kapatid

Wala akong Kuya, Ate o mga kapatid. Nag-iisang anak lang ako. Kaya hindi ko ramdam ang concept ng "kapatid". Siguro dahil dun kaya lumaki akong selfish, dahil mag-isa lang akong lumaki.

Kapag may nakikita akong magkapatid, na tipong kapag isang barbeque na lang ang paghahatian, ibibigay na lang ni Kuya kay Bunso kahit gutom na rin sya, naiisip ko, gagawin ko rin ba yun kung may kapatid ako?

Kung magulang ang magbibigay ng barbeque sa anak, alam ko ang concept ng pagmamahal na yun dahil nararamdaman ko iyon. Pero sa kapatid, naiisip ko, parang kaibigan rin lang siguro sila, nothing more.

I was eighteen when my perception of "kapatid" changed. Ang Nanay ko mismo ang nagpa-intindi sa akin kung paano magkaroon ng kapatid. Bunso kasi sya, at maraming syang mga Ate at Kuya.

Yung pinaka-panganay nyang Ate, halos 20 years ang agwat ng edad nila. Pero kahit ganun, close pa rin sila. Mabait yung Tita ko na yun eh. Aktibo sa simbahan pero hindi hipokrita, kasi hanggang pag-uwi nya dala-dala nya ang magandang asal.

Sa kanya ako natuto mag-rosaryo, kumpleto may litanya pa sa dulo.

Nung nagka-edad na yung Tita ko, nagkasakit sya at na-confine sa hospital. Dahil halos lahat ng mga anak nya ay may mga trabaho, walang makapag-alaga sa kanya nang full time. Kaya nag-resign sa trabaho ang Nanay ko para bantayan sya. Halos sa hospital na sya nakatira.

Sembreak noon kaya nagkaroon ako ng chance dumalaw. Nung nakita ako ng Tita ko pagdating ko, sabi nya agad, "Eto na ba si Glenn-Glenn? Ang gwapo..." at ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis. Later that afternoon, nalaman kong halos araw-araw pala syang umiiyak dahil sa sakit ng katawan nya.

Pinilit lang pala nyang ngumiti. Naniwala pa man din akong gwapo nga ako haha.

Dahil matagal kaming hindi nagkasama ng Nanay ko (sa Baguio ako nag-aral, sa Manila sya nagtrabaho), nagbantay na rin ako sa hospital kasama nya. Naawa ako kasi ang payat-payat na nya, mas mataba pa yata yung Tita kong may sakit. Halos wala kasi syang tulog.

Laging unconscious yung Tita ko nun, at kapag nagigising naman eh hindi namin masyado nakakausap. Pero naniniwala ang Nanay ko na gagaling rin sya, lagi nya yun kinakausap kahit tulog, hinahaplos-haplos nya sa buhok.

Minsan kapag nagigising sya, sasabihin ng Nanay ko sa akin, "OK, lumabas ka muna, may gagawin lang kami..." sabay smile. Alam ko na, papalitan na nya ang diaper ng Tita ko. Kakanta pa sya habang ginagawa ang napakamaselan na gawaing yun. Lalabas ako ng room kasi hindi ko makaya yung amoy, tapos babalik na lang ako kapag tapos na.

Napaisip na naman ako, kung nagkaroon kaya ako ng Ate o Kuya, kaya ko kayang gawin yung ginagawa ng Nanay ko?

Naririnig ko pang nagbibiruan sila, pinapatawa sya ng Nanay ko. Kung hindi ko alam na Tita ko ang nandun, mapagkakamalan kong baby ang kausap ng Nanay ko.

Matapos ang isang blood transfusion, naging OK ang pakiramdam ng Tita ko. Gising na uli at nakangiti. Nakakaupo na sya sa kama, nakakakain na ng soft foods. Isang umaga, naghingalo sya bigla. Nakita ko ang Nanay ko, tumakbo papalayo, sa isang sulok ng room at umiyak. Hindi nya kayang panoorin na nag-aagaw-buhay sya.

Na-comatose sya. Tinanong ng doctor ang Tito ko kung ano ang desisyon nya. He decided to pull the plug, nahihirapan syang makita na nahihirapan ang Tita ko.

Nag-flatline na sya. Saka lang lumapit ang Nanay ko, saka lang nya narealize ang desisyon ng Tito ko.

In her cracked voice, she asked, "Wala na sya?"

Tumango ang Tito ko, at dun ko narinig ang pinakamalungkot na sound sa buong mundo. Hindi lang umiiyak ang Nanay ko, she was wailing. It was a sound I would never want to hear ever again. I just stood there, trying to hold her when I knew that beyond her grief, she barely felt my hand. I was trying to console her through our loss, her loss.

Dun ko naintindihan kung paano magkaroon ng kapatid, kung ano ang responsibilidad na naka-atang sa iyo, kung ano ang ibig sabihin ng pagiging "kapatid". It's to humble yourself, not because you have to, but because you want to. It's to give youself to a person, not out of obligation, but out of gratitude and love. It's to value every second: it may be as random as eating barbeque together, or as life-changing as attending to their deathbed.

So mahalin nyo mga kapatid nyo. Hihi.

*Last month was my Tita's 5th year death anniversary.

82 comments. Post your comment here.:

Sean said...

Hay naluha naman ako sa post na ito. Naka-relate din kasi ako. Glentot, bumawi ka at patawanin kami sa next posting ha?

The Gasoline Dude said...

Balita ko nga only child ka. Hehe ako din. APIR!

Maganda ang structure ng post mo. Ampf. Pero totoo, binasa ko eh. Pang-MMK.

KHEKZ said...

aawww nakaka touch nmn = )

claudiopoi said...

sobrang nalungkot naman ako dito. =/

glentot, meron akong limang kapatid. pili ka lang. :))

Tiano said...

Ispiritu ng EMo, pinapalayas kita sa katawan ng impaktong si Glentot!! hahaha, peace out..

Ganun talaga parekoy.. iba ang pakiramdam pag may kapatid ka at may best bud kung baga.. wag kang mag alala, pag nacomatose ka din, dadalawin kita basta sabihan mo ako ha? wahehehe.. nice post dude ;)

Ungaz said...

ang bait ng tta mo...sabi gwapo ka.ayw ka msaktan...joke idol.cute cute!!!hahahaha

hay kahit minsan gusto ko na ptayin si Greta mahal ko parin yon. May mga bagay na kaya kong isakripisyo para sa knya khit wlang kapalit.msayang nakakaburyong ang may kapatid....

May mga kapatid ka...Hindi nga lang kadugo pero ganon ang turing sayo...like us.chos!matouch ka!!!

Diamond R said...

ang sarap basahin nito.Punong-puno ng pagmamahal.maramin ang makakarelate dito kasi lahat may kapatid at nagmamahal.

hArTLeSsChiq said...

nanibago ako sa post mo,pero nag enjoy pa rin akong basahin...

Lahat ng tao na malapit sa atin at parte ng ating life,kahit hindi kapatid ay dapat nating pahalagahan dahil di natin alam kung kelan sila aalis to be with God..

Yun lang...ahmmm teka glentot may sakit ka ba?lol

khantotantra said...

ambait nman ng mom mo kasi sya talaga ang nag-aruga sa iyong tita.

Mamahalin ko na nga ang ate ko :D

fumbledapple said...

Inspiring. Parang out of the blue, biglang nawala ang lahat ng kalaswaan sa sistema mo Kuya. Karapat dapat kang iclap-clap. :))

KikomaxXx said...

weee... ang gusto ko nun magkaroon ako ng lalaking kapatid kasi nakakasawa na ang bangayan ng mga babae.. hmmp pero napukaw nito ang katawang lupa ko.. nyaks... huhuhu from now on di na ako masyadong maghihigpit sa kanila...

Anna said...

yo tol, for rent ang kapatid ko? gusto mo. haha. joke lang. masarap nga ang may kapatid, may kaaway at kakampi ka at the same time. best of both worlds.

Anonymous said...

ayan binisita ko ang blog mo Glentot I dunno bkit ako ngcomment at parang nakarelate ako sa topic about "kapatid"... kahit meron mga bwisit na kapatid or kahit "magulang" pa, at the end of the day,kahit merong hindi magandang nanayari, hindi mo sila matitiis eh kasi pareho dugo sa katawan nyo. thats it......Godbless POGI. magddownload muna ko ng mga brushes..hihi
it's better than ursssss
..Jjanis..

ro anne said...

napaka emotional ko talaga ngayong araw na to... 2 movie na iniyakan ko... at itong post na to!!!!!! tulo uhog ko adik ka...

warm hugs glentot, sabi ko na nga ba may mbuti kang puso, kasi ang bait ng nanay mo... naalala ko ung nanay ko... adik ka umiiyak na naman ako... hahaha para kong baliw... haha....

Yffar said...

gustong-gusto ko ang nabasa ko dito. Napakatotoo.

Hindi ko na pahahabain...
rate: 10/10 moons

Michael said...

Er ... Glentot, ikaw ba iyan?!?! May englishing ka pang napapasama, I cannot comprehend!! :D:D:D Pareho lang tayo, glentot, only child lang din ako. Tapos, 2 days ago lang nag-celebrate ang aking papa ng berday at sa Dec9 ang 1st deathsary niya!! Hihihihi.. :D:D:D

Neneng Kilabot said...

ok to ser.. sarap basahin..

dahil dito,sa ngayon hindi ko na sisingilin ang kuya ko sa mga utang nya..

next week na lng..lol

Ako si Yow said...

Naks.. Ramdam na ramdam ko yung post. At parang nakarelate ako sa Nanay mo. Sobrang sarap magkaroon ng kapatid lalo na kung kasundo mo at napakasakit naman kapag may nangyari sa kapatid mo. Naalala ko tuloy yung Kuya ko. Amp.

Will said...

Hindi na ko maglalagay ng smiley o kahit na anong nakakatawang bagay sa comment na to dahil bihira ka lang ata magpost ng ganito kaseryoso. Nakakalungkot naman, pero mabuti at may natutunan ka sa konsepto ng kapatid. Ganyan talaga ang buhay, nawawala kung oras mo na talaga.

Leo said...

great post glentot! nageevolve ka talaga sa genre ng writing mo... and i must admit. naluha ako sa post na to...

Andy said...

kala mo only child ka! pwes mali ka dyan! may kakambal kang ahas hayup ka!

Nimmy said...

ikaw ba yan?! gusto mo suntok?! chos! hahaha

nahipo mo ako sa post na 'to.. :)

Arvel Soian GB. said...

yeee.. bat ko pa tinuloy yung basa? ayan tuloy.

naluha ako. huhu..

na miss ko tuloy mga kapatid ko.

hayss...

T__T

ʎonqʎʇıɔ said...

this made me super sad. bunso ako. ayoko muna isipin.

Spiral Prince said...

hindi pa huli ang lahat! subukan mong humingi ng bunsong kapatid sa mga parents mo! joke! hehehe

it's a bittersweet post :)

Chingoy said...

oi, binasa ko kahit may disclaimer ka hehehe...

wala tayong choice sa mga kapamilya... pero kahit ganun, lalabas at lalabas ang pagmamahal natin natin sa knila no matter what..

wv:

myches (palagay ko mingot to)

DRAKE said...

akalaing mong may puso ka rin pala, hindi lang pala saging ang may puso!

Masarap ang maraming kapatid, maniwala ka, medyo mahirap nga lang! Magpapakadakuba ba ako sa saudi kung di ko mahal ang mga kapatid ko!Naks gumagown!

Ingat

KUMAGCOW said...

Nakanang... ikaw pala si Glenn glenn.. heheh

Well I am impressed magaling ka naman pala magsulat in English,am I gonna see a new blog in this language? =)

Donato said...

nung unang basa ko kala ko na-hack yung account mo tas may ibang taong nagpost. hehe

may tinatago ka din palang bait dyan sa kaibuturan ng yong puso. HAHAHA!

an_indecent_mind said...

akala ko naligaw ako ng pinasok na blog! emo emo???

masarap ang may kapatid, sharing and being a real brother specially during tough times.

panganay ako sa apat, at andun ung responsibility at role model burden.. kaya nga mabait ako e!

hek hek!

Yj said...

lumaki ako sa pamilyang punong puno ng kumpeutisyon...

lahat ng mga kapatid kong babae walang gusto magpgatalo sa ganda, sa kung sino mas sexy, mas matalino...

in the end, ako ang panalo!!!

bilang mga barreto sisters lang kami!!!

at ako si Gretchen nyahahahaha

ching!

@ Claudiopoi... nakapili na ako... IKAW NA!!!

Yj said...

putang ina mo Andy... ikaw na ang pambalanse sa mundo... naiyak na ako sa post na to... tapos mababasa ko ang comment mo!!!

wag kang magmalinis... may kakambal ka din gago... DAGA!

kambal kayo sa uma!

Xprosaic said...

Wow! anong meron at napapaemo ka ngaun... ibang iba sa nakasanayan ko... bagong buhay ba?! lol... naku naku... masaya naman magkaroon ng kapatid... minsan kagalit mo sila pero kahit anong mangyari sila pa rin ang kakampi mo sa bandang huli...

Lord CM said...

na-hacked ba account ni glentot? parang iba ung gumawa ng entry ah lolzz

Kaiyak naman to,pero sa tutuo lang, ang sarap ng pakiramdam ng may kapatid, ate o kuya, yun nga lang malayo ako sa kanila ngayon :)

jasonhamster said...

naluha ako glen.


mahal ko din kuya ko at bunso kong kapatid.

:)


nandito pa man din ako sa opis.

nakita ko rin kasi mommy ko last time... nung namatay tito ko...

:'(

Greta said...

masarap nga magkaroon ng kapatid, para ka na din may bessy tska kaaway nun, wala ka na magagawa, anjan na eh!kahit leche minsan si ungas sa buhay ko, kelangan mahalin, ayun na eh, naubliga lang!hahah

nakakaiyak naman post mo na to!leche!

Klet Makulet said...

Meron akong kuya.

Para sa akin ang kapatid ay hindi lang hatian, may away din kung minsan lalo na kung pareho kayong matakaw tulad namin hehehehe. Pero totoo yang kwento ng tita at mother mo... ganyan din ang nangyari sa lola ko, and lahat ng 11 nyang kapatid ay nandun to support her.

Kung only child ka man, may friends ka naman na matuturing mong kapatid. di naman kailangang magkadugo para magawa mo yun...

Magawa mo kaya yan sa friend mo like Jepoy? hehehe naisip ko lang :)

MOKS™ said...

May kapatid ako 2, pero ako ang panganay..kuya nila..pero hindi ko rin naman naranasan ang magka Kuya...masarap kasi yung may big brother ka... nalulungkot ako sa post mo na to glentot!!!! Hehehe pwede mo kong gawing kuya...tara ibuhos mo, hug kita...hahaha inuman tayo! (Nestea Iced Tea)

egG. said...

kaiyak.... :'(

bait ng mama mo...

Anonymous said...

Wow! Napakadakila naman pala ni Doris. Ganyan din siguro ang kanyang bunga :D

Walang participation si Sasha Fierce?!?!

my-so-called-Quest said...

awww. namiss ko bigla mga kapatid ko. and saludo ko sa ermat mo. at sayo na rin dahil alam ko sinuportahan mo sya. o tara group hug. :P

Pinoy AdvenTurista said...

masarap magkaroon ngkapatid...at mahal na mahal ko ang mga kapatid ko...

e said...

Holycrap, Glentot, I never knew you had it in you to wax mellowdramatic. I thought your coprolaliac mental disorder was dyed in the wool. This one was spot on, dude, balanced in all aspects, tone, diction and imagery, unlike other blogs that aim at masturbating one's tearducts to depletion. You had me at "Wala na siya?" Good gawd!, I think this question will now endlessly trigger a nuance of inconsolable sorrow, one that will relentlessly tug at the heart.

Kaitee said...

Nakalungkot. :(

mjomesa said...

marunong ka rin palang mag-senti? hehe..

anyway, sorry for your loss...but masarap talaga may kapatid..

isa lang masasabi ko jan..mwahchupa ever pa rin...weeee

Anonymous said...

nakarelate naman ako at tinamaan,sapul na sapul nga eh..yung ate ko kasi more than 2 years na ring bedridden.nung wala pa syang sakit hindi kami close,madalas pa nga kami mag-away.ngayong may sakit sya,parang ganun pa rin.andun pa rin yung compassion ko sa kanya pero hindi talaga kami maging close kahit anong pilit yata.pero im sure lab ko sya,kaya lang hindi ko maipadama na concern at naaawa ako sa kalagayan nya.hayyy,di ko tuloy mapigilan magcomment

-marileth

Pong said...

pwede ko tong maging entry sa december 4 birtdhay ng kapatid kong namatay.

pero seryoso sir this post just hit me big time.
lalo na sa mga okasyong alam kong dapat andun siya. at sa mga panahong kasalo ko sila sa church activities.

salamat sa pagbabahagi, you showed us the other, most probably the importance of "kapatid"

be blessed sir!

Avee said...

Awww... Grabe, panganay ako pero parang di pa ata ako nakakapagbigay ng kahit konting pag-alaga sa mga brothers ko... Sila pa ang nagaalaga sa kin. HEHe. Siguro dahil unica hija ako.
Anyway, salamat at may natutunan ka sa post ko kahapon. :-)

Tsina said...

Na-sad ako. =(

Poldo said...

Well like what you said nung nagpost ako about sa utol ko..
"Maswerte ako dahil may kapatid ako". Tama naman...

siguro kung hindi ka man magkaroon ng true blood siblings e meron kang mga kaibigan na maiikumpara bilang isang kapatid..

Love this post!

Momel said...

It was a sound I would never want to hear ever again.

Nakakainis ka naman Glenn eh. Nakakainis talaga tong post na to. Grabe, affected ako. Basta.

Ehhhhhhhhhh!

Anlambot lang noh? Pero promise, hay, hindi naman sa speechless ako, pero, basta. Binuhay mo ang iyaking katawang lupa ko. Siguro kung hindi lang ako na-dehydrate sa kakaiyak ko two weeks ago eh lalabasan pa ko very light. Ng luha.

Ang galing nito Glenn (first name basis, kunyari close). Rakenrol ka dahil sa post na to. Mabuhay ka, and Muahness from Pasig Citehhh!

P.S. Mag porn ka na sa next post mo please.

paci said...

hahabol ako sa comment. ako love na love ko mga kapatid ko. so close to home itong post na ito sa akin. touching. =)

rundeekalel said...

touching...kaya pag nagka-anak ka,bigyan mo sila ng kapatid :)

Traveliztera said...

Di ako sanay... Seryoso nga tong post mo na toh. Pero touching yung story ng mom mo at tita mo... Nadama ko sa pagkakwento mo gano kamahal ng mom mo tita mo... Pero ang swerte nila na naiintindihan nilang dalawa yung essence ng isang pagiging kapatid at ang swerte mo dahil kahit wala kang kapatid, natutunan mo sa kanila yun...

I'm sure masaya si tita mo na kahit papano, may naipasa siya sayo--aside sa pagpapaalam sayo na gwapo ka (which is true ;) yiiii) hehe pero yun nga, alam ko na masaya tita mo na andaming realizations na naipasa niya sa mga naiwan niya...

only child din ako. gusto mo maging kuya ko?

iprovoked said...

Nakakaiyak, huhuhuhu.. I can see my mom thru your mom. She loves all her siblings too. Kaso hirap sila sa buhay noon kaya hindi rin nya matulungan ang mga kapatid niya. But I know my mom loves her kapatids so much. And I love my siblings too, more than anything else, kahit maldito ako paminsan-minsan, mabait akong kuya. haha :]

Maldito said...

napaluha ako........im seeing this post in a different perspective.....yung sa tita mo...

im asking myself...kaya din ba ng mga kapatid ko na gawin niyan pag kagaya din ako ng tita mo?

and the thought of it...natatakot na ako. :(

glentot said...

Sean haha sorry naman hindi na mauulit! haha

The Gasoline Dude Balita ko nga din only child ka rin (child pa
nga ba?) haha sarap no? Structure ka jan!

KHEKZ saan ka po banda natouch baka mademanda naman
ako haha joke

claudiopoi now you know how it feels like when we read YOUR
blog haha jk! asan ang catalogue mamimili ako hehehe

Tiano hahaha bastos kang bata ka! Kung ako na-coma hindi ka
invited! hehe

Ungaz hindi nagsisinungaling yung Tita ko no! Hahaha sa dami
ng example mo eh si Greta pa lalo tuloy ako nag-doubt haha.
OK natouch ako, kung may fourchette ako dun ako mata-touch
haha...

Diamond R salamat sa feedback mo, natouch ako. Tama puno
ng pagmamahal ito.

hArTLeSsChiq haha just wanted to try something different
haha bakit mo naman naisip na may sakit ko?

khantotantra haha kung hindi mo pa ba nabasa ito eh hindi mo
pa mamahalin ang Ate mo hehe joke

fumbledapple haha don't worry next post magbabalikan lahat
sa sistema ko hihi salamat sa clap-clap

KikomaxXx haha bangayan talaga for sure maingay sila kapag
magkakasama hehe

Anna haha pimp! yun nga ang madalas kong marinig... parang
may friend ka kaso kasama mo 24 hours

Anonymous JJ alam kong nakakarelate ka pero hindi ko alam
kung makukumbinse kitang mahalin ang mga kapatid mo hehe
joke lalo ang mga magulang mo haha God bless you too!

ro anne haha ikaw talaga ang babaw ng luha mo hihi hindi ko
naman intention magpa-iyak pero salamat na rin at na-move
ka hehe

Yffar haha salamat sa napakaraming moons!!!

Michael hmm nice to know you made your peace with the loss
of your daddy... ikaw talaga, only child ka pala tapos lagi mo
pinapasakit ulo ng mommy mo hehehe

Neneng Kilabot hehe salamat po sa pagdalaw sa blog ko. at
dapat magpasalamat sa akin yung kuya mo dahil sa akin
naka-extension sya sa due date nya sayo haha jk!

Ako si Yow parang nabasa ko nga sa It's Yow Time (naks may
branding) na nawala rin ang Kuya mo so alam ko may special
kurot sa puso(?) mo ang post na ito

Will tama bihira lang ako magpost ng ganito at kinakabahan
ako kasi malamang makantyawan ako hihi so salamat at
sineryoso mo rin ang comment haha

Leo haha nag-evolve parang unggoy lang! salamat naman at
napaluha ka, ilang droplets ba yan hehe

Andy hayup ka alisssss jaaaaaaaaan!

Nimmy hihi saan banda baka makasuhan ako ng acts of
lasciviousness!

Arvel Soian GB hehe sensya naman dapat pala naglagay ako
ng warning sa may bandang unahan

citybuoy yup wag mo munang isipin. lalo yung diaper part

Spiral Prince naku huli na kasi hiwalay na sila hehe pero OK
lang ayoko na rin humingi at salamat sa pagbasa

Chingoy tama, sabi nga, you can choose your friends but you
can't choose your family

DRAKE ikaw na ang dakilang bayani ng taon! at least ang laki
ng pakinabang mo diba

KUMAGCOW hahaha yung Tita ko lang na yun ang tumatawag
sa akin ng ganun haha nope, hindi ako mag-e-English blog, it's
no fun!

Donato hayup ka paminsan-minsan ka na nga lang
magcomment lalaitin mo pa ako haha walang maka-hack ng
account ko ang hirap kasi ng password

an_indecent_mind paminsan-minsan lang, pagbigyan naman
haha ikaw na ang role model!!!

Yj wala ka talagang pinapalampas na chance para 1)
magmaganda 2) mag-ilusyon at 3) lumandi. Yung 1 and 2
optional pero yung 3, required.

YJ at bumawi ka rin pala, naiyak daw, saan lumabas ang luha
mo? Daga ampota, makabili nga ng RACUMIN

Xprosaic haha wag kang masanay kasi once in a blue moon
lamang ito at yan nga ang madalas kong marinig sa mga
taong may kapatid

glentot said...

Lord CM lol may naghacl at naisipang mag-emo? ahihi naiyak
ka ba haha

jasonhamster wow napaluha ko ang isang sikat na sikat na
jasonhamster hehe salamat sa pag-appreciate and it's good to
remember them from time to time

Greta pareho kayo ng sinabi ni Ungaz. Tingin ko kung
magkakaroon kayo ng choice next life ng magiging kapatid,
hindi nyo pipiliin ang isa't-isa. Haha joke!

Klet Makulet haha balahura kasi ang mga friends ko kaya hindi
ko sila maasahan sa mga ganitong sitwasyon haha salamat

MOKS ang wholesome ng drinks Iced Tea baka pwedeng
Chocolait na lang haha naku mahirap magkaroon ng Kuya kasi
mga kupal sila hahah joke lang

egG oo mabait sya walang kapantay

Anonymous Syempre the apple doesn't fall too far from the
tree at may participation sya, hindi lang nga sya umabot sa
ospital kundi sa lamay lang

my-so-called-Quest haha group hug! salamat naman, kahit
alam kong ang pagbabantay na ginawa ko eh mild lang kasi
panay alng ang pagsagot ko ng sodoku puzzles

Pinoy AdvenTurista hehe sabi nga... congrats sa iyo

e Your comment made me Google hahaha. I never even
considered tone, diction and imagery haha those were the last
things on my mind... salamat your feedback really made my
day!

Kaitee hehe sensya naman :)

mjomesa haha oo naman sometimes nag-eemo rin ako mga
once a year

Anonymous hehe napa-comment ka tuloy bigla... alam mo,
yung hindi mo masabi, isulat mo hehe at ipabasa sa kanya, or
idaan mo kapag tulog sya saka mo kausapin, tatatak sa utak
nya yun

Pong Bless you din, nakakamiss talaga ang mga departed
loved ones kaya it's a nice thing to remember them from time
to time, I'm sure it makes them happy

Avee haha unica hija ka pala, kaya responsibilidad nila na
gwardyahan ka! tanggapin mo na lang na sila ang maghihigpit
sayo hehe

Tsina sowee naman hehe :)

Poldo naku ang mga kaibigan ko eh mga walang kwentang
tao, mga sira ang buhay at damay-damay na sa kabalahuraan
haha jk...

Momel haha volatile ka talaga nowadays at malamang nga eh
wala ka nang tubig sa katawan, kung alam ko lang sana
ni-consider kita while writing haha salamat sa papuri! tayo
tayo nagpupurian ahihihi

paci hehe salamat at for sure love ka rin nila

rundeekalel binasa mo really??? san ka banda na-touch... hehe

Traveliztera panalo na naman ang comment mo, palo! tama
seryoso ito, trial lang uli haha. chinallenge ako magsulat ng
emo eh, ayan tuloy, di pa man din ako umuurong sa challenge.
swerte pa nga ang nanay ko kasi kahit paano nagkaroon sya
ng chance na ibalik yung pag-aalaga sa ate nya... hahaha
maka-flatter ka naman! thankful talaga ako sa tita ko na un...
Ah only child ka akalain mo yun! O dali ako na Kuya mo wala
nga lang tawagan ng Kuya ahaha nakakatanda!

iprovoked haha maldito talaga ang term.. i'm sure bottomline
eh yung pagmamahal talaga nandun... sorry kung
nakakalungkot hehe salamat sa pagbasa

Maldito hihi alam ko kung bakit mo nasasabi yan, I remember yung post mo one time, and i can't blame you if you have to disagree with me hehe lahat naman tayo iba-iba ang kalagayan and it's hard to generalize... thing is, at least you know ginagawa mo ang parte mo, and in the end malamang magkaayos rin kayo, lalo kung palitan na ng diaper ang usapan... there are some tough things in life na nakakapagpabago sa mga tao, too bad lang na there's always death on the horizon na parang sya ang the great equalizer. Effective pero morbid. Wag mo na isipin ahihihi

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT AKALA KO WALANG MAGBABASA NG POST NA ITO DAHIL MALUNGKOT, WHICH IS NOT WHAT WE"RE USED TO. Thanks for sticking with me!

Mwahchupa pa rin.

orally said...

oh wow...

Habibi Lakiari said...

So ngayon alam mo na scientific term sa mental disorder mo na yan? Now, one more time, COPROLALIA. Wala kang Tourette Syndrome, wala, wala, akala mo lang yon, dahil mga may Tourette ay matitino. Hahaha. Jowk, dude.

mang poldo said...

mabait ka sigurong kapatid. pero may pagkapilyo. ;)

Super Balentong said...

very touching 'tong post mo, pero di ako umiyak, maco tayo.

pero seryoso, makabagbag damdamin. buti nalang marami kaming magkakapatid, masasayang magkakapatid.

empi said...

Nalungkot naman ako sa istoryang ito... naisip ko tuloy mga kapatid ko... sana nga may time pa kami para maging close sa isa't isa.

Athena said...

like ko yung post. mganda tlga pag may kapatid... korek po kayo sa mga huling linya na binangit nyo... and im proud masasaya kmi bilang mgkakapatid

Athena said...

nice post.. im proud n msasaya kming mgkakaptid

VICTOR said...

Parang ang weird lang dahil habang nagbabasa ako, ang naririnig ko na voice over e boses mo na pensive mode. Hehe.

Pero seryoso, bilib na talaga ako. Sabagay kahit noon pa naman ay alam ko namang hindi ka lubos na masama. LOL.

Keatondrunk said...

buti nman mbait ako sa mga kapatid ko, gud boy ako...

silentassasin said...

This post not only show the importance and the unconditional love of bros. and sisters but also the love of a son to his mother and to the whole family. Nice one glen.

Ester Yaje said...

ang bait ng mama mo kuya glen. dapat sa post na to e submit sa MMK. para lang namang kinukurot ang heart ko.na miss ko tuloy si bunso. palagi ko kasi siyang inaaway.:(

bulakbolero.sg said...

Glen, eto yung isa sa pinakagusto kong post mo.

may laman. di ko alam kung ano yung palaman. pero habang binabasa ko, ang daming umiikot sa utak ko.

naiisip ko kung paano namatay ang dalawang tito ko.

kung paano ko binantayan ung mga pamilya ko na nasa ospital nung may sakit sila.

kung pano kami mag-sapakan ng utol ko. pwera nalang ay magkapatayan.

ngayon, wala pa din akong tulog, galing sa operasyon ang tropa ko.

pagod. pero worth it naman. atleast successful operation nya.

napukaw naman bigla ang loob ko sa post na to.

uha uha.

aajao said...

daming replies. iba na ang sikat sa blogosphere!

ang masasabi ko lang sa post na ito, malalim ang pinaghugutan. at dahil sa post na ito, nasabi kong swerte pa rin ako dahil kahit isa, may kapatid ako. pero sabagay, hindi lang naman kapatid sa laman ang pwede nating ituring na "kapatid". we can always take that word in its essence and not only by it's genetic actuality.

happy new decade sa yo, glentot! 2011 onwards....

Myrtea said...

ayoko sanang mag-comment kasi mapipilitan din ako magpakaseryoso. pero touching 'to... nakarelate ako, kasi unica hija din ang drama ko.

masarap nga siguro ang may kapatid.. kaya hindi ko matindindihan kung bakit minsan humahantong sa pagpapatayan ang sibling rivalry. may mga tao talagang balentong ang utak. pero nasa upbringing din siguro yun, no glentot?

Oliver said...

napakahindi ikaw ng post na ito.
ayokong magcomment, hahahaha

pusang kalye said...

glentot--naks. me mga kubo don sa gilid ng rock formations. nag-stay daw sila ada dyan ng 2 days before with her barkada. I thought sarap siguro camp doon. medyo scary sa gabi pag malakas alon pero fun siguro. na try mo naba?


sori out of the topic.hahaha

Reesie said...

naiyak ako. :-(

Artiemous said...

naluha ako dito shet!

Ako si Yow said...

Nagcomment ulit me.
Gusto ko lang sabihin na...

"Uiiii, nagparenew na ng domain."
Haha.

glentot said...

orally haha hindi ko sure kung paano i-interpret ang oh wow pero salamat pa rin ahaha

Habibi Lakiari hahaha tama coprolalia, ang una kasing pumasok sa isip ko eh coprophagia... haha salamat

mang poldo tama. tama pareho... sayang hindi ako nagkaroon ng chance para malaman kung tama talaga ehehe salamat!

Super Balentong you're very luck at salamat sa pagpapa-touch sa post na ito hahaha laswa.

empi I think there's always time... it's easy for me to say hehe pero meron yan! salamat!

Athena that's good for you... salamat sa pag-like hehehe

VICTOR haha voice over talaga! sana mala-charo santos na lang diba hahahaha

Keatondrunk haha mabuti yan! haha salamat...

silentassasin salamat, kahit paminsan-minsan ka lang magcomment eh nakuha mong magcomment sa post na to, naappreciate ko hehehe

Ester Yaje haha pang-MMK talaga baka matawa naman si Ate Charo

bulakbolero.sg salamat! sensya na rin kung nag-induce ng malulungkot na memories ang post na ito hehehe

aajao maraming salamat sa pagcomment hehehe tama and it's good you realize how lucky you are! happy 2010!

Myrtea tama ka jan, nasa kinalakihan yan. iba-iba talaga ang stories natin, yung mga bagay na akala natin klaro eh mahirap pala intindihin sa mata ng iba... live and let live na lang siguro kung hindi talaga magkakaintindihan... mwah!

Oliver lol!

pusang kalye hahahaha hindi ko pa yun nasubukan! pero mukhang fun nga magjerjer dun

Reesie soweee! :)

Artiemous sorry naman hihi ilang droplets???

Ako si Yow hahahahahahaha nakaabang ka talaga! Amp!

SALAMAT PO ULI SA INYO!

macz said...

nakakaiyak.. :(

Reina (The Pink Fence) said...

i love the story!

Ruz said...

alam ko yung sinasabi mong howl. i heard that when my my uncle died and mom got the news. kumakain ako ng lunch galing office. i just stood there. numb.

alam ko rin ang feeling ng nagbabantay na kapatid kasi i experienced that when my mom was in the hospital naman. andun palagi ang auntie ko pag asa work si dadi at asa bahay ako.

may 4 na bilugang butil na luha ang tumulo glentot. ng hindi ko namamalayan.

i am also an only child.

chilaxjukebox said...

tae ka glenn, ang hirap magpigil ng luha dito sa office..hahaha...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding