folklore

Nagkaroon ako ng kakaibang Christmas celebration. Nung Pasko umuwi ako para makasama sina Doris (Mudrax) at Sasha Fierce (Tita). Dumating akong pagod sa byahe at umidlip - paggising ko, ala una na. Alas nuebe ng umaga kami nag-Noche Buena.

Nung New Year naman, pagod uli ako sa byahe pero pinigil ko ang antok ko para salubungin ang taon. Tapos na kami kumain bago pa man mag-countdown. Pagsapit ng alas dose, tahimik ang mga kapitbahay namin, walang nagpaputok. Nasa loob lang kami ng bahay. Hindi na rin kami nagkalampag ng mga kaserola at nagtorotot gaya ng dati naming ginagawa. Natulog na si Sasha Fierce. Nagkuwentuhan na lang kami ni Doris.

Sabi nya, nung unang dating raw ni Sasha Fierce sa Baguio, na-engkanto sya. Palibhasa bagong lipat lang sila sa apartment na tinitirhan nila ngayon, hindi nila alam na may mga nilalang pala na hindi nakikita sa paligid. Nabulabog siguro sa ingay ni Sasha Fierce. Namaga ang paa nya. Niresetahan ng gamot ng doktor, lalong lumala. Pinatignan sa albularyo, hinilot. Kinabukasan, nawala ang maga.

Sinubukan kong takutin sya, kinuwento ko yung nakita kong mga buhok-buhok sa kwarto ko. (Basahin dito) Fail. Hindi sya natakot. Sabi nya, baka nandun na yung buhok bago pa ako dumating. Huwag raw akong gumawa ng sarili kong katatakutan. May takot na resulta lang ng imahinasyon.

Tapos sya naman ang nagkwento ng mga horror stories nya.

At ako ang natakot.

Gaya ng sinasabi nya lagi, huwag akong maging matatakutin, dahil ang bilin daw ng Lola ko (mudrax ni Mudrax), habang lalo mong iniisip na natatakot ka, lalo ka lang matatakot. Kaya alisin mo sa sarili mong utak ang takot at tanggapin mong hindi lang tayong mga tao ang nandito sa mundo. Ganun ang inisip ng Lola nung nakakita sya ng tikbalang.

Actually, hindi tikbalang, kundi centaur (tao sa beywang pataas, kabayo sa beywang pababa). Kumbaga sa Zodiac eh Sagittarius. Hindi pa nun naipapanganak si Doris. Ang bahay nila ay nasa edge ng gubat sa tabi ng dagat at isang gabi, tulog na ang lahat nang may narinig si Lola na yapak ng kabayo na dahan-dahang naglalakad. Sumilip sya sa maliit na siwang sa bintana at nakita nya na lumabas mula sa gubat ang centaur, dumaan lang sa harap ng bahay at pumunta sa dagat.

Nung hindi na nya makita ang centaur, tahimik nyang isinara ang bintana at natulog muli.

Coexistence. Ang nilalang na wala namang ginagawang masama sa iyo, bakit mo katatakutan at bubulabugin? Live and let live.

Pero hindi laging ganun, dahil may nilalang na may masamang intensyon sa kapwa. Noong bata pa si Doris, muntik na syang ma-aswang. Dalawang beses, noong batang paslit pa sya.

Sa lugar nila sa Bacolod, meron raw mag-asawa, si Esteban Burhot at ang asawa nyang si Ducia. Minsan, nagtinda si Ducia ng inihaw na mais sa labas ng bahay nila. Dahil mahilig sa mais ang batang si Doris, bumili sya. Habang bumibili sya, binati siya ni Ducia, "Ito pala ang anak ni Iniego (pudrax ni mudrax) ..." sabay tinapik sya sa noo.

Kinagabihan, sumakit ang tiyan ni Doris. Hindi kapani-paniwala na sa tapik lang sa noo eh pwede mong aswangin ang isang tao? Siguro. Parehong prinsipyo lang siguro yun sa mga albularyo na nanggagamot sa hilot lang, o sa mga na-usog na pagpahid lang ng laway ang katapat.

Nung isa-isahin nya sa Lola ko kung ano ang mga kinain nya nung araw na yun, at nasabi nyang kumain sya ng paninda ni Ducia, agad na lumabas si Lola para kumuha ng mga dahon ng talong. Habang namimilipit sa sakit ng tiyan si Doris, sinunog ni Lola yung mga dahon, at noon lang nahinto yung sakit ng tiyan nya. Ang paliwang ng Lola, mangangati raw yung katawan ng aswang kapag nagsunog ka ng dahon ng talong.

Kinabukasan, pinuntahan ng Lola si Ducia at tinanong, "Inaswang mo ba kagabi ang anak ko?"

At si Ducia, imbes na magkaila, ang sabi lang ay "Pasensya ka na ha?"

Ang kuwento pa ni Doris, kaklase nya ang anak ni Ducia, isang batang lalaki na hindi na nya maalala ang pangalan. Nagkuwento raw yung batang iyon kay Doris na minsan, kapag gabi, nakikita nya ang nanay nyang si Ducia, nagpapalit ng anyo at nagiging aso.

Sabi pa ni Doris, pati yung asawa nyang si Esteban Burhot ay aswang rin. Tinatawag syang "Burhot" na ang ibig sabihin ay "buhawi" dahil kahit matandang-matanda na siya, mabilis syang kumilos. Lagi syang may dalang sako, at minsan may mga nawawalang bata kapag napapadaan sya.

May mga nawalang batang magkakapatid sa lugar nila, tatlo sila. Naglalaro lang sila sa dalampasigan pero bigla silang nawala. Makalipas ang isang linggo, nakita ang mga bangkay nila sa ilog, na napakalayo sa kung saan sila huling makita. Inuwi ang mga bangkay nila para mabigyan ng maayos na libing. May hinala na ang mga tao kung ano ang nangyari sa kanila, at kung sino ang may gawa.

Noong mga panahong iyon, buhay na buhay ang supernatural. Yung mga bagay na hindi natin matanggap ngayon, yung mga pilit nating hinahanapan ng paliwanag, yun yung mga bagay na tinatanggap noon na katotohanan. Doon pumapasok ang mga pamahiin.

Pamahiin daw noon na kapag may namatay dahil sa pang-aaswang, sa araw ng libing, imbes na idaan sa pinto ang kabaong ng namatay, dapat mo itong idaan sa bintana para mapatunayan ang hinala mo. Kaya yun ang ginawa nila sa mga kabaong ng mga namatay na magkakapatid, idinaan sa bintana. At matapos idaan, isa-isang binuksan ang mga kabaong. Walang lamang bangkay ang mga kabaong, kundi mga putol-putol na puno (trunk) ng saging.

Sabi ni Doris, yung tunay na katawan ng mga bata ay kinuha na ng aswang bago pa man sila matagpuan sa ilog, at pinalitan nya ng puno ng saging ang mga katawan, na sa tingin ng tao ay tatlong bangkay ng mga bata.

Ang pangalawang tangkang pang-aaswang sa kay Doris ay nangyari rin nung mga panahong yun, kasama ang mga ate at pinsan nya. Minsan raw, habang naglalaro sila Doris sa bangka sa dalampasigan, dumating ang Lola at nadatnan si Esteban Burhot na nakatitig sa mga bata, may dalang mahabang kawayan.

Tahimik na nanood ang Lola ko habang iniisa-isa ni Esteban Burhot na sukatin ang laki ng bawat bata, at kung gaano kalaki ang bata, ganun kahaba ang puputilin nya sa kawayan. Apat sila sa bangka, at apat na putol ng kawayan ang hinanda ni Esteban Burhot. Matapos putulin, nilapitan nya ang bangka at inuga, para malunod sila.

Sumigaw ang Lola ko, pinaalis si Esteban Burhot, minura nya, hanggang sa umalis. Sabi ni Doris, kung hindi dumating ang Lola ko at nalunod sila, makikita na lang ang bangkay nila sa dalampasigan, at iisipin ng mga tao na nalunod nga sila. Pero kapag idinaan ang mga kabaong sa bintana, ang makikita nila ay apat na putol ng kawayan.

Naikwento nya ito sa akin ni Sasha Fierce dati, nung minsang nanonood sya ng Survivor at nakakita ng kaparehong bangka, hindi lang nya maalala na Nanay ko ang isa sa mga kasama nya noon sa bangkang iyon. (Basahin dito) Malabo kasi sya magkwento, at yung sinasabi nyang "sinukat kami ng aswang" eh ngayon ko lang naintindihan sa kwento ni Doris.

Nabanggit ko na rin noon na may inaway nga na aswang ang Lola ko, pero ngayong kinuwento uli sa akin ni Doris saka ko lang napag-tagpi-tagpi ang buong kwento at nalagyan ng pangalan ang mga tauhan, pati ang mismong pangalan ng mga aswang.

Ang mga nakakarating kasing mga kwento sa atin ngayon eh laging "kapatid ng pinsan ng bayaw ng kapitbahay ng kaklase ko". Walang firsthand account, kaya napaka-extraordinary sa akin na marinig ang kuwentong ito na mula mismo sa Nanay at Tita ko, na kinuwento sa akin sa magkaibang panahon, at alam kong totoo ang kwento nila dahil sila mismo ang nandun, hindi ang hipag ng kakilala ng biyenan ng kaibigan ng lola nila.

Yung mga ganitong kwento, pinagtatawanan na lang ngayon. Sino pa ba ang matatakot ngayon sa aswang, sa panahon ng mga long-haired ghosts mula sa balon at mga bampirang may karibal na werewolf... Pero para sa akin, yung mga ganitong kwento pa rin ang mas gusto kong marinig, kahit sa Bisperas ng Bagong Taon, at hindi ko man maramdaman yung matinding sakit ng tiyan, o yung takot sa bangkang inuuga ng kapitbahay na aswang, meron naman akong maikwekwento sa mga susunod na henerasyon, na galing sila sa lahing hindi nagpasindak sa engkanto, aswang o tikbalang.

66 comments. Post your comment here.:

Ako si Yow said...

Ang saya naman ng bonding niyo sa bagong taon. Aswangan. Pambihira!

Hindi ko kinaya ang pangalan ng mag-asawang Esteban Burhot at Ducia. Akala ko eh joke. Haha.

Yung mudrax ko din sabi eh nakakita siya ng kapre at sa kamaynilaan ito. Ewan ko ba naman. Gumising daw siya ng madaling araw at nakitang may nakatayong naninigarilyo sa puno na mukhang dambuhala daw. Fine! Medyo di ako naniwala. Pero eto mukhang totoo. Baka liblib yung bahay nila nun. Katakot!

Ako din daw inaaswang dati kaya pinalitan pangalan ko. Ewan ko kung anu original name ko. HAha

The Gasoline Dude said...

Hoshet! Hahaha wala akong masabi sa mga kuwento mo! Pwede ka nang maging susunod na Lola Basyang. LOL!

Maldito said...

na miss ko tuloy ang nanay at lola ko...sila kasi yung master story teller of all time..ahehee.

were in a modern time and era na......stories like this will soon be classified as myth than a mere folklore.

that makes me sad...can we go back to basic? naks..

nyabach0i said...

normally pag mga ganitong kwento hindi ako madaling maniwala kasi parang kulang sa basis. pero oo, inaamin ko, in a way, natatakot ako sa mga folklore oldies shit. haha.

Leo said...

katakot naman! may mga ganyang kwento rin mama ko. have you heard about sigbin? ung mga alaga raw ng aswang na mukhang tuta? katakot...

aajao said...

mahilig din ako sa mga horror stories.. hehe. kaya lang bakit nga yung mga nakakatakot na kwento ay parang puro "noong unang panahon" na lang?

janice said...

Weh..hehe..sa probinsya talaga dami kuwento. I've seen one also pero ayokong maniwala para hindi ako matakot lalo at mag isa lang ako now sa house..hehe..pero totoo nga mga ganitong kuwento..

Vajarl said...

Minsan nakakaawa ren yung mga nasasabihan na mesalahing aswang sila. Sila man mismo naniniwala na aswang sila or hindi. Ganyan kanipis ang linya ng pag tungo naten sa mga taong nag ke claim na engkanto sila at pag taas ng kilay natin sa mga taong nagsasabing kausap nila ang Panginoon at may direct line sila kay Virgin Mary. Nakakalungkot lang minsan na napasa pasa na ang paniniwala sa mga laway sa usog, kulam, at kung ano ano pa na nasasabayan ng pag reject sa mga paliwanag ng iniiringan nilang 'porke may pinag aralan'.

Teka masyado akong seryoso, nakakainis much. Haha. Ang gusto ko lang naman i epal eh Sagittarius ako! Pero hanggang ngayon gumagamit pa ko ng Google para lang ma spell yan ng tama. Hoho.

Hello Glentot! :)

Chingoy said...

there's this part of me na naniniwala sa mga ganitong klaseng kwento...

scarrrrrry.... :((

Axl Powerhouse Production Inc, said...

pambihira naman yun oh.. ang saya ng kwentuhan ng mag tiya ha... about sa aswang at kung anu anu pangkatatakutan hehhe :D

goyo said...

gustong gusto kong makakarinig ng mga ganyang kwento galing sa matatandang tao. nakakalibang kasi. pero kapag naiisip ko yung mga inaswang at naengkanto, nakakaawa din. hehe.

MiDniGHt DriVer said...

Ohhhh..Noooo... Wag kang ganyan.. mapapaniwalain pa naman ako...

rrrrrrrr.....

Anna said...

sa amin sa cavite uso pa rin yan. kulto naman ang 'in' sa amin. yun dadasalan ang chinelas mo. haha. happy bonding sa inyo ng mommy mo! =)

-mark- said...

Matatapang talaga ang mga lola noh, pag naging lolo kaya ako matapang din ako?haha
hmmmp... boi pag nagkkwento ka tungkol ke shasha fierce ngayon,isa lang ang naiisip ko,ung tawang malakas na parang sayang saya sa pagsayaw at sasabayan pa ng tawa mo, you know what I mean...hahahaha di a ko makagetover dun,mas gusto ko yun kesa sa kwentong aswang.haha

Ungaz said...

Susme naman...Lapitin sila Doris ng paranormal ekek.Yon ata namana mo.hehehe!!!Natatawa ko sa burhot...hahahaha!!!

Gang ngayon may mga ganyan parin naman.In denial lang ang tao kya pnagtatawanan....

KUMAGCOW said...

sana glennglenn kinwento mo in detail sa kanya yung avatar.. matatakot sayo yun pihado LOL

Kamila said...

Waaaaah matatakutin ako.. sobra... huuhhuhuhuhu..wala lang pero minsan naniniwala din ako dito dahil sa experience ng nanay ko.. at ewan..dami na nangyari sa tapat ng mata ko.. pero di ko na sure kung nangyari ba talaga sa harap ng mata ko yun.

my-so-called-Quest said...

tama si doris, sabi nga ni albus dumbledore "fear the name only increases the fear of the thing itself" hehe.

nung bata panakot talaga sa atin ang ganyan. sa mga bata nga ngayon saan kaya sila natatakot?

ISTAMBAY said...

ngayon kasi upgraged na din siguro ang mga aswang at tikbalang, hindi na sila lumalabas ng kanilang lungga dahil busy sa kaka FB hahaha.. juk lang parekoy..

masarap makinig ng ganyan, madalang ka na makakarinig ng kwentong hango sa tunay ng buhay ng nagkwnto lalo na nung mga panahong wala pa tayo sa mundo.. tulad ni mudrax, naniniwala ko sa kwento nya dahil ang mismong pudraz ko ay may ganyan din na karanasan.. at may kilala din silang aswang..

hindi sa pananakot para hindi lumabas ang bata, ayaw lang nila itong mapahamak...

ganda parekoy...

kaye said...

ang iskeri naman ng kwento mo!

di mo ba tinanong si Doris kumbaket parang lapitin siya ng aswang? anong meron siya?

at ang galing galing ng lola mo ha. para siyang may superpowers na nakakakapagpatakot sa mga aswang.

matatakutin ako kaya ayokong ayokong nanonood ng horror o nakikinig sa mga kwentong nakakatakot. pero wala akong nagawa ngayon kundi magbasa. nahypnotize ako e. me sa lahing aswang ka rin ba? hihihi!

Yffar'sWorld said...

aba, marunong gumamit ng clone jutsu ang mag-asawang aswang, hehe.

bihira akong makarinig ng kwentong aswang (multo madalas), pero kinikilabutan ako pag nakakarinig. magandang pag-usapan yan sa gabi, pag brownout. XD

Pao said...

grabe naman. Sobrang believable. May mga ganitong kwento din ang nanay ko. hehe

Jepoy said...

Nag skip read me putangina ang haba ng entry shit ka.

Blog on...

May kwento rin ang lola ko tungkol sa mga ganyan-ganyan, nakakatakot! Hindi me nakaihi buong gabi. Tungkol din sa aswang at dinuguan.

Structure kang puta ka!

NoBenta said...

wow parekoy, one of the best amazing stories na nabasa ko. pwede syang maging isang episode sa mga lecheserye sa teevee. blogenroll! \m/

Avee said...

Ang saya! Bet na bet ko din ang mga ganyang kwento ng tatay ko. Kaso pag iniisip ko, parang ayoko pa rin maniwala... Nice post! :)

hArTLeSsChiq said...

ayoko ng ganyang kwentuhan, hindi ako makakatulog niyan at makakalabas ng kwarto..hehehe

tapang din naman ng pamilya niyo glentot, walang sinasanto kahit maligno..hahahah

Xprosaic said...

Totoo pa rin yan hanggang sa ganitong generation! Pero sa mga probinsya nga lang... at masasabi ko totoo pa rin yan hanggang NGAYON! may clue na ba!? lol

Traveliztera said...

hahahaha magaling ka magkwnto... nuxxx nabuo mo na rin sa wakas ang glen tot code. pieces of stories from different relatives ... pero alam mo, gusto ko rin mga ganitong kwento. fave ko folklore e. pde ka na gumawa ng libro!

ihahanda ko na ba kawayan next time makita kita?

Momel said...

Kaya yun ang ginawa nila sa mga kabaong ng mga namatay na magkakapatid, idinaan sa bintana. At matapos idaan, isa-isang binuksan ang mga kabaong. Walang lamang bangkay ang mga kabaong, kundi mga putol-putol na puno (trunk) ng saging.

"sinukat kami ng aswang"

Ganito ang mga klase ng kuwentong feel na feel ko. Siguro dahil 80s kid ako eh kahit papaano ay meron pa ring kaunting semblance ng superstition sa dekadang aking kinalakihan. Oo, promise, wa keme. Naabutan ko pa yung kuwento ng isang barkong mga aswang na galing Siquijor, and then patungong Maynila yung barko. Nung 80s eh palagi naming ina-abangan ang mga palung palong Magandang Hatinggabi Bayan ni Noli de Castro. Madalas mag-brown out nung 80s, wala pa ring internet nun at kung anu anong anti social na gadgets kaya mas maraming time para mag kuwentuhan ng kung anu ano ang mga kapitbahay habang balot sa dilim ang buong baranggay at tanging kandila lang ang nagsisilbing ilaw. Walang facebook nun, walang blogs, pero mas masaya ang mga panahong yun dahil maraming opportunity para sa katatakutan!

Ngayon wala nang aswang. Kung meron man eh yung mga naka-pekpek shorts, ahit ang legs at ang bigote, may carolinas na dede, may baong isang kahang marlboro lights, lighter, dalawang sachet na cream silk na blue, at ilang condom. Bo-booking sila. Lowest 150.

Nga pala, kamakailan lang eh na-experience ko ang aking unang ghost encounter. Nung December 28. Tsaka ko na kuwento.

Cheers Glenn! Mabuhay Ka! Muahness from Pasig Citehhh!

P.S. Magka-pangalan nga ba kayo ni Malditz?

Yj said...

pano ka masisindak eh isa ka sa kanila!

DUWENDE!

Sean said...

may kapitbahay din ako dating aswang. pero ang inaaswang niya, asawa ng may asawa.

Dhianz said...

sori i had to scroll down nd skip it... kc parang kwentuhang nakakatakot atah tong entry moh eh... kc uhm... almost 11pm na ditoh... matutulog pa akoh... ayokong ano ano pumasok sa yutakz koh... hahaha... ei! thanks wafung glentot ha... sobrang na-appreciate koh.... nagn bonggang bongga... salamat!... ingatz... nd Godbless! -di

egG. said...

ang ganda naman ng bonding nyo.. buti na lang walang dumaang centaur sa harap nyo habang nagkukwento eh noh???

anyway, advance happy halloween :)

taribong said...

Haha Salamat sa kuwento, Glenn! Ang galing naman ng bonding ninyo nina Doris at Sasha Fierce!!

oooPS natawa ako dun sa comment ni Yj :D

khantotantra said...

totoo ata talaga ang pang-aswang noon. lalo na sa probinsya.

grabe experience ni shasha fierce. habang binabasa ang entry sabay lumakas ng onti ang aircon sa opis. mas nakaka-nginig

Michael said...

Ibang klaseng pag-cecelebrate iyan a,, talagang burhot ang pangalan nun, ang baho-baho pakinggan.. Ayun, happy halloween.. :D:D:D:D:D

Nimmy said...

naks! kayo na ang lahi ng matatapang! hehehe

KikomaxXx said...

ang aga naman ng Haloween sa inyo.. parang kababalaghan ata ang 2011 para kay andoy.. hahaha

Spiral Prince said...

humanda ka sa multong may-ari ng buhok glentot! kilala siya ng kapatid ng pinsan ng bayaw ng biyenan ng tiyohin ng tatay ng kapitbahay ng lolo ng kaklase ko! hahahaha

Keatondrunk said...

mahilig ako sa horror movies kaya pasok skin yan..

Klet Makulet said...

aba! astig pala ang pamilya mo kuya glentot. sa amin din, sa probinsya ng nanay ko, andami-daming mga kwento na kahit ngayon ay may naririnig pa akong mga pinitik ng kapre na yung nagkukwento ay puro bukol at sugat (so malaman siya yun) di naman siguro masamang maniwala dun.

Neneng Kilabot said...

actually.. haha.. hindi ko tinapos ang kwento mo ser dahil ako na lang ang gising dito samin at isa akong malaking duwag na tinubuan ng muka..

bukas na lang pag maliwanag na.. haha

ahmer said...

di ako nasindak bow. hihihi.
mag ol ka dali! : D

Reesie said...

ewan ko ba hindi ako naniniwala sa engkanto, kapre, tikbalang, o aswang hangga't hindi ako mismo ang nakakita sa kanila. waaaaa! bigla akong natakot. hehe.

APE said...

Ibig sabihin pre, talagang pinabuksan yung mga kabaong nung mga bata pagkadaan sa bintana? Ano to paghatid sa lugar ng burol o pagdadalin na sa sementeryo?

silentassasin said...

shyet..buhay p akaya yung anak ni Teban Burhot at Ducia..

stevevhan said...

actually, meron ding mga kwento sa province(masbate) namin niyan kaya i really believe those stories, nagulat naman ako dun sa kwento ng anang ni ducia, totoo talaga, kahit din naman si mama may kwento about dun, mahaba kasi gusto ko sanang ikwento.

sabi nga din nila may folklore din ang pagkamatay ng aking grandpa kasi yun may mga experinece na din sila dun at ang aking tita din ay inaswang.

may natutunan ako dun sa dahon ng talong!, Galing!

empi said...

ngayon ko lang nalaman na pwede pala yong dahon ng talong... kinikilabutan ako pag nagkkwento ang mga pinsan at mga kamag-anak ko tungkol sa mga aswang at kung anu ano pa... lalo na pag gabi...bakit pag nagkkwento ng mga ganyan ay kailangan sa gabi?

♥superjaid♥ said...

kinilabutan ako sa kwento mo kuya tsk anyway..naniniwala ako sa mga ganitong kwento kapag mga matatanda ang nagkwento..iba kasi sila eh ewan ko ba kung bakit..

Kaitee said...

Totoo nga raw ang aswang sabi ng lola ko. Noon daw may kapitbahay silang aswang. Umalis na ako bago pa magkwento ang lola ko. Takot ako sa ganun eh. :D

Donato said...

habang binabasa ko to, may mga bagay na naglalaro sa isipan ko:

1. lumipat na naman si doris? haha!

2. "Lagi syang may dalang sako, at minsan may mga nawawalang bata kapag napapadaan sya." --- Panalo!

3. hindi kaya nalahian si doris ng engkanto?

angkandiritnip0kw4ng said...

naniniwala ako sa aswang..di ko alam kung bakit eh hindi pa naman ako nakakakita non,ahahaha

everytime na natatakot ako...think seks lang ang ginagawa ko! iniisip ko ang pinakamasarap na nangyari sa sekslayf ko..ahh..ehh..ihh..ohh..uhh!!

Sendo said...

advanced ang halloween dito ha..pero winner ka pa rin! wicked na wicked pa rin hehe...kakaibang aswang tong nakwento mo...mahilig din ako makinig ng mga kwento tungkol sa aswang mula sa kanununununununuan namin..pero ung helper nanamin nagkukwuento samin..palibhasa..sa bundok daw kasi nila...at gumagala na daw sa siyudad ...ewan ko ba..iba't ibang klase na ung mga aswang ngayon...nagniningningang mga diwata tulad ng mga cullens..ahw haha

glen...palink ulit ha? nabura na ata ako hehe..nagbabalik na ako hehe

happy new year!!! ipagpatuloy mo hanggang 2012 ito haha....^^

Greta said...

taray ni doris..the precious one!laging pinagnanasaang matikman ng aswang?

pano ba ipronounce ung burhot? ung hot ba e as in "hawt" o hot na hinuthotan?

krn said...

di ko dapat to babasahin dahil matatakutin ako pero binasa ko na rin..hehe. gusto din mga aswang slash maligno stories..lagi ako nagpapakwento sa lola ko at madami din sya kwento.parang totoo talaga kasi sila mismo ang mga main characters sa kwento.sila talaga ang nakasaksi.mahirap man paniwalaan pero interesting talaga.

Emmaleigh said...

ang saya naman ng kwentuhan haha buong taon kayo magku-kwentuhan ng ganyan. haha

ang dami mo wento na katatakutan, ah. :p

Pong said...

lahat ng sinabi mo sir ay totoo, madami din akong firsthand experience sa mga ganyan maging sa sa barrio namin, kahit naman sa biblia ay nakalagay ang mga yan.

kaya ingat din.

be blessed po!

Diamond R said...

ang tindi naman ng mga kwentong kababalaghang yan. ayaw kong maniwala sa ganyan kasi pag naniwala ka daw mangyayari. takot ako.kasi meron akong kaibigan na actual na naranasan ang mga ganyan sa tingin ko naman di gawa gawA.

T.R.Aurelius said...

basta ako kung makakakita man ako or makakaramdam, chos lang!
wala naman akong ginagwa sa kanila kaya no reason para gambalaain nila me

;D

glentot said...

Yow aminin mo na, nag-crave ka ng ypsi sa kalagitnaan ng pagtulog mo at ikaw yung nakita ng nnay mo haha hmm baka original name mo eh Esteban

Gas ginawa mo naman akong amoy lupa haha

Maldito ayaw paawat sa mga "can we go back to basic" kyeme!

nyabach0i lahat naman yata tayo may takot talaga dun

Leo sigbin hmm nakakita na ako ng picture nyan online pero hindi ko maalala yung itsura. Tuta? Cute na aswang ito

aajao modern times na kasi ngayon kaya kapwa tao na ang kinatatakutan hehe

janice hmm ikwento mo naman kung ano yung nakita mo

vajarl haha ako rin no nag-Google pa last time kasi na-wrong spelling ako at ang daming nagcorrect sa akin parang mortal sin

Chingoy yung part of you na yun is your own aswang-ness haha joke

Axl nanay ko kaya ang kakwentuha ko

goyo oo no kasi sila hindi nila makuhang pagtawanan yung nangyari sa kanila lalo kung namatayan sila

MiDniGHt DriVer lagot ka!

Anna ahhh parang kumaw? yung nagkikidnap?

-mark- haha yung may "haaaaaigh!" to the tune of "I just need somebody to love"

Ungaz malamang kung pagbintangan kitang aswang, in denial ka rin gaya ng sabi mo? haha

KUMAGCOW haha gagu! baka sampalin nya ako at makakita talaga ako ng fireworks

Kamila ikwento mo naman at sabay-sabay nating i-analyze hehe

my-so-called-Quest magka-level pala ang aswang at si Voldemort haha ang mga bata ngayon, takot mabuntis

ISTAMBAY salamat! ikwento mo naman yung kakilalang aswang ng pudrax mo

kaye napaka-innocent nya kasi kaya sya lapitin haha

Yffar ano yung clone jutsu?

Pao ikwento mo rin sa blog mo

Jepoy buti pa ang Lola mo kapaki-pakinabang ikaw hindi. ikwento mo rin dali

NoBenta haha amazing story talaga? salamat

Avee ikwento mo rin dali!

hArTLeSsChiq haha oo malamang kung nagpatalo sila sa aswang nun eh di wala sana ko ngayon dito

Xprosaic hmm dahil sa clue mo na-conclude ko na... aswang ka? jk

glentot said...

Traveliztera haha bakit aaswangin mo ko? ikaw talaga lagi mong suggestion yang libro hehehe

Momel akala ko yung mga kwentong feel na feel mo eh mga aswang pero may elements of sadomasochism at fisting JOKE! haha hayup naman yung description mo sa aswang I bet naka-chinelas sila ng Havanas

YJ pakyu! manananggal ka kasi

Sean haha kakaibang aswang yan, mas nakakatakot!

Dhianz haha thank you at nagustuhan mo hehe

egG hmm actually kung may narinig akong yapak ng kabayo nun, magfe-freak out talaga ako

taribong haha gagu talaga yang si YJ eh panira sa buhay ko

khanto buti hindi biglang nagbrownout haha

Michael haha advance ba masyado!

Nimmy oo a-tapang a-tao may jungle bolo sa bewang ang Lola ko

Kiko haha pangitain ba ito na scary ang 2011? wag naman!

Spriral Prince haha! iwinaksi ko na sya sa eralidad ng kwarto ko!

Keatondrunk haha ako rin eh!

Klet Makulet ikwento mo naman yan sa amin!

Neneng Kilabot haha go ayos lang!

ahmer eh kasi kasi hindi ka naman nagbasa! haha

Reesie haha sana may makita ka para maniwala ka haha jk

APE kapag ililibing na, bago pumunta sa sementeryo, dun idadaan sa bintana...

silentassasin malamang buhay pa yun unless...

stevevhan huy, ikwento mo naman lahat yan!

empi gabi para feel na feel ang creepy atmospehere haha o diba ang daming uses ng talong

superjaid kasi diba matanda na sila effort naman knug mag-iimbento pa sila haha

Kaitee haha wala ka pala eh! hehe jk

Donato 1. oo lumipat na naman sya nakupo 2. collection nya kaya yun 3. gagu ka! hindi ako engkanto no. Pakyu ka talaga Donato you know!!!

Pokwang haha oo nga imbes na matakot ka eh kinalkal mo na lang ang sarili mong laman-loob haha!

Sendo ikwento mo naman yung mga folk stories mo!

Greta haha it's pronounced as "burrough" silent T ahahaha!

krn ikwento mo naman yung mga kwento ng lola mo

Emmaleigh haha wag naman, sa halloween na lang uli!

Pong kuya saang part ng Biblia ito, para matignan ko naman hehe

Diamond R ikwento mo naman yung nangyari sa kaibigan mo

T.R.Aurelius tama yang sinabi mo, basta wala naman silang ginagawa eh di live and let live

MARAMING SALAMAT PO SA INYO NA NAGTYAGANG MAGBASA NG MAHABA AT SA MGA TINAMAD LIKE JEPOY KEBS LANG AHAHAHA THANKS PA RIN!!! LABIA ALL SMOOCHCHUPA!!!

Mike said...

I for one never heard any scary stories from relatives. I guess growing up in Manila, you are told to watchout for the living (madurokot and magnanakaw), not the dead or these creatures of the night. But my yaya julia (can't remember what province she's from) has all these first hand experiences with such entities. Whether it's true or not, I don't really care. She just tells us these great stories especially during blackouts....hey, it beats boredom.

Oliver said...

angaleng, parang ung movie lang na jologs, hahaha.
pwedeng pwedeng gawing pelikula, =p

Nielz said...

Hahaha! Sa probinsya namin, kaswal lang ang aswang. Parang tanggap na tanggap ng mgga tao. Para lang silang mga taong may sakit na hindi mapigilang kumain ng laman ng tao. pero ibang lebel ang aswang sa amin, para silang mga vulture. more on corpse stealers. parang ganun. hinihintay lang nila yung mga may sakit na mamatay tapos hinuhukay niila ulit or kinukuha bago mamatay.. freaky..

runmdrun said...

Seryoso yung nangyari sa magkapatid? Trunk na lang ng saging yung nasa kabaong?! Wow, galing nun ah... pwedeng gawing movie! Seriously, ako, hindi na ako naniniwala sa aswang. Paliwanag sa akin, mga demonyo rin sila sa anyong katatakutan natin. Tanong pa sa akin, bakit daw walang manananggal sa ibang bansa? Sagot kong pilosopo, kasi wala silang visa. :D

Nakakaaliw ang mga ganitong istorya, hindi na yata uso pero sana may mag-kwento pa rin sa akin. Sabihin mang totoo or hindi, dito kasi mas lumalawak ang imahinasyon natin, yung kinukwento or binabasa mo imbes na napapanood na lang sa movie or TV.

damihan mo pa mga kwento mong ganito ah!

Anonymous said...

kalerki ang aswangels. ikaw pwede kita aswangin? char charlie davao!

http://akosicinderella.wordpress.com

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding