ate michelle

Meron ka bang paboritong pinsan? Ako meron. Michelle ang pangalan nya. Mas matanda sya sa akin ng mga 5 or 6 years kaya Ate ang tawag ko sa kanya. Nung bata pa ako, like Grade 4, tumira sya sa bahay namin kasi kami lang ng Nanay ko sa bahay at kailangan namin ng mapagtatawanan. Joke.

Boyish si Ate Michelle. Lagi syang naka-sando, kahit ang laki ng boobs nya. As in malaki. AS IN MALALAKI. Parang planets. Tapos siga yun maglakad sa kalye, parang nanghahamon lagi ng away. Idagdag pa na medyo slightly a little bit 10% mukha syang lalaki. Kasi naman, ang gupit nya, kempee!

Noong una syang dumating galing Bacolod, wala syang 4 ngipin sa harap. Yup! Nawala raw kasi yung pustiso nya. Nung una, nahulog yung pustiso nya sa inidoro habang finu-flush nya, pero nadukot nya pa kaya na-save pa. Pero nawala uli. Kaya ang unang binili ni Mudrax Doris para sa kanya ay pustiso. Sweet.

Sya ang nagpauso ng nickname kong "Tong". Ewan ko kung saan nya kinuha, pero nag-stick.

Magkasundong-magkasundo kami agad nung dumating sya. Kasi naman, inako nya lahat ng gawaing bahay. Yung mga gawain kong pagsasaing at paghuhugas ng pinggan, naglahong parang bula, at pasarap na lang ako sa bahay nun.

Magkasundo rin kami sa Ghost Fighter, sa MTV, at sa Moffatts hahahahahaha. Eww.

Magkasundong magkasundo rin kami sa kalokohan. Sya yung tipong hindi nagpapaawat kahit saan mo yayain. Lalabas ng bahay sa gabi? Go! Itatakas ang bisikleta nung delivery man ng gasul? Go! Magnanakaw ng mangga kay Bapa Biong? Go!

Speaking of Bapa Biong, minsan muntik na namin masunog yung bahay ng kapitbahay naming si Bapa Biong. Short story lang naman. New Year nun at pasimuno si Ate Michelle sa pagpapaputok. Sinindihan nya ang kwitis... nakatututok sa bintana ni Bapa Biong. Sumabog yung kwitis sa loob ng kusina nya. Happy New Year! Ayun, irate si Bapa Biong, pinagbubulyawan kami. Patay na sya ngayon, sumalangit ka nawang hayup ka.

Minsan na rin kaming nahulog sa imburnal. Short story uli. Nakabisekleta kami at dahil may sugat yung paa ko dahil nakatapak akong putang-inang bubog sa beach, hindi ako makapag-bike kaya umangkas ako sa kanya sa harap. Malayo pa yung imburnal, winawarningan ko na sya na iwasan nya yun.

"Imburnal yan, imburnal yan!"

"Oo. Ang kulit mo, sabing hindi tayo mahuhulog eh."

Kahit dinideny nya at sinisigurong hindi kami mahuhulog, sa imburnal pa rin kami pinulot. Dumugo yung sugat ko sa paa.

May isa nga lang syang masamang ugali: sumbungera! Bwisit! Minsan narinig nya akong nagmura as in "PUTANGINA" eh sinumbong ba naman ako kay Mudrax ayun na-award ako nang wala sa oras.

Minsan rin, nagconfess ako sa kanya na nanood ako ng bold movie kasama sila Khikhi. Nangako pa syang hindi sya magsusumbong, aba, kinagabihan, awards night na naman kay Mudrax. Simula nun, sinabi ko sa sarili ko, Hindi na ako magtitiwala sa iyo uli, at gaganti ako!

Kaya yun, pinutol ko yung strings ng pinakamamahal nyang gitara. HAHAHAHA.

Nung 1st Year high school ako, naglayas si Ate Michelle. Actually, nagpaalam sya sa akin, pero dahil usapan naming hindi ko sya isusumbong kay Doris, shut up na lang ako nung pag-uwi ni Doris at hinahanap sya...

Makalipas ang maraming taon...

Nagkita kami uli nung lamay ng tita kong si Darna (hindi tunay na pangalan) nung college na ako. At may kasama na syang asawa, at isang napaka-cuuuuute na baby girl na ang pangalan ay Arniebelle. So matapos ang lamay, nagpalitan kami uli ng numbers, at makalipas ang ilang araw...

May nagtext!

"Tong, Ate Michelle mo 2. Pautang."

Kunyari wala akong na-receive.

The End! Akala ninyo nakaka-touch na naman yung ending no? Better luck next time.

melen

Aside from my pasaway na tita na si Sasha Fierce, may isa pa akong paboritong Auntie, si Auntie Melen.

Emelyn ang pangalan nya pero Auntie Melen ang tawag namin sa kanya. Ate sya ni Pudrax, Grade 5 Teacher sya sa elementary school sa aming barangay. Batang paslit pa ako noong una syang rumehistro sa aking memorya. Lagi nya akong hinihiram kay Mudrax kasi wala pa silang anak noon ng asawa nyang seaman.

Kung hindi dahil sa pangingialam nya sa aking kindergarten career eh wala siguro ako dito ngayon.

Ang kuwento sa akin ni Mudrax, nagsimula ang lahat isang araw noong limang taong gulang pa lang ako, sa enrollment ng Kindergarten sa aming elementarya. Lingid sa aking kaalaman, kino-convince pala ni Auntie Melen ang aking Mudrax na i-enrol ako sa Kinder, kahit kulang ako sa edad, kahit wala pang balak si Mudrax na i-enrol ako.

Ayaw pumayag ng teacher ng Kinder na pasalihin ako sa klase, kahit ipagpilitan pa ng Auntie ko na saling-pusa lang ako. Matapos ang maraming negosasyon para maipasok ako, ("Kung hindi nya masabayan ang leksyon eh di alisin nyo na lang siya"), pumayag ang Teacher at Principal na mag-saling-pusa ako sa klase.

To cut the long story short, I kicked some ass, dahil matapos ang school year, Second Honor ako sa aming klase, not to mention ako lang ang magaling magbasa ng Tagalog at English (sabi ng Mudrax ko). Hayaan niyo na ako magyabang, kasi yan na ang pinakamataas kong achievement sa aking buhay, tsaka blog ko naman ito.

Pagdating ko ng Grade 1, ayaw na naman akong tanggapin ng Teacher ng Grade 1, dahil nga kulang ako sa edad, hintayin ko na lang daw next year.

"Hindi ko matanggap na hindi makapasok sa school ko ang sarili kong pamangkin."

Kabog ang keps nilang lahat sa kanyang makabagbag-damdaming linya kaya yun pinayagan akong mag-Grade 1.

Never akong tinanong ni Auntie Melen kung gusto ko bang pumasok sa school, nag-assume lang sya na dapat pumasok na ako. Kung ako lang, mas gusto ko pang maglaro ng lupa sa likod ng bahay namin.

Noong first day of classes sa Grade 1, nagmamakaawa ako sa Mudrax ko na ayoko nang mag-aral.

"Eh anong gusto mong gawin?" phone-in question ni Mudrax habang isa-isang nilalagay ang aking notebooks sa bag kong mukhang attache case.

"Maghuhugas na lang ako ng pinggan."

Hanggang ngayon, kapag naaalala ni Mudrax yung pag-uusap namin noong umagang yun, natatawa pa rin sya.

Naalala kong lagi ako sa bahay nila Auntie Melen noon, kahit medyo natatakot ako sa kanya kasi may pagka-istrikta sya. Pero paborito ko sya noon, at alam kong paborito rin nya ako. Madalas nya akong pagbasahin ng libro nang malakas, o kaya ipakilala sa mga estudyante nya sa school. Sabi nya, kung magiging First Honor daw ako, ililibre nya ako sa Jollibee. O diba positive motivation?

Kaso Third Honor na lang ako nun. Walang Jollibee. Pero ang mahalaga, nagsimula na ako sa aking school career, kasi hindi na ako tinanggihan ng Teacher ng Grade 2. Hindi ko na matandaan kung anong honor ko noong Grade 2 basta meron din. Meron din akong honor noong Grade 3, pero hindi ko na rin matandaan, dahil isang malaking pangyayari lang ang naaalala ko.

Namatay si Auntie Melen sa miscarriage.

Nagsimula ang mga gabi ng lamay. Gabi-gabi kaming pumupunta sa bahay nila Auntie Melen para makilamay. Syempre may sugalan sa labas, may pagkain sa loob. May kabaong at nandun sya. Kapag napagod at inantok na ako, matutulog ako sa kwarto nila. Tinatakot ako ng mga pinsan ko na kapag natulog ako dun eh makikita ko raw sya, sa isip ko naman, Paano ko sya makikita rito eh nandiyan sya sa labas at nakahiga lang?

Nang matapos na ang mga gabi ng lamay at nailibing na si Auntie Melen, saka ko napagtanto na wala na sya. Wala nang lamay. Hindi na ako makakapunta uli sa bahay nila. Putangina, wala nang Jollibee.

Ngayon, napaisip ako, kung hindi nya ipinagpilitan noon na ipasok ako sa Kinder at Grade 1, baka ibang-iba ang naging buhay ko. Malamang hindi ko kaklase ang mga naging kaklase ko ngayon. Syempre, iba rin ang mga naging kaibigan ko.

Kinuha ko ang course kong IT sa SLU dahil sa pamimilit ng bestfriend ko, kaya kung hindi ko siya naging kabigan, malamang ibang course at ibang school ako pumasok. Hindi siguro ako nag-aral sa Baguio, iba siguro ang trabaho ko ngayon. Siguro, naghuhugas talaga ako ng pinggan ngayon, ewan.

Ibang iba siguro ang buhay ko ngayon.

Ngayon ko naisip na ang mga bagay, maliit man o malaki, na ginawa natin sa ibang tao ay may malaking impact, sooner or later, sa mga buhay nila. May buhay tayong nababago, alam man natin o hindi, sinasadya man natin o hindi. Sinong makakapagsabi na konektado pala ang buhay ko ngayon sa napakalayong alaala ng isang araw na ipinaglaban ako ni Auntie Melen sa school para lang maka-enrol sa Kindergarten?

Isang araw kapag nagkita na kami uli, ilibre nya pa kaya ako sa Jollibee kahit hindi ako First Honor?

movie review: valentine's day

Pagkatapos ko sabihin na ayoko na manood ng movie na hindi naman ako interesado, eto na naman ako may hawak-hawak na ticket ng Valentine's Day, isang oportunistang movie na nag-cacash-in sa mga baliw na baliw sa February 14 na hindi naman holiday (kasi may pasok).

Insert rolling eyes here.

In-eexpect kong mabagot at ma-overdose sa ka-cheesyhan pero bago ko pa maisip na ma-bore I found myself actually enjoying it.

Sabi ng tagline, it's "one day in the life of love" so pinakita sa movie ang iba-ibang klase ng love at mga lovers.

In short, para itong isang dambuhalang chick flick na binubuo ng maraming-maraming chick flicks.

Star-studded pero simple lang ang story pero nakakalibang. Malayo sa mga formulaic romantic movies na A.) location ay abroad B.) panay ang delivery ng "mabigat" na lines habang nag-iiyakan C.) same shit again and again (i.e. Pinoy movies).

Sa dami ng artista, nag-enjoy lang akong tignan eh si Anne Hathaway.

Yun. Watch this habang in love pa kayo.

mystery photo

Alam naman ng lahat ang Mona Lisa smile diba? For centuries pinag-iisipan ng mga tao kung ano ang dahilan at nakangiti si Mona Lisa... at hanggang ngayon wala pa ring kasagutan.

Etong larawan sa ibaba ay ka-level lang ng Mona Lisa... Ang tanong, ano sa palagay mo ang dahilan ng ikinagulat ni Jepoy sa larawan?



"What? Buffet? Yum!"



Put a caption!

movie review: percy jackson and the lightning thief

Kahit na mukhang hindi papaawat kay Harry Potter ang poster ng Percy Jackson and the Lightning Thief, sad to say hindi sila magka-level.

Si Percy Jackstone ay isang demi-god, anak ng God of the Sea na si Poseidon sa isang non-showbiz girl. Nabubuhay si Percy sa piling ng mga tao dahil hindi nya kilala ang pudrax nya, at hindi nya alam na may superpowers sya. Hindi kasi sinabi ng mudrax nyang maraming kyeme.

Ang main plot is, isang araw biglang nag-bitch fit ang Zeus dahil nawawala yung very vakla nyang lightning bolt, eh signature magic wand pa naman nya yun. Asar na asar sya parang may regla lang. Super pinagbintangan nya agad ang walang kamalay-malay at muwang na Percy, ewan ko kung bakit. So ang task ng Percy ay hanapin ang tsismosang lightning bolt at ibalik kay Zeus, or else, magsasabunutan ang Zeus at Poseidon.

Eh just for fun, kinidnap ni Hades yung mudrax ng Percy, kaya pumunta sya sa kailaliman ng impyerno para mabawi si Inay. Together with his protector at classmate, kung saan saan pa sila nakarating (para humaba ang istorya) bago umabot sa Hell, at nung nandun na sya biglang nahanap nya yung nawawalang lightning bolt, putangina, bitbit nya pala kanina pa hindi nya namalayan. So binalik nya na kay Zeus at masaya na si Zeus, the end.

Kahit na mukhang pang-tweens ang packaging ng Percy Jackstone, pambata talaga ito, like, age 3 ½ and below. Kung panonoorin mo ito sa point of view at understanding ng isang batang yagit, mageenjoy ka na, baka maihi ka pa sa excitement. Pero kung adult kang nagpunta sa sinehan na nag-eexpect ng nakakahilong plot at nakaka-nosebleed na script, magbaon ka ng cross stitch baka mabagot ka lang eh.

Ang kagandahan ng movie ay maraming mga Greek Myth characters. Nandun si Persephone, Athena, etc. Kaso, bakit nandun si Medusa, eh matagal nang patay yun ah? At nandun lahat ng mga formula characters, like the accidental hero, kwelang negritong bestfriend, pretty girl na magaling mag-espada, older at mabait na mentor, at good guy na traidor pala.

Hindi pa masyado plantsado ang story hindi gaya sa Harry Potter o kaya A Series of Unfortunate Events. Pero OK lang. Ewan. May nagbabasa ba ng movie reviews ko? Wala namang naniniwala sa akin eh, walang halaga ang mga salitang sinasabi ko, wala akong kredibilidad, WALA!!!!!!! SIGE KAYO NA ANG MAGAGALING!!!! KAYO NA!!!!!!!!!!!!

Biglang nag-emo? The End.

real friendship

Inspirational Quote for today...

I would rather have a friend who has a dark underarm than a liar.

-- namataan sa isang Facebook account. How very true...

anawangin pixxx

Sa mga echuserang nagdemand na magpost ako ng pics sa aming Anawangin Disaster, eto na po. Pakisabi na lang sa akin kung tapos na ninyong laitin para makabalik na tayo sa mga normal na buhay natin.

OK Go!



Yan po ay dagat.




Eto po ay pine trees na tumubo sa buhangin. Sabi nila may halong lahar flavor yung buhangin nung one time ay nag-emo ang Pinatubo.




Ang ipinagmamalaki nilang white sand. Hmpf!




Sexy times!




Yes... parang bold star lang... At contrary to popular opinion, hindi po pekpek shorts yang suot ko. Desenteng shorts yan.




Mamatay na ang lalait sa pic kong ito. SKIP!




Mandatory Stolen Shot... Hindi ko alam yan promise. Kung alam ko sana eh di inayos ko man lang yung shorts kong nagsusumiksik sa pwet ko lumingon ako diba?

Sensya na wala kaming pic nung muntikan na kaming mamatay sa boat ride kasi naman, busy kami sa pagdadasal.

K thanks bye mwahchupah.

where's the happy?

I have two college friends, John and Megan, na magkarelasyon mula nung college pa kami hanggang ngayon, kahit long distance na ang relationship nila. Kaninang umaga, nagtext sa akin si John, may i-eemail daw sya sa akin, ikukuwento nya kung anong nangyari sa Valentine's Day nila ni Megan.

Si John, halos pareho kami ng ugali kaya nagkakasundo kami. May pagka-OC, perfectionist, at logical thinker kahit saang sitwasyon mo ilagay. Kailangan laging may rules. Kailangan may schedule, may routine. Madali uminit ang ulo, at NEVER magpapatalo.

Si Megan, kasundo ko rin yan dahil kuha ko ang timpla nya. Rule-breaker, rebel, carefree. NEVER rin magpapatalo. Ayaw ng nasasakal. Minsan sinabi ko sa kanya, tingin ko isa syang ideal girlfriend (kasi nakakasabay ko syang kumain at pansin kong kokonti lang sya kumain ahahahaha).

Eto ang e-mail ni John sa akin (for full dramatic effect, paki-play ang soundtrack ng (500) Days of Summer habang binabasa ninyo ito):

Feb 14, 2010 - Kaninang tanghali, ayun, away na naman sa text ni Megan. Paano ba naman kasi, nalaman ko day-off nya rin pala ngayon at saka kahapon kasi dati usually Saturday lang day-off nya. Bad trip, napag-usapan na namin dati na basta may Sat-Sun day-off, sasabihin nya sa akin para magkita kami, sabi nya ayaw raw nya akong maabala, nonsense... Napag-usapan na nga eh. Tsk, hina sumunod sa instruction (o nananadya na talaga). Bad trip talaga, tapos sasagutin pa ako na marami pa naman daw Valentine's, next year daw o kaya next next year...

Sa loob ko, tarantadong to, hindi mo sasabihin tapos ikaw pa may ganang magsalita ng ganyan?

Huh, sabi ko, kung ayaw mo na ako makita, eh di wag, sabihin mo lang, hindi yung pinapaasa mo ako... Tapos hindi na nagtext hanggang ngayon, 12:45am 15 Feb.

Kalabas-labas nyan ako pa may kasalanan. Sa loob ko, sino ka ba? Masyado naman na yatang malaki ang ulo mo. Kung ayaw mo di wag mo, putris ka. Lahat na ng pakikisama ginawa ko tapos ganyan din lang.

May tinatago siguro... baka freak show. Hay naku, natauhan na ako ngayon-ngayon lang. Wala kang kwenta, puro pagpapaasa lang alam mo. Wag kang umasta na aping-api ka, nakakabadtrip.

So next time na magtext ka, sasabihin ko sa yo "No." Hehe, An eye for an eye. Ikaw lang ba babae? Tsk ganda kya ni Amy.

Eto mga text ni Megan sa akin:

Wala, d2 me haus walang OT, nxt week ulit jeje, kakakain ko lang agahan-tanghalian. Walang nagbibigay sakin (rose) kaw nga lang ang una eh.

Oh, nakalimutan na agreement

Naku baka maabala ka, uhmmm pero ako dn gusto sna kta paakyatin (dito sa Baguio), tinatanong ka nga ni mama, jeje.

Medyo nasusukol na, nambobola pa tapos humahanap palusot. Baka maabala ako o ayaw mo talaga? Gagaguhin pa ako eh.

Jeje.U dBale nxt tym

Ganyan lang kadali, matapos ang maraming effort ng pakikiamo at pakikiusap na magkita na kami.

Nakz. Madami pa namang valentines day... Next yr... Tska the year after nxt yr. Jowk.U Jeje, nu gawa mo?

Dito nagpanting tenga ko. Next year... The year after next year. Hay naku kung gusto mo, kayo na lang magkita sarili mo.

At anong nakz? Di ka naniniwala sa text ko na aakyat sana ako papuntang Baguio? Matagal ko na plano yun, kahit tanong mo sa Nanay ko, di ko nga lang maituloy kasi baka Saturday na nga lang tayo magkikita jan, may ibang schedule ka pa.

Note: Di mo kasi sinabi na off mo pala ngayong Sunday.

Uhmmm tampo.U.

Alright, masaya na naman, napaikot na naman ako eh. Ganyan naman lagi, paaasahin, i-cacancel, paasa ulit, cancel ulit. Nagcancel ka nung September 09, nagcancel ka nitong Feb 2010, for crying out loud! Ang haba ng pagitan pareho pang na-cancel tapos malalaman ko lumabas ka, gumala, kasama ng iba.

Ayoko lang naman obligahin ka kung gusto mo magkta tau, nasa sau un,

Ok iisa-isahin ko... Una, gusto ko magkita tayo, OK nasa akin yun... Pero pag hindi ba ako nakipagcoordinate sa iyo, magsusucceed? Yun ngang coordinated napupurnada, yun pa kayang hindi?

Pangalawa, 6 hours papunta diyan sa Baguio, P600 plus pamasahe balikan plus yung pagaasikaso ng tutuluyan pa, tapos yung gagastusin pa sa pagkain, pwede ba basta basta tumalon diyan?

Pangatlo, OK, ayaw mong obligahin ako pero sinabi ko na sayo dati na pag may off ka na magkasunod Sat-Sun sabihin mo para makagawa ng necessary actions DAHIL GUSTO NA TALAGA KITANG MAKITA, AT ANG SABI MO GANUN KA DIN? So ako pa ba ang may problema? I don't fucking think so. And I refuse to accept na ako ang nagkaproblema.

Isa pa, bakit kapag nagpaplano tayo tapos sasabihin mong di pwede biglang malalaman ko na lang may gimmick ka pala? Well, sabi ko nga sayo matalino ako.

Ganito ang mas maganda: "John hindi tayo pwede magkita kasi kasama ko mga super love kong kawork for the nth time. Blame yourself na lang later."

O, mas ok. Hindi yung kesyo ayaw mong ma-obliga ako, kesyo baka ganito baka ganun yun pala may lakad for the nth time kasama yung mga you-know-who na hindi pwedeng ipagpaliban for the nth time kahit minsan lang for the nth time.

Alam ko naman na aakyat ka pa, papagod ka pa, oh kung namis interpret mo, sori

Eto yung last na text nya. Sinagot ko sya ng, "dont wori matalino ako, naiintindihan ko". Di na nagreply. Siguro nasa isip ngayon nun, "sus, magtetext naman ulit yun... di makakatiis yun, ako lang babae, etc, etc, and so on, and so forth...

Tapos syempre, ija-justify nya na hindi sya nagkamali para hindi guilty tapos makikipagtigasan na hindi magtext... tsk buti nalang natauhan na ako.



I guess there's not much "happy" in "Happy Valentine's Day", even for people in relationships.

Sa tingin ninyo, ano ang dakilang Lesson Learned dito?

movie review: the wolfman

Alam mo yung feeling na nababagot ka at gusto mong manood ng sine, at makikita mo may magandang palabas at pipila ka sa ticket booth, thinking OK ito, mag-eenjoy ako dito etc etc at pagpasok mo sa sinehan excited kang mag-Bayang Magiliw tapos trailers na tapos umpisa na ng movie...

...tapos unti-unti kang nadidisappoint...

The Wolfman starring Benicio del Toro, Anthony Hopkins and Emily Blunt.

Mahilig ako sa horror pero ayoko ng mga monster-monsterang zombies, bampira at werewolves. Kaya hindi ko maintindihan bakit nagustuhan kong panoorin ang movie na ito. Inisip ko lang na siguro, maganda naman ito kailangan ko lang buksan ang aking isipan.

Ito na ang huling beses na bubuksan ko ang aking isipan. Hindi sya magandang gawain.

Nakaka-disappoint kasi nagpunta ako sa sinehan para matakot at magulat, hindi maantok, thinking I've seen it all before...

1) Bida makakagat ng werewolf, magiging werewolf rin.
2) Maiinlove ang bida sa tao, pero matetempt syang kagatin yung taong yun.
3) Ang makakapatay lang sa werewolf ay silver bullets, at kahit mahal nung tao yung werewolf, papatayin nya na lang para maligtas sya.
4) Bago mamatay yung werewolf, magpapasalamat sya sa pumatay sa kanya.
5) Roll credits.

Fuck this shit. Mas natatakot pa ako sa mga kwentuhang aswang. The End.

the near death experience

Ang nakaraan: Nagpunta kami sa Anawangin Cove by boat at nag-camping nag-inuman nag-sexy times at kung ano-ano pa and the next day sumakay kami ng bangka pabalik ng Zambales...

Kalbaryo starts here.

Inistart na ang bangka, at nagsuot na ako ng life jacket. Pinili ko yung bright orange. Yung iba kami, medyo brown na at parang kinapitan na ng talaba yung huling gumamit nun.

Mint green ang tubig habang dahan-dahan kaming umuusad...

"Kumapit kayo, salubong tayo sa alon," warning ni Kuya Boat Driver. Syempre kebs lang kami kasi abala pa sa pagpicture-picture at pagtitig sa sights one last time bago bumalik ng Manila...

Blue green na ang tubig, at naka-turbo mode na ang makina, full speed na kami sa gitna ng karagatan.

Blue na ang tubig, senyales na nasa pinakamalalim na parte na kami ng dagat... Nakatitig muli kami sa mga rock formations sa gitna ng dagat nang biglang...

SPLASH!

Napakapit ako bigla... ang lakas ng alon, at tumama sa unahan ng bangka. Nayanig kaming lahat. Natalsikan ng tubig yung mga nakaupo sa may unahan ng boat.

Nagtawanan pa kami, kasi bago sumakay eh nagbanlaw pa sila para hindi manlagkit, yun pala mababasa lang uli sila ng tubig dagat--

SPLASH! SPLASH!

Sunod sunod na ang alon, at napapatingala na ang bangka. Tabingi na yung dalawang katig, yung unahan eh sumasawsaw na sa tubig tuwing may alon. Nagsisigawan na ang mga gurlz, habang ang mga kalalakihan naman ay TUMITILI. Tahimik lang akong nakakapit sa bag ko, at naghanap ng makakapitan sa bangka. Kumapit ako sa unang naabot ng kamay ko.

SPLASH! SPLASH! SPLASH!

Sit-down sit-down you're rocking the boat ang tumatakbo sa isipan ko. Pinipilit kong magdasal at magconcentrate, nadidistract nga lang ako tuwing may nababasa ng tubig dagat sa mukha. Pero hindi ito ang panahon para tumawa. Panahon ito para magpanic.

"Huwag kayong magpanic! Huwag magpapanic! Huwag magpaniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic!" Sigaw ng tour guide.

Kaya hindi na kami nagpapanic, tahimik na lang kaming nagdasal. Kumapit na lang ako nang matindi... hanggang sa mapansin ko kung saan ako nakakapit: ang taling nagkokonekta sa bangka at sa bubong-- isang pirasong nylon. Putang-ina, as if maililigtas ako ng nylon. Kumapit na lang ako sa kinauupuan ako, at nagdasal uli.

Lord, ang paaalam ko kay tiyahing Sasha Fierce, sa Antipolo lang ako pupunta. Kapag napanood nya ako sa news, at nalamang sa Zambales ako namatay, magagalit yun nang very very nice...

Lord, sweldo po ngayon, at hindi man lang ako nakapag-withdraw. Sana naman po makabalik pa ako sa Manila para ma-enjoy ko man lang ang sweldo ko...

Lord, gusto ko pa pong makapag-blog ng aking experience...

SPLASHNESS! Ayaw pa-awat ng mga alon.

Naghihilamos na sa tubig-dagat yung mga nakaupo sa unahan ng bangka. Basang-basa na sila, at tuwing lilingon sila sa amin eh hindi ko maintindihan ang mga mukha nila, kung umiiyak ba sila o basa lang talaga.

Buti na lang mataba yung naka-upo sa harapan ko, lahat ng talsik eh nahaharangan nya kaya hindi ako nababasa.

Nagsimula nang maglaro ang aking imahinasyon...

Paano kaya kung lumubog ang bangka? Lulutang kaya talaga ako sa life jacket na ito? Paano kung matastas ito at mahubad? Kung lumutang man, pano kung mahiwalay ako sa lahat? Paano kung ako lang ang lumutang, at ako lang ang ma-rescue? Anong sasabihin ko sa interview? Mag-eEnglish ako sa interview para sosyal. Sana ma-discover ako para mag-artista.

SPLASHFUL!

Kahit saang direksyon ako tumingin, tubig. Ang pinakamalapit na isla ay puro bato at walang nakatirang tao. Matindi na talaga ang kapit ko dahil kinakabahan na ako, at puspusan na ako sa pagdadasal, kahit panay ang putol ng dasal ko dahil laging pumapasok sa isip ko,

THIS IS THE SCARIEST FUCKING BOAT RIDE EVER.

Hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan. Isang malaking alon ang sumalpok sa bangka at umangat ang unahan. Kumapit ako sa bangka kaya nabitawan ko ang bag ko, at nahulog sa tubig, pero hindi rin ako nakakapit maigi dahil yung mataba sa unahan ko ay nahulog papunta sa akin kaya sabay kaming nalaglag patalikod sa tubig. Pagbagsak sa tubig, nakainom ako ng konti at nalimutan kong huminga muna bago lumubog, hinila ako ng malakas na current pababa at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nasa kabilang buhay na po ako ngayon. Thanks Mwahchupah.

Joke. Matapos ang maraming-maraming malalaking alon at nakaka-diarrheang pag-uga uga ng bangka ay nakarating rin kami sa mainland sa Zambales, nag-van pabalik ng Maynila at we lived happily ever after.

Lesson learned, hindi na talaga ako sasakay ng bangka kahit saang lakwatsa pa yan.



Next time na ang pics!

anawangin cove

So nagkayayaan kaming mga sawi na mag-camping sa Anawangin, Zambales ngayong VD. Twelve kami, 6 chakitong guys and 6 chakitang girls. Excited ang lolo ninyo, pagkalogout sa ofis ay umuwi agad para maligo at pumunta sa aming meeting place. Sa pagmamadali, hindi na ako nakapag-vocal solo habang nagshoshower.

Dahil celebrity ako, ako na lang pala ang hinihintay. Bumyahe kami agad pagsakay ko sa van.

Tinext ko si Bong na taga-Zambales, "Hoy, malapit ba kayo sa Anawangin?" Baka sakaling madaanan ko sya at maisama, alam ko pa namang sawi rin sya dahil kay Gemma.

Sagot nya sa akin, "Ano yun?" Useless ka talaga Bong.

Pagdating namin sa Zambales, pumunta na kami sa sakayan ng bangka. Maaliwalas ang panahon, mapayapa ang alon. Picture-picture at sight-seeing sa mga nadaanan naming rock formations sa mga cliffs sa mga isla... And after 30 minutes sa laot, nasilayan na namin ang aming destination.

Anawangin Cove... White sand. Malayo sa kabihasnan, accessible via boat lang. Walang kuryente, walang matutulugan kundi tent, walang videoke, wala lahat. Walang auto-load. Walang signal. Bring your own tubig at pagkain. Back to basics.

Pagdating dun, set up ng tent at luto ng hapunan. Dun sa ilalim ng pine trees (yes, tumutubo ang pine trees sa buhangin). Nagluto sila ng adobong nagswiswimming sa sabaw, medium rare na inihaw na pork chop, at unknown dish kung saan parang nag-elope ang Century Tuna at okra (masarap ito try ninyo). Ang kanin, hilaw at sunog.

Naligo kami sa beach nung sunset na, para hindi matusta ang aking skin. Please note na kahit saang beach ako mapunta lagi ko itong icocompare sa Abrac Beach ng Bolinao at so far, walang binatbat ang Anawangin.

Kung maghaharap ang Abrac Beach at Anawangin Cove:

Abrac: Suck my dick, biyatch!

Matapos maligo ay naduduling na ako sa antok kaya diretso na ako sa tent para ihiga ang aking katawang tao. Kailangan kong mag-ipon ng kapangyarihan.

Paggising ko, nag-iinuman na sila ng The Bar Apple. Mapapansin mong date rape ang tema ng aming VD Camping dahil mas marami pa kaming dalang The Bar keysa sa tubig.

Naka-walong The Bar na sila nung sumali ako sa inuman, kaya yung iba eh medyo ngenge na, lalo na si Frank, na sa gitna ng pagkwekwentuhan ay biglang nahuhulog sa upuan o natutumba patalikod at bubulagta sa lupa, naka-dipa pa ang kamay na parang naghihintay ipako sa krus.

Tatlong beses namin syang tinulungan makabangon. Nung pang-apat na pagkatumba nya, hindi na kami nag-abala. Bumangon sya mag-isa.

Dahil wala ako sa mood magpakalasing, ang inaabot sa aking shot ay palihim kong tinatapon. Dahil candlelight, hindi nila napapansin.

Nung maubos na ang inumin, pumunta muna kami sa beach para magkwentuhan ng mga multo-multo... habang nakahiga sa buhangin at tinitignan ang mga stars na nagkikislapan sa langit. Nagsilabasan sila lahat ngayong gabi, parang alam nilang Valentines' Day ngayon, at alam nilang maraming mga hopeful souls ang mauubusan ng topic sa gitna ng pag-uusap at magsasabing,

"Tignan mo oh, ang daming stars..."

Bumalik na kami sa tent para matulog/makinig sa ungol ng ibang tents. Ito siguro ang pinakapaborito kong part, ang pagtulog sa ilalim ng mga pine trees, dinig na dinig ko ang alon sa dagat, naririnig ko ang lahat, pati outer space, na parang tunog kapag malakas ang ulan sa labas, o kaya ng hangin sa loob ng seashell.

Paggising sa umaga, nag-mountain climbing pa sila pero hindi na ako sumama kasi wala akong sapat na kapangyarihan na umakyat.

Natulog, nagpicture-picture, at hinintay ang pagdating ng bangka pabalik sa mainland.

Pagdating ng bangka, sumakay na kami...

At ang putanginang romantic experience ay naging near-death experience. To be continued.



Sa mga nagrerequest na mag-post ako ng pictures, Opo magpopost ako, inaantay ko lang sila mag-upload wala kasi akong dalang camera at lowbatt naman ang phone ko nun. Tnx mwahchupah.

inglorious, a valentine's day shit

Minsan lang ako magsulat ng tula sa Tagalog. Minsan lang ako magpaka-emo. At minsan lang ako magbubukas ng aking puso...♥ (At mukhang hindi na mauulit dahil alam kong puro panlalait ang aabutin ko sa inyo mga hayop). Ngunit ganun pa man, basahin nyo sana ang kabaduyang tula ko, special post para sa Valentines' Day, lalo na sa mga nagmahal at iniwan (literally).

Ngayon ko na ipopost wala kasi ako Internet access sa February 14. Busy kasi ako nun eh, maraming iyotations.



Inglorious



Hindi papantay
Ang lakas ng pagbuhos
Ng mga binilang nating butuin
Sa kalawakan, o
Ng pinakamapusok
Na kulog sa himpapawid,
Kahit pa ang pagkagunaw ng daigdig,
Na dati nating ginalawan,
Sa lamig ng tinig mo,
Sa huli nating pagkikita,
Sa huling dampi ng kamay mo, sa
"Uhm, una na ako," at sa
Huling tingin sa malayo, sa
Huling yuko, sa una mong hakbang,
Sa nakakahiyang katahimikan,
Ang hamog sa pagitan nating
Nababasag, nalulunod
Sa bawat unos
Ng buntong-hininga mo
Sa bawat mong yapak
Sa iyong landas
Papalayo.

: (



(Para sa mga tulad kong sawi. And my special message to Gianina, hindi porke ayaw mo na eh tapos na, pero kung ayaw mo na, eh di ayaw ko na rin! Sa'yo na pekpek mo, madamot!)

˙noʎ ɹoɟ pıp ı sƃuıɥʇ ǝɥʇ ןןɐ ɥʇıʍ noʎ ʞɔoɥs ןן,ı ʎɐpǝɯos

toothbrush

Nakakainis. Alam mo yun? Pagod ka sa trabaho, maduling-duling ka sa dami ng tasks na naka-assign sa iyo, nagda-diarrhea ka ng dugo sa pakikipag-Englishan sa mga Kano magdamag, lalabas ka ng office at uuwi kang tirik na tirik ang araw, duling na duling ka na sa antok, magjejeep ka, maglalakad, hahagilapin ang susi sa gate, aakyat ka ng limang palapag papunta sa bahay mo, pawisan ka na pagdating sa kwarto mo, lalabas ka uli para maghilamos at magsepilyo, haharap ka sa salamin habang nagtotoohbrush, at mapapaisip ka... "Teka, bakit lasang Ponds?"

Mapait pala xa.

drum and lyre corps

Bago ang lahat, shoutout muna to Istibi na balita ko ay nagrereklamo dahil wala pang new post. Etong sa'yo! Tugsh!


Trip down memory lane na naman ito mga Kids, at malamang walang mabuting maidudulot, maaalala ko lang ang mga hinagpis na inabot ko sa aming school. Wala lang. Masarap alalahanin ang nakaraan eh. Parang makating sugat na masarap kamutin hanggang dumugo uli. Emo???

Sa aming hometown of Bolinao, apat lang ang high schools (sa pagkakaalam ko). Nandoon ang ANHS, BNHS, at syempre nandun ang school namin, ang CBHS. Hulaan ninyo kung ano yung CB hehehehehe. Kung CallBoy ang sagot ninyo WRONG! ERROR!

Private school yung school namin at kahit papano, quality education naman, kasi mas konti kaming estudyante, may calibre naman yung mga teachers, at mas well-equipped naman kahit binabagyo. At sikat ang school namin sa dalawang reason: #1 mahilig kaming sumali sa kung ano-anong provincial contests and lagi kaming talo, consistent yan (joke) at #2 meron kaming kick-ass Drum and Lyre Corps.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Drum and Lyre Corps ay isang corps na may drum and lyre. Meaning, kapag may piyesta, kami ang tutugtog sa parada sophisticated kami. Kami ang tumutugtog kapag may prusisyon pinaka-engrandeng musical event sa aming town. Minsan inaarkila kami ng ibang baryo Kinaiinggitan kami ng mga ibang municipalities.

Ngunit sa likod ng lahat ng glamour at showbiz ay nagtatago ang isang malagim na katotohanan sa DLC... at ikukuwento ko ang lahat-lahat.

Noong freshman year ko sa CBHS, sabi ng aming guro,

"Naku class, kung ako sa inyo, sumali kayo sa DLC."

Kaya yun, agad akong nagparegister sa DLC, kahit wala pa akong drums. Sabi kasi ng aming guro, kapag kasali ka sa DLC, hindi mo na kailangan mag-PE. (Alam naman ng lahat ang aking masasamang karanasan sa PE). Dadami rin ang extra-curricular activities mo tuwing may event ang DLC, at makakatulong ito sa iyong pakikipagtunggali sa honor roll at malaking tulong sa iyong career pagdating ng panahon.

Sinubukan ko naman mag-PE muna, at hindi ko masyado nagustuhan. Kasi naman, alas-kuwatro ng hapon yung schedule ng PE, kung kelan pawisan at amoy araw na ang lahat. Magsisiksikan kami sa isang classroom (boys ng apat na sections). Eh wala rin akong natututunan sa PE dahil sa kaklase kong si Randolph. Habang naglelecture yung teacher namin tungkol sa calisthenics, naglelecture din si Randolph about pornogrpahy, masturbation and premarital sex. Syempre hati ang atensyon ko diba.

Tapos parang may social status kasi sa school namin. Kung DLC ka, elite ka. Kung PE ka, magbubunot ka ng damo matapos ang klase. Ang mga DLC, mababango. Ang mga PE, mababaho so LUPA (joke). Kung DLC ka, marami kang out of town events. Kung PE ka, marami kang exams.

Kaya sumali na ako agad sa DLC. Eh si mudrax Doris, may kakilalang newly graduate sa CBHS na hindi na gagamitin ang drums nya, kaya hiniram niya para yun ang gamitin ko. Binilhan rin ako ng uniform na color royal blue at pants na ubod ng white. May sash, belt at wristband na rainbow colored. May sombrero pa kaming may yellow feathers sa harap. I know right? Sexy.


Alam naman ng lahat na mahillig ako sa diagram dahil ayoko magpost ng kadiring pix.

At doon nagsimula ang kalbaryo ko sa buhay.

Tuwing Huwebes ng hapon meron kaming practice. Yup!

Nga pala, ang DLC ay binubuo ng Majorette (my bestfriend na Dyan na tatanga-tanga sa parada), Flaglets (mga dancer na may hawak na flag, kabilang dito si Khikhi), mga Lyre (sila lang ang talagang musicians), mga Snare Drums (yours truly), Bass Drums, Quadruple Drums, at ang pinakawalang-kwentang Cymbals.

Syempre kaakibat ng nakakadiring costume, meron din kaming nakakasulasok na playlist:

Mabuhay Theme
Pambansang Awit
Atin Cu Pung Singsing
Modelong Charing (I know, groovy right?)
Chicken Dance

Mga unang araw pa lang ng pagpractice, nagsisisi na ako. Nakakangalay ang tumayo nang matagal, minsan nagmamartsa pa. Nakakapagod magdrums nang paulit-ulit lalo kapag yung putanginang Chicken Dance kasi ang bilis bilis nun. Nakakainggit kasi yung mga PE, tapos na magbunot ng damo at nagsisiuwian na, pero kami nandun pa at tumutugtog. Irate pa yung teacher namin.

"Hoy! Pag sinabi kong march, maaaaaaaaaarch!"

"Hoy mga Flaglets hindi kayo sabay-sabaaaaaaaaaaaaaay!"

"Yung mga Lyre wag kayong magkuwentuhaaaaaaaaaaaaaaan!!!"

Kung alam niyo lang, hindi ako nageexaggerate, ganyan talaga si Sir Gary.

I mean, Sir Gaaaaaaaaaaaaaaaaaaary.

Nakaka-inspire diba? Lalo kapag nanonood yung principal namin. Talagang nagmamartsa kami lahat, sabay-sabay sa takot na ma-single out at maging laman ng usapan sa mga susunod na linggo. Sa takot kong maging out of tune, nagprepretend lang akong magdrums, pero hindi ko pinapatama yung sticks.

Nagsimula ko nang kamuhian ang Thursdays. Pere hindi pwedeng magdahilan lang at hindi umattend ng practice, kasi may attendance, at kapag may absent ka, babawasan ang grade mo. Kahit masama ang loob ko, patuloy pa rin ako sa pagprepretend na pagtugtog.

Pag-uwi ko sa bahay, humihingi ako ng Salonpas kay Doris.

Ang pinakamasaklap, may practice kami minsan kapag Sabado, lalo na kung may parada ng Linggo. Bwisit diba?

At ang nakakaasar pa, sa ilalim ng init ng araw kami nagpapractice, lalo kapag kailangang practisin ang formation. Paikot-ikot kami sa putanginang playgound. Ang itim-itim ko na nun, mukha akong uling na nagkatawang tao at nag-drums.

Minsan gumagawa na lang kami ng paraan para maging masaya ang practice. Kapag may dumadaang libing, tinutugtog namin ang "Mabuhay".

At dahil napaparami na ang practice namin ay kung saan saan na kami sinasabak. Noong una, mga parada lang sa town namin. Mabentang mabenta kami kapag may United Nations, Foundation Day, o kaya prusisyon ng simbahan. Nakakabwisit. More na more ang extra-curricular activities namin pero pagod na pagod naman ang katawang lupa. Ito ba ang sakripisyo sa ikauunlad ng career? Isang naghuhumidig na OO!

Hindi pa nagtapos diyan. Kapag may activities sa kabilang town, in-eexport pa kami.

Sinasakay kami sa isang trak. Trucks, para sosyal. Dalawang trak, para kasya kami lahat. Siksikan, nakatayo sa init ng araw, at tuwing prepreno ang trak ay napapatambling kami. Hindi yung pacute na tambling, as in literal na tambling. May mga nabaling flagpoles, mga nabutas na drums, mga susong nahipo at mga pepeng nagasgas. Buti sana kung malinis yung trak, HINDI. Ang last na sinakay ng trak ay mga bakang kakatayin, kaya may tendency na puro tae ung sahig.

Di nagtagal sa pagsakay namin sa trak, natutunan na naming mag-ingat... at mag-enjoy sa kapaan ng organs. Kasi pagbaba namin sa baryong dinayo namin, magsisimula na ang kalbaryo.

Dahil parada tutugtugan namin, naglalakad kami sa town nila. Kung 'town' bang matatawag ang mga bahay-bahay na napapaligiran ng puno, mga bukirin, mga underdeveloped barrios meaning RURAL as in POOR FAR FLUNG AREAS na parang noon lang nakakita ng celebrities like ME. Mainit, malagkit, maputik, dukha, tiniis ko lahat sa ngalan ng extra curricular activities. Dagdagan pa ng napakainit na putanginang costume, para kaming mascot na piniprito habang tumutugtog ng bwisit na Ating Cu Pung Bullshit.

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid at panlalait sa mga nadadaanan naming barbarriotic.

"Hoy Glenn! Huwag kang nagkukuwaring nagdudrums diyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!"

Irate na naman si Sir Gary. Hindi talaga sya friendly kapag may parada. Naglalabasan ang litid nya sa leeg at noo. Palibhasa kapag kami ang pumalpak, sya ang mananagot.

Impyerness, lagi naman kaming may miryenda. One time napakasaya namin nung nagpunta kami sa isla ng Anda at pinag-Jollibee kami. Minsan naman, pinakain kami ng siopao na pusa! Yun lang ang memorable, dahil ang usual na feeds namin ay Funchum at putanginang Skyflakes.

Dumating ang time na pakiramdam ko may osteoporosis na ako sa pagdudrums kaya nagconvert ako into Cymbals. Mas magaan, mas madaling tugtugin, pang-no brainer. Kaso lagi akong bingi. Kaya bumili ako ng cymbals na mahina, tunog lata naman, at laging nasisigawang "Supooooooooooooooooooot!" At ang nakakabwisit pa, laging may solo ang cymbals kaya hindi na ako pwedeng magpretend lang, kasi dalawa lang kaming cymbals... yung isa hulaan ninyo kung sino...


...si Leon ahahahahaha (remember???)

One time nagkaroon ng isang big deal na Drum and Lyre Competition sa Alaminos. Nagkandarapa kami sa kaka-practice at nag-hire pa ng magtuturo sa amin ng aming routine.

At in-update ang aming playlist, dinagdagan ng:

Livin' La Vida Loca
Voltes V

Instant hit ang Livin' La Vida Loca sa amin. Paborito na namin sya. Keysa naman sa Chicken Dance diba???

Nung papalapit na ang competition, puspusan na kami sa pagpapractice as in araw-araw, samantalang ang mga PE eh pasarap lang sa pagbubunot ng putanginang damo na hindi naman nababawasan kasi araw-araw tumutubo. Sinusumpa ko talaga tuwing ibinibilad kami sa ilalim ng araw para magpractice. Parang gusto kong himatayin na lang at magising sa ibang dimensyon.

Pagdating ng araw ng competition, bumyahe na kami patungo sa Alaminos (hindi na trak para hindi nakakahiya).

"A round of applause for the CBHS Drum and Lyre Corps!"

To cut the long story short talo po kami. The End! Bye Kids Mwahchupaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

about me

Saglit lang hindi pa tapos yung ipopost ko kaya eto muna enjoyin ninyo, ang aking "View My Profile" na makikita sa dun sa gilid, kakalagay ko lang niyan kahapon. Hanapin nyo na lang at pagtyagaan kung hindi kayo tamad magbasa. Bye Kids Mwahchupah!

movie review: did you hear about the morgans?



I swear, this is the last time na manonood ako ng sine kahit walang magandang palabas.

one day in my life

Shiiiiiiiiit. Hey Kids. Today bibigyan ko kayo ng sample ng isang good day at the office. Alam ko wala kayong pakialam, at wala rin akong pakialam kung wala kayong pakialam. Hihi. World Peace.

Today, maaga akong nagising, mga 2PM. Hindi na ako makatulog uli dahil ang ingay ingay ng tiyahin kong si Sasha Fierce habang nanonood sya ng afternoon drama. Kaya pumunta na lang ako sa office ng 6PM, kahit ang shift ko ay 9PM. Pagdating ko sa office, dahil hindi pa naman work time, bukas ako agad ng Blogger, Facebook at walang kamatayang Youtube at nanood ng mga standup comedy ni Sarah Silverman.

Mga bandang 8PM, tinatablan na ako ng antok, at dahil marupok ang aking katawang-lupa, dumiretso ako sa aming sleeping quarters, at tulyang nahimlay.

9:45 tumunog na ang aking alarm clock sa saliw ng awiting "I'll Stop The World And Melt With You" Late na ako, kaya bumalik na ako sa aming area. On my way, nasalubong ko ang aking Manager/TL/Boss na nagsabing, "Goodmorning!!!" Nahalata nya yata sa aking bloodshot eyes at gusot-gusot na polo shirt na galing ako isang mahimbing na pagkakahimlay. Nahiya tuloy me.

Pagdating ko sa aming area, nagkakagulo ang mga teammates ko. At tama ang hinala ko, may pagkain. Nagblowout pala ang aming Boss for a job well done yesterday. Yuppie, food! Dig in na ako agad sa pancit malabon, cake at ice cream.

Nagsimula na akong magtrabaho. Tawag dito, e-mail doon. English dito, type type doon. Kailangan kong bigyan ng justice ang pagkakapromote sa akin kahapon (true story). Sa sobrang gratitude ko, binilhan ko si Boss ng chocolate mousse cake, samantalang ang aking tiyahin na si Sasha Fierce na matagal nang nagpapabili ng donuts ay NEVER kong binilhan.

Eto na. Sa kalagitnaan ng aking pagtatrabaho, may nag-email na client.

Glenn:

Are you available TODAY at 3:00pm central (4:00pm eastern) to discuss further? I need clarification. Can you call me on my conference bridge # 469-***-****, passcode 242-2773#.

Thanks,
Jason Parrot
Putang-ina, conference daw. Ahateit. Na-iimagine ko na, nasa isang conference room sila, at nagsasalita ako through speakerphone at nakikinig sila. Fuuuuck. Ninerbyos me!

Naglabas ako agad ng rosaryo at naglitanya sa sulok. Kailangan kong mag-practice ng maraming English words, like "Yes, how can I help you?" at "Oh, sorry I can't help you with that."

Pagpatak ng 3:00PM Central Time, dinial ko na ang number, at hinintay silang sumagot.

Eto na.

Lahat ng kinain ko, yung pancit, cake at ice cream, na-digest na, at gusto nang lumabas.

NAJEJERBAK ME!

At hindi ako makaatras kasi nagsipag-Hello na ang mga clients.

"Hey Glenn, this is Jason from the Business Division, and I'm here with Jerry and Darren, our technical guys. They have a lot to ask you."

Patay na. Technical. Hindi ako makapag-isip.

"We just have some things we need to clarify with you... blah blah blah..." "... how long have we had this service? How do you come in between us and AT&T blah blah blah..." "We need to know who your 3rd party provider is with your circuits blah blah blah..."

Pinapawisan ako ng malamig. Sunod sunod silang nagtatanong. Nauubos na ang English ko. Hindi na ito katulad noong college na kapag hindi ako nakasagot sa tanong ng Inctructor ang sasabihin ko lang eh "Soweeee..." Ngayon, mga kliyente na ang kausap ko, at binabayaran ako para kausapin sila, hindi bola-bolahin.

At nagbabayad sila ng malaki, arpund $7000 a month, para sa serbisyo, at ngayong kailangan nila ng sasagot sa kanilang tanong, sa akin pa sila natapat. Magcancel kaya sila kapag nalaman nilang isang 22-year old idiot ang kausap nila?

Inisip ko lahat ng alam kong English. I'm not an idiot, I'm not an idiot, si Arvin ang idiot. Go!

"Well," sabi ko. Lahat ng sentences, dapat ang umpisa ay "well" para kunyari matalino, tandaan ninyo yan. Tapos pag tapos na ang sentence, lagyan ng "as well" kasi masarap sa pandinig. Yung pagpronounce ng "as well" ay AZZWEYELL" para maganda, kunyari ang dami mong learn.

Explain explain explain ako sa clients habang kumukulo ang akong tiyan. Kumapit na nga ako sa hawakan ng aking armchair.

I swear, naririnig ko ang sarili kong echo. Puta, nakaspeakerphone nga yata talaga ako sa kanila, at nasa iisang room lang sila, malamang, habang naglilitanya ako, nagsesenyasan na sila: This is bowlshyet.

Matapos ang mahaba-habang speech na parang wala namang kwenta, ang sabi ko ay...

"Well, uhm, actually, I cannot answer most of your technical questions because I'm not part of the technical team, but, uhm, I can get someone to speak with you next week. I'll set up a conference call, and, well, our technical guy will join us.... as well."

Ang ending, may conference call uli next week, at iba na ang kakausap sa kanila. Lusot.

Ngayon ko napatunayan na mahirap sumugod sa isang conference call kung hindi mo talaga alam yung pag-uusapan ninyo, pero dahil yun ang expectation sayo, kailangan mong sumugod sa laban. Kailangan lang mag-pretend ng konting talino, at galingan ang presentation, gawing seamless ang lahat, at huwag pahalatang natatae. Next time, kapag alam mo na ang buong proseso, hindi ka na mangangapa, kahit magdiarrhea ka pa on the spot.

Hectic ang trabaho ko, palaging may kausap, palaging may reports, palaging may quota, parating nag-uumEnglish. Pero this is the best job that I have ever had (second na lang yung Porno job before), and I am determined to keep it and prove to my Boss that she made the right decision in hiring me. I will prove myself worthy of the promotion, at iaalay ko ang aking dugo, pawis at iba pang katas para lang magtagumpay ang aming team.

That's all, I thank you. Ako po si Glentot, ang That's My Boy ng Barangay Olympia.

And this was my office life today.



Love your job, more than you love your money. -- Glentot
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding