ang diary ni rowena

Isa na namang failed attempt at fiction. Sana magustuhan ninyo, kung hindi naman, kebs lang and move on. This is still part of my project My Life Is A Shit And Other Inspirational Stories.

Ang Diary ni Rowena



Dear Diary,

May bago akong manliligaw. Carlo ang pangalan nya. Medyo moreno, maganda ang katawan (nag-gygym?) at mapungay ang mata (nakita ko sa Frie). Sasagutin ko na ba sya, Diary? Nag-start sya manligaw kanina. Nakuha raw nya ang number ko sa upuan sa bus. Tingin ko nagsisinungaling lang sya, kasi hindi nya masagot nung tinanong ko kung saang bus nya nakuha. Correct answer is Marikina AutoLine.




Dear Diary,

Hindi ko muna sinagot si Carlo. Pero parang mahal ko na sya. Kasi ang sweet sweet nya sa text. Gusto daw nya akong dalawin kanina para daw patunayan na mahal nya na ako, kahit wala pa kaming one week nagkakilala. Sayang lang daw kasi malakas daw ang ulan sa kanila hindi sya makalabas. I miss him na! (Kilig)




Dear Diary,

Sa lahat ng naging manliligaw ko si Carlo ang pinaka-demanding. Gusto nya lagi akong nagtetext. Nauubusan na nga ako ng load. Ayoko naman humingi ng load sa kanya, baka ma-turn off. Hindi daw sya mapakali kapag hindi ako nagtetext. Ramdam ko na mahalaga ako sa kanya, so mahal ko na sya. Sasagutin ko na sya, tamang-tama dahil magkikita kami bukas, Diary. I'm so excited!!!




Dear Diary,

I HATE CARLO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

This is the worst day of my life.

Ang usapan namin, 11:30PM kami magkikita, kasi susunduin ko pa ang alaga ko sa mall at ihahatid pauwi. Sabi nya, since gabi na yun, sa bahay na lang nila ako pumunta, pumayag naman ako.

So pumunta na ako sa mall at sinundo ang alaga ko, hinatid sa bahay. Nung mga bandang 11:30 na, nagtext na si Carlo na pumunta na raw ako sa kanila. Hindi na ako nagpaalam kina Ate dahil hindi naman ako papayagan, tumakas lang ako.

Sumakay ako ng bus sa EDSA nang biglang umulan nang malakas. Dapat bababa ako sa Buendia at sasakay ng jeep papunta sa bahay nila Carlo. Habang nakaupo sa bus, naramdaman kong kumukulo at sumasakit ang tiyan ko, at maya-maya eh pakiramdam kong taeng-tae ako. Wrong timing, Diary! Namamanhid ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako kahit basang-basa ako dahil sa ulan.

Nang makita ko na ang kanto ng Buendia, pumara ako. Nagalit pa ang driver kasi hindi daw sila pwede huminto dun, pero nagpumilit ako.

Pagbaba ko ng bus, malakas pa rin ang ulan, at madilim sa nababaan ko, saka ko lang napansin na hindi pa pala ito Buendia, kanto pala ito ng Rockwell! Kaya pala ayaw akong ibaba ng driver.

Pumara ako uli ng bus, pero walang gustong magsakay sa akin. Basang-basa na ako ng ulan, at panay pa ang text ni Carlo, wala akong masilungan. At higit sa lahat, taeng-tae na ako.

Naiisipan ko nang mag-squat dun sa mga halamanan sa gilid ng kalsada pero ayokong mawalan ng dignidad kaya pumara na lang ako ng taxi, kahit kokonti na lang ang pera ko nun. Tinext ko si Carlo na parating na ako, sabi nya susunduin daw nya ako sa Mercury Drug.

Naubos sa taxi ang pera ko at pagbaba ko, wala si Carlo sa Mercury Drug. Text ako nang text, ang bagal nya magreply! Nang magtext na sya, sabi nya lakad daw ako ng ilang kanto hanggang makita ko ang Dante's Eatery.

Kahit inis na inis na ako, sumulong pa rin ako sa ulan keysa maghintay lang, baka dito pa ako sa daan abutan. Nagsisimula nang bumaha sa daan, at habang naglalakad ako eh pataas nang pataas ang baha. Taeng-tae na talaga ako, pakiramdam ko titirik na ang mga mata ko at hindi ko alam kung saan ako kakapit. Mataas na ang baha na nilulusong ko, umaabot na sa funja ng panty ko. Pagdating ko sa Dante's Eatery, wala pa rin sya dun. Nang magtext sya, sabi nya, lakad daw ako papasok sa eskinita hanggang sa makita ang pulang gate. Dun daw nya ako susunduin.

Naiiyak na ako. Gusto ko nang umuwi, ayoko na syang makita, pero kailangan kong gumamit ng banyo. Gabing-gabi na at wala nang mga tao sa daan. Para na akong hihimatayin sa ginaw. Wala na rin akong pamasahe pauwi kaya makikiusap akong manghiram ng pera kay Carlo.

Naglakad ako uli papasok sa eskinita, buti na lang walang baha banda dun. Pagdating ko sa pulang gate, nagtext ako kay Carlo, at after 10 minutes lumabas sya. Iba ang itsura nya sa personal, hindi pala sa kanya yung nakalagay na picture sa Friendster, pero hindi ko na pinansin kasi maligalig na ako that time.

Wag raw akong maingay dahil tulog na raw ang mga may-ari ng bahay. Tinanong ko sya, akala ko bahay nya yun? Hindi raw, driver daw sya dun at ang kwarto nya ay yung nasa gilid. Mula sa kinatatayuan ko sa gate, ang tinuturo nyang kwarto nya ay mukhang garahe.

Pero wala na akong pakialam dahil naghahanap na ako ng banyo. Sabi nya, pigilin ko na lang raw kasi baka magising ang mga tao, usap na lang daw kami sa kwarto nya. Nagmakaawa na ako sa kanya dahil hindi ko na talaga kaya, kaya sinamahan nya ako sa may bandang likuran ng bahay kung saan may isang banyo.

Sabay ko nang hinila pababa ang pantalon at panty kong suot, sabay upo. Sobrang hiya ko sa sarili ko nang makitang may skid marks na yung panty ko. Nang nairaos ko na ang pangangailangan ko, napansin kong marumi ang banyo, na parang matagal nang hindi nagamit. Binuksan ko ang gripo, walang tubig.

Tinawag ko si Carlo at mabilis syang lumapit sa pinto, pinatitigil ako sa pagsigaw dahil magigising daw ang mga may-ari ng bahay. Sinabi ko na kailangan ko ng tubig para maghugas. Dali-dali syang nag-igib mula sa loob ng bahay. Kinailangan ko pang buksan ang pinto, at kahit hiyang-hiya ako, wala na akong magawa kahit makita ni Carlo na nakaupo pa ako sa inidoro nung ipinasok nya ang timba sa banyo.

Awang-awa ako sa sarili ko...

Matapos maghugas napansin kong wala palang sabon.

Tinawag ko uli si Carlo at humingi ako ng sabon. Sa pananalita nya eh parang galit na sya sa akin. Naasar na sya kasi ang demanding ko, pero kalabisan bang humingi ng sabon? Pinipilit nya akong wag na magsabon, marami naman daw tubig, pero hindi ko kayang gawin yun. Pakiramdam ko eh napakarumi ko kapag hindi ako nagsabon.

Pumasok si Carlo sa kusina at bumalik, wag na raw ako magsabon dahil wala talaga syang mahanap na sabon, tulog na ang mga tao at sarado na ang mga tindahan.

Umiiyak na ako habang nakaupo pa rin sa inidoro, nagmamakaawa na humanap sya ng sabon. Naawa siguro sya sa akin, dahil bigla syang umalis at pagbalik nya, binuksan ko ang pinto para kunin ang inabot nyang "sabon".

Hinding-hindi ko mapapatawad si Carlo sa ginawa nya. Napakababa na ng tingin ko sa sarili ko, wala na akong dignidad matapos ang mga pangyayari. Gamit ang "sabon" nilinis ko ang sarili ko at mabilis akong umalis at naglakad pauwi. Kakarating ko lang ng bahay, at bukas na bukas magpapalit ako ng number.


This post is sponsored by Axion the Number 1 Dishwashing Paste in the Philippines.


Joke. Sensya na dugyot mode.

Tinamad ka ba magbasa? Me too. So click mo na lang ito:

this blog on Facebook!

Shameless plugging na ito.

59 comments. Post your comment here.:

taribong said...

wahahahahaha penghapus minyak
at napatawa talaga ako sa word verification: hyrafg

Anonymous said...

axion ang pinanghugas hahahahaha. -kikilabotz

Maldito said...

baka may ksama pang sponge yun ha.ahahahahhaa....

potah..nang dahil lang sa sabon....nawasak na ang kinabukasan ni rowena...lols...

i will never look at the name rowena the same way ever again...

MarcoPaolo said...

Bwahaha! Axion ang pinanghugas doon? hmmm ano kayang feeling... lol

Kawawa naman si ate... akala niya gwapo ang katagpo niya. lol

Robbie said...

potah. =))

Leo said...

hanep ka talaga glentot... hindi na ako makahinga sa kakatawa... nimmy and i enjoyed it. more more! :)

ro anne said...

Hahahahhaha! Ang arte ni rowena lol parang na rape lang!

khantotantra said...

sakit sa bangs si rowena.... at ayos sa sponsor, axion.

:p

Jepoy said...

ikaw na may fan page! Ikaw na!

I love the subtle honesty on this post.

Ang ganda ng structure pwede kang maging writer.

Blog on...Exlink pls?

Tenchow!

WordVerif: Kendat

bulakbolero.sg said...

si rowena na ang naghugas ng pwet na dishwashing soap ang ginamit. sya na.

Lord CM said...

takte! mahal mo na pala ah! lolzz

Axl said...

whahaha pude na gawing flick sa saing small film galing :D

Oliver said...

ung lemon scented ba na axion yan?
Pag nakita kaya ng Axion to, gawin nilang bagong ad?

claudiopoi said...

HAHAHAHA! putacles! sosyal si ati at mahilig mag-squat sa mga halamanan. haylabeeet! ganda ng structure! (jepoy, eternity)

my-so-called-Quest said...

sana yung antibact ang ginamit nya dba? hehehe

Mokong™ said...

Axion? Magagalit si Michael V sayo dahil may sabon pa o! hehehe

VICTOR said...

At least hindi Tide eraser bar. O Ariel (na may Oxybleach granules).

Klet Makulet said...

haylabet! ang kulit hehehehe isa pa nga glentot! hehehe

hArTLeSsChiq said...

aliw! anong scent kaya ginamit ni rowena na panghugas?? LOL

Yan ba yung orange na bus?haha mahanap nga number niya dun..:))

Will said...

Hahaha, kawawang "sabon".

Nice ng pagka-epistolary ng form ng fiction mo. keep it up, glentot!

Pao said...

haha. Poor Rowena.

KUMAGCOW said...

Axion ang sabon pero CHILI FLAVOR!

Wahahahah XD


mahapdi ang ****** ni rowena pagkatapos ng kwentong to heheh XD

Yffar said...

Ilang pwet kaya ang kayang hugasan ng isang 200g Axion dishwashing paste? XD

lol, kawawa naman si rowena.

at good luck sa mga pinggan ng amo ni carlo bukas, hahaha. XD

Anna said...

iba ka talaga glentot, may libreng plugging ang axion!

Yj said...

oh well... ano pa ba masasabi ko kundi..

tangnamo!

Momel said...

Ahaha, do ko ma-imagine, dishwashing paste for your puwet! At least sigurdong squeaky clean siya at puwede na siyang manalamin dun sa linis. May kilala akong bakla, sa kainitan eh hindi niya namalayan na St Ives Apricot Scrub na ung ginamit niya. Imbis na dumulas eh...

Pak! Alam na! Chaka ng segue, hindi civilized.

Cheers Glentot!

orally said...

ahahahahah
i love rowena.
maparaan. matiisin.resilient.
from lock and lock to axion!
ikaw na ang endorser

Chingoy said...

hayup!

Emmaleigh said...

lol! naawa ako ke te! haha jusme nagka nicotine na ang panty nya makita lang si Carlo. =))

Michael said...

Malaki yata ang advertisement fee sa iyo ng Axion, glentot, para iendorse ang dishwashing paste nila sa isang napakaligalig at punumpuno ng dignidad na pamamaraan!! Kudos to you. LOL.

Ikaw na lahat!! :D:D:D:D

MiDniGHt DriVer said...

hehehe.. naisingit mo pa din ang facebook page mo!

The Philippine Guild said...

himala. di ako nagskip read. anong may sa-demonyo ang post na to at na-lure akong magbasa

you know my name said...

like ko ito hehe, basta gawa mo like ko. fan??? hehehe lol

Poldo said...

at least malinis na ang wetpaks kahit dis-washing paste ang ginamit.. isipin nalang na plato ang pwet nya hahahaha...

ayos! nilike ko na ang fan page woohooo!!

darklady said...

Survivor! hahahaha. Ang daming pinagdaanan makita lang si carlo este makatae lang.lol

KikomaxXx said...

hahaha... hahahaha... hahahahaha.... keep it up... wahehehe... wala ang engot ang din ng comment ko...

Ako si Yow said...

Payn! Ikaw na manunulat at may makathang isip. Dugyot naman ng love story ni Rowena at Carlo. Haha. Sumakit ang ulo ko pagkabasa. Di ko alam kung bakit? Haha.

Ikaw na nga ang sikat! 13 lang kami nung nilike ko kahapon, ang bilis dumami.

WV: Tessit.

2ngawzki said...

Dugyot...Umurong pwet ko sa kwento mo!hahaha.Nakakaiyak nga ang jumebs ng walang sabon...ahahaha!!!

Ayie said...

As usual, tumatawa na naman ako dito mag isa sa office. Napapalingon na ang mga kasama ko---parang baliw lang talaga ako.

..ayoko na nga magbasa dito, napapanaginipan kita tuloy lagi!

Fave word: PUNJA (hahahah!)

Andy said...

puta ka. puro ka kadugyutan!

fumbledapple said...

Ambaho Kuya Glen! Sira ka talaga... :))

Xprosaic said...

Ikaw na ang may credibility sa endorsements... looking forward for more paid ads....lol....

word verification: seepti --->seepti first!

mjomesa said...

wahahaha...

axion talaga..?

sabi ko na nga ba walang kwenta na naman ang shit na to..wahehehe...

mwahchupa pa rin;/

p0kw4ng said...

ang arte ni rowena parang ako lang!! di din ako pwede ng walang sabon at tubig pag naghuhugas...pero wala pa namang nag aabot ng axion sa akin,hihihi

asiong32 said...

wahhhh...walang mahanap na bareta si kuya kaya axion na lang!!!!!

word verif ko: toximu

silentassasin said...

L O L

After reading this..Axion will never be the same again..haha

This post makes me wanna click the like button.

iprovoked said...

Really nice, sir wicked! Natawa ako imperness! Naawa ako kay Rowena. I know how it feels na matae ng ganun pero walang banyo! hahaha, parang tanga kasi si Carlo! LOL. Ituloy mo pa, bebenta 'to I'm sure! :]

pusang kalye said...

ewww nakong ewwww habang binabasa ko to. disaster naman talaga. at syempre andun yung classic natatae storyline na gustong gusto ng mga readers including myself kasi one way or another nakaka-relate.wawa naman---kaabang-abang ang ext entry sa diary nya.lol

Chris said...

Binura yung comment ko last night. Nagpaulit ulit ata kasi ng post. Pasensya! :)

Sa tutoo lang tawa ako ng tawa habang binabasa ko tong entry na ito. Dahil siguro relatable ang story. Di ba't ganun talaga ang eksena pag jebs na jebs ka na at andaming balakid bago ka makaupo ng indiro? lol

Well done, Glen. Keep 'em coming! :)

Artiemous said...

napaka matiisin ni rowena akalain mong nagawa nya ang lahat ng iyon sa ngalan ng pagibig! :D

Kaitee said...

Nyay! Eh di ang lagkit nun?

jasonhamster said...

takte wahahahahah

ang moral lesson.. magbaon ng joy liquid. maraming gamitan pa. oha oha
ang paneh

caloy said...

nageexpect ako ng mga puki at titi sa post na to. sayang! hahahahaha! pero oks lang. natawa pa rin ako. :D

ahmer said...

di ko pa na like yung page mo hehe

APE said...

leche ka talaga Carlo. tubuan ka sana ng cauliflower sa betlog.

Myrtea said...

kakabitin ang lintik na entry na'to, kala ko pa naman may reyp scene sa dugyot na inodoro! hahah!

in "furnace", sosyal pa ng konti si carlo at hindi Dazz ang binili nya!

panalo ka sa puso ko glentot!

King Lear said...

langya, ang ganda! tawa ako ng tawa!
XD

ʎonqʎʇıɔ said...

tangina hayop ka. ambaboy! it's so.. how does yj describe it? DIRTY. lol

June | Life and Spices said...

Si ate naman.."sabon" talaga? pwede namang "liquid soap"..hahaha ayan! wag makikipag textmte..kahit fiction to awang awa ako sa bida... anep..

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding