos araw-araw pala syang umiiyak dahil sa sakit ng katawan nya.

Pinilit lang pala nyang ngumiti. Naniwala pa man din akong gwapo nga ako haha.

Dahil matagal kaming hindi nagkasama ng Nanay ko (sa Baguio ako nag-aral, sa Manila sya nagtrabaho), nagbantay na rin ako sa hospital kasama nya. Naawa ako kasi ang payat-payat na nya, mas mataba pa yata yung Tita kong may sakit. Halos wala kasi syang tulog.

Laging unconscious yung Tita ko nun, at kapag nagigising naman eh hindi namin masyado nakakausap. Pero naniniwala ang Nanay ko na gagaling rin sya, lagi nya yun kinakausap kahit tulog, hinahaplos-haplos nya sa buhok.

Minsan kapag nagigising sya, sasabihin ng Nanay ko sa akin, "OK, lumabas ka muna, may gagawin lang kami..." sabay smile. Alam ko na, papalitan na nya ang diaper ng Tita ko. Kakanta pa sya habang ginagawa ang napakamaselan na gawaing yun. Lalabas ako ng room kasi hindi ko makaya yung amoy, tapos babalik na lang ako kapag tapos na.

Napaisip na naman ako, kung nagkaroon kaya ako ng Ate o Kuya, kaya ko kayang gawin yung ginagawa ng Nanay ko?

Naririnig ko pang nagbibiruan sila, pinapatawa sya ng Nanay ko. Kung hindi ko alam na Tita ko ang nandun, mapagkakamalan kong baby ang kausap ng Nanay ko.

Matapos ang isang blood transfusion, naging OK ang pakiramdam ng Tita ko. Gising na uli at nakangiti. Nakakaupo na sya sa kama, nakakakain na ng soft foods. Isang umaga, naghingalo sya bigla. Nakita ko ang Nanay ko, tumakbo papalayo, sa isang sulok ng room at umiyak. Hindi nya kayang panoorin na nag-aagaw-buhay sya.

Na-comatose sya. Tinanong ng doctor ang Tito ko kung ano ang desisyon nya. He decided to pull the plug, nahihirapan syang makita na nahihirapan ang Tita ko.

Nag-flatline na sya. Saka lang lumapit ang Nanay ko, saka lang nya narealize ang desisyon ng Tito ko.

In her cracked voice, she asked, "Wala na sya?"

Tumango ang Tito ko, at dun ko narinig ang pinakamalungkot na sound sa buong mundo. Hindi lang umiiyak ang Nanay ko, she was wailing. It was a sound I would never want to hear ever again. I just stood there, trying to hold her when I knew that beyond her grief, she barely felt my hand. I was trying to console her through our loss, her loss.

Dun ko naintindihan kung paano magkaroon ng kapatid, kung ano ang responsibilidad na naka-atang sa iyo, kung ano ang ibig sabihin ng pagiging "kapatid". It's to humble yourself, not because you have to, but because you want to. It's to give youself to a person, not out of obligation, but out of gratitude and love. It's to value every second: it may be as random as eating barbeque together, or as life-changing as attending to their deathbed.

So mahalin nyo mga kapatid nyo. Hihi.

*Last month was my Tita's 5th year death anniversary.

the eerie series

Aaminin ko, mula sa pagkabata, madali akong matakot sa mga superstitious shit stories na nagkalat sa paligid. Lumaki kasi ako (walang kokontra sa term na "lumaki") sa probinsya, sa malayo at kaakit-akit na bayan ng Bolinao, The Nipple of Pangasinan. Dahil doon, alam kong buhay na buhay ang superstition, kaya natural na ang takot ko.

Nung nagkwento ang pinsan ko tungkol sa bestfriend nyang aswang, aaminin ko, hindi ako nakapunta sa CR hanggang umaga. Pinigil ko ang ihi ko nang very very nice. Noon, kapag nagigising akong mag-isa lang sa kwarto ko, tumatakbo ako palabas kasi baka may kumidnap sa akin sa ilalim ng kama.

Matatakutin ako noon sa mga horror stories. Naalala ko noong Grade 4, yun ang pinakauna kong beses na sumulat ako ng fiction. Kid stuff, tungkol sa isang bampira na nakatira sa kweba. Matapos ko isulat at basahin, natakot ako. Sa sarili kong sinulat. Parang tanga lang.

What the hell, natatakot ako noon sa Okat Okat. Ganung level ang kaduwagan ko nun at lagi akong kinukutusan ni Doris, ang aking mudrax. "Ang hilig-hilig mo manood ng horror tapos matatakot ka! Para kang tanga!" Ang sakit naman...

Kaya pinilit kong maalis ang takot ko sa mga paranormal stuff. Sabi kasi daw ng Lola ko, (kwento lang, hindi ko kasi sya inabutan), wala daw dapat ikatakot sa mga supernatural kasi pare-pareho naman daw tayong nasa mundo nakatira. Matapang yung lola kong yun. Kwento nga ni Doris, noong bata sya, may nakita daw syang pugot na ulo sa kusina nila kaya tinawag nya ang Lola. Imbes na matakot, pinagalitan daw ng Lola yung pugot na ulo. Pinalabas sa kusina sabay warning na wag na syang babalik. Ang sungit.

Ganun din ang ginawa nya sa local na aswang sa bayan nila noon. Pinagalitan nya nung nahuli nyang balak kainin sila Sasha Fierce (Tita ko). Napahiya lang yung aswang. Umuwing luhaan matapos pakatikim ng masasakit na salita.

So over the years medyo nawala na ang takot ko sa mga kababalaghan na yan. Na-master ko na kung paano manood ng movie na hindi ka maapektuhan at matatakot: mag-movie review ka sa utak mo habang nanonood. Hindi na rin ako takot maiwan mag-isa sa bahay, gustong-gusto ko pa nga eh (alam na!).

So I thought nothing can scare me anymore... I was wrong.

(Tangina ang haba ng intro ko, 7 paragraphs, wala na! Ang pangit na ng structure!)

Ang post na ito ay tungkol sa eerie and weird stuff na nagyari sa akin lately, na medyo nagpatibok sa puso ko in a horror movie way. Like I said, hindi na ako matatakutin lately, pero nung lumipat na ako ng tirahan, bumalik ang takot ko sa supernatural shits.

Dalawang buwan na ako sa nilipatan kong room. Mag-isa lang ako sa 4th floor, at hindi ko rin nakikita ang mga neighbors ko sa ibang floors. Tahimik ang buong building, kapag nagsara ka ng pinto, nag-eecho. Sa kwarto ko, kapag binuksan mo ang bintana, ang una mong matatanaw ay ang puno ng mangga.

Pagkalipat ko, ang una kong ginawa ay magpicture picture ala camwhore. Wala naman akong napansing mali sa picture, kundi ang cute ko lang.

After a few weeks, may napansin ako sa wall sa tabi ng kama ko. May itim na scratch mark sa wall. Inisip ko, matagal na siguro yun dun pero hindi ko lang napansin. Hanggang sa maalala kong nagpicture-picture nga pala ako dati. Agad kong tinignan ang pictures...

At sa pictures, wala yung itim na scratch mark. Dinelete ko agad ang pics.

One time naman, nagsesepilyo ako nang bigla akong may marinig na boses ng bata. Sabi nya "Daddy!" Guni-guni ko lang siguro yun, unless nagkatawang-tao ang mga sperm sa banyo at tinatawag ang Daddy nila.

Ang PC ko, nakapatong sa computer table na may gulong, kaya hinihila-hila ko lang anytime I want. On my first month sa kwarto, paghila ko ng table, napatambling ako sa nakita ko sa ilalim.

Dalawang strands ng buhok. Straight. Mahahaba. Napahawak pa ako sa anit ko para i-check kung akin yun. Parang tanga lang. Imbes na matakot, nagkunwari na lang ako na hindi ko napansin.

A couple of weeks ago, habang nagsesepilyo uli, may napansin naman ako sa lababo. Buhok. Kung malilit na kulot yun, no doubt akin yun. Pero hindi, mahabang buhok. Straight. Napatingin pa ako sa salamin para i-check kung gaano kahaba ang buhok kong semi-kalbo.

Two weeks ago, napundi ang ilaw. Walang dahilan. Eh bago lang yun kasi pinalitan yun ng landlord nung araw na lumipat ako, 2 months ago. Kaya para hindi madilim, reading lamp na lang ang gamit ko.

Last Saturday naman, may buhok sa inidoro.

Kung sino man ang naglalagas ng buhok sa kwarto ko, parang gusto ko syang bilhan ng Hairfall Decrease shampoo. Sabi nga ni Kikilabotz, baka kapag nagkita kami ng mumu eh panot na sya.

Madalas rin ako magka-nightmare. Nagdadasal naman ako bago matulog... sometimes. At patagilid ako lagi matulog dahil nahihilo ako kapag patihaya.

Kaninang madaling araw, binangungot ako. Nasa isang gubat daw ako, at may werewolf na nagtatago sa puno! Hinabol raw ako! Kaya tumakbo ako nang mabilis! Eh pababa yung daan sa gubat, kaya patalon-talon ako parang kangaroo para hindi ako maabutan nung werewolf. Habang patalon-talon ako, may naghagis sa akin ng jumping rope. Ayun, nalimutan ko na yung werewolf kasi nag-enjoy na ako mag skipping rope hanggang magising.

At paggising ko, nasa dibdib ko pa rin ang takot sa werewolf, lalo nang mapansin kong nakatihaya akong nakatulog, at diretsong-diretso ang pagkakahiga ko, parang nasa kabaong lang...

Yun lang, kthanksbye.

office monsters

Sa ilang taong pagtatrabaho ko, marami na akong napasukang mga opisina, may small time (computer shop), may average (korean school, small call center), may corporate (big call center, the porno job, my present office, etc). Marami silang pagkakaiba, mula sa facilities hanggang sa mga employees. Maswerte ako kasi wala akong masyadong masabing masama sa opisina namin ngayon, masaya naman at may level ng professionalism.

Pero ang sabi nga nila, kahit saan ka magpunta, meron at merong mga pasaway. Mga professional lang sa damit pero hindi naman sa asal.

There's this one time, long ago, umiihi ako sa urinal nang may narinig akong umuungol sa cubicle. Sinong normal na tao ang umuungol habang tumatae, unless kumain sya ng buong langka? Malamang nag ja-jackstone sya sa loob, ang baboy! Parang gusto kong magpapaskil ng karatula, "Mangyaring i-asinta ang semilya sa inidoro."

Laging nagrereklamo ang mga babae kong officemates na basang-basa raw ang sahig ng cubicles sa banyo nila. Ang paniniwala nila, may naliligo sa cubicle gamit ang bidet. Hindi ko sure kung exagge lang, pero parang gusto kong magpaskil ng "Bawal maghugas ng pechay sa sahig."

Reklamo rin ng mga girls na may nag-iiwan daw ng tissue sa toilet seat. Buti nga sa banyo nila tissue ang iniiwan, eh sa boys' CR, may nag-iiwan ng tae! Kung bulbol ang naiwan, fine, mapapatawad pa yun, pero tae? That's some serious shit. Nagmagandang loob naman yung tao na i-flush, pero may traces of brownish-blackish-greenish matter pa rin. Parang wala syang pakialam na malaman ng mga susunod na gagamit ng banyo na matigas na tubol ang tae nya. Magpiprint talaga ako ng karatula, "Iwasang kumain ng mais."

Eto ang matindi. One time umihi ako, may tumatae sa kabilang cubicle. Nung naghuhugas na ako ng kamay, nag-flush na sya. Sabay lumapit sa sink, inayos ang necktie, sabay alis. Walang hugas-hugas! Ang kapal ng mukha nyang humawak ng door knob. Kakahiya naman sa bacteria na iniwan nya. Parang gusto kong magpaskil ng "Mr. *'s shit was here!" sa door knob. Dugyot sya. Ang sarap regaluhan ng SafeGuard! Sana kausapin sya ng konsensya nya tapos pakitaan sya ng visual aids ng mga bacteria na 99.9% samahan pa ng representative from DOH.

May Green Team kami sa office, at mga advocate sila ng pag-rerecycle at iba pang environmental chuchu. Kaya naglagay sila ng recycling bins sa pantry. Bawat bin may label, like "Cardboards" o kaya "Plastic Bottles" or "Tin Cans". Magandang gawain sana mag-recycle diba? Yun nga lang, may mga nagrerecycle ng maruming tissue paper, styro na pinagkainan nila ng Jolly Spaghetti, etc. Nakakainit ng ulo, kasi ginagawa na nilang basurahan ang recycle bin. Parang gusto kong sampalin to the left yung nagtapon kapag nahuli ko sya, sabay "Sigurado kang gusto mong i-recycle pa ang ginamit mong tissue paper??? Sige, sana ma-recycle yan, at mapunta sayo uli, ipunas mo sa mukha mo, hindot ka." Tapos sampalin ko pa uli to the left for good measure.

Actually small crimes pa lang yan. Ugali ng isang teammate ko ang mag-iwan ng earphones sa computer nya, thinking na wala naman siguro magnanakaw sa office. Such a wrong erroneous mistake. One day naglaho ang earphones nya. Sabi nya, OK lang naman daw mawala yun kasi pangit naman yun. Kaya bumili sya ng bago, yung mamahalin at maganda. Ang pagkakamali nya, iniwan nya uli sa desk nya yung new earphones. The next day, wala na yung bagong earphones. Pero nagmagandang loob naman yung magnanakaw na ibalik yung nauna nyang kinuhang earphones, yung pangit. Tanginang magnanakaw, choosy. Parang gusto ko syang itali sa poste at paskilan ng "Magnanakaw ng earphones, huwag tularan." Tapos ipapasak ko yung earphones sa tenga nya, sabay magpapatugtog ng Sarah Geronimo "Forever's Not Enough" on repeat hanggang dumugo ang tenga nya.

Ang kapal ng pagmumukha.

Lahat naman tayo nate-tempt na gumawa ng masama, minsan nagkakaroon ng unprofessional behavior. Fine, maingay ka habang nagtatrabaho, ang lakas mong tumawa, kita from outer space ang ngala-ngala mo kapag masaya ka, pero at least hanggang dun lang yun. Fine, naisip mong dikitan ng kulangot yung "Close" button sa elevator, just for fun, pero at least hindi mo ginawa. Fine, petiks ka na nga maghapon, nag-torrent ka pa ng movie, three times ka pa magkape, at least hindi mo ninakaw yung vending machine. Marangal ka pa rin. It barely defines your personality. Hindi ka role model pero at least hindi ka rin bad example, mabuhay ka!

Dahil diyan mag-iiwan ako ng isang quote:

"You are who you are when no one is looking."



So yung facial expression mo habang tumatae ka, yun ang tunay mong anyo.

movie review: due date

Last Saturday meron kaming company-sponsored activity: nanood kami ng Due Date.

Bale manganganak na yung asawa ni Robert Downey Jr kaya kailangan nyang umuwi sa Los Angeles. Pero dahil sa kagagugan ni Zach Galifianakis, na-ban sila sa pagsakay ng eroplano. Kaya para makabawi, ipinagdrive nya si Robert Downey Jr papuntang LA.

Hindi ako nagexpect masyado kasi comedy, tapos pangit pa ang reviews ng mga totoong critics, pero nung pinapanood ko na sya marami syang funny moments. Nagulat ako na natawa ako. Like yung "Coffee Scene", na natatawa ako tuwing maaalala ko. Ang babaw ko lang.

Sobrang galing magpatawa ni Zach Galifianakis, natural na natural lang. Karakter talaga sya.

Ayun matapos manood ng movie lumamon kami na parang bibitayin na kami bukas. The End.

Kaya ano pang hinihintay nyo takbo na sa pinakamalapit na pirated dibidi-dibidi stores nationwide at bumili ng copy, panoorin sa bahay, tapos magkunwaring pangit ang kopya at ipalit sa ibang movie, like Petrang Kabayo.

ang diary ni rowena

Isa na namang failed attempt at fiction. Sana magustuhan ninyo, kung hindi naman, kebs lang and move on. This is still part of my project My Life Is A Shit And Other Inspirational Stories.

Ang Diary ni Rowena



Dear Diary,

May bago akong manliligaw. Carlo ang pangalan nya. Medyo moreno, maganda ang katawan (nag-gygym?) at mapungay ang mata (nakita ko sa Frie). Sasagutin ko na ba sya, Diary? Nag-start sya manligaw kanina. Nakuha raw nya ang number ko sa upuan sa bus. Tingin ko nagsisinungaling lang sya, kasi hindi nya masagot nung tinanong ko kung saang bus nya nakuha. Correct answer is Marikina AutoLine.




Dear Diary,

Hindi ko muna sinagot si Carlo. Pero parang mahal ko na sya. Kasi ang sweet sweet nya sa text. Gusto daw nya akong dalawin kanina para daw patunayan na mahal nya na ako, kahit wala pa kaming one week nagkakilala. Sayang lang daw kasi malakas daw ang ulan sa kanila hindi sya makalabas. I miss him na! (Kilig)




Dear Diary,

Sa lahat ng naging manliligaw ko si Carlo ang pinaka-demanding. Gusto nya lagi akong nagtetext. Nauubusan na nga ako ng load. Ayoko naman humingi ng load sa kanya, baka ma-turn off. Hindi daw sya mapakali kapag hindi ako nagtetext. Ramdam ko na mahalaga ako sa kanya, so mahal ko na sya. Sasagutin ko na sya, tamang-tama dahil magkikita kami bukas, Diary. I'm so excited!!!




Dear Diary,

I HATE CARLO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

This is the worst day of my life.

Ang usapan namin, 11:30PM kami magkikita, kasi susunduin ko pa ang alaga ko sa mall at ihahatid pauwi. Sabi nya, since gabi na yun, sa bahay na lang nila ako pumunta, pumayag naman ako.

So pumunta na ako sa mall at sinundo ang alaga ko, hinatid sa bahay. Nung mga bandang 11:30 na, nagtext na si Carlo na pumunta na raw ako sa kanila. Hindi na ako nagpaalam kina Ate dahil hindi naman ako papayagan, tumakas lang ako.

Sumakay ako ng bus sa EDSA nang biglang umulan nang malakas. Dapat bababa ako sa Buendia at sasakay ng jeep papunta sa bahay nila Carlo. Habang nakaupo sa bus, naramdaman kong kumukulo at sumasakit ang tiyan ko, at maya-maya eh pakiramdam kong taeng-tae ako. Wrong timing, Diary! Namamanhid ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako kahit basang-basa ako dahil sa ulan.

Nang makita ko na ang kanto ng Buendia, pumara ako. Nagalit pa ang driver kasi hindi daw sila pwede huminto dun, pero nagpumilit ako.

Pagbaba ko ng bus, malakas pa rin ang ulan, at madilim sa nababaan ko, saka ko lang napansin na hindi pa pala ito Buendia, kanto pala ito ng Rockwell! Kaya pala ayaw akong ibaba ng driver.

Pumara ako uli ng bus, pero walang gustong magsakay sa akin. Basang-basa na ako ng ulan, at panay pa ang text ni Carlo, wala akong masilungan. At higit sa lahat, taeng-tae na ako.

Naiisipan ko nang mag-squat dun sa mga halamanan sa gilid ng kalsada pero ayokong mawalan ng dignidad kaya pumara na lang ako ng taxi, kahit kokonti na lang ang pera ko nun. Tinext ko si Carlo na parating na ako, sabi nya susunduin daw nya ako sa Mercury Drug.

Naubos sa taxi ang pera ko at pagbaba ko, wala si Carlo sa Mercury Drug. Text ako nang text, ang bagal nya magreply! Nang magtext na sya, sabi nya lakad daw ako ng ilang kanto hanggang makita ko ang Dante's Eatery.

Kahit inis na inis na ako, sumulong pa rin ako sa ulan keysa maghintay lang, baka dito pa ako sa daan abutan. Nagsisimula nang bumaha sa daan, at habang naglalakad ako eh pataas nang pataas ang baha. Taeng-tae na talaga ako, pakiramdam ko titirik na ang mga mata ko at hindi ko alam kung saan ako kakapit. Mataas na ang baha na nilulusong ko, umaabot na sa funja ng panty ko. Pagdating ko sa Dante's Eatery, wala pa rin sya dun. Nang magtext sya, sabi nya, lakad daw ako papasok sa eskinita hanggang sa makita ang pulang gate. Dun daw nya ako susunduin.

Naiiyak na ako. Gusto ko nang umuwi, ayoko na syang makita, pero kailangan kong gumamit ng banyo. Gabing-gabi na at wala nang mga tao sa daan. Para na akong hihimatayin sa ginaw. Wala na rin akong pamasahe pauwi kaya makikiusap akong manghiram ng pera kay Carlo.

Naglakad ako uli papasok sa eskinita, buti na lang walang baha banda dun. Pagdating ko sa pulang gate, nagtext ako kay Carlo, at after 10 minutes lumabas sya. Iba ang itsura nya sa personal, hindi pala sa kanya yung nakalagay na picture sa Friendster, pero hindi ko na pinansin kasi maligalig na ako that time.

Wag raw akong maingay dahil tulog na raw ang mga may-ari ng bahay. Tinanong ko sya, akala ko bahay nya yun? Hindi raw, driver daw sya dun at ang kwarto nya ay yung nasa gilid. Mula sa kinatatayuan ko sa gate, ang tinuturo nyang kwarto nya ay mukhang garahe.

Pero wala na akong pakialam dahil naghahanap na ako ng banyo. Sabi nya, pigilin ko na lang raw kasi baka magising ang mga tao, usap na lang daw kami sa kwarto nya. Nagmakaawa na ako sa kanya dahil hindi ko na talaga kaya, kaya sinamahan nya ako sa may bandang likuran ng bahay kung saan may isang banyo.

Sabay ko nang hinila pababa ang pantalon at panty kong suot, sabay upo. Sobrang hiya ko sa sarili ko nang makitang may skid marks na yung panty ko. Nang nairaos ko na ang pangangailangan ko, napansin kong marumi ang banyo, na parang matagal nang hindi nagamit. Binuksan ko ang gripo, walang tubig.

Tinawag ko si Carlo at mabilis syang lumapit sa pinto, pinatitigil ako sa pagsigaw dahil magigising daw ang mga may-ari ng bahay. Sinabi ko na kailangan ko ng tubig para maghugas. Dali-dali syang nag-igib mula sa loob ng bahay. Kinailangan ko pang buksan ang pinto, at kahit hiyang-hiya ako, wala na akong magawa kahit makita ni Carlo na nakaupo pa ako sa inidoro nung ipinasok nya ang timba sa banyo.

Awang-awa ako sa sarili ko...

Matapos maghugas napansin kong wala palang sabon.

Tinawag ko uli si Carlo at humingi ako ng sabon. Sa pananalita nya eh parang galit na sya sa akin. Naasar na sya kasi ang demanding ko, pero kalabisan bang humingi ng sabon? Pinipilit nya akong wag na magsabon, marami naman daw tubig, pero hindi ko kayang gawin yun. Pakiramdam ko eh napakarumi ko kapag hindi ako nagsabon.

Pumasok si Carlo sa kusina at bumalik, wag na raw ako magsabon dahil wala talaga syang mahanap na sabon, tulog na ang mga tao at sarado na ang mga tindahan.

Umiiyak na ako habang nakaupo pa rin sa inidoro, nagmamakaawa na humanap sya ng sabon. Naawa siguro sya sa akin, dahil bigla syang umalis at pagbalik nya, binuksan ko ang pinto para kunin ang inabot nyang "sabon".

Hinding-hindi ko mapapatawad si Carlo sa ginawa nya. Napakababa na ng tingin ko sa sarili ko, wala na akong dignidad matapos ang mga pangyayari. Gamit ang "sabon" nilinis ko ang sarili ko at mabilis akong umalis at naglakad pauwi. Kakarating ko lang ng bahay, at bukas na bukas magpapalit ako ng number.


This post is sponsored by Axion the Number 1 Dishwashing Paste in the Philippines.


Joke. Sensya na dugyot mode.

Tinamad ka ba magbasa? Me too. So click mo na lang ito:

this blog on Facebook!

Shameless plugging na ito.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding