the eerie series

Aaminin ko, mula sa pagkabata, madali akong matakot sa mga superstitious shit stories na nagkalat sa paligid. Lumaki kasi ako (walang kokontra sa term na "lumaki") sa probinsya, sa malayo at kaakit-akit na bayan ng Bolinao, The Nipple of Pangasinan. Dahil doon, alam kong buhay na buhay ang superstition, kaya natural na ang takot ko.

Nung nagkwento ang pinsan ko tungkol sa bestfriend nyang aswang, aaminin ko, hindi ako nakapunta sa CR hanggang umaga. Pinigil ko ang ihi ko nang very very nice. Noon, kapag nagigising akong mag-isa lang sa kwarto ko, tumatakbo ako palabas kasi baka may kumidnap sa akin sa ilalim ng kama.

Matatakutin ako noon sa mga horror stories. Naalala ko noong Grade 4, yun ang pinakauna kong beses na sumulat ako ng fiction. Kid stuff, tungkol sa isang bampira na nakatira sa kweba. Matapos ko isulat at basahin, natakot ako. Sa sarili kong sinulat. Parang tanga lang.

What the hell, natatakot ako noon sa Okat Okat. Ganung level ang kaduwagan ko nun at lagi akong kinukutusan ni Doris, ang aking mudrax. "Ang hilig-hilig mo manood ng horror tapos matatakot ka! Para kang tanga!" Ang sakit naman...

Kaya pinilit kong maalis ang takot ko sa mga paranormal stuff. Sabi kasi daw ng Lola ko, (kwento lang, hindi ko kasi sya inabutan), wala daw dapat ikatakot sa mga supernatural kasi pare-pareho naman daw tayong nasa mundo nakatira. Matapang yung lola kong yun. Kwento nga ni Doris, noong bata sya, may nakita daw syang pugot na ulo sa kusina nila kaya tinawag nya ang Lola. Imbes na matakot, pinagalitan daw ng Lola yung pugot na ulo. Pinalabas sa kusina sabay warning na wag na syang babalik. Ang sungit.

Ganun din ang ginawa nya sa local na aswang sa bayan nila noon. Pinagalitan nya nung nahuli nyang balak kainin sila Sasha Fierce (Tita ko). Napahiya lang yung aswang. Umuwing luhaan matapos pakatikim ng masasakit na salita.

So over the years medyo nawala na ang takot ko sa mga kababalaghan na yan. Na-master ko na kung paano manood ng movie na hindi ka maapektuhan at matatakot: mag-movie review ka sa utak mo habang nanonood. Hindi na rin ako takot maiwan mag-isa sa bahay, gustong-gusto ko pa nga eh (alam na!).

So I thought nothing can scare me anymore... I was wrong.

(Tangina ang haba ng intro ko, 7 paragraphs, wala na! Ang pangit na ng structure!)

Ang post na ito ay tungkol sa eerie and weird stuff na nagyari sa akin lately, na medyo nagpatibok sa puso ko in a horror movie way. Like I said, hindi na ako matatakutin lately, pero nung lumipat na ako ng tirahan, bumalik ang takot ko sa supernatural shits.

Dalawang buwan na ako sa nilipatan kong room. Mag-isa lang ako sa 4th floor, at hindi ko rin nakikita ang mga neighbors ko sa ibang floors. Tahimik ang buong building, kapag nagsara ka ng pinto, nag-eecho. Sa kwarto ko, kapag binuksan mo ang bintana, ang una mong matatanaw ay ang puno ng mangga.

Pagkalipat ko, ang una kong ginawa ay magpicture picture ala camwhore. Wala naman akong napansing mali sa picture, kundi ang cute ko lang.

After a few weeks, may napansin ako sa wall sa tabi ng kama ko. May itim na scratch mark sa wall. Inisip ko, matagal na siguro yun dun pero hindi ko lang napansin. Hanggang sa maalala kong nagpicture-picture nga pala ako dati. Agad kong tinignan ang pictures...

At sa pictures, wala yung itim na scratch mark. Dinelete ko agad ang pics.

One time naman, nagsesepilyo ako nang bigla akong may marinig na boses ng bata. Sabi nya "Daddy!" Guni-guni ko lang siguro yun, unless nagkatawang-tao ang mga sperm sa banyo at tinatawag ang Daddy nila.

Ang PC ko, nakapatong sa computer table na may gulong, kaya hinihila-hila ko lang anytime I want. On my first month sa kwarto, paghila ko ng table, napatambling ako sa nakita ko sa ilalim.

Dalawang strands ng buhok. Straight. Mahahaba. Napahawak pa ako sa anit ko para i-check kung akin yun. Parang tanga lang. Imbes na matakot, nagkunwari na lang ako na hindi ko napansin.

A couple of weeks ago, habang nagsesepilyo uli, may napansin naman ako sa lababo. Buhok. Kung malilit na kulot yun, no doubt akin yun. Pero hindi, mahabang buhok. Straight. Napatingin pa ako sa salamin para i-check kung gaano kahaba ang buhok kong semi-kalbo.

Two weeks ago, napundi ang ilaw. Walang dahilan. Eh bago lang yun kasi pinalitan yun ng landlord nung araw na lumipat ako, 2 months ago. Kaya para hindi madilim, reading lamp na lang ang gamit ko.

Last Saturday naman, may buhok sa inidoro.

Kung sino man ang naglalagas ng buhok sa kwarto ko, parang gusto ko syang bilhan ng Hairfall Decrease shampoo. Sabi nga ni Kikilabotz, baka kapag nagkita kami ng mumu eh panot na sya.

Madalas rin ako magka-nightmare. Nagdadasal naman ako bago matulog... sometimes. At patagilid ako lagi matulog dahil nahihilo ako kapag patihaya.

Kaninang madaling araw, binangungot ako. Nasa isang gubat daw ako, at may werewolf na nagtatago sa puno! Hinabol raw ako! Kaya tumakbo ako nang mabilis! Eh pababa yung daan sa gubat, kaya patalon-talon ako parang kangaroo para hindi ako maabutan nung werewolf. Habang patalon-talon ako, may naghagis sa akin ng jumping rope. Ayun, nalimutan ko na yung werewolf kasi nag-enjoy na ako mag skipping rope hanggang magising.

At paggising ko, nasa dibdib ko pa rin ang takot sa werewolf, lalo nang mapansin kong nakatihaya akong nakatulog, at diretsong-diretso ang pagkakahiga ko, parang nasa kabaong lang...

Yun lang, kthanksbye.

68 comments. Post your comment here.:

rundeekalel said...

ang hilig kasi magtake-out este take home ng mga long-haired individuals! hahahahah

orally said...

ipagsindi ng kandila
ipagdasal
at alayan ng milk and oreo

KUMAGCOW said...

Hindi naman siguro... baka naman guni guni mo lang yun sabi nung babaeng duguan na mahaba kuko at nakakapit sa kisame...

Baka naman namamalik mata ka lang sabe ng batang kamukha ni Cryptkeeper na may hawak hawak na pugot ulo't nanlilisik ang mata...


Baka nga... sino ba yang nasa likod mo?! O_O

p0kw4ng said...

matatakutin din ako..muntik ko na ngang di ituloy ang pagbabasa nito natawa lang ako sa comment ni orally,hihihihi

pero pag may mga ganyang nangyari siguro sa buhay ko..malamang eh di na ako aabutin ng isang linggo at nakalipat na ako!

di siguro uubra ang think seks ko dyan,hihihi

gillboard said...

sa pag-interpret ng mga panaginip, ang ibig daw sabihin ng hinahabol sa panaginip, eh meron kang sikretong tinatago.

yun lang yun. :)

Mac Callister said...

hay naku baka naman pubic hair mo yun,check-in mo kung nag trim ka na!LOL

Maldito said...

benta yung skipping rope..leche.ahahhaa..

wag mong hintayin na may lumitaw na babae sa kwarto mo tapos sasabihin na nabuntis mo siya....ano ba yan kasi....kahit ghost na binibembang pa.ahahhaa

Xprosaic said...

Uli uli kasi pagsabihan mo ang mga inuuwi mong ka *ahem* na wag magiwan ng buhok sa lababo o di kaya sa ilalim ng computer table... hehehehehhe

The Gasoline Dude said...

Post-Halloween post? At ang Okat Okat ba ay ang Pangasinense-version ng Okat Tokat? LOL! = P

Hmmm... naexperience ko na ding makakita ng mahahabang strands ng buhok sa kuwarto ko, like kagabi lang merong nakapatong na isang strand ng mahabang buhok sa laptop ko eh ako lang naman ang tao na nag-ooccupy sa loob. Ampf.

eMPi said...

baka nangolekta ka ng long straight hair... nakalimutan mo lang. hehehe!

hala ka! baka hindi lang ikaw ang nakatira dyan, may iba pang nakatira sa tinitirhan mo. :P

claudiopoi said...

haha.

may kutob akong hindi mo kinakaya ang MGB Halloween edition ni Kabayan nung araw! :D

Ungaz said...

I lurv your lowla!Fierce...Imba sa tapang!

Daddy?May pinalaglag ka bang anak?hahahaha!

Mahahabang buhok?Naglalagas ang buhok ng mga bebot na inuuwi mo...Ayaw pang umamin.

Ipabless mo na nga yang apartment mo..creepy!!!!

Dhang said...

affected din ako sa "Okat Okat" tulad ni Gasoline Dude... hehehe.. ang alam ko naman e Oka Tokat 'yun kasi kabaligtaran siya ng Takot Ako. :D

nakakatakot naman 'yung buhok, baka naman may nakakapasok jan at nakikisuklay kaya panay ang hairfall? :D

T.R.Aurelius said...

grabe naman yung nagiiwan ng buhok sa kwarto mo, di man lang linisin, pwede naman magparamdam ng hindi nagkakalat db? haha LOL

astig Lola mo ah, haha
siya pa ang nane2rmon dun sa pugot na ulo, ahahaha

jasonhamster said...

takte e super tapang mo pala!! nakakita ka na ng scratches at buhok eh di ka natitinag!!

wag mo ng hintaying gahasain ka pa ng mumu. wahahahha

Anna said...

sabi naman namin sa iyo makitulog ka na lang kina jepoy eh. tapos hug mo siya para hindi ka na matakot. =)

Yj said...

there must be an explanation to the long strands of hair....

baka naman may pumapasok na iba jan?

yung katulong ng landlord mo!

puta ka pati ba yun pinapatulan mo na?

MiDniGHt DriVer said...

wow.. isa ka talagang talentado at grade 4 pa lamang ay nakapagsulat ka na ng isang akda :)

Chingoy said...

hmmm...

ang ganda ng structure

wv: domake

hondafanboi said...

eskandalo talaga to si Yj pero may point si ateh mo... ni... chimi-a-a killer na u? hahaha...

loved your blog by the way. pwede ka ba ibooking? bet ko mag iwan ng hair strands ko din. ching!

Unni-gl4ze^_^ said...

wosshooo intro pa lang bongga na hehehe..
pero natawa ako ng bongga yung pinagalitan ni lola mo yung pugot na ulo bwahhaa hang sungit~~~

bat di mo kolektahn yung mga buhok tapos ipa DNA mo para malaman mo kung kanino yun nayahaha,,,

baka naman may ibang tao jan sa kuarto mo pag wala ka?awoooooo,,,jk~
nakikitira saglit hehe,,,

Poldo said...

haha sunget ni lola! at pinagtangkaan pang kainin si shasha Fierce.. pero totoo nga daw na once na mura murahin mo o sabihan mo ng mga mura yung mga supernatural shit e aalis at aalis daw talaga sila..

at tungkol dun sa daddy.. malamang talented yung mga semilya mo at early stage e may vocal chords kagad bwahahaha..

dun sa hair strands baka may mala-sadako na dyan... or in reality wag mong sabunutan yung mga chikababes na dinadala mo!! hahahahaha..

domjullian said...

di kaya may sumasalisi lang sa kwarto mo? tumatambay pag wala ka dun.hehe


pero kung sakin nangyari yan. di baleng tumira ako sa gitna ng kalsada.hehe.

Lord CM said...

Astig si Lola!pinapagalitan lang ang aswang lolzz

Eh baka naman kasi nagdadala ka ng babae jan pre, aminin mo na! kaya may mga buhok jan sa tinitirhan mo :D

Anonymous said...

ang tapang ni ola ha? takteng panaginip yan. patalon talon tapos binigyan ng jumping rope nag enjoy na. hahahahahahahaha..

dapat kasi magiwan k ng head and shoulder sa lababo mo. kawawa nmn yung multong nalalagasan ng buhok jan. baka kapag nagpakita na siya sayo parang sadako pero kalbo na. haha

-kikilabotz

aajao said...

para hindi ka na gambalain ng kung anu-anong kababalaghan dyan sa kwarto mo, kailangan mong magkaroon ng ibang halimuyak dyan... yung tipong amoy ambergris... O kaya yung heliotrope...

hahaha

KikomaxXx said...

weeee... eh gayahin mo nalang ola mo... magtapang-tapangan ka nalang din.... wahehehe

my-so-called-Quest said...

eto lang, sino sino kasi inuuwi mo dyan sa lugar mo kaya may buhok. unless galing yan sa kilikili mo? hehehe

bulakbolero.sg said...

sana intro nalang lahat? lol... piz.

Jag said...

sabi pag nahihilo na nakatihaya matulog hayblad daw...hehehe...baka may pumapasok na couple jan sa room mo di mo lang alam at jan nila ginagawa ang himala hehehe...

Jepoy said...

tanga ka kasi, sumabit yung paamo sa skipping rope tapos na bagok ang ulo mo kaya ka na babangungut.

Also, baka bulbul mo lang yung kung saan saan mo nakikita. mag nag trip ka idiretso mo sa basurahan hindi yung kung saan saan mo hinahagis...

Oliver said...

hala, naulit na naman yang long hair strands experience mo?
baka naman kasi may nauwi kang babaeng napapanot na or sumthing haha.
at wag kang matulog ng busog or kakakain lang, kaya ka nababangungot. jumping rope ampf! hahaha

Greta said...

natawa naman ako sa natakot sa sarili mo na isinulat!sagad sa kaduwagan?

Buhok mo lang siguro sa kilikili yan..o bakas ng huling kembang!

Klet Makulet said...

ibig sabhin pala, magaling kang writer kasi pati ikaw ay natakot...

anyway, mahilig ka ba sa mahahaba ang buhok? hehehe minsan try mo yung kulot para malaman mo kung sa iba nga yun.

Kung hindi man, baka kailangan mo nang mag-alay ng shampoo sa babaeng di nakikita dyan sa kwarto mo baka nagpaparamdam lang na nakakalbona sya :P

Myrtea said...

tatataa-ummm! pang regal shocker ah. parang ano ang nasa dako pa roon bunga ng malikot na pag-iisip.

kaw naman glentot, hinahaluan mo pa ng supernatural na paepek mo, baka naman nalasing ka at nag-uwi ng girlash at nagising ka na hindi alam ang nangyari the night before at dalawang strand lang ng mahabang buhok ang naiwan na magpapaalaala sa nagdaang gabi ng kamunduhan!

:P

Diamond R said...

bigla akong natawa doon kay Sasha Fierce (tita ko) at talaga naman sa napiling name. at sa tapang ng lola mo. wala lang kung magpalayas ng kung ano kahit na sino kahit putol na ulo lang.

may talent ka talagang mag sulat imagine grade 4 nakakapagsulat ka na ng mga fiction story.

Pao said...

Nako, one of these days, lalabas na siya. Babalik ka pa ba? hahaha. Tinatakot mo lang ang sarili mo.

Momel said...

Okat Okat?? Oka Tokat, starring Agot Isidro as Rona Catacutan! Tumee-trivia!

Ang scary lalo sa kuwento mong ito eh nag iisa ka sa floor na yon. Nai imagine ko pa lang eh nara-rattle na ko. Feeling ko, Glen, eh more to come pa. Wahaha!

Andy said...

kelan ka machuchugi? sa akin na ang biscuit at kape!

tim said...

hehehehe, ako kaya kinain na ng takot sa shits.. hehehehe..

Spiral Prince said...

It's a sign! Magpahaba ka raw ng buhok!

Donato said...

Bka sinusundo na ng white lady (with long hair) yung dwende.

May pinagmanahan nman pla si Sasha Fierce. hahaha

Yffar said...

naku, next time yung may maikling buhok nalang ang dalhin mo sa pad mo para hindi ka na ulit matatakot. XD

Athena said...

wag na rin po kayung manood ng mga horror movies... hehehe

Sean said...
This comment has been removed by the author.
The Philippine Guild said...

if true story ito kahit na alam kong true story na bagong lipat ka, you need to know that something is haunting you there. i should know coz i have my own share of stories. also, bagong lipat rin ako. i also took pics pero di para magcam whore pero para reference ko. 2x my door opened on its own. dun sa previous unit ko marami ring buhok na di akin pero i lived there alone. at ang haba ah.

ahmer said...

Glen, text ko sayo comment ko. malaswa eh. LOL

Michael said...

Glentot, to put it simply, may isa pang kahindik-hindik na lamanlupa ang nakatira sa tinitirhan mo ngayon at balak nitong nakawin ang kalulwa mo habang natutulog ka, kaya ang maipapayo ko sa iyo, tama na ang milagro sa loob ng CR, alam naman natin kung saan talaga nanggagaling iyang mga "buhok" na iyan, hindi ba??

LOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOLOL. :D

NoBenta said...

kung gusto mo daw makausap ang multo sa bahay mo ay maglagay ng balat ng palay sa pintuan. sa pagsapit ng alas-dose ay tumapat sa pinto para kausapin ang nasa kabilang mundo.

taenang buhok yan. baka may nakakasama kang babae dyan sa inyo kapag nalalasing ka!

blogenroll! \m/

Rah said...

Walang multo. buhok yon ng landlady niyo. Hindi mo lang alam, pumapasok siya sa room mo pag wala ka. Ang gawin mo, kuha ka ng hair ng land lady niyo, tas kunin mo din yung buhok na nakita mo. Tas hiram ka ng microscope. Meron nabibili sa national bookstore, kahit yung pamabata lang. At doon, mapapansin mo kung pareho nga yung buhok or hindi.Kung pareho yung buhok na nakita mo. Next na gawin mo. bili ka ng hidden camera at imount mo malapit sa may pinto. tas. Pwede narin siguro yung webcam, itago mo lang sa loob ng isang teddybear or something. If everything fails. Magdala ka ng tao na may third eye. At patingin mo kung may kasama kang deads diyan sa bagong room mo. :)

- A n g e l - said...

Natakot naman ako dito ng very, very nice. Just keep a rosary under your pillow and a small statue of Mama Mary or Jesus by your bed.

Traveliztera said...

Si kikilabotz ung bumibisita sa kwarto mo. hahahahhaa!!!

pero grabe a... parang "sigaw" lang. baka naman si angel locsin nandyan tapos siya rin ung taong lobo.

malay natin

ang brave ng lola mo a. kawawa naman ung pugot na tao


kuha ka ouija board.fave mo un db

Arvel Soian GB. said...

habang binabasa ko ito kanina.. di ko namalayan ako nalang pala mag isa ang gising sa bahay namin. 4th or 3rd paragraph pa lang eh lumingon ako sa likod.. natakot ako kasi my cousin left the door slightly open, di ko rin makita what's on the other side.
sinara ko kaagad ang pinto. i continued reading, biglang may psst.. akong narinig sa bintana.
akala ko kung ano na. yung kapit bahay pala.. jumingel sa pader ng kabilang bahay.. ewan bat ang lakas... muntikan na 'kong lumundag eh.

grr...

baka ma hart attack ako!
loko yun.
hayss!!

anyway. nice post.. mutik akong mamatay eh. :)

DRAKE said...

ang haba ng post! Nagskip read ako sensya na!hahahah

Ang dami ng nagcocomment sa iyo dwende dati dati halos parang taeng nilalangaw ang blog mo, ngayon sikat na!mabenta ang kapwitan mo!hahahha

Ingat

glentot said...

rundeekalel I don't know what you're implying hahahah i'm innocent!

orally sosyal naman, baka mawili sya! Fita na lang at extra joss

KUMAGCOW hahahaha hindi naman ako natakot! (sabay logout, sabay tulog) hahaha

p0kw4ng hmmm yun na nag lang ang ginagawa ko lagi, think sex think sex kaya nag-iipon ako ng visual aids ahahaha alam mo yan!

gillboard ok thanks

Mac Callister ang hahaba kaya hihihi ang pubic hair ko short lang LOL!

Maldito haha ang landi ba ng panaginip ko... ano ba yun pinikot ng ghost!

Xprosaic hahaha wala akong inuuwi i'm innocent.

The Gasoline Dude haha sorry naman wrong isfeylling... buhok ba yun baka nagdugtongdugtong na bulbol bwahahahaha jk

eMPi wish ko lang nagbibigay sya ng share sa rent!

claudiopoi tama, as in masakit sa puso panoorin yun noon, lalo yung mga reenactment (na kapag napapanood ko ngayon sa youtube eh napapamura na lang ako sa inis)

Ungaz I'm innocent nga wala akong inuuwi... tingin ko wala sa apartment ang kababalaghan kundi nasa akin mismo haha

Dhang ahh akala ko kasi ang kabaligtaran nya eh Tako Tako hahahaha sana lang hindi maubos ang buhok nya

T.R.Aurelius oo nga hindi man lang itapon sa basurahan yung nalalagas nyang hair, ako pa taga-tapon

jasonhamster haha hindi ko kasi alam kung anong reaction ang gagawin ko, ayoko naman maglayas bigla at tumira sa waiting shed

Anna ewww baka magising ako puno na ako ng kakaibang buhok ung kulot kulot at patay ahaha joke peace Jepoy

YJ ang tino ng comment mo, yang lagay na yan matino na yan knowing you hahaha

MiDniGHt DriVer salamat

Chingoy salamat ramdam na ramdam kong naappreciate mo ang post na ito hahahaha

hondafanboi I'm so flattered na ang paboritong blog ng nakararami ay gusto rin ang blog ko wihihi thanks! long hair ka ba with bangs hehehehe

Unni-gl4ze^_^ salamat i think ikaw lang ang natuwa sa intro hahaha sabi ng Lola ko salamat daw at napatawa ka nya. Effort naman magpa-DNA hehehe oo nga nagtransient sya hindi naman nagpaalam...

Poldo tru! Suplada ang Lola sa mga maligno... Dapat pala pag nagtabi-tabi po ako sa mga halamanan eh may kasang "Mga punyeta kayo!" ahihihi

domjullian haha di ko naman kakayanin magpalaboy laboy titiisin ko na lang makakita ng maraming buhok buhok hehehehe

Lord CM wala nga talaga akong inuuwi I'm innocent! Buhok lang ang inuwi ko hahaha

Kikilabotz, back to anonymous ka na naman hehehehehe pramis natawa ako sa comment mo oo nga, kakahiya naman kung makalbo sya bago kami magmeet!

aajao yehey tamang plugging!!!! Maganda yan at nang mawala ang halimuyak ng clorox bwahihi joke

KikomaxXx haha kinakausap ko nga minsan eh sabi ko pakita sya kung hindi sya busy

my-so-called-Quest haha wala nga akong inuuwi I'm innocent. tska yung buhok ko sa kilikili eh balahibong pusa na maiikli hihihi

bulakbolero.sg hahaha hayuuuuup palibhasa hindi mo tinapos hehehehe joke salamat pa rin

Jag kailangan ko lang pala talagamagsetup ng hidden cam para mahuli ko sila

Jepoy gagu walang ganun sa panaginip ko! pakyu!

glentot said...

Oliver oo naikwento ko na nga pala itu... hahaha may tiphus sya or something... lagi kasi ako kumakain in bed sabay tulog...

Greta lol wala nga I'm innocent! Touch ko fourchette mo eh! (Haha uyy may natutunan!)

Klet Makulet haha hindi, shunga lang talaga ako nun kaya ako natakot kaya pala nababawasan yung shampoo ko ang bilis maubos!

Myrtea haha wala nga me inuwi I'm innocent! although masarap sa pandinig yung alaala sa nagdaang gabi ng kamunduhan! hahaha love it

Diamond R haha fierce na fierce kasi sya... actually hindi sya masyadong talent kasi sigurado akong napakapangit ng sinulat kong iyon

Pao looking forward nga ako mameet sya hahaha joke

Momel sorry na wrong spelling!!! Aba naalala mo pa, si Joy Viado na lang ang naaalala MORE TO COME hahahha wag naman!!!

Andy pakyu hindi ka invited! hahaha

tim matatakutin ka rin pala hahaha thanks sa muling pagdalaw

Spiral Prince haha I'm trying kaso hindi bagay sa akin.... salamat sa pagdalaw....

Donato hmpf sabi ko na nga lalaitin mo na naman ako bwahaha it runs in the blood ang fierceness haha

Yffar wala kaya akong inuuwi promise I'm innocent!

Athena salamat po sa pagdalaw, haha paborito ko pa naman manood tapos pagtapos manoopd at time to sleep nahihirapan ako matulog I don't know why

The Philippine Guild ay akala ko unique ang experience ko siguro ung door mo kaya nagoopen magisa eh para may maakit na pumasok haha joke so paano natin malalaman kung may nanghahaunt nga

ahmer ano na naman yang malaswang comment na yan alam mong umiiwas ako sa kalaswaan bwahaha

Michael lol hindi ako sa CR nagmimilagro bwahahaha alam na!

NoBenta long time no see hehehe hmm saan kaya ako makakakuha ng palay... at anong pag-uusapan namin ano kaya ang topic namin... pero i think gusto kong sundin yan... Wala akong inuuwi no I'm innocent!

Rah effort ang camera pero good suggestion! Yun nga lang baka antukin ako kapag pinapanood ko na maikli ang attention span ko eh hahaha sino kaya ang taong may third eye yung mga duling kaya meron?

- A n g e l - maraming salamat, ikaw lang ata ang nagcomment at nagsuggest ng matino haha

Traveliztera hahaha long hair eh!!! Ouija board! Kailangan ko ang tulong nila Jolina!!!!!!

Arvel Soian GB. guni-guni, baka pareho lang tayong malakas mag-imagine hahahaha susme naman makaihi yung kapitbahay ninyo ilang gallon ba nainom nya hahaha salamat po sa pagbisita

DRAKE ampota ka samantalang noon nagbabackread ka pa, nagbago ka na talaga palibhasa iba ka na ngayon bwahahaha pakyu!

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! MWAH MWAH.

pusang kalye said...

@ gkentot--antayin mo---masusurprise ka. I never though ma-aapreciate ko ang Bolinao ng ganun. seriously.

pusang kalye said...

hahaha---mukhang ganun talaga kung laking probinsya--either lumaki kang matapang or duwag....lumaki rin akong duwag gaya mo kaya dika nag-iisa. marami tayo.lol

Emmaleigh said...

natakot din ako sa oka tokat dati. =))

pero ako ang napa knee-knock at back flip dun sa napahawak ka sa ulo mo nung una mo nakita yung buhok dun sa ilalim ng de-gulong mong mesa. =))

Dhianz said...

parang tanga lang... haha... natuwa nemen akoh sa expression moh... kahit 10 pages pa yang intro moh eh okei lang... kc nakakatuwa naman ang pagkadaldal moh sa post moh... eniweiz.. tama yan! magkuwento ka nang ganyan kc tamang tama eh gabing gabi na ditoh at mag-isa akoh sa kuwarto koh... tsk! kalerki kah... takutin daw bah akoh... lolz... eh! prayer away lang yan.. nde na nga akoh nanonood nang horror movies eh... tapos may horror blog? lolz... anyhoo... medyo iniskip koh na nang konti ung huling section.. don't wanna scare myself.. kelangan koh pa matulog... lolz.. nd i still need to go to d' bathroom.. lolz.. laterz wafung gletntot... Godbless!

hArTLeSsChiq said...

try mo mag-iwan ng puting buhok na mahaba... baka mag isip din siya (kung sino man siya)na may kasama kayong iba..lol

Ako si Yow said...

Malay mo naman kasi may namolestya dyang babae na mahaba ang buhok at dinadalaw ka niya. Bakit ka naman matatakot? Dinadalaw ka na nga ng babae. Haha. O kaya di ka malinis kekembang, nagiiwan ng ebidensya.

Ooohh.. Talagang nagrereply na sa comments. Haha

Traveliztera said...

onga pala, ang cute ng okat okat hahaha

jasonhamster said...

napanood ko na ang the audition. tae nangilo ako.

tapos human centipede. naubos hininga ko.

tapos may napanood ako the carved slit mouthed woman. nakakatakot din

Super Balentong said...

nagugulat din ako dati kapag nakakakita ako ng mga buhok na mahahaba sa kwarto ko, pero buhok pala nung mga babaeng inuuwi ko.... pero walang malisya yun at dapat kang maniwala.

baka ganun din yung sayo, may naiuwi kang babae na may straight hair, pero nagkwentuhan lang kayo at naglaro ng sungka.

you know my name said...

natawa ko sa bangungot mo..hahaha biglang nauwi sa jumping rope :) btw, nakakatakot naman ang hair na yan...scaryyy

glentot said...

pusang kalye at dahil marami tayong duwag, makaramdam ako bigla ng katapangan. (ano raw?)

Emmaleigh haha double-check! Baka kasi long hair na pala ako hindi ko lang napansin

Dhianz awoo!!! Bukas may makikita ka ring buhok-buhok jan hehehe...

hArTLeSsChiq pramis tawa ako nang tawa sa comment mo!!! Tama! Malilito ang multo, isipin nya minumulto rin sya ahahaha... Damn baka mabaliw sya!

Ako si Yow Wala nga I'm innocent talaga. Haha palibhasa minaster mo yan! At syempre uu sumasagot na ako uli ahihi friendly ako eh!

Traveliztera Ahihihi ang cute ni Joy Viado dun. Tsaka yung batang paslit na nakakabwisit... Nalimutan ko ang pangalan nya.

jasonhamsterTama ka nakakapanghina yung Audition, eye-opener yun eh! Yung human centipede naman bigla akong nagkaroon ng takot lumabas ng bahay. At yang the carved slit mouthed woman, susubukan kong idownload!!!

Super Balentong hindi kami naglaro ng sungka kundi... Sawsaw Suka. Ahahahaha!

you know my name ang landi ng bangungot no? May pantapat ka bang bangungot hehehe.

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT AT ETO ANG ISANG MALAKING MWAHCHUPA.

eloiski said...

medyo mild pa lang naman yang multong yan at hindi ka pa naman inaano... nagpapapansin lang siguro.

pero hutahena kuya, kapag bed shaker na yan, hutahena talaga, iwanan mo na ang lugar na yan. kasunod na nyan eh paglitaw ng sumisilip na bata sa ilalim ng kama...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding