25 G's

Dahil ni-tag ako ni Jag at required akong gawin ito, eto ang 25 stuff na hindi ko alam ang purpose pero masayang gawin:


1.) What is your name: Glenn
2.) A four letter word: Good
3.) A boy's name: Geoff
4.) A girl's name: Gaga, a Lady
5.) An occupation: Golddigger
6.) A color: Green
7.) Something you wear: Grin
8.) A food: Gulay
9.) Something found in the bathroom: Gripo
10.) A country: Germany
11.) A reason for being late: Gumising ng late.
12.) Something you shout: Gago ka buhay ka pa!
13.) A movie title: Gangs of New York
14.) Something you drink: Gulaman
15.) A musical group: Goo Goo Dolls
16.) An animal: Giraffe
17.) A street name: Gil Puyat
18.) A type of car: Ginetto
19.) An internet site/blogsite: google.com
20.) A song: Get Down by The Backstreet Boys bwahahaha
21.) A President's name: Gloria Macapagal Arroyo
22.) A cartoon character: Garfield
23.) Name of School: General Emilio Aguinaldo High School
24.) A sport: Golf
25.) A Latin word: Gravida

At ang tina-tag ko ay si Jessica Zafra.

Bwahahahaha asa! Pag may nakita akong ganitong post sa blog nya tatalon ako sa Ayala Ilalim.

outfit

Hey Kids! Meron akong kwento about Sasha Fierce. You're gonna shit. (OK sa mga hindi nakakaalam, si Sasha Fierce ay ang 59 years old kong Tita).

Pagdating ko sa bahay nung Biyernes galing ako sa trabaho, ang bungad sa akin ni Sasha Fierce ay:

"Anak, bakit ganun yung panaginip ko?"

As if maipapaliwanag ko ang dahilan ng panaginip nya?

"Bakit ano napanaginipan mo?"

"Nakita ko yung mga kamag-anak nating namatay na."

OMG.

"Sino?"

"Si Tatay, si Ate, si Bok..." etc etc. "Kinukumusta na yata ako ni Kamatayan ah."

Nagtawanan lang kaming dalawa. I'm sure mahaba pa ang buhay nya.

"Tinanong pa nga nila ako kung ano daw ang gusto kong isuot sa burol ko."

"O tapos?"

"Sinagot ko raw sila, Gusto ko isuot yung bestida kong yellow."

"Ma, yung bestida mong yellow? Di ba manipis yung straps nun parang spaghetti straps yun?"

"Oo yun nga."

"Gusto mo sa burol mo naka-spaghetti straps ka?"

"Susuotan ko naman ng bolero."

OK.

kaffe razzo

Alam naman nating lahat na maraming pera si Kuya Chingoy. In fact pag may nakita akong mas mapera pa sa kanya ay sasampalin ko. Pramis. Katunayan nga nung Sabado eh naisip nyang magpatayo ng coffe shop. Ganun-ganun lang nagbukas agad ang Kaffe Razzo, ang coffee shop na magpapataob sa Starbucks.

Sabi nga ni YJ, and I quote:

Bongga.


Seryoso! Syempre sino pa ba ang iimbitahin ni Kuya Chingoy para saksihan ang softcore opening ng Kaffe Razzo kundi ang mga malalandi at masasamang ugaling bloggers, at ako.

Dali-dali akong pumunta sa M Lhuillier at tinubos ang camera para ma-cover ang event, coz I'm a professional photographist you know (alam nyo yan).

Meet Kuya Chingoy. Pag nakita nyo sya sa labas, pa-autograph kayo...



Ito ang model ng Kaffee Razzo na si Kikilabotz. Si Jepoy Pikpik wag nyo nang pansinin napadaan lang sya:



Eto ang menu! Pansin nyo walang presyo? Kasi libre lahat. At sa anong dahilan? Read the first sentence of this post.



Syempre para hindi mabagot ang mga customers sa paghihintay ng order, may mga magazines dun si Kuya Chingoy:



Ang masasabi kong ipinagmamalaki ng Kaffee Razzo, bukod sa kape, ay ang pagkain! Pramis masarap as in yummeh.

Eto po ang sample pictures ng mga food:

Let's try the Sisig!



O di ba masarap, kakahain pa lang sa harap ko nilamon ko na. Eto pa ang ibang food offerings:

Makikita sa larawang ito na late na akong dumating:


Naranasan mo na magpunta sa Starbucks tapos bigla kang nagutom kaso ayaw mo umorder kasi hindi kasali sa budget mo ang pastries, ang gusto mo lang eh picturean ang sarili mong nagkakape?

Well well well sa Kaffee Razzo hindi ka magugutom dahil mura lang ang kape at mura ang food! As in budget meal. Marami ang serving at mabait pa ang staff. Hindi gaya sa Starbucks na pinagkakamalan akong applicant.



Eto naman naaalala kong kunan ng picture kung kelan paubos na. Ang sarap kasi sabi eh.


Syempre hindi mawawala ang kape! ("Strong bones"? Tangina nyo Jepoy! Sabi nya libre eh di samantalahin.)


Yan po ang Chocolate Frapputs Frapuche Frappush masarap po yan. Alam nyo bang P80 lang yan, pero kalevel nya yung milkshake sa Burgoo.

Eto namang next, hindi ko natikman pero masarap yan at wala kang maoorder nyan sa ibang coffee shop. Ang tawag diyan ay Hot Choco:


Bakas sa mga labi ni Kuya Chingoy ang isang matamis at simpleng ngiti:



Natural masaya sya kasi successful ang soft opening ng Kaffe Razzo! At ipopromote ko talaga ito sa lahat ng mga kakilala ko. Kaya from now on, ang iboblog ko lang lagi ay tungkol Kaffe Razzo.

At kung hindi ako nagkakamali, mababasa nyo pa ang Kaffe Razzo sa sampu pang blogs. I gotta feeling...

Sila ang mga walang habas na lumapa sa mga nakahandang food, susme ang aga dumating ng mga yan!


Naku kung ako sa inyo pumunta na kayo sa Kaffe Razzo. Nga pala, eto ang location ng coffee shop, sa tabi ng SM Centerpoint beside UERM. Kung mapapadaan kayo halimbawa galing kayong MOA o kaka-out nyo lang sa work, o kaka-check-out nyo lang somewhere... dumaan na kayo sa Kaffee Razzo at mag-chill... tapos magcheck-in na kayo uli. At least nakapagkape na kayo, at wala na syang alibi na kesyo inaantok sya at pakigising na lang sya pag tapos na.

Pangarap ko rin magkaroon ng coffee shop. Tatawagin ko naman itong...

Kaffe Ranggot.



Sobrang maraming maraming salamat Kuya Chingoy sa pag-imbita sa iyong coffee shop! Kahit itong simpleng post lang ang maisukli ko sa iyo hehehehe! Mwahchupa! More power to Kaffee Razzo and mabuhay!!!

vicks

Nakita ko sa Facebook ang status message ng aking bestfriend na si Dyan: "is really missing those "t.alonzo" days.."

(Isa sya sa mga nakasama ko sa T. Alonzo)

At ang hindi ko matanggap eh hanggang ngayon, ako pa rin ang pinagbibintangan nya sa isang pangyayari na hindi ako ang may gawa.

Dyan, kung nababasa mo ito, I SWEAR, HINDI AKO ANG NAGPAHID NG VICKS SA PANTY MO.

Mamatay man.

doggies

A couple of months ago, nagpost si Ape Rockstar sa kanyang blog na nagpapamigay sya ng mga bagong panganak na puppies. Gustong-gusto kong magkaroon ng pet kaya humingi ako, at ni-reserve na para sa akin ang kulay white.

It just so happened na ang aming landlord sa apartment ay evil incarnate, at nalaman kong ipinagbabawal pala ang pag-aalaga ng mga hayop sa aming building. (Pero sya, may mga aso, fuck you sya)

Kaya kahit labag sa aking damdamin hindi ko na lang hiningi yung aso. Sabay, nasa fifth floor nga naman kasi kami ng apartment building na yun, at wala syang matatakbuhan. Kami nga ng tita ko halos magkauntugan na sa liit ng space.

Naalala ko tuloy yung mga naging aso namin noong bata pa ako. Nung una akong namulat sa buhay ay naalala kong parte na ng pamilya namin ang asong si Stag, isang Askal, na hiningi ng Tatay ko sa Ate nya. Malambing si Stag, pag pauwi ako galing sa school, kumakahol na sya at sinasalubong na ako. Mas grabe ang lambing nya sa Tatay ko, malayo pa ang Tatay ko nasesense na nya at naeexcite na sya. Batang bata pa ako noon, ngayon nga hindi ko na maalala kung anong kulay ng balahibo ni Stag.

Meron pa kaming isang aso, si Gorgonia. Magandang aso yun, at madali syang paliguan. Pero hindi kami masyadong close. Hanggang sa dumating ang time na nag-init siya at nakipagjerjer dun sa unanong aso ng kapitbahay namin, at nahawa sya ng galis. Ayun, namatay syang lagas ang balahibo. Naawa ako sa kanya. Sya na ang huli naming aso.

Ang tita ko, hardcore mag-alaga ng aso. Nung high school ako, dumalaw ako sa kanya sa Bulacan, mag-isa lang kasi sya sa bahay at isang aso lang ang kasama nya, si Missy. Sa umaga nagigising ako sa boses ng tita ko habang kausap nya yung aso...

"Missy ano ba? Di ba sabi ko ubusin mo yan? Hindi mo na naman inubos oh! Sasayangin mo na naman yan! Missy! Saan ka pupunta! Missy! Stayyy!"

Nagkaroon pa sya uli ng mga aso, sina Lizzie at nung namatay yun, si Rezzie. Tao talaga ang turing nya sa kanila.

Minsan sa school, nagkaroon kami ng program at kailangan kong magbenta ng raffle tickets. Kaya lahat ng kamag-anak ko, binentahan ko ng ticket, syempre pati yung tita ko. Bumili sya ng sampu.

Yung limang ticket, sa kanya nakapangalan.

Yung lima, nakapangalan kay "Rezzie Dog".

Ampotah.

khikhimons

Bilang founder ng doomed The Offical Khikhi Fan Club, obligado akong magbigay ng updates sa inyo tungkol sa ating patron saint Maria Khikhi upang magdulot ng ligaya sa inyong maligalig na buhay-buhay.

Bullet points na lang para mas madali basahin, kasi mahalaga talagang malaman ninyo ang mga ito:

  • Nagpakulay sya ng buhok. Color of choice: Mahogany
  • According to Facebook status 12 hours ago, she is now single.
  • According to Facebook status 4 hours ago, she is now married.
Eto naman ang latest fan page na sinalihan nya:



OK. Makakatulog na tayo nang mahimbing.

Tandaan, mahogany.


The Official Khikhi Fan Club. Be a Khikhimon today!
Join now!

movie review: prince of persia

Nung nagsimula ang 2010, nagpromise ako sa sarili ko na lahat ng mapapanood kong movies ay gagawan ko ng movie review.

Nung Linggo, nanood kami ng movie kasama ang ilang bloggers.

Kanina ko lang naalala na kailangan kong gumawa ng movie review.

Tinatamad pa ko kasi parang sapilitan.

At tatlong minuto akong nakatitig lang sa kawalan, pilit na inaalala kung anong movie yung pinanood namin.

Swear, halos hindi ko na naalala.

That's how forgettable this movie is.

Yan na po yung review hihihihihihi.

Thanks for wasting your time!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding