roanne's badge

Thanks for the badge Roanne!!!

shift mood

Kung nabasa ninyo ang previous post ko, sinabi kong nais ko nang magpakabait. Napakahirap pala. Umiwas nga ako sa kalasanan eh mahirap na, magpakabait pa kaya?

At paano naman ako iiwas sa kasalanan kung napapaligiran ako ng mga nagpapainit sa ulo ko? Madalas pa uminit ang ulo ko lately, kahit sa mga maliliit na bagay. At dahil kailangan kong magpakabait, tuwing nararamdaman kong nagsisimula na akong magalit, kailangan kong pumikit, mag-visualize ng happy thoughts at magpalit ng mood nang very very quick.

Lately, eto ang mga Top 5 nambwisit sa akin:

1. My long time friend, nag-chat sa akin sa Facebook. Naasar ako kasi tuwing makikita nya akong online, lagi syang nag-chachat, eh paulit-ulit lang naman ang usapan naming walang kwenta:

Sasabihin nya, "Tol musta?"
Sasagot ako ng "OK naman, ikaw?"
Sasagot sya ng "OK naman ako, ikaw tol musta?"

O di ba bwisit. SHIFT MOOD.

2. Mga ayaw mag-abot ng bayad sa jeep. Dito natetest ang patience ko sa mga putanginang ito. In my own humble opinion, kung ayaw mong makisama sa mga kapwa mo pasahero sa jeep sa pamamagitan ng simpleng pakisuyo ng bayad nila sa driver, eh PUTA KA, mag-taxi ka, magtricycle ka, maglakad ka, hindi ka TAO. Or umupo ka sa dulo ng jeep, wag sa unahan, dahil ang sarap mong sampalin. Tapos kapag pinilit ipaki-abot sayo yung bayad, ang sama-sama ng tingin mo? May poot? Nasaan ang Good Samaritan sa iyo?

Eh ikaw rin naman, nagpapaabot rin ng bayad? Tanga ka? SHIFT MOOD. Sampalin kita eh. SHIFT MOOD AGAIN.

3. Sonny De Geisha (not real name pero sounds like) na nag-iinvite mag-Become a Fan sa Facebook. Minsan nakita ko ang invite nya ay Become a Fan of Adam Lambert. Inignore ko, hindi ko gusto si Adam Lambert.

Next nakita ko, Become a Fan of Ang "I Love You" Sinasabi, Hindi Tinetext Lang. Ignore. Ayokong maging fan ng isang motto. Kung sasali man ako, dun ako magbe-Become a Fan sa "Don't be Mad, Shift Mood Agad" or something like that.

Huli kong nakitang invitation nya ay eto: Become a Fan of Sola Iced Tea. Putangina sobra na! Ni hindi ko sya kilala, bakit nya ako iimbitahang maging fan! At siguro, maghahanap na lang ako ng lubid at hook sa kisame para magbigti bago ako maging fan ng iced tea. Oops sorry sa mga fans ng Sola Iced Tea. OK, SHIFT MOOD. At ikaw Sonny de Geisha buburahin na kita sa Friends List ko dahil hindi na nga kita friend, ginagalit mo pa ako!!!

4. Word Verification. Eto medyo natakot na ako sa sarili ko kasi naman, pati sa mga walang kamalay-malay nabibwisit ako. Kapag nagco-comment, yung ibang bloggers ay may word verification para makaiwas sa mga spam. OK lang naman sa akin yung concept na yun, ang ayaw ko lang, napakahirap naman ng mga words, at distorted pa yung image ng word na kailangang itype! Challenge? Bwisit! Magcocomment lang naman ako, hindi ako manghahack ng bangko!!!

Yung huli kong comment eh "Gamimime" ang pinapa-type. Pero yung picture mukhang "Garriirriirre". ANIMAL, pahirap sa buhay. Nakakatamad tuloy mag-comment. SHIFT MOOD, NGAYON DIN!

5. Mga sasakyang humihinto sa pedestrian lane. Kanina on my way to work, muntik na akong masagasaan ng bus. Naka-red na ang stop sign at tumatawid na ako sa lane eh yung putanginang bus, dumiretso pa sa lane at doon pa huminto. So kailangan ko pang ikutin yung bus para makatawid. Putanginang driver, malaking diperensya ba sa kanya ang huminto bago umabot sa tawiran ng tao? Eh stop rin naman? Gaga sya! Gusto ko syang saktan sa pamamagitan ng baseball bat. Okay, SHIFT MOOD! SHIFT MOOD! SHIFT MOOOOOOOOOD!

Sa tingin ko magiging mahirap ang mga susunod na araw sa aking efforts magpakabait, at maraming ulit pa akong pipikit, hihinga nang malalim at magshi-SHIFT MOOD. At malamang, may sequel ang post na ito.

movie review: the book of eli

Ito ang isang movie na pinagsisisihan kong nakatulugan ko. Sayang lang yung binayad ko, eh hindi pa pwede ulit-ulitin sa Greenbelt. Antok na antok na kasi ako bago pa manood ng sine.

Istorya ito ni Eli, isang manlalakbay sa isang post-Apocalyptic na panahon. Konti na lang ang tao at sira na ang mundo, parang wasteland, tapos may overall feeling ng hopelessnes... parang iniwan na tayo ng Diyos.

May dalang libro si Eli na araw-araw nyang binabasa. Nang malaman ng isang community leader na si Carnegie na hawak ni Eli ang librong matagal na nyang hinahanap, pinilit nya itong makuha. Hanggang sa zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.

Putahshet pagkagising ko, tapos na ang labanan at nareveal na lahat ang surprises. Gusto ko pang magkwento kaso maraming shocker sa dulo at ayokong ma-spoil kung may balak kayong manood...

Ewan ko kung maa-appreciate ito ng karamihan pero ako na-appreciate ko ito, at kung ganito ang itsura ng mundo matapos gunawin, gusto ko nang sumama sa pagkagunaw.

movie review: the fourth kind

Milla Jovovich ba? Sige go. Sabi nya sa trailer, based on a true story lahat ng kaganapan sa pelikulang ito, at ang mga footage nila ay actual footage. Hmm, intriguing...

Effort maka-explain ang poster:

The First Kind, UFO Sighting. Mga nagliliparang malalanding alien sa langit, pampam lang.

The Second Kind, Evidence. May naiwang pantyliner ang mga alien, ebidensya yun na nag-field trip sila sa Earth.

The Third Kind, Contact. Kapag nakikipagpalitan na ng number sa iyo ang alien.

The Fourth Kind, Abduction. Hindi na ito eyeball, ki-kidnapin ka na ng chismosang aliens para dalhin sa planeta nila sa Pangasinan.

Tungkol ang pelikula sa mga pangyayari sa Nome, Alaska, na may pinakaraming bilang ng missing persons. Based ito sa experiences ng psychologist na si Dr. Abigail Tyler, na nagdocument ng mga pasyente nyang nakakakita ng isang puting owl tuwing gabi sa kwarto nila, at ang ending eh namamatay ang mga pasyente.

Ang opinyon nila, ang owl ay representation ng aliens, at nagmamanifest sila sa hypnosis. Hanggang sa isang araw, si Dr. Abigail mismo ang naka-experience ng alien encounter, kasi kinuha ng alien ang anak nyang bulag.

Hindi ko nagustuhan masyado yung pelikula, lalo yung style na ginamit. Napakaraming split screens, kung saan mapapanood mong sabay ang cinematic scene at actual footage. Nakakasira ng concentration. Nakikita mo rin na sabay ang totoong Dr. Abigail Tyler at si Milla Jovovich na gaganap sa character nya, tuloy, nagmukhang Calvento Files ang lahat.

Medyo misleading din ng konti yung trailer at poster, kasi akala ko may makikita talaga kaming alien na nangingidnap. Wala! Puro taong may sanib at nagbabago-bago ang boses, parang same ng makikita mo sa comedy bar.

So ang pinaka-strength na lang ng movie na ito ay ang mga scary actual footages, dahil actual sila at totoong nangyari sa mga totoong tao.

Teka...

Consulting Wikipedia...

"There is a paragraph at the end of the movie that says it is fake."

Fuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuck. I WANT MY MONEY BAAAAAAAAAAACK!

Pero teka...

Sabi kasi ni Milla Jovovich, totoo raw... Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko...

mines view

Dahil ayaw kong paawat sa pagpapapicture (putagenic?) noong last akong umakyat sa Baguio, ipopost ko na ang pics ko kahit labag sa kalooban ninyo. Alam ko namang hobby ninyo ang laitin ako at ang aking editing skills so eto ang sa inyo, ONE BIG FUCK YOU. Enjoy!

IGNORE NEGATIVE COMMENTS = ACTIVATE!

Unahin ko na itong picture kong siguradong pagpipyestahan sa panlalait. Alam ko naman mga comment ninyo eh... "Sino diyan ang kabayo?" ..."Brokeback Mountain ikaw ba yan?" ... "Phinotoshop..." "Rocking horse lang ba yan?" Well TANGINA NYO Kids.



Noon ko lang nalamang may wishing well pala sa Mines View Park. Swertehan pa yan kasi pag hinagis mo at hindi na-shoot sorry ka hindi matutupad ang wish mo. Kaya dapat i-wish mong ma-shoot:



Hindi me nagpapacute, nasisilaw lang me sa sun:



"Phinotoshop ang mukha..." "Ay may manboobs"... "Ang tangkad mo dito..." "Wala ka bang ibang jacket" "Sana background na lang"... Sorry sa mga detractors ko, dahil napaghandaan ko na ang mga balak ninyong panlalait, talk to my publicist.



Dahil summer, nagsuot ako ng shades sa ulo. Tapos pumunta akong Good Shepherd 'coz I'm a good sheep:



Sa mga nagtataka kung saan ko namana ang aking good looks, well wag na kayong magtaka dahil... eto si Doris my Mudrax! Unfortunately, sa kanya ko rin namana ang aking height.

CHERIFER PREMIUM = ACTIVATE!



Nga pala, yan ang view sa Mines View, muntik ko na malimutan.



Sana naging masaya kayo at ikina-successful ng buhay ninyo ang panlalait sa tulad kong cute, innocent, oozing with sex appeal, etc. May angal? Sue me.

malas pt. 2

Akalain mong may Part II pa pala yung malas ko kahapon? Grabe yata ang poot sa akin ni Pudrax dahil muntikan ko nang malimutan ang birthday nya.

Bago pumasok sa office, minalas ako nang very very nice. Paglabas ko ng office, akala ko nagwakas na ang sumpa.

Sumakay ako ng jeep pauwi, yung dumadaan sa kanto namin (sa Olympia, Makati ako umuuwi FYI). Matapos ang maling jeep na sinakyan ko kahapon, sinigurado kong tama na itong sinakyan ko, ang tanga ko naman kung mali uli di ba, ano yun, deja vu? Habang nakasakay sa jeep, nag-soundtrip muna ako sa aking phone. Hindi ko na sasabihin kung anong kahiya-hiyang MP3 ang pinakikinggan ko nun.

Sa kalagitnaan ng byahe, naramdaman ko ang pagod sa magdamag kong pagtatrabaho. Ikaw ba naman magising nang hapon, magbyahe papuntang Crossing, magbrainstorm para sa isang project habang kumakain ng pasta at pizza (kapagod!), bumalik ng Ayala para makipag-tagisan ng English sa mga forrengers magdamag while bloghopping. Kaya masaya akong umuwi as usual para makapagpahinga... atbp.

Sa wakas, isang kanto na lang at pababa na ako ng jeep. Malapit na ako sa amin at makakapagpahinga na uli ako. Ramdam ko na kasi yung sakit ng lower back ko, magkaka-osteoporosis na yata ako, shyet kuba na may man-boobs pa... Napasandal ako sa upuan ko para ma-relax... at napapikit...

To cut the long story short, nang magising ako, nasa Guadalupe na ako. The End.

malas

Hey Kids! Mwah! Wala lang, magaan ang pakiramdam ko tonight eh kahit nagkanda-leche leche ako kanina. Ayoko kasing mabahiran ng ANGER ang aking INNOCENT IMAGE.

Ako yung tipo ng taong hindi naniniwala sa malas o swerte, pero kaninang hapon paggising ko, parang naiba ang pananaw ko bigla...

Ito ang mga pangyayari...

Nagyaya kasi magkita-kita ang Jepoy at Chingoy sa Shangri-La Mall ng 7PM dahil may pag-uusapan daw kaming mahalagang proyekto. Kaya 5PM pa lang, bumangon na ako sa aking kinahihimlayan at naligo, nagbihis, sumakay ng jeep.

Dun nagsimula ang malas.

Sa dami ng dumadaang Landmark na jeep, dito pa ako nataon sa jeep na sa kalagitnaan ng biyahe paliko sa Makati Ave ay biglang tumirik. Eh nasa tabi ako ng driver nakaupo habang nagso-soundtrip.

Bumulong yung driver sa akin, "Pwede ba itulak mo muna?"

Fuck?

Keysa makipag-away, bumaba na lang ako at nagtulak. Syempre hindi ko kaya di ba, jeep kaya yun.

After ng matinding effort nag-start din ang jeep kaya sakay ako uli sa tabi ng driver at byahe na kami muli sa Makati Ave, nang biglang out of nowhere ay may sumulpot na van sa isang kanto at muntik na kaming magkabanggaan.

As in nag-beso-beso na yung harap ng van at ng jeep.

Nasa harap pa naman ako nakaupo.

Matapos ang pagmumurahan ng jeep driver at van driver ay umusad na kami uli, nang biglang mag-ring ang aking phone, at ang caller ay si Ayie (Family Matters), na nasa Pilipinas na!!! Matapos ang kumustahan...

"San ka papunta?" Phone-in question ni Ayie.

"Sa Shangri-... teka..."

Teka, kung papunta ako ng Shangri La, bakit ang sinakyan kong jeep ay papunta ng Glorietta? Fuck, napagbaligtad ko na naman! Napaghahalata tuloy ni Ate Ayie kung gaano kababa ang IQ ko.

Nagtulak ako ng jeep na muntikan nang mabangga tapos malalaman ko maling jeep ang nasakyan ko. Nyeta.

Bumaba ako ng Ayala Ave, dumaan sa dalawang underpass, at naghintay ng bus sa mismong No Loading/Unloading, kasi alam kong dun hihinto ang bus (haha).

Sabihin na lang nating hindi ako sinuwerte sa bus. Wala nang upuan.

Pero OK lang lahat ng kamalasan dahil nakapagmeet pa rin kami nila Chingoy, (Ching-Chinining), Andy (A Tuff Life) at Jepoy (Plema ni Jepoy). At napag-usapan ang bagong lihim na project... ABANGAN. Hindi ko muna idadaldal kasi baka malasin.

Pagdating ko sa office, napatingin ako sa kalendaryo ko. March 10, 2010. Putangina, birthday pala ni Pudrax! Nakalimutan ko! Kaya siguro ako minamalas nang very very very nice.

baguio pics

Eto ang ilan sa mga pictures ko nung nagpunta ako sa Baguio.

Nakakatamad kasi mag-blog kaya ito na lang post ko.

Eto yung float ng SM na sinali sa Float Parade:



Eto ako sa harap ng float. Dini-discourage ko po ang lahat ng nagnanais lumait sa akin:




Ayan po ay lake, maraming nagbabangka sa umaga at mga pokpok sa gabi.



Diyan po kami nagsisimba ni Doris noon:



Mga tao po yan sa Session Road, ayan ang saya-saya nila:



Eto naman nung pumunta ako sa UP Baguio. Hindi po ako yan:



Eto ako habang nag-eemo:



Eto na si Pinky, isa nang Instructor. Akalain mo, bitch lang noong araw, kagalang-galang na ngayon! Hihi peace Pnx!



Eto yung paborito naming weirdong coffee shop, ang OMG or Oh My Gulay kasi puro vegetables ang kanilang menu:



The most annoying model on earth, Khikhi.



Nalala nyo yung previous post ko na nag-shot kami ng cocktails? Yung color orange po ang Insomyot:





Yan muna pagod na me.

And to my detractor na ang name ay starts with J and ends with EPOY na mahilig lumait sa pics ko, pekpek you! Idedemanda kita Oral Defamation of my Character. You'll hear from my lawyers! (sabay walkout)

movie review: alice in wonderland

Helena Bonham Carter + 3D = I'm watching. Umaga ng Linggo, hindi na ako makatulog sa excitedness. Punta ako agad ng MOA hoping na may free seats pa sa IMAX, only to find na hindi pala IMAX kundi 3D lang sa regular cinema.

OK lang may free hotdog naman yung ticket.

Pagpasok sa sinehan, umiiwas pa kami sa mga nakaupong bata dahil according to experience, maingay manood ang mga bagets.

Putangina, laking pagkakamali. Sa buong movie, isa lang ang maingay sa buong sinehan, at boses matrona. Sya lang ang nagrereact sa mga eksena, with matching "Owwwwww!" Ang sarap supalpalin, nasa mismong likod ko pa naman.

Gayunpaman, nag-enjoy pa rin ako sa panonood. What a visual treat. Ramdam ko ang pag-eenjoy sa panonood kay Cheshire Cat, Tweedledum at Tweedledee, at syempre sa Red Queen. Para akong nagbalik sa pagkabata. Ang galing ni Helena Bonham Carter sa role nyang Iracebeth, the Red Queen.

Sana lang, hinabaan ng konti yung storya, hindi yung masyadong madaling sundan, naglagay man lang sana ng twists. Kasi pagdating pa lang sa part na inuutusan si Alice na patayin yung chismosang dragon, parang alam ko na ang mangyayari hanggang ending.

Yun lang. Gusto ko pa panoorin uli, if only just to see Helena Bonham Carter's tantrums.

"It is better to be feared than to be loved." -- The Red Queen

fuck baguio

Hey Kids. Last week excited akong umakyat sa Baguio para durugin ang mga madadamot sa pekpek umapi sa akin diba? Pagkalabas ko ng office ng 6AM ay pumunta ako agad sa KFC para kumain ng konti lang, tapos bumili pa ako ng Imodium dahil ayokong magtae sa bus.

Tapos pumunta na akong Victory Airlines para sa 8AM flight. Pinili ko pa ang Seat #2 kasi gusto ko laging unang makarating.

Putangina, yung katabi kong matandang lolo, ubo nang ubo. Yung nasa kabilang upuan naman, babaeng matronang Inglesera sa telepono, bwisit sa pandinig.

Tapos ang palabas sa bus, Yaya VS Angelina fuuuck. Naasar ako sa sarili ko kasi natawa ako kakapanood, shit.

Natulog na lang ako. Paggising ko, zig-zag na! Punas-punas ng laway, suot jacket kasi malamig na. Muntik pa kaming mabangga ng stupidang JAC Liner bus na nasa maling lane. Syempre kinabahan ako, NASA HARAP KAYA AKO.

Pagdating ko ng Baguio terminal, sakay ako agad ng jeep papunta sa lugar ni Mudrax. Iniwan ko lang ang aking baggage at pumunta na akong Session in Road para makapagkita sa walang kwentang echuserang amphibian na sa Khikhi Marie.

Tulad ng dati wala pa rin syang kwenta, what else. Nagkape kami sa Oh My Gulay (pictures soon) habang nagrereminisce ng mga illegal activities namin noong college.

Tapos naglakad-lakad na kami sa Session in Bloom (pictures soon). Damn, kung ano pa ang na-miss ko, sya pang nag-disappoint sa akin. Bakit ganun? Hindi naman nagkulang sa bloom ang Session Road. Nandun pa rin ang ice creams at shawarmas at longanizas at souvenirs... nandun pa rin ang mga tao... pero yung hinahanap ko, wala.

Wala sya... hindi ko naman magawang magtext, dahil maraming beses na akong nagtext ng "gudbye."

Sumunod na araw, nagkita naman kami ng Pinky na isa nang Instructor ngayon sa UP Baguio. Nag-camwhore moments kami sa UP Baguio (pictures soon). Tapos nakipagkita kami sa mga college friends, isa na dun si Megan (yung babae sa aking Valentines' Day breakup post). Ayun, nagkamustahan at napag-alamang OK pa naman ang mga sex organs ng lahat. Break pa rin sila ni John.

Next day dapat last day ko na. Nagpunta ako uli sa UP Baguio para makilala ang mga estudyante ni Pinky, at sabi ko nga, kung malalaman kaya ng mga studyante nya ang mga kagaguhan namin noon, igalang pa kaya sya? Hihihihi. Baka lalo syang igalang.

Pagkatapos nun, nag-inuman kami sa isang bar sa SM, sabi pa ni Megan, babalikan pa sana nya si John, kaso nung mabasa nya yung blog ko about their breakup, sabi nya NEVER na sya makikipagbalikan. Oh di ba may nasira pa akong relasyon, hihi. The power of blogging!

Tapos pumunta naman kami sa booth ng aking friend sa Session Road, ang Mastah Cocktails kung saan pinainom kami ng iba-bang cocktails including ang imbento nilang "Insomyot" na tingin ko ay hango sa salitang "insomnia ng kulang sa iyot". Sarap!

Tapos noon, uwian na sana kaso nasalubong ko sa Session Road si Mudrax at nanonood pala sya ng concert ng Hale, with the lead vocalist Champ na lookalike ko (swerte nya).

Tapos umuwi na kami. Next day, last day ko na talaga, pumunta kami ni Mudrax sa Mines View para mag-camwhore moments. First time kong sumakay sa kabayo, WTF, ang lakas mang-uto ni Mudrax (pictures soon).

Tapos pumunta kami ni Mudrax sa Good Shepherd para bumili ng pasalubong. MABIGAT BITBITIN! Naghati rin kami sa isang half-gallon butterscotch ice cream.

Tapos punta kami uli ni Mudrax sa town kasi yung nakuha kong gift certificates ay niregalo ko sa kanya para ibili nya ng something special. Ang sweet ko no? Noong una gusto nya ng jacket, tapos gusto nya ng pants, tapos gusto nya ng bag, and ending, wala siyang nabili. (Kanina ko lang nalaman, pinang-grocery nya ang regalo kong GC, hmpf).

Tapos nagpalipas kami ng oras kakanood ng mini-concerts at nang gumabi na, pumunta na kami sa terminal...

:(

Alam mo yun, nagkukwentuhan kami sa waiting area, tapos nandyan na yung bus so akyat na ako sa Seat #1 na pinareserve ko, magkwekwentuhan pa sana kami kaso aalis na yung bus, so byebye na, yakap at uwi na sya sa bahay, tapos text-text na lang uli.

Andar na ang stupid bus.

Nakatingin lang ako sa bintana habang mabilis na nagfaflash ang Baguio City sa aking paningin, noong una ay mga street lamps at schools, parks at stupid people, tapos long roads, trees, zig-zag, nagcrash na bus, cliffs, curves... hanggang sa makatulog ako, magising at marealize malayo na ako sa Baguio...

...malayong-malayo.

baguio here i come

Hey Kids! Bago ako pumunta sa airport I mean terminal ng Victory I just wanna greet you all a very warm SEE YOU SOON BITCHES! At sa mga umapi sa akin sa Baguio humanda kayo sa pagbabalik ko at dudurugin ko kayo!

Kthnxbye Mwahchupa!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding