vintage glentot

Hey Kids. Last Christmas eh naisipan kong magkalkal sa mga baul-baul at may natagpuan akong mga kasumpa-sumpang litrato. Sobrang luma na kaya inabot na ng moisture kaya naisip ko na bago sila tuluyang masira eh kailangan ma-preserve ko sila at ma-share sa iba dahil parte sila ng history.

Dahil wala akong scanner, kinunan ko na lang sila ng picture para magkaroon ako ng soft-copy, kainin man ng amag ang pictures. Gusto ko lang kayong bigyan ng konting peek sa buhay me noong batang paslit pa lang me.

Eto ang mga gigs ko nun...



Limang taong gulang ako noon (with bangs) at graduation yan ng Day Care. Dahil first time kong ga-graduate, pakialam ko ba sa mga kaganapang yan? Basta meron akong medal at kailangan kong umakyat sa stage at mag-speech para ma-inspire ang aking mga fellow graduates na ayusin ang mga tae-tae nilang buhay. (Ayun last time I checked mga patapon na sila.)

I think yung Tita kong teacher rin sa school na yun ang sumulat ng speech. Bilang preparasyon, sinulat ni Doris yung speech sa likod ng malaking kartolina para maisaulo ko. Ang haba nun at English pa, pero kailangan ma-memorize ko yun, bawal ang kodigo.

Nang kunin ang larawang yan, kunot na ang noo ko sa kalagitnaan ng pagsasalita, at makikita mo sa aking facial expression kung paano ko na-master ang speech................. not. Malamang nakatingin ako kay Doris my mudrax sa audience at humihingi ng clue kung nasaan na ako banda sa putanginang speech na yun.

Actually meron pa akong isang event nung kinder... nag-parade kaming mga kids na may hawak na hula-hoop. Si Doris, sunod nang sunod sa parada kasi nagta-tantrum ako kapag nawawala sya sa paningin ko. Sa gitna ng parade, umulan, pero pinalakad pa rin kami. Matapos ang parade, bumalik kami uli sa school kasi may dance number pa kami, gamit pa rin ang hula hooop, to the tune of "Chiquitita" by ABBA -- at umuulan pa rin.

Gusto ko lang sanang ipagbigay-alam sa mga kinauukulan na pinilit kami ng school na magsayaw sa malakas na ulan. Awang-awa ako sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa audience kung saan nakatayo si Doris, nagmamaka-awa, Take me away from here! Iyak ako nang iyak habang hawak-hawak yung hula-hoop at sumasabay sa "Try once more like you did before, sing a new song Chiquitita..."

I swear kapag mura na ang gas babalik ako sa school namin at magkakaroon ng isang malaking sunog.

Sayang lang walang dalang camera si Doris nun. Nakita nyo sana kung paano ako nagdusa. Anyway eto pa yung isa kong pinagdusahan:



For sure namumukhaan nyo yang nakakasukang picture na yan sa aking previous post. Cub Scout ako nyan, at tinanggap ko na sa sarili ko na ang mundo ay puno ng pasakit, hinanakit, pagdurusa. Sana itinuro nila sa Cub Scouts kung paano magpakamatay.

Nais ko lamang ipaliwanag na ang sombrero ay yari sa makapal na papel, at yung "vest" naman ay yari banig. Na sobrang hindi makati sa katawan, as in hindi talaga. Hindi lang ako ang pinagsuot nyan kundi lahat kami. Ewan ko kung ano ang na-achieve ng mga nagpasuot nyan sa amin. Sana maayos na ang mga buhay nila ngayon.......................... sa bilangguan.

Kitang-kita sa facial expression ko sa picture na masaya ako nung araw na yun. Mula sa kunot ng noo hanggang sa ayaw paawat na pout. Mapapansin rin sa aking rigid posture na komportable ako sa pinasuot sa akin. Actually hindi ko naisip na bunutin yang flag sa likod ko at ihampas sa pagmumukha ng may pakana nito. Ang naisip ko lang noon eh sana bumuka na ang lupa at lamunin ako nang buo.

Actually meron pang isang event nung araw na yan. Yung putanginang sack race. Required kami lahat sumali. Wala na akong nagawa kundi isuot yung sako at tumalon-talon habang inuulit-ulit sa sarili ko, Think happy thoughts, think happy thoughts...



When this picture was taken, manhid na ako sa mga pighati. Lagi na akong naka-tune out at unaffected. Ang buhay ko ay isang sumpa at magwawakas rin ang lahat pagdating ng Taghukom.

May program kasi sa school at kailangan magparamihan ng pera sa pagca-canvass, tapos yung mga candidate eh paglalaban-labanin yung mga pera nila at magkakaroon ng title yung mananalo. Galit na galit si Doris nang malaman na isinali ako ng teacher ko. Masisisi ko ba yung teacher, eh ang cute cute ko. Paki-zoom yung pic kung ayaw mong maniwala.

Kaya asar na asar si Doris eh hindi naman sya mahilig sa ganyang event lalo kung may kaakibat na solicitation. Nag-ambag-ambag lahat ng kamag-anak at kakilala namin hanggang sa ma-achieve ko ang title na...

MR PEACE

Ang buhay nga naman. Mr Peace ampotah...

Tignan nang maigi ang larawan. Ako yung nakaupo at naka-prince na costume at base uli sa aking facial expression, mukhang nag-memeditate ako kung kelan magugunaw ang mundong kinauupuan ko. Yung guy na nakatayo sa tabi ko with the keempee hair ay ang aking Tito. Matapos ang event na ito ay hindi nya na ako kinausap muli, hanggang ngayon. Yung isa pang babaeng nakatayo sa right side na inabot ng amag ang hair ay Ninang ko sa kompil (yung church ceremony kung saan kokrompalin ka ng pari). I believe sya ang nag-udyok sa akin na isuot yung putanginang costume na yun. Hindi ko na sya kinausap muli, hanggang ngayon.

Pero mag-focus tayo sa katabi ko sa upuan, si Miss Peace Frances, na base sa facial expression ay hindi papahuli nang buhay. Labinlimang taon yata ang agwat namin sa edad pero hindi naman yun ang basehan sa pagpapares kundi ang na-canvass na salapi. At mukhang kinapos lang rin sya kaya Miss Peace lang ang na-achieve nya. Pero nakapag-invest sya sa gown na turtle neck, pati sa hair at syempre sa ayaw paawat na make-up. Meron pa syang chismosang crown kyeme.

Mukha na talaga syang Princess........................... na suicidal. Hindi ko na alam kung nasaang lupalop ng daigdig na sya ngayon pero parang gusto ko syang hanapin at ipakita ang larawan nya, sabay i-confront sya, "Ikaw nga si Miss Peace, pero di mo man lang pinanindigan. Ang dapat na title mo ay Miss Doom."

Masdan ang trophy ni Miss Peace at ikompara sa trophy ko. I think yun nga ang ginagawa ko nung kinunan ang picture na yan, tinitignan kong maigi yung trophy. At baka ito rin ang dahilan ng ngitngit ni Miss Peace, unfair ang tropy nya kasi mas maliit. Hindi nya pa natanggap na ang buhay ay puno ng pasakit, hinanakit, pagdurusa. O baka nagdarasal lang rin sya sa langit para sa isang tidal wave o kaya isang very nice na kidlat para matapos na ang lahat.

Actually meron pa akong isang picture sa event na ito, kung saan katabi ko naman si Miss Hope, yung kapitbahay naming toasted (negrita). Buti na lang, isa yung picture na yun sa mga nawala ko sa taxi, dahil ayoko na talagang makita yun kasi medyo close up, kitang-kita ang kuliti ko sa mata.

Opo, may kuliti ako sa event na yan.

Parang gusto kong lagyan ng caption ang pic!

Tito: Huy kuliti tumingin ka sa camera. *smiles*
Ninang: Ako ang nagdonate ng trophies, kabog sila sa ganda ko.
Glentot: Ako si Mr Peace!!!

Frances: Mga putang-ina ninyong lahat!
OK yan lang muna... next naman eh yung mga nude pics me noong batang paslit pa me.

Kthanksbye!
Mwachupa!
Smoochchupa!

Nagmamahal,

Mr Peace

62 comments. Post your comment here.:

nyabach0i said...

mr peace! hehe. sobrang laki ng flower keme mo sa barong!

Nimmy said...

wahahahaha! bumongga ka nung childhood days mo ha! alam na namin kung bakit naging ganyan ka. chos. hehehe

aabangan ko ang mga nude pics na yan! hahaha

Maldito said...

ahahahhahaa...w.ala ngang pinag iba ang pinag daanan natin glen...simula sa pangalan pati ba naman sa mr mr mr ek ek na yan....palagi akong king...kasi madatung ang tatay ko galing kasi ang pera sa mahjong o di kaya sabong.wahahahhaa...

mag move on ka na glen...to na ang simula na i let go mo na ang lahat ng kaboboyan ng mga matatanda na gumasa sayo niyan...lols

The Gasoline Dude said...

Hahaha Mr. Peace talaga?! Kung mabasa lang nila ang mga entries mo dito sa blog mo baka ipasoli nila trophy mo. At bakit nga mas malaki trophy mo kesa kay Miss Peace? Favoritism much?

my-so-called-Quest said...

glen! haha. salamat sa pics mo at sa post mo. haha. nakakenjoy balikan ang mga ganyan. hahaha. at si ms. peace, panalo! haha

tama si gasul kaya siguro nakasimangot si ms peace, maliit trophy nya. haha

rico de buco said...

ang galing galing naman..hangcute mo pla nung bata eheheh at may bangs pa hehehe..may pic din akong gnyan ung may bangs..uso ata nung kinder ung gupit na un parang mohawk lng..

naks palong palo hehehe.happy new year idol!

T.R.Aurelius said...

lakas ng kapit, daig ba ang miss peace sa trophy, ehehehe yang mga pictures na yan, nilay2belan ko na lang as,
karumaldumal pics, ewan q kung anu na nangyare sa mga yun dun sa bodega, ehehe

:D

Axl Powerhouse Production Inc, said...

whahaha ang kulit ng mha pics mo tsong.. sakit sa bangs hehehe...
happie 2011 :D

♥superjaid♥ said...

di ko mapigilang tumwa dahil sa mga pics at sa pagkekwento mo kuya hehehe paborite post ko na ata to hehehe

JasonPaul said...

mr peace? as in? hanggang dun lang talaga kaya nilang ipangalan sa award?

at mukhang papatay ng tao si miss peace.

at may picture din ako ng day care grad sa huling entry ko! lol. epal lang.

Anna said...

Natawa ako ng bonggang bongga. Para rin pala tayong sumali sa mga fraternities nung mga bata tayo. Ang tindi ng public humiliation! Haha

claudiopoi said...

tang ina glentot, di ko kinaya to! hindi ako nakapagtrabaho ng trenta minutos kasi tawa me ng tawa. tang ina lang!!!!!!!!!

hahaha. ang laki ng galit ni miss peace sa mundo! at in fairness, ay hawig nya si jinky pacquiao! hahahhaa!

mwahhhhhchupa!

ISTAMBAY said...

Mr. peace ha hahaha.. wholesome image pa yan ha, ang aabangan ko ang xrated vintage pics mo parekoy.. ahehehe

hArTLeSsChiq said...

akala ko naman kumakanta ka dun sa recognition day..parang sumesenyas lang na mahina yung audio..LOL

Sayang daw kasi yung hoola hoop kaya tuloy pa rin ang parade kahit huwag na daw kayo makapasok kinabukasan. :)

hula ko lang, hindi siya dapat ang Ms. Peace, kinulong niya lang si Mara kaya siya ang nandyan...Clara look-a-like siya infairness..hahaha

Neneng Kilabot said...

masarap talagang balik balikan ang mga ganyang moments lalo na kung me makakatabi ka tulad ni ms. peace na pasan ang buong universe..hahahah

***muka ngang galit sya.. tignan nyo kamay nya.. gigil na gigil parang gustong sapakin ninang mo ser..hehe

Kaitee said...

Napanindigan mo naman ang pagiging "Mr. Peace" up to now, diba diba?

KikomaxXx said...

haha laglagan to the max na talaga ito andoy.. hahaha sana naman at buhay pa yang si miss Peace at nabasa niya itong post na ito.. hahaha

Will said...

At dahil dyan, papalitan mo na ang pangalan ng blog mo. At Mr. Peace na rin ang itatawag namin sayo. Hahahahhaa!

chikletz said...

hahaha! ngayon naiintindihan ko na kung bakit puro hatred at puot ang nasa sikmura mo. hindi ka naman mashadong deprived sa mga special events noh? at least sinasali ka pa nila kahit ayaw mo. haha! :P panalo pa rin ung cub scout costume na hindi makati sa katawan. pramis hindi talaga!

KHEKZ said...
This comment has been removed by the author.
Yj said...

ang sarap upuan ng trophy mo!

Xprosaic said...

Huwaw! galing mo naman dami mo events nung bata ka pa... isa lang akong mere "school-goer" noon... lol... hehehehhehe

At hanep dami mo costumes... hehehehhe

krn said...

aabangan namin nude pics mo. hahah!juk. pero infairness kyut ka sa pics mo habang si ms. peace nagngingitngit dahil sa sobrang liit ng trophy nya. parang gusto kang bigwasan. hahah!

kikilabotz said...

napansin ko glen bagay kayo ni ms peace..bwahahahaha. todo simangot ang potah. nyahahaha.. ni rape mo yun alam ko after the corronation night. hahahah.

empi said...

sa sobrang pressured mo yata kaya di ka na nagpacute sa pangalawang larawan. hehehe!

ang taray naman ng katabi mo parang hindi bagay ng Miss Peace Frances siya. :)

Sean said...

dapat ang title nung katabi mo, hindi ms. peace frances. dapat ms. PISSED frances.

yung cub scout pic, para ka lang galing ng barbero, tapos di ok yung gupit kaya tinakloban.

at syempre aabangan naming lahat ang iyong murang katawan hahaha! peace, mr. peace!

khantotantra said...

baka mas madami kang nasolicit kaya mas malaki trophy mo :D

Jepoy said...

Structure kang putangina ka! Hindi ko nalunok ang chicken na kinakain ko habang nag babasa.. Natawa me sabi ko hihihihi

MiDniGHt DriVer said...

hehehe.. ayos sa attire nung cubscout aahh.. panalo.. hehe

-=K=- said...

Hahahaha, grabe ndi ko kinaya ang post na to. LOL. And yeah bakit ganun mas malaki yung trophy mo kesa kay Frances? Pasensya ka na, ndi ko talaga mapigilan e kaya ni-zoom ko yung pic! Hehehe. You made my day. LOL!

Peace out, Mr. Peace!

Oliver said...

syet pareho tayo, pinagkukunan ko thru cp ung mga pics ko nung bata nung umuwi ako sa pampanga.
pero hanggang facebook na lang sya, tama na sya dun haha.
in fairness, killer looks si ms peace. as in mukhang papatay, hahaha.

Kamila said...

Wala na akong ginawa kundi bumungisngis ng bumingisngis sa mga linya mo hahahaha..

pinaka-panalo naman talaga ng beautiful eyes mo at ang mukha ni Ms. Peace...

silentassasin said...

D ko maisip kung anong konsepto gustong palabasin ng nagpasuot sa inyo ng costume noong cub scout..parang pang white supremecists..hahaha

Ungaz said...

Ang masasabi ko lang...Mangya si Ms. Peace!!!Halatang nadaan talaga sa pera panalo.kung pgandahan yon ala na!Mas bagay ang Ms. Fish.LOL..At wala ka bang picture na nakangiti???Pambihira ang smile mo, mahirap hulihin??Whahahahahahaha!!!

Keatondrunk said...
This comment has been removed by the author.
Keatondrunk said...

wow isa ka palang beauty king, may final question rin ba hehe peace!

Ako si Yow said...

Pambihira si Ateng na Frances. Haha. Princess siya. Princess Fiona. Haha. O di kaya eh Binibining Undas. Haha. Eh title holder ka pala Andoy eh. Puno nga ng pagdurusa ang buhay.

Diamond R said...

sigi maghalungkat ka pa ng mga picture.nakakatawa naman ang kwento sa mga larawan ito.as in kung gaano ka laki naman si miss peace ganon naman ka liit ang trophy nia compare sa trophy mo.

Traveliztera said...

maghintay ka sa comment ko a. hahahhahahha

Nielz said...

"Try once more like you did before, sing a new song Chiquitita...

haggard,.. hahaha.. mas maganda yung the winner takes it all..

hahahaha ... nakakabaliw naman ang mga pinagdaanan mo. lol. no wonder disturbed ka ngayon. hahaha joke lang! hehe.. :D

Spiral Prince said...

Na traumatized ka rin pala nung bata ka pa. :)

orally said...

AHAHAHAHAHAHAHA PANALO!!!
super nakakatawa ang mr & ms peace portion. natatae si ms peace.

yung cubscout pic parang KKK lang

ku klux klan barangay chapter

DRAKE said...

Grabe ganyan pala ang hitsura mo nung bata,kaya mas naiintindihan ko na kung bakit ka bitter ngayong matanda ka na....dahil naisip mo halos di ka pala lumaki.LOLS

Ingat

Poldo said...

May kasumpa sumpang ala ala din ako katulad ng sayo nung bata pa ako..

malaking pasalamat ko kay Ondoy(bagyo) dahil kasamang inanod yung mga larawang yun... hahahaha


Sige ikaw na ang nagpapalaganap ng kapayapaan MR. PEACE!

Momel said...

Dear Titleholder turned Semi-Porn Blogger,

Unang una ay napakaraming katanungang nanatili sa aking isipan matapos kong maaninagan itong mga larawang iyong ipinamahagi. Saang aquarium niyo binulabog si Ninang? Nalunod ba si Ms Peace at parang manas ang fez niya? Bakit tila nagmamadali si Tiyuhing Gaway Gaway? May hinahabol ba siyang inuman? May photoshoot ba siya sa barangay hall? Uulan ba at naiwan ng mga kapitbahay ang kanilang mga sinampay?

Hindi nga, magrere-route ka ba talaga ng traffic dun sa cub scout picture mo?

Hay nakow Mr Peace, binigyan mo ako ng idea dito sa mga Bear Brand moments mo (♪I remember yehessterday, the world was so young!♫). Nainggit, well, na-inspire akong maghalukay ube ng aking mga childhood pics, at naalala kong meron pala akong pamatay pesteng picture nung kinder na kung saan ay naka-pekpek shorts ako na Adidas na pula. Marami na itong napatay na anay. Wait lang. Mag-ready ka ng panyo, strong ammonia, at ng isang mabuting kaibigang hindi ka iiwanan sa oras na panawan ka ng ulirat.

Magkita na lang tayo sa Megamall sa Linggo ano? Yung Ribblestrop tsaka yung The Beyond, dalhin mo ha? Ano yung surprise ko? Ahihi

Princess na suicidal amfotah! Ahaha! Paking syet about it anymore!

It's meh! Muahness from Pasig Citehh

scherbie said...

mukang super comfortable nga ang costumes mo nung cub scount days mo haha! halata namang naeenjoy mo, mr. peace. :)

- A n g e l - said...

Eh ang cute mo pala nung baby boy ka pa eh! Sarap kurutin ng pino sa cheeks. Joke lang!

Traumatic childhood... hahaha! Ako din may mga picture ng may hula hoop at nagsasayaw ng Lost In Emotion sa field demonstration sa school. Shite.

Pao said...

Mr. Peace pala huh. Lahat naman ng tao may frustrating shots nung bata, ikaw nga lang ang may bravery to post them all. hehe

Klet Makulet said...

Yo Mr. peace! Waddup! hehehehe Ang kuliot ng kwento sa likod ng mga litrato. May mga ganyan din ako pero parang wala akong lakas ng loob na ibalandra sa buong mundo hehehe. Peace! Buti di ka nilamon ni Frnce no? :P

ʎonqʎʇıɔ said...

They say the best villains aren't just evil. They need a back story filled with jealousy, rivalry or maybe intense mockery. Haha ito siguro ang magandang explanation kung bakit ka wicked. I love it! haha

I think imma start calling you mr. peace from now on. haha

Jepoi said...

Naks vintage!

Dhianz said...

i always have a free laugh everytime i read ur entry.... as in laugh na may tunog pah... sarap moh magkuwento... hangcute cute cute nga nang mga pixs moh eh... kaaliw lang... pinaka lav koh 'ung last pix.. haha... nde na akoh eexplain... lolz... btw nde mahaba ang entry moh... lolz... pero kahit mahaba eh lagi naman akong nagbabasa... or at least i think i'm readin' it... lolz... pix moh wafung glentot... sabi moh bibigyan moh akoh devah... nahingi akoh maghingi kaya prinay koh na lang eh.. lolz... sige kakahiya nah mahaba na naman ang komentz koh... later.. peace out.. Godbless!

Dhianz said...

oh btw hangwafu nang new profile pix ahh... nambola pa daw oh... haha... peace out! =)

Ester Yaje said...

lang ya! hahaha. tawa ang ako ng tawa. akala ng klasmate ko nababaliw na ako. hahahaha. the best ka talaga kuya glen. the best ka sa posing na parang wala ng bukas. hahaha

yoshke said...

"si Miss Peace Frances, na base sa facial expression ay hindi papahuli nang buhay."

tawang tawa ako dito! winner ka, Mr Peace! haha

Yffar'sWorld said...

bawahaha, panalo na naman tong pics mo! pero sayang wala yung may dala kang hulahup, parang mas interesante 'yong makita eh, hehe. XD

lugi nga si ms peace, ang laki ng trophy mo kumpara sa kanya eh - that explains her facial expression. XD

glentot said...

nyabach0i oo at actually makati yang keme na yan

Nimmy haha may rason nga kung bakit ako napariwara bwahaha eto na yun

Maldito hahaha hindi ko talaga la-let go ang mga pang-aabuso sa murang edad ko nun! bwisit talaga yung mga grown-ups!

The Gasoline Dude haha yung Ninang at Tito ko ang nagdonate nun at hindi ko alam kung bakit napakalaki ng binigay sa akin, mas malaki pa ata sa akin

my-so-called-Quest you're welcome haha maghahalungkat pa nga ako uli ng mga pics eh! gawin mo rin

rico de buco syempre cute ako ngayon dahil cute na ko noon pa... pakipost naman yung pic mong may bangs ahaha

T.R.Aurelius haha karumaldumal!! parang krimen lang which is totoo mga krimen nga ito! malamang nakain na ng molds yung pics mo sa bodega

Axl Powerhouse Production Inc sorry sa bangs mo...

superjaid haha salamat! favorite talaga?

JasonPaul haha hindi mo gugustuhing masalubong si Miss Peace sa isang madilim na eskinita nung gabing yun... ichecheck out ko yang pic mong yan haha thanks!

Anna oo nga sana pinatay na lang nila tayo habang maaga diba, keysa we have to go through life bearing all this pain char hahaha

claudiopoi haha 30 minutes worth of your salary pala ang katumbas ng post na ito... ire-imburse natin yan. at natempt nga akong iedit ang post na ito at sabihing Miss Peace went on to marry a famous boxer! smoochchupa.

ISTAMBAY hihi nagka-second thoughts tuloy ako na i-post!

hArTLeSsChiq haha hindi ako binigyan ng vocal talent eh! haha mukha ngang mananampal si Miss Peace pero mabait sya...

Neneng Kilabot hala nakonsensya nga ako, baka nga problemado si Miss Peace nung panahong yun. Dysmenorrhea?

Kaitee oo naman no peacemaker kaya ako at malamang mabigyan ako ng Nobel Peace Prize

KikomaxXx haha OK lang sarili ko naman ang nilaglag ko at sure na sure ako buhay pa si Miss Peace

Will Haha World Peace na ang blog ko!!!

chikletz haha kasi naman yung mga grown-ups nun, ginawa nila akong guinea pig ng mga costumes! that expains my life today hahaha

Yj haha matulis yan at may kawit sa dulo baka mahugot ang intestines mo hahaha

Xprosaic haha hanggang audience ka lang? pasalamat ka wala kang traumatic experiences no!

krn haha ayoko nang ipost lalaitin mo eh! salamat sa pagreinforce sa fact na cute ako haha

kikilabotz haha gagu! tignan mo naman ang height nya sa height ko! hahaha

empi kasi naman ang init-init nung putanginang costume, kasalanan ng mahiwagang neckerchief! Oo bagay daw sa kanya eh Miss Undas

Sean haha witty! Miss Pissed! at saklob sa ulo! napatawa ako sa comment mo haha impairness...

khantotantra haha hindi ko na maalala kung ilang milyon ang nasolicit ni Doris! Baka ginamitan nya ng dahas!

Jepoy ang plastic ng comment mong copy paste sa comment mo sa akin dati

glentot said...

MiDniGHt DriVer panalong panalo yan at karapat-dapat ipagmalaki

-=K=- hey K! nice meeting you! ni-zoom talaga! buti hindi hi-res ang pics hahaha! salamat!

Oliver haha matignan nga ang fezbuk mo! iblog mo rin no, every pic has a story behind it

Kamila salamat naman at panalo sa iyo ito at talagang beautiful eyes??? haha salamat!

silentassasin taeng-tae kasi ang konsepto nila sa buhay kaya nila naisagawa yan! KKK haha

Ungaz Maganda kaya si Miss Peace sa personal! Lalo pag hindi naka-turtle neck na gown... marami akong pic na nakangiti, up next!

Keatondrunk haha walang question and answer yan no at kung meron magmumura ako sa mic

Ako si Yow kung makalait ka naman kay Miss Peace! Maganda sya no! Kaya nga marami syang nalikom na salapi. Hindi basta-basta maging Miss Peace...

Diamond R salamat at naappreciate mo!

Traveliztera hahaha go alam ko busy ka now

Nielz haha alam mo yung song na yun!!! ABBA fan!

Spiral Prince traumatized is an understatement!!! Magmumukhang fairy tale ang SAW movie series sa mga pinagdaanan ko

orally ramdam kong natawa ka sa dami ng HA sa comment mo hehe at baka nga taga school namin ang barangay captain ng KKK

DRAKE fuck you! post mo kaya childhood pics mo, yung walang burahan ng mukha!

Poldo haha at least may magandang nagawa sa iyo si Ondoy

Momel hahahaha! gagu! hindi undin si Ninang, tao sya! At si Tito may lakad talaga yan kasi may pasyente! Dali ipost mo yang legendary pekpek shorts mo! Oo dadalhin ko yun!!! Paking syet about it anymore!

scherbie kitang-kita nga sa facial expression ko ang enjoyment and fulfillment hahaha

- A n g e l - syempre cute noon, cute ngayon! ganun yun! haha. Hmm Lost in Emotion ba, papantay yata yun sa Chiquitita heheheh

Pao syempre wala na akong dignidad eh kaya nilubos lubos ko na.

Klet Makulet haha syempre wala akong ikinakahiya jan kaya nakabalandra lahat dito!!!

Jepoi oo in a few years pwede na ibenta ang prints nyan hahaha

Dhianz salamat sa patuloy na pagappreciate hehehe OO bibigyan kita mamaya!!! gagaw ako, naging busy lang lately kaya hindi nakalibot sa blogs at panandaliang nakalimot!

Ester Yaje salamat! sana ipinaliwanag mo sa classmates mo na hindi ka baliw baka kasi pagtsismisan ka na sa school

yoshke haha ako rin natawa sa kay Miss Peace kaya nakonsensya ako kasi mabait sya... salamat sa pagdaan!

Yffar'sWorld buti nga walang camera nun kasi umiiyak ako nun eh! haha

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT SA INYONG PAGTYATYAGA, SMOOCHCHUPA!

Traveliztera said...

Bibo ka na talaga, bata pa lang!
PEACE boy ka na, bata pa lang!

Dala mo sila hanggang ngayon!


PS Pag may speech ka, mag mindread ka nalang with Mama Doris... Bigyan kita libreng course pano magkapowers. Hahaha! Lola ko si Galadriel e. Sana nagegets mo joke ko. haha!

PS 2 Gawa tayong timemachine, dadala ako camera para makuhanan ung epic raining chiquitita scene mo.

PS3 Sana mameet mo si Princess Peace. tapos tutugtog yung "nanghihinayang" na kanta. hehehehhe! baka mamaya ala demi moore na pala o. lagot ka

PS4 sana mabasa ni Ms. Hope yung sinabi mo. hahaha. karma na ung kuliti mo haha

macz said...

almost 1 month na pla kong di nkakadaan dito..eto pa yung post na last kong nabasa..dami ko pang babasahin..nxt time nlang pag tapos na ang thesis defense nmin.. :))

Jenny said...

More than a year na ang nakalipas since you posted this. Grabe, pinipigilan ko lang talagang humagalpak sa tawa Glen! Kasi kasalukuyang nandito ako sa office at dumating ang isnabero kong Boss, kaya hagikhik lang ang ginawa ko. Di ko mapigilan ang sarili kong hindi magcomment e'. haha Nung bata ka parang ang tino-tino mo, siguro ganun talaga, nung bata anghel ang itsura, nung malaki, lumabas ang lahat ng tinatago mong masamang espiritu sa katawan. Tignan mo yung mga paa mo, hindi talaga umabot sa sahig. Ano bang height mo na ngayon? haha. Nakakaloka talaga, grabe. Naexercise yung abs ko kakatawa sa post na to'. Mapanglait ka, mamaya makita mo si Ms.Peace ngayon mainlab ka. hahaha! You're such a funny guy talaga! Di na ko magtataka kung bakit hanga sayo ang apat na kumag na authors ng Mgaepal.com. :)

Senyor Iskwater said...

bata ka pa lang kakikitaan ka na ng aburido at poot sa paligid... now I know....

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding