music review - or how to waste your precious time

One of my illegal hobbies is downloading music, and lately naging daily activity ko na ang maghanap ng mga new/latest albums para i-download at nang sumigla naman ang aking buhay. Marami na rin akong na-download at kulang ang aking oras para pakinggan lahat, nahirapan akong mag-schedule. Hindi nga ako lumalabas kapag weekends eh para lang mapakinggan ang mga dinownload ko. I hate my life!

Pero gumawa ako ng list ng mga remarkable downloads*. Kung mahilig ka sa music, this list is for you! If you're not interested, go to www.lemonparty.org.



Doo Wops and Hooligans
Bruno Mars

Magaling umawit si Bruno, parang ako. Truth! Magkaboses kami kapag kumakanta ako sa banyo, lalo kapag sinasabayan ko ang too-good-to-be-true na "Just The Way You Are", naco-confuse ang tenga ko kasi hindi ko na ma-distinguish ang boses ni Bruno Mars at boses ko! Aheytit! Bruno Mars, get a life.

Napaka-cheesy ng album na ito. Parang gawa ito sa Kraft Eden Cheese. Si Kuya Bruno, napaka-shameless sa pagpapaka-manwhore sa mga gurls. Parang lagi syang harana mode. Lahat ng pampakilig ay sasabihin nya, sa ngalan ng kantot. Mabenta!

Maraming songs dito ang pwedeng gawing theme song ng mga bagets na nagsisimula pa lang tubuan ng pubic hair eh lumalandi na sa school. Approved.

When to play: Habang kumakain ng Cheese sticks, Cheez-ums at Cheese Bread... while playing chess.

The Element of Freedom
Alicia Keys

Nung una kong narinig si Ateng Alicia Keys sa awitin nyang "Fallin'" ay minahal ko na sya. Bilib ako sa kanya dahil sya ang sumusulat ng mga kanta nya, and over the years she keeps coming up with songs na masarap sa pandinig.

Itong latest nyang album is all about love love and all that overrated shit. Pang-relax lang habang nagse-sensations. Approved.

When to play: Sa kalagitnaan ng pa-tweetums na foreplay o sa seryosohang totnakan.

Danger Days: The True Lives of the Fabulous Killjoys
My Chemical Romance

Yung mga nauna nilang album na "Three Cheers For Sweet Revenge" at "The Black Parade" ay masyado kong dinibdib at dinamdam with matching pagme-memorize ng lyrics. I kinda feel sad na iba na ang tunog nila ngayon, hindi na yung dating pop punk or "emo".

Enjoyable pa rin naman ngunit sana bumalik sila sa dati nilang musical at lyrical style dahil nakaka-miss. Kaya My Chemical Romance, kung nagbabasa kayo ng blog ko, ayusin nyo mga buhay nyo!

When to play: Habang humihilom ang mga nilaslas na pulso na bugso ng isang madilim na nakaraan.

Viva La Vida
Coldplay

Sa lahat ng na-download ko ito ang pinaka-favorite ko. Magaling magaling magaling clap clap clap. It's all about optimism, a celebration of life, all that shit.

Pero bakit ganun, positive ang mensahe ng mga awitin pero ang lungkot ng feel? Parang soundtrack sa lamay.

OK kumanta ang vocals ng Coldplay kaso nakakainis hindi ko masabayan ang songs nila sa videoke. Masakit sa lungs.

When to play: Huwag sa videoke.

Science And Faith
The Script

Para sa akin, tatlong male singers ngayon ang may pinaka-magagandang boses: Jason Mraz, Bruno Mars, at Danny O'Donoghue (The Script). Ka-level ko sila.

Sa lahat ng na-download ko ito ang pinaka-favorite ko. OK, sinabi ko rin yan about Coldplay pero binabawi ko na, this is it. The first time I heard The Script ("The Man Who Can't Be Moved" - give me one person na ayaw sa kantang yan, I challenge you) eh gusto ko na ang tunog nila. (That reminds me, next time na mag-vivideoke kami, ito ang kakantahin ko. Noted.)

(Ang daming parentheses.)

Itong latest album nila eh puno ng napakagandang songs, high on melody at cheesy lyrics. Mabenta. Kung cheese rin lang ang sukatan eh ma-iinsecure ang cheesiness ni Bruno Mars. Alam mo yung feeling na first time mong marinig ang isang kanta, tapos mapapaisip ka "Inay, I like this shit!", yun ang pakiramdam ko sa buong album. Approved.

When to play: Habang nagpapahid ng Cheez Whiz sa buong katawan...

My Beautiful Dark Twisted Fantasy
Kanye West


This album is massive. Sa lahat ng na-download ko ito ang pinaka-favorite ko. OK ilang beses ko nang nasabi yan. Basta, ang ganda ng buong album na ito. It's hard to hate Kanye West matapos ang mga pinagsasabi at pinaggagawa nyang ka-asshole-an, dahil magaling sya magproduce ng music.

OK, hindi marunong kumanta si Kanye West. Sintunado nga sya kapag live. Sa ibang artists, nagrereklamo ang fans kapag nagli-lip sync sila during a live performance. Kay Kanye West, nagrereklamo ang fans kapag hindi sya nag-lip sync. Bukod sa sintunado, ka-boses nya yung kapitbahay nyong abnormal na child molester.

Pero maganda pa rin ang mga songs. Approved.

No wonder this album is Rolling Stone's Best Album of 2010.

When to play: Kung ayaw mo kay Taylor Swift.

Gold
The Cranberries

I think lahat tayo ay may alam na at least one Cranberries song, at one point in our lives, naka-relate rin tayo sa makabagbag-damdaming Zombie, Zombie, Zombie-eah, eah, eah. Hindi ko alam kung paano natin nai-relate ang "Zombie" sa ating personal na buhay but it happened (at least for me, nagamit namin sya sa Nutri-Jingle noong high school).

Itong latest album nila eh compilations lang ng kanilang greatest hits. "Ode To My Family", "Linger", "Dreams", lahat nandito. Bakit mo nga naman bibilhin lahat ng albums nila kung yung mga nasa videoke machine lang naman ang balak mong pakinggan? The best itong album na ito.

When to play: Habang umuulan at nakatitig sa labas ng bintana, ang mga puno at halaman ay sumasabay sa simoy ng malamig na hangin na para bang umaawit ng "My mother, my mother she hold me!" O di kaya ay habang naglalaro ng Plants vs Zombies.

Volta
Bjork

Bjork is my favorite weirdo. Bago pa dumating si Lady Gaga at ang pagsusuot nya ng damit na yari sa karne, nauna na si Bjork na dumating suot ang damit na yari sa swan.

Volta is not her best album. Mas maganda pa rin ang album nyang Medulla, kung saan lahat ng kanta ay ginamitan lamang ng human voices, walang musical instruments. Itong Volta ay hindi ko maintindihan... Nababagabag ako... nagkakaroon ako ng mga bangungot dahil hindi ko maunawaan ang gustong iparating sa akin ni Ateng Bjork.

When to play: Habang nalululong sa katol o paint thinner.

Nicki Minaj
Pink Friday

Maraming "singers" ngayon ang hindi naman marunong kumanta, ginamitan lang ng Autotune para i-correct ang mga off-key notes. Pero minsan, may mga new artists na talagang masasabi mong "Inay, ang galing kumanta". At isa si Nicki Minaj... sa mga umaasa sa Autotune.

Bitch can't sing!

At least she can rap and amusing ang mga rhymes nya. Sabi nya, "I'm a bad bitch, I'm a cunt!" Okay!

Super enjoyable ang album! In fact, kapag napuno ang 64GB, ito ang una kong buburahin.

When to play: Habang nagjajackstone.

Recovery
Eminem

Seryoso na si Eminem you guys! Whatever. Magaling pa rin syang mag-rap at catchy pa rin ang mga hooks at chorus ng songs. At mukhang mas mabait na sya nowadays.

This album is about recovering from addiction to cuticle remover (or kung saan ka man nalululong nowadays).

When to play: On your way to the public market. Whatever. Bahala ka kung kelan mo gustong pakinggan ito. Buhay mo yan at malaki ka na.

The Beginning
The Black Eyed Peas

Puro auto-tune! I did not like it. Hindi ko ito approved! Para akong nakikinig sa robots, at bawat song ay parang ringtone. Hindi ako makasabay na gaya ng pagsabay ko sa nakaraang album nila na may "I Gotta Feeling, Woohoo" at "Boom boom boom? Boom boom boom?" Sana bumalik sila sa dati nilang style, yung totoong old school music.

Sino ba naman ang hindi na-touch sa classic, life-changing at napaka-meaningful na awiting "My Humps"? Please bring that back.

When to play: Habang chumuchorva. Ikaw na bahalang magbigay ng definition sa "chumuchorva".

Back To Black
Amy Winehouse

This bitch is the shit! Alavet. Walang itatapong awitin sa album na ito. OK, tunog cabaret, but it's good. Approved.

I like Amy Winehouse kahit trash sya. Actually, yung boses nya eh parang boses lasing - at malaki ang chance na lasing nga talaga sya.

May sarili syang identity at style. Basta. Magaling syang mang-aawit.

When to play: Sa mga nakaw na sandali... from hugas-hugas to punas-punas.

Animal
Ke$ha

This album is a waste of space (no offense to her fans, opinion ko lang). If you think Tik Tok was stupid, wait till you hear the rest of the album, yung mga songs na hindi na-release as singles.

Isa si Ke$ha sa mga "artists" na nakinabang nang matindi sa Autotune. Sa tingin ko, hindi talaga sya marunong kumanta. At ang mga lyrics nya, sablay... pang-trailer trash whore. Magpopost ako ng separate discussion about Ke$ha. Oo discussion talaga.

Ang pangit ng album na ito. I-download nyo na at nang ma-experience ninyo.

When to play: Sa lamay ng bwisit na kapitbahay.

Maraming salamat mga Kids sa paglalaan ng inyong mahahalagang sandali. Nawa'y nakatulong ang aking "review" sa pagpili ng musikang nais nyong pakinggan upang sumigla rin ang inyong buhay. Up Next: An in-depth analysis of the catastrophe known as Ke$ha.


*(Yung ibang mga albums eh hindi talaga "new" pero yun ang latest album nung artist).

(At talagang nagpaliwanag ako enclosed in parentheses).

76 comments. Post your comment here.:

Reesie said...

Nasisira ang replay button ko sa Doo Wops and Hooligans na yan! I'm crazy and in love with Bruno Mars. Yeah, I am an adulterer!Haha. May favorite songs aside from the two popular songs of his (Grenade & JTWYA) are Marry Me, The Other Side, Talking to the Moon... actually when I think of it, lahat ng kanta ng album! At bumili talaga ako ng album niyang 'to kahit may link ako for illegal churva. Haha. Ganon ko siya ka mahal.

My Humps? Classic? Waahaha. Natawa ako. Hindi ko na rin gusto yung music nila puro auto-tune nalang at nonsense na lyrics. Kaya nakikinig ako ng music nila habang ako ay naglilinis ng kubeta. Haha

khantotantra said...

andami mong albums na ni-review. At very educational kung kelan magandang patugtugin ang mga songs. Depende kung upbeat o kung nakikipag-otso-otsohan :p

btw. sir glen, pa-update ng link ko, same url pero dapat madedetect na ung rss feed. hehehe. salamat

Maldito said...

Matanong ko lang. san ka ba nagdodownload? Sa mp3boo.com? ahahaha...pareho pala tayu ng bisyo e.
Pareho tayu ng genre sa mga artist..
Yung the script na yan...paker sila. Ginaya nila yung style ko sa pagsusulat ng kanta. lols.
sa lahat ng binigyan mo ng review dito, the script talaga yung favorite ko.
dati dinownload ko rin si kesha...hindi pa natatapos ang isang kanta dinelete ko na. aksaya ng bandwith angpotah.
kung sa old skul din lang naman, cranberries parin ako...parating kinakanta yan ng officemate ko pag mag basagan blues kami.
ewan ko lang ano meron, pero madali akong malasing pag kinakanta niya ang cranberries. lols.
try mo din idownload ang hillsong, within temptation (totally opposite sa hillsong kasi may pagka goth sila), we are the fallen,
actually ang dami kong album sa laptop.aahaha..songs ata yung may pinakamalaking space na na occupy sa laptop ko.

KUMAGCOW said...

I love bjork, she's my favorite weirdo too lalo na yung sumisigaw nya na kanta tsaka yung nagiging bear sya. Si Kesha parang parepareho lang ang tono iba lang lyrics hahahaha.. nicki minaj is a black gaga.. oo gaga sya hahaha

I never listen to Kanye west kasi bwisit sya pinahiya nya si Taylor Swift na crush ko!

ayoko na nakikireview nako hahaha

The Gasoline Dude said...

Favorite ko The Script ngayon. Sobrang naka-relate ako sa 'The Man Who Can't Be Moved'. Parang gusto kong laslasin ang leeg ko ng blade dahil sa kaemohan ng kanta. Favorite ko din Breakeven.

Bakit walang OPM?

asiong32 said...

im a big fan of bruno mars...i also like amy winehouse and the script... agree ako sau about kesha...no offense din sa mga fans nya. peace! lol

Xprosaic said...

natuwa naman ako sa sinusulat mong when to play lol... majority ng nasa list mo gusto ko rin... hehehhehehe... Depende talaga sa mood kaya nga malaking tulong ang "when to play" eh... ahahhaahahahha

Ester Yaje said...

ngayon alam ko na. pero napag-isip-isip ko, hindi naman ako bumili ng cd. mahilig lang akong mangpirata at mag download sa net. nwei, ba't walang OPM? or hindi ko lang alam? hehehe

Will said...

Wow, karamihan dito, nadownload ko rin illegally! hahahaha. Ayoko lang kay Kanye talaga, wala pang taylor incident. Me thinks he's an asshole. hehe

russ said...

hahaha.. oi meron ako nyag sa cranberries, kay bruno mars tsaka sa the script.. woohhooo.. love their albums.. :)

MiDniGHt DriVer said...

hehe.. gusto ko yung back to black at kung kailang sya dapat iplay :0

my-so-called-Quest said...

sbai ni ke$ha hindi sya nagauautotune? pero mukhag nakalulon sya ng autotune machine e. hahah

yes to most of this, wino's back to black ,recovery,gold, viva la vida, lahat ng album ni a keys at kay kuya bruno, mainstay ng palylist ko. apir!

Dhang said...

kapansin-pansin din pala sa'yo 'yung mga artist na pinagkakakitaan ang autotune. hehe. parang si sandara lang ng 2ne1. :D

kahapon nagbackread ako sa blog mo at nadaanan ko 'yung isang kanta ng the script na paborito ko din. 'di mo pa nga nilagay ang title. hehehe. ('di ko rin sasabihin).

at pareho tayo na gusto si jason mraz, bruno mars at bolaista ng the script (ang hirap ng pangalan eh, 'di ko natandaan.. hehe).

Dhang said...

**bokalista pala.

isa pa gusto ko din cranberries at bjork dahil gusto din sila ni kitchie nadal na idol ko. wahaha!

kikilabotz said...

ah magkakaboses pala tayong tatlo nila bruno mars... gawa din kaya tayo ng album..hehe

Neneng Kilabot said...

haha nice review ser..

si kanye west may pagka gago nga daw.. pero trip na trip ko musiko nito..

at ang cranberries, isa sa mga paborito kong banda.. at paborito kong kantahin sa videoke..ahahaha kanta rin pala nila ang nagpanalo sa akin ng umaatikabong P100 mula sa lasing na ama ng aking kaibigan.. hahaha

hArTLeSsChiq said...

salamat at napasama ang peborit kong cranberries :D hindi naman masyadong halata na nagvivideoke.

kadaming favorite, alin ba talaga?? Hmmm mai-dl nga yung iba diyan, naengganyo kasi ako sa when to play churva mo. LOL

hArTLeSsChiq said...

sori di ko maiwasang sundan agad ang comment kahit nasabi ko na naman sa taas, natawa lang ako sa WV : burat hahahahaha

Yj said...

bakit wala ang album ng

MY PUSSY BELONG TO DADDY?


of all the albums i illegally downloaded last year... yan ang pinaka powerful!

ISTAMBAY said...

fav ko rito ung craberries.. isa sa unang cd na nagkaron ako.. achuwali.. cassette tape ang uso noon..

nice review parekoy glentot..

Jepoy said...

Ang ganda ng structure and you write very well.. Blog on...

Sendo said...

andami mo namang kaboses----isa lang sure ako....ka-boses ko si danny o'donoghue ng the script---watever haha...pag nag rap si eminem...feel na feel mo, tatalon pati puso mo...galing nya talaga

gerg_gerg said...

ang dami ko natutunan sa review na to. from now on, magiging music lover na ko. :)

Robbie said...

Napaka eclectic naman pala ng taste mo in music. Laveet! I agree with The Script!! Cheesy lyrics pero nadadala ng songs nila eh. Tipong maypagka boyband pero may additional roughness kaya hindi too cheesy. My fave song from them is Breakeven. Wala lang. They will be having a concert here on April 16! :D

Sean said...

post ka nga ng vocals mo glenn para naman marinig namin haha! i also love the script, coldplay and bruno mars. i agree, disappointed with bep.

Pipo said...

The Script, FTW!

Totorrent ko mga 'to once mapagawa ko na yung laptop ko na 50 years ng sira dahil di ako marunong mag prioritize ng gastusin.

P.S.

Try mo din ang One Republic. =]

Spiral Prince said...

sooo...san jan ang pinakikinggan mo ngayon, glentot? I look forward to your Kesha(god di ko ma-i-spell ang pangalan niya) entry.

domjullian said...

wow. clueless ako sa lahat.

egG. said...

wow at dahil jan... makikinig ako ng eminem songs....

namiss ko tuloy siya....

thanks sa reviewww.... :D

Pao said...

haha. Grabe naman yung mga 'When to play'. Colplady is my fave out of all featured artist and I agree, Bruno Mars writes the cheesiest songs. wew

Kamila said...

shalamat! Hahahahah.. gusto ko din magdownload..pero nawawalan ako ng gana kapag naaalala ko na hindi ko naman malalagay sa i-pod ko. pero... download ko yung ilang mga gusto mong album.... salamat! useful mga review mo.

gasti said...

salamat sa mga reviews. icoconsider ko ang mga to sa mga ido-download kong kanta. parang trip ko i-dl tuloy yung coldplay, eminem saka the script.

pero wala kang binaggit ni isang OPM album? san ka ba nagdl ng torrent file?

kalokang Pinay said...

Haha, thanks sa post mo, na-affirm na kahit lola na ay ok pa rin ang taste sa music. Isa lang ang diko kilala at pinapakinggan, pero sa description mo diko kawalan yun. More reviews please =)

-mark- said...

hahaha, natawa talaga sa mga "when to play:"

..bruno mars, hindi ko pinapakinggan yan kasi lagi siyang kinakanta nung klasmeyt kong hindi nagkakaskas ng libag kaya pag pinapatugtog mga kanta nyan, "libag" ang nasa isip ko.badtrip.

..si aling bjork, hindi pedeng mawala yan sa list ko kasi gusto ko siya.
..the script masarap pakinggan kahit nasan ako.

Emmaleigh said...

music is your life ba?haha

tulad mo, hinde ko din feel ang mga naka rely na lang sa auto-tune. nakakainsulto lang sa mga singers na ginagamitan talaga ng technique haha nakakahiya ke kumareng Alicia Keys.

SweetIsh said...

I so love COLDPLAY! Bruno Mars, My Chem and The Scripts are AWESOME!!! Although I hate Nicki Minaj and Ke$ha dahil sa mga boses nila. pero lakas lang makaparty party nung music nila so do The B.E.P! :)

krn said...

sample nga ng boses na mala bruno marz.. sample sample!hehehe i like coldplay too.hehe may masabi lang :)

Diamond R said...

ma download nga ang mga ito. at mailagay na ang mga recommendations when to play.
aabangan ko ang catastrophe known as ke$ha.

Michael said...

Bago ang lahat, bakit ganito blog mo, Andoy? Ang tagal mag-update sa blog roll ko.. Iyon lang..

Disagree ako sa iyo sa Black eyed peas. Mas daring nga sila sa mga music nila ngayon, kaso lang na-miss ko nga iyong "My Humps" nila, kasi ever since nun, tinitingnan ko na ang mga babae from humps pataas.. Ahihihihi...

At, iyong kay Amy Winehouse, mas napanindigan pa nga ng Glee iyong kanta niyang Valerie.

Bahdawey, si Nicki Minaj at Ke$ha, mga feelingerang bitches iyan. Hindi nila matatapatan si Lady Gaga kahit kailan, dahil sino ba ang makakagawa ng entrance sa Grammys tulad niya na nakasakay sa itlog?? Sino??

lhay said...

very educational ang when to play to set the mood nga naman.

saka ilang beses nabanggit and cheese, nainspire kb kay bulakbolero??

aq, favorite ko si Lady Gaga, Beyonce, Alicia Keys at Britney SPears.

♥superjaid♥ said...

aabangan ko ang next post hihihi anyway..i love bruno mars lalo na ang just the way you are hehehe =)

rah said...

thanks for featuring this. Astig yung review mo. Ang galing mo magdescribe. Parang naririnig ko talaga yung album at parang gusto ko talaga pakinggan yung mga positive reviews mo :)

it definitely saves me time.

KikomaxXx said...

hahaha... wee salamat andoy samga reviews.. weee aantayon ko talaga ang discussion about kesha kasi i also hayt her.. ahhaha.. bitter much...

glentot said...

Reesie looks like you raped the repat button on your iPod for Bruno Mars hahaha.... Gusto ko rin yung The Other Side... "Truth of the matter is I'm complicated..." hehehehe

khantotantra inupdate ko na! oo nga no pano mo nalamang ganun pala ang dapat gawin?

Maldito sa isohunt ako nagtotorrent hehehe kasi trusted... So sumusulat ka pala ng kanta at ang kapal ng mukha ng The Script na gayahin ang mga nasulat mo... Hillsong? Hmm pag-iisipan ko yan... Narinig ko na yang Within Temptation, at tama ka, dapat kong i-download ang We Are The Fallen dahil nandun ang ex Evenescence members at paborito ko ang Evanescence...

KUMAGCOW Ah I know that video, Hunter ang title! Natakot ako dun nung minsan napanood ko yun sa MTV at mag-isa lang ako sa bahay... I like Nicki Minaj a bit... Actually Kanye did Taylor a huge favor!!! hehehe

The Gasoline Dude hahaha ako rin nakarelate ako dun nang literal kasi yung part na "Going back to the corner where I first saw you..." Nyahahaha. Maganda rin yung Before The Worst. Ah hindi ako masyadong updated sa OPM eh hehe

asiong32 Amy Wino is soooo good... parang same tayo ng likes.

Xprosaic haha nakarelate ka dun sa mga pangtotnaks na songs no? hehehe

Ester Yaje hindi rin ako bumili ni isang CD jan... Walang OPM hindi ako updated eh wala kasing TV sa bahay hahahaha

Will hahaha! oo matagal na syang asshole before pa yung ginawa nya kay Taylor... Actually pati si George W Bush eh ginago nya on live TV... gusto ko si Kanye kahit hindi masyado sa lyrics, focus na lang ako sa sound.

russ haha mahilig ka siguro sa love songs hehehe

Midnight Driver oo naman! magandang soundtrack un

my-so-called-Quest haha sinungaling yung Ke$hang yun. Sabi rin nya 18 years old sya pero mukha naman syang losyang... Nice to know we listen to the same songs

Dhang wow trivia yan about Kitchie ahh, gusto ko rin si Kitchie, maganda yung album nya noon. Ah oo nga naalala ko yun!!! Hahaha ng corny corny pa ng sinulat ko tungkol dun! Sayang nga walang new album si Jason Mraz medyo matagal na yung last eh

Kikilabotz go! Gawa tayo ng photo album ahahahaha Oo naalala ko nga ung boses mo Bruno Mars nga! Lalo nung kinanta mo yung Heaven Knows!

Neneng Kilabot Oo gagu talaga yun pero aminado naman sya hehehe yung song nga nya na Runaway eh binabash nya ang sarili nya

hArTLeSsChiq hahaha ano ba naman yang WV na yan! I swear wala akong knialaman dun ahahahaha sige go magtorrent ka sa isohunt.com

YJ ahahaha pakyu! Alam ko nagustuhan mo yung song na yun!!!

ISTAMBAY haha oo nga, actually bumili ako noon ng casette tape nila ng una nilang greatest hits album na STARS... TAPE talaga ahahaha

Jepoy pakyu! Bitch ka nag-abroad ka lang hindi ka na nagbabasa ng blogs ng iba! What a bitch!

glentot said...

Sendo hahaha sige kaboses mo sya! Nung may sore throat sya ahihih joke! oo nga si eminem, medyo inayawan ko lang sya nung masyado nang personal life nya ang raps nya hindi ako makarelate kay Hailey eh!

gerg_gerg haha at sa post ko pa ikaw naconvince! salamat

Robbie Oo nga eh! Syempre sky high na naman ang ticket prices... Favorite song ko rin sa kanila yung Before The Worst kaso ang hirap sabayan kasi ang bilis...

Sean wala namang laglagan ahahahaha sige aaminin ko na hindi ko sila ka-boses, surprise! hahaha

Pipo naku unahin mo na ipaayos yang laptop mo before anything else... Meron akong first album ng one republic na hindi ko man lang napakinggan hehe sige try ko sila... thanks sa suggestion :)

Spiral right now (na sumasagot ako ng comments), Viva La Vida... ahaha na-pressure naman ako sa paglook-forward. Now I have to bash her so hard...

domjullian oh no! kahit sa cranberries? hehehe

egG haha yung old songs ni eminem namiss mo? Slim Shady haha

Pao oo nga mabenta ang coldplay sa lahat... must be their older songs like The Scientist...

Kamila bakit hindi mo mailagay, pinuno mo na ba ng apps? hehehe

gasti The Script unahin mo! You won't regret it hehehe... wala akong masyadong alam sa OPM kasi hindi ako nakakanood ng TV... Sa isohunt.com ako nagdadownload kasi trusted sya...

kalokang Pinay wala sa edad yan haha... Hmm hulaan ko, either Kesha or Nicki Minaj?

-mark-bruno mras ahaha hatred by association... pampatulog ko kaya si Bjork! kaso nagugulat ako kapag bigla syang sumisigaw nang walang dahilan

Emmaleigh yup music is my life kung pwede ko lang kainin yung mga dinownload ko eh hehe oo nga, pandaraya talaga yang autotune... madownload nga ung software na un.

SweetIsh wow bihira ang girls na may gusto sa My Chemical Romance ah... oo nga pang-party moments lang ung mga BEP etc... pero in a few years limot na ung songs nila

krn haha laglagan ba! sige magrerecord ako... may autotune rin

Diamond R sana maenjoy mo ang madadownload mo hehehe

Michael magkaiba talaga tayo ng taste... hahaha hindi na kasi ako nanonood ng Glee... nagsawa na ako sa musicals... haha oo nga si lady gaga kung ano anong pakana ang naiisip. Baka next year hubot hubad na syang pupunta sa Grammys

lhay hmm may cheese post ba si bulakbulero, macheck out nga hehe... Ah mahilig ka rin sa pop music...

superjaid oo naman classic na yun hahaha

rah aba may naka-appreciate ng seryoso sa post na ito hehehe thanks! actually hindi naman ako reliable na critic kasi personal choices lang naman yan. try and listen na lang malay mo magustuhan nyo rin haha

KikomaxXx hahah may galit kay Ke$ha, napressure tuloy ako na babuyin sya! hehehe


THANKS EVERYONE MWACH MWACH SMOOCHCHUPA.

orally said...

i love

amy winehouse
alicia keys (gusto mo ng picture nyang may cameltoe?)
kanye
eminem
coldplay

what's your take on Mika? (wala lang favorite ko yung baklang yun?

at potah talagang pinuntahan ko ang lemonparty.org na yan

Sows said...

san ka nagda download? nakakainggit ang collections mo ah. kc ako pinagiipunan ko pa ang cd's nila. oo nga nma, pwede namang mag download.


first tym to comment long tym reader, parekoy. by the way, marekoy ako. hehe :P

Vajarl said...

So.. do yiou have any other illegal hobbies? :D

I also fell in love with Alicia Keys when I heard Fallin. Tapos narinig ko pa yung kanta nyang Karma, eh medyo bitterbitteran ako ng mga panahong yon kaya sinamba ko sya. Bwahahahahaha.

People say Coldplay is gay. And I still don't understand why. Honggondogondo kaya ng mga kanta nila, I mean, people used to attribute 'gay' to negative stuff, na hindi naman dapat kaya gusto ko silang paghahambalusin. Kahit dun sa previous album ng Coldplay lalalove ko ang songs. Hihi.

You missed Ryan Tedder of One Republic. Na inlove ako ng bonggang bongga sa boses nya head over heels may tumbling pa.

And Amy Winehouse is a Goddess. Goddess.

lhay said...

A for effort!na-amaze aq sa pagsagot mo sa mga comments ng readers mo.very precise. nice one glentot!thanks!=)

russ said...

hehe.. di naman ako masyadong mahilig sa lovesongs but i really love bruno mars..haha.. so brilliant singer.. suggestion download mo album ng mae ung everglow.. hehe.. :)

APE said...

Bat ba lagi akong huli sa pagcomment. :(

anyway, oo magaling si Bruno Mars. pero kaya rin siguro siya magaling ay dahil isa siang Cokehead. wala talagang taong perpekto.

The Script's 'Nothing' = TANGINA THE BEST.

KESHA = TANGINA.

Spiral Prince said...

asus, you don't have to bash her so hard. just do it heartily. hahahahaha. oh, the irony.

Donato said...

aUs sa r3viEw aH. eIh, vAt hEnDiEh PoW kHaZaMha yOn9 fEvOuReIt Kon9 Si aPrEil VoUy? jEj3Je!

Jag said...

Halos lahat ng choices of artists and songs mo ay love ko din...even Bjork fave ko din xa lalo na yung "state of emergency" niya hehehe...and I remember Bjork visited Japan and sinabunutan niya yung reporter na babae dun for no reason at all hahaha...

- A n g e l - said...

Hahahaha natawa ko sa comment ni Ape! Kesha songs are okay, just don't listen to them ng sunod-sunod kasi walang pagbabago. Haha. I actually like playing Your Love Is My Drug habang pinapaliguan ko aso ko. Wehehe.

I heart The Script and Alicia Keys. Pakshet hindi sila tao. Haaaay. Sana mapanood ko sila bago ako mamatay.

runmdrun said...

Hindi pumasok ang una kong comment, aheyreet!
Oki, medyo magkaiba tayo ng taste, never heard of a bjork song (okay, sige kuyugin niyo akong lahat!)
I kinda liked The Script but I've only heard "Nothing" medyo busy kasi... It's me already - translated as "ako na".
Well, if you're into country music, try Lady Antebellum's Need You Now! Panalo ang multi-grammy winning song na "Need You Now"! Parang cheesecake na may filling na cheeze whiz na binudburan ng mozzarella sa ibabaw! Patok ito sa akin! Isang buong linggo ko na pinapakinggan at LSS!
Well, about Ke$ha, waste of time talaga yan kasi kahit mga simpleng note naka-autotune pa ang puta!

Momel said...

Ahaha, tanginang lemonparty.org yan. Hindot kaaa Glentot! Dapat palitan na yang name na yan at gawing Hintot! Di ko makakalimutan na yang lolo threesome na yan, buwiseeettt!

Fayn, di talaga ako mahilig sa music downloads. Tanginang lemonparty.org yan! Buwakanang ina! Kasumpa sumpaa! Hindutin ka sa kumukulong mantikaaa!

Wahahaha!

P.S. Dakiz yung si Top Lolo ha. Hindi pala lumiliit yun pag tuma-thunders.

Cheers Glentot! Muahness from Pasig Citehh!

DENASE said...

I've been playing them once in while when my balls tried to descend leaving me a healthy reproductive organ. I also remember playing one of Bruno Mars' and Kesha's songs sitting in the bowl releasing a massive shit. From then on, everytime I hear their songs, I always remember the moment I release the massive shit in the bowl. That was actually great.

Happy friday folk.

Follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/

Lakbay Philippines said...

huwag na huwag ipatugtog ang coldplay sa videoke please! it's keeling meee!!! hahahaha, lab ko kasing banda an to eh oh.

yung cranberries naman, yokong pakinggan yun pag naglaro ako ng plants vs zombies. baka rarami yung mga zombies. kernel-pult. hehe

uo nga, trash and kumakanta pero sobrang ganda ang mga kanta nya, yang adik at lasenggerang yan, sa apilyedo pa lang.

Ako si Yow said...

Halos parehas tayo ng playlist. Hindi nga lang ako kumukumpleto ng album. Haha. Ilang song lang sa album nila. Nag-iba nga ang My Chemical Romance at BEP, iba na yung tunog. Di na rin kakaiba yung tono nila. Haha. Peborit ko din ang The Script, si Kuya Bruno at si Tito Mraz. Sa akin sila nainspire kumanta. Si Bjork pala ang wala sa listahan ko, mapakinggan na nga.

Ungaz said...

adik ka...hahahaha!Mala Bruno Mars ang boses mo?!Watda...kaw na magilaz!Bilib ako sa talent mo na maintndhan pnagsasasabi ni nicki minaj. pareho lang sila ni lil' wayne ata un na di ko maintindihan.whahahahaha!!!

Lio Loco said...

sa lahat ng pinost mong album, 'yung coldplay din ang pinakagusto ko. astig 'yung viva la vida. there was a time na araw-araw, gabi-gabi ko siyang pinapatugtog. bago pumasok, habang nasa office, bago umuwi, bago matulog, pagkagising, pag naliligo, pag nagjajakol, pag nakikipag-kantutan.

ahm...kalimutan mo na lang na sinabi ko 'yung huling dalawang pandiwa. hihihi!

seriously though, astig nga talaga ang cold play. and that's something coming from a guy who has little musical inclinations, if at all.

Oliver said...

Nice! Ang meron ako sa list mo e ung sa Coldplay saka ung sa The Script.
Try mo album ng Maroon 5, hehe. Sasakit din ang lungs mo sa pagsabay sa kanta. =p

iya_khin said...

gusto ko yung grenade ni Bruno Mars!! kaboses mo sya? naku baka hagisan ka nya ng granada pag nalaman nya! lol

T.R.Aurelius said...

naku, sinabi mo about sa mga autotunes, mga artificial music, hehe

alav the script, impossibleng may haters sila, taena nila kung nageexcist sila, wahahahaha!

:D

glentot said...

orally bakla pala yung si Mika? Isang song lang nya ang alam ko eh, yung Love Today hehehe

Sows hello... sa isohunt.com ako nagtotorrent hehehe kasi ayokong bumili ng CDs... salamat sa finally pagcocomment hehe

Vajarl haha meron din akong album ng One Republic!!! Kaso hindi ko pa naririnig hehehe

lhay haha suplado daw pag hindi sumasagot eh kaya may effort talaga

russ hmm soundtrack ba yan ng Twilight?

APE oo nga nahulihan nga pala ng drugs si Bruno ahahaha... Yeah The Script's "Nothing" is the best song in the album...

Spiral Prince haha I just can't get down and do the dirty deed... Ipopostpone ko na lang yung post na yun...

Donato Jejemon ka na palang hayup ka ahahahaha

Jag sa Japan ba yun? Oo nakikita ko yung video na yun sa Youtube... ang dahilan, 1 month na syang ini-istalk nung reporter na yun kaya naasar na sya... eh kasama nya ang baby nya that day... Motherly instincts...

Angel parating sa Pilipinas ang The Script sa March ata hehehe... Haha kapag nagpapaligo talaga ng aso! Mukha kasing aso si Kesha...

runmdrun mukhang mas galit ka kay Kesha keysa sa akin ahaha... I thought Lady Antebellum was a hip-hop artist, a cross between Lady Gaga and Lady Dynamite ahahaha OK sige pakikinggan ko rin yan...

Momel hahahahahahaha!!! Sa lahat ng pwede kong ma-trick sa site na yun, IKAW PA??? hehehe

DENASE haha do you like Kesha or do you associate her with SHIT? hehehe

Lakbay Philippines everybody loves Coldplay... May logical explanation ba dito?

Yow Mabuti naman at hindi ako ang nag-iisang nanghihinayang sa MCR at BEP... ipapakilala kita kay Bjork!!!

Ungaz maaalala mo yang si Nicki Minaj kasi video nya yung nipost ko noon na puro Check it out Check it out!

Lio Loco ulitin ko lang yung tanong ko kanina, Why Does Everybody Like Coldplay? May universal appeal sila? I can't explain it. At killer nga yang Viva La Vida. Sinisearch ko nga ngayon ang lyrics eh hehe

Oliver meron din akong Maroon 5! Hands All Over! Magaganda rin!!! Ewan ko nga bakit nakalimutan kong i-lagay yung album nila dito sa list...

iya_khin hahah wala na syang magagawa!!!

T.R.Aurelius like any artist, meron silang haters, lalo sa Youtube... kesyo hindi raw sya makakanta ng live... whatever silang lahat ahahha

kaye said...

The man who can't be moved. I am listening to that now actually at sobrang like ko na to bago ko pa nalaman na The Script ang kumanta. I'm not moviiiiinnnnnngggg!

marami sa mga nilista mo dito meron nakong mga album nila.

love na love ko rin si amy winehouse at ang element of freedom ni alicia keys. at si bruno! kaka download ko lang nung earth to mars album niya. hahaha! may iba akong dinadownloadan...mga blogsites na may links to file uploading sites. hindi kasi pwede sa owfis ang torrents e. hehe. ako na ang pirata! (Kids, don't do this)

Greta said...

pwede bang irequest na kantahin mo ung breakeven ng the script pag ngkachance tyo mag videoke togetherness?ala lang i just wanna see your prostates burst!hahah

ay idol ko din pala si amy winehouse kaya project ko ngayon ang magyosi ng 3 packs a day parang maging basag din ang boses ko tulad nya!

Anonymous said...

la ka kwenta glenny..nakalimutan mo si adele!check her songs..-----h

Raft3r said...

magaling din si misis
si janet jackson
hehe

f said...

the script...hanep the best tlaga sila

goyo said...

Bruno Mars, tama ka sa ngalan ng kantot nagiging sweet at romantiko ampota. haha.

Eminem, idol rapper forever.

The Script. Malupet!

MCR. Kahit papano naging paborito ko. Kaya lang nung naging crush ng kapatid ko si Gerard Way, di ko na pinakinggan. lol.

Hindi na ako masyadong updated sa mga magaganda at bagong album ng kung sino sino. Bukod dun, hindi ako paladownload, wala naman kasi akong ipod. haha.

Chiz said...

Kakadiscover ko lang ng blog mo at nakakatawa. Ang witty mo :)

Traveliztera said...

bat wla jan ung album ni glen at khikhi

Marjorie said...

i just discovered your blog today (thanks to mgaepal.com) and i gotta say sobrang natutuwa ako. laugh trip itong post mong ito. i'll be back here to read more of your posts :)

June | Life and Spices said...

Malalaim ang galit mo kay Nicki Minaj ha? hahahaha... The bitch..watch her sa American Idol and see how she comment on the contestants..as ip.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding