halloween film viewing

Hey Kids! Kung lowlife mag-isa ka lang at gusto mong magkaroon ng isang meaningful Halloween night, ang pinakamagandang paraan ay manood ng mga horror films. Ganun sana ang balak ko ngayong Halloween. Pero hindi basta-basta film viewing ang gusto ko, gusto kong manood sa Metropolis Theater sa Alabang.

Bakit doon? Tunghayan ang mga sumusunod na kwento na nakalap ko mula sa web:

The gigantic screen usually commands your attention in movie theaters but at Star Mall Alabang, your seatmates steal the scene. As an old story goes, a couple watched in what seemed like a jam-packed theater, only to find out when the movie ended that they were the only ones inside.


Alam nyo ba dati nung nanood kami ni Kuya ng sine dito, maraming tao nung dumating kami kasi nasa gitna na yung palabas. Tapos pagbukas ng ilaw, iilan lang pala kaming nanood samantalang nung pagpasok namin siksikan ang tao.


I remember nung bagong gawa yung alabang metropolis/star mall, madami kwento dun kase nasakop daw yata nung property yung old cemetery. a neighbor even said before na yung anak nung kamag anak nya, dun nakalibing tapos di na nila nakuha kase pinagsama-sama na yung bones. some kwentos sa theater na pag nanood ka daw dun, and turned off yung lights, you would see "people" sitting and watching din as in puno yung sinehan then pag lights on na, konti lang pala kayo nanonood. medyo tago pa naman yun theater nila dun.


I'm from alabang and lumaki ako malapit sa metropolis mall.. tama nga na dating sementeryo yung mall na yon.. meron akong friend na may weird experience doon.. meron kasi silang movie analysis na projects sa skul.. since na malapit lang sya sa metropolis mall dun na lang sya nagdecide na manood ng movie.. ang malupit pa doon 'last full show' sya nanood.. sya lang mag isa.. so pagdating nya sa movie hauz madilim na and nagsisimula na yung movie... yung pinanood nya ay isang comedy movie. syempre nakakatawa yung palabas and nung pumasok sya halos wala syang maupuan kasi tingin nya madaming tao... ang nakakakilabot sa lahat nung bumukas yung ilaw pagkatapos ng palabas... nagulat sya nung ilan lang pala silang nanonood, almost 10 or less lang sila.


Pagpasok ko ng sinehan sa intermission pa lang so may ilaw pa noon at mga 10 lang kaming tao, naupo ako sa may bandang harapan para makita ko ng malapitan si Coco [Martin] at ako lang ang tao sa may bandang harap at susunod na tao ay mga 8 rows sa inuupuan ko, pero nung nag start na yung movie at pinatay ang ilaw iba ang feeling na nararamdaman ko parang ang dami dami namin sa loob ng sinehan so habang naka focus ako sa screen may nakikita ko mga naglalakaran sa buong sinehan pero dedma lang ako naka focus pa ri ako sa pigsa ni Coco pero habang tumatagal iba na yung feeling parang tumatayo na yung balahibo ko, dedma pa rin pero di ko ma explain nararamdaman ko may mga taong naglalakaran sa buong sinehan , umabot na sa tenga ang takot ko ng parang may gumalaw sa likod ng upuan ko then tumalikod ako para tingnan nakita ko dalawang matanda isang babae na kamukha ni Lilia Cuntapay at isang lalakeng matanda na magkatabi sa likod ng upuan ko at nakatingin sa akin …di ko maipaliwag ang feeling ko kung iiyak ba ko sa sobrang takot ..Tumakbo na ako palabas ng sinehan at habang papalabas feel na feel ko sobrang daming tao or spirit sa loob ng sinehan mga 300 na tao ang feel sa loob samantalang 10 lang kami nung nag start yung movie.

(At saka parang di ko maisip na Lolo at Lola na manood ng Serbis Movie)


There was this guy na nanood daw ng sine sa metropolis. he bought a ticket balcony ang pinili nya. pag akyat nya nakita nya puno daw yung mga seats so he decided to sit sa stairway na lang. after a while a guard na may flashlight confronted him. sabi ng guard sir bakit po kayo nakaupo sa hagdan e marami pa pong silya? paglingon nya sya lang ang tao sa itaas.


It was last full show kasi hintay ko yung frend ko na nagtrabaho sa camella homes. I swear, pagpasok ko nung movie haus; my kasabay pa akong matandang lalake… tapos umupo sya sa kabilang end kasi medyo puno na yung upuan sa gitna. ayoko naman gumitna sa ibang upuan, dahil ayokong my katabi rin. at ayoko naman sa harap kasi malabo na... umupo na ako sa kabilang end, maski na pangit ang view ko. tapos na nuod na kami…
after matapos yung film nang credits at lights on na pagkakita ko, gulat ako na mga 7-10 person lang yata kami sa loob. tapos lahat kami magkakahiwalay, meron sa mga gitna tapos lahat almost nasa dulo… tapos nagsitayuan kami agad. nakasabay ko sa restroom yung matandang nakasabay ko sa pag pasok. sabi nya sa akin, "Di ba maraming nanunuod kanina?”

Ayun, gusto ko sana masubukan. Kaso baka hindi na ako makalabas uli nang buhay sa sinehan. So kayo na lang ang mag-try. Balitaan ninyo na lang ako. Thanks.

Totoo kaya? What do you think?

Mga chismosang sources:
http://www.spot.ph/print_article.php?id=32719&post_name=10-scary-spots-in-metro-manila
http://kalansaysaaparador.blogspot.com/2007/09/nakakatakot-na-post.html
http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php?topic=232233.40
http://www.pinoyunderground.com/showthread.php?t=187854
http://www.jessicarulestheuniverse.com/2010/06/11/go-on-scare-the-bejeezus-out-of-us/

jepoy, fuck you!

Birthday nung putang-inang Jepoy nung kelan lang (di ko na maalala ang saktong date) at nagpakain sya nung Sabado sa Burgoo. Actually, kabilin-bilinan nya na wag kong sasabihing nanlibre sya, so yun.

Gusto ko sana i-save ang tribute post na ito for Jepoy para sa araw ng kamatayan nya, pero ang putang-ina, ang tagal mamatay, at naiinip na ako.

Si Jepoy, 9 times out of 10, wala syang kwentang kausap. As in wala kang masasagap na mabuting balita o kapaki-pakinabang na impormasyon. Puro lang yan reklamo sa buhay nya, o kaya panlalait sa mga bloggers. Opo, madalas namin pag-usapan ang mga bloggers, at madalas syang manlait, ako naman quiet lang, you know me! Sweet and caring.

Pero may mga natutunan naman ako sa kanya. Si Jepoy kasi napaka-comical kausap. Clown sya. Kulang na lang ng wig na neon violet. Hindi ka mabobore kahit sa chat, kahit ang madalas lang nyang reply ay "LOL" at "Hihi".

Ang natutunan ko kay Jepoy ay ang mga favorite nyang expressions. Isa-isahin natin:

Maarte 2010
Sa kanya ko lang naririnig ito. Promise, sa buong universe, sa kanya ko lang narinig. Ginagamit nya ang term kapag may kinikwento syang taong nag-iinarte. Halimbawa, ganito ang usage: "Ampotah yang si ___ , maarte 2010. Nagmamaganda mukha namang tuhod."

Hindi ko na alam kung bakit kailangang may "2010".

Duhr?
Sya rin lang ang naririnig kong nagsasabi ng "Duh" na may "R" sa dulo. Hindi ko alam kung anong ikina-improve ng buhay nya sa pagdagdag ng "R". Siguro "R" is for "Roll Eyes" na madalas kapartner ng expression. For example, "Ma-feeling naman yung blog ni ___ , akala mo naman relevant, duhr. Feelingerang frog." *sabay roll eyes*

Jowa???
Eto ang term para sa mga demanding at confrontational na mga froglets, meaning, hindi ka naman jowa, bakit demand ka nang demand ng stuff? "Naasar sa akin si ___ , nag-skip-read daw ako sa blog nya. Jowa??? Chismosang bangus."

Strong Bones
Yan ang term nya sa mga makakapal ang pagmumukha, yung mga mahilig makipag-feeling close. "Yang si ___ na echuserang zebra, strong bones! Comment nang comment sa blog ko, ang chaka nya naman! Demmet!"

Aheyreeet!
Kapag sukdulan na ang poot sa puso ni Jepoy, na usually ang ugat ay matinding pagkainggit. "Nakita mo yung header ng blog ni ___ , ang landiiii, aheyreeet!"

Ikaw na!
Kapag na-irritate ang skin nya sa iyo, babanatan ka nya ng maraming ganyan. Like, "Ikaw na ang gwapo, ikaw na ang sikat, ikaw na ang mayaman! Syit ka! Sana mamatay ka na soon."

Putacles
Hindi ko alam ang etymology ng putacles, at hindi na ako mag-aattempt pag-aralan. Putang may tentacles? Lagi nya yan ginagamit when gripped by a powerful emotion such as hatred. Ganito nya yan gamitin, "Ambisyosang shrimp! Fine ako na ang mataba! Ako na ang may foot and mouth disease! Ako na! Putacles! Kill me naaaaaaaaaa!"

Ang Ganda ng Structure
Kapag nabasa nyo ang mga salitang yan sa blog nyo, asahan nyo na na hindi nya binasa ang post, nagcomment lang sya para balikan nyo ang blog nya at magcomment rin. "I like your post, ang ganda ng structure! Blog on!"

And that's my tribute.

Yan. I'm sure we all know Jepoy is a sweet person. At malaking kasinungalingan yan, salamat na lang at nag-effort akong isiwalat ang katotohanan na "busilak" ang puso nya, kasing-busilak ng chismosang squid na may black na dagta.


the number thirteen

Na-experience mo na ba yung parang pakiramdam mo eh may mga senyales o pangitain sa paligid mo? Me neither... Pero may ikwekwento ako na medyo... weird. I swear this is a true story.

Nung Friday nagpunta ako sa isang government office. Medyo marami nang tao pagdating ko kaya umupo na ako sa lounge. Habang naghihintay sa pila para sa picture taking, nababagot ako kaya kinausap ko yung matandang kuya na katabi ko ng upuan. Hindi naman sya matanda, mga tipong batchmates sila ni Kuya Chingoy (sya talaga ang ginawang basehan??? peace Kuya!)

Pinag-uusapan namin yung pila at yung mga improvements na dapat gawin para hindi maipon ang tao sa pila, ect etc nang bigla syang huminto sa pagsasalita. Binilang nya ang mga tao na nasa unahan namin, sabay napa-iling habang ngumingiti.

"Bilangin mo ang mga tao sa unahan natin," sabi nya.

Nagbilang ako, pang-twelve nga ako at pang-thirteen sya.

"Pangalawang beses ko na na-encounter ang numero trese ngayong araw na ito," sabi ni Kuya. "Kanina, sa jeep, bayad ko bente, sukli sa akin, trese."

"Swerte po ang trese," sabi ko na lang, kasi wala akong mai-comment, kumbaga sa blog eh kung walang relevance sayo yung sinulat ng blogger ang masasabi mo na lang eh "Nice post keep it up."

"Sinusundan yata ako ng Devil," sabi ni Kuya. Natuwa ako sa ginamit nyang term. Hindi Demonyo o Masamang Espiritu ni Drake, kundi Devil. Conio?! Napa-paranoid na si Kuya kaya hindi ko na lang sya kakausapin, baka mahawaan pa ako ng "kamalasan" nya. Ang dami pa namang pwedeng kamalasang mangyari sa akin nung araw na yun, halimbawa ang pangit ng picture ko sa picture-taking or something. Limang taon ko ring titiisin ang picture na yun.

Habang pausad nang pausad ang pila, tumahimik na si Kuyang Paranoid. Ako naman eh naghahalungkat sa bag ko ng earphones dahil gusto kong magsoundtrip. Kokontrahin ko ang malas sa pamamagitan ng pagdinig ng mga kanta tungkol sa swerte.

This is a story about a girl named Lucky.
Tsug-tsug-tsug.
Early morning, she wakes up.
Knock knock knock on the door.
Tugsh, tugsh, tug--

For some reason bigla akong napatingin sa hawak na papeles ni Kuya, kung saan nakasulat ang pangalan nya in bold letters. Nalimutan ko na ang first name nya, pero tandang-tanda ko ang apelyido:

De Villa.

Sinusundan nga ba ng kung anong enerhiya si Kuya? Kaya ba sya paranoid? Pero hindi ko na tinanong sa kanya, baka bigla syang magpanic at mag-cause ng commotion.

"Neeeeext!" sigaw nung Counter #38. Paglapit ko, umupo na ako para sa data capture at picture taking.

Sumigaw na rin ng next yung kasunod na counter, at habang nakatitig sa camera ay napatingin ako kay Kuyang Paranoid, na parang napilitan lang na tumayo at maglakad papunta sa counter, pailing-iling pa sya while smiling to himself.

Napunta kasi sya sa Counter #39.

another useful prank

Paminsan-minsan, may natutunan kang kapaki-pakinabang sa mga demonyo mong kaibigan. Yung mga kaibigan mong walang takot gumawa ng masama. Marami akong ganyang kaibigan, yung tipong hindi na ako nag-expect na matutulungan nilang i-angat ang kabuhayan ng Pilipinas o makatuklas sila ng gamot sa hadhad.

For example, si YJ. Alam ng lahat na nilikha sya para lang maghasik ng kapokpokan sa mundo, nothing else...

Pero may natutunan akong isang napakagandang lesson kay YJ: isang prank na mae-enjoy ng lahat habang nag-iinuman, etc.

Ang Mechanics:

Ito ang challenge: magdidikit ka ng coin sa noo ng kainuman mo at hahamunin mo sya na alisin ang coin na hindi ginagamitan ng kamay. Meron syang 30 tries para mahulog ang coin. Kapag hindi nya ito nahulog, talo sya.

Ang Twist:

Wala talagang coin.

Steps:

1. Piliin ang magiging biktima, usually yung mga susceptible sa krimen (mababait).

2. Ipaliwanag ang rules (na hindi nya pwede gamitin ang kamay or anumang part ng katawan para maalis ang coin). Ilabas ang coin for full effect. Mas effective kung sa biktima ka hihiram ng coin.

3. "Idikit" ang coin sa noo ng biktima: idiin mo lang ang hinlalaki mo hanggang sa ma-convince ang biktima na nakadikit na ang "coin".

4. Watch the victim in action:


video


30 seconds lang ang video kaya i-play nyo na. The first 10 seconds ay kung paano "dinikit" ni YJ ang "coin". The rest is kung paano inalis ni Ahmer ang coin...


Thanks Ahmer for being such a good sport and YJ for being such an evil person.

Bwahahahahahaha mwahchupa.

movie review: bangkok haunted 3

Previously on WickedMouth: Nangako ako na gagawa ng movie review ng Tarzan X pero kailangan ko ng extended time, I need to convene with Rundekaleel who will help me with the review of this classic obra maestra. And I need to watch it again and again and again and again and again. Para in-depth. Ako na talaga to.

Wala man kayong interes sa buhay-buhay namin, ikwekwento ko pa rin. Nagkita-kita kaming ilang bloggers last Sunday. Shout out to Xprosaic fresh from Davao and Jepoy from Singapore, kayo na mga galante!!! Special mention rin kina Anna na one of the boys at sa special participation of Traveliztera!!! Nice meeting you Jag, and as always, nice to see you Oliver, Rico de Buco at Kumagcow.

Mangyaring i-click ang mga thumbnails sa itaas upang masaksihan ang alindog ko.
(Photo credits - Xprosaic's brand new Canon 500D)

Nanood kami ni Jepoy ng Bangkok Haunted 3 habang ngumangawa si Ate Adam Lambert sa labas ng mall. Ito ang mga kaganapan:

Four stories in one movie *roll eyes*.

"The Toilet", may ghosts sa haunted university! *roll eyes*. Alam ng mga bida na may ghosts sa banyo sa 5th floor. So of course, pumunta sila sa 5th floor. Sa sobrang takot, tumalon ang mga bida sa balcony. Yung isang natira, si Kuya, nung wala nang matakbuhan, nagkulong.

Saan sya nagtago? Of course, sa banyo, kung nasaan ang mga ghosts. Ang talas ng logic ni Kuya.

"The Elevator", haunted elevator *roll eyes*. Pininturahan ng pula ang walls ng elevator kasi hindi na mabura ang mantsa ng dugo ng mga namatay dun. Of course, Si Ateng bida, sumakay sa elevator. Nagkaroon sya ng flashback. Nakita nya kung paano sila namatay. Tapos during the flashback, nagkaroon pa ng isang flasback. Tapos may flash forward. And then, biglang patay na si Ate.

Nasagasaan sya ng kotse, WTF??? Connect???

"The Mortuary", sa mortuary *roll eyes*. Of course, si Kuyang may phobia sa patay ang nautusan magbantay sa mga bangkay. Papasok sya sa room, matatakot sa patay, lalabas sya ng room. Papasok sya uli, matatakot sya, lalabas sya uli. Papasok, matatakot, lalabas. Cartoons si Kuya amputah. Tapos na.

"The Stairwell", si Ateng malandi nakipagchat sa maniac na killer. Matapos magchat, lumabas sya para bumili ng food. Of course, mag-isa syang lumabas. On her way home, ni-rape sya nung maniac na naka-chat nya. Tapos pinatay sya. Of course, naging ghost sya. Gumapang sya, sinundan nya yung maniac. Eh nasa taas ng hagdan yung maniac. Hindi makatayo si Ateng malandi. Kaya kinagat nya bawat baitang, hanggang makarating sa tuktok at pinatay ang rapist

Of course, nauwi nya pa yung takeout nyang food (see poster, yung nakasabit na plastic bag sa doorknob).

THE END!

Kailangan nang mamahinga ng mga ghosts na ito. Mukha na lang silang pagod.

This movie sucked. Of course, I liked it.

Up Next Tarzan X Pramis.

spread myself around

Dumadami ang interactions ko sa ibang mga bloggers.

Nagpapasalamat ako kay Momel na hindi nag-atubiling ipahiram sa akin ang libro nyang Ribblestrop at ang DVD ng old school movie The Beyond kahit hindi nya ako kilala. Kinapalan ko talaga ang mukha kong manghiram:



Isosoli ko pramis. Page 2 na ako. Nabanggit na rin si Momel, did you know na sa pagsali nya sa mga pa-contest ni Jessica Zafra eh nagkaroon sya ng chance na makainuman si J-Zaf last week? Oo inuman ito, cocktails. OK no big deal sa iba pero naiinggit me. Ang tagal ko nang umeepal sa blog ni J-Zaf at hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakikilala nang personal, kahit dumanak ang dugo.

Nagpapasalamat ako nang marami kay Lord CM sa pag-appreciate sa blog kong puro kapokpokan lang at naisipan nya akong bigyan rin ng award na nagkakahalagang P50o worth of groceries sa PureGold. Joke, itong badge ang award:




Yan, nagbabaga raw ang blog ko. Parang burning sensation lang. Yan ang napala ko sa kakaepal ko sa blog nya haha! Thanks Lord! Mwah!

At higit sa lahat sobrang nagpapasalamat ako kay Ruperto Prieto Jr!!! Dahil ako ang ginantimpalaan nyang makatanggap ng award sa blog nya:





Effort yan kasi pinadala nya pa talaga via 2Go, with matching bookmarks at Blogger Information Cards. Kinapalan ko lang ang mukha ko na sumali sa pa-contest nya. Kinuli-kulit ko sya para ako ang panalunin nya. Kapal ng mukha ang ipinuhunan kaya maraming salamat Pertz and more power to Bookable Reads!!!

Kaya kung gusto nyo ring manalo ng libro, sumali na kayo sa contest nya sa kanyang blog.

Ang lesson for today is: Aim high kupal! Marami kang ma-aachieve gamit lang ang kapal ng mukha. Just look at me!

Bwahaha salamat sa inyong lahat mga Kids at isang malaking mwachupaaaaaaaaaa!

Up Next: Tarzan X.

ang fan page ni mars

Kapag nagkikita-kita kami ng mga kaibigan ko ang una kong nasasabi pagkakita ko sa kanila ay "Tangina mo!" Halimbawa, "Tangina mo akala ko ba after-lunch anong oras na?" o di kaya ay "Tangina mo bakit ang aga mong dumating?" Sanay na sila. Kung ako ang kaibigan mo, masasanay ka sa maraming kasamaan.

Mas masahol kapag ang nakita ko eh kaibigan ko na hindi ko nakikita nang matagal: "Tangina mo buhay ka pa pala!" Sanayan lang yan.

Ewan ko, parang yun ang una kong naiisip sabihin, automatic na yun at hindi mapigil. Kadalasan nasasalubong ko sila sa mall, sa maraming tao... minsan naman kasama pa nila ang mga magulang nila. Huli na bago ko pa maisip na pinagmumura ko sila sa harap ng mga mahal nila sa buhay.

Wala naman akong masamang ibig sabihin. Masaya nga akong nakita ko sila, masaya ako na buhay pa sila. Yung "Tangina mo!" eh expression of joy lang yun.

Naa-amaze lang siguro ako na buhay pa sila. Hindi ba nakakabilib yun? Araw-araw, maraming chance para mamatay sila - nagkamali ng tawid, nahagip sa MRT, nahostage sa bus, etc. Pero sa gitna ng mga everday hazards, buhay pa silang lahat, at buhay pa rin ako, at kapag nag-krus muli ang mga landas naming makasalanan, natutuwa lang ako. Sabay "Tangina mo" para may special effects.

Ngayon madalang na akong may makasalubong na kaibigan, puro online na kasi ang lahat, nag-level up. Pero kapag may nag-add sa akin sa chat, pareho pa rin ang standard greeting ko, "Tangina mo buhay ka pa!" O pwede ring "Okin-inam nagbyag ka pay" kung marunong sya mag-Ilocano.

Alam ko namang I can get away with it, dahil kilala na nila ako at alam na nilang ganun ako magsalita.

Sa Facebook, umaapaw ang greetings ko, andami ko kasing nahahanap na kakilala. Parang reunion lang, halos walang ikinaiba sa personal na pagkikita. Murahan, kumustahan, murahan, magcocompare ng sweldo, murahan. Tapos wala na uling pansinan.

Pero kakaiba ang nangyari sa akin kamakailan lang. Kaka-browse ko sa profile ng dati kong instructor (syempre hindi ko sya binati ng "Tangina mo buhay ka pa!"), nakita ko ang profile ng dati kong kaklase, si Mars. Medyo naging close kami nung last year na namin sa college, delayed kasi kami pareho (kakalabas lang nya sa hospital matapos maconfine dahil sa asthma, ako naman eh delayed lang talaga, no excuses).

Kasundo ko itong si Mars, madalas kasi kami magkamurahan. Kaya natuwa akong makita sya sa Facebook. Ang putangina, hindi pala profile, kundi fan page! Animal, maraming fans si gago, 384. Ni-like ko para makapagpost ako sa wall.

"Tangina buhay ka pa!" Click POST. Sabay logout.




Naalala ko lang uli yung fan page nya makalipas ang ilang araw. Naisip kong magtingin-tingin naman ng pictures. Dahil wala akong magawa, lalaitin ko na lang ang pics nya.

Yung primary pic nya eh pugeng-puge sya, parang kuha pa sa studio. Violet ang background, nakapangalumbaba pa parang Ninoy lang. Nagcomment ako: "Tangina nagpa-studio pa para lang may pang-Facebook!!!"

Sumunod na picture eh naglalaro sya ng chess. Comment na naman ako. "Puta ka wag ka nang magpanggap na matalino! Kilala kita!" Hahaha kebs lang.

Ang pangatlong picture. Light blue ang background, nakangiti sya sa camera. Medyo faded ang effect. Comment uli, "Tang-ina parang pang-ibabaw lang sa kabaong!"

Hanggang sa mapatingin ako sa caption...

"Mars, 1986 - 2010"

Umalingawngaw sa utak ko ang "Tangina buhay ka pa"... nag-eecho...



Just another shot at fiction, for my project My Life is a Shit and Other Inspirational Stories. I know it sounds like something that could really happen to me but it's just fiction.

Click Also Read for more of My Life is a Shit and Other Inspirational Stories.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding