gasoline

I am gasoline
A deluge of fire
And to me you are a flame
You shall spark
Through me you grow your lust
Until your all-consuming rage
Is reduced to dust.

Without a warning
You gave birth to chaos
Engulfing the sky, ablaze
And I was left to question
If your heat nourishes me
And my strength sustains you,
Who consumed who?

Like a phoenix
You shall rise
From the ashes and the dust
To search me once again
Your sin, your desire,
Your flames dancing through my skin
We set the world on fire.

------------

This is my entry to The Gasoline Dude’s Blogversary Writing Contest.

the philippine blog awards

Hey Kids! I got good news today. Kalimutan nyo na yung kaputahang hiatus post ko last time, who cares about that! Mas importante ito keysa sa buhay kong patapon.


I was informed today na finalist ang Wickedmouth.com sa Philippine Blog Awards. Kahit nominee lang at hindi pa nananalo I'm already happy.

Hindi ko alam kung ilan ang lahat ng nominated pero lima lang ang finalists at hindi ko rin alam kung paano manalo, mangangampanya ba ako or what? Hindi ko rin alam kung anong dapat kong ipost. Buburahin ko ba yung kapokpokang hiatus post ko kung saan nagmura pa ako dahil na-badtrip ako sa sarili kong buhay? Magrerepost ba ako ng funny shiznits? Gagawa ng new posts? Do I have to impress anyone?

Pukinijamby!!! Effort!

My money is on The Professional Heckler. Itabi nyo ang Wickedmouth sa The Professional Heckler, mukha talagang nanlilimahid ang blog ko. Kanya uli ang award this year.

Dahil malakas ang kutob ko na hindi ako mananalo, magbibigay na ako ng aking Thank You speech dito.

Masaya na ako na manominate at mapasali sa finalists. Hindi ko naman kinacareer ang pagbablog, lalo na ang layout! Seriously. Hindi ko nga magawang maglagay ng ads para mapagkakitaan man lang ang blog na ito. Masaya na lang talaga akong makapanira ng buhay ng iba in my own simple way.

So since hindi naman ako mananalo I dedicate my loss, of course, to Khikhi! Sya lang naman ang matinding fatality sa blog ko. If there's anything in my life I'm successful in, yun ang pagsira sa buhay ni Khikhi. So Khikhi, this is for you! Wasak na Khikhi!

I also dedicate this to Sasha Fierce, to Doris & Nanding, and the friends and people I lovingly told stories about. Hindi ako magkakaroon ng iboblog kung inaayos nyo ang mga buhay nyo.

Seriously, gusto ko magpasalamat sa mga nagbabasa ng blog ko, bloggers, bloghoppers, readers. Sa mga nainspire na gumawa rin ng masama after mabasa ang posts ko, go lang. Sa mga nagsasabing "Fuck you ka Glentot napatawa mo ako", salamat. Sa mga nagbabackread hanggang sa kadulu-duluhan, salamat. Sa mga nagbabasa at hindi nagcocomment, salamat. At sa mga nagcocomment na hindi nagbabasa, salamat rin!

Thanks Kids mwahchupa! I feel like I already won.

---

Thanks to Citybuoy for the nomination!

i need a fucking break

Wickedmouth.com will take a break. I will be on hiatus. There's a lot happening right now and I can't keep up with everything. I will be back hopefully soon.




Sucks to be me right now.

the worst birthday party ever

May napuntahan ka na bang birthday party na nagsisi ka na umattend ka pa? Ako marami na. Noong bata ako, napaka-mahiyain ko kaya kapag may nag-invite sa akin na pumunta ng birthday party eh kung ano-ano ang alibi ko, unless ni-require ako ni Doris na pumunta. At madalas rin akong eat and run, lalo kung kagalit ko yung kaklase kong magbibirthday.

Ang madalas kong iregalo noon ay Choco Mallows. Naalala ko nga nung nag-birthday yung kapitbahay namin na si Anabelle, yung niregalo kong mallows sa kanya eh ako rin ang kumain. Hindi ko sinasabi na masama ang lasa ng handa nyang pagkain. Ang sinasabi ko lang, mas preferred ko kainin yung dapat na regalo ko.

May isa akong kaklase noong elementary, itago natin sa pangalang "Ed". Malayo pa ang birthday nya, nagyayaya na sya. Huwag na huwag raw naming kalimutan. At magdala raw kami ng gift! Hindi naman kami close, bakit ko sya reregaluhan? Kaya bumili ako ng posporo at ibinalot ko ng Christmas wrapper.

Pagdating ko sa bahay nila Ed, ako lang at isa pang kaklase kong babae ang bisita nya. Nagtataka ako bakit tatatlo lang kami sa bahay nila, pati mga magulang ni Ed eh wala.

"Sandali lang ha dito muna kayo, aayusin ko lang yung handa" sabi ni Ed sabay iniwan nya kami sa bahay nila. Kami namang walang muwang, naghintay.

Pabalik-balik lang si Ed, pero wala kaming nakikitang handaan. Sabi lang nya hintayin daw namin tapos mawawala sya uli tapos babalik uli.

Nung napansin nyang nainip na kami, sabi nya "Sige na nga sumama na lang kayo" at naglakad na sya papunta sa kabilang kanto at nakasunod naman kami sa kanya. Pagdating sa kanto pinapasok nya kami sa isang bahay, maraming tao na hindi naman namin kilala. Nandun pala ang handaan.

Pero hindi si Ed ang may birthday party kundi pinsan nya. Magkasabay sila ng kaarawan.

In short, walang sariling handa si Ed sa sarili nyang birthday at balak nyang kumuha ng pagkain sa birthday ng pinsan nya at yun ang ipakain sa amin. Hindi siguro sya makadiskarte kaya dinala nya na kami sa mismong handaan ng pinsan nya, kung saan walang pumapansin sa amin.

Naawa ako sa sarili ko nun kasi hindi naman ako gutom pero nagmukha akong nag-aabang ng matitirang pagkain. Pero mas naawa ako kay Ed. Hindi ako nakikain, nagpaalam na lang ako at umuwi. Syempre hindi ko na ibinigay yung regalo kong posporo, pero on my way home nadaanan ko uli ang bahay ni Ed at na-tempt akong sindihan ang posporo at ihagis sa bahay nila.

May kaibigan ako noong college, si Kuya Ariel. May hiwa sya sa pisngi, nasaksak kasi sya. Marami akong natutunan sa kanya gaya ng kung paano manlaglag, kung paano mang-asar ng pikon at higit sa lahat kung paano manlait.

Ang madalas nyang linya kapag may nakita syang babaeng hindi naman kagandahan pero nag-effort sa make-up: "Alam mo, ang ganda mo, ikaw ang pinakamaganda dito. Kapag may nasalubong akong mas maganda pa sa iyo, sasampalin ko sya."

Kapag may barkada kaming nababagot at nagsabi ng "Kakaboring walang magawa!" sasagot agad si Kuya Ariel ng: "Magtikol ka tapos inumin mo yung tamod mo. Tapos ikwento mo sa amin kung ano ang lasa."

Kapag more than two persons na ang nagsabi ng "Walang magawa, kakabagot!" sasabihan nya ng "Mag-orgy kayo."

Sya ang pasimuno ng karamihan ng mga krimen na kinasangkutan ko.

One time nag-birthday si Kuya Ariel at imbes na mag-inuman at magparty-party sa apartment nya like normal persons, naisip nyang mas masaya kung mag-iinuman sa labas. Akala ko naman ang idea nya ng "inuman sa labas" ay bar o kaya kahit pipichuging beerhouse. Mali.

Labas as in literal na labas, sa kalye. Hinakot nya lahat ng mga kaibigan namin (konti lang ang nagsidating dahil maraming may galit sa kanya). Tapos yung mga dumadaan na hindi namin kilala, hinaharang nya para isali sa inuman.

So nakasalampak na kami sa sidewalk at napagsama-sama na ang mga Emperador, mga chasers, plastic cups at mga chips. Sa mga nagsidalo sa kanyang kaibigan, malaking porsyento dun ang hindi namin kilala, pero so far enjoy enjoy pa naman. May isang napadaang obese guy na hinila ni Kuya Ariel para makitagay. Awang-awa lang ako dun sa guy kasi kitang-kita sa mukha nya ang takot kay Kuya Ariel. Ikaw ba naman ang hilain ng lalaking may saksak sa mukha.

Pansin ko rin na yung guy eh hindi palainom. Akala ko pa naman eh natural sa mga obese ang malakas uminom dahil mataas daw ang water content ng katawan nila kaya hindi sila agad natatamaan. Yung obese na kainuman namin eh namula agad at mukhang pinagdudusahan talaga nya na napadaan sya sa kalye na yun.

So far enjoy enjoy pa naman kasmi kahit alam naming ilegal ang mag-inuman sa public. Confident pa si Kuya Ariel na kapag may nanita raw sa amin eh hahambalusin nya ng bote ng Empi. More more fun lang kami nun nang biglang may narinig kaming sirena ng pulis.

Natry mo na bang mahabol ng pulis? Pukinijamby! Hindi sya fun! Nakaka-stress! Kanya-kanya kaming hablot ng lahat ng pwede naming isalba. Ang nahablot ko yung plastic cups. Ang nahagip ng kamay ni Kuya Ariel eh yung bote ng Sprite, wala pa yung takip. Takbo kami agad, yung iba naming kainuman nag-spread out na rin at kanya-kanyang takbo na sa iba-ibang direksyon.

Pramis, sa gitna ng kaguluhan na ito nakuha ko pa rin matawa. Habang tumatakbo kami ni Kuya Ariel, napalingon ako, kitang-kita ko yung obese guy, halos hindi na makatakbo sa pagka-tipsy, at dun pa sya pumasok sa kalye na kayang-kaya syang sundan ng police car. Kitang-kita ko yung mukha nya habang tumatakbo sya, there's only one word written on it: "Putanginaaaaaaaaaaaaaaa!"

Hindi ko na alam kung nagkahulihan ba. Paghinto namin ni Kuya Ariel sa pagtakbo, nagpahinga lang kami saglit. Tapos bumalik kami sa spot namin. Wala na yung mga Empi, naconfiscate. So bumili uli si Kuya Ariel at itinuloy namin ang inuman na parang walang nangyari. Nagsibalikan rin ang iba pa naming friends, pero hindi na nakabalik yung obese guy. At never na namin sya nakita ulit.

Kthnkbye mwahchupa.

ang tanga ko part XVIII chapter 4,789,534

Inaamin ko naman na madalas tatanga-tanga talaga ako. Kapag nagkakamali ako, hindi na ako nagugulat. Iniisip ko na lang, Fuck ang tanga ko shet! Natanggap ko na yun sa sarili ko, matagal na. Nothing new.

Pero minsan may nagagawa akong katangahan na nakaka-amaze, as in napapaisip ako ng Shet, alam kong tanga ako pero hindi ko alam na umabot na sa ganitong level:



PUKINIJAMBY!!!!!!!!!!!!!!!!!!

mani labas

Ayan po ang sagot sorry for wasting your time sa kababawang konsepto ng nakalabas na mani. Ako lang ba ang natatawa? Nung napanood ko kasi yung news, yung "mani labas" agad ang pumasok sa utak ko. Tigilan nyo na si Maki Pulido at ang kanyang boObiez. And congrats sa mga nakakuha ng "mani labas."

Next post: ang mabentang Strange Women series.

it's been a year




Look closely Kids.

to mica

Recently umakyat ako uli sa Baguio. Sa dami ng beses na paulit-ulit akong paakyat-baba, ang dating exciting na bus ride ay napaka-boring at unbearable na ngayon. Masakit sa likod, masakit sa puwet, dagdagan pa ng puyat at pagod dahil sa magdamag na pagsasayaw. Kaya ang 6-hour na byahe ay pinipilit kong itulog.

Ang nakatabi ko sa upuan ay isang matandang babae (na naman!) na may kasamang mag-asawa na nakaupo sa katapat naming upuan. Medyo malalakas ang mga boses nila kapag nagkukuwentuhan kaya ni-full ko ang volume ng aking mp3 player sabay pikit.

Nakaidlip ako, in-off ko na ang mp3 para makatulog nang tuluyan, nang biglang may narinig akong malakas na pag-iyak ng baby.

Aheytit.

Hindi naman sa masama ang ugali ko or anything pero ayoko talaga sa mga bata (LOL) lalo na sa mga maiingay. Sa simbahan nga eh, dun ako umuupo sa row na walang mga bata. Ayoko kasi yung nasa deep state ako ng pagdadasal at pagsisisi ng mga kasalanan eh biglang may tatakbo or sisigaw, napapamura ako (quietly) at nadadagdagan ang kasalanan ko.

At ngayong gusto kong matulog, hindi ko magawa dahil iyak sya nang iyak. Pasimple akong sumilip dun sa mga katabi ko sa upuan, pilit na pinatitigil ng Tatay yung baby, habang yung Nanay naman eh tulog. Yung katabi kong mother-in-law eh nagtitimpla ng gatas. Bata pa yung mag-asawa, halos ka-edad ko lang. Yung katabi ko naman eh siguro kasing-edad ng Nanay ko.

Nung tumigil na sa pagngawa ang sanggol, pinilit ko uli na matulog at mag-imagine ng kung ano-anong kalaswaan at happy thoughts.

Pagdating sa may bandang La Union nilabas ko ang aking baong Goldilocks Macaroons. Syempre dahil nice me, inalok ko si Ate na katabi ko. Ngumiti lang sya pero tumanggi sya.

"Pasensya ka na ha, maingay kami," sabi nya.

"OK lang po," sabi ko naman na puno ng kasinungalingan at poot.

"Special baby kasi yan eh," pagpapatuloy ni Ate.

Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang reaction ko noon kundi ganito: "???????????"

"May sakit kasi sya," explain naman si Ate, "kaya kami papunta sa Baguio dahil nandun ang pedia nya."

Sabay-sabay na pumasok ang mga katanungan sa utak kong 2.5MB capacity: Anong sakit ito? Gaano ka-lala? Nasa Manila na kayo, sa Baguio pa kayo magpapa-pedia? Muntik na akong mag-hang.

Hindi na napigilan ni Ate ang magkwento habang tulog ang mga kasama nya. Ang baby daw ay may sakit na kung tawagin ay Congenital R-something Hypoplasia. Hindi ako nag-nursing at I'm sure hindi yan na-cover sa mga Science classes ko noon kaya hindi ko alam kung tama ba ang dinig ko sa sakit na yan, basta ang sabi ni Ate, ang sakit daw na ito ay very deadly, as in after maipanganak, 7 days lang ang ineexpect na tagal ng buhay ng baby.

Isang doctor lang ang nakahanap ng paraan para ma-prolong ang buhay ng baby, yun yung doktor na pupuntahan nila ngayon sa Baguio. Kaya pala willing silang magbiyahe para lang puntahan yung doktor.

"Eto nga o, dala namin lahat ng gamot nya. Nailigtas ng doktor ang buhay nya, pero habangbuhay na syang iinom nitong gamot."

"Anong gamot po ba yan?" tanong ko naman.

"Steroids."

Katahimikan. Natahimik ako. Napatingin ako sa hawak nyang transparent bag na puro gamot ang laman. Katahimikan. Katahimikan. Pilit akong nag-analyze. Hanggang sa hindi ko na mapigil at nagtanong,

"Pang-bodybuilder?"

"Hindi, para sa genes nya." Ang shunga ko. Eh hindi nga kasi yan na-cover sa Science and Health na subject ko noon eh.

Naging busy na si Ate sa pagtitimpla ng gamot kaya pumikit na ako uli at nag-analyze. Eto naman eh obserbasyon ko lang at hula lang. Yung mga magulang ng baby eh ang babata pa just like me. Ang hula ko eh hindi kasali sa plans nila ang magka-baby. Sya ay isang... surprise! In other words, si baby ay maco-consider na something I like to call "sperm of the moment".

Nafascinate rin ako sa internal workings ng human body. Steroids ang bumubuhay dun sa bata. Chemicals na pampahaba ng buhay. Parang sasakyang hindi aandar kapag walang gas. Parang laurang kikilos kapag walang battery. Lahat na yata ng bagay eh ma-dedeconstruct to scientific keme.

Maya-maya, umiyak uli ang baby, at na-realize ko na katabi ko na pala sya. Napagod na siguro yung Tatay kaya yung mother-inlaw naman ang bumuhat. May nararamdaman akong maliit na paa na sumisipa sa hita ko. Pagdilat ko ng mata ko, napatingin ako sa baby at napahinto sya sa pag-iyak at napatingin din sa akin.

Iba pala ang effect nun, kapag tinignan ka ng baby eye to eye. Lalo pa at miracle baby itong katabi ko. Naintindihan ko na kung bakit nagsasakripisyo itong pamilya na ito. Hindi lang pagod yun ah, maraming salapi ang involved, lalo pa nung sinabi ni Ate na "Hangga't may mabibili kaming gamot, mabubuhay sya." Because looking into her eyes makes it all worth it.

"Ano pong pangalan nya?"

"Mica." Or Mika? Nica? Nhieckah? Hindi ko narinig masyado at ayoko naman sabihing "Teh paki-spell!"

So Baby Mica this one's for you! Keep strong baby! You're surrounded by people who love you very much! Mag-steroids ka hanggang magka-abs ka.

Realizations:

There's something about babies that makes you wanna make them. So go make some babies na! Fuck the RH Bill! LOL.

vanishing away - versions

Hey Kids! Alam ko wala kayong pakialam sa buhay ko or sa aking hobbies and other shits dahil ang pinupuntahan nyo lang naman dito sa aking blog ay mga kwento ng kababuyan, kahalayan at imoralidad. Pero paminsan-minsan, may ginagawa naman akong matino, something I can be proud of, so today I'm gonna sit down and be serious.

Naalala nyo ba itong song na ito...



Yan yung original composition namin nila Khikhi (vocals) at Junn (guitar) na ginawa namin noong college (lyrics lang ang contribution ko). Na-post ko itong song recently as dedication sa aming kaibigan na si Caloi who passed away last summer.

I call this the "Drunk Version" dahil nag-iinuman kami nung ni-record yan, so excuse any imperfection. Another thing, si Khikhi, kapag gumagawa ng melody, inconsistent... dahil nalilimutan nya ang sarili nyang melodies. Kaya madalas ko syang ma-batter (as in "battered wife") kapag nagrerecord kami.

Now you know what I nicknamed her "Khikhi", dahil sa boses nyang may slight hint of pepe-sound. Joke lang Khiks, labia!




May mga nagsabing nakakadiri daw ang song at meron rin namang mga natuwa sa kanta, isa na si ChilaxJukebox. In fact gumawa sya ng sarili nyang acoustic version:



Sobrang nabilib ako sa talent nya, dahil marunog syang mag-gitara at undeniable na may boses syang tunog pang-alternative. May hint ng influence ng Incubus (and it also reminded me of Slipknot's Vermillion Pt. 2 with a very very slight touch of Alterbirdge). I especially liked how he changed a couple of lines and sang it very differently, and the ad libs worked well.

I'm sure Caloi would like this version dahil mahilig sya sa alternative. So this is officially the "Alternative Version".

Thank you ChilaxJukebox! Akala ko nanggu-goodtime ka lang nung sinabi mong gusto mong gumawa ng version nito hehehe. Thanks thanks!



Itong next version naman ay product ng isang tandem na pinaghirapang mabuo for a looooong time. Several months in the making ito.

Isang araw nag-experiment lang ako sa isang software, nag-mix ng mga keyboards and violins hanggang mabuo ang kanta. Vocals na lang ang kulang, at dahil hindi ko mahagilap si Khikhi (na malamang hindi rin makikipag-cooperate dahil ayaw nya sa song na ito at busy sya), I approached a very good blogger friend of mine, Traveliztera at kahit super busy sya sa kanyang duty/studies eh ginawa nya talaga ito.

Listening to it, I can't help but imagine the amount of time and effort she put into it. I thought she was joking when she said na naka-sampung revisions na sya. Traveliztera is much of a perfectionist, what's OK for me is off-key to her kaya inulit nya nang inulit and now it's perfect. According to Traveliztera, this is the "Pop Ballad Version".



Can you believe her voice??? It's AMAZING.

So there I hope you enjoyed those three very different versions of one song. This song is very special to me because of what it means. We all have lost someone, and we will continue losing loved ones, and all we can do is live out this life until we see them again.



Still dedicated to you Caloi and to all the rockin' times you brought into our lives.

happy father's day


Who's that happy baby???

Check-it-out-in si Pudrax sa pinaglumaan ng panahong larawang kupas na 15 Megapixels na hinalungkat ko sa baul ng kasumpa-sumpang mga litrato. Ampuge diba! Kaya na-inlab si Doris noong araw eh LOLOLOL. (One of these days ikwekwento ko kung paano nagkakilala sina Mudrax at Pudrax).

Hip na hip na hairdo - check!
Mala-kidnapper na ngiti - check!
Cute na baby in his arms - check!

Happy Father's Day to you Pudrax.

Pagpasensyahan na ang location ng photoshoot (likod-bahay) at ang aking outfit. Kita nyo yung suot kong bracelet? Yung black/red/black/red? Nagsuot rin ba kyo nyan?

happy birthday to me




Hey Kids birthday ko ngayon! Hindi na ako humingi ng pic greet, nagawa ko na yun last year. Hihingi na lang ako ng isang testimonial. Yung parang sa Friendster. Magkakilala man tayo in person o hindi, just tell me what you think of me. Make me happy, birthday ko eh!

Pakilagay po sa comments yung testi...

At gusto ko na rin magpasalamat sa mga nagbabasa ng blog ko.

Salamat! Mwahchupah!

happy mother's day

Sa mata ng ating mga Nanay, tayo ang pinakagwapo o pinakamagandang anak sa mundo. Sila lang ang may lakas ng loob na sabihin sa iyong, "Anak, GWAPO KA!" kahit sumalungat ang buong lipunan at tamaan siya ng kidlat o kaya araw-araw sabihing "Anak, ANG GANDA MO!" para hindi sumama ang loob mo, right Khikhi?

Syempre sa mata nating mga anak, Nanay rin natin ang pinakamagandang Nanay sa mundo. I'm sure magaganda ang mga Nanay nyo. Maganda rin si Mudrax, lalo kapag gumising sya sa umaga na ganito ang itsura:


Doris and her mini-garden sa Baguio.

Happy Mother's Day to all our beautiful moms!

i saw the sign

Hey Kids! Good day to one and all. Kanya-kanyang trip ang mga tao habang nasa mahabang byahe. Usually, may natutulog, nagso-soundtrip o kaya nagja-jackstone. Meron din namang palihim na nagma-manual sex (as opposed to oral sex) para maibsan ang nakakabaog na pagkabagot.

May friend ako, mahilig magbilang ng aso sa daan, mula sa pag-alis ng bus sa terminal hanggang sa pagbaba nya. Bale umaabot ng libo ang bilang nya.

Ako naman dati ang gawain ko eh magbilang ng mga lolang nakasuot ng plunging neckline, yung litaw ang wrinkles sa cleavage. Minsan naman ang binibilang ko eh mga confused teenage boys na naka-pekpek shorts. Last year ang inabangan ko eh mga "Bawal Umihi Dito" signs.

Nung Holy Week, umakyat ako sa Baguio para magnilay-nilay with my mudrax at dahil mahabang byahe ito, nag-soundtrip na lang ako. "Soundtrip" means nakatitig sa mga bukirin, talahiban at bangin sa saliw ng awitin ni ... you guessed it right... Aleck Bovick.

Nung pauwi na ako from Baguio to Manila na-impeksyon na ang tenga ko kay Ate Aleck kaya napagdiskitahan ko na lang tumingin ng mga karatula sa daan, yung mga pangalan ng businesses. Mabilis ang takbo ng bus pero mas mabilis ang mata ko lalo na sa mga kakaibang signs. Ang critera ko eh yung creative, agaw-pansin, memorable, mapapa-shet ka, may dating, or in layman's terms: nakakalurkey.

Dahil diyan ang agenda natin for today is an entrepreneurship seminar (seminar talaga?) entitled "Choosing The Right Business Name By Looking At Roadside Signs and Knowing What Not To Name Your Business" or CTRBNBLARS&KWNTNYB for short.

Ang una kong nakitang kakaibang business name ay ang Sweetest Name Eatery. Ang lande. Kung ano man yung "sweetest name" na yun, hindi na mahalaga, ang concern ko is, kung "sweetest" talaga yung name, bakit hindi mismo yung pangalan ang ginamit?

In-analyze ko ito nang mabuti. Baka si Jesus Christ yung tinutukoy nyang "sweetest name", which means creative nga ang eatery na ito wherein kinabog nya yung tindahan sa tabi ng bahay namin noon wherein ang pangalan ay "Amazing Grace".

Where does "spoof" end and "copyright infringement begin? Yan ang tanong na hindi balak sagutin ng isa pang kainan na nadaanan ko, Johnny Bee's Restaurant. Pakialam pa nila kung medyo sounds-like ito sa isang sikat na food chain?

Alam ni Johnny Bee na ang key sa magandang business name ay yung madaling maalala. Halimbawa sa kainan, kahit lasang pinakuluang medyas ang sabaw at may bato sa kanin, doon kakain ang tao kung madaling tandaan ang name. Minsan, kahit wala kang balak kumain dun sa kainan na yun, sisikat siya dahil sa word of mouth. Ayaw mong maniwala? Tanungin mo yung owner ng Babalu's Bulalohan sa Binalonan. Malaking signboard, check. Tongue-twister na pangalan, check. Masarap ba ang bulalo, kebs.

Kahit nadaanan ko lang yan sa bus, kahit hindi ako kumain diyan, maaalala ko sya habangbuhay. Kung hindi mo yan maalala, may something wrong sa iyo. Talk to Babalu.

May nadaanan akong tindahan ng mga halaman, ang Vhino's Garden. Hindi naman ito masyadong creative, maliban sa nagmamagandang letter H sa "Vhino". Hindi ko alam kung anong ikinaganda ng buhay ni Vhino sa pagdagdag nya ng letter H sa pangalan nya. Kanya-kanyang trip lang talaga yan. At least hindi sya nagda-drugs. Lulong lang sya sa letter H.

Yung may-ari ng Gooch Bar siguro ang naka-drugs. Or baka hindi lang nya alam na "gooch", according to UrbanDictionary.com, is the area between the balls and the anus, wherein kung hindi ako nagkakamali ang translation nito sa Tagalog ay "kuyukot". Kung tinawag na Kuyukot Bar ito, malamang kakabugin nito yung Babalu's Bulalohan sa pagiging memorable.

Imagine mo kung may magtetext sa iyo ng ganito: "Friend, kitakits tonight sa Kuyukot!"

Sasagot ako agad ng "See ya!"

Kung may amoy ang Kuyukot Bar, malamang hindi ito mabango. And speaking of hindi mabango... Kung may kaibigang bading ang may-ari ng Majoho Hotel and Restaurant, malamang hindi yan ang pangalan nyan ngayon. Hindi natin kailangang maging fluent sa gay lingo para magka-idea na hindi masyadong mabango sa pandinig ang name na "Majoho". Iba-iba ang level ng amoy. May mabaho, may mabantot, may maantod, masangsang, paakyat sa level ng makyoho, mashoho, papunta sa sukdulan: majoho.

Sobrang bango naman sa pandinig ng pangalan ng nadaanan kong motmot, ang 5 Star Apartelle. Luxury amenities ba ang hanap mo? Wala nyan dito. Ang tinutukoy nyang 5-Star ay hindi yung world class quality... kundi yung limang stars na naka-drowing sa tarpaulin.

Walang pakialamanan! -- 5 Star Apartelle Owner


Mga ilang minuto pa ay biglang bumalandra sa harap ko ang Bong Sabon Factory Price, at napakaraming katanungan ang mabilis na pumasok sa aking isipan: magkano ang Bong Sabon kapag sa mall binili, compared sa factory price sa outlet? In the first place, meron bang Bong Sabon sa mall? In the first place, ano ang Bong Sabon, at ano-anong sumpa sa katawan ng tao ang nagagamot nito?

Napa-imagine na naman ako bigla. Isang commercial, isang sexy at flawless na actress, nakatapis ng twalya at magbibitaw ng ganitong linya:

For skin so soft and smooth, I only use... Bong Sabon.


Minsan, sa pangalan pa lang ng business, alam mo na kung ano ang sitwasyon na kinasasadlakan ng mga may-ari. Halimbawa na lang itong magkatabing tindahan ng pakwan sa sidewalk, sa ilalim ng mga puno ng aratilis, ang Marcella's Sweet Pakwan at ang Janet's Sweet Pakwan. Malinaw na malinaw sa ating lahat ang rivalry sa pagitan ng mga pakwan ni Marcella at Janet. Ang ikinakabagabag ng kalooban ko ay kung sino sa kanila Marcella at Janet ang nauna sa pangalang "Sweet Pakwan" at sino ang second-rate trying hard copycat.

I-assume natin na ang original ay si Marcella at ang nanggaya ay ang hindot na si Janet. Napakahirap bang umisip ng pangalan ng pakwan stand??? Kailangan "Sweet Pakwan" rin? Pwede namang Janet's Malalaki, Mabibilog at Makakatas na Pakwan. O kaya Pakwan, Pakyu! Pakme!

Tignan natin kung hindi pilahan ang pakwan ni Janet.

Sad to say hindi na natin malalaman kung anong kahihinatnan ng dalawang magkaribal sa business na ito. Kaninong pakwan kaya ang mas malaki at mas masarap? Kaninong watermelon ang mas nagwawater-water?

Meron pa akong namataang apat na magkakasunod na stalls: ang Aurora Eatery, ang Aurora Eatery, ang Aurora's Eatery at ang Mercedes Eatery.

Malinaw na malinaw sa lahat ang rivalry na nagaganap dito, pero unlike sa Marcella vs Janet, kitang-kita natin kung sino ang mas nakakalamang kay Aurora vs Mercedes. Tatlong stalls kay Aurora, iisa lang ang kay Mercedes. Kung ako kay Mercedes, manliliit ako nang tunay at wagas.

Sabi nga ni Aurora kay Mercedes:

You're a Mom & Pop, I'm a corporation!


At hindi kayo namamalik-mata, may apostrophe talaga yung pangatlong stall. Sa lahat ng branches ni Aurora, itong isa lang ang naka-afford ng apostrophe.

So mga Kids I hope may natutunan kayo sa entrepreneurship seminar natin today. Ako, nangangarap rin magkaroon ng sariling business. Ang gusto ko ay computer shop at tatawagin kong Cyber 6 Den.

Thanks bye mwahchupa.

dear caloi

Naalala ko pa noong una kitang nakilala. Grade 3, first day of school. Bagong lipat ako sa school at wala pa akong kakilala, kaya kailangan ko ng new friends. Sa harap ako nakaupo, dahil according to height ang arrangement. Huwag kang mayabang, magkasing-height lang tayo... sa harap ka rin nakaupo.

Nung marinig ko kung anong apelyido mo, tumawa ako nang malakas, kasi sounds like "Gorilla". Naasar ka, sinabunutan mo ako. Hahaha. Hindi mo na siguro yun naaalala.

Pero I'm sure naalala mo na noon pa lang eh crush ka na ni Khikhi. Alam naman ng lahat yun. Ang aga nyang lumandi... Nakafocus lang sya sa iyo noon at hindi ka nya tinantanan. Hanggang college.

Noong Grade 4, naalala mo ba nung may ipinabasa ako sa iyo na short story? Yun ang pinakaunang sinulat ko. Istorya tungkol sa isang bampira na nakatira sa loob ng kweba. Matapos mong basahin sabi mo nakakatakot! Proud na proud naman ako. Haha! Parang mga shunga lang.

Naalala mo ba nung Grade 5, nag-camping ang Boy Scouts at ikaw ang leader. Galit ako sa iyo lagi nun, kasi lagi mo akong pinapagalitan dahil tanghali na ako bumabangon, hindi ako tumutulong sa mga gawain, at lagi lang akong naglalaro ng shatong.

Baka hindi mo na naaalala lahat ng iyon, pero etong mga recent lang for sure maaalala mo. Isang malaking flash forward!

Nung college, lagi kami sa apartment nyo sa likod ng SLU. Hindi ba laging may inuman sa inyo kapag weekends, at lagi kaming present? Si Khikhi pa ang inuutusan nating bumili ng alak. Kahit naka-uniform pa sya ng pang-Nursing, wala syang pakialam basta ikaw ang nagtext, bibili sya agad ng Emperador. Ganun ka nya ka-mahal.

Nung tinadyakan mo nga ang pinto ng CR habang umiihi sya eh hindi sya nagalit sa iyo. Yun ang tunay na definition ng Love. Dapat kapag sinabing "Define love", ang sagot eh "It's when a person kicks the bathroom door while you're peeing and you can't get mad because you can't stop smiling."

Di ba nagpropose pa sya sa iyo tapos binasted mo paulit-ulit... Bwahihihi nice one! (I labia Khikhi, mwah!)

Nung tinuruan ako ni Dyan na mag-yosi, nandun ka rin diba? Nandun tayo sa rooftop ng dorm namin. Halos gumapang ako sa bubong sa sobrang pagkahilo. Nagsuka pa ako. Dinamayan nyo ako LOLz.

Naalala mo ba nung sinabi kong ayokong umuuwi sa Bolinao dahil ayokong umuwi sa bahay namin dahil maraming problema sa bahay namin. Sabi mo sa bahay nyo na lang ako tumuloy. Syempre ayoko naman yun, Principal natin nung high school ang Tatay mo, nakakahiya naman makituloy sa inyo. Pero na-appreciate ko yun.

Matagal rin tayong hindi nagkita after ng graduation. Yung huli eh nung palihim akong umuwi sa Bolinao para makasama kayo sa inuman. As usual ang una nating sinabi sa isa't-isa ay "Ang liit mo pa rin!"



Eto yung huling picture na magkasama tayo nun. Hindi ka pa nakatingin sa camera.

Matapos nun, halos hindi na rin tayo nagkakausap, sagutan lang ng comments sa Facebook. Akala ko kasi, nandiyan ka lang naman lagi. Nasa isang circle of friends lang naman tayo. Nasa isang barkadahan.

Marami pa tayong napagsamahan, mga araw na hindi ko na naaalala, at hindi mo na rin maaalala.

April 14, 2011, Thursday. Araw ng Grand Alumni Homecoming natin. Ikaw ang nag-organize. As usual hindi ako um-attend, dahil may trabaho ako. Lagi namang merong "Next time!" Nagising na lang ako na may tumatawag sa phone ko, ayokong sagutin kasi akala ko HSBC telemarketers. Nung tumawag uli, sinagot ko na. Si Khikhi pala ang tumatawag, at umiiyak sya.

Patay ka na raw...

Hindi ako agad makapaniwala. Parang ang hirap isipin na ikaw, na laging nandiyan, laging online, madaling hanapin, one text away, madaling makausap, ay wala na habangbuhay.

Bakit naman ganun Caloi, alam mo namang maraming naaksidenteng motor dun sa pinuntahan mong lugar... Sana hindi ka na lang pumunta dun, sana nagpakalasing ka na lang dun sa inuman sa alumni party, kahit gumapang ka pang pauwi... Sana hindi ka na umalis. Marami na tayong kaibigan na namatay doon, at sumunod ka sa kanila.

Kung alam ko lang na yun na ang huling araw na pwede ka naming makasama, sana umuwi ako, kahit mameke ako ng sick leave or mag-aAWOL, makapagkita-kita lang tayong lahat uli. Tatanggapin kong sabihing mas matangkad ka sa akin (ng 1 millimeter), manalo ka lang.

Pero ganyan nga siguro talaga. Tapos na yung misyon mo dito sa mundo. At least, bago mo kami iniwan, nasabi mo raw na yung araw na yun ang pinakamasayang araw sa buhay mo. At kahit ginulat mo kaming lahat, at least marami kang iniwan na ala-ala, lagi ka pa rin naming mapag-uusapan, lagi ka pa rin naming babalik-balikan.

Naalala mo nung lagi kami nakatambay sa apartment nyo, at dun kami nagcocompose ng mga kanta namin? Kinatok pa nga kami ng kapitbahay nyo kasi alas dos na ng umaga, nag-iingay pa kami. Naggigitara si Junn at kumakanta si Khikhi...

Naalala mo pa ba yung nagawa naming kanta?

Yung kanta na alay para sa isang namatay na mahal sa buhay...



Never kong na-imagine na darating ang araw, sa iyo maide-dedicate yung kanta... Sana magustuhan mo Loi, yan na lang ang pabaon namin sa iyo. Sign yan na hindi ka namin kakalimutan.

We'll miss you so much Loi... Ngayon we're past the denial, the angst, the grief... we just really miss you. Thank you dahil naging parte ka ng buhay namin.

PS. Aaminin ko na, ako yung nagsulat ng "Personal Property of Caloi Gorilla" sa cover ng isang porn CD at iniwan kong pakalat-kalat sa apartment nyo para makita ng Ate mo hehehehehe. Sowee!

ang mga apo ni don tiburcio

Recently, may mga balikbayang bloggers (hindi ko na babanggitin kung sino dahil secret lang daw ang pag-uwi nila) na nag-set-up ng isang mini-get-together. Dahil ako ay likas na kaladkarin, mabilis akong nagpunta. May kainan eh haha. At may mga um-attend na mga bloggers na dati eh sa blogs ko lang nakikita at sa wakas nakilala ko sila.

Masaya naman ang kainan at kantahan at kwentuhan. Kaso ang aga magsara nung napuntahan naming place sa Seaside Macapagal, at dahil bitin pa kami, dumiretso kami sa MOA para ipagpatuloy ang alcohol intake.

Pagdating sa isang bar/restaurant dun, pag-upo sa table namin, mabilis akong nagmasid-masid at sa di-kalayuang table, may nakaupong limang babae.

Actually, dalawang babae at tatlong apo ni Don Tiburcio. Yups, mga teenager na tibo. At sa aking pagmamasid sa ayaw-paawat na PDA, yung dalawa dun eh mukhang magjowa, yung isang tomboy lang ang walang jowa. Fifth wheel sya.

Wala naman akong masamang masasabi sa kanila, or sa mga lesbian in general. Pansinin lang talaga sila kasi full blown lesbian get-up silang tatlo. Gupit lalaki, over-sized shirt, at lalaki talaga sila kumilos, sa unang tingin eh mapagkakamalan mo talagang mga lalaki. Hindi na phase ang pinagdadaanan nila. Hindi na sila confused. Decided na sila. Tahong over talong. Sugat over ugat.

Syempre napansin din ng mga kasama ko yung grupo ng mga tiboli, lalo pa at panay ang point out ko sa kanila na "LOL, may KFC sa kabilang table..."

KFC as in finger-lickin' good.

At ni-point out naman nila sa akin, "Ah, mga Lulu..."

"Huh? Anong Lulu?" tanong ko.

"Lulu... Basta, Lulu. Ulit-ulitin mo..."

"Lulululululululululululululululululululululu- ah OK gets!"

Mga ilang minuto pa eh nakaramdam ako ng weewee kaya nagpunta ako sa toilet. Eh yung toilet ng place na yun, unisex. May bowl at urinal sa loob (sabi nga ng kasama naming balikbayan blogger na itago natin sa pangalang Pkpk Queen, kapag nakaupo daw sya sa bowl eh kaharap nya na yung urinal, pwede na sya maghilamos dun sa sobrang lapit sa mukha nya).

Anyway, dahil isa lang ang toilet, may pila. At isa sa mga nakapila eh yung isang teenager na tibo. Habang nakapila kami eh palihim ko syang in-assess. Naka-wax ang hair, check. Baggy pants, check. Wala syang boobs, check. Tingin ko eh nagsuot sya ng girdle or something para mag-flat yung dibdib nya. Tinignan ko ang face nya, maganda sya. Hawig nya si Pia Archangel.

Panay ang tingin nya sa salamin, tinitignan ang sarili nya. Parang nag-papractice sya ng iba-ibang pose. May nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa, merong nakasandal ang siko sa wall. Pa-macho effect. Naisip ko, "Ang siga-siga mo eh pagpasok mo jan sa toilet, uupo ka rin. Hihi."

Uulitin ko, I have nothing against sa kanila. Naaliw lang ako dun sa teenager na yun. Kaya habang nakapila eh parang gusto ko syang alayan ng awiting "If I Were A Boy..." hahaha joke.

Pagbalik ko sa table namin, tuloy uli ang kwentuhan at inuman at hindi nagtagal, naiihi na naman ako. So nag-CR ako at pagbalik ko, excited yung mga kasama ko na ikwento ang mga pangyayari habang wala ako.

"Pina-take-out nila ang naiwan nilang beer!"

Paalis na siguro ang mga tomboy at nanghinayang sila sa hindi nila naubos na beer, kaya gusto nilang dalhin. Pero syempre ayaw nilang dalhin ang mga bote. Kaya ipinaplastic nila ang beer. Parang softdrinks lang. At dahil maraming bote ng beer yun, maraming plastic ang ginamit. Kaya pagsulyap ko sa table nila, may isang malaking plastic bag dun (yung plastic na pang-grocery) na ang laman eh mga nakasupot na beer.

OK wala namang masama kung ayaw nilang iwan yung beer na hindi nila naubos. Pero first time kong makakita ng ganun.

At mukhang nag-CR ang mga kasama ng tomboy, kasi mag-isa na lang sya (yung fifth wheel na walang jowa ang naiwan). Kaya habang hinihintay nya silang bumalik eh nilantakan nya yung kropeck.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Kailangan kong i-emphasize ang time went by, dahil mahabang oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik ang mga kasama nung tomboy. Pero cool lang sya, pa-munch-munch lang ng kropeck at pa-bounce-bounce ng head sa beat ng live band.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hindi pa bumabalik yung mga friends ng tomboy, but it's cool. Natagalan lang siguro sa pila sa toilet.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Hmm nasaan na kaya yung mga friends nya... For sure may reason kung bakit sila natagalan. No need to panic though. Hawak nya ang cellphone nya pero hindi ginagamit, low-batt siguro. Munch-munch pa rin ng kropeck.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Ubos na ang kropeck. No need to panic. Pabalik na rin siguro sila.

Tuloy pa rin ang kwentuhan at inuman namin as time went by. Balisa na ang tomboy. Balisa na rin ako kasi bakit hindi na sya binalikan ng mga friends nya! (affected???) Nagsisimula nang magligpit ang mga waiter. Magsasara na ang bar.

Nilapitan na ng waiter ang tibo. Syempre hindi ko marinig ang usapan, pero parang ganito:

Waiter: Sir we're about to close.

Tiboli: Sandali lang kasi hinihintay ko pa yung mga kasama ko, nag-CR lang sila.

Waiter: Sir, are you THAT stupid? Don't be naive. Look around you, look at your watch! They were gone for hours! Your friends ditched you! They're probably out there by now, laughing their faces off because you were so stupid to fall for the toilet trick. You think this only happens in movies?And you really wanna wait here? My God, wake up!

Ako naman, sa isip-isip ko, kapag itong mga kasama ko eh biglang nagpaalam mag-CR nang sabay-sabay, magkakamatayan muna bago ako magpaiwan.

Maya-maya pa eh tinawag na ng Manager ang tibo kaya pumunta na sya dun sa counter, habang kami naman eh pack-up na at uwian na. Kahit gusto ko pang masubaybayan kung anong nangyari dun sa tibo, hindi naman pwedeng lumapit ako sa counter at maki-uzi.


Pero malamang, nagkaroon ang tibo ng isang ma-Axion na moment.

Umalis na kami, and all I can do was look back at that lonely, abandoned plastic bag na puno ng beer at naiwan sa upuan...

Sa totoo lang nakakaawa ang nangyari dun sa tibo. Biruin mo, pumunta ka dun na walang ka-partner, habang yung mga kasama mo eh naglalaplapan sa harap mo, ikaw eh nagkukuyakoy na lang... Tapos surprise! Ikaw ang magbabayad ng bill! At uuwi kang mag-isa!

Parang gusto ko syang alayan ng isang awitin... "Ang kawawang tomboy... may baril walang bala blah blah blah"

At ang masasabi ko lang dun sa kaibigan nyang iniwan sya na walang pambayad sa inorder nila,

SHAME ON YOU! KAHIHIYAN KAYO SA LAHI NI DON TIBURCIO!

bragging rights

Bwahahahaha nasa MgaEpal.com ang Wickedmouth!!!




Gusto ko po magpasalamat nang maraming-marami sa mga idol ko na sina Manong Guard, Boss Chip, Bunso at Kulturantado sa pag-appreciate sa blog kong puro kapokpokan (at sa isa pang pokpokitang blog, ang sikat na sikat at walang katulad na Plema ni Jepoy). Noon pa, kapag may nakikita akong comment ng MgaEpal sa ilang mga posts ko ay proud na proud ako at ipinagmamayabang ko sa mga kaibigan kong bloggers ("Hoy pakyu, nag-comment sa akin ang MgaEpal, saan ka ngayon??? Magsara ka na ng blog!")

Joke lang hindi ko sinasabi yun pero ganun ang tuwa ko kasi, walang halong drowing, noon ko pa paborito ang MgaEpal.com. Sa totoo lang, kaya ako nagpalit ng layout dahil sinabihan nila akong ife-feature ang blog ko sa site nila.

So salamat uli sa MgaEpal.com at salamat rin sa mga kaibigan kong nagbabasa at mga fellow bloggers na kakulitan sa comments section.

Thanks Kids, mwahchupa.

second life

Sorry matagal akong hindi nakapagpost, muntikan na kasi akong bawian ng buhay (no joke). Dahil matagal akong hindi nagkwento, isasalaysay ko kung anong muntikan kong ikinamatay, kahit mahaba please bear with me,

Nagkaroon na ako ng maraming life-threatening situations sa buhay ko pero yung nangyari last weekend ang masasabi kong near-death experience talaga.

Flower Festival sa Baguio, at dahil nakagawian ko nang pumunta dun para sa Session in Bloom, 8AM last Thursday straight from work ay sumakay na ako ng bus paakyat. This time, mag-isa lang akong pupunta dun, wala ang fuckingshet na si Khikhi, na mas pinili pang mag-attend ng ibing keysa sumama sa akin. Wish ko lang successful yung libing.

Dahil medyo mahaba ang byahe, kumain na ako nang marami para hindi magutom sa daan. Nag-charge din ako ng mp3 player para tuloy-tuloy ang pakikinig ko ng Aleck Bovick songs habang nagmamasid-masid sa labas ng bintana, nakatingin sa bangin at sa fog...

Mula sa bus hanggang sa pagdating sa Baguio at pag-uwi sa apartment ni Doris (mudrax) ay puro pagkain ang hinarap ko. Matapos ang maghapong paglamon ay natulog na ako dahil 24 hours na akong gising.

And then disaster struck. Kumukulo ang tiyan ko.

Maaga pa as in 6AM eh bumangon ako. Lahat ng dumampi sa balat ko ay malamig, ang tsinelas, ang pintuan ng banyo, ang bowl. At lalo na ang tubig na mala-ice water, pero kinaya ko. As expected wet na wet as in basang-basa ang jebs ko nun. Kebs lang. Matapos ang activity na ito eh natulog ako uli.

Nagising ako uli ng 10AM. Same feeling... parang may steam engine sa loob ng tiyan ko. Paglabas ko ng kwarto ang una kong tinahak ay ang banyo. Naka-lock. At tahimik ang paligid, mukhang mag-isa ako.

Hanggang sa makita ay ang note na iniwan ng Tita Sasha Fierce ko sa mesa:

Nag-grocery kami.


Tinext ko sya agad, nasaan ang susi ng pinto sa banyo? Nasaaaaan? Walang reply. Malamang busy sya sa pagdedecide kung anong bibilhin, Eight O' Clock o Tang. Sino ba naman kasing matinong tao ang maglolock ng banyo bago umalis ng bahay... kahit may naiwan pang tao sa bahay?

Kailangan kong maging kalmado. There's a way for everything. Kalmado akong naghanap ng arinola.

Wala!

At buti na lang wala! Dahil kung meron malamang na-tempt akong mag-squat... Gawin ko man iyon eh hindi ko sya kayang i-blog dahil nakakahiya.

Dahil walang arinola naghanap ako ng malaking kaserola. Joke! Syempre kahit nagpapanic na ako eh hindi naman ako ganun ka-desperate. I let calmness, serenity and peace take over me... and then sinipa ko ang pinto ng banyo.

Kung kanina eh manaka-nakang pag-ulan pa ang buhos ng diarrhea ko, this time full blown na talaga sya, as in signal number one. Thankful ako na naiabot ko sya sa bowl, paano ko ipapaliwanag ang diarrhea sa sahig kung hindi ko sinipa ang pinto ng banyo? Matapos ang session eh saka ko lang nabasa ang text ng Tita ko, Hindi yan nakalock mahigpit lang talaga ang pinto.

Kawawang pinto...

Pagdating ng tanghali bago maligo, nagkaroon na naman ako ng isang session sa banyo. Ang hirap ng pinagdadaanan ko, kasi ramdam na ramdam ko ang paglabas ng liquids. Gumuguhit. As in puro liquids walang solid, at parang gripo sya, full force. Madedehydrate ata ako.

Lumabas ako para makipagkita sa mga friends, kumain at magliwaliw. Mag-iinuman sana kami kaso naudlot nang masalubong ko si Doris sa Session Road kaya napilitan akong umuwi nang maaga. Which is fine with me dahil hindi na maganda ang panahon, nagbabadya na ng matinding pagbuhos...

...and I'm not talking about the weather.

Pag-uwi ko, y naghihintay na dinner kaya kumain muna ako bago mag-drop it like it's hot. At nagkaroon ako ng time na i-analyze kung bakit nangyayari sa akin ito. Inisa-isa ko ang mga kinain ko .

corned beef with egg and fried rice
Chocolas
Peach Mango Pie
barbeque (Promo: 2-sticks for P50)
chocolate smoothie
iced tea
chicken sandwich
nova chips
homemade embotido and longaniza
more chocolates
tinola
chicken corn pizza (note: corn)
hot choco with mallows
sizzling chicken barbeque
tinola again

Dahil hindi na kinaya ng katawang lupa ko ang pinagdadaanan kong trahedya eh natulog na ako. Pero hindi pa tapos ang lahat.

3AM - shit
8AM - shit , nakita ko uli yung corn hihi! Buo pa sila.
10AM - shit during Maynila, a very fun and not-boring TV show
12 N - Shit during Eat Bulaga, noontime attack

Syempre habang nangyayari ang mga ka-shitan na ito eh ginawa ko ang mga sumusunod na recommended cures nila Sasha Fierce at Doris:

Uminom ng Diatabs
Kumain ng mansanas
Magsuot ng medyas
Uminom ng sabaw ng bayabas
Uminom ng maraming tubig
Switch to Imodium

At syempre kumain pa rin ako uli, this time hipon ang ulam namin. My favorite... ipinaghimay pa ako ni Doris. Nawalan na naman ako ng control sa pagkain.

Matapos kumain, habang nanonood ng TV, nag-iba na ang pakiramdam ko. Hindi lang tiyan ko ang may problema, worse.

Nagdilim ang paningin ko.

Umiikot ang paligid kaya tumingala na lang ako. Pinilit kong kontrolin dahil kailangan kong umalis ng bahay at babalik na ako ng Manila. Pumikit ako. Lalo akong nahilo, kaya tumingin ako kay Doris.

"NAMUMUTLA KA!!!" sigaw nya sabay takbo papalapit sa akin at niyakap ang ulo ko sa kanyang dibdib at hinaplos-haplos ang mukha ko. "Anong gagawin ko?" sabi nya. Ramdam ko na ninerbyos sya.

Sabi ko nasusuka ako kaya inakay nya ako sa lababo at doon ako muling nakipagkita sa mga kinain ko. Hello corn, hello chicken, hello chismosang shrimp. At parang naaninag ko pa yung corned beef na kinain ko two days ago. Sa bawat batch ng food groups na sinuka ko eh na-realize ko na baka kaya ako nagdi-diarrhea dahil hindi natutunaw ang mga kinain ko.

Buti na lang matapos akong sumuka ay umayos na ang pakiramdam ko.

Dahil sa pangyayaring yun na-postpone ang pag-uwi ko ng Manila. Pakiramdam ko talaga eh muntikan na akong namatay at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung diarrhea ang dahilan ng pagkamatay ko.

So now I'm living my second life, and I promise not to waste my second chance here on Earth. I'm one of the lucky ones to have a very close encounter with death, and I was blessed to survive.

Thanks to Imodium.


Bwahahah sponsored post?

overhaul

Hey Kids! I'm currently changing my layout... More posts when I'm done... see ya.
Mwahchupa.

breaking news: it's her already

Pansamantala munang maaantala ang regular na scheduled posts upang magbigay-daan sa isang malaking news (as in MALAKI) na napanood ko sa 24 Oras kamakailan lang. Sana magsilbi ang post na ito bilang public service...

Isang Filipina ang nahulihan ng 352 gms ng Heroin sa airport. Ayon sa babae na galing sa Pakistan, kumapit lang sya sa offer sa kanya ng dalawang Nigerians na maging drug mule kapalit ng plane ticket at allowance.

Sampung maliliit na capsules ang ipinalunok sa kanya. Ang isang malaking capsule ay ipinasok sa kanyang... special place. Hulaan mo!

Answer: Yep, tama. Sa kipay.

(Ang kinky ng mga Nigerians!)

Actually hindi na matatawag na "kipay". Mas akma na itong tawaging... "kepay". Or pwede ring "kweffaayyyy". Lumuwag na kasi. Eto ba naman ang ipasok:



Kung gaano man kahigpit ang pechay ni Ate eh mas mahigpit pa pala ang airport security dahil natimbog sya nang very bongga. Hindi na idinetalye kung paano nila nahuli si Ate. Sa X-Ray? K-9? Or suspicious sya maglakad?

Ang daming katanungan ang mabilis na pumasok sa aking isip (at malamang sa isip nyo rin). Anong klaseng preparasyon ang ginawa ni Ate upang maihanda ang kanyang body and spirit sa challenge na ito? Any lubricants? Nahirapan ba si Ate, or may space pa sa loob?

And most importantly, kumusta na sya ngayon?

Masdan nang maigi ang challenge na dinala ni Ate sa kaibuturan ng kanyang pagkatao:



Masdan mo pa uli. Masdan nang maiging-maigi.



Ang laki. Ang taba. Mala-Coke in can. Makes me wonder kung nag-enjoy ba si Ate sa panganib na sinuong nya. Sayang lang kasi hindi rin pinakita sa balita kung paano kinuha ang capsule mula sa special place ni Ate. And to think na award-winning news program ang 24 Oras! Ayusin nyo nga ang pagrereport nyo, kulang-kulang!

Luhaan si Ate habang isinasalaysay ang mga kaganapan:
"Ang usapan po kasi namin noong una, isusubo ko lang yung maliliit na items. Hindi kasama yang malaking yan! Kaya nung pinakita nila sa akin yan, sabi ko 'Ayoko na hindi ko na kaya!'"




In the end, kinaya ni Ate... Sya na! It's her already! She's the new OFW hero - I mean, heroine.

Powerful.

At mag-iiwan ako ng isang katanungan:


Kung kinaya ni Ate,
what about you?

Credits: 24 Oras
Sorry I made fun of this situation (habang may tatlong Pinoy na nanganganib na mabitay sa China).

music review - or how to waste your precious time

One of my illegal hobbies is downloading music, and lately naging daily activity ko na ang maghanap ng mga new/latest albums para i-download at nang sumigla naman ang aking buhay. Marami na rin akong na-download at kulang ang aking oras para pakinggan lahat, nahirapan akong mag-schedule. Hindi nga ako lumalabas kapag weekends eh para lang mapakinggan ang mga dinownload ko. I hate my life!

Pero gumawa ako ng list ng mga remarkable downloads*. Kung mahilig ka sa music, this list is for you! If you're not interested, go to www.lemonparty.org.



Doo Wops and Hooligans
Bruno Mars

Magaling umawit si Bruno, parang ako. Truth! Magkaboses kami kapag kumakanta ako sa banyo, lalo kapag sinasabayan ko ang too-good-to-be-true na "Just The Way You Are", naco-confuse ang tenga ko kasi hindi ko na ma-distinguish ang boses ni Bruno Mars at boses ko! Aheytit! Bruno Mars, get a life.

Napaka-cheesy ng album na ito. Parang gawa ito sa Kraft Eden Cheese. Si Kuya Bruno, napaka-shameless sa pagpapaka-manwhore sa mga gurls. Parang lagi syang harana mode. Lahat ng pampakilig ay sasabihin nya, sa ngalan ng kantot. Mabenta!

Maraming songs dito ang pwedeng gawing theme song ng mga bagets na nagsisimula pa lang tubuan ng pubic hair eh lumalandi na sa school. Approved.

When to play: Habang kumakain ng Cheese sticks, Cheez-ums at Cheese Bread... while playing chess.

The Element of Freedom
Alicia Keys

Nung una kong narinig si Ateng Alicia Keys sa awitin nyang "Fallin'" ay minahal ko na sya. Bilib ako sa kanya dahil sya ang sumusulat ng mga kanta nya, and over the years she keeps coming up with songs na masarap sa pandinig.

Itong latest nyang album is all about love love and all that overrated shit. Pang-relax lang habang nagse-sensations. Approved.

When to play: Sa kalagitnaan ng pa-tweetums na foreplay o sa seryosohang totnakan.

Danger Days: The True Lives of the Fabulous Killjoys
My Chemical Romance

Yung mga nauna nilang album na "Three Cheers For Sweet Revenge" at "The Black Parade" ay masyado kong dinibdib at dinamdam with matching pagme-memorize ng lyrics. I kinda feel sad na iba na ang tunog nila ngayon, hindi na yung dating pop punk or "emo".

Enjoyable pa rin naman ngunit sana bumalik sila sa dati nilang musical at lyrical style dahil nakaka-miss. Kaya My Chemical Romance, kung nagbabasa kayo ng blog ko, ayusin nyo mga buhay nyo!

When to play: Habang humihilom ang mga nilaslas na pulso na bugso ng isang madilim na nakaraan.

Viva La Vida
Coldplay

Sa lahat ng na-download ko ito ang pinaka-favorite ko. Magaling magaling magaling clap clap clap. It's all about optimism, a celebration of life, all that shit.

Pero bakit ganun, positive ang mensahe ng mga awitin pero ang lungkot ng feel? Parang soundtrack sa lamay.

OK kumanta ang vocals ng Coldplay kaso nakakainis hindi ko masabayan ang songs nila sa videoke. Masakit sa lungs.

When to play: Huwag sa videoke.

Science And Faith
The Script

Para sa akin, tatlong male singers ngayon ang may pinaka-magagandang boses: Jason Mraz, Bruno Mars, at Danny O'Donoghue (The Script). Ka-level ko sila.

Sa lahat ng na-download ko ito ang pinaka-favorite ko. OK, sinabi ko rin yan about Coldplay pero binabawi ko na, this is it. The first time I heard The Script ("The Man Who Can't Be Moved" - give me one person na ayaw sa kantang yan, I challenge you) eh gusto ko na ang tunog nila. (That reminds me, next time na mag-vivideoke kami, ito ang kakantahin ko. Noted.)

(Ang daming parentheses.)

Itong latest album nila eh puno ng napakagandang songs, high on melody at cheesy lyrics. Mabenta. Kung cheese rin lang ang sukatan eh ma-iinsecure ang cheesiness ni Bruno Mars. Alam mo yung feeling na first time mong marinig ang isang kanta, tapos mapapaisip ka "Inay, I like this shit!", yun ang pakiramdam ko sa buong album. Approved.

When to play: Habang nagpapahid ng Cheez Whiz sa buong katawan...

My Beautiful Dark Twisted Fantasy
Kanye West


This album is massive. Sa lahat ng na-download ko ito ang pinaka-favorite ko. OK ilang beses ko nang nasabi yan. Basta, ang ganda ng buong album na ito. It's hard to hate Kanye West matapos ang mga pinagsasabi at pinaggagawa nyang ka-asshole-an, dahil magaling sya magproduce ng music.

OK, hindi marunong kumanta si Kanye West. Sintunado nga sya kapag live. Sa ibang artists, nagrereklamo ang fans kapag nagli-lip sync sila during a live performance. Kay Kanye West, nagrereklamo ang fans kapag hindi sya nag-lip sync. Bukod sa sintunado, ka-boses nya yung kapitbahay nyong abnormal na child molester.

Pero maganda pa rin ang mga songs. Approved.

No wonder this album is Rolling Stone's Best Album of 2010.

When to play: Kung ayaw mo kay Taylor Swift.

Gold
The Cranberries

I think lahat tayo ay may alam na at least one Cranberries song, at one point in our lives, naka-relate rin tayo sa makabagbag-damdaming Zombie, Zombie, Zombie-eah, eah, eah. Hindi ko alam kung paano natin nai-relate ang "Zombie" sa ating personal na buhay but it happened (at least for me, nagamit namin sya sa Nutri-Jingle noong high school).

Itong latest album nila eh compilations lang ng kanilang greatest hits. "Ode To My Family", "Linger", "Dreams", lahat nandito. Bakit mo nga naman bibilhin lahat ng albums nila kung yung mga nasa videoke machine lang naman ang balak mong pakinggan? The best itong album na ito.

When to play: Habang umuulan at nakatitig sa labas ng bintana, ang mga puno at halaman ay sumasabay sa simoy ng malamig na hangin na para bang umaawit ng "My mother, my mother she hold me!" O di kaya ay habang naglalaro ng Plants vs Zombies.

Volta
Bjork

Bjork is my favorite weirdo. Bago pa dumating si Lady Gaga at ang pagsusuot nya ng damit na yari sa karne, nauna na si Bjork na dumating suot ang damit na yari sa swan.

Volta is not her best album. Mas maganda pa rin ang album nyang Medulla, kung saan lahat ng kanta ay ginamitan lamang ng human voices, walang musical instruments. Itong Volta ay hindi ko maintindihan... Nababagabag ako... nagkakaroon ako ng mga bangungot dahil hindi ko maunawaan ang gustong iparating sa akin ni Ateng Bjork.

When to play: Habang nalululong sa katol o paint thinner.

Nicki Minaj
Pink Friday

Maraming "singers" ngayon ang hindi naman marunong kumanta, ginamitan lang ng Autotune para i-correct ang mga off-key notes. Pero minsan, may mga new artists na talagang masasabi mong "Inay, ang galing kumanta". At isa si Nicki Minaj... sa mga umaasa sa Autotune.

Bitch can't sing!

At least she can rap and amusing ang mga rhymes nya. Sabi nya, "I'm a bad bitch, I'm a cunt!" Okay!

Super enjoyable ang album! In fact, kapag napuno ang 64GB, ito ang una kong buburahin.

When to play: Habang nagjajackstone.

Recovery
Eminem

Seryoso na si Eminem you guys! Whatever. Magaling pa rin syang mag-rap at catchy pa rin ang mga hooks at chorus ng songs. At mukhang mas mabait na sya nowadays.

This album is about recovering from addiction to cuticle remover (or kung saan ka man nalululong nowadays).

When to play: On your way to the public market. Whatever. Bahala ka kung kelan mo gustong pakinggan ito. Buhay mo yan at malaki ka na.

The Beginning
The Black Eyed Peas

Puro auto-tune! I did not like it. Hindi ko ito approved! Para akong nakikinig sa robots, at bawat song ay parang ringtone. Hindi ako makasabay na gaya ng pagsabay ko sa nakaraang album nila na may "I Gotta Feeling, Woohoo" at "Boom boom boom? Boom boom boom?" Sana bumalik sila sa dati nilang style, yung totoong old school music.

Sino ba naman ang hindi na-touch sa classic, life-changing at napaka-meaningful na awiting "My Humps"? Please bring that back.

When to play: Habang chumuchorva. Ikaw na bahalang magbigay ng definition sa "chumuchorva".

Back To Black
Amy Winehouse

This bitch is the shit! Alavet. Walang itatapong awitin sa album na ito. OK, tunog cabaret, but it's good. Approved.

I like Amy Winehouse kahit trash sya. Actually, yung boses nya eh parang boses lasing - at malaki ang chance na lasing nga talaga sya.

May sarili syang identity at style. Basta. Magaling syang mang-aawit.

When to play: Sa mga nakaw na sandali... from hugas-hugas to punas-punas.

Animal
Ke$ha

This album is a waste of space (no offense to her fans, opinion ko lang). If you think Tik Tok was stupid, wait till you hear the rest of the album, yung mga songs na hindi na-release as singles.

Isa si Ke$ha sa mga "artists" na nakinabang nang matindi sa Autotune. Sa tingin ko, hindi talaga sya marunong kumanta. At ang mga lyrics nya, sablay... pang-trailer trash whore. Magpopost ako ng separate discussion about Ke$ha. Oo discussion talaga.

Ang pangit ng album na ito. I-download nyo na at nang ma-experience ninyo.

When to play: Sa lamay ng bwisit na kapitbahay.

Maraming salamat mga Kids sa paglalaan ng inyong mahahalagang sandali. Nawa'y nakatulong ang aking "review" sa pagpili ng musikang nais nyong pakinggan upang sumigla rin ang inyong buhay. Up Next: An in-depth analysis of the catastrophe known as Ke$ha.


*(Yung ibang mga albums eh hindi talaga "new" pero yun ang latest album nung artist).

(At talagang nagpaliwanag ako enclosed in parentheses).

my top 5 memorable horror movie characters

Mahilig ako sa horror movies. Iba nga lang ang taste ko. Yung nakakatakot para sa akin, corny para sa iba. Yung nakakatakot para sa iba, nakakabwisit para sa akin.

Ayoko kasi ng mga movies na ang element na pangsindak eh malakas na panggulat na sounds o paulit-ulit na dream sequences. Ayoko kina Jason or Freddie or Chuckie or Lotus Feet.

May mga ibang movies na humahalo sa bangungot ko. Sobrang galing kasi ng pagkaka-imahe ng character, na kahit ilang taon na ang nakalipas nung mapanood mo yung movie eh naaalala mo pa rin kung paano ka napamura sa kaba nung una mong napanood yun.

Eto ang list ng mga movie characters na ayokong makita sa dilim.

Carl Rudolph Stargher (The Cell)



Serial Killer si Carl, at nang mahuli sya ng mga FBI, na-coma sya bago nya masabi kung nasaan nakakulong ang latest victim nya. Para mailigtas ang biktima, humingi ng tulong ang FBI sa isang psychologist (played by Jennifer Lopez) na gamitin ang isang advanced technology para mapasok ang utak ng killer at makuha ang information.

Pagpasok nya sa utak ni Carl, yang mga nasa picture na yan ang na-encounter nya - ang visualization ni Carl sa sarili nya, kung saan sya ang hari sa sarili nyang kingdom at pwede nyang gawin lahat ng gusto nya. At marami syang costume changes, malulula kahit si Lady Gaga.

Kailangan mong mapanood ang movie para maramdaman yung buong fear of being trapped sa isang lugar kasama ang isang serial killer. At kayong dalawa lang doon.

When to watch: Kapag trip mong mag-reminisce ng late 90's movies. Or kung gusto mong makanood ng pelikula ni J-Lo na hindi chick flick.

Watch this scene, kung saan unang nakilala ng bida si Carl:



The Last Zombie (REC)



Speaking of being trapped, itong movie na ito ang ultimate horror movie para sa akin. Hindi ako mahilig sa zombies, lalo kung ang ipapanglaban ko ay plants, pero exception to the rule itong REC.

Sumama si Angela, isang reporter at ang kanyang cameraman sa mga bumbero para mag-respond sa isang 911 call sa isang apartment building.

Pagdating sa loob, sinara ng ang building at na-quarantine, dahil may nakakahawang sakit na kumakalat sa loob. At lahat ng naiinfect, nangangain ng tao.

Para makalabas sila Angela, binalak nilang dumaan sa attic. Kaso may zombie dun (yang nasa picture). Buti na lang madilim, hindi sila makita ng zombie, kaya hindi nya alam na may tao. Kaya tahimik lang sila Angela habang palakad-lakad sa tabi nila yung zombie.

Ang hirap ipaliwanag, panoorin nyo na lang. Or imaginine mo, nakaupo ka sa isang sulok at yang nasa picture eh palakad-lakad sa harap mo.

Ang hirap ipaliwanag, watch mo na lang ito for full effect:



When to watch: Kapag mag-isa ka lang sa bahay, and you want to give zombies a chance...

Sadako's Mother (Ring)




Ang power ng movie na ito ay hindi sa special effects o sa panggulat na sounds, kundi nasa istorya. Atmospheric ang scare nito: tahimik, calm, peaceful. Na kung iisipin mo eh mas nakakatakot.

Halimbawa, yang scene sa screenshot. Napakasimpleng gawain ang pagsuklay ng buhok, pero iba ang dating ng eksena na ito sa movie. Napaka-sinister ng nanay ni Sadako. If I know sya rin ang naghukay ng balon.

When to watch: I don't know about you but I watch this every year. Annual tradition???

Count Dracula (Bram Stoker's Dracula)





Hindi rin ako mahilig sa vampire stuff, pero exception uli itong classic na movie na ito. Napakaraming scenes dito na pwede mong mapanaginipan: si Count Dracula gumagapang sa walls na parang butiki.

Ang anino ni Count Dracula na gumagalaw mag-isa...

Ang hair and makeup ni Count Dracula...

Eto yung paborito kong eksena kung saan unang nakilala ng bida si Count Dracula:



When to watch: Halloween night, or any weekend night, matapos magsex. Alangan naman before???

Lilia Cuntapay (Shake, Rattle & Roll IV)



OK, ipilit mong hindi ka natakot ni Lilia Cuntapay kahit minsan sa buhay mo.

Sayang lang hindi ko ma-screenshot yung mismong eksena kung saan si Ai-Ai at ang anak nyang si Teks na natutulog sa bangketa eh nanginginig sa takot habang palakad-lakad sa paligid nila si Lilia Cuntapay.

It turns out si Aiko Melendez ang manananggal. Pero kay Lilia Cuntapay pa rin ako natatakot. This bitch is a hall-of-famer.

Special Mention:

Satan's Baby (The Passion of the Christ)



Sinong hindi natakot sa baby na ito? This scene is supposed to signify ang pangungutya ni Satan kay Jesus Christ: inaalagaan nya ang baby, samantalang si Hesus, iniwan ng kanyang Ama sa langit.

This is one of the best/scariest moments sa film, looking past yung torture at crucifixion.

Naalala ko tuloy nung pinalabas itong movie na ito sa SM. Niyaya ako ng bestfriend kong manood. Bumili pa sya ng pop corn. Ayun, umiyak kami habang nanonood... pero kumakain pa rin ng popcorn.

What about you, sinong horror movie character ang bumagabag sa iyo?

Thanks Kids! Bye.

folklore

Nagkaroon ako ng kakaibang Christmas celebration. Nung Pasko umuwi ako para makasama sina Doris (Mudrax) at Sasha Fierce (Tita). Dumating akong pagod sa byahe at umidlip - paggising ko, ala una na. Alas nuebe ng umaga kami nag-Noche Buena.

Nung New Year naman, pagod uli ako sa byahe pero pinigil ko ang antok ko para salubungin ang taon. Tapos na kami kumain bago pa man mag-countdown. Pagsapit ng alas dose, tahimik ang mga kapitbahay namin, walang nagpaputok. Nasa loob lang kami ng bahay. Hindi na rin kami nagkalampag ng mga kaserola at nagtorotot gaya ng dati naming ginagawa. Natulog na si Sasha Fierce. Nagkuwentuhan na lang kami ni Doris.

Sabi nya, nung unang dating raw ni Sasha Fierce sa Baguio, na-engkanto sya. Palibhasa bagong lipat lang sila sa apartment na tinitirhan nila ngayon, hindi nila alam na may mga nilalang pala na hindi nakikita sa paligid. Nabulabog siguro sa ingay ni Sasha Fierce. Namaga ang paa nya. Niresetahan ng gamot ng doktor, lalong lumala. Pinatignan sa albularyo, hinilot. Kinabukasan, nawala ang maga.

Sinubukan kong takutin sya, kinuwento ko yung nakita kong mga buhok-buhok sa kwarto ko. (Basahin dito) Fail. Hindi sya natakot. Sabi nya, baka nandun na yung buhok bago pa ako dumating. Huwag raw akong gumawa ng sarili kong katatakutan. May takot na resulta lang ng imahinasyon.

Tapos sya naman ang nagkwento ng mga horror stories nya.

At ako ang natakot.

Gaya ng sinasabi nya lagi, huwag akong maging matatakutin, dahil ang bilin daw ng Lola ko (mudrax ni Mudrax), habang lalo mong iniisip na natatakot ka, lalo ka lang matatakot. Kaya alisin mo sa sarili mong utak ang takot at tanggapin mong hindi lang tayong mga tao ang nandito sa mundo. Ganun ang inisip ng Lola nung nakakita sya ng tikbalang.

Actually, hindi tikbalang, kundi centaur (tao sa beywang pataas, kabayo sa beywang pababa). Kumbaga sa Zodiac eh Sagittarius. Hindi pa nun naipapanganak si Doris. Ang bahay nila ay nasa edge ng gubat sa tabi ng dagat at isang gabi, tulog na ang lahat nang may narinig si Lola na yapak ng kabayo na dahan-dahang naglalakad. Sumilip sya sa maliit na siwang sa bintana at nakita nya na lumabas mula sa gubat ang centaur, dumaan lang sa harap ng bahay at pumunta sa dagat.

Nung hindi na nya makita ang centaur, tahimik nyang isinara ang bintana at natulog muli.

Coexistence. Ang nilalang na wala namang ginagawang masama sa iyo, bakit mo katatakutan at bubulabugin? Live and let live.

Pero hindi laging ganun, dahil may nilalang na may masamang intensyon sa kapwa. Noong bata pa si Doris, muntik na syang ma-aswang. Dalawang beses, noong batang paslit pa sya.

Sa lugar nila sa Bacolod, meron raw mag-asawa, si Esteban Burhot at ang asawa nyang si Ducia. Minsan, nagtinda si Ducia ng inihaw na mais sa labas ng bahay nila. Dahil mahilig sa mais ang batang si Doris, bumili sya. Habang bumibili sya, binati siya ni Ducia, "Ito pala ang anak ni Iniego (pudrax ni mudrax) ..." sabay tinapik sya sa noo.

Kinagabihan, sumakit ang tiyan ni Doris. Hindi kapani-paniwala na sa tapik lang sa noo eh pwede mong aswangin ang isang tao? Siguro. Parehong prinsipyo lang siguro yun sa mga albularyo na nanggagamot sa hilot lang, o sa mga na-usog na pagpahid lang ng laway ang katapat.

Nung isa-isahin nya sa Lola ko kung ano ang mga kinain nya nung araw na yun, at nasabi nyang kumain sya ng paninda ni Ducia, agad na lumabas si Lola para kumuha ng mga dahon ng talong. Habang namimilipit sa sakit ng tiyan si Doris, sinunog ni Lola yung mga dahon, at noon lang nahinto yung sakit ng tiyan nya. Ang paliwang ng Lola, mangangati raw yung katawan ng aswang kapag nagsunog ka ng dahon ng talong.

Kinabukasan, pinuntahan ng Lola si Ducia at tinanong, "Inaswang mo ba kagabi ang anak ko?"

At si Ducia, imbes na magkaila, ang sabi lang ay "Pasensya ka na ha?"

Ang kuwento pa ni Doris, kaklase nya ang anak ni Ducia, isang batang lalaki na hindi na nya maalala ang pangalan. Nagkuwento raw yung batang iyon kay Doris na minsan, kapag gabi, nakikita nya ang nanay nyang si Ducia, nagpapalit ng anyo at nagiging aso.

Sabi pa ni Doris, pati yung asawa nyang si Esteban Burhot ay aswang rin. Tinatawag syang "Burhot" na ang ibig sabihin ay "buhawi" dahil kahit matandang-matanda na siya, mabilis syang kumilos. Lagi syang may dalang sako, at minsan may mga nawawalang bata kapag napapadaan sya.

May mga nawalang batang magkakapatid sa lugar nila, tatlo sila. Naglalaro lang sila sa dalampasigan pero bigla silang nawala. Makalipas ang isang linggo, nakita ang mga bangkay nila sa ilog, na napakalayo sa kung saan sila huling makita. Inuwi ang mga bangkay nila para mabigyan ng maayos na libing. May hinala na ang mga tao kung ano ang nangyari sa kanila, at kung sino ang may gawa.

Noong mga panahong iyon, buhay na buhay ang supernatural. Yung mga bagay na hindi natin matanggap ngayon, yung mga pilit nating hinahanapan ng paliwanag, yun yung mga bagay na tinatanggap noon na katotohanan. Doon pumapasok ang mga pamahiin.

Pamahiin daw noon na kapag may namatay dahil sa pang-aaswang, sa araw ng libing, imbes na idaan sa pinto ang kabaong ng namatay, dapat mo itong idaan sa bintana para mapatunayan ang hinala mo. Kaya yun ang ginawa nila sa mga kabaong ng mga namatay na magkakapatid, idinaan sa bintana. At matapos idaan, isa-isang binuksan ang mga kabaong. Walang lamang bangkay ang mga kabaong, kundi mga putol-putol na puno (trunk) ng saging.

Sabi ni Doris, yung tunay na katawan ng mga bata ay kinuha na ng aswang bago pa man sila matagpuan sa ilog, at pinalitan nya ng puno ng saging ang mga katawan, na sa tingin ng tao ay tatlong bangkay ng mga bata.

Ang pangalawang tangkang pang-aaswang sa kay Doris ay nangyari rin nung mga panahong yun, kasama ang mga ate at pinsan nya. Minsan raw, habang naglalaro sila Doris sa bangka sa dalampasigan, dumating ang Lola at nadatnan si Esteban Burhot na nakatitig sa mga bata, may dalang mahabang kawayan.

Tahimik na nanood ang Lola ko habang iniisa-isa ni Esteban Burhot na sukatin ang laki ng bawat bata, at kung gaano kalaki ang bata, ganun kahaba ang puputilin nya sa kawayan. Apat sila sa bangka, at apat na putol ng kawayan ang hinanda ni Esteban Burhot. Matapos putulin, nilapitan nya ang bangka at inuga, para malunod sila.

Sumigaw ang Lola ko, pinaalis si Esteban Burhot, minura nya, hanggang sa umalis. Sabi ni Doris, kung hindi dumating ang Lola ko at nalunod sila, makikita na lang ang bangkay nila sa dalampasigan, at iisipin ng mga tao na nalunod nga sila. Pero kapag idinaan ang mga kabaong sa bintana, ang makikita nila ay apat na putol ng kawayan.

Naikwento nya ito sa akin ni Sasha Fierce dati, nung minsang nanonood sya ng Survivor at nakakita ng kaparehong bangka, hindi lang nya maalala na Nanay ko ang isa sa mga kasama nya noon sa bangkang iyon. (Basahin dito) Malabo kasi sya magkwento, at yung sinasabi nyang "sinukat kami ng aswang" eh ngayon ko lang naintindihan sa kwento ni Doris.

Nabanggit ko na rin noon na may inaway nga na aswang ang Lola ko, pero ngayong kinuwento uli sa akin ni Doris saka ko lang napag-tagpi-tagpi ang buong kwento at nalagyan ng pangalan ang mga tauhan, pati ang mismong pangalan ng mga aswang.

Ang mga nakakarating kasing mga kwento sa atin ngayon eh laging "kapatid ng pinsan ng bayaw ng kapitbahay ng kaklase ko". Walang firsthand account, kaya napaka-extraordinary sa akin na marinig ang kuwentong ito na mula mismo sa Nanay at Tita ko, na kinuwento sa akin sa magkaibang panahon, at alam kong totoo ang kwento nila dahil sila mismo ang nandun, hindi ang hipag ng kakilala ng biyenan ng kaibigan ng lola nila.

Yung mga ganitong kwento, pinagtatawanan na lang ngayon. Sino pa ba ang matatakot ngayon sa aswang, sa panahon ng mga long-haired ghosts mula sa balon at mga bampirang may karibal na werewolf... Pero para sa akin, yung mga ganitong kwento pa rin ang mas gusto kong marinig, kahit sa Bisperas ng Bagong Taon, at hindi ko man maramdaman yung matinding sakit ng tiyan, o yung takot sa bangkang inuuga ng kapitbahay na aswang, meron naman akong maikwekwento sa mga susunod na henerasyon, na galing sila sa lahing hindi nagpasindak sa engkanto, aswang o tikbalang.

vintage glentot

Hey Kids. Last Christmas eh naisipan kong magkalkal sa mga baul-baul at may natagpuan akong mga kasumpa-sumpang litrato. Sobrang luma na kaya inabot na ng moisture kaya naisip ko na bago sila tuluyang masira eh kailangan ma-preserve ko sila at ma-share sa iba dahil parte sila ng history.

Dahil wala akong scanner, kinunan ko na lang sila ng picture para magkaroon ako ng soft-copy, kainin man ng amag ang pictures. Gusto ko lang kayong bigyan ng konting peek sa buhay me noong batang paslit pa lang me.

Eto ang mga gigs ko nun...



Limang taong gulang ako noon (with bangs) at graduation yan ng Day Care. Dahil first time kong ga-graduate, pakialam ko ba sa mga kaganapang yan? Basta meron akong medal at kailangan kong umakyat sa stage at mag-speech para ma-inspire ang aking mga fellow graduates na ayusin ang mga tae-tae nilang buhay. (Ayun last time I checked mga patapon na sila.)

I think yung Tita kong teacher rin sa school na yun ang sumulat ng speech. Bilang preparasyon, sinulat ni Doris yung speech sa likod ng malaking kartolina para maisaulo ko. Ang haba nun at English pa, pero kailangan ma-memorize ko yun, bawal ang kodigo.

Nang kunin ang larawang yan, kunot na ang noo ko sa kalagitnaan ng pagsasalita, at makikita mo sa aking facial expression kung paano ko na-master ang speech................. not. Malamang nakatingin ako kay Doris my mudrax sa audience at humihingi ng clue kung nasaan na ako banda sa putanginang speech na yun.

Actually meron pa akong isang event nung kinder... nag-parade kaming mga kids na may hawak na hula-hoop. Si Doris, sunod nang sunod sa parada kasi nagta-tantrum ako kapag nawawala sya sa paningin ko. Sa gitna ng parade, umulan, pero pinalakad pa rin kami. Matapos ang parade, bumalik kami uli sa school kasi may dance number pa kami, gamit pa rin ang hula hooop, to the tune of "Chiquitita" by ABBA -- at umuulan pa rin.

Gusto ko lang sanang ipagbigay-alam sa mga kinauukulan na pinilit kami ng school na magsayaw sa malakas na ulan. Awang-awa ako sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa audience kung saan nakatayo si Doris, nagmamaka-awa, Take me away from here! Iyak ako nang iyak habang hawak-hawak yung hula-hoop at sumasabay sa "Try once more like you did before, sing a new song Chiquitita..."

I swear kapag mura na ang gas babalik ako sa school namin at magkakaroon ng isang malaking sunog.

Sayang lang walang dalang camera si Doris nun. Nakita nyo sana kung paano ako nagdusa. Anyway eto pa yung isa kong pinagdusahan:



For sure namumukhaan nyo yang nakakasukang picture na yan sa aking previous post. Cub Scout ako nyan, at tinanggap ko na sa sarili ko na ang mundo ay puno ng pasakit, hinanakit, pagdurusa. Sana itinuro nila sa Cub Scouts kung paano magpakamatay.

Nais ko lamang ipaliwanag na ang sombrero ay yari sa makapal na papel, at yung "vest" naman ay yari banig. Na sobrang hindi makati sa katawan, as in hindi talaga. Hindi lang ako ang pinagsuot nyan kundi lahat kami. Ewan ko kung ano ang na-achieve ng mga nagpasuot nyan sa amin. Sana maayos na ang mga buhay nila ngayon.......................... sa bilangguan.

Kitang-kita sa facial expression ko sa picture na masaya ako nung araw na yun. Mula sa kunot ng noo hanggang sa ayaw paawat na pout. Mapapansin rin sa aking rigid posture na komportable ako sa pinasuot sa akin. Actually hindi ko naisip na bunutin yang flag sa likod ko at ihampas sa pagmumukha ng may pakana nito. Ang naisip ko lang noon eh sana bumuka na ang lupa at lamunin ako nang buo.

Actually meron pang isang event nung araw na yan. Yung putanginang sack race. Required kami lahat sumali. Wala na akong nagawa kundi isuot yung sako at tumalon-talon habang inuulit-ulit sa sarili ko, Think happy thoughts, think happy thoughts...



When this picture was taken, manhid na ako sa mga pighati. Lagi na akong naka-tune out at unaffected. Ang buhay ko ay isang sumpa at magwawakas rin ang lahat pagdating ng Taghukom.

May program kasi sa school at kailangan magparamihan ng pera sa pagca-canvass, tapos yung mga candidate eh paglalaban-labanin yung mga pera nila at magkakaroon ng title yung mananalo. Galit na galit si Doris nang malaman na isinali ako ng teacher ko. Masisisi ko ba yung teacher, eh ang cute cute ko. Paki-zoom yung pic kung ayaw mong maniwala.

Kaya asar na asar si Doris eh hindi naman sya mahilig sa ganyang event lalo kung may kaakibat na solicitation. Nag-ambag-ambag lahat ng kamag-anak at kakilala namin hanggang sa ma-achieve ko ang title na...

MR PEACE

Ang buhay nga naman. Mr Peace ampotah...

Tignan nang maigi ang larawan. Ako yung nakaupo at naka-prince na costume at base uli sa aking facial expression, mukhang nag-memeditate ako kung kelan magugunaw ang mundong kinauupuan ko. Yung guy na nakatayo sa tabi ko with the keempee hair ay ang aking Tito. Matapos ang event na ito ay hindi nya na ako kinausap muli, hanggang ngayon. Yung isa pang babaeng nakatayo sa right side na inabot ng amag ang hair ay Ninang ko sa kompil (yung church ceremony kung saan kokrompalin ka ng pari). I believe sya ang nag-udyok sa akin na isuot yung putanginang costume na yun. Hindi ko na sya kinausap muli, hanggang ngayon.

Pero mag-focus tayo sa katabi ko sa upuan, si Miss Peace Frances, na base sa facial expression ay hindi papahuli nang buhay. Labinlimang taon yata ang agwat namin sa edad pero hindi naman yun ang basehan sa pagpapares kundi ang na-canvass na salapi. At mukhang kinapos lang rin sya kaya Miss Peace lang ang na-achieve nya. Pero nakapag-invest sya sa gown na turtle neck, pati sa hair at syempre sa ayaw paawat na make-up. Meron pa syang chismosang crown kyeme.

Mukha na talaga syang Princess........................... na suicidal. Hindi ko na alam kung nasaang lupalop ng daigdig na sya ngayon pero parang gusto ko syang hanapin at ipakita ang larawan nya, sabay i-confront sya, "Ikaw nga si Miss Peace, pero di mo man lang pinanindigan. Ang dapat na title mo ay Miss Doom."

Masdan ang trophy ni Miss Peace at ikompara sa trophy ko. I think yun nga ang ginagawa ko nung kinunan ang picture na yan, tinitignan kong maigi yung trophy. At baka ito rin ang dahilan ng ngitngit ni Miss Peace, unfair ang tropy nya kasi mas maliit. Hindi nya pa natanggap na ang buhay ay puno ng pasakit, hinanakit, pagdurusa. O baka nagdarasal lang rin sya sa langit para sa isang tidal wave o kaya isang very nice na kidlat para matapos na ang lahat.

Actually meron pa akong isang picture sa event na ito, kung saan katabi ko naman si Miss Hope, yung kapitbahay naming toasted (negrita). Buti na lang, isa yung picture na yun sa mga nawala ko sa taxi, dahil ayoko na talagang makita yun kasi medyo close up, kitang-kita ang kuliti ko sa mata.

Opo, may kuliti ako sa event na yan.

Parang gusto kong lagyan ng caption ang pic!

Tito: Huy kuliti tumingin ka sa camera. *smiles*
Ninang: Ako ang nagdonate ng trophies, kabog sila sa ganda ko.
Glentot: Ako si Mr Peace!!!

Frances: Mga putang-ina ninyong lahat!
OK yan lang muna... next naman eh yung mga nude pics me noong batang paslit pa me.

Kthanksbye!
Mwachupa!
Smoochchupa!

Nagmamahal,

Mr Peace
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding