my top 5 memorable horror movie characters

Mahilig ako sa horror movies. Iba nga lang ang taste ko. Yung nakakatakot para sa akin, corny para sa iba. Yung nakakatakot para sa iba, nakakabwisit para sa akin.

Ayoko kasi ng mga movies na ang element na pangsindak eh malakas na panggulat na sounds o paulit-ulit na dream sequences. Ayoko kina Jason or Freddie or Chuckie or Lotus Feet.

May mga ibang movies na humahalo sa bangungot ko. Sobrang galing kasi ng pagkaka-imahe ng character, na kahit ilang taon na ang nakalipas nung mapanood mo yung movie eh naaalala mo pa rin kung paano ka napamura sa kaba nung una mong napanood yun.

Eto ang list ng mga movie characters na ayokong makita sa dilim.

Carl Rudolph Stargher (The Cell)



Serial Killer si Carl, at nang mahuli sya ng mga FBI, na-coma sya bago nya masabi kung nasaan nakakulong ang latest victim nya. Para mailigtas ang biktima, humingi ng tulong ang FBI sa isang psychologist (played by Jennifer Lopez) na gamitin ang isang advanced technology para mapasok ang utak ng killer at makuha ang information.

Pagpasok nya sa utak ni Carl, yang mga nasa picture na yan ang na-encounter nya - ang visualization ni Carl sa sarili nya, kung saan sya ang hari sa sarili nyang kingdom at pwede nyang gawin lahat ng gusto nya. At marami syang costume changes, malulula kahit si Lady Gaga.

Kailangan mong mapanood ang movie para maramdaman yung buong fear of being trapped sa isang lugar kasama ang isang serial killer. At kayong dalawa lang doon.

When to watch: Kapag trip mong mag-reminisce ng late 90's movies. Or kung gusto mong makanood ng pelikula ni J-Lo na hindi chick flick.

Watch this scene, kung saan unang nakilala ng bida si Carl:



The Last Zombie (REC)



Speaking of being trapped, itong movie na ito ang ultimate horror movie para sa akin. Hindi ako mahilig sa zombies, lalo kung ang ipapanglaban ko ay plants, pero exception to the rule itong REC.

Sumama si Angela, isang reporter at ang kanyang cameraman sa mga bumbero para mag-respond sa isang 911 call sa isang apartment building.

Pagdating sa loob, sinara ng ang building at na-quarantine, dahil may nakakahawang sakit na kumakalat sa loob. At lahat ng naiinfect, nangangain ng tao.

Para makalabas sila Angela, binalak nilang dumaan sa attic. Kaso may zombie dun (yang nasa picture). Buti na lang madilim, hindi sila makita ng zombie, kaya hindi nya alam na may tao. Kaya tahimik lang sila Angela habang palakad-lakad sa tabi nila yung zombie.

Ang hirap ipaliwanag, panoorin nyo na lang. Or imaginine mo, nakaupo ka sa isang sulok at yang nasa picture eh palakad-lakad sa harap mo.

Ang hirap ipaliwanag, watch mo na lang ito for full effect:



When to watch: Kapag mag-isa ka lang sa bahay, and you want to give zombies a chance...

Sadako's Mother (Ring)




Ang power ng movie na ito ay hindi sa special effects o sa panggulat na sounds, kundi nasa istorya. Atmospheric ang scare nito: tahimik, calm, peaceful. Na kung iisipin mo eh mas nakakatakot.

Halimbawa, yang scene sa screenshot. Napakasimpleng gawain ang pagsuklay ng buhok, pero iba ang dating ng eksena na ito sa movie. Napaka-sinister ng nanay ni Sadako. If I know sya rin ang naghukay ng balon.

When to watch: I don't know about you but I watch this every year. Annual tradition???

Count Dracula (Bram Stoker's Dracula)





Hindi rin ako mahilig sa vampire stuff, pero exception uli itong classic na movie na ito. Napakaraming scenes dito na pwede mong mapanaginipan: si Count Dracula gumagapang sa walls na parang butiki.

Ang anino ni Count Dracula na gumagalaw mag-isa...

Ang hair and makeup ni Count Dracula...

Eto yung paborito kong eksena kung saan unang nakilala ng bida si Count Dracula:



When to watch: Halloween night, or any weekend night, matapos magsex. Alangan naman before???

Lilia Cuntapay (Shake, Rattle & Roll IV)



OK, ipilit mong hindi ka natakot ni Lilia Cuntapay kahit minsan sa buhay mo.

Sayang lang hindi ko ma-screenshot yung mismong eksena kung saan si Ai-Ai at ang anak nyang si Teks na natutulog sa bangketa eh nanginginig sa takot habang palakad-lakad sa paligid nila si Lilia Cuntapay.

It turns out si Aiko Melendez ang manananggal. Pero kay Lilia Cuntapay pa rin ako natatakot. This bitch is a hall-of-famer.

Special Mention:

Satan's Baby (The Passion of the Christ)



Sinong hindi natakot sa baby na ito? This scene is supposed to signify ang pangungutya ni Satan kay Jesus Christ: inaalagaan nya ang baby, samantalang si Hesus, iniwan ng kanyang Ama sa langit.

This is one of the best/scariest moments sa film, looking past yung torture at crucifixion.

Naalala ko tuloy nung pinalabas itong movie na ito sa SM. Niyaya ako ng bestfriend kong manood. Bumili pa sya ng pop corn. Ayun, umiyak kami habang nanonood... pero kumakain pa rin ng popcorn.

What about you, sinong horror movie character ang bumagabag sa iyo?

Thanks Kids! Bye.

72 comments. Post your comment here.:

Reesie said...

first?

Reesie said...

at first nga! woohoo!

hindi ko kinaya si Lilia Cuntapay! Yun pala pangalan niya. Lahat nlng ata ng horror movies sa pinas ay andon siya. haha.

ang pinakakatakot para sa akin ay si Sadako mismo.

at ang movie na di ko talaga kayang panoorin ay agn The Grudge yung Japanese version. Di ko matapos tapos dahil sa takot. hehe.

Athena said...

ayoko ng horror.di ko sila kayang panuorin. hehehe

Supladong Office Boy said...

ngayon alam ko na kung SINO ang mga panakot sa'yo. hahaha!

at paano mo nalaman na Lilia Cuntapay real name nya? avid fan? lol.

tabian said...

naalala ko tuloy yung eksina sa shake rattle and roll na naglalakad si alma moreno yata yun, tapos pag mapadaan sa punong niyog nagiging si Lilia...waaaaah!!

mike said...

no linda blair??

Yj said...

ang scariest character of all time para sa akin ay hindi galing sa isang horror movie... kundi galing sa Philippine Blogosphere...

Si Andy!!!!

sinong hindi masisindak sa kasuklam suklam at karimarimarim niyang pagmumukha?

:))

-mark- said...

Hahaha, Ako pang no.1 si Lilia Cuntapay talaga. kaya nga fan ako niya sa facebook eh.. I love her.

The Gasoline Dude said...

Kung si Lilia Cuntapay na lang ang kaisa-isang babae sa mundo, papatusin mo? LOL!

I love horror movies as well. My favorite characters: Pinhead from "Hellraiser", Damien from "Omen", at ang ever-famous, Cristy Fermin lookalike, si Undin. LOL!

Ako si Yow said...

Una, ampangit pa ni J-Lo dun. Shet. Di ko sure kung luma. Haha. At nakakatawa yung machong may suso. Pambihira!

Pangalawa, di ko sure kung anorexic si Ateng Zombie. Haha. War freak pa at nangbabambo pero mukhang ang ganda nung movie. Maidownload.

Pangatlo, nakakatakot nga yung nanay ni Sadako. Silang dalawa ang dahilan kkung bakit lahat ng hapon na mahaba ang buhok eh mukha ng nakakatakot at multo kahit buhay pa naman. Haha.

Pang-apat, skip read.

Pang-lima, shet! Haha. Yun pala pangalan niya, kinatandaan na niya ang pagiging white lady ng Pilipinas. Haha. Siya na! Andoy, in love ka ata kay Lilia. Haha.

Last, hayup na bata! Sarap ibambo, bigla ko tuloy naalala nga to nung pinanood ko. Haha.

Mahilig din ako sa horror. Mas kaya ko yung horror kesa sa Human Centipede like shits. ITO ay isang blog post. BOW!

- A n g e l - said...

Winner si Lilia Cuntapay. Sha rin yun multo sa movie ni Kris Aquino na Yaya diba? Shake Rattle and Roll din ata yun! Siyet!

Spiral Prince said...

wait, diba..Quarantine ang pangalan ng movie na yun? REC is new to me. :O Pero oo, maganda yung movie na yun!

Neneng Kilabot said...

@spiral prince - spanish version yung REC :)

ok tong list mo ser.. ahihi mejo pareho tayo.. isa din ang rec sa paborito kong horror movies...

btw napanuod mo na ser ung rec 2? try mu ser.. ok din yun.. me kadiring part si angela tsaka yung mother zombie na yun.. hehe

MOKS™ said...

wala yung babae sa Shutter? at sa Coming Soon? heheh nakikialam...

fetus said...

seen the ringu 1, 2 and 0. kahit tanghali na, nanuod akong nakatago sa pintuan.

i haven't seen any other film as sinister, as creepy, and astutely scary as this one.

tama ka, nasa istorya at ang creepy silence with matching sharp rise of high-pitched tones make it scary. kahit nakita ko lang tong picture na nagsusuklay, biglang nagbago ang disposyon ko. mula saya, naging takot. tsk tsk tsk tsk

domjullian said...

the best si Lilia Cuntapay. Alamat na. Dapat nga may solo at launching movie na cya bago madedbol.

Pong said...

hindi ako fun ng horror films pero nung nagorganized kami ng film showing ng org ko sa school yung Ring ang pinapanood namin, at talaga namang kakatakot, sabi mo nga hindi yung panindak na sounds or effects (inulit ko lang hahaha) yung story at yung mistery nito.

pero ayoko talaga ng horror lols.
pero pinapanood ko nung bata ako yung Magandang Gabi Bayan yung November 1 Special nila kakatakot din yun. at wala ng papantay pa sa maalamat na si Lola Cuntapay!
bow!

Pao said...

Hahahaha. Haven't really seeen any of this films and I don't know why. Trip ko din naman ang horror, I'll try to download some and watch. hehe

Diamond R said...

di ako mahilig sa horror movies kasi napapanaginipan ko ang mga ito. YOng satan's baby di ko makalimutan ang itsura nito.

Momel said...

Ay putaaaaaaaa

aaaaaaaaaaaaaa

aaaaaaaaaaaaa!

Title pa lang eh alam kong maglalaway ako dito sa post na ito. Ngunit ni-browse ko pa lang siya, at medio di ko napansin yung mga bet kong characters. Tsaka na yung himay na comment, may lakad ako at hindi ko makita yung bra na terno ng isusuot kong packaging tape.

Basta may follow up to!

Muahness from Pasig Citehh!

goyo said...

Lilia Cuntapay for the win!

Hindi na ako matatakutin masyado, ewan ko ba. Hehe. Pero ayoko namang may magbiro at biglang may magpakita..

Matthew said...

nakakatakot yung babae sa Orphan, with the russian accent hahahaha.

Nielz said...

ay hindi kasama si Freddy.. hehehe yung sa nightmare on elm street..

anyway, wala ka bang top 5 chick sa chick flicks? tutal february naman. hehehehe

si hannibal lecter pala nakakatakot din! pakshet sya!

Robbie said...

The Cell. Feeling ko closeted na bading yung criminal na yun. Talo pa nga si Lady Gaga.

REC: natakot ako ng sobra sa last scene na yaaaaaaaan! as in nung nakita ko yung glimpse nung zombie napatili na ako.

May idadagdag ako na character sa list mo although hindi siya horror film. Yung sa Pan's Labyrinth. Yung nasa banquet na nasa kamay yung mata. Napanuod mo na ba yun? For me sya ang scariest.

russ said...

nice list pero di ko talaga type horror movies kaya wala akong list..hehe..

Michael said...

Dapat simulan mo ang isang fans club para kay manang manananggal, Andoy, at talagang alam mong Lilia Cuntapay ang pangalan niya?!?!

Natatandaan ko pa iyong scene na iyon sa Cell kahit hindi ko matandaan ang buong story. Natawa nga ako dahil talagang may kurtinang hinahatak si ateh sa likod. Hindi naman ako natakot sa palabas na iyon.

Kung nakakatakot na sa iyo ang ina ni Sadako, mas natatakot naman ako kay Kayako at Toshio, iyong sa The Grudge. Lintik iyong batang iyon, nasobrahan yata sa pagkain ng adobong pusit kaya ang itim ng bunganga!

Maldito said...

Gustong gusto ko yang The cell. yan ang mga tipo ng movie na kinocollect ko..ahehhee..grand kasi yung mga costume.i think lady gaga took it personally.lols.

Lio Loco said...

astig 'yang the cell na 'yan. siyempre ang isa pang factor kaya ko pinanood eh dahil sa wetpaks ni j.lo. hihihi!

pinanood ko 'yung zombie clip. nakakatakot nga. nyay!

at hindi ko napansin 'tong satan's baby part sa passion of the christ. mapanood nga ule.

Vajarl said...

Nakarelate lang ako dun sa The Ring. Dahil ayoko ng horror movies. Takot me much. Pero ako ang hemophobic na nanunuod ng madugong movies. Weird lang.

Binangungot ako sa Exorcism of Emily Rose dahil sa ending eh nagsabi sila na based on true story. Ayoko ng ganon, mas naiisip kong pwede mangyare ren saken. Punyeta, nagigising ako ng madaling araw na nanginginig!

Ungaz said...

Powerful ang sadako thingy at ampotang the grudge...Ilang gabi din akong di makatulog non. Mas trip ko ang mga thai, japanese horror films.mas effective e...try mo din yung coming soon tzka alone.hahaha!!

Nishiboy said...

Naalala ko yung kwento nung isang critic na pinoy. Nakasalubong niya daw si Lilia Cuntapay sa corridor ng isang tv station. di niya daw kinaya. takot na takot siya. lol.

at natakot ako kay satan sa the passion. kay satan mismo. at babae pala siya, kanina ko lang nalaman. haha.

Anonymous said...

Hindi mo nasama yung creepy pale man sa Pan's Labyrinth! Yun ang scariest ko! Sayang lang hindi ko mape-play yung video, gamit ko phone ko eh (hambog moments lang, hehe) Mamaya papanoorin ko yung mga video at magko-comment uli ako kung talagang nakakatakot.
-runmdrun (hirap mag-comment dito kapag wordpress, domain discrimination?hehe)

Anna said...

Nyahay, hindi ka natakot sa undin at yun halimaw sa banga? nawiwiwi ako kapag pinapanood ko yun. T_T

runmdrun said...

as previously promised, binalikan ko ito para panoorin ang video. hmmn, the zombie girl is scary pero may element kasi na "hindi sila naririnig?" pero kung papanoorin mo yung sa Pan's Labyrinth, yung creepy pale man na yung mata ay nilalagay niya sa kamay, i bet you'll scream like a girl. not that I did when I watched it. maybe a little.hehe

Super Balentong said...

lately na lang ako nahilig sa mga horro movies, pero pinaka epektib talaga sa akin si Lilia Cuntapay! panalong panalo.

iprovoked said...

haha, natawa ako kay aling Lilia! LOL. Bata pa lang ako takot na ako sa kanya but I saw her in person, ganun pa rin, natatakot pa rin ako sa kanya. haha..

Hindi kasi ako matatakutin masyado kaya walang effect sa akin ang mga horror movies, pakiramdam ko kasi lahat sila scripted at predictable. lalo na yung mga zombies at yung mga multo ng mga asian. haha. Pero gusto ko yung shutter. :D

poks said...

yung totoo..hindi ko binasa..sowee naman glentot at talagang magkabitakan na ng pekpek..di mo ako mapapanood ng mga horror na pelikula!!!

bawi ako next entry...ahahaha

khantotantra said...

yung nanay ni sadako na nagsusuklay ay nakakatindig balahibs lalo na kapag solo at gabi mo papanoorin ang horror film.

Dun sa isang pic, sya yung laging matandang whitelady sa mga pinoy horror. Pero may eksena sya minsan na nakakaawa, napagkamalang aswang lang sya.

Ang Babaeng Lakwatsera said...

Hindi ako mahilig manood ng horror movies kase natatakot ako mapanaginipan sila.. tinry ko yung the ring yung kay sadako sobrang curious ako kc sikat sya eh.. pero hindi ako nakatulog ng ilang araw.. kaya hindi ko na inulit manood ng horror..

emmanuelmateo said...

napanood ko yung the cell.pirated nga lang hehe

Greta said...

bat ung rec katulad ng qanung guarantine?ganun din eksena lalake nga lang ung zombieng payat!

gusto ko mapanuod ung cell at abangan mga costume nya!beki ba yu?intrigera?

Kamila said...

Naalala ko dati yung sa the grudge.. pagkatapos ko panuorin yun.. buong taon akong tumatakbo sa hagdan papunta kwarto ko kase ayuko mag-muni..mapatingala sa mga bakal sa hagdan.. kase naiisip ko yung bata sa the grudge.. nung nakasilip siya sa mga grills nung hagdan.. ewan kung alam mo yun..

at totoo lang lahat ng horror story sa kin... nakakatakot.. kahit ano.. hahaha... pagtingin ko nga lang sa The Ring dito kinikilibatutan na me.

Pero natawa naman ako sa pagmumukha ni Lilia... feeling ko kung may maeencounter akong ganyang mukha in real life.. okay lang.

Kamila said...

WAAAAAAh at tama si MOKS.. bakit wala yung sa SHUTTER at sa coming soon..?

mots said...

yung lola sa drag mo to hell.

nakaktakot, nakakatwa, nakakadiri.
___

saka yung case manager ni keanu reeves sa devil's advocate. wala lang. (maikling scene pero kakatakot)

*ewan, di ako mahilig sa horror. porn lang

Gideon said...

Takot ako dati ke Natre sa Shutter. Pati yung ke Toshio sa Grudge. >.<

Donato Cantupay said...

dapat ko pa ba kong mag comment? HAHA!

jobologist said...

salamat glentot nalaman ko na rin ang tunay na pangalan ni aling aswang .... Lilia Cuntapay hehehehe

KESO said...

jusko. mukhang makakasama sa panaginip ko ngayong gabi si aling lilia. :|

KUMAGCOW said...

Glennglenn,I don't know if I'm going to be amused kasi una porn tapos ngayon horror na naman... bat hindi na lang ipagpatuloy ang mga nakakatakot na kabanata na ito with sasha fierce in the picture heheh

Lee Flailmarch said...

That scene with Satan just walking among the crowd was freaky too. And yeah, that baby and those two kids na kamukha niyan when Judas was hallucinating already.

And I have to agree about Sadako's mom too.

ced said...

bram stoker's dracula's one of my favorite movie. pero yung satan nga ang creepy talaga.

athena said...

ay nku nkakatakot tlga pg horror..(kaya nga horror eh) hehehe....
by the way this is my new blog...

mots said...

naku glen si tyo kardo ay karlo na ngayon. hahaha para may class

Momel said...

Heto naman ang list ko. Hindi naman kailangan recurring diba?

1. Yung puppets sa Puppet Master series.
2. Freddie Krueger
3. Baby and Captain Spaulding sa Devil's Rejects (sequel ng House of 1000 Corpses. Ay powerful to Glenn, you should watch this. Psychopath serial killer shit.)
4. Pinhead sa Hellraiser
5. the Cryptkeeper ng Tales from the Crypt Series (di siya movie, pero comedy tong tarantadong to eh)
6. yung earthworms sa Tremors series (rakenrol eh)
7. si Undin sa Shake Rattle and Roll. I'm sure may cult following tong ka-cheapang puppet na to.
8. Ichi the Killer (kasi wild na wild tong manyak na to eh. Ikaw na pumatay ng may tari sa sapatos diba? Mr Talent!)

Marami pa to, pero heto ang mga naisip ko off the top of my head.

Cheers Glentot! Muahness from Pasig Citehh!

glentot said...

Reesie haha base... actually pag may napapanood akong local horror si Lilia agad ang hinahanap ko haha

Athena alam ko kung ano gusto mo, chick flick

Supladong Office Boy Haha actually naalala ko nung bata pa ako matapos yung isang movie na kasali sya, inabangan ko ang credits at hinanap ang name nya, at natandaan ko na...

tabian oo nakakatakot nga yung movie na yun, yung nasugatan sya tapos ginamot nya ang sarili nya gamit ang shell, tapos si Manilyn sigaw nang sigaw ng "Kathleeeeeeeeeeeeeeeeeeen"

mike di ko pinanood yung original na Exorcist eh hehehe

YJ haha hanapan talaga ng paraan para tirahin si Andy

mark oo nga nakita ko nga noon Like mo sya

Gasul hahaha ikaw muna ang sumagot ng tanong mo haha si si pinhead natakot ako sa cover pa lang ng VHS kaya hindi ko na pinanood

Yow haha bakit nilampasan mo yung Dracula! Natakot ka much?

Angel haha basta matandang creepy, si Lilia Cuntapay agad ang unang cast

Spiral Prince REC is the Spanish original, Quarantine is the remake...

Neneng Kilabot tama! salamat at sinagot mo sya hehehe may REC 2 na nga pala, idodownload ko yan!

MOKS yung babae sa shutter kasi naawa ako sa kanya... yung coming soon naman hindi na nag-showing dito haha hanggang coming soon na lang

fetus hahaha dapat tayong magdaos ng annual viewing ng Ring

domjullian Oo nga this time drama naman, hindi na laging aswang ang role nya

Pong oo mas makapanindig balahibo yung atmospheric ang dating ng takot... oo yung mga lumang Magandang Gabi Bayan eh nakakatakot, ngayon ba meron pa nun?

Pao go ahead and tell us what you think!

Diamond R naku wag mo isipin masyado para hindi humalo sa dreams mo

Momel hahahahahahahaha gagu ka talaga napatawa mo na naman ako sa comment mo!!! packaging tape putangina ka talaga Momel I love it!!!!!!!

goyo nalampasan mo na siguro yung age of innocence joke heheh ako nga hindi na rin masyado natatakot kahit mag-isa lang ako sa bahay... pero ayoko rin naman silang i-challenge na magpakita

Matthew ah si Esther ehehe hindi ko pa kasi napanood yun eh

Nielz wala pa akong napanood na Freddy Krueger movie eh hehehe chick flicks! that gives me an idea!!! for feb nga hehehe just in time for Valentine's

Robbie The Pale Man... I had to remove him sa list kasi gusto ko 5 lang (arte) hahaha pero kinabahan nga rin ako dun sa scene na yun...

russ chick flicks ba ang hilig mo

Michael inabangan ko sa credits ang name nya hahaha napanood mo rin pala yun, siguro nakasindi lahat ng ilaw kaya hindi ka masyadong affected ahaha

Maldito hahaha nainspire sya masyado!!! Sana gayahin nya yung costume nung Amazonang wrestler

glentot said...

Lio Loco hahahaha dun ka nagfocus! yung zombie clip, watch mo yung buong movie... I suggest yung English version dahil magaling ung actress

Vajarl anong parte ng buhay mo ang nai-relate mo sa the ring? nagsusuklay ka rin ba sa oblong na salamin??? hehehehe ah oo nga ung exorcism ni emily rose kaso hindi naman visible ung antagonist dun... at baka epileptic nga talaga si Ateng...

Ungaz powerful!!! oo gusto ko rin mga thai horror! magsuggest ka nga ng maganda, yung phobia 1 and 2 pa lang ang napanood ko eh go!

Nishiboy haha ako man siguro kung si Lilia Cuntapay ang masalubong ko, baka mag-freeze ako. O rly??? babae yung gumanap kay Satan? interesting...


RunMDRun Kasama yun, inalis ko lang hahaha... kasi hindi horror (hindi rin horror yung Passion pero nilagay ko na sa special mention)...

Anna haha bata pa ako nung napanood ko sila kaya hindi ko na malaala pero hindi ako natakot kay undin kasi naawa ako sa kanya

RunMDRun narinig kaya sila kinain nga sila eh hehehehehe pero diba imagine yourself in that situation na palakad lakad ung zombie sa paligid mo...

Super Balentong blind date gusto mo? I-sesetup kita... Her initials are LC...

iprovoked buti ka pa nakita mo na sya!!! i envy you!

poks kasi naman understandable kasi alone ka nowadays kaya ayaw mo ng horror hihihi pero alam kong mahilig ka sa MONSTER!

khanto oo tumindig talaga balahibo ko sa kay Ateng nanay ni Sadako... hmm yung tinutukoy mo bang eksena eh yung kay Ai Ai?

Ang Babaeng Lakwatsera haha nagka-insomnia ka tuloy nang di sinasadya

emmanuelmateo OK lang ako nga ni-stream ko lang yun eh hehehe

Greta yung REC Spanish original, yung Quarantine English remake... hindi beki yung kriminal no... mahilig lang talaga sya mag-dress up

Kamila oo alam ko ung scene na yun yung batang boses pusang dinadaganan hehehe ahh kasi yung sa shutter naawa ako sa ghost, at di ko pa napanood ung coming soon... soon siguro

mots haha naasar nga ako sa matandang yun eh, kadiri ang ngipin hihi hindi ko sure kung napanood ko na ung The Devils Advocate parang oo na parang hindi... haha

Gideon ayun natre nga pala ang name nya haha pero hindi naman ako natakot masyado sa bata sa The Grudge medyo nakarelate ako sa kanya

Donato naku wag na manlalait ka lang ahahahaha

jobologist search mo sya sa FB!!!

KESO wag mo isipin masyado baka maka-jamming mo sya hehehe

KUMAGCOW hindi ko na kasama sa bahay si Sasha Fierce kaya wala pa akong kwento tungkol sa kanya hehe

Lee Flailmarch I think The Passion of the Christ was done well and those scenes made it more memorable

ced haha ilang beses mong inulit ung Dracula???

Athena checking...

mots aba aba aba Karlo na pala!!! chuchal!!!

Momel sa list mo, ililist ko lang ang mga kakilala ko:

Pinhead - although hindi ko pinanood, natakot ako sa cover ng VHS ng movies na yun kaya I didn't dare
Undin - naawa ako sa kanya pramis lalo nung lumangoy na sya sa dagat at nag-wave byebye!
Ichi - San ka nakakita nga naman ng killer na effort pumatay!!! pinahirapan ang sarili, at may guilt issues pa sya!
The Cryptkeeper ahaha i love that series, at may movie kaya yun!

THANKS PO SA INYONG LAHAT MWAHMWAH SMOOCHCHUPA!

Ayie =) said...

Akala ko mas takot ka sa cheesy lovestory movies?

ro anne said...

simula nung napanood ko ung the ring (japanese version) hindi na ako natakot sa kahit na anong horror movies. ang lupit lang nung nakaisip na ung pinapanood mo na halimaw lalabas sa tv. sinong di matatakot nun? hehe

tim said...

Madami na din. But i shift my style sa good movies na. hehehehe

VeeBee said...

sakin si Kana ng Noroi ang pinakanakaka-LSS na scary movie character... nakakabadtrip yun pag sumasagi uli sa utak ko itsura nya...

Raft3r said...

no hannibal lecter?

Jag said...

The Cell and Rec are interesting...kailangan ko ding mapanood yun...

Pero wala pa ring tatalo dito sa cbox mo, BOX OFFICE!!! Woohooo!hehehe...

Reina (The Pink Fence) said...

- yung ring nakakatakot talaga yun. naging icon na si sadako sa sobrang ganda ng horror story.

- yung rec movie, diko natapos yan before (dvd), kasi ang panget ng nakuha kong copy kuya. nakakainis.

- kuya my all time favorite suspense/horror movie director is m.night. all his old suspense horror films are my favorite

- lastly, thanks po sa birthday greeting mo sakin! more power ❤❤❤

Artiemous said...

klasik talaga si undin para sa akin! :D

Ester Yaje said...

baby ba talaga yan? parang unano lang eh. hahaha. true, nakakatakot yang satan's baby.

krn said...

hindi ako mahilig sa horror. ayaw!!! hehehe pero katakot nga yung baby na yan, napanood ko.

APE said...

tapus basahin tong entry mo. ngayon ko lng narealize na bago pa ung concept ng inception, nauna na pala ang THE CELL. hahaha. anu ka ngayon Christopher Nolan!

si MARY WALTERS ang tanging horror chracter na nagpatindig ng balahibo ko.

nieco_speaks said...

sobrang aylabet. naiyak ako sa kakatawa (ka oa-han) sa segment tungkol kay lilia. nice one. ^__^

egG. said...

LILIA CUNTAPAY FTW!!! F

ngayon alam ko na ang real name niya... kaloka lang!!!! hahaha..

nung bata pa ako nakikita ko na siya.. akala ko aswang talaga siya... un pala tao din pala.. hehehe :D

Sendo said...

gusto ko panoorin ang the last zombie..ngayon po lang naulinigan yan ...interesting..magpapatanim ako ng maraming pea shooters kapag pinanood ko na yan...at super winner si lilia cuntapay...i didnt even know yun pala pangalan niya haha...yumayaman siya until now bilang lola long hair

VICTOR said...

may uncanny resemblance between satan's baby at yung unano sa austin powers.

Traveliztera said...

pag uwi ko jan nood tyo ng horror movie A!


yang si lilia cuntapay--since bata ako, SIA NA MUMU SA UTAK KO ... nameet ko sia sa movie ni kris aquino na yaya nung bata ako at naalala ko pa na may picture sia dati sa cubao area nung pinopromote ung shake rattle and roll na may YAYA na episode. 4 yrs old ako non.

ung sa REC, napanood ko lang ung american version na quarantine and nakakadiri yang zombie na yan. mahilig ako sa zombies btw. :P

and ung kay sadako's mother--OO MAS TRIP KO TONG SCENE NA TOH. dito talaga ako nadisturb. AS IN. ung japanese version a. ayoko ung sa american version. super eery nito man.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding