office monsters

Sa ilang taong pagtatrabaho ko, marami na akong napasukang mga opisina, may small time (computer shop), may average (korean school, small call center), may corporate (big call center, the porno job, my present office, etc). Marami silang pagkakaiba, mula sa facilities hanggang sa mga employees. Maswerte ako kasi wala akong masyadong masabing masama sa opisina namin ngayon, masaya naman at may level ng professionalism.

Pero ang sabi nga nila, kahit saan ka magpunta, meron at merong mga pasaway. Mga professional lang sa damit pero hindi naman sa asal.

There's this one time, long ago, umiihi ako sa urinal nang may narinig akong umuungol sa cubicle. Sinong normal na tao ang umuungol habang tumatae, unless kumain sya ng buong langka? Malamang nag ja-jackstone sya sa loob, ang baboy! Parang gusto kong magpapaskil ng karatula, "Mangyaring i-asinta ang semilya sa inidoro."

Laging nagrereklamo ang mga babae kong officemates na basang-basa raw ang sahig ng cubicles sa banyo nila. Ang paniniwala nila, may naliligo sa cubicle gamit ang bidet. Hindi ko sure kung exagge lang, pero parang gusto kong magpaskil ng "Bawal maghugas ng pechay sa sahig."

Reklamo rin ng mga girls na may nag-iiwan daw ng tissue sa toilet seat. Buti nga sa banyo nila tissue ang iniiwan, eh sa boys' CR, may nag-iiwan ng tae! Kung bulbol ang naiwan, fine, mapapatawad pa yun, pero tae? That's some serious shit. Nagmagandang loob naman yung tao na i-flush, pero may traces of brownish-blackish-greenish matter pa rin. Parang wala syang pakialam na malaman ng mga susunod na gagamit ng banyo na matigas na tubol ang tae nya. Magpiprint talaga ako ng karatula, "Iwasang kumain ng mais."

Eto ang matindi. One time umihi ako, may tumatae sa kabilang cubicle. Nung naghuhugas na ako ng kamay, nag-flush na sya. Sabay lumapit sa sink, inayos ang necktie, sabay alis. Walang hugas-hugas! Ang kapal ng mukha nyang humawak ng door knob. Kakahiya naman sa bacteria na iniwan nya. Parang gusto kong magpaskil ng "Mr. *'s shit was here!" sa door knob. Dugyot sya. Ang sarap regaluhan ng SafeGuard! Sana kausapin sya ng konsensya nya tapos pakitaan sya ng visual aids ng mga bacteria na 99.9% samahan pa ng representative from DOH.

May Green Team kami sa office, at mga advocate sila ng pag-rerecycle at iba pang environmental chuchu. Kaya naglagay sila ng recycling bins sa pantry. Bawat bin may label, like "Cardboards" o kaya "Plastic Bottles" or "Tin Cans". Magandang gawain sana mag-recycle diba? Yun nga lang, may mga nagrerecycle ng maruming tissue paper, styro na pinagkainan nila ng Jolly Spaghetti, etc. Nakakainit ng ulo, kasi ginagawa na nilang basurahan ang recycle bin. Parang gusto kong sampalin to the left yung nagtapon kapag nahuli ko sya, sabay "Sigurado kang gusto mong i-recycle pa ang ginamit mong tissue paper??? Sige, sana ma-recycle yan, at mapunta sayo uli, ipunas mo sa mukha mo, hindot ka." Tapos sampalin ko pa uli to the left for good measure.

Actually small crimes pa lang yan. Ugali ng isang teammate ko ang mag-iwan ng earphones sa computer nya, thinking na wala naman siguro magnanakaw sa office. Such a wrong erroneous mistake. One day naglaho ang earphones nya. Sabi nya, OK lang naman daw mawala yun kasi pangit naman yun. Kaya bumili sya ng bago, yung mamahalin at maganda. Ang pagkakamali nya, iniwan nya uli sa desk nya yung new earphones. The next day, wala na yung bagong earphones. Pero nagmagandang loob naman yung magnanakaw na ibalik yung nauna nyang kinuhang earphones, yung pangit. Tanginang magnanakaw, choosy. Parang gusto ko syang itali sa poste at paskilan ng "Magnanakaw ng earphones, huwag tularan." Tapos ipapasak ko yung earphones sa tenga nya, sabay magpapatugtog ng Sarah Geronimo "Forever's Not Enough" on repeat hanggang dumugo ang tenga nya.

Ang kapal ng pagmumukha.

Lahat naman tayo nate-tempt na gumawa ng masama, minsan nagkakaroon ng unprofessional behavior. Fine, maingay ka habang nagtatrabaho, ang lakas mong tumawa, kita from outer space ang ngala-ngala mo kapag masaya ka, pero at least hanggang dun lang yun. Fine, naisip mong dikitan ng kulangot yung "Close" button sa elevator, just for fun, pero at least hindi mo ginawa. Fine, petiks ka na nga maghapon, nag-torrent ka pa ng movie, three times ka pa magkape, at least hindi mo ninakaw yung vending machine. Marangal ka pa rin. It barely defines your personality. Hindi ka role model pero at least hindi ka rin bad example, mabuhay ka!

Dahil diyan mag-iiwan ako ng isang quote:

"You are who you are when no one is looking."



So yung facial expression mo habang tumatae ka, yun ang tunay mong anyo.

48 comments. Post your comment here.:

Leo said...

sure? nagporno ka? hehe.

i can relate. agent pa ako nun, hot-seating, meaning no permanent station - ung mga salaula kong officemates, after gamitin ang station ko, magiiwan ng mga basura. sarap ipukol sa mga makakapal nilang mukha.

at humagalpak na naman ako ng tawa sa last mong linya. hahaha!

Maldito said...

marami talagang ganyan..yung mga tipong gusto mong ibalik sa pagka kinder garten..kung saan tumabada dun naman nagpapakawalang kwenta...ahhehe..

buti nalang na master ko na ang art of faking the facial shit. ahahaha..

Yj said...

what's wrong with the universe?

Jepoy's comments section is deactivated...

Now you used the word "erroneous"...

At humaba ng 1cm ang tinggil ko paggising ko kaninang umaga...

what the hell is up with the universe?

orally said...

magcomment sana ako about kulangot kaso nahiya ako bigla. wag na lang

Yffar said...

ano kaya itsura nun habang nagsa-shower gamit ang bidet? hehe, kayo talaga, baka hindi naman. baka naman naghihilamos lang yung tao sa bowl at natatapon lang sa sahig ang tubig kaya basang-basa ang sahig sa cubicle. lol XD

domjullian said...

buti na lang di ako nagtatrabaho. :P

khantotantra said...

baka gusto lang ma-refresh yung mga girls na naliligo using bidets. :p

pero nakakadiri much nga yung mga scenarios na binigay mo.

The best yung quote mo sa huli!! Tumpak na tumpak!

Rah said...

Parang ganito lang yan, kung masama ang isip, masama din ang gawain. Meron din naman mga masama dahil lang sa circumstances. Pero hindi masama per se. Katlad nalang ng pangungulangot.

KUMAGCOW said...

pleasuring yourself in an office CR... and letting others hear it... don't you think that's just sick? Hehe

gillboard said...

ang sakit ng tyan ko dito. nagising ako.

salamat sa mga naisip mong magandang karatula.

-bawal maghugas ng pechay sa sahig... panalo!!! hahahaha

Reesie said...

first time ko dito at natawa ako sa entry mong to...winner!

*bookmarking*

Andy said...

puta ka! ikaw na ang employee of the year! ikaw na ang pumapasok ng sabado sa office para manood ng porn. puta ka! hahaha!

rundeekalel said...

excuse me...naka smile ako habang jumejebs! hahaha (defensive!) ikaw naman, parang hindi ka rin nag enjoy sa bidet, kung makapagsalita ka...hahahaha ☺

Xprosaic said...

Buti na lang ang pogi ko pag nagjejebs with sweet smile and all...lol... ahahahahhahaha

Momel said...

"You are who you are when no one is looking."

Or, let's all behave at our very best especially when our parents are nearby. Medio non sequitur, pero feel ko may very light coherence between the ideas. Syet, word nerd mode off. Anyway, maraaming ganito sa amin, I suppose the prestige doesn't matter. And I don't want to talk about them on account of you can't have done a better job.

More interactive porn, please?

Chingoy said...

"pero tae? That's some serious shit."

tama naman! LOL

eMPi said...

Burara ang mga taong ganyan. tsk tsk tsk!

choosy ang magnanakaw... kasi naman sinabing ok lang kung mawala ang earphones dahil pangit ito baka narinig ito ng magnanakaw kaya ayon pinalitan nya. :D

hard2getxxx said...

marami akong kilalang taong ganyan hahahaha di maiiwasan yan

Jepoy said...

tangina ka akala this is one boring post. dahil na bore ako sa first part but NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO napatawa nanaman ako kahit ang sakit-sakit ng puso ko *insert emo look*

Structure ka!!!!

Greta said...

feeling ko ikaw ung tinutukoy sa last part!nagbalak magdikit ng kulangot sa button ng elevator...that's gangsta!!!!

ikaw na glentot ang tunay na diwa ng role model!:)

Ako si Yow said...

Nahiya naman daw ako. Pakiramdam ko eh kriminal na ako kapag may nagawa akong mali sa mata mo. Haha. Ikaw na mabuting tao. Pero naniniwala ako na ikaw yung descriptions sa last part. Fine, umamin ka na! Haha.

Fine, ikaw na emo jepoy. Haha

2ngawzki said...

Kahirap kumilos pag nasa paligid ka.kaconsciuos kang buset ka idol.

dagdagan natin ang kadugyutan.Mga babaeng nagiiwan ng pinagreglahan na napkin everywernakabuyangyang pa.magpaskil ka nga ng "BAWAL REGLAHIN!"....hahahahaha

Oliver said...

tangina kadiri ung tumae tapos di naghugas ng kamay. hahaha.
at ang choosy nung magnanakaw ha, ang sarap sampalin.
dapat maglagay na talaga ng cctv, lalo na sa banyo.
tapos pag merong tumae tapos di naghugas ng kamay, iaannounce sa PA system ng opisina para ipaalam sa lahat ng tao na hindi sya naghugas ng kamay, ahahaa.

Artiemous said...

hahahaha! napatawa mo nanaman ako! lalo na yung "Kung bulbol ang naiwan, fine, mapapatawad pa yun, pero tae? That's some serious shit." :D ikaw ang modelong empleyado of the decade

KikomaxXx said...

weee... pwde natong maging bayani ng bagong henerasyon... ilagay ang mukha sa 1 cent coin... wahehehe.. tangina macoconcious ako pagkasama ka.. wahehehe.. dala nalang ako supot ilagay ko sa ulo ko...

rico de buco said...

sa office naman wala ka everyday may ufo hahaha

UFO as in UNIDENTIFIED FLOATING OBJECT WAHAHAHAA

nyabach0i said...

bago ako sa blog mo. sobrang astig. reading your blog is very inspiring. hahaha. nakakarelate ako sa mga pinost mo. favorite ko ang semilya part. :)

aajao said...

dugyoters all over. hahaha

Kaitee said...

Paano yun? Wala akong emotion pag nagjjebs?

Klet Makulet said...

tamang tama ka dyan glentot!

Yung jumebs na di naghugas ng kamay, baka nahiya na lang sayo kaya kunwari di siya gumawa ng krimen. heheheh

Sana mahuli mo na ang mga salarin (magpulis ka kaya? heheh)

Keatondrunk said...

Hanep yan ang pinoy. keen observer ka bro!

silentassasin said...

Ok lang yun.. meron nga akong napakinggan kwento sa urinal tumae..Thats d most sickest SHIT ever.

♥superjaid♥ said...

hahaha kadiri naman talaga sa school madalas din ang mga lumulutang na shit may gumagana naman yung flush..

bulakbolero.sg said...

may mga ganyan talaga. kabad3p lang.

ngaps, paano kung nakakatulog ka habang tumatae, ibig sabihin, antukin ka? nyahaha. wala lang.

Myrtea said...

hagalpak as usual! ang dudugyot! sarap imarinate sa isang baldeng chili sauce na may zonrox!

wala namang akong mga officemates na ganyan ka-dudugi. karamihan dito mga rated PG! piggy ghouls. jollibee spaghetti lng papaduguin na ang tenga mo sa kantyaw. gawd! these people.

goyo said...

hahahaha. tang ina natawa ako dun sa magnanakaw ng earphones. hahaha.

ang titindi din nung ibang balasubas. lalo yung tumaeng hindi man lang naghugas. hahaha. pero maaari din naman na hindi sya tumae e.

nice post.. we are who we are nga kapag walang nakatingin..

kikilabotz said...

hahaha. bkit ang daming reklamo sa cr? haahaha..

hahaha. ibig sabihin yung magnanakaw lagi dala yung earphones. dapat icheck lahat ng officemates.

The Philippine Guild said...

tot, hayop ka, kumakain ako ng pork shogayaki don habang nagbabasa ng post mong to hayop puro tae at ihi pala mababasa ko. at may issue ako sa earphones ha. di lahat naghihinumuli kaya nakakadiri magpahiram ng earphones basta-basta.

darklady said...

napaisip ako bigla kung ano itsura ko pag tumatae ako.hahahaha

Ibang klase tong post mo! nice! ^_^

p0kw4ng said...

weeeh ikaw lahat ang salarin nyan eh!!

ahahahahaha! yung sa bidet eh malamang nasarapan sa tilamsik ng tubig sa pekpek yun kaya kanda awas na..mukhang natagalan bago nilabasan..ahahaha

DRAKE said...

puro kaartehan,ikaw na ang anak mayaman!hahaha!

Kunwari ka pa eh gawain mo yungv iba dyan!hahah

Ingat

Traveliztera said...

may pagka-OC pa namana ako. as in. ok na ako e kaso NABASA KO TOH. nabuhay ulet pagka-OC ko. d na nga ako magpapublic restroom. hahaha

Prince Fau said...

kabog. ahahaha
pababuyan talaga ah hehehe !

Ester Yaje said...

idol na talaga kita kuya glen. 5 times 5 ang sense of humor mo! galing!

glentot said...

Leo Yup nagtrabaho ako dun hahahah 2 months
Maldito facial shit? Iba ang naisip ko bigla sa phrase na yan!
YJ you put too much meaning in everything! dahil puta ka
Orally Don't be shy! Cmon! (landi lang)
Yffar Salamat sa pagpapaliwanag mo naintindihan ko na ang side nya ahaha
Domjullian buti ka pa! Ang yaman!!!
Khantotantra salamat! Hiniram ko lang yang quote na yan
Rah unless! Pinunas nya sa maling lugar
Kumagcow Yeah it's sick it's gross to hear it's unprofessional...
Reesie salamat and welcome!
Andy mga gawain mo! duh!
rundekaleel nakikiliti ka siguro habang jumejebs ahahaha
Xprosaic ano bang tae mo may feathers? ticklish
Momel don't over-anal...lyze hahahaha yeah susunod na ang Avatar XXX
Chingoy basta tae mabilis ka!
Empi panget daw ata yung sound ng nakuha nya maarte 2010
hard2getxxx Tama at mukhang masyado silang marami!
Jepoy excuse me i don't post boring stuff bwahahahaha jk
Greta Isang Napakalaki at nagbabagang TAMAAAA ako nga yun
Yow Tama ako ang mabuting tao! Hindi naman kita ijujudge!
2ngawzki hahaha pretentious lang ako pero maganda yang naisip mo, may naencounter na rin akong ganyan sa dorm noon! Yuck kaya pala tinawag na panty liner! May linya sa gitna!!!!
Oliver makakatae ka ba kung may CCTV??????
Artiemous yan ang pangarap kong award!
KikomaxXx bakit naman sa 1 cent sana kahit sa buong Dos na lang
Rico everyday??????????? kakabaliw!
nyabachoi Salamat sa pagdalaw!!!!!!!!!!!
Aajao you got that right! Welcome to my blog
Kaitee ibig sabihin manhid ka!
Klet naku effort ipapakulam ko na lang sila gamit ang baktiryang iniwan nila
Keatondrunk likas na mapanlait lang
silantassasin fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck tatambling ako pag nakakita ako nun at picturan ko
superjaid gusto lang talaga nila magiwan ng memories
bulakbulero ibig sabihin nun hindi ka masyado nachallenge sa pagtae
Myrtea tama ka!!! At dahil jan magpakain ka!
Goyo I think tumae sya kasi ramdam ko ang aroma
kikilabotz kakahiya naman na huliin pa sya! haha
The Philippine Guild hirap ako magspell ng Philippine! at kailangang pork shuganame don whatsoever ang kinakain mo pwede ba pork na lang haha
darklady manalamin ka haha
pokwang nyiiihii base ba sa experience yan!!!!
Drake himala nagcomment ka sana wag na nakakahiya naman!
Traveliztera tama dun ka lagi sa lounge!
Prince Fau welcome to my blog haha
Ester bale 25 na yan haha salamat sa appreciation

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT MWAHCHUPA.

ahmer said...

Aba aba namamansin na sya sa mga conment sa post nya hahaha

Robbie said...

Pet peeve ko yang mga bathroom etiquette. OC kasi ako na dapat malinis sa loob eh. Kaya sa mga hindi naghuhugas diring diri ako. At nakakainis lalo kapag ubos na ang soap sa dispenser. Di ako maka-move on ng maayos.

Benta sakin ang pagsampal to the left. Hehehe.

Marjorie said...

ewwrness naman yung guy na nag-session sa banyo tapos di naghugas. kumusta naman talaga sa pagiging dugyot LOL.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding