the blogger behaviour

Wala lang.





Ganda ng intro ko. Effortless. Fascinated lang ako sa human behaviour kaya naisip ko gumawa ng post tungkol sa mga obserbasyon ko sa mga behaviour ng mga bloggers. Hindi ako expert, pero lahat ito ay resulta ng masusing pag-aaral, matinding research at madibdibang pakikipagchismisan.

Wala po akong pinapatamaan dahil hindi ko naman sinasabing mali ang mga behavior na napagmasdan ko. Napansin ko lang at gusto ko lang i-discuss dahil wala pa akong maipost na porno, sorry Kids!!!

So eto na ang mga napansin kong ugali ng mga bloggers base sa interactions nila sa blogosphere.

Skip Readers - Guilty! Sobrang guilty ako dito at maraming beses na akong nahuli. Minsan kasi mahaba talaga ang post at... mahina ang katawang lupa ko, hindi ko sya kayang tapusin. Kaya magbabasa ako either sa umpisa o sa dulo, at magpupumilit makaisip ng comment. Hihihi! OK lang yun kasi marami rin naman ang gumagawa nito sa akin.

I Second the Motions - Sila yung walang mai-comment kaya mangagaya ng comment ng iba. "Agree ako sa comment ni Blogger whatsoever!" Extreme na yung icocopy-paste na lang ang comment ng iba at aangkinin thinking na hindi mapapansin ng may-ari ng blog. Guilty uli ako!

Video Error - Kunwari ayaw mag-play ng video at susubukan uli mamaya. Guilty! Effort kasi mag-buffer lalo kung sa office ka magbo-bloghop. Ayaw mo naman sabihing ayaw mong i-play ang video. Kaya magsisinungaling na lang. Guilty!

Choosy Commenter - Pinipili nila ang cocommentan nila ng magandang comment. Yung comment nila sa isang blogger, ang haba-haba at pinag-isipan. Tapos ang comment nya sa iyo eh "Nice post keep it up." Kahit pareho lang kayo ng topic. Usually, ang mga Choosy ay nakafocus hindi sa post, kundi sa Profile Pic.

Inggitero Much? - Nainggit sila sa post ng iba kaya ginaya nila. Hahaha Guilty!!!

Promising - Mangangakong gagawa ng pic greet. Lahat naman ng pinangakuan ko eh binigyan ko. Pero may times din na kapag kinaiinisan ko yung blogger eh sasabihin ko "Wait for my pic greet!" Tapos bigla akong mawawala into outer space.

Drawing - Hindi nakasama sa Blogger EB at sobrang naiinggit, with matching "Sasama ako next time!" Dumating na ang next time, ni anino ng drawing ni blogger ay no-show. Kapag nabalitaan nya uling may Blogger EB, the cycle repeats. Ayos lang yan, disappointing din naman ang mga Blogger EB...

BWAHAHAHAHAHA JOKE LANG magagalit yung mga nakameet kong bloggers. I can say na yung mga nameet kong bloggers in person ang mga pinakamatitino at pinakamasarap kausap. Except Andy na bwisit ang presence. Bwaha joke!

Eyeballers - Opposite ng Drawings. Masipag sila sa EB, walang pinapalampas. Pero ang tatamad magpost. Bale mga sex predators sila at sa blogosphere sila nagha-hunting. Joke! Uy YJ joke lang baka mapikon ka. Bwahahaha pasimpleng name-dropping.

Picture Commenter - Gawain ko rin ito! Ang haba lang talaga minsan ng post, eh d iba A pyecture pyents a thouswand words so mas madali syang basahin isang tingin lang may comment ka na like... "Nice pic!" o kaya "Nice shots!" kapag photoblog.

Marketing Specialist - Nagpunta sya sa blog mo hindi para magbasa, magcomment at palakihin ang ego mo, kundi para iwan ang link nya. Kanya-kanyang paraan yan para makipag-interact. How to spot mga Marketers: generic ang comment, at parehong-pareho as in identical sa comment nya sa ibang blog dahil copy-pasted. Sa dami ng bloggers na iniwanan nya ng comments nyang "Nice post please check my latest post about my dog's trip to Timbuktu" hindi nya narealize magkakakilala ang mga bloggers na yun.

Wowowee Phenomenon - Sila yung mahilig magpa-contest, but the catch is, ang mananalo sa contest nila ay yung crush nila sa pamamagitan ng "random raffle draw". Hindi ko sinasabing lahat ng nagpapcontest ay ganito ang ginagawa, may isa lang akong kakilala, si Miss Hidden Agenda.

Witty Commenter - Sobrang out of the box mag-isip ng comment, bilib ako sa kanila, their comments are really worth waiting for. Isa sa mga ganitong commenters na napansin ko ay si Olyabut, pati na rin si The Philippine Guild at si Momel. I'm not saying na walang kwenta yung iba, dahil all comments are appreciated... except kung negative dahil galit-galit na.

Word Verifiers - Sila yung isasama sa comment kung ano yung word verification na tinype nila at hahanapan ng connect. Parang gusto kong tawagin silang "The X-Prosaics" hahahahaha! Talented!

Fans - Sila yung kahit magunaw ang daigdig eh magcocomment pa rin sa post mo. Sa maganda mong posts, present sila. Sa panget at walang kwenta mong posts, mga pagmumukha pa rin nila ang nakabalandra. In the blogosphere they are called your fans, in real life they are called your friends. I'm sure magagalit si Ayie kapag wala syang special mention... bwahaha.

Khikhi - Sila yung mga taong matapos laitin sa isang blog post, eh gustong gumanti at gustong mag-iwan ng matinding comment, pero hindi nila magawa sa kadahilanang hindi nila alam kung paano mag-iwan ng comment. Illiterate. Magtatanong pa sila sayo kung saan magki-click.

Egotistic - It's all about Me Me Me. Kahit blog mo ito, dito ako magkwekwento about Me Me Me! Gawain ko ito kapag nakakarelate ako sa blog post. Sorry lang. Na-carried away ako eh.

Alternative Routes - Sila yung ayaw magcomment sa post mo, pero magcocomment pa rin sila sa ibang paraan. Imemessage ka nila sa Facebook o kaya itetext ka nila. Ang dahilan, sensitibo ang comments nila at maraming magagalit kapag may ibang nakabasa. For your eyes only.

Copy-Paste Quotes - Copy-paste ng snippet sabay "Agree ako dito." Wala namang masama dito, may napansin lang akong blogger na lahat ng puntahan nyang blogs, ang comment nya ay "Agree ako dito" sabay copy-paste. Effortless na, hindi halatang skip-reading pa. I think magiging gawain ko na rin ito from now on.

Recycled Pic-Greet - Eto ang mga sobrang rare species. Pero recently may nahuli akong gumawa nito ahahahaha! Yung picture greeting na binigay nya kay Blogger 1 ay ibinigay nya rin kay Blogger 2, nakalimutan lang nya palitan ang pangalan sa greeting... Caught in the act!!!

Anonymous Reader - Wala silang interes sa pagkatao mo at hindi ka nila hangad makipag-x-links. Pero gusto nila ang blog posts mo, quiet lang sila. Hindi sila nagcocomment pero lagi silang nagbabasa at nag-aabang, at magugulat ka na lang kapag nakita mo sila in person, sasabihin nila "I love your blog!" [This happened to me one time.] Nakaka-antig ng puso.

Back Reader - Sila ang masyadong natuwa sa iyong blog at binasa lahat ng posts mo, from latest to oldest. It takes them weeks, pero kebs lang. Nakakataba sila ng puso. Ginagawa ko ito minsan, lalo kapag may kaakibat na masamang intensyon talented ang blogger.

Anonymous Commenter - Sila yung may mga account naman pero tamad mag-login kaya Anonymous na lang pero lalagyan din ng name sa dulo, di ba Kikilabotz?

Mischievous Commenter - Sila yung mag-aAnonymous dahil gusto lang nilang awayin/asarin yung blogger. Gawain ko ito sa blogs ng mga friends ko. Mag-iiwan ako ng stuff like "Ew yung header mo chaka!" o kaya "Buntisero panagutan mo ito!" and other fun stuff. All in good fun naman.

Donato Alberto - May sarili syang category. Sila yung mga taong walang sariling blog, pero pakalat-kalat sa blogosphere dahil ang sisipag magcomment. Mabuhay ka!

Undetected Sarcasm - Gawain ko ito. Magcocomment ako ng napakaganda at napakainosente. Pero may double meaning! Sarcastic lang pero hindi halata... Lalo kung kinaiinisan ko yung blogger! Try mo it's fun.

Malicious Intention - Mga nagcocomment dahil gusto nilang makasex yung blogger na yun. Umamin ka! Minsan mong pinagnasaan ang isang blogger at the first step towards your goal is magpa-pampam sa comments. A very good example is YJ. Joke uli! I swear I was just joking. Sobrang joking lang, i-confirm mo pa kay Claudiopoi ahahahahahaha.

Novelist - Ang comment nila ay mas mahaba pa sa pinost mo. Ganun sila matuwa. Kaya inaabangan mo lagi ang comment nila. Good day to you Dhianz!

X-Linkers - Bigla ka nilang ilalagay sa links nila without telling you, dahil gasgas na ang pickup line na "Care to exchange links?" It's a very good way to show your appreciation for a blog without telling the person. It's so genuine, actually gawain ko yan dahil ang bait ko.

Yan lang po ang mga kakatuwang interaction na napapansin ko sa blogosphere. Wala sanang maoffend o makarelate nang very very nice at bigla na lang magalit.

And would I like to apologize to YJ Andy Ayie Claudiopoi Momel X-Prosaic Donato Alberto The Philippine Guild Kikilabotz Olyabut and the rest if I mentioned you without your permission. Aalisin ko if you want! Kebs na kay Khikhi wala nang apologies sanay na sya.

Pansin nyo hindi ako nagmura sa post na ito? Curable pala ang Tourette's Syndrome!!! Bye Kids mwahchupa.

86 comments. Post your comment here.:

ahmer said...

Parang wala ata ang behaviour ko dito? Haha

Kaitee said...


Recycled Pic-Greet - Eto ang mga sobrang rare species. Pero recently may nahuli akong gumawa nito ahahahaha! Yung picture greeting na binigay nya kay Blogger 1 ay ibinigay nya rin kay Blogger 2, nakalimutan lang nya palitan ang pangalan sa greeting... Caught in the act!!!


Buco Salad, ikaw ba yan? Hahaha! :)

Ouch, tinamaan ako sa iba. :D

Moks™ said...

ang daming kong sinasang-ayunan sa mga yan...yung mga nauna...OOppps guilty ako...hahaha

claudiopoi said...

glentot!

tawa lang ako ng tawa dito! pero nakakaramdam ako ng YJ backlash! hahaha!

ang daming tamaaaaaaaaaaaaa sa mga categories na to! siguro 8 times yata akong natamaan!

haha! magandang pampagising ito! :D

Ester Yaje said...

ang haba naman. pero aaminin ko may part na guilty talaga ako. so what? hahaha.

Maldito said...

amdami akong na realize...sa sobrang dami gusto ko nang i delete ang blog ko.

haha ha ha ha..

at dahil sa post mo na to..dumami ang nalalaman ko sa mundo ng blogging...

at may na CONFERMM!!!


ahahahaa...

nyabach0i said...

hindi ko naabsorb ng bongga. haha. siguro dahil denial stage pa rin. kamote. hahaha.

Chingoy said...

guilty as charged! hahaha

gusto ko yung pic greeting recycled

care to exlink? nice post!

Kaitee said...

May award pala ako sayo Kuya. Peace!

http://www.kaitee.tk/2010/11/bloggers-awarded.html

Axl said...

whahahah... wag ganun.. guilty ako sa mga list dian.. pero di naman lahat heheh "D

Pinoy AdvenTurista said...

"Nice post keep it up." I agree!!! wahahaha!!! effort ah! akalain mo yun, nakapag buo ka ng mga iba't-ibang uri ng nagco-comment? mabuhay ka Glentot!!! hehehe!!!

Dhang said...

hindi ba kasali dito 'yung pinamimigay link ng blog mo sa mga kakilalang may interes magbasa ng blog? hehehe. ah siguro kasama na 'yun sa fans. :) ako 'yun. haha! lahat na lang ata ng may internet na kakilala ko at nagblobloghop ay sinasabihan ko na bisitahin blog mo. ayun, nagiging instant fan mo din naman sila. tahimik nga lang kami, 'di masyado nagcocomment kasi shy sa'yo. :D hihihi...

2ngawzki said...

Napaka keen observer mo talaga idol..In short, chismosong laitero!hahaha!!!joke lang.Oo na nakakatakot talagang mascrutinize ng isang glenntot!!Sinong aangal sa sikat?hahahaha!!!aun o!

Andy said...

pakyu ka glentot! gusto mo ilabas ko ang pictures mo sa airport with the background? bwahahahaha! *evil laftir*

dahil sa pagkahaba-haba ng post na to eh nag-skip read ako! fuck!

Andy Pogi
atufflife.blogspot.com

ahmer said...

Ang daming patama at parinig ah For sure may pinag hugutan tong post mo hehe

wv : Pasha

Unni-gl4ze^_^ said...

spell guilty ahihi
teka nakalog in na ko now ayaw ko ng mag anonymous commenter gaya ni kikilabotz hahaha...
wahh natakot naman ako bigla dun oh sa Undetected Sarcasm nyhahahaa...
ikaw na ang researcher at very observant kaya kita idol~^_^
teka pwede xlinks tau hahhaa,,,adik lng^^

- A n g e l - said...

Wow, ang extensive ng list! Which got me thinking: alin kaya ako jan sa mga yan? Wehehe!

salbehe said...

Anonymous Reader. Present.

eMPi said...

Lahat na ba ng behavior nasabi mo na dito o may kulang pa? haha

yong iba guilty ako. :D

totoo yong marketing specialist. tapos pag klik mo yong site. toinks! di mo alam kung alam salita yon. lol!

Will said...

Hindi ko binasa ang lahat. Agree ako kay emPi, basta. Ayaw magload ng blog mo, subukan ko mamaya. Nice profile pic tol! Gagawa rin ako ng ganito. Wait for my pic greet! Sasama ako next meetup, pramis. Nice post please check my latest post. Me Me Me ME! Text ko sau yung comment ko ha.

Agree ako dito.

Care to exchange links?

Nyahahahaha!!!

WV: menti

claudiopoi said...

parang nakadrugs lang si will. haha :)

Jag said...

Ang ganda ng post na ito very inspiring hahaha...adik!

Will said...

@claudiopoi: halata ba? hehe

claudiopoi said...

oo, sa kakathesis mo yan! haha. kung makasagot ako, parang entry ko to. hehe. tigilan na ang chat na ito! pambihira!

KikomaxXx said...

nyahaha.. ayun guilty naman ako sa iba pero sa iba talagang addict na talaga... may naiwan ka pa.. yung di talaga babasahin yung post mo tsaka babasahin nalang yung comment ng mga nagcomment sa yo tapos dun nalang gagawa ng analysis about sa post mo hahaha...


WV: Ouwse

kaye said...

hmmm...at least alam ko naman na di ako magcocomment sa mga posts mo kung di ko siya binasa nang buong buo. in fact, may mga panahong nagbackread pa nga ako. hehe

pero natawa ako kasi habang binabasa ko yung mga sinulat mo naisip ko na gawain mo nga yung iba. haha! no offense meant, pero alam ko naman na di ka nagbabasa ng buong buo ng post ko, di ka rin naman napupunta dun nang madalas. hehe. pero ok lang yun. hindi naman ako nagpupunta dito dahil lang gusto ko namang magcomment ka sa mga posts ko. nageenjoy lang ako magbasa sa mga makukulit mong sinusulat.

at shempre, guilty ako for putting you in my blogroll because talagang gamit na gamit ko yun para madali ko malaman kung may mga bagong posts ang mga madalas ko puntahan. hindi din ako nagpaalam sayo kasi ayoko magpapampam. di naman ako nagbabloghop para ilagay din ako sa mga blogroll ng mga pinupuntahan ko. gusto ko lang talga basahin ang mga sinusulat nila :-)

shempre agree ako sa maraming mga sinabi mo. ang ayokong ayoko yung magpapaex-links nang di man lang nagbasa ng sinulat mo. kahit di na nga magbackread, basta basa man lang ng sinulat mo at magcomment tungkol dun bago magpaexlinks. kaso ang angas, ang comment lang e kung pwede magpaadd sa blogroll. pag ganun, dinedeadma ko.

namiss ko magpunta dito. wala na kong social life dahil sa trabaho. :-( at dahil diyan, mala-blog post na rin ang comment ko. haha. sorry naman.

VICTOR said...

The sheer profundity of this extensive and learned list is a reservoir of clear insight into the variety of our often mundane blogging experiences...

Its utter truth and undisguised humour are like beacons of light...

(Shet effort to ah.)

kikilabotz said...

bwahahahahaha. ayan nakalog-in n ako. hahahaha. minsan lang nmn. buti na lang hindi ako skip reader. hahah

Renz said...

Aw. sapul ako.
Anonymous reader kasi ako dito XD ;]
hindi man ako nagcocomment nagbabasa naman ako. Yun naman ang mahalaga. :]
haha

Ollie said...

aakuin ko ang mga sumusunod:

choosy commenter - comment lang ako kung interesante yung post.

Drawing - wala akong access sa mga EB skeds eh hehehe. - kung alam ko ang mga skeds, baka makasama ako, try ko. *grin*

Witty commenter - sometimes, parang mas magaling or mas may energy pa ako mag comment kesa mag post hehehe.

Ingetero much - nag hi hiatus na lang ako.

Egotistic.

Mischievous commenter - I've done this one time. It's a constructive criticism naman para lalong mapaganda pa ang blog nya.

Undetected Sarcasm.


Bago para sa akin yung "Malicious Intention" - may nangyayari palang ganyan hahaha. Ibang site kasi ang supplier ko ng pechay.

Diamond R said...

parang dinapuan ako ng hiya bigla sa aking katawan kasi tinamaan sa mga obserbasyong nabanggit. ganon pa man if you are doing it kasi gusto mo lang naman silang makilala at mapalapit sanay mapatawad nila( talagang nagpaliwanag) parang maitutuwid ang kamaliang nagawa na.
pero kaya masaya ang mag blog.

Klet Makulet said...

iniisip ko kung alin ako sa categories na binigay mo, akala ko sa dulo ay nakalagay yung sinabi mo na nakikipag-usap sa sarili wehehehe yung baliw-baliwan pero totoo :P o baka nga nasabi mo pero mahina ang pangintindi ko kaya di ko nabasa o bulag lang? ah ewan basta yun! wehehehe

Avee said...

Ayos, lahat napansin :-D Natatawa ko kasi napapansin ko din to minsan at guilty din ako sa iba hehe :D

Yj said...

tangna mo! hindi ko ipapatanggal ang name ko pero i-link mo naman blog ko sa name ko!

shit ka! PAKYU!!!!

ambait bait ko kaya....

wordveri: iyota - agiyot ta kano!

please visit my blog http://manilabitch.blogspot.com

you have a very nice blog. keep it up!

Oliver said...

witty ba ako? nyahaha.
out of the box oo, kasi minsan walang sense na ata sinasabi ko.

word verification: irest

- anonymous

ro anne said...

buhay pa ba si donato alberto? LOL! galaw galaw baka mastroke! haha

glentot said...

Ahmer meron ka jan ikaw yung... wahaha joke.

Kaitee Hahaha nakita mo rin pala!

Moks Ang dami ba hahaha ayos lang yan pareho tayo

Claudiopoi sanay na ako sa backlash ni YJ and I think na-flatter pa yata sya ngayon...

Ester Yaje ayos lang yun wala namang masama haha

Maldito Anong naconfeeerm mo hahaha

nyabach0i Tama wag mo i-absorb masyado wala namang kwenta itong post ko haha

Chingoy lahat naman tayo guilty! Ask mo si Drake about sa pic greet haha

Kaitee nakita ko ang award naflatter naman ako! Sana hindi ko ka-share sa award si Jepoy ahahah salamat!

Axl Hahaha naisip ko lang kung posible ba sa isang tao na ma-guilty sa lahat ng yan

Pinoy AdvenTurista Yan ang resulta ng isang boring life

Dhang maraming salamat, ngayon ko lang nalaman yan kung hindi mo pa sinabi ang I really appreciate it... it's those little things that really count! Mwah!

2ngawzki Kung makapuri ka naman level level lang tayo! Haha if I know malakas ka rin manlait!

Andy Cge ilabas mo dahil wala naman ako sa picture na yun hahahaha. At kilala kita skipreader ka nga! hindi na ako nagulat

Ahmer yeah kung saan saan ko sya pinaghuhugot haha

Unni-gl4ze^_^ Haha hindi ko naman ginawa sayo yung Undetected Sarcasm ang bait ko kaya sayo! Hahaha

- A n g e l - Dun ka sa Witty Commented o ha? hehehe

salbehe At pasulpot-sulpot hehe naguilty tuloy ako kasi bihira lang ako sa iyong blog...

eMPi Hahaha nasamid ako nang mabasa ko ang comment mo kasi may kilala akong ganyan para syang alien

Will - Promise will ikaw ang ma-effort na comment sa post na ito hahahaha panalo hands down!

Claudiopoi Right, must be the thesis.. Chat lang kayo it's fine with me para magmukhang marami ang comments ahihihi

Jag Inspiring ka jan!!! Pinagtatawanan mo ako eh hahaha jk

KikomaxXx ang tawag jan ay Para-Paraang Commenter hahahaha nice one!

kaye pakiramdam ko talaga habang binabasa ko ang comment mo eh pinapagalitan mo ko ahihihihi joke. To be honest, when I go to your blog and see 100+ comments I think, She doesn't need my one comment anymore hahaha so yun dami ka na fans eh hehehe I didn't mean to offend anyone, lalo yung putting someone in the blogroll without telling the person is supposed to be very positive, nagiguilty ako if I don't return the favor... Thanks for your comment it's very insightful!

VICTOR dumugo ang left nostril ko. hahaha. Alam ko naman ang gusto mong sabihin talaga is "Blog on!" ahihihihi

kikilabotz hahahaha wala lang joke lang yun gusto lang kita i-single out hahahaha

Renz hala nahiya naman ako tuloy at tama ka mas mahalaga yung kahit walang comment eh nagbasa, pero it's OK naman sa akin I'm not complaining kasi ganun rin ako sa ibang blogs heheheheh salamat ng marami

Ollie I forgot to put you sa Witty Commenter! kasi tama ka minsan nga todo ka magcomment as in hataw, like now.

Diamond R Haha wala naman akong gustong i-single out kundi yung mga ni-namedrop ko hahaha at tama ka gusto ko lang makilala ang lahat at maka-close I'm sure I can get away with what i said kasi makikita nila ang bait bait ko ahahahaha

Klet Makulet Sa category na yun ikaw lang talaga ang nag-fit hahahahaha!

Avee We're all guilty so no damage done hahaha

YJ I knew it, you turn insults into flattery. Which is so YOU.

Oliver At dahil sa last mong comment na yan binabawi ko na ang Witty Commenter hahahahahaha jk

Ro Anne Sana lang buhay pa sya at sana lang mabasa nya ito kasi award ko ito sa kanya hahahahaha

orally said...

shet, nag-isip tuloy ako kung mag-cocomment ako sa entry nato or hindi, kasi guilty rin ako sa iba dyan

and i love momel's blog

ahmer said...

kung makapag comment naman si Victor. nosebleed. lol

Ako si Yow said...

Yow: Anonymous blogger. Haha.
Ang dami nito at yung iba na feel kong ako yun pero solid na di pa ako nagskip read. Haha. Tatry ko minsan kaya lang di ako epektib magpanggap.

At nagreply ka sa comment ha? Whoa!

Poldo said...

hahaha.. observer kang talaga!!! sige admit ko na may iilang pagkakataong naging guilty rin ako dyan bwahahahaha...

Huwaw! nagcomment back na!!

Robbie said...

Wahahaha benta. Guilty ako sa iba. Ako ako ako. Wahahaha. Funny post Glenn, keep it up.

Pero parang ang cool nung mga nag-iiwan ng word verifications. Magawa din. Pero wag na dito. Hahaha.

Traveliztera said...

GUSTONG GUSTO KO TONG POST NA TOH. u never fail to amuse me. NICE POST! KEEP IT UP GLEN! :p

i SECOND THE MOTION!!!i agree sa comment ni ano...
teka ayaw magload ng video kaya ifoforward ko sa blooper na "BROADWAY" ahem.
Ngapala, salamat dahil isa ka sa mga maaagang nagbigay ng picgreet. dahil dyan, ako na presidente ng fans club mo. =p
OY guilty ako na d ako nakakattend ng EB pero NAKIKITA KO KAYO ACCIDENTALLY LALO KA NA! hahahaha!!! :P SULPOT KUNG SULPOT! :P
Kasama ka sa EYEBALLERS ! :P

xlink nga jan. HAHAHAHA!
ME ME ME ME. ANUBAH.
nagcomment na ako sayo somewhere. MUHAHA alternative route wahooo!!!
okay nice one... oy ung copy-paste quote ko napakasincere kaya. grrr ka. haha! :P kasi after ng copy-paste ko, may mahaba akong explanation bakit ko napili un. HAHAHA! o see! yan ang may sincerity. :P

bilib ako ron sa recycle pic greet! :P HAHAHA
onga si kikilabotz number one anonymous commenter. HAHAHAHA!

meron ka bang mischievous commenter? nako ako parang mawawalan kasi d na ako nakakacomment sa iba. anhirap kaya magcomment sa lahat. pwede bang magbasa pero d mag iwan ng marka? at least sincere akong nagbasa talaga ako. LOL kesa nagcomment tapos halatang d nagbasa. hahaha! pero totoo... nagbabasa talaga ako pero minsan wala akong oras makapagcomment or wala lang akong masabi. haha!

At like what i told you, dapat gagawa rin ako ng isang post na tulad nito dahil maraming nakakatawang nagpaparamdam sa blog ko. hahaha! mga multo men. they're amusing hihihihi!

Traveliztera said...

word verifier ko: BIGATiEN. yeeeeeeeees bigaten ang post na toh! wahoo

Traveliztera said...

ANO. IKSI NG COMMENT KO NOH ! :P
ang tawag sakin
"BAWIERS" hahaha bumabawi kasi antagal kong nawala hahahaha. joke lang pero naaliw tlaga ako sa blogpost na toh

Donato said...

@glentot: saang category kya ako d2? hahaha!.. buti na lng hindi ako nag skip read. special mention pa pla ko. hehe.

@roanne: oo nman, buhay na buhay. nagbabasa ko ng mga post mo. di lng ako nagko-comment kc andami ko din binabasang mga blogs. nakukuha ko din sa mga "recommended blogs" nyo. hihi

Traveliztera said...

BUTI HINDI AKO KASAMA SA MENTIONS. IBIG SABIHIN MABUTI AKO. harharhar!!! :P pero FLOODER pwede rin. :P HAHAHHAHAHA

APE said...

I agree with all the 47 post above! Lol.

p0kw4ng said...

di ako guilty sa lahat ng yan!! bang! bang!--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------deadmeat!!! ahahahaha

Greta said...

ikaw na ang madaming na observe sige!aminado akong FAN..bakit ba!tsaka pag blog mo hindi ako nagsskip read..sinusulit ba ung kuryente!may landeng kasama?!

nice post keep it up!

my-so-called-Quest said...

bakit ngayon ko lang to nabasa?

ayan idagdag mo - late commenters. hahaha

langya guilty ako sa iba... fine. madami! hahaha pero pinakaguilty guilty ako sa copy paste quotes. nyahaha!

MiDniGHt DriVer said...

inggitero much!== akong ako to.. hahahaha

bulakbolero.sg said...

indi ko inaakalang sobrang dami palang klase ng bloggers.

bilang baguhan, mga 2 o 3 sa sinabi mo ay medyo guilty ako. hindi ko na sasabihin kung ano. baka mabuking. wahaha.

Anna said...

ang daming comments! ang dami daming naka relate. haha

Allen said...

Im back! wahahahaha! namulube kasi ako sa domain. nag-expire na e wala akong dullars to pay. haha.

dami kong categories dito. sapul ako. hahahaha!

oo nga di ka nagmura. tang ina mo. wahahaha!

Michael said...

I second the motion!!! Agree ako sa ibang bloggers!!! LOLOLOLOLOLOL.

WV: dockers

Dhianz said...

akalain moh 'un 50 plus koments? tsk! iba na tlgah ang sikat... special entry ka pah kay kuya moks... oh yeah... i'm tryin' to figure out san akoh dyan... san bah akoh dyan wafung glentot? nde akoh skip reader, nde akoh 2nd d' motion, video error nde ren.. unless i'm usin' mah fone to blog... choose commenter nde ren... depend kung nde akoh makarelate sa blog, inggitero well minsan... lol... promising drawing eyballer picture commenter marketing specialist wowowee phenomenon nde ren akoh yan... witty akoh yan!!! kafal.. haha... eh! lol... word verifier... nde ren... FAN! yeah i think akoh yan... so i'm ur friend??? lol... egotistic... hmmm... minsan atah... ung tipong nakakarelate akoh sa entry at mapapakuwento... alternative routes nd copy n paste quotes... nde ren ah basta ung rest nde na atah akoh yan.... akoh ren sumagot nang sarilin kong tanong... i think i'm a FAN! so yeah essay nah toh.. i'm out.. peace! Godbless!

Traveliztera said...

AYAN. SHINOUTOUT NA KITA SA LATEST ENTRY KO. DARING YOU. muhahaha

egG. said...

sa first paragraph pa lang natawa ako ewan wala lang lolz....

super nice post!!!!!!!!!!!

Emmaleigh said...

ang haba ng entry! wahaha

guilty ako sa skip readers category haha lalo na kung sobrang mahaba tpos wala naman sense, paulit ulit lang. gaguhan in short. meron naman mga iba na mahaba pero umpisa pa lang nakakawili na. =))

basta ako yung mag comment e litanya. =)) ewan madaldal mga daliri ko e. =))

Pao said...

Hahahaha. Lakas! Nagfoformulate ako ng ganito ko but not this much. Ang creative ng wala, gifted pala may mga Tourette syndrome. Hahaha

Jepoy said...

After kong basahin ito at nakita ang dami ng commenters sa blog mo. Parang gusto ko nang i close ang blog ko at sabihing blog mo nalang ang nag eexist sa mundo.

Nainggit me much.

Makapag close na nga ng blog.

Ang by the way nice post keep it.

Structure ka!

Traveliztera said...

jepoy, arte mo. dami mo rin taga-comment! hahaha

BatangGala said...

guilty ako sa napakadaming part.lalo na sa anonymous. lagi akong dumadaan dito at nagaabang ng bagong post pero bihira magcomment, or should i say, hindi nagiiwan ng comment. kaya ngayon... wala lang, makaepal lang. haha:))

iprovoked said...

Di ko alam kung saan ako nag-fall pero nakarelate ako sa ilan, haha.. pano mo naman makikita yung pic ng blogger ang liit-liit naman ng pics, minsan kasi maganda nga sa pic, di naman ganun kaganda sa personal. Why would you want to have sex with her. LOL. I think ako si Skip Readers at si I second the motion, I think lang.. minsan try ko naman maging si Malicious Intention, one time lang! LOL. Nice observation, keep up the good work!

glentot said...

orally Ako rin tuloy pag nagcoment sa ibang blog takot na rin sabihin pa nila hindi ako natuto sa sarili kong blog post. I think everyone who goes to momel's blog is bound to love it. He's Gayssica Zafra.

ahmer tama, ganyan din naman sya minsan sa personal hahaha. Napaghahalata tuloy na walang laman ang utak ko kapag sya kausap ko, wala akong maicontribute!

Ako si Yow Oo anonymous ka sa ngalan ng profile pic mong nakagreen at mukhang hindi papahuli nang buhay. Oo sumasagot na ako uli ngayon para mas friendly

Poldo lahat naman tayo guilty kaya happy-happy lang haha

Robbie natakot ako sa Funny post Glenn, keep it up. Baka sarcastic comment??? Hahaha na-paranoid na ako! Joke

Traveliztera, nahiya na akong sumagot sa haba ng comment mo, comeback post na yan! Salamat sa challenge mong sobrang F for EFFORT!!! Tama flooder kaaa! Hahaha dumami tuloy ang comments hihi salamat!

Donato oo special mention ka ikaw lang ang kilala kong ganyan!

APE hahaha masyado ba mahaba

p0kw4ng akala ko yung -------------- ay may 8 ----------- > sa dulo hahahaha mwah

Greta, ano muna kasi yung fourchette!!!

my-so-called-Quest HAHAHA tama meron dapat nun yung tipong limot mo na yung pinost mo bago sya magcomment hehehehe pero ayos lang yun ibig sabihin nagbackread sya haha

MiDniGHt DriVer saan ka naman nainggit hindi ko naman nababakas sa blog mo haha

bulakbolero.sg haha! Ako tuloy ang nabuking ngayon natatakot na ako magcomment sa iba at mahuling nagskipread

Anna ang dami nga kasing skipreaders hahahahahah

Allen hayuuup dollars ang domain mo ang mahal naman sosyal! hahaha go!

Michael haha dalawa agad ang nasapul mo!

Dhianz nakuuuuuuuuuuuuuuu! Ikaw dapat may sariling categoryyy!!!!! Yung Nobela... nobela ang comment hahahahah sa second batch na lang siguro

Traveliztera OK na yung challenge ha! napass ko na yun haha

egG Hmm I have a feeling hindi ka lumampas sa first paragraph haha biro lang thank you!

Emmaleigh ayos nga yun eh it shows interest! haha which is guilty ako kasi ang iikli ng comments ko

Pao Hahaha napakakulay kaya ng language ng mga may Tourette's!

Jepoy don't be so condescending alam naman ng lahat na ikaw ang sikat ikaw ang celebrity ikaw ang artista at lahat kami ay putik lang sa paligid ng kural mo

Traveliztera tama! Maarte 2010 sya

BatangGala Oo nga pero Ok lang yun hindi naman ako namimilit hahaha basta ramdam ang presence at salamat sa laging pagdalaw!

iprovoked lumipad ang kamalayan ko sa comment na iyan hahhaa oo nga naman pano kung panget si ate sa personal!!! Yan tama yang malicious intention i think maraming nakarelate ayaw lang aminin!


SALAMAT RIN PO SA INYONG LAHAT EXCEPT JEPOY.

KUMAGCOW said...

Undetected Sarcasm din naman ako paminsan minsan hehe pero syempre we all deserve the right to do that to anyone. Sa kanila na nga blogpost pati ba naman sa comment sila pa rin heheh...

Basta ako inaantay ko lang mga banat mo kay jepoy and vice versa...hihi

gillboard said...

ngayon ko lang to nabasa. at sumakit tyan ko sa katatawa. dami ako kilala sa ilang category. tinamaan din ako sa iba.

Traveliztera said...

wow daming comments para sakin hahahaha! singet nang singet pangalan ko kasi hahaha!
oo, ingget na sayo si jepoy! hahhaa d ko nga lagyan ng comments un hahahha joke


seeeee? bumabalik pa rin ako sa comment page!?!?

yan ang true sa heart. hahaha

Jepoy said...

aba nag rereply na ang dwende. Susyal!

Ayie said...

Ako naman talaga ang nag iisang Fan mo. Ako ang totoong 'nakadiscover' sayo.

Ako ang pang apat sa lilima mong readers noon.

Ngayon, na halos hindi pa nagtatagal at sing init pa ng ihi mo sa umaga ang post mo eh andami nang nag iintay para makapag comment, nandito pa rin ako.

Dahil alam ko, pag sikat mo--hindi mo ako ilalaglag. Ako pa rin ang pipiliin mong magpunas ng nag iisang pawis na tutulo mula sa right patilya mo.

Hahahh! Emooooohhh si Ate.

Mwah!

P.s. Ikaw kasi ang totoong meaning ng "small but terrible". Ikaw ang nag iisang ultimate crush ko.

Totoo yan! hahaha!

glentot said...

Ayie... bubugbugin na talaga ako ng boypren mo!

Jepoy fuck off... kapag hindi ako nagrereply crinicriticize you me.

KUMAGCOW wish ko lang hindi pa ako nabiktima ng Undetected Sarcasm mo ha! hehehe

Traveliztera yehey ang dami ng comments umabot 72!!! Thanks to you!!!

MULI SALAMAT PO SA INYONG MGA NAGBASA AT NAKAAPPRECIATE SA EFFORT...

Jepoy said...

MULI SALAMAT PO SA INYONG MGA NAGBASA AT NAKAAPPRECIATE SA EFFORT...<--------------------ANG LANDI LANG naka all caps pa! Structure ka! LOL

tagal ng next post naiinip na me. Sinu pa ba ang may kwentang humor blog na alam mo. Wala na akong mabasa. LETCH!

hondafanboi said...

nagdadalawang isip tuloy ako mag comment pero honestly, naaliw ako sa compilation dahil halos lahat ng nasa list... guilty ako... bwahahaha!!

Drei said...

Kung tumblr lang to nirepost ko na :))

Habibi Lakiari said...

Haha, senxa na Glentot, di ko alam saan ako dito. :P

ʎonqʎʇıɔ said...

wow andaming nagcomment. haha i think it's high time na gawan talaga ng mga category ang mga readers. nakakatakot lang kasi baka maexcommunicado ako if i do it eh alam mo namang sa bait kong to, kailangan ingatan ang image. chos.

fave ko yung marketing specialist. lol at yung special mention kay andy.

DAM THE NATION said...

Haha. This is very interesting. Parang naka relate ako sa iba dito. Anonymous Reader. Although now, ndi na anonymous. HAHA.

The Gasoline Dude said...

HAHAHA ngayon ko lang nabasa 'to kasi ewan ko ba, sa tuwing bibisitahin ko blog mo thru phone eh hindi nag-aappear 'yung mga posts mo.

Guilty din ako sa ibang nabanggit dito. Pero usually hindi na lang ako nagko-comment kapag nabasa ko 'yung post tapos hindi ko gusto. (Saang category ba 'yun?). LOL

Grabe! 70+ comments! Hahaha wala na, talo mo na si Jepoy sa pagiging ultimate humor blogger. :) Keep it up! :)

Tsina said...

Sarap naman ng may anonymous reader. At mukhang magiging backreader ako dito, ah. Hehehe. =p

glentot said...

Jepoy tangina ka lahat pinapansin mo hayop ka.

hondafanboi pare-pareho naman tayong guilty hahahaha salamat po sa pagdalaw

Drei salamat simplena gbanat pero kakaflatter hahaha

Habibi Lakiari hmmm siguro mays arili kang category hindi pa lang natin matukoy kung ano hahaha

ʎonqʎʇıɔ narealize ko bigla bakit nga pala blogger behavior ang title dapat pala reader behaviour hahahaha shiiit too late to change it

DAM THE NATION oo nga buti na lang you came out of hiding hahaha

The Gasoline Dude allergic kasi ang iphone sa blog ko! Ah yang category nyan yung choosy hahaha joke dami kasi comments ni Jepoy at Steph kaya dumami hahahaha

Tsina hahaha naku hindi adviseable magbackread baka may mabasa kang kasamaan at mainfluence ka hehehehe jk salamat!!!

The Philippine Guild said...

dapat may sariling category si jepoy LOL. di ko na-realize na nagbabasa ka pala ng comment akala ko nag-iipon ka lang. mabalik ako sa haunted room mo. you'll know kung haunted if you have that nega feeling whenever you're inside.

pusang kalye said...

box office!!!! at ang dami palang categories...at bawat category parang batong bumabagsak sakin. guilty much!!!bat ganun---daming categories na pasok ako?hahaha

Lio Loco said...

ang galing ng observation mo, glentot! swak na swak!

sa dami ng blogger behavior shit na sinulat mo, nabibilang siguro ako sa tatlong pinaghalu-halong kategorya:

choosy commenter (pero sa post pa rin ang focus ko), witty commenter (gusto kong isiping pinag-iisipan ko nga ang iniiwan kong comment), at x-linkers (hindi makapal ang muka ko para makipag-[s]exlink pero pag nagustuhan ko ang blog na binasa ko, hindi ako humihingi ng permiso para i[s]exlink sila).

Traveliztera said...

bat andito na naman ako hahaha! naalala ko tignan baka nireplyan mo na comment ko dati hahaha!
at nanggulo na naman ako. sige na... magagalit na si jepoy sakin kasi dumadami comment count mo hahahah

Anonymous said...

Haha. Dahil sa post mo na to magcocomment na nga ako. Ngayon ko lang natuklasan blog mo dahil sa mgaepal.com. At dami ko ng nabasa sa mga post mo. Ito lang naman kasi libangan ko dahil walang masyadong ginagawa dito sa opisina. Bihira lang ako magcomment. Mahilig lang talaga ako magbasa.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding